Strawberry's POVLUMAPIT ako sa table ng isang grupo ng mga lalaki para ibigay ang order nilang beer at pulutan. Nagtatawanan at naghihiyawan ang mga ito habang nakatutok ang mga mata sa babaeng nagsasayaw nang maharot sa ibabaw ng entablado.Maingay, mausok at may kadiliman ang paligid, maliban sa stage kung saan nakatutok ang spotlight. Ito ang klase ng lugar na kailangan kong tiisin gabi-gabi para sa pera."Hey!"Napasinghap ako nang may palad na biglang humawak sa puwet ko. Pinisil at hinagod nito ang isang pisngi ng pang-upo ko kaya mabilis akong humarap dito.Sinalubong ako ng lalaking nasa 40s ang edad, kalbo at medyo malaki ang tiyan. "Magkano ka, sexy?""Waitress po ako dito, hindi pokpok," saad ko sa mababang tinig."Waitress? Sa sexy mong iyan, dapat nagpopokpok ka! Siguradong dadami ang customers mo!" Malakas itong tumawa."May order pa ho kayo?""Oo! Isang puke at dalawang suso!" Sinundan niya ng tawa ang sinabi niya. Nakitawa na rin ang mga kasamahan niya.Akmang hihipua
Strawberry's POVMALAKAS akong itinulak ng lalaki sa sahig. Kamuntikan ko nang mahalikan ang makapal na carpet dahil sa lakas nang impact ng ginawa nito. Sinubukan kong bumangon at agad na humarap sa pinto, pero kaagad iyon naisara ng lalaki."Palabasin mo ako! Buksan mo ito! Buksan mo!" Pinaghahampas ko ang pinto at nakiusap na palabasin ako, pero hindi niya ako pinakinggan.Nangilid ang mga luha sa pisngi ko. Kahit anong pihit ko sa doorknob, hindi na iyon nabuksan pa. Nanginginig akong humarap at sinubukang igala ang paningin sa paligid.Naghahanap ako ng puwedeng labasan, pero sa halip, natigilan ako nang mapansin ang taong nakaupo sa likuran ng desk table sa dulo. May hawak itong kopita ng alak sa isang kamay at nakadekuwatro."S-sino ka?"Sumimsim siya ng alak. "Simula ngayon, dito ka na titira at sa akin ka magtatrabaho."Umiling ako. "Ayoko po. Sino ka ba? I-ikaw ba ang amo ng lalaking nagdala sa akin dito? Bakit mo ako dinala dito—ah!"Napasigaw ako nang bigla niyang itapon a
Strawberry's POVNATARANTA ako nang akmang iibabawan na ako ni Seven. Traydurin man ako ng katawan ko, hangga't may sariling isip ako ay hinding-hindi ko tatraydurin ang sarili ko.Pilit akong nagpumiglas. Kahit nakagapos ang mga kamay at paa ko ay nanlaban ako sa abot ng aking makakaya."Will you quit it, you fucker!""May sakit ako!" kusang lumabas sa bibig ko.Natigilan si Seven at matagal na napatitig sa akin. Wala naman talaga akong sakit. Malinis ako sa katawan at ni hindi pa ako nagkaka-boyfriend pero kailangan kong sabihin ito para lang mapigilan siya.Tinigil ni Seven ang ginagawa niya. "What the fuck did you just say?"Pilit kong pinahinahon ang sarili ko at huminga nang malalim. "N-nagtatrabaho ako sa bar. Kung kani-kaninong lalaki ako nakipagtalik, m-mga lalaking hindi ko kilala. Ni hindi ko alam kung malinis sila o hindi."Hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin sa akin na parang hinihintay niyang matapos ako sa pagsasalita."Kung ayaw mong m-mahawa, huwag mo akong la
Strawberry's POVMABILIS kong binabaybay ang kalye ng lungsod habang maraming tao sa paligid. Pilit akong nagsumiksik upang makaraan at makalayo mula roon. Pabilis nang pabilis ang paghinga ko, ang takot ay naiipon sa dibdib ko at parang sasabog ano mang oras.Nang tangkain kong lumingon sa likuran, parang dinamba ng kaba ang puso ko nang makita si Seven habang mabilis at walang pakialam na hinahawi ang mga tao sa daan upang makahabol sa akin.Ayaw kong magpahuli sa kaniya. Ayaw kong bumalik sa tirahan niya na parang palasyo pero pinamumugaran ng demonyo. Ang takot ang nagbigay lakas sa akin upang lalong bilisan ang paglalakad ko hanggang sa makaliko ako sa kanto.Buong akala ko ay makakatakas na ako sa lalaking iyon. Na magagawa ko nang lumaya at magpakalayo-layo, pero isang kamay ang biglang humablot sa akin. Dinala ako nito sa liblib na eskinita at itinulak nang malakas."Ugh!" daing ko nang bumagsak ako sa semento.Kulang na lang ay mapaluha ako sa sobrang hapdi ng braso at kamay
