Home / Romance / My Undercover CEO / CHAPTER 2: SECOND MEET

Share

CHAPTER 2: SECOND MEET

Author: Sofiara
last update Last Updated: 2022-11-10 10:10:04

"What are you talking about?... You want to marry me?" Nagtatakang tanong ni Ashanti kay Vince.

Mabilis na pinag pawisan si Vince sa tanong nito. I am man enough to be responsible and make her feel safe… Sambit pa niya sa kaniyang isip.

"Mhmm… Will you marry me?" Vince nervously asked.

Will she say yes? Hindi naman siguro siya lugi sa akin. I mean, look at me. Hindi pa ba ako pasok sa standards niya?

Natulala naman si Ashanti sa naging tanong nito. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking nasa harap niya ngayon will decides to get married right away. 

It's no laughing matter, bakit parang hindi manlang niya alam ang salitang pagpapakasal?...Kaso paano kung nabuntis n’ya pala ako? Anyway, pwede naman kaming mag file ng divorce after getting married, right?... Wtf! Ano bang iniisip ko? Stop it Ashanti! Hindi mo ba nakikita self? He looks like born rich. Kailangan na nating umiwas sa mga mayayamang tao na yan dahil puro sakit lang ang ibibigay ng mga yan! But it's good that he looks pretty handsome… Ani ni Ashanti sa kaniyang isip.

"Oh, no. Forget it. Can you find me a dress? I really need to go!" Naiilang na sambit ni Ashanti.

Hindi naman mapakapaniwala si Vince na tinurn down siya ni Ashanti. Ngumiti na lamang ito at hindi pinansin ang sinabi ni Ashanti. "Alam ko naman na ngayon lang tayo nagkakilala, pinapangako ko sayo na katiwatiwala naman akong tao. I am not joking when I said that I wanted to marry you. I will treat you well! Beside, we are still not sure about…" Vince said.

Namuo ang galit sa mukha at mga mata ni Ashanti. Para bang sobrang sama ng mga salitang narinig niya at wala siyang nagustuhan ni isa sa mga ito. "Hindi mo ba ko narinig? I said, find me a dress because I need to go! I just want to stay away from the rich world! I'm done being tricked! At kung mabuntis mo man ako or what, don’t worry, ipapalaglag ko ang bata. So please, do me a favor and do what I asked…" inis na usal ni Ashanti.

“No. If ever na nabuntis man kita, hindi kita hahayaang ipalaglag ang bata. I will take responsibility sa lahat ng actions ko. And what did you just said? Rich people?" Natatawang sambit ni Vince. "Nagkakamali ka ata ng nakikita miss… I am just an assistant. Mukha ba akong mayaman? Nakaka overwhelmed naman… But sorry to disappoint you, uminom lang naman ako kagabi kasama ang mga boss ko at sobra akong nalasing dahil sa mga alok nila sa akin drinks. They felt guilty, so they prepared this room for me." Napakamot na lamang sa ulo si Vince dahil sa mga binitawan niyang salita na hindi niya inaasahang lalabas nalang ng ganun kadali mula sa kaniyang bibig.

Iniangat ni Ashanti ang mga tingin niya kay Vince at tila ba'y inaaral ang bawat corner ng mukha nito. "Are you telling me the truth?" Inosenteng tanong ni Ashanti. 

Agad na napangiti si Vince ng maramdaman niyang mukhang naniniwala si Ashanti sa mga sinabi niya. "Oo naman, mukha ba akong nagsisinungaling? But, tulad nga ng sabi ko kanina, I want to be responsible for you, so I want to offer you a home." Nakangising sambit ni Vince.

Kahit na masakit ang ulo at ramdam pa rin ni Ashanti ang hilo mula sa wine na ininom niya kagabi ay nagawa niya pa ring mapangiti dahil sa binitawang salita ni Vince. 

ASHANTI

A home… what a nice word…

Ang alam ko lang na home noon ay ang pamilya ko. Si mommy, si daddy, at syempre ako, ang nag-iisa nilang anak. Everything changed after my mother died in a car accident… Sobrang na down ako ng mga panahong iyon. Hindi ko alam kung paano ulit babangon at gigising araw-araw, knowing na wala na si mommy. 

My father married his mistress and brought back her daughter. Simula nun ay parang nawalan na ako ng papel sa pamilya. Ang dating special na trato sakin ay bigla nalang nawala na para bang isang bula. Mas nag focus si daddy sa bago niyang asawa at syempre sa bago niyang anak. Para bang nakalimutan niya na nandito rin ako, na anak niya rin ako. Ang tahanan na minsang naging parte ako, ngayon ay sila na ang nag mamay-ari, at para bang isa nalang akong pulubi sa daan.

Ito na ba ang pinakihihintay ko na araw ng buhay ko? Ito na ba ang hinahanap kong tahanan na tatanggap at magmamahal sa akin? Oras na siguro para mag desisyon naman ako para sa sarili ko. Wala naman sigurong masama kung susubukan kong mamuhay ng normal kasama ang ibang tao. Mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan… Besides, hindi ko rin naman yata kakayanin na magpalaglag ng bata if ever na may nabuo nga kami…

"Can you please do what I asked?" Tanong ko sa kaniya.

Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa mukha niya. Sobrang amo ng mukha nito na para bang anghel na hulog ng langit. May mga pinagpala pa rin pala sa genes sa panahon ngayon, eh no.

"What is it?" He asked.

"Magpapakasal tayo by agreement, right?" Muli kong tanong sa kaniya. Tumango naman ito at hindi pa rin maalis ang ngiti sa kaniyang mukha. "If ever na wala naman tayong nabuo, gusto kong hanggang two years lang ang kontrata nating mag sama. After two years, gusto kong tapusin na natin ang kontrata at maghiwalay ng landas na parang walang nangyari…" sambit ko pa.

Nawala ang ngiti sa mga labi nito at natulala nalang bigla. Kinabahan naman ako sa naging reaction niya. Hindi niya ba nagustuhan yung sinabi ko? Ayaw niya ba ng ganon?

"Uhm—We will divorce after two years but don't worry, I will fulfill my obligations naman as your wife sa loob ng two years na yon…" Hindi mapakaling sambit ko.

Papayag kaya siya? Bakit ba siya nakatulala lang sa mukha ko? May muta ba ko sa mata? May madumi ba sa mukha ko? Ang awkward na masyado ng mga tinginan niya, hindi ko na to kinakaya. Lord please pakilamon na lang ako sa lupa. May mali yata akong nasabi…

"Good. Let's call it a deal!" Biglang sambit nito.

Nakakapagtakang hindi manlang siya nag hesitate sa mga kagustuhan ko. Ganon lang ba kadali yung hinihiling ko sa kanya kaya ganon nalang din siya kabilis pumayag? O baka naman ayaw niya lang din talaga akong makasama ng matagal kaya ang dali niyang pumayag sa two years contract…

Naglakad siya papalapit sa kama at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kanang kamay ko at buti nalang ay napahawak agad ang kaliwang kamay ko sa kumot na ginagawa kong pantapis sa hubad kong katawan. "Wag na tayong mag sayang ng oras, let's get married today. Then I'm going home for my household register, and you're getting yours. Magkita nalang tayo sa civil affairs bureau mamaya." Sambit nito sa akin.

"Mhm! Alright…" Hindi naman na ko tumutol sa mga sinabi niya at sumang ayon nalang.

Tumayo na siya at umaktong papaalis na kaya agad ko siyang pinigilan. "Wait lang!" Sigaw ko sa kaniya.

"What? Do you want to change your mind?" He asked.

"H-hindi no… Nakalimutan kong itanong kung ano nga pala yung pangalan mo?" Pakamot sa ulo kong tanong sa kaniya.

Napangisi naman siya sa naging tanong ko. Ang pilingero naman ng lalaking to. Ano bang tingin niya sa sarili niya? Alam kong gwapo siya pero wag naman masyadong mahangin!

"I'm Vince De la Mora… Your soon to be husband." Nakangiti pang usal niya.

"Hmm… Vince… Nice name, ha? Well, Mr. Vince De la Mora, you tore my dress! Paano ako makakauwi sa’min ng ganito?!" Natataranta kong tanong kay Vince.

Napakamot ito sa ulo niya at bahagyang natawa. "I'm sorry. I got wasted and was out of control… I'll get you a new one right away!" Sambit nito at nagmamadaling nag tungo sa banyo upang mag bihis. Maya maya pa ay nagpaalam lang ito na bibilhan lang ako ng damit at lumabas na siya ng kwarto.

VINCE

Two years… too many things will happen. Ashanti, I would like to bet against you, that you will hate to part with me after two years!

*Ringing*

Kinuha ko ang phone sa aking bulsa at sinagot ito. 

[Boss, what's going on? Will you still come to work today?]

"Get all the bidding projects of the company that bought me a drink last night done. I'm going to buy them out in one week by hook or by crook."

[I'm on it, boss. You have my word.]

"Right, buy me a set of women's attire and send it to my hotel room. Yung kwartong ginamit ko last night. One more thing… buy me a house near Laguna. Not too big, just fill the bills of the average office worker. Then get my belongings there after cleaning up."

[Are you serious, boss? You want to live in Laguna, and live in an office worker-like apartment, nasisiraan na po ba kayo ng bait, boss…?]

"Do you want a job reshuffle? Well, a vacancy just opened up in the cleaning department…"

[....boss, you have my word! I'll do it right away!]

*Call ended*

ASHANTI

After 30 minutes na paghihintay ay sa wakas at may kumatok na rin sa pinto. Si Vince na ata yun, napakatagal naman bumili ng damit ng lalaking to. Kinuha ko ang kumot at ibinalot sa katawan ko bago ako nag tungo sa pinto at buksan ito.

Isang staff ng hotel ang bumungad sa akin. May dala dala itong mga paper bag habang nakangiti sa akin. "Good morning, ma'am! May nagpapabigay po nito sa inyo." 

Agad ko naman itong kinuha at nagpasalamat kay ateng staff at dali-daling isinara ang pinto. Akala ko pa naman ay si Vince na… Mukhang busy na yata siya sa pag-aasikaso ng mga papeles niya. Excited ba siyang maikasal kami?

Nang matapos ako sa pag bibihis ay agad ko ng kinuha ang mga gamit ko at lumabas ng hotel. Pumara lang ako ng taxi at umuwi na rin sa bahay.

"I'm home!... Dad, Can I talk to you for a minute…" Sambit ko nang makarating ako sa bahay. Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero iba talaga ang kaba na nararamdaman ko ngayon.

Kaya ko to! Kalma ka lang Ashanti!

"Alam mo pa pala na dito ka nakatira…" dinig kong sambit ni daddy. Napatingin ako sa gawi niya at kitang kita ko ang galit sa mga mata nito. "It's unreasonable for a girl like you not to return home overnight! Matino ka pa bang babae?!" Sigaw na dagdag pa nito.

"I'm sorry daddy, I'm just too busy… I stayed in the office all night…" Mahinang sagot ko. Hindi ko alam kung magaling ba akong magsinungaling pero hindi ko naman pwedeng sabihin kay daddy na natulog ako kasama ang ibang lalaki sa kama…

"Dad, I want to cancel my marriage with the Gomez famil—" matapang na ani ko.

“What?! Nahihibang ka na ba Ashanti?” galit na tanong ni Daddy.

“I will explain everything sa tamang oras pero ngayon gusto ko lang pong ipaalam sa’yo na ayoko ng ituloy ang kasal.”

“Talagang nahihibang ka na! Hindi lang ito bastang kasal lang, Ashanti! This will be the stepping stone for our company to success. Ano na naman bang pinaggagagawa mo kagabi at padaloy-daloy ka na naman sa pag dedesisyon?”

Napabuga na lamang ako ng hangin. “He was cheating on me, dad. Hindi ko kayang mag pakasal sa lalaking manloloko—”

“For God's sake, Ashanti! Ano naman kung niloko ka n’ya? Mahalaga pa ba ‘yun? Isipin mo nalang na gagawin mo ‘to para sa kumpanya natin.” 

“Kumpanya mo, dad. Kumpanya mo lang. Seriously? Hahayaan mo lang akong maikasal sa taong hindi ako mahal at isang manloloko? Para lang sa kumpanya ay ipagkakalulo mo ako? A-anak mo ako, hindi anak lang, dad…” naiiyak na sambit ko.

Nagsisimula na kong lamunin ng emosyon ko ngunit tila ba’y wala lang kay daddy ang lahat. Galit lamang s’yang nakatingin sa akin na para bang wala akong sinasabing tama. “Anak kita kaya nga ikaw lang ang maaasahan ko sa bagay na ‘yan, hindi ba?” Dahan-dahan s’yang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Please, anak, ituloy mo ang kasal and I will make sure to give everything to you after that. Whatever you want. Mhm?”

“No, dad.” Hinila ko ang kamay ko sa kan’yang pagkakahawak at humakbang patalikod. “Kung para sayo ay ayos lang ang bagay na ‘yan, sa’kin hindi. Hindi ko hahayaang makulong ako sa isang lalaki na sala sa demonyo ang tinatagong ugali.” 

Hindi agad nakasagot si daddy at para bang sobrang lalim ng kan’yang iniisip. Maya-maya pa ay nagulat na lang ako nang bigla syang tumawa. “Oh, siya! Do as you wish! Ngunit sa oras na sirain mo ang magagandang plano ko para sa pamilya at kumpanya natin ay hindi na kita kikilalaning anak—”

"Oh, look who's here! Our sweet daughter!" 

It's her! Napatingin ako sa likuran ko nang marinig ko ang boses niya. Siya si Avery Gonzalez, ang magaling kong stepmother. Tinitigan ko siya ng masama bago itinuon na lamang ang paningin sa sahig.

"Well? You don't want to see me, ha? You don't even inform me when you are back home." Sambit pa nito. “Akala ko ba ay hindi ka na babalik sa pamamahay na ito…”

Agad namang nag-init ang gilid ng tenga ko. Hindi ko alam pero sa tuwing naririnig ko ang boses ng madrasta ko ay para bang nag-uunahang lumabas sa katawan ko ang mga tinatago kong inis at galit sa kaniya. 

"It's none of your business! At isa pa, hindi ba't hindi rin nakauwi ang anak mo kagabi? Why don't you ask you darling daughter what she did last night!" Inis na sambit ko sa kaniya.

Maarte itong lumapit sa tabi ni daddy at umaktong nalulungkot sa naging trato ko sa kaniya. "Honey, look at her… She is so bad to me in front of you… Hindi naman natin siya pinalaki na bastos at hindi marunong gumalang sa nakakatanda sa kaniya…"

Dahil sa demonyong bulong ng madrasta ko ay agad na nag usok ang mga butas ng ilong ni daddy. "How dare you talk to your mother like that! Say sorry to her, now!" Galit na galit nitong sigaw.

Hindi ko alam kung bakit lagi niya nalang pinagtatanggol ang madrasta ko at hindi manlang magawang tignan kung okay pa ba ako, ako na anak niya! "Why should I say sorry to her?! I did nothing wrong, dad… She is not even my mother! Patay na si mom, matagal na! Hinding hindi mapapalitan ng babaeng yan ang mommy ko!" 

