Hello, everyone! Isang update lang po muna tayo ngayong araw. Medyo busy kasi dahil graduation day. Babawi po ako after but before that, pahingi po ng thoughts about sa latest chapters 😊 Babasahin ko later 💕
MARAHANG naglalakad sa hallway sa Adeline tulak ang stand ng kaniyang IV drip. Magdidischarge na siya bukas at masyado na siyang nababagot kaya lumabas muna siya. Nasa first floor na siya ng hospital nang salubungin siya ng isang stretcher na tulak ng mga nurses papunta sa emergency room.Kasabay ng pagkabigla ang pagtigil ni Adeline sa paghakbang nang makilala ang pamilyar na mukha ng pasyenteng nakahiga sa stretcher.Humugot ng malalim na hininga si Adeline at tiningnan ang taong kasunod ng stretcher. Si Barron na alalang-alala ang mukha at si Andres Velasquez na may bahid ng dugo ang mga kamay at damit habang nakasunod rin at tila wala sa sarili.Napalunok si Adeline at dali-daling sumunod.Idiniretso sa emergency room si Don Alvaro na walang malay at naiwan naman sina Barron at Andres.“Barron!”Gulat na lumingon si Barron kay Adeline. “M-Ma’am…”“Anong nangyari?”Umiling si Barron, “H-Hindi ko alam, ma’am. N-Nahulog raw po sa hagdan.”Hindi dala ni Adeline ang kaniyang cellphone
“PARA saan, Drake? Bakit?” Hindi makasagot kaagad si Drake. Natatakot na siyang sabihin sa asawa ang totoo dahil alam niyang sobra itong magagalit at maaari pang mapahamak ito at ang kanilang anak pero… Mariing pumikit si Drake at humugot ng malalim na hininga. “Because—” His phone rang just when he was about to come clean. Nahigit niya ang sariling hininga at hindi malaman kung anong gagawin. Malamig ang titig sa kaniya ni Adeline at hindi siya makakilos. Namatay ang tawag pero maya-maya ay muling tumunog ang kaniyang telepono. “Sagutin mo.” Puno ng lamig ang boses at mga mata nito. Napalunok si Drake at yumuko. “I—” “Sige na, Drake.” Napapabuntong-hininga na sansala ni Adeline sa asawa. Alam naman niyang hindi siya ang priority nito. Hindi umalis si Drake sa kinatatayuan. Sinagot niya ang tawag habang nasa harapan ng asawa. “Hello, Hunt?” [It was your uncle, Drake. He was the one who protected your cousin. Hanggang ngayon. He manipulated the company who repaired y
NAGTAGIS ang bagang ni Aries nang sundan si Adeline sa kusina. Nag request ng meryenda ang dalawang bata at hindi nag-atubiling tumayo si Adeline. Nakasunod naman si Aries na hindi pa rin maalis sa isipan ang magandang boses ng babae. She sounded exactly like Shaniya. Hindi niya makakalimutan ang boses nito tuwing kumakanta dahil palagi niya itong naririnig na kumakanta noon tuwing gabi.“Bakit?”Nagulat man dahil alam ni Adeline ang ginawa niyang pagsunod ay kaswal na pumasok pa rin si Aries sa kusina.May balat sa batok si Shaniya. Isang balat na hugis korona kaya kailangan niyang makita ang batok ng babae.Umiling si Aries at diretsong pumasok. Sinadya niyang dumaan sa likuran ni Adeline upang tingnan ang batok nito at nagulat siya nang walang makita.Umayos naman ng tayo si Adeline at tiningnan ang lalaki sa kaniyang likuran. Bigla kasi itong tumigil at ramdam niya ang lapit nito sa kaniya.“What
