"Are you ready?" tanong sa akin ni Lesie nang sunduin niya ako sa opisina.
Tumango ako. Ngayon na namin muling kakausapin ang mga stockholders kasama si Mateo. I know it won't be easy, that's why we have to be careful about it. Dito nakasalalay ang magiging desisyon ng board members, kung mananatili ba sila o hindi.
Pagpasok sa loob ng conference room ay sumunod na ang ilang myembro ng board. Isa-isa ko silang pinagmasdan, animo'y wala sa itsura ng ilan ang pagiging interesado para sa usapin ngayong araw.
Naroon na din si Mateo na masinsinang kausap ni Attorney Sheldon. Bumaling sa akin ang kan'yang tingin subalit hindi ko ito pinansin.
Sinimulan ni Attorney ang pag-uusap sa pamamagitan ng pagpapakilala kay Mateo kahit pa kilala na ito nang ilan.
Naglakad si Mateo papunta sa unahan nang tawagin siya ni Attorney.
"You know me before as the supplier of construction materials para sa pagpapatayo ng pabrika. 'Di naglaon ay nakilala niyo ak
Kanina pa ako nakatulala sa papeles na nasa aking lamesa. Lagda ko na lamang ang kulang para ma-pull-out ang kan'ya-kan'yang shares ng mga board members."Are you done?" tanong ni Lesie nang pumasok siya sa aking opisina.Wala akong choice kun'di pirmahan iyon."Naipadala na ang letter kay Veronica. Magkikita na lamang tayo para sa pormal na usapan," pagbabalita niya sa akin.Walang gana akong tumango.I am exhausted. Nakakapagod.Nang matapos ang araw ay naiwan akong mag-isa sa opisina. Ayaw sana akong iwanan nina Lesie at Attorney Sheldon subalit sinabi ko sa kanila na marami pa akong gagawin kahit na ang totoo ay wala na. Sa estado ng kompanya ngayon ay tila wala nang trabaho pa'ng matitira sa amin.Kaunting ilaw na lamang ang nakabukas sa labas ng aking opisina kung nasaan ang cubicle ng mga empleyado. Kaagad akong binalot ng kalungkutan.I always project an intimidating aura whenever I talk to my employees beca
Mahirap ang mga sumunod na araw sa kompanya dahil halos kalahati ng shares ang nawala. Kung mananatiling ganito sa mga susunod na buwan ay tuluyan nang masasaid ang aming pera sa banko."Sa susunod nang bukas ang meeting natin with Veronica kasama ang kan'yang abogado."Marahan akong tumango sa sinabi ni Lesie habang nasa opisina kaming tatlo ni Attorney Sheldon."What's our plan after this?" dagdag niyang tanong.Nagkatinginan kami ni Attorney.Hindi ko alam ang sagot. May mga bagong kliyente na kaming tinapos ang kontrata at maaaring iyon din ang mangyari sa iba."Troy's parents said that they will stay despite our situation. Sinabi kong hindi natin ma-me-meet kung anuman ang nasa kontrata pero handa silang baguhin ito para sa atin." Nakausap ko na si Troy at ang kan'yang mga magulang. They assured me that they won't leave us in this battle. May tiwala pa din sila sa kalidad ng tsokolateng ginagawa namin.Isa pa'y sila a
My head is as light as heavy as my heart.Ilang oras pa lang ang naitutulog ko pero kailangan ko nang bumangon para pumunta sa opisina.Totoo nga'ng magpapakasaya ka sa gabi pero sa umaga ay magsisisi ka."Bakit ka ba kasi naglasing kagabi?" tanong ni tatay habang pinagmamasdan akong dumaing sa kaunting pagkahilo. Ininom ko ang gamot na ibinigay niya pagkatapos kong kainin ang lugaw na iniluto ni manang para sa akin."Nagkasiyahan lang po 'tay." Wala akong ideya kung alam niya na ang tungkol sa nangyayari sa kompanya dahil kakabalik pa lamang niya galing sa probinsya.Kahit hindi ako nakatingin sa kan'ya ay nararamdaman ko ang mataman na pagtitig niya sa akin."Kung mayroong problema at kailangan mo ng kausap, nandito lang ako," seryosong saad ni tatay kaya napatingin ako sa kan'ya.Mukha lang talaga siyang walang pakialam pero nararamdaman kong kahit 'di siya magtanong ay alam niya ang pinagdaraanan ko.Ngumiti ako sa ka
