Binati siya ng dalaga ng makita siya nito na pumasok sa pintuan. Binati niya rin ito pabalik. Huminto siya sa harapan ng table nito."come inside to my office andrea.. We need to talk.. I have something to discuss with you.." Utos niya sa dalaga. Kaagad namang sumunod sa kanya si andrea. Dahil ng pumasok siya sa kanyang opisina ay nasa likod niya lang pala ito. Kamuntik niya pa itong mabangga pag pihit niya ng kanyang katawan, dahil hindi ito nag sasalita. Kaya hindi niya namalayan na sumunod pala ito kaagad sa kanya ng sinabi niyang mag uusap sila.Napa ngiti siya dito at nag tama ang kanilang paningin. Ito ang unang nag bawi ng tingin sa kanilang dalawa. Dahil kung siya ang tatanungin ay ayaw niyang bawiin ang paningin niya dito. Gustong gusto niyang nakikita ang babae. Maamo kasi ang mukha nito, kaya pakiramdam niya ay may anghel sa harapan niya. Humugot siya ng malalim na hangin mula sa kanyang dib-dib. bago siya nag salita. Humugot siya ng lakas ng loob, kinakabahan kasi siya n
Sabay na pumasok si andrea at nicko ng trabaho. Nang sumapit ang tanghalian ay dinaanan ni Lucas si eloisa sa table nito. Nakita iyon ni nicko, dahil saktong palabas na ng pintuan ang dalawa ng lumabas naman si nicko ng kanyang office. Dahil pareho naman silang may baong pagkain ni andrea ay balak niya sanang papasukin si andrea nalang ng kanyang opisina, upang doon nalang sila kumain sa loob. May mini pantry kasi sa loob ng kanyang opisina. May table doon at may dalawa itong upuan sa mag kabilaan. May maliit din siyang refrigerator doon, na puno ng dessert. Nang makita niya ang dalawa ay napilitan nalang siya na pumasok ulit ng kanyang opisina at mag isa siyang kumain doon.Sa canteen naman ay masayang kumakain ang dalawa. Nagustuhan ni Lucas ang nilutong ulam ni andrea."tamang tama andeng at pinag dalhan mo ako ng ulam.. Balak ko kasing bumili nalang ng ulam dito sa canteen.. Hindi na kasi ako nakapag baon ng pagkain kanina bago ako umalis ng bahay.." Saad ni Lucas, habang ngumu
Nang matapos na silang kumain ni Lucas ay nanood na sila ng sine. Mahilig kasi si andrea na manood ng movie, kaya sa tuwing tinatanong siya ni Lucas kung saan niya gustong pumunta sila ay sinasabi niya lagi na gusto niyang manood ng movie. Nalaman niya kasi na may mga bagong movies na bagong labas.Maganda ang pinapanood nilang Movie, pero hindi niya alam kung bakit wala doon ang isip niya. Ang isip niya ay nakay nicko. Iniisip niya kasi kung naka uwi na ito ng condo o kung okay lang ba ito. Alam niyang alam ni nicko na pinag tatawanan ito ng tatlong babae kanina. Matalas ang pakiramdam ni nicko kaya imposibleng hindi nito napansin na pinag tatawanan ito kanina. Malamang kagaya niya ay ayaw din nitong maka eskandalo. Sa isiping iyon ay may naramdaman siya sa isang parte ng kanyang puso na kumirot.Hindi niya napansin na nakatitig pala sa kanya si Lucas at napansin nito na halos hindi na siya nanonood. "andeng.. Kanina pa talaga kita napansin.. May problema ka ba? Bakit parang ang l
Kinabukasan muling maagang nagising si andrea upang mag luto ng pagkain nila ni nicko. Halos ito na ang naging daily routine niya. Masaya siya dahil pakiramdam niya ay nasa bahay lang siya nila. Na-miss niya kasi ang pag luluto. Halos naka hain na ang lahat ng niluto niya ng lumabas ng kuwarto si nicko."good morning!" Bati nito sa kaniya."good morning din! Halika na kain na tayo.."Tugon ni andrea dito. Agad na umupo sa upuan si nicko. Matapos na mag timpla ni andrea ng kape nilang dalawa ay umupo na rin ito sa upuang nakaharap kay Nicko. Napansin ni andrea na hindi pa kumakain si nicko, samantalang siya ay naka dalawang subo na. Naka tingin lang ito sa kanya habang kumakain siya. "bakit hindi ka pa kumakain? Hindi ka ba kumakain ng niluto kong ulam ngayon?" Tanong niya sa binata. Huminto siya sandali sa pag nguya at naka tingin lang sa binatang kaharap. Nag hihintay siya ng isasagot nito. "sinanay mo ako sa ganito.. Baka kapag napagod ka na at umalis ka na dito ay hanap hanap
"aalis na ako iho.. Tawagan mo nalang ako kapag may ipapagawa ka.." Akma na sanang lalabas ng pintuan si delfin ng mapahinto ito sa tinanong ni nicko sa kanya."anong dapat kung gawin uncle, para mapansin niya?.."Napa ngiti si delfin sa tanong ni nicko sa kanya. Ngayon niya lang nakita si nicko sa ganoong sitwasyon. Patunay na na-inlove na ang kanyang batang amo.Muling lumapit si Delfin kay Nicko. At tumayo sa tapat nito. " bakit hindi mo siya ipag luto.. Mukhang laging siya ang nag luluto sa condo.. Siya naman ang asikasuhin mo iho.. Gustong gusto ng mga babae ang ina alagaan sila.."Na pangiti si nicko sa sinabi ni delfin. Ngunit sandali lang ay sumimangot ito. "eh hindi naman po ako marunong mag luto uncle.." "eh di mag aral ka.. Bakit, hindi ka mag pa turo sa mommy mo.." Muli ng ngumiti si nicko sa narinig na suhestiyon ni delfin.Bago sumapit ang uwian ay nauna ng umuwi si nicko kay andrea. At sinabihan si delfin na sunduin nalang nito si andrea, kapag sumapit na ang oras
Habang nag lalakad ay na pahinto ang dalawa ng tawagin si nicko ng step father nito. Lumingon ang binata dito. Nagulat si nicko ng akbayan siya ng kanyang step father."bakit parang nag mamadali ata kayo.. Minsan na nga lang tayo mag kita.." Saad ng step father ni nicko sa kanya. "because we need to go back to the office.. Marami pa akong hindi na pipirmahang Papers.." Paliwanag ni nicko kay Efren."sayang yayain sana kitang uminom kahit sandali lang.. But anyway sige next time nalang iho.." "sige ho.. Mauuna na ho kami.." Tugon ni nicko kay Efren. Ayaw niya kasing makipag plastikan dito. Alam niya kasi na kapag pinag bigyan niya ito ay pareho lang silang mag papanggap na gusto nila ang isa't isa.Tumango lang ang matanda kay nicko at tinapik siya nito sa braso. Muli na silang nag patuloy sa pag lalakad papunta sa kinaroroonan ng helicopter. Mabilis lang ang kanilang naging biyahe at agad din silang naka balik ng opisina. May dalawang oras pa ang nalalabi bago matapos ang Office
"bakit ka nasa labas iha?.. Nasaan si nicko?..." Nang lingunin niya ito ay si mang delfin. Naka tayo ito sa likuran niya. Marahan itong nag lakad palapit sa kanya at umupo ito sa tabi niya. "si nicko ho eh, nakaka inis na.. Sinabihan ko ng huwag uminom ayun, uminom nanaman.. Iniwan pa ako ng walang paalam.. Kung saan-saan ko na nga hinanap, hindi ko naman makita..""eh bakit hindi mo subukang bumalik ulit sa loob.. Baka ikaw naman ang hinahanap niya.." "naku, ayoko na ho.. Nag mumukha na akong tanga sa kaka hanap sa kanya.." May ilang segundong namayani sa kanilang dalawa ang katahimikan. Narinig niyang tumikhim ang matanda tsaka ito nag salitang Muli. "alam mo iha.. Nung bata pa si nicko ay napaka masiyahing bata niyan.. Palaging may ngiti sa kanyang mga mukha.. Pero mula nung mag kasakit siya, ay halos na kalimutan niya ng ngumiti..Pero nung dumating ka sa buhay niya ay noon ko lang siya ulit nakitang ngumiti.. Napaka bait din na bata niyan.. Kahit hanggang ngayong lumaki na s
Kinabukasan ay walang pasok sa trabaho ang dalawa. Niyaya siya ni nicko na mamasyal sa isang pasyalan na malapit lang din naman sa condo nito. Pero tumanggi ang dalaga. Naisip niya na kailangan niyang mapag isa, masyado na siyang nasasanay na kasama si nicko.Naguguluhan na siya sa kanyang nararamdaman. Masaya siya sa tuwing kasama niya si lucas, nawawala ang stress niya kapag kasama niya ito. Magka sundo kasi sila sa maraming bagay. Gaya nalang ng panonood ng Movie at sa mga gustong pasyalan. Sa una palang niyang makita ito ay attractive na siya dito. Gusto niya ang palaging pag ngiti nito, kahit na nag uusap lang sila at wala namang nakaka tawa. Magaan ang pakiramdam niya kay lucas. Pero naguguluhan siya kapag naiisip niya si nicko. may kakaiba rin siyang damdamin na nararamdaman para kay Nicko. Masaya siya kapag nakikita itong tumatawa. At isang buwan nalang ay matatapos na ang kanilang pag papanggap bilang magka relasyon. Dahil isang taon lang ang napag usapan nila ni ginang hele
Matapos ang kanilang kasal ay nag paiwan ang dalawa sa isla. Doon nila gaganapin ang kanilang Honeymoon. Ang islang iyon na pinag dausan ng kasal ng dalawa, ay ang isla del Castillo na pag magmay-ari nina jordan del Castillo, ang ama ni Lucas del Castillo. Hindi iyon napansin ni andrea, dahil una niyang napansin ang ganda ng paligid nito. Sa islang iyon din ginanap ang kasal nina jordan del Castillo at eloisa mae Macaraeg, balak nilang doon na rin idadaos ang magiging kasal ng kanilang mga anak balang araw. Naniniwala kasi ang dalawa na maswerte ang lugar na iyon, dahil dinivelop ang lugar na iyon, dahil sa pag ibig ni jordan kay eloisa.Kaya ng malaman nila ang balak na pag papakasal ni nicko kay andrea ay ang lugar na iyon ang kanilang iminungkahi na gaganapan ng magiging kasal ng dalawa. Katatapos lang mag love making ng dalawa. Kasalukuyang naka tayo sa balkonahe noon si nicko at naka tanaw sa malayo, nang lapitan siya ni andrea at yakapin sa likuran nito."anong iniisip mo mah
Luhaan ang dalawa ng mag tagpo sa harapan ng altar. Hawak kamay silang humarap sa Paring mag kakasal sa kanila."you may now kiss the bride.." Saad ng pari kay Nicko.Tapos na ang kasal ay hindi parin makapaniwala si andrea na buhay si nicko. Hinalikan siya ng binata sa kanyang labi. Habang magkalapat ang labi ng dalawa ay narinig nilang nag papalakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan.Nang mag hiwalay ang kanilang labi ay niyakap pa siya nito ng mahigpit. "congratulations to both of you!.." Bati sa kanila ni Ginang helen pagka lapit palang nito sa kanilang dalawa. Yumakap ito sa dalawa. Humalik naman sa pisngi nito sina andrea at nicko. "salamat mommy.." Halos sabay na saad ng dalawa sa ginang na noo'y punong puno ng luha ang mga mata nito. "bakit po kayo umiiyak mommy?" Tanong ni andrea sa ginang na noo'y nag pupunas na ng luha nito."masaya lang ako anak.. Masayang masaya.. Hindi ko akalain na darating tayo sa ganitong punto.. Na magiging manugang na kita.." Tugon nito kay