Strawberry's POVABALA ako sa kakasipat sa bondages na nakapulupot sa mga braso kong nagasgasan, hila-hila naman ni Sir Seven ang kamay ko. Sinabi ko naman sa kaniya na kaya kong maglakad mag-isa, pero wala na itong tiwala sa akin."Hindi na ako makakatakas. Nasa loob na ako ng matataas mong bakuran."Nilingon niya ako gamit ang matalim na mga mata. "Zip your fucking mouth if you don't want my dick to do it for you."Napasinghap ako sa narinig. Nagtikom na lang ako ng bibig para wala na itong masabi. Kanina lang habang nasa hospital kami, sinisigurado nito na malilinis nang mabuti ang sugat ko at mabigyan ako ng maayos na treatment ng mga nurse at doctor. Akala mo ay mabait na tao, pero ngayon ay bumalik na naman siya sa pagiging bastos at masungit niya.Pagbukas ni Seven ng malaking pintuan sa harap namin, pareho kaming natigilan nang makita ang dalawang tao sa loob. Kausap nila ang isang katulong."Ma? Dad?"Napatingin ako kay Seven sa tinawag niya sa dalawa. Lumingon ang mga ito at
Strawberry's POVNAKALUHOD ako sa malawak na sala, abalang naglalampaso sa sahig gamit ang basang tela na ngayon ay puno na ng dumi. Ang mga kamay ko ay nangangalay na sa kapipiga ng pamunas, ang pawis ko ay tumutulo mula sa aking noo, humahalo sa tubig na aking ginagamit sa paglilinis.Minsan ay nag-uunat ako ng katawan dahil kumikirot na ang aking balakang at likod sa walang tigil na gawain.Mula sa paglalampaso, umangat ang paningin ko kay Seven. Nakadekuwatro siya ng upo sa malaking sofa na hindi kalayuan mula sa pinaglalampasuhan ko, nagbabasa ng magazine. Sinadya pa niyang hindi pumasok sa trabaho para lang pahirapan ako.Matapos kong maglampaso, sunod kong ginawa ang pagpupunas ng mga painting, pictures, at mga display sa paligid. Masyadong malaki itong bahay at bawat sulok nito ay may mga painting at palamuti na naka-display. Inisa-isa kong linisin ang lahat ng iyon.Sandali akong tumigil at nagpunas ng pawis sa noo. "Nakakapagod pa ito kaysa sa trabaho ko sa bar."Lumingon ak
Strawberry's POVTATAYO sana ako para lumabas ng kuwarto, pero nang biglang bumukas ang pinto, dali-dali akong bumalik sa pagkakahiga sa sofa at nagtalukbong ng kumot.Naramdaman ko ang mabibigat na yabag na papalapit sa akin. Sigurado akong si Seven iyon kaya nagkunwari akong natutulog."Hey, I know you're awake."Paano niya nalaman? Halata ba ako?Nagmulat ako ng mga mata at nagkunwaring nauubo. "Nakauwi ka na pala.""Hindi ka pa ba magaling? Tatlong araw ka nang nakahilata."Tumayo ako pero bawat kilos at galaw na ginagawa ko ay sobrang tulin. "Hindi pa.""The fuck is problem with you? Arte-arte. Bukas, kesyo magaling ka na o hindi, sa kama ko ang bagsak mo."Napatingin ako sa kaniya nang dahil sa sinabi niya. Ang totoo ay mabuti na ang lagay ko kahapon pa, pero dahil ayaw kong may mangyari sa amin, nagsakit-sakitan ako."Oh, saan ka pupunta?"Nilagpasan ko si Seven at dumiretso sa pinto. "Kukuha po ng maiinom."Lalabas na sana ako pero nagulat ako nang bigla akong hatakin ng isang