Sa pagdaan ng mga araw ay mas lalong nagiging mahirap ang sitwasyon ng kompanya."The Gutierrez declined to invest in our company. Hindi lamang sila kun'di maging ang tatlo pa'ng negosyanteng nilapitan natin." Bawat pagpasok ko sa opisina ay ganitong mga balita ang sinasalubong sa akin ni Lesie. Wala nang nagtitiwala pa sa aming kompanya."Kumusta ang hacienda?" Matagal na din akong hindi nakakabisita sa Hacienda Miraflor dahil sa pagiging abala ko sa paghahanap ng bagong mga investors."Maayos naman ang hacienda. Sa susunod na linggo ay anihan na. Patuloy pa din naman ang pagtatanim ng mga magsasaka sa bago nating lupain kaya baka sa susunod na mga taon ay marami na tayong aanihin." Tipid akong napangiti sa kan'yang sagot. Kahit papaano'y buhay pa din ang plantasyon ng cacao kaya may dahilan pa din upang magpatuloy."Mayroon akong meeting mamaya kasama ang potential investor 'di ba?" paninigurado ko sa kan'ya. Ayoko kasing maulit ang kahapon na pumunta p
Ilang ulit nang nakarating si Mateo sa bahay ko, subalit sa inaasta niya ngayon ay tila ngayon pa lang siya naparito. Panay ang tingin niya sa kisame at sa pintuan ng aming dining area patungo sa salas. Halos hindi nga nito magalaw ang pagkain na inihain ni manang para sa amin. Sinundan ko ang tingin niya nang makarinig ng mga yabag sa may pintuan. Napansin ko ang pag-ayos nito ng upo at malalim na paghinga. Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si tatay na tila kararating lang mula sa kung saan. Nagmano ako sa kan'ya. Tumayo din si Mateo at halatang 'di malaman kung ano ang gagawin. "Ano'ng ginagawa n'yan dito?" Itinuro pa ni tatay si Mateo. Gusto kong mapangiti dahil ito talaga ang dahilan kung bakit dito ko dinala si Mateo para makapag-usap kami. Nais ko siyang masindak kay tatay. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakikita itong hindi magkandaugaga sa kinakatayuan, pero sa kabila nito ay naaawa ako. "May pag-uusapan
"Sandra, conference room tayo. Nagpatawag ng emergency meeting si Sheldon," biglaang sabi sa akin ni Lesie kaya sumunod ako sa kan'ya patungong conference room.Sa loob ay naabutan ko si Attorney Sheldon na masinsinang kausap si Mateo.Ano pa'ng ginagawa niya dito?"Ano'ng meron?" tanong ko.Isa-isa nang pumasok sa loob ang natitirang board members. Wala doon si Mr. Morales na ilang araw nang hindi nagpaparamdam, simula nang makulong si Veronica."We have a new investor." Bakas sa mukha ni Attorney ang galak nang ibulong niya ito sa akin.Hindi na ako nagtanong pa at piniling maupo na lamang. Hinintay namin na makompleto ang mga tao sa loob kabilang ang department heads upang masimulan na ang meeting."Magandang umaga para sa isang magandang balita. Alam ko na malaking problema ang kinakaharap ng ating kompanya, subalit hindi tayo tumigil sa paghahanap ng solusyon para malutas ito. Nagpapasalamat ako sainyo, lalong-lalo na kay Cassand
Ikatlong beses ko na sigurong paulit-ulit na binabasa ang papeles na nasa aking lamesa. Halos tapos na ako sa aking gawain ngayong umaga dahil binakante ni Lesie ang kalahati ng araw ko, ayon na din sa utos ni Attorney. Gayunpaman, hindi ko pa rin pinupuntahan si Mateo sa opisina nito. Sa tingin ko nga ay nauna na itong pumunta sa Hacienda Miraflor, