"bakit ka nasa labas iha?.. Nasaan si nicko?..." Nang lingunin niya ito ay si mang delfin. Naka tayo ito sa likuran niya. Marahan itong nag lakad palapit sa kanya at umupo ito sa tabi niya. "si nicko ho eh, nakaka inis na.. Sinabihan ko ng huwag uminom ayun, uminom nanaman.. Iniwan pa ako ng walang paalam.. Kung saan-saan ko na nga hinanap, hindi ko naman makita..""eh bakit hindi mo subukang bumalik ulit sa loob.. Baka ikaw naman ang hinahanap niya.." "naku, ayoko na ho.. Nag mumukha na akong tanga sa kaka hanap sa kanya.." May ilang segundong namayani sa kanilang dalawa ang katahimikan. Narinig niyang tumikhim ang matanda tsaka ito nag salitang Muli. "alam mo iha.. Nung bata pa si nicko ay napaka masiyahing bata niyan.. Palaging may ngiti sa kanyang mga mukha.. Pero mula nung mag kasakit siya, ay halos na kalimutan niya ng ngumiti..Pero nung dumating ka sa buhay niya ay noon ko lang siya ulit nakitang ngumiti.. Napaka bait din na bata niyan.. Kahit hanggang ngayong lumaki na s
Kinabukasan ay walang pasok sa trabaho ang dalawa. Niyaya siya ni nicko na mamasyal sa isang pasyalan na malapit lang din naman sa condo nito. Pero tumanggi ang dalaga. Naisip niya na kailangan niyang mapag isa, masyado na siyang nasasanay na kasama si nicko.Naguguluhan na siya sa kanyang nararamdaman. Masaya siya sa tuwing kasama niya si lucas, nawawala ang stress niya kapag kasama niya ito. Magka sundo kasi sila sa maraming bagay. Gaya nalang ng panonood ng Movie at sa mga gustong pasyalan. Sa una palang niyang makita ito ay attractive na siya dito. Gusto niya ang palaging pag ngiti nito, kahit na nag uusap lang sila at wala namang nakaka tawa. Magaan ang pakiramdam niya kay lucas. Pero naguguluhan siya kapag naiisip niya si nicko. may kakaiba rin siyang damdamin na nararamdaman para kay Nicko. Masaya siya kapag nakikita itong tumatawa. At isang buwan nalang ay matatapos na ang kanilang pag papanggap bilang magka relasyon. Dahil isang taon lang ang napag usapan nila ni ginang hele
Dahil mas gusto pang maka sigurado ni andrea kung talagang mahal na nga niya si nicko ay nag paalam siya sa binata na aalis na muna siya ng isang linggo. Isa pa ay buo na ang kanyang loob na kunin na sa kanilang tiyahin ang kanyang kapatid na si Dominic.Kailangan ay maasikaso niya muna ang kalagayan nila ng kanyang kapatid, bago ang kung anumang nararamdaman niya para kay nicko. Nandiyan lang naman si nicko at makakasama niya parin naman ito sa trabaho. Pero ang kaligtasan ng kanyang kapatid ay hindi niya masisigurado habang nandoon ito sa kanilang tiyahin nakatira. Naka usap niya kasi ulit ang kanyang tiyahin at sinabi nitong nag layas na naman daw si Dominic. Kaya kailangan niya na talagang kunin ito sa kanilang probinsya, bago pa ito tuluyang mapa hamak. Balak niya na kasing bumili din ng bahay para sa kanila ng kapatid niya. Ikukuha niya nalang ito ng makakasama muna sa bahay habang nasa condo pa siya ni nicko nakatira. Ngunit ayaw siyang payagan ng binata. Hindi niya alam kun
