Hello:) Sorry po sa matagal na hindi pag-update. I will continue updating na po starting today. I know masyado na akong demanding for asking this pero, I'm still asking you guys to continue supporting the story by leaving reviews and sending gems. Help me po na tumaas ang rating ng story at makaabot ng iba pang readers. Happy reading guys and sorry again for taking too long 🥰
HINDI halos nakatulog si Adeline. Paulit-ulit na umuukilkil sa kaniyang isipan ang natuklasan niya. Hindi siya makapaniwalang alam na ni Drake ang ginawa niyang pagtataksil. Kinakain siya ng konsensya. Hindi niya maipaliwanag ang sakit na nararamdaman nang matuklasan niyang alam na ng kaniyang asawa ang kabaliwang ginawa niya. Maaari kayang alam na rin ni Vince na alam na ni Drake? Kailan pa? Maaaring bago lamang nitong nalaman kaya hindi ito nagpararamdam sa kaniya. Nasapo ni Adeline ang ulo. Hindi na niya alam ang gagawin. Ang tanging paraan nalang para maitama niya ang kaniyang pagkakamali ay iwan ang lahat at bumalik sa totoong pagkatao niya pero… Ayaw na niya. Minahal na niya ang pagiging si Adeline Pascua dahil nakahanap siya ng mga taong mamahalin. Paano ang kaniyang anak? Mga batang hindi man nanggaling sa kaniya ay minahal na niya ng sobra. “Miss Desiderio?” Tumayo si Adeline at hinarap ang manager ng bangko. She's wearing a black half mask and sunglasses. Behind h
“MRS. Zandra Desiderio and Diana Velasquez, are found guilty of minor physical abuse. You both must suffer the penalty and pay fines according to the law.” Gumuhit ang isang ngisi sa mga labi ni Adeline habang nakaupo at pinagmamasdan sina Zandra at Diana na halos nagwawala na habang kinukuha ng mga babaeng pulis. Nang magtama ang paningin nila ni Zandra ay nagsisigaw ito at pilit siyang inaabot. Nasa tabi naman nito si Diana na pumapalahaw ng iyak habang hawak ang mga kamay ni Aries. Gustong humalakhak ni Adeline sa tuwa. Hindi sapat ang tatlong buwang pagkakakulong pero sisiguraduhin niyang madadagdagan ang hatol sa dalawa bago pa man ito makalaya. Nilingon ni Adeline si Drake na kausap si Hunter Stunt. Nasa courtroom pa rin sila at gusto niyang lapitan at pasalamatan si Hunter kaya naman tumayo siya. Iyon nga lang, nang makita ni Drake na palapit siya ay bigla nitong hinila at ipinagtulakan palabas si Attorney Hunter Stunt. Nangunot ang noo ni Adeline at pinagmasdan si Drake n
NAIIRITA si Adeline sa nangyari. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi manlang inilaban ni Drake ang karapatan nito sa kompanya. Bakit tinanggap nito ang biglaang pagtatanggal sa kaniya at hinayaan si Aries na magwagi? Paano nito porprotektahan ang mga anak nito? Adeline groaned. Thinking about it makes her crazy. Hindi niya malaman kung ano ang tumatakbo sa isipan ni Drake. Masyado itong misteryoso. Isa pang pinoproblema niya ay ang nakita niyang litrato. He knows about her forbidden affair with his friend, but he's not saying anything. Itinago pa nito ang nalalaman. Why would he do that? Sa isang restaurant si Adeline at hinihintay si Drake. Tulad ng napagkasunduan ay mag-uusap sila ngayon. She wants to clarify things with him and end everything peacefully. Unfair na ang lahat kay Drake at ayaw na niya itong patagalin pa. Humiling ito ng isang buwan pero hindi na kaya ng konsensya niya. “Kanina ka p
“ANO, Shaniya? Nagulat ka ba kung paano ko nalaman? Nagkamali ka ng kinalaban dahil kilala ko ang babaeng pinagsawaan ko na noon—” Sinugod ni Drake ang pinsan at sinuntok sa mukha bago pa man nito matapos ang sinasabi. Lasing ang lalaki kaya agad itong bumagsak sa semento. Nagtatagis naman ang bagang ni Adeline na lumapit. “Tumahimik ka, Aries! P-tang-na mo!” Galit na galit na mura ni Drake. Humalakhak si Aries. “Bakit, Drake? Hindi mo ba matanggap na ang napangasawa mo ay tira tira ko?” “Tumahimik ka sabi!” Sinuntok muli ni Drake ang pinsan. Nagsimulang magpalitan ng suntok ang dalawa samantalang nakatayo lamang si Adeline at nakatingin sa kanila. Tinitimbang niya ang damdamin. Nag-umapaw ang kaniyang galit dahil wala siyang nakikitang pagsisisi sa mukha ni Aries. “Niloloko tayo ng babaeng iyan, Drake! Siya ang dahilan kung bakit nasisira ang pamilya natin—” “Ikaw ang sumisira, Aries!” Bumagsak muli si Aries nang mawalan ng balanse. Akma pang susuntukin ulit ni Drake s
HINDI maipaliwanag ni Drake ang galit na nararamdaman habang yakap ang asawa na mahimbing nang natutulog sa kaniyang tabi. Yakap niya ito sa kaniyang mga bisig at ayaw niya itong pakawalan. Nang marinig niya ang kwento nito tungkol sa bangungot na sinapit nito sa kamay ng kaniyang pinsan ay nanggalaiti siya sa galit. How could someone treat the woman he loves so much like trash? Mahal niya si Shaniya noon pa pero pinigilan niya ang sarili dahil nakita niyang masaya si Shaniya sa pinsan niya pero…ngayong nalaman niya ang lahat…matindi ang galit na nararamdaman niya. “I’m sorry for not being able to fight for you before, baby,” masuyong bulong ni Drake. “Hayaan mo. Sa pagkakataong ito hindi na ako papalpak.” He never thought this time would come. He was so thankful that Shaniya’s in his arms now when he just imagined this before. Holding her close. Keeping her near. It was like the Heavens finally granted his wishes. He’s now able to kiss her, hug her, touch her. It’s like a mira
SIGAW ng sigaw si Aries habang pinagtatatapon ang mga nahahagip ng kaniyang kamay. Walang nagtatangkang lumapit dahil sa takot. Pulang-pula ang mukha ni Aries dahil sa sobrang galit. Hindi siya makapaniwalang naisahan siya ni Drake. Kaya pala ganoon nalang kadali para dito na bitawan ang kompanya. Kaya pala hindi nito ipinaglaban ang posisyon na minana sa lolo nila. Iyon pala…“P-TANG-NA MO, DRAKE! HAY*P KA!”Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Nakuha niya ang posisyon na gustong-gusto niya noon pa pero naubos ang shareholders sa kompanya dahil sabay-sabay na umalis at nagpull-out ang mga investors. Hindi alam ni Aries kung paano nagawa ni Drake iyon pero hindi niya mapapatawad ang tuso niyang pinsan.“ARIES!” Isang mapanganib na boses ang dumagundong sa kahabaan ng hallway dahilan ng pag-igtad ng mga empleyado sa labas.Natakot si Aries nang makita ang ama na pumasok sa opisina. Diretso itong lumapit sa kaniya at sinapak siya
PAGKATAPOS ipaliwanag ni Shaniya ang lahat ay umakyat sila sa ikalawang palapag at pumasok sa silid. Hindi nakaangal si Shaniya nang hilahin siya ni Drake kasabay ng pag-upo nito sa kama. Napaupo siya sa hita ng asawa at napahawak sa balikat nito nang yakapin nito ang kaniyang baywang.“Drake…” Naiilang si Shaniya. Grabe ang pagwawala ng kaniyang puso habang nasa loob ng bisig ng asawa.“What would I do without you?” Bulong ni Drake.Napahaplos si Shaniya sa braso ng asawa. Hindi niya alam kung paano sasabihin dito na gusto niyang manatili kaya nanahimik nalang muna siya.Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa hanggang sa makarinig sila ng malalakas na sigaw mula sa ibaba.Nagkatinginan silang dalawa. Nagtagis ang bangang ni Drake nang mabosesan ang nagsisigaw sa ibaba.“Magpanggap kang walang alam, Drake. Hindi ligtas si Don Alvaro at ang mga bata sa kanila.”Marahang tumango si Drake. “Stay here. ‘Wag kang bababa. Ako na ang bahala sa kaniya.”“Gusto kong bumaba.”Umiling
KASALUKUYANG nag-uusap sina Drake at Gabriel sa study room habang nasa sala lamang si Shaniya at nakaupo. Nagpapalitan sila ni Judy ng mensahe. Kasama nina Matias si Julieta at Judy sa private resort na isa sa property ng kaniyang ama. Hindi hahayaan ni Shaniya na magkaroon ng pagkakataon si Aries na gamitin ang mga taong mahalaga sa kaniya kaya niya iyon ginawa. ‘Okay lang sila dito, Shay. Nag-eenjoy sila pero ‘wag mo sanang masyadong tagalan dahil baka magtaka ang dalawang bata.’ Maya-maya ay lumabas sina Gabriel at Drake. Parehong seryoso ang mukha. “Aalis na ako. Adeline, Drake…” Tinanguan lamang ni Shaniya ang lalaki saka pinagmasdan na lumabas ng bahay at tuluyang umalis. Tumayo naman sa tabi ni Shaniya ang asawa at agad na pumulupot ang braso sa kaniyang baywang. Nagkatinginan sila. “Sinabi mo sa kaniya?” Tumango si Drake. “Ang tungkol lang kina grandpa at sa mga bata. Hindi ko sinabi ang tungkol sa ‘yo.” Doon napangiti si Shaniya. “Salamat, Drake.” Ngumiti si Drake at
“PARA saan ang bouquet, grandpa?” Kunot-noong tanong ni Drake sa kaniyang lolo nang pumasok siya sa mansyon. Mas nangunot ang noo niya nang mapansin ang sandamakmak na tao sa mansyon at naglalagay ng mga dekorasyon. “At para saan ‘to? ‘Wag mong sabihing welcome party ko ‘to? Isang buwan lang akong nawala, grandpa.” Natawa si Don Alvaro. “Hindi mo ito welcome party, Drake. Kaarawan ng nobya ng pinsan mo. Ngayon rin siya magpopropose kaya naghahanda tayo.” Umismid si Drake. “Sa nobya niya pala e bakit ako ang bumili ng bulaklak? ‘Wag mong sabihing pati singsing ay iniasa niya sa iba.” Tinapik ni Don Alvaro ang balikat ni Drake at bago pa ito makasagot ay dumating ang assistant nitong si Barron. Sarkastikong natawa si Drake nang iabot ni Barron kay Don Alvaro ang isang velvet box na tiyak na singsing ang laman. Si Aries, kung hindi tamad ay palpak. Kaawaran ng nobya pero hindi manlang mag- effort. Kung girlfriend niya ang may birthday, tiyak na aburido na siya ngayon dahil sa bagal ku
TUMAYO si Shaniya matapos abutan ng sobreng puno ng perang papel ang babaeng inmate. Pasimple itong ngumisi at sumaludo pa sa kaniya. “Titiyakin kong mahimbing ang tulog nila ngayong gabi at sa susunod pang mga gabi, madam.” Nagtaas ng noo si Shaniya at marahang tumango. Agad siyang umalis at kalmado ang mukha na naglakad paalis ng visitation room. Gagawin niya ang sinabi niya na paghihirapan habang buhay sina Cherry, Sherry, Diana at Zandra. Mali ang ginagawa niyang pagbabayad ng tao para pahirapan ang mga ito pero kulang pa iyon sa mga kasalanang ginawa nila. Tulad ng kung paano siya nagbayad kanina ng tao para pahirapan si Aries at Andres ay ginawa niya rin ito ngayon. Shaniya won't stop torturing them as long as they're alive. Walang nakakaalam ng ginagawa niya at titiyakin niyang mananatili itong sikreto. Nang makauwi ay sumalubong kay Shaniya ang madilim na mansyon. Sa pag-aalala ay kaagad siyang pumasok pero nang makapasok siya ay agad na may tumakip ng kaniyang mga mata