Agad na napatayo si daddy sa sinabi ko. Sobrang nag init ang ulo nito sa mga narinig niyang katotohanan mula sa akin. "You! How dare you talk back to me!"

"Wala namang magbabago kung aalis ako dito o titira ako kasama niyo. Matagal naman na kong hindi parte ng pamilyang to. Aalis na ko!" Inis kong sagot at madaling nilisan ang bahay na iyon. 

"Fine! Never comeback if you can!" Dinig ko pang sigaw ni daddy bago ako makalayo layo sa bahay.

Dumiretso na ko sa Marriages Registration of Civil Affairs Bureau. Wala na rin naman akong mapupuntahan pag tapos ng nangyaring sagutan namin sa bahay. Wala na akong choice kundi i grab na tong marriage contract na to… but, am I too impulsive? 

Tama ba tong mga desisyon ko? Nandito nga ako ngayon sa Civil Affairs Bureau pero hindi ko manlang maalala yung buong pangalan niya. Ang naaalala ko lang sa sinabi niyang pangalan niya ay Vince… Wala rin akong phone number niya. Paano ko siya matatawagan ngayon? 

Sabagay, bakit ba ako nagpapaniwala agad agad. Who would marry a stranger casually? Masyado akong nagpapa uto sa kung sino sino… Kaya lagi nalang akong nasasaktan…

"Sorry, I'm late." Dinig kong boses ng lalaki.

It's him…

Related chapters

  • My Undercover CEO   CHAPTER 3: PROMISE

    "Sorry for keeping you waiting," Vince said."Kanina ka pa ba diyan? H-hindi kita napansin…" Wala sa sariling sambit ni Ashanti."It's windy outside. Ayokong magkasakit ka. Come on, let's go inside," aya ni Vince kay Ashanti.Hindi naman nakasagot si Ashanti at pinagmasdan lamang si Vince. How come I didn't find him this cute this morning… Hindi ko ineexpect na may mas igagwapo pa pala siya… Wait a second… Why am I blushing?! Usal pa ni Ashanti sa kaniyang isip.Marahang naglakad papalapit sa kaniya si Vince. Nang makalapit ay agad nitong hinila ang bewang ni Ashanti at inilapit sa kaniya. "Honey, don't you ever leave my sight. Mhm?... Lets… get married." Bulong pa nito sa tenga ni Ashanti na nagdulot ng pag taas ng balahibo ni Ashanti sa batok.…I can't believe I got married like this… I feel like I'm dreaming… So, this is the marriage certificate. Sambit ni Ashanti sa kaniyang isip habang hawak-hawak ang papel na nagpapatunay na kasal na sila ni Vince.Tumigil ang kanilang sasakya

    Last Updated : 2022-11-10
  • My Undercover CEO   CHAPTER 1: UNEXPECTED PROPOSAL

    ASHANTINaranasan mo na rin bang magpa-uto at maniwala sa pag-ibig? Yung tipong nagbubulag bulagan ka kapag signs palang ang napapansin mo. Kapag naman isinampal na sayo ang katotohanan, mapapaisip ka pa na baka ikaw yung mali, na baka may kulang sayo kaya hinahanap niya sa iba. Alam kong mali na gaslightin ang sarili—pero ano bang magagawa ko? Required ba talagang maging tanga kapag nagmamahal? I am Ashanti Gonzalez, and like all the other cliches in the drama, my boyfriend or should I say my fiance cheated on me with my sister. Yup! My sister! Stepsister to be precise. Ang titigas ng mga mukha no? Sa dinamirami ba naman ng babae sa mundo, kapatid ko pa talaga ang napili niya. Isa pa itong kapatid kong ahas, sa dinami rami ng lalaking aahasin niya… Fiance ko pa talaga. Sweet no? Gusto niya kasi siguro matchy kami. Boyfriend ko, boyfriend niya rin.Teka—Akala niyo ba doon na lang nagtatapos ang kwento? No! Dahil dito palang magsisimula ang lahat. I drowned my sorrow and met a man. Oh

    Last Updated : 2022-11-10

Latest chapter

  • My Undercover CEO   CHAPTER 3: PROMISE

    "Sorry for keeping you waiting," Vince said."Kanina ka pa ba diyan? H-hindi kita napansin…" Wala sa sariling sambit ni Ashanti."It's windy outside. Ayokong magkasakit ka. Come on, let's go inside," aya ni Vince kay Ashanti.Hindi naman nakasagot si Ashanti at pinagmasdan lamang si Vince. How come I didn't find him this cute this morning… Hindi ko ineexpect na may mas igagwapo pa pala siya… Wait a second… Why am I blushing?! Usal pa ni Ashanti sa kaniyang isip.Marahang naglakad papalapit sa kaniya si Vince. Nang makalapit ay agad nitong hinila ang bewang ni Ashanti at inilapit sa kaniya. "Honey, don't you ever leave my sight. Mhm?... Lets… get married." Bulong pa nito sa tenga ni Ashanti na nagdulot ng pag taas ng balahibo ni Ashanti sa batok.…I can't believe I got married like this… I feel like I'm dreaming… So, this is the marriage certificate. Sambit ni Ashanti sa kaniyang isip habang hawak-hawak ang papel na nagpapatunay na kasal na sila ni Vince.Tumigil ang kanilang sasakya

  • My Undercover CEO   CHAPTER 2: SECOND MEET

    "What are you talking about?... You want to marry me?" Nagtatakang tanong ni Ashanti kay Vince.Mabilis na pinag pawisan si Vince sa tanong nito. I am man enough to be responsible and make her feel safe… Sambit pa niya sa kaniyang isip."Mhmm… Will you marry me?" Vince nervously asked.Will she say yes? Hindi naman siguro siya lugi sa akin. I mean, look at me. Hindi pa ba ako pasok sa standards niya?Natulala naman si Ashanti sa naging tanong nito. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking nasa harap niya ngayon will decides to get married right away. It's no laughing matter, bakit parang hindi manlang niya alam ang salitang pagpapakasal?...Kaso paano kung nabuntis n’ya pala ako? Anyway, pwede naman kaming mag file ng divorce after getting married, right?... Wtf! Ano bang iniisip ko? Stop it Ashanti! Hindi mo ba nakikita self? He looks like born rich. Kailangan na nating umiwas sa mga mayayamang tao na yan dahil puro sakit lang ang ibibigay ng mga yan! But it's good that he looks prett

  • My Undercover CEO   CHAPTER 1: UNEXPECTED PROPOSAL

    ASHANTINaranasan mo na rin bang magpa-uto at maniwala sa pag-ibig? Yung tipong nagbubulag bulagan ka kapag signs palang ang napapansin mo. Kapag naman isinampal na sayo ang katotohanan, mapapaisip ka pa na baka ikaw yung mali, na baka may kulang sayo kaya hinahanap niya sa iba. Alam kong mali na gaslightin ang sarili—pero ano bang magagawa ko? Required ba talagang maging tanga kapag nagmamahal? I am Ashanti Gonzalez, and like all the other cliches in the drama, my boyfriend or should I say my fiance cheated on me with my sister. Yup! My sister! Stepsister to be precise. Ang titigas ng mga mukha no? Sa dinamirami ba naman ng babae sa mundo, kapatid ko pa talaga ang napili niya. Isa pa itong kapatid kong ahas, sa dinami rami ng lalaking aahasin niya… Fiance ko pa talaga. Sweet no? Gusto niya kasi siguro matchy kami. Boyfriend ko, boyfriend niya rin.Teka—Akala niyo ba doon na lang nagtatapos ang kwento? No! Dahil dito palang magsisimula ang lahat. I drowned my sorrow and met a man. Oh

DMCA.com Protection Status