NAKIPAGKITA si Adeline kay Julieta Cruz para kausapin tungkol sa sinabi nito noong nagkita sila. Nakaupo siya sa sala habang hinihintay ang paglabas ni Julieta.“Kumusta ka naman, Shay? Sobrang nalungkot ako nang mawala ka. Bigla kang naglaho.”Masuyong ngumiti si Adeline. Shay. Ito ang unang tumawag sa kaniya ng ganoon. Ang totoong palayaw niya ay Shan pero Shay ang itinawag sa kaniya ni Judy. Nakilala niya ito noong bata pa sila.“Kailangan kong magtago. Hayaan mo, madalas tayong magkikita kapag okay na ang lahat.”Ngumiti ang babae at tumango. Sakto namang bumaba si Julieta at agad na lumapit sa kaniya.“Ito ang magpapatunay ng pagkakakilanlan mo, Shaniya. Gamit ang fingerprint mo ay mabubuksan mo ang safe ng iyong ama sa bangko. Ipakita mo lamang ang susi na ito sa manager ng bangko at dadalhin ka niya sa kung nasaan ang kayamanang iniwan ng iyong ama. Iyon ang habol ng iyong madrasta.”Mariing n
MARAHAN at mainit ang bawat hagod ng labi ni Drake sa kaniya. He was kissing her fully on the lips while his tongue did wonders inside her mouth. His right hand was on her waist and the other was guiding her head, caressing her jaw. His head moved and tilted to the other side as he continued ravishing her mouth. Ramdam ni Adeline ang panggigigil at pagkasabik sa bawat paggalaw ng labi ng asawa. It was as if he's deprived for a year and he couldn't take the thirst anymore. Nang bumaba ang mga halik ni Drake sa kaniyang panga ay umawang ang mga labi ni Adeline at nakatingalang naghabol ng hininga. Dahan-dahan naman siyang napahiga sa kama nang patuloy siyang hinalikan ni Drake hanggang sa kaniyang leeg. Ang mga kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa mga braso ng asawa. Adeline felt like she was being robbed of air in the lungs. Kinakapos siya ng hininga at labis-labis ang tibok ng kaniyang puso. Nang lumipat ang palad ni Drake sa kaniyang tiyan at marahang humaplos doon ay natig
HINDI halos nakatulog si Adeline. Paulit-ulit na umuukilkil sa kaniyang isipan ang natuklasan niya. Hindi siya makapaniwalang alam na ni Drake ang ginawa niyang pagtataksil. Kinakain siya ng konsensya. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman nang matuklasan niyang alam na ng kaniyang asawa ang kabaliwang ginawa niya. Maaari kayang alam na rin ni Vince na alam na ni Drake? Kailan pa? Maaaring bago lamang nitong nalaman kaya hindi ito nagpararamdam sa kaniya. Nasapo ni Adeline ang ulo. Hindi na niya alam ang gagawin. Ang tanging paraan nalang para maitama niya ang kaniyang pagkakamali ay iwan ang lahat at bumalik sa totoong pagkatao niya pero… Ayaw na niya. Minahal na niya ang pagiging si Adeline Pascua dahil nakahanap siya ng mga taong mamahalin. Paano ang kaniyang anak? Mga batang hindi man nanggaling sa kaniya ay minahal na niya ng sobra. “Miss Desiderio?” Tumayo si Adeline at hinarap ang manager ng bangko. She's wearing a black half mask and sunglasses. Behind h
“MRS. Zandra Desiderio and Diana Velasquez, are found guilty of minor physical abuse. You both must suffer the penalty and pay fines according to the law.” Gumuhit ang isang ngisi sa mga labi ni Adeline habang nakaupo at pinagmamasdan sina Zandra at Diana na halos nagwawala na habang kinukuha ng mga babaeng pulis. Nang magtama ang paningin nila ni Zandra ay nagsisigaw ito at pilit siyang inaabot. Nasa tabi naman nito si Diana na pumapalahaw ng iyak habang hawak ang mga kamay ni Aries. Gustong humalakhak ni Adeline sa tuwa. Hindi sapat ang tatlong buwang pagkakakulong pero sisiguraduhin niyang madadagdagan ang hatol sa dalawa bago pa man ito makalaya. Nilingon ni Adeline si Drake na kausap si Hunter Stunt. Nasa courtroom pa rin sila at gusto niyang lapitan at pasalamatan si Hunter kaya naman tumayo siya. Iyon nga lang, nang makita ni Drake na palapit siya ay bigla nitong hinila at ipinagtulakan palabas si Attorney Hunter Stunt. Nangunot ang noo ni Adeline at pinagmasdan si Drake n
NAIIRITA si Adeline sa nangyari. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi manlang inilaban ni Drake ang karapatan nito sa kompanya. Bakit tinanggap nito ang biglaang pagtatanggal sa kaniya at hinayaan si Aries na magwagi? Paano nito porprotektahan ang mga anak nito? Adeline groaned. Thinking about it makes her crazy. Hindi niya malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Drake. Masyado itong misteryoso. Isa pang pinoproblema niya ay ang nakita niyang litrato. He knows about her forbidden affair with his friend, but he's not saying anything. Itinago pa nito ang nalalaman. Why would he do that? Sa isang restaurant si Adeline at hinihintay si Drake. Tulad ng napagkasunduan ay mag-uusap sila ngayon. She wants to clarify things with him and end everything peacefully. Unfair na ang lahat kay Drake at ayaw na niya itong patagalin pa. Humiling ito ng isang buwan pero hindi na kaya ng konsensya niya. “Kanina ka p
“PARA saan ang bouquet, grandpa?” Kunot-noong tanong ni Drake sa kaniyang lolo nang pumasok siya sa mansyon. Mas nangunot ang noo niya nang mapansin ang sandamakmak na tao sa mansyon at naglalagay ng mga dekorasyon. “At para saan ‘to? ‘Wag mong sabihing welcome party ko ‘to? Isang buwan lang akong nawala, grandpa.” Natawa si Don Alvaro. “Hindi mo ito welcome party, Drake. Kaarawan ng nobya ng pinsan mo. Ngayon rin siya magpopropose kaya naghahanda tayo.” Umismid si Drake. “Sa nobya niya pala e bakit ako ang bumili ng bulaklak? ‘Wag mong sabihing pati singsing ay iniasa niya sa iba.” Tinapik ni Don Alvaro ang balikat ni Drake at bago pa ito makasagot ay dumating ang assistant nitong si Barron. Sarkastikong natawa si Drake nang iabot ni Barron kay Don Alvaro ang isang velvet box na tiyak na singsing ang laman. Si Aries, kung hindi tamad ay palpak. Kaawaran ng nobya pero hindi manlang mag- effort. Kung girlfriend niya ang may birthday, tiyak na aburido na siya ngayon dahil sa bagal ku
TUMAYO si Shaniya matapos abutan ng sobreng puno ng perang papel ang babaeng inmate. Pasimple itong ngumisi at sumaludo pa sa kaniya. “Titiyakin kong mahimbing ang tulog nila ngayong gabi at sa susunod pang mga gabi, madam.” Nagtaas ng noo si Shaniya at marahang tumango. Agad siyang umalis at kalmado ang mukha na naglakad paalis ng visitation room. Gagawin niya ang sinabi niya na paghihirapan habang buhay sina Cherry, Sherry, Diana at Zandra. Mali ang ginagawa niyang pagbabayad ng tao para pahirapan ang mga ito pero kulang pa iyon sa mga kasalanang ginawa nila. Tulad ng kung paano siya nagbayad kanina ng tao para pahirapan si Aries at Andres ay ginawa niya rin ito ngayon. Shaniya won't stop torturing them as long as they're alive. Walang nakakaalam ng ginagawa niya at titiyakin niyang mananatili itong sikreto. Nang makauwi ay sumalubong kay Shaniya ang madilim na mansyon. Sa pag-aalala ay kaagad siyang pumasok pero nang makapasok siya ay agad na may tumakip ng kaniyang mga mata
LIFE is always full of surprises in spite of the fact that it's too short. We don't get everything we want, the Heavens give everything that we need. Gabriel's death taught Shaniya a lot of things. That life, no matter how sad and painful it is—should be appreciated. Shaniya has doubted the Heavens for putting her on a very rough path and letting her suffer in the hands of the devil in human flesh. Nakakapangilabot ang lahat ng pinagdaanan niya pero nagpapasalamat siya na sa huli ay mayroon siyang naging karamay na kailanman ay hindi siya pinabayaan. Drake became her light amidst the darkness. He became her home amidst the storm. Kung wala ito, tiyak na mauubusan siya ng lakas. Isang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang huling trahedya. Gabriel's death has bruised so many hearts. Halos lugmok sina Hunter, Theo, Luke, Kai, at Drake ngayon. Araw-araw nakikita ni Shaniya ang tahimik na pagtangis ng kaniyang asawa. He comes home every night, almost crawling because he's drunk. Sh
“HE was a brother, a friend, a son, a hero…” Yumuko si Shaniya kasabay ng paglandas ng luha sa kaniyang mga mata. Nagsasalita si Drake at ramdam niya ang paghihirap nito. Hindi niya kayang makitang ganoon ang kaniyang asawa. It breaks her heart. Drake gasped. “H-He was…my best friend. S-Sabi ko sa kaniya best man ko siya sa kasal ko…at ninong siya ng anak ko…pero…hindi na niya…nahintay…” Shaniya squeezed her eyes. Pagkatapos ng burol na mapagparusa sa mga pusong lumuluha sa pagkawala ng isang kaibigan, anak, at kapatid—heto sila. Handa nang ihatid sa huling hantungan ang nag-iisang mabait na taong kilala ni Shaniya. All of them are hiding a devil inside them, but Gabriel is like an angel. He doesn't have evilness within him. He was pure. Maybe that's why he was named Gabriel. “I-I told him I’ll find him a girlfriend para hindi naman siya naiinggit sa amin ni Luke pero…p-paano ko siya ihahanap ng kapareha kung bumitaw na siya?” “Ang daya…” Drake sniffed and wiped his tears u
LAKAD-TAKBO si Shaniya sa kahabaan ng hallway papunta sa emergency room para makita ang kalagayan ni Gabriel ngunit hindi pa siya nakakalapit ay nakita na niya ang paglabas ng doktor sa emergency room at mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya kung paano tinakpan ng nurse ng kumot ang buong katawan ni Gabriel. Suminghap si Shaniya at napailing. No! No! Hindi! Hindi pwede! Nanghina ang mga tuhod ni Shaniya sa nasaksihan. Her hands trembled and her brain couldn't accept the realization. Nang tingnan niya ang doktor ay umiiling ito kina Drake na agad tumakbo papasok sa loob at hinablot ang kumot na nakatakip sa kaibigan. “GABRIEL! BUMANGON KA RIYAN, T-NGINA KA! ‘WAG MO AKONG PAGLARUAN!” Umiwas ng tingin si Shaniya sa kaniyang asawa. Seeing him like that tortures her. Namilibis ang luha sa mga pisngi ni Shaniya nang makita niya kung paano napaupo sa sahig si Hunter habang nakayuko at unti-unting yumuyugyog ang balikat. Pinagsusuntok naman ni Luke ang pader at humagulgol si The
PUMASOK si Shun Parker sa isang private property. Malawak ang bakuran at mataas ang pader na nakapaligid sa mansion na nasa gitna ng malawak na lupa. Hindi na siya nag-abalang isara ang gate at diretso nalang na pumasok hanggang sa makapasok siya sa mansyon. ‘Basement. Siguraduhin mong patay.’ Napailing si Shun nang maalala ang sinabi ni Caesar, ang half brother niya. Dumiretso siya sa basement at binuksan ang kandado gamit ang hawak sa susi at tumambad sa kaniya ang nagkalat na dugo habang sa gitna ay nakagapos ang isang lalaking walang malay at duguan. Nagtagis ang bagang ni Shun at nilapitan ang lalaki. Akma niya itong gigisingin nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag ni Caesar. “What?!” [Postpone the plan. Picturan mo si Gabriel at isend mo sa akin. Darating riyan ang isa pang taong ililigpit mo.] Nang patayin ang tawag ay agad na ginawa niya ang sinabi nito at isinilid ang cellphone sa bulsa. Dahan-dahan namang nag-angat ng mukha si Gabriel at halos