Tumagal din ng apat na araw si andrea sa kanilang probinsya. Inantay niya pa kasi ang signal ng abogado na pwede na nilang lipatan ang bahay. Sinulit niya ang apat na araw niya sa kanilang probinsya. Na-miss niya naman talaga ng sobra ang kanilang probinsya. Halos araw-araw ay pumapasyal siya. Lahat ng mga lugar na dati niyang pinupuntahan ay isa-isa niyang pinasyalan. Maging ang mga dati niyang ka eskwela ay pinasyalan niya rin. Tuwang-tuwa ang mga ito ng makita siya. Inasikaso niya rin ang pag ta-transfer ni Dominic sa ibang eskwelahan. Ang perang nauna niya ng in-advance sa pinapasukan nitong eskuwelahan ay maaari niya naman daw na ma-refund ito. Hindi nga lang kaagad agad. Mag hihintay pa raw siya ng isang buwan para maibalik sa kanya ang kanyang perang nauna ng ibinayad. Ihuhulog nalang daw ng mga ito sa kanyang bank account. Natapos na ang apat na araw ni andrea sa kanilang probinsya. Dahil kinabukasan na ang alis nila ng kanyang kapatid. Katatapos lang nilang manang halian
Dumiretso si andrea sa bahay nina nicko. Ayaw raw makipag usap sa kanya ni nicko ayun sa ina nito."eh ma'am bakit daw po ayaw niya akong kausapin?.. Ano raw po ang dahilan niya?""pak!!!" Nagulat si andrea ng bigla siyang sampalin ni ginang helen. "hindi mo ba talaga alam ang nangyari?! Sinungaling ka!!!" "p-po? Ako sinungaling? Ano po ba ang ginawa kong kasalanan?.." Saad ni andrea sa ginang, habang hawak niya ang kanyang pisngi na sinampal ng ginang. "ka papasok ko lang po kanina sa opisina at ng tawagan ko nga po si mga delfin para tanungin kung bakit hindi pumasok si nicko ay sinabi niya nga po, na simula daw ng umalis ako ay hindi na nga daw po pumasok si nicko sa opisina.. Hindi ko po alam kung anong dahilan niya.. "Hindi mapigilan ni andrea ang pag tulo ng kanyang luha. Hindi niya akalain na sa kanyang pag uwi sa kanilang probinsya ay mangyayari palang hindi maganda kay Nicko. Humugot ng malalim na hininga ang ginang mula sa kanyang dib-dib at tsaka ito nag salita. " m
"shhh.. Tahan na andeng.." "salamat Luke at hindi ikaw ang may gawa nun.. May kakampi na ako ngayon.. Akala kasi nina ginang helen ako ang nag pa kalat ng video ni nicko.." Saad niya kay Lucas na humihikbi hikbi pa. Inalis siya ni Lucas mula sa pagkaka yakap dito, at hinawakan siya sa magka bilaan niyang pisngi. " at least ngayon, mapapa tunayan mo na sa kanila na hindi ikaw ang nag pakalat ng video ni kuya.. Hayaan mo mamaya pupunta ako sa bahay nina kuya.. At ako mismo mag sasabi sa kanila na inosente ka.." Saad sa kanya ni lucas na naka tingin sa kanyang mukha habang hawak parin nito ang magka bilaan niyang pisngi. " salamat luke.. "Tugon ng dalaga kay lucas. " gusto mo bang sumama sa akin mamaya sa pag punta sa bahay nina tita..? "" hindi na muna luke.. Alam kong masama pa ang loob nila sa akin.. Tsaka nalang siguro.." "o sige, babalitaan nalang kita mamaya.." Saad pa ni Lucas kay andrea. Tumango lang si andrea dito at muling yumakap kay lucas. Pakiramdam niya ay naka li
"i miss you.." Saad ng binata sa paos na boses habang naka titig sa mukha ni andrea."na-miss din kita.." Tugon ni andrea ng may ngiti sa labi. Akma sana siyang hahalikan ni nicko pero iniwas niya ang mukha niya dito. "ubusin mo na tong pagkain mo para makapag pahinga ka.. Tingnan mo yang itsura mo sa salamin.. Ang laki na ng eye bag mo!.." Saad ni andrea sa binatang naka ngiti parin. Hindi na nawala wala ang ngiti nito sa labi. Hindi mapag kakailang masaya itong muli niyang nakita si andrea. " ayaw ko matulog.. "" bakit naman?.. "" baka hindi na kita makita pag gising ko.."Kinilig si andrea sa sinabing iyon sa kanya ng binata. Binitawan niya ang hawak niyang kutsara na may lamang pagkain at hinawakan ang mukha ni nicko. "huwag kang mag alala sasamahan kitang matulog..." Tugon ng dalaga kay nicko."talaga sinabi mo yan ha.." "oo nga.. Kaya ubusin mo na to..