LIFE is always full of surprises in spite of the fact that it's too short. We don't get everything we want, the Heavens give everything that we need. Gabriel's death taught Shaniya a lot of things. That life, no matter how sad and painful it is—should be appreciated. Shaniya has doubted the Heavens for putting her on a very rough path and letting her suffer in the hands of the devil in human flesh. Nakakapangilabot ang lahat ng pinagdaanan niya pero nagpapasalamat siya na sa huli ay mayroon siyang naging karamay na kailanman ay hindi siya pinabayaan. Drake became her light amidst the darkness. He became her home amidst the storm. Kung wala ito, tiyak na mauubusan siya ng lakas. Isang buwan na ang lumipas mula nang mangyari ang huling trahedya. Gabriel's death has bruised so many hearts. Halos lugmok sina Hunter, Theo, Luke, Kai, at Drake ngayon. Araw-araw nakikita ni Shaniya ang tahimik na pagtangis ng kaniyang asawa. He comes home every night, almost crawling because he's drunk. Sh
“HE was a brother, a friend, a son, a hero…” Yumuko si Shaniya kasabay ng paglandas ng luha sa kaniyang mga mata. Nagsasalita si Drake at ramdam niya ang paghihirap nito. Hindi niya kayang makitang ganoon ang kaniyang asawa. It breaks her heart. Drake gasped. “H-He was…my best friend. S-Sabi ko sa kaniya best man ko siya sa kasal ko…at ninong siya ng anak ko…pero…hindi na niya…nahintay…” Shaniya squeezed her eyes. Pagkatapos ng burol na mapagparusa sa mga pusong lumuluha sa pagkawala ng isang kaibigan, anak, at kapatid—heto sila. Handa nang ihatid sa huling hantungan ang nag-iisang mabait na taong kilala ni Shaniya. All of them are hiding a devil inside them, but Gabriel is like an angel. He doesn't have evilness within him. He was pure. Maybe that's why he was named Gabriel. “I-I told him I’ll find him a girlfriend para hindi naman siya naiinggit sa amin ni Luke pero…p-paano ko siya ihahanap ng kapareha kung bumitaw na siya?” “Ang daya…” Drake sniffed and wiped his tears u
LAKAD-TAKBO si Shaniya sa kahabaan ng hallway papunta sa emergency room para makita ang kalagayan ni Gabriel ngunit hindi pa siya nakakalapit ay nakita na niya ang paglabas ng doktor sa emergency room at mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya kung paano tinakpan ng nurse ng kumot ang buong katawan ni Gabriel. Suminghap si Shaniya at napailing. No! No! Hindi! Hindi pwede! Nanghina ang mga tuhod ni Shaniya sa nasaksihan. Her hands trembled and her brain couldn't accept the realization. Nang tingnan niya ang doktor ay umiiling ito kina Drake na agad tumakbo papasok sa loob at hinablot ang kumot na nakatakip sa kaibigan. “GABRIEL! BUMANGON KA RIYAN, T-NGINA KA! ‘WAG MO AKONG PAGLARUAN!” Umiwas ng tingin si Shaniya sa kaniyang asawa. Seeing him like that tortures her. Namilibis ang luha sa mga pisngi ni Shaniya nang makita niya kung paano napaupo sa sahig si Hunter habang nakayuko at unti-unting yumuyugyog ang balikat. Pinagsusuntok naman ni Luke ang pader at humagulgol si The
PUMASOK si Shun Parker sa isang private property. Malawak ang bakuran at mataas ang pader na nakapaligid sa mansion na nasa gitna ng malawak na lupa. Hindi na siya nag-abalang isara ang gate at diretso nalang na pumasok hanggang sa makapasok siya sa mansyon. ‘Basement. Siguraduhin mong patay.’ Napailing si Shun nang maalala ang sinabi ni Caesar, ang half brother niya. Dumiretso siya sa basement at binuksan ang kandado gamit ang hawak sa susi at tumambad sa kaniya ang nagkalat na dugo habang sa gitna ay nakagapos ang isang lalaking walang malay at duguan. Nagtagis ang bagang ni Shun at nilapitan ang lalaki. Akma niya itong gigisingin nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya ang tawag ni Caesar. “What?!” [Postpone the plan. Picturan mo si Gabriel at isend mo sa akin. Darating riyan ang isa pang taong ililigpit mo.] Nang patayin ang tawag ay agad na ginawa niya ang sinabi nito at isinilid ang cellphone sa bulsa. Dahan-dahan namang nag-angat ng mukha si Gabriel at halos