“ANO iyan? Suhol?” Salubong ng ina ni Cherry kay Shaniya nang makapasok ng sasakyan. Pumayag na itong tumira sa mansyon kaya agad niyang sinundo gamit ang kotse ni Drake. Ngumiti si Shaniya. “Nabanggit sa akin ni dad na ito ang paborito mong pagkain.” Tinitigan ni Sherry ang box ng buko pie na ipinatong ni Shaniya sa hita nito. Nasa driver seat siya katabi si Cherry at si Sherry ay nasa backseat. Umirap si Sherry at hindi na nagsalita. Umayos naman ng upo si Shaniya at nagsimulang magmaneho papunta sa mansyon. Mali. Her mother hates buko pie at nakumpirma niyang hindi impostor ang babae sa likod nang makita niyang binuksan nito ang box at maganang kumain. Shaniya clenched her jaws and looked at Cherry who's been constantly putting make-up on her face. Binubura nito iyon pagkatapos na tila hindi kuntento saka maglalagay ulit. “Tigilan mo nga iyan, Cherry. Nagsasayang ka ng make-up. Mauubos na ang ipon ko sayo!” Sinulyapan ni Shaniya ang ginang sa likod. “It’s okay. Bibigya
SINAMAHAN ni Shaniya si Drake na magpunta sa opisina ni Luke. His family owns a security agency at magaling rin sa paghahanap ng mga taong nawawala ngunit sa pagkakataong ito pakiramdam ni Luke ay wala siyang silbi. Ganito ang trabaho niya pero hindi niya mahanap ang dalawang taong importante sa kaniya—si Georgianne at si Gabriel. Sht! Wala pang 24 hours nawawala si Gabriel pero hindi nito ugali na maglaho ng walang pasabi kaya agad siyang kumilos nang puntahan sila ng pamilya ni Gabriel upang manghingi ng tulong. Nakaupo sa pahabang meeting table sina Luke, Hunter, Theo, Kai, Drake, at Shaniya. “Huling nakita sa CCTV si Gabriel sa hospital. Nakita niya ang isang Doktor na si Caesar Palacios kasama ang isang babae. Sinundan niya hanggang sa basement parking…” pagpapaliwanag ni Luke habang nagpiplay ang CCTV footage sa isang TV. Nakakuyom ang mga kamao ni Shaniya. Naipaliwanag na ni Hunter Stunt sa kaniya ang posibilidad pero hindi pa rin matanggap ng puso niya na maaaring nilok
UMAYOS ng tayo si Shaniya at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. “Sasama ako, Drake.” Tumango si Drake at tiningnan ang tauhan. “Ihanda mo ang kotse. Susunod kami.” Nang makaalis ang tauhan ay hinarap ni Drake ang asawa habang hawak sa magkabilang pisngi. “Baby, I need to tell you something.” Lumunok si Shaniya at hindi niya inaasahan na bigla siyang kakabahan. “Ano iyon?” “Pinaimbestigahan ko ang mommy mo.” Nangunot ang noo ni Shaniya. “What? Why?” Bumuntong-hininga si Drake. “I feel like something's wrong but just this morning, nakakuha ako ng impormasyon kung saan dinala ang mommy mo matapos maaksidente. It was said na suicide ang nangyari. Nawalan siya ng alaala at hindi na nakabalik pa inyo matapos iyon.” Umiling si Shaniya. “Suicide? Imposible! Bakit?” “Nagkasakit siya. Nagkataning ang buhay kaya ginustong wakasan.” Nakaramdam ng paninikip sa dibdib si Shaniya. Mas lalo niyang gustong makita ngayon ang ina kaya naman hindi na sila nagsayang ng panahon. Agad silang p