Sakto naman ng mailigpit na ni andrea ang kanyang mga pinag kainan, ay tumunog ang kanyang cellphone. Mabilis niya itong sinagot medyo basa pa nga ang kanyang kamay ng damputin niya ang kanyang cellphone na naka lapag sa lamesa. "hello iha.." Ang kanyang Tiya ang tumawag. "hello Tiya, kamusta ho? Kamusta ang kapatid ko?..""okay na siya iha.. Naka uwi na siya kanina habang mag kausap tayo.. Mabuti nga at nakita siya ng dalawa kung anak.." "tiya loren, paka usap ho ako sa kapatid ko.." "okay iha, sandali lang tatawagin ko.." "Dominic parini ka muna at gusto ka raw maka usap ng ate mo.." Narinig ni andrea na tawag ng kanyang tiya sa kanyang kapatid. Mga ilang segundo pa ang lumipas ng marinig niya na ang boses ng kanyang kapatid sa kabilang linya. "hello ate..." Tinig ni Dominic na parang maiiyak ito."dom, kamusta ka? Hindi ka raw umuwi kagabi sabi ni Tiya loren.." "opo ate.." Narinig niyang umiiyak na ang kanyang kapatid sa kabilang linya. "oh bakit ka umiiyak? Ano bang n
Nang tuluyang mawala sa paningin ni andrea si nicko, ay tiningnan niya ang kanyang cellphone kung may message sa kanya si Lucas, ngunit wala parin itong message sa kanya. Nang lumipas na ang may sampung minuto ay nag punta na si andrea sa parking lot, naisip niya na naka alis na si nicko. Pagka rating niya sa parking ay agad na hinanap niya ang sasakyan ni Lucas.Ngunit naikot na ng kanyang paningin ang halos buong parking area, ay hindi niya nakita ang sasakyan ni Lucas. Hindi pa nga siya nakontento ay tinanong niya pa ito sa guard na nag babantay sa parking lot, kung nakita nito si lucas.Ang sagot naman sa kanya ng security guard ay umaga pa daw umalis ang sasakyan ni lucas. Matapos marinig ang paliwanag ng guard ay umalis na si andrea at nag desisyon na itong uuwi nalang.Habang naglalakad siya papuntang sakayan ng jeep, ay may napansin siyang parang sumusunod sa kanya. Nang lingunin niya ito ay si Lucas. Naka tawa ito sa kanya. Huminto siya sa pag hakbang, agad namang hinawakan
MAKALIPAS ang isang linggo ay nagkaroon na si andrea ng malaking pera sa bangko. Ibinigay na kasi sa kanya ni Ginang helen ng buo ang sampung milyon.Naninigurado na kasi ito na hindi na mag babago pa ang isip ni andrea.Busy si andrea ng araw na iyon sa kanyang laptop. May ipinapagawa kasi si nicko sa kanya na isang proposal plan, na ipapasa nila sa bagong nililigawan nitong investor. Dalawang araw ng hindi nakaka pasok ng opisina si nicko, dahil ayun sa ina nito ay masama daw ang pakiramdam nito. May narinig siyang kumakatokSa pintuan. "come in please.." Saad ni andrea sa taong kumakatok sa labas ng pintuan. Hindi kasi niya maiwan ang kanyang pag titipa sa keyboard ng kanyang laptop, iniisip niya kasi na baka mawala sa kanyang isipan kung ano ang dapat niyang ilagay sa proposal letter na kanyang ginagawa. Naramdaman niya nalang na bumukas ang pintuan. Mabilis niya itong nilingon, upang malaman kung sino ang pumasok. Bahagya pa siyang nagulat ng mapag sino ang taong pumasok. S
Matapos kumain ni andrea ay nag pasya siyang mag lakad lakad upang kahit papaano ay mabawasan ang kanyang kabusugan. Ipinuwesto niya nalang sa kanyang harapan ang naka sabit niyang sling bag, upang matakpan ang noo'y pumuputok na niyang tiyan sa dami ng kanyang nakain. Habang nag lalakad ay iginagala ni andrea ang kanyang paningin sa kabuuan ng bahay nina nicko. Malaki ang bahay nina nicko, halos kasing laki din ito ng bahay nina lucas.Mas modern lang ang pagkaka design ng bahay nina Lucas, habang ang kanila nicko naman ay may pagka vintage ang dating. Mayroon ding pool sa loob ng bakuran ng mga ito, at napalilibutan din ito ng mga halaman na mayroong iba't ibang klase ng bulaklak. Sa tingin niya ay mahilig ding magtanim ang ina ni nicko. Marami ding naging bisita si nicko. Pero sabi nito sa kaniya karamihan daw sa mga iyon ay mga bisita ng ina nito. Hindi niya napansin ang step father ni nicko, marahil ay wala ito roon. Kasi kung nandun ito ay di sana ito ang kasama ng ina ni nic