Namalayan nalang ni andrea na huminto ang kanilang sinasakyan sa tapat ng isang gusali kung saan naroroon ang condo unit ni nicko. "let's go iha.. Pasyalan natin itong condo unit ni nicko.." Anyaya ng ginang kay andrea. Nakababa na ang ginang, pero si andrea ay nanatili pa ring naka upo ito. Nag dadalawang isip siya kung bababa ba siya at papasok sa condo ni nicko. Marami silang nabuong alaala dito. Baka mas lalo lang siyang malungkot kapag pumasok siya dito. Naramdaman niya nalang na hawak na ng ginang ang kanyang kamay. Walang nagawa si andrea kundi ang bumaba nalang. Para siyang manika na di susi, na sumusunod lang sa bawat hakbang ng ginang. Nang marating nila ang palapag kung saan matatagpuan ang unit ni nicko ay hindi na naman mapigilan ang pag patak ng kanyang mga luha. Kung wala lang doon ang ginang ay baka hinimatay na siya sa sobrang lungkot. Pero dahil kinakausap siya nito, kahit papaano ay naiibsan ang kanyang kalungkutan. Pumasok sila sa kuwarto ni nicko. Pakiramdam
Matapos ang kanilang kasal ay nag paiwan ang dalawa sa isla. Doon nila gaganapin ang kanilang Honeymoon. Ang islang iyon na pinag dausan ng kasal ng dalawa, ay ang isla del Castillo na pag magmay-ari nina jordan del Castillo, ang ama ni Lucas del Castillo. Hindi iyon napansin ni andrea, dahil una niyang napansin ang ganda ng paligid nito. Sa islang iyon din ginanap ang kasal nina jordan del Castillo at eloisa mae Macaraeg, balak nilang doon na rin idadaos ang magiging kasal ng kanilang mga anak balang araw. Naniniwala kasi ang dalawa na maswerte ang lugar na iyon, dahil dinivelop ang lugar na iyon, dahil sa pag ibig ni jordan kay eloisa.Kaya ng malaman nila ang balak na pag papakasal ni nicko kay andrea ay ang lugar na iyon ang kanilang iminungkahi na gaganapan ng magiging kasal ng dalawa. Katatapos lang mag love making ng dalawa. Kasalukuyang naka tayo sa balkonahe noon si nicko at naka tanaw sa malayo, nang lapitan siya ni andrea at yakapin sa likuran nito."anong iniisip mo mah
Luhaan ang dalawa ng mag tagpo sa harapan ng altar. Hawak kamay silang humarap sa Paring mag kakasal sa kanila."you may now kiss the bride.." Saad ng pari kay Nicko.Tapos na ang kasal ay hindi parin makapaniwala si andrea na buhay si nicko. Hinalikan siya ng binata sa kanyang labi. Habang magkalapat ang labi ng dalawa ay narinig nilang nag papalakpakan ang mga tao sa loob ng simbahan.Nang mag hiwalay ang kanilang labi ay niyakap pa siya nito ng mahigpit. "congratulations to both of you!.." Bati sa kanila ni Ginang helen pagka lapit palang nito sa kanilang dalawa. Yumakap ito sa dalawa. Humalik naman sa pisngi nito sina andrea at nicko. "salamat mommy.." Halos sabay na saad ng dalawa sa ginang na noo'y punong puno ng luha ang mga mata nito. "bakit po kayo umiiyak mommy?" Tanong ni andrea sa ginang na noo'y nag pupunas na ng luha nito."masaya lang ako anak.. Masayang masaya.. Hindi ko akalain na darating tayo sa ganitong punto.. Na magiging manugang na kita.." Tugon nito kay