“ANO iyan? Suhol?” Salubong ng ina ni Cherry kay Shaniya nang makapasok ng sasakyan. Pumayag na itong tumira sa mansyon kaya agad niyang sinundo gamit ang kotse ni Drake. Ngumiti si Shaniya. “Nabanggit sa akin ni dad na ito ang paborito mong pagkain.” Tinitigan ni Sherry ang box ng buko pie na ipinatong ni Shaniya sa hita nito. Nasa driver seat siya katabi si Cherry at si Sherry ay nasa backseat. Umirap si Sherry at hindi na nagsalita. Umayos naman ng upo si Shaniya at nagsimulang magmaneho papunta sa mansyon. Mali. Her mother hates buko pie at nakumpirma niyang hindi impostor ang babae sa likod nang makita niyang binuksan nito ang box at maganang kumain. Shaniya clenched her jaws and looked at Cherry who's been constantly putting make-up on her face. Binubura nito iyon pagkatapos na tila hindi kuntento saka maglalagay ulit. “Tigilan mo nga iyan, Cherry. Nagsasayang ka ng make-up. Mauubos na ang ipon ko sayo!” Sinulyapan ni Shaniya ang ginang sa likod. “It’s okay. Bibigya
SINAMAHAN ni Shaniya si Drake na magpunta sa opisina ni Luke. His family owns a security agency at magaling rin sa paghahanap ng mga taong nawawala ngunit sa pagkakataong ito pakiramdam ni Luke ay wala siyang silbi. Ganito ang trabaho niya pero hindi niya mahanap ang dalawang taong importante sa kaniya—si Georgianne at si Gabriel. Sht! Wala pang 24 hours nawawala si Gabriel pero hindi nito ugali na maglaho ng walang pasabi kaya agad siyang kumilos nang puntahan sila ng pamilya ni Gabriel upang manghingi ng tulong. Nakaupo sa pahabang meeting table sina Luke, Hunter, Theo, Kai, Drake, at Shaniya. “Huling nakita sa CCTV si Gabriel sa hospital. Nakita niya ang isang Doktor na si Caesar Palacios kasama ang isang babae. Sinundan niya hanggang sa basement parking…” pagpapaliwanag ni Luke habang nagpiplay ang CCTV footage sa isang TV. Nakakuyom ang mga kamao ni Shaniya. Naipaliwanag na ni Hunter Stunt sa kaniya ang posibilidad pero hindi pa rin matanggap ng puso niya na maaaring nilok
UMAYOS ng tayo si Shaniya at sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. “Sasama ako, Drake.” Tumango si Drake at tiningnan ang tauhan. “Ihanda mo ang kotse. Susunod kami.” Nang makaalis ang tauhan ay hinarap ni Drake ang asawa habang hawak sa magkabilang pisngi. “Baby, I need to tell you something.” Lumunok si Shaniya at hindi niya inaasahan na bigla siyang kakabahan. “Ano iyon?” “Pinaimbestigahan ko ang mommy mo.” Nangunot ang noo ni Shaniya. “What? Why?” Bumuntong-hininga si Drake. “I feel like something's wrong but just this morning, nakakuha ako ng impormasyon kung saan dinala ang mommy mo matapos maaksidente. It was said na suicide ang nangyari. Nawalan siya ng alaala at hindi na nakabalik pa inyo matapos iyon.” Umiling si Shaniya. “Suicide? Imposible! Bakit?” “Nagkasakit siya. Nagkataning ang buhay kaya ginustong wakasan.” Nakaramdam ng paninikip sa dibdib si Shaniya. Mas lalo niyang gustong makita ngayon ang ina kaya naman hindi na sila nagsayang ng panahon. Agad silang p