Strawberry's POV"What are you doing here?""Ako dapat ang nagtatanong niyan, Seven!""Umalis ka na, Rebecca. I'll deal with you in the office.""Seven, please—""Sa halip na nasa meeting ako, I'm here at the hospital, fixing the problem you've caused!""Which you don't have to! Ipagawa mo sa iba, marami kang tauhan! Pero bakit ikaw pa mismo ang nandito?"Naalimpungatan ako dahil sa malalakas na boses na nagtatalo. Hindi ko alam kung nasaan ako pero nasisiguro kong nasa labas ang dalawang taong naririnig kong nag-aaway."I heard everything from Rico. She's just a payment! Wala siyang halaga sa iyo kaya umalis na tayo!""She's worth millions! Mas mahalaga pa siya kaysa sa iyo na sekretarya ko lang!"Muli akong napapikit nang maramdaman ang pag-ikot ng paningin ko. Huli kong narinig ang galit na boses ni Seven bago ako tuluyan ginupo ng antok."Gising ka na pala."Naabutan ko ang tauhan ni Sir Seven na naglalagay ng basket na puno ng prutas sa ibabaw ng side table ng kamang kinahihigaan
Strawberry's POV"Cinnamon."Mula sa malaking salamin sa harap ko, lumingon ako sa pinanggagalingan ng boses. Napatayo ako nang makita kung sino ito."Monday."Banayad ang ngiti sa labi niya nang lapitan ako. "I heard the operation was a success... I'm glad."Napangiti ako sa sinabi niya. Wala na akong nakikitang galit sa mga mata niya at napakagaan ng pakiramdam."Salamat.""Narinig ko rin na ngayon ang kasal n'yo ni Seven."Naglaho ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang mariin na paglunok niya na parang nagpipigil na lang siyang maluha."Kasal na kami dati, pero gusto niyang ulitin namin. Ngayon daw, sa harap na ng... pamilya natin."Nginitian niya ako. "It's sad I won't get to witness my sister's wedding. I can't... "Inabutan niya ako ng isang maliit na kahon. Tinanggap ko iyon at binuksan. Silver bracelet na may nakasulat na Monday & Cinnamon. Pinakita niya sa akin ang suot niya na kapareha nito."I was a teenager when I personally made this. Para sa atin. This is my wedding gif
Seven's POVHINDI makapaniwala sina Tito Aamon at Tita Candy sa narinig. Lalong nagliyab sa galit ang mga mata ni Tita at inaway na ang babaeng si Pasing."Nagsisinungaling ka! Ilabas mo ang tunay naming anak! Ilabas mo si Cinnamon ko!" Hawak na nito sa damit si Pasing."Sandali lang ho!" Pilit na kumawala si Pasing at galit na tiningnan ito. "Hindi ako nagsisinungaling!"Malakas na sampal ang iginante ni Tita Candy rito. "Anong akala mo sa amin? Tanga?! Siguro, kakuntsaba mo ang babaeng iyan! Gusto n'yo kaming perahan! Tama?!""Ay, teka lang naman, madam. Kaya nga ho hinanap ko kayo nang kusa, para maisauli sa inyo ang anak n'yo! Matanda na ho ako, gusto ko lang ituwid ang pagkakamali ko."Muntikan na naman itong sampalin ni Tita Candy pero napigilan na ito ni Tito. "Hon, huminahon ka! Hindi tayo nandito para maghanap ng gulo.""Huminahon? Ninakaw ng babaeng iyan ang anak natin! Gusto mo akong huminahon? Ipapakulong kita! Mabubulok ka sa bilangguan!" pagbabanta ni Tita Candy at dinur
Seven's POVDAHAN-DAHAN kaming pumasok sa silid, puno ng pag-ingat na hindi makagawa ng ingay at magising ang prinsesa naming mahimbing ang tulog. Naglalakad kami patungo sa kama, titig na titig ako sa mga mata ni Strawberry.Though unable to see, her beautiful eyes were filled with love and longing. I caressed her cheek, wiping away a tear that flowed from her eyes."Mahal kita, mahal na mahal kita, Strawberry," masuyo kong bulong, habang humahalik ako sa kanyang mga labi.Matapos kong hubarin ang lahat ng suot namin at hinayaan itong mahulog sa sahig, ikinulong ko siya sa mga bisig ko. Our hands began to explore each other's bodies, caressing every part that we desired to feel."Seven... ""Shhh." Hinagkan ko siya sa noo bago inihiga sa kama.I kissed her cheek, then moved to her lips, down to her neck, her chest, and her stomach. My breath grew heavier with the intense desire I was feeling.Sa pagitan ng mga halik at mga hagod namin sa isa't isa, inumpisahan kong pumuwesto sa pagit
Seven's POVHAWAK ko ang kamay ni Strawberry habang pinagmamasdan ang pagtakbo ni Serenity sa paligid. Katatapos lang namin magsimba tatlo, at ngayon ay nasa carnival na kami para sana sumakay ng rides, pero may nakitang lobo ang prinsesa namin at nagpupumilit magpabili."Nanay! Gusto ko iyong kulay pink!""Pink?" tanong ko sa kaniya na agad niyang tinanguan. "Oh, manong, pink daw ang gusto. Ibigay mo na lahat ng pink diyan."Marahan akong hinampas ni Strawberry sa braso. "Manong, isa lang po.""Baby, I can buy all these balloons for our princes.""Hindi porke kaya mo, gagawin mo. Hindi naman nakakain iyan. Isa lang ang bilhin mo."Napangiti ako sa mga sinabi niya. Tumingin ako sa anak namin at nakitang ngumiti rin ito."Paano ba iyan, anak? Isang lang daw.""Okay lang, papa! Para makabili naman ang ibang may paboritong kulay na pink!"Natatawa kong ginulo ang buhok nito. Pagkatapos namin bumili ng lobo, lumapit naman kami sa nagbebenta ng hotdog at popcorn."Papa, gusto ko rin ng fri
Seven's POV“Serenity!” Natigilan ako nang marinig ang boses ni Strawberry. Agad akong lumabas mula sa bahay na tinutuluyan ko, katapat lang ito ng karinderya.“Huwag mo na habulin! Serenity!" Gustong sumunod ni Strawberry sa anak namin, pero hindi magawa at nangangapa na lang sa kinatatayuan.Sinundan ko ng tingin ang anak namin. Hinahabol niya iyong nakabisikletang lalaki. Mabilis akong tumakbo para pigilan si Serenity. May bitbit na sampaguita ang lalaking nakabisikleta. Duda ko ay sinabi nitong bibili, pero hindi binayaran si Serenity.Sa kagustuhang maabutan iyong lalaki, hindi napansin ni Serenity ang sunod-sunod na pagbusina ng sasakyang paparating. Nang makitang mabubundol na ng paparating na kotse ang anak ko, halos itapon ko na ang sarili ko sa kaniya. Wala na akong pakialam. Niyakap ko si Serenity. Hindi bale nang ako ang mapuruhan, huwag lang ang anak ko.Napapikit ako habang yakap-yakap si Serenity, ilan sandali pa ay saka ko lang namalayang nagawa pa palang huminto ng s
Seven's POVNATIGAGAL ako. Hindi ko na magawang kumurap pa habang nakatitig sa mukha ng batang nasa harap ko. Nakasuot ito ng over-size na damit at medyo marungis ang mukha. Tila para na itong batang palaboy-laboy. Kumuyom ang kamao ko. Anong nangyari sa anak ko? Anong nangyari sa kanila ni Strawberry?Halos tumigil sa pagtibok ang puso ko nang matuon sa akin ang paningin ng bata. Matagal niya akong tiningnan bago sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Patakbo siyang lumapit sa kotse ko."Hello po! Gusto n'yo po bili ng sampaguita?"Lumabas ako ng kotse at lumuhod sa harap niya. Ngayon na mas malapit na siya sa akin, saka ko lang nakikita ang pagkakamukha nila ni Lolo Tres.Napangiti ako. She's really my daughter, she's my daughter."Serenity?"Napasinghap ang bata at mabilis na lumingon sa karinderya. "Tawag ako ni Nanay!"Natigilan ako nang bigla itong tumakbo papunta sa karinderya. Ang boses na iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko nang makilala kung kanino galing ang boses.Strawberry.
Seven's POVHINDING-HINDI maayos ang gulong ito kung hindi ko tutuldukan ang ugat ng problema. Kailangan kong bitiwan ang ibang bagay kung talagang gusto kong ipaglaban ang babaeng mahal ko at ang supling na nasa sinapupunan niya. Kahit pa ang ibig sabihin no'n ay mawala sa akin ang lahat. “I'm sorry, but I can't do this," matapang kong saad habang tinitingnan sila isa-isa. Nandito sa Santiban Mansion ang mga magulang namin ni Monday. Pinapunta ko sila para matapos na ito. “What did you say? Sixto, ano na naman ito?!” nanggagalaiti na binalingan agad ng ama ni Monday ang ama ko.“Huminahon nga kayo!” awat ni Mama na mabilis na tumayo at lumapit sa akin. "Please, hayaan na natin ang mga bata. Huwag na tayong makialam sa kanila!""Huwag makialam?" Tumayo si Tita Candy. "Nasasabi mo iyan dahil hindi anak mo ang nasa peligro ang buhay!""Doctor ang kailangan ng anak mo, Tita, hindi ako."Natahimik sila sa sinabi ko. "Anong sabi? How dare you!""Kailangan n'yo siyang tulungan. Monday is
Seven's POVNASA hospital ako sa loob ng private room ni Monday at nakaupo sa tabi ng kama niya. Malalim ang iniisp ko habang siya ay nakatitig sa kawalan at patuloy ang pag-agos ng mga luha sa pisngi.She was sleeping just a while ago. Nakakatulog siya nang maayos kapag nandito ako. Noong wala ako ay nagwawala siya at hindi makakain.I decided to leave the island after I got a phone call from Tito Aamon. Wala na akong balak na balikan pa si Monday, pero nang isumbat na ni Tito ang lahat ng naitulong niya sa amin at nang pagbantaan na rin niya ang buhay ni Papa, napilitan akong sumunod.Agad na bumuti ang lagay ni Monday nang dumating ako, but I can't stop myself and went to the mansion after I received a text from Rico.Nasa mansion na raw si Strawberry at ligtas na nakabalik. Nagpanggap akong kukuha ng mga damit, pero ang totoo ay gusto ko lang siyang makita. And fuck me, I made her cry again. Dahil sa kagustuhan kong makita siya, napaiyak ko na naman siya.Suddenly, the image of a
Strawberry's POVMATAGAL kong hawak ang PT habang nakatingin kay Rico. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakikita sa mukha niya, naguguluhan siya na parang nababahala. Pero isa lang ang siguro, masayang-masaya ako."You're pregnant," ani Rico sa mahinang tinig.Wala sa sariling napatango ako. Hinawakan ko ang aking tiyan kung saan may sumisibol nang buhay—ang bunga ng pagmamahalan namin ni Seven."This will complicate everything," narinig kong sabi ni Rico sa sarili niya.Inilingan ko siya. Naluluha akong ngumiti. "Itong baby na ito... ito ang magpapabalik sa akin ng papa niya."Lumambot ang mukha ni Rico nang makita ang katuwaan sa mukha ko. Alam ko naman na nag-aalala lang siya, pero hindi ako magpapadaig sa takot. Ngayon pa ba? Ngayon pa na magkakaroon na kami ng baby ni Seven?"Paano kung... hindi ka pa rin niya piliin?"Banayad akong ngumiti. "Pipiliin niya ako, Rico. Alam kong matutuwa siya sa magandang balita.""Strawberry, hindi mo alam kung anong nangyayari ngayon kay Sev