May narinig pa si andrea na mga nag uusap. Sinikap niyang maidilat ang kanyang mga mata. Nang tuluyan niyang maidilat ang kanyang mga mata ay, nakita niya si ginang helen na naka ngiti, kasama nito ang asawa nito. Halatang ka papasok lang ng mga ito ng kuwarto. Dahil naka tayo pa ang mga ito sa likod ng pinto. "good morning iha.." bati nito kay andrea. Pilit na ngumiti dito si andrea. Masakit kasi ang ulo niya, pati na ang buong katawan niya. Nakakaramdam pa siya ng pagka hilo. Bukod sa kanya ay may napansin pa siyang tinitingnan pa ni ginang helen. Sinundan niya ang mga mata nito kung saan ito naka tingin. Dumako ang mata nito sa kaniyang tabi. Nabigla si andrea sa kanyang nakita. Nan laki ang kanyang mga mata habang naka tingin sa taong katabi niya. Si nicko katabi niya pala itong naka higa. Tulog pa ang lalaki at naka dapa itong naka higa. Mahahalata mo pang walang saplot ang binata dahil bahagya pang naka labas ang isang pisngi ng pang upo nito.Nang bumalik ang tingin niya sa
Nang makababa na ang dalawa ay naabutan nila ang dalawang matanda na naka upo na sa harap ng hapag kainan."mabuti naman at bumaba na kayo.." Saad ng step dad ni nicko, na parang naiinis. Habang ang ina naman ni nicko, ay naka ngiti ito ng makita sila. "umupo na kayo.. Kanina pa namin kayo hinihintay ng tito Efren niyo.." Saad ni Ginang helen na naka ngiti parin habang nag sasalita. Agad na umupo naman ang dalawa. mag katabi silang umupo sa kabilang panig. Inihila pa ng upuan ni nicko si andrea. Napansin ni nicko na nahihiya si andrea na kumuha ng pagkain. Ang binata na mismo ang nag lagay ng pagkain sa plato ni andrea. Bahagyang na karamdaman si andrea ng pag iinit ng kanyang mukha. Pangiti ngiti kasi si Ginang helen habang sumusulyap sa kanila. "thank you.." Saad niya kay Nicko sa mahinang tinig. Matapos na lagyan ng binata ng pagkain ang kanyang plato. Hindi naman umimik si nicko, pero tumango ito at ngumiti ng bahagya. Habang kumakain na sila ay muling nag salita ang ginang
Nang makababa ang dalawa ay nakita nila si ginang helen sa sala. Naka upo ito na waring may iniisip. Nagulat pa ito ng tawagin ni nicko. "mom, uuwi na daw po si andrea.." Kaagad namang lumingon ang ginang sa gawi ng dalawa. Parang may lungkot pa sa mga mata nito ng tumingin ito kay andrea. "andrea iha.. Talaga bang uuwi ka na?.. Okay na ba ang pakiramdam mo?.." Lumapit ang ginang kay andrea at ngumiti ito ng bahagya. "yes po ma'am.. Okay na po ako.. Maraming salamat po sa pag asikaso niyo sa akin kagabi.." Saad ni andrea sa ginang. Si nicko naman ay naka tayo lang ito sa likuran ni andrea. Hindi na naka tiis ang ginang helen at hinila nito si andrea papunta ng kitchen. " sandali lang iho, babalutan ko lang ng ulam si andrea, para pag uwi niya sa kanila ay may makain siya.." Pag dadahilan ng ginang sa kanyang anak. Pero ang totoo ay gusto lang nitong kausapin ng sarilinan si andrea. Naiwan naman mag isa si nicko sa sala ng umalis ang dalawa. Napag pasyahan niyang umupo nalang m
Flash back:Matapos na maihatid ni ginang helen si andrea sa kuwarto ay pumasok na ang dalaga sa loob. Dahil naalala niya ang kanyang ina ay hindi mapigilan ni andrea ang pag iyak. Hindi na nagawang buksan ng dalaga ang aircon ng kuwarto, o anumang maaring pampalamig. Naka tulogan niya na ang pag iyak.Nang maka ramdam siya ng init ay naalipungatan siya at hinubad ang kanyang suot na damit. Hindi na niya kasi kinaya pang bumangon mula sa pag kakahiga. May dalawang oras ang naka lipas ay pumasok naman si nicko ng mismong kuwarto na iyon. Hindi niya napansin ang natutulog na dalaga dahil pagka pasok niya ng kuwarto ay kaagad niyang pinatay ang ilaw at dumiretso na sa kanyang kama.Nang maka higa ang binata sa kanyang kama ay dinampot niya ang remote control ng kanyang aircon na naka patong lang sa gilid ng lampshade,at tsaka ini-on ang aircon.Hindi sanay si nicko na matulog ng may ilaw kung kaya't hindi niya talaga binubuksan ang lampshade. Binubuksan niya lang ito kapag tatayo siya