Flashback:Isang buwan bago ang mangyaring pag kalat ng video ni nicko, na si andrea pa ang kumuha ay nakatakda na sana siyang magpa opera sa ibang bansa. Tumawag kasi ang kanyang personal doctor na mayroon na daw nakuhang heart donor para sa kanya. Ngunit nag aalangan ang binata, dahil na kumpirma niya na sa kanyang sarili na mahal na nga niya si andrea, at sa tingin niya ay hindi niya kayang mawalay dito. Nasanay na kasi siya sa presensya nito, na palagi niya itong nakakasabay kumain, maging sa pag pasok at pag uwi nila sa trabaho. Kulang na nga lang ay mag tabi sila nito sa pag tulog. Hanggang sa dumating ang araw na napansin niyang parang hindi na masaya si andrea sa kanilang set up. Iniisip kasi ng binata na mahal talaga ni andrea si Lucas at kaya ito nalulungkot ay dahil hindi na nito nakakasama madalas ang lalaking iniibig nito na si Lucas. Dahil nga sa magkasama na silang naka tira nito sa iisang iisang bubong.Dahil doon ay nasasaktan si nicko, ayaw niya kasi na nakikitang
Parang na istatuwa si andrea ng hindi si mang delfin ang taong hinawakan niya. Kamukhang kamukha ito ni nicko. Naka ngiti sa kanya ang lalaki pagka harap nito sa kaniya."nicko...?" Halos pa bulong na saad ni andrea. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Mas lumapad pa ang pagkaka ngiti ng lalaking kanyang kaharap.Hindi na napigilan ni andrea ang kanyang sarili. Niyakap niya ito ng mahigpit. Habang naka yakap si andrea dito ay inaasahan niyang bigla itong mawawala habang yakap niya. Ngunit sa ilang segundo siyang na kayakap dito ay nanatili pa rin itong nayayakap niya."no please.. Kung panaginip lang to ayoko ng magising lord.." Halos pa bulong na saad ni andrea sa kanyang sarili."Mahal mo ba si nicko?.." Tanong ng lalaking ka yakap niya sa paos na boses. "oo mahal na mahal ko siya.."Matapos na sabihin iyon ng dalaga ay doon niya lang naramdaman na niyakap din siya nito at mas mahigpit pa ang ginawang yakap nito sa kaniya. Kumalas sa pagkaka yakap dito si andrea. Ngunit
Gusto pa sanang kausapin ni andrea si mang delfin, ngunit mas pinili niya nalang na manahimik muna. Baka kasi maka istorbo pa siya sa pag mamaneho nito, at isa pa ay alam niyang masama ang pakiramdam nito.Makalipas ang halos isang oras ay narating din nila ang lugar kung saan sinasabing nilipat ni ginang helen si nicko. May kalayuan din pala ang lugar kaya siguro nag mamadali si mang delfin kanina."Mang delfin may libingan po pala dito? Ang galing din ng naka isip nito noh.. Nag tayo sila ng libingan dito, para ang mga taong papasyal sa puntod ng mga mahal nila ay makakapag swimming na rin.. Ang galing!" Hindi maiwasan ni andrea ang humanga ng husto sa ganda ng paligid na kanyang nakikita. Napansin niyang hindi nag sasalita si mang delfin sa kanyang likuran. Nauna kasi siyang bumaba ng sasakyan dito. Nang lingunin niya ito ay wala na ito sa kanyang likuran. Nag taka si andrea, dahil kanina lang ay nakita na niya itong sumunod na bumaba sa kanya, at ngayon ay wala na ito kaagad sa k
Dalawang hakbang nalang ang pagitan ni andrea sa imahe ni nicko. Muli niyang binigkas ang pangalan nito. "nicko..." Naka titig parin sa kanyang mukha ang imahe at hindi parin nawawala ang ngiti nito sa labi. Sa paningin ni andrea ay mas lalong gumuwapo ito. Nang akma niya na itong yayakapin ay may narinig siyang tumawag sa kanya, mula sa kanyang likuran. "andrea.." Hindi niya sana papansinin ang taong tumatawag sa kanya, ngunit muli siyang tinawag nito. Doon na niya ito nilingon. Si ginang helen pala. Naka ngiti ito sa kanya, nag lalakad na ito palapit sa kanya.Muli niyang nilingon ang nakitang imahe ni nicko, ngunit wala na ito doon. Inikot niya pa ang kanyang paningin sa paligid, pero hindi na niya ito muling nakita pa. Nabahiran ng lungkot ang mukha ni andrea. Naisip niya na sana ay niyakap niya nalang muna si nicko, bago niya nilingon ang ginang."iha?.. May problema ba?.. Bakit parang bigla ka nalang nalungkot?.." Sunod-sunod na tanong sa kanya ng ginang. Hinawakan siya ni
Araw ng Sabado. Na kapag pasya na si andrea na paupahan nalang muna ang bahay na nabili niya. Hindi pa naman niya ito napapa renovate kaya ma-aari niya pa itong paupahan muna.Titira muna sila sa condo ni nicko ng kanyang kapatid, upang masunod ang hiling ni nicko sa kanya bago ito mawala na doon muna siya titira sa condo unit nito. Isasama niya nalang din si noemi na kapatid ni pia at ang anak nitong baby pa. Upang may makasama parin si dominic, habang nasa trabaho siya. "dom, siguradohin mong wala ka nang makalimutang dalhin ha. Samantalahin natin ngayon na wala akong pasok ng dalawang araw.. Kailangan mailipat na natin ang mga importanteng gamit natin sa condo.. Hindi kasi ako pwede bukas na, dahil nangako ako kay ginang helen na papasyal tayo doon.. "Mahabang litanya ni andrea sa kanyang kapatid. Mabuti nalang din na hindi pa ito nag sisimula sa kanyang klase, dahil kung nagka taon na pumapasok na ito sa eskwela ay aasikasuhin na naman niya ang pag lipat nito sa ibang eskwelahan
Namalayan nalang ni andrea na huminto ang kanilang sinasakyan sa tapat ng isang gusali kung saan naroroon ang condo unit ni nicko. "let's go iha.. Pasyalan natin itong condo unit ni nicko.." Anyaya ng ginang kay andrea. Nakababa na ang ginang, pero si andrea ay nanatili pa ring naka upo ito. Nag dadalawang isip siya kung bababa ba siya at papasok sa condo ni nicko. Marami silang nabuong alaala dito. Baka mas lalo lang siyang malungkot kapag pumasok siya dito. Naramdaman niya nalang na hawak na ng ginang ang kanyang kamay. Walang nagawa si andrea kundi ang bumaba nalang. Para siyang manika na di susi, na sumusunod lang sa bawat hakbang ng ginang. Nang marating nila ang palapag kung saan matatagpuan ang unit ni nicko ay hindi na naman mapigilan ang pag patak ng kanyang mga luha. Kung wala lang doon ang ginang ay baka hinimatay na siya sa sobrang lungkot. Pero dahil kinakausap siya nito, kahit papaano ay naiibsan ang kanyang kalungkutan. Pumasok sila sa kuwarto ni nicko. Pakiramdam
"i miss you.." Saad ng binata sa paos na boses habang naka titig sa mukha ni andrea."na-miss din kita.." Tugon ni andrea ng may ngiti sa labi. Akma sana siyang hahalikan ni nicko pero iniwas niya ang mukha niya dito. "ubusin mo na tong pagkain mo para makapag pahinga ka.. Tingnan mo yang itsura mo sa salamin.. Ang laki na ng eye bag mo!.." Saad ni andrea sa binatang naka ngiti parin. Hindi na nawala wala ang ngiti nito sa labi. Hindi mapag kakailang masaya itong muli niyang nakita si andrea. " ayaw ko matulog.. "" bakit naman?.. "" baka hindi na kita makita pag gising ko.."Kinilig si andrea sa sinabing iyon sa kanya ng binata. Binitawan niya ang hawak niyang kutsara na may lamang pagkain at hinawakan ang mukha ni nicko. "huwag kang mag alala sasamahan kitang matulog..." Tugon ng dalaga kay nicko."talaga sinabi mo yan ha.." "oo nga.. Kaya ubusin mo na to..