Flashback:Isang buwan bago ang mangyaring pag kalat ng video ni nicko, na si andrea pa ang kumuha ay nakatakda na sana siyang magpa opera sa ibang bansa. Tumawag kasi ang kanyang personal doctor na mayroon na daw nakuhang heart donor para sa kanya. Ngunit nag aalangan ang binata, dahil na kumpirma niya na sa kanyang sarili na mahal na nga niya si andrea, at sa tingin niya ay hindi niya kayang mawalay dito. Nasanay na kasi siya sa presensya nito, na palagi niya itong nakakasabay kumain, maging sa pag pasok at pag uwi nila sa trabaho. Kulang na nga lang ay mag tabi sila nito sa pag tulog. Hanggang sa dumating ang araw na napansin niyang parang hindi na masaya si andrea sa kanilang set up. Iniisip kasi ng binata na mahal talaga ni andrea si Lucas at kaya ito nalulungkot ay dahil hindi na nito nakakasama madalas ang lalaking iniibig nito na si Lucas. Dahil nga sa magkasama na silang naka tira nito sa iisang iisang bubong.Dahil doon ay nasasaktan si nicko, ayaw niya kasi na nakikitang
Parang na istatuwa si andrea ng hindi si mang delfin ang taong hinawakan niya. Kamukhang kamukha ito ni nicko. Naka ngiti sa kanya ang lalaki pagka harap nito sa kaniya."nicko...?" Halos pa bulong na saad ni andrea. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Mas lumapad pa ang pagkaka ngiti ng lalaking kanyang kaharap.Hindi na napigilan ni andrea ang kanyang sarili. Niyakap niya ito ng mahigpit. Habang naka yakap si andrea dito ay inaasahan niyang bigla itong mawawala habang yakap niya. Ngunit sa ilang segundo siyang na kayakap dito ay nanatili pa rin itong nayayakap niya."no please.. Kung panaginip lang to ayoko ng magising lord.." Halos pa bulong na saad ni andrea sa kanyang sarili."Mahal mo ba si nicko?.." Tanong ng lalaking ka yakap niya sa paos na boses. "oo mahal na mahal ko siya.."Matapos na sabihin iyon ng dalaga ay doon niya lang naramdaman na niyakap din siya nito at mas mahigpit pa ang ginawang yakap nito sa kaniya. Kumalas sa pagkaka yakap dito si andrea. Ngunit
Gusto pa sanang kausapin ni andrea si mang delfin, ngunit mas pinili niya nalang na manahimik muna. Baka kasi maka istorbo pa siya sa pag mamaneho nito, at isa pa ay alam niyang masama ang pakiramdam nito.Makalipas ang halos isang oras ay narating din nila ang lugar kung saan sinasabing nilipat ni ginang helen si nicko. May kalayuan din pala ang lugar kaya siguro nag mamadali si mang delfin kanina."Mang delfin may libingan po pala dito? Ang galing din ng naka isip nito noh.. Nag tayo sila ng libingan dito, para ang mga taong papasyal sa puntod ng mga mahal nila ay makakapag swimming na rin.. Ang galing!" Hindi maiwasan ni andrea ang humanga ng husto sa ganda ng paligid na kanyang nakikita. Napansin niyang hindi nag sasalita si mang delfin sa kanyang likuran. Nauna kasi siyang bumaba ng sasakyan dito. Nang lingunin niya ito ay wala na ito sa kanyang likuran. Nag taka si andrea, dahil kanina lang ay nakita na niya itong sumunod na bumaba sa kanya, at ngayon ay wala na ito kaagad sa k
Dalawang hakbang nalang ang pagitan ni andrea sa imahe ni nicko. Muli niyang binigkas ang pangalan nito. "nicko..." Naka titig parin sa kanyang mukha ang imahe at hindi parin nawawala ang ngiti nito sa labi. Sa paningin ni andrea ay mas lalong gumuwapo ito. Nang akma niya na itong yayakapin ay may narinig siyang tumawag sa kanya, mula sa kanyang likuran. "andrea.." Hindi niya sana papansinin ang taong tumatawag sa kanya, ngunit muli siyang tinawag nito. Doon na niya ito nilingon. Si ginang helen pala. Naka ngiti ito sa kanya, nag lalakad na ito palapit sa kanya.Muli niyang nilingon ang nakitang imahe ni nicko, ngunit wala na ito doon. Inikot niya pa ang kanyang paningin sa paligid, pero hindi na niya ito muling nakita pa. Nabahiran ng lungkot ang mukha ni andrea. Naisip niya na sana ay niyakap niya nalang muna si nicko, bago niya nilingon ang ginang."iha?.. May problema ba?.. Bakit parang bigla ka nalang nalungkot?.." Sunod-sunod na tanong sa kanya ng ginang. Hinawakan siya ni
Araw ng Sabado. Na kapag pasya na si andrea na paupahan nalang muna ang bahay na nabili niya. Hindi pa naman niya ito napapa renovate kaya ma-aari niya pa itong paupahan muna.Titira muna sila sa condo ni nicko ng kanyang kapatid, upang masunod ang hiling ni nicko sa kanya bago ito mawala na doon muna siya titira sa condo unit nito. Isasama niya nalang din si noemi na kapatid ni pia at ang anak nitong baby pa. Upang may makasama parin si dominic, habang nasa trabaho siya. "dom, siguradohin mong wala ka nang makalimutang dalhin ha. Samantalahin natin ngayon na wala akong pasok ng dalawang araw.. Kailangan mailipat na natin ang mga importanteng gamit natin sa condo.. Hindi kasi ako pwede bukas na, dahil nangako ako kay ginang helen na papasyal tayo doon.. "Mahabang litanya ni andrea sa kanyang kapatid. Mabuti nalang din na hindi pa ito nag sisimula sa kanyang klase, dahil kung nagka taon na pumapasok na ito sa eskwela ay aasikasuhin na naman niya ang pag lipat nito sa ibang eskwelahan
Namalayan nalang ni andrea na huminto ang kanilang sinasakyan sa tapat ng isang gusali kung saan naroroon ang condo unit ni nicko. "let's go iha.. Pasyalan natin itong condo unit ni nicko.." Anyaya ng ginang kay andrea. Nakababa na ang ginang, pero si andrea ay nanatili pa ring naka upo ito. Nag dadalawang isip siya kung bababa ba siya at papasok sa condo ni nicko. Marami silang nabuong alaala dito. Baka mas lalo lang siyang malungkot kapag pumasok siya dito. Naramdaman niya nalang na hawak na ng ginang ang kanyang kamay. Walang nagawa si andrea kundi ang bumaba nalang. Para siyang manika na di susi, na sumusunod lang sa bawat hakbang ng ginang. Nang marating nila ang palapag kung saan matatagpuan ang unit ni nicko ay hindi na naman mapigilan ang pag patak ng kanyang mga luha. Kung wala lang doon ang ginang ay baka hinimatay na siya sa sobrang lungkot. Pero dahil kinakausap siya nito, kahit papaano ay naiibsan ang kanyang kalungkutan. Pumasok sila sa kuwarto ni nicko. Pakiramdam
"i miss you.." Saad ng binata sa paos na boses habang naka titig sa mukha ni andrea."na-miss din kita.." Tugon ni andrea ng may ngiti sa labi. Akma sana siyang hahalikan ni nicko pero iniwas niya ang mukha niya dito. "ubusin mo na tong pagkain mo para makapag pahinga ka.. Tingnan mo yang itsura mo sa salamin.. Ang laki na ng eye bag mo!.." Saad ni andrea sa binatang naka ngiti parin. Hindi na nawala wala ang ngiti nito sa labi. Hindi mapag kakailang masaya itong muli niyang nakita si andrea. " ayaw ko matulog.. "" bakit naman?.. "" baka hindi na kita makita pag gising ko.."Kinilig si andrea sa sinabing iyon sa kanya ng binata. Binitawan niya ang hawak niyang kutsara na may lamang pagkain at hinawakan ang mukha ni nicko. "huwag kang mag alala sasamahan kitang matulog..." Tugon ng dalaga kay nicko."talaga sinabi mo yan ha.." "oo nga.. Kaya ubusin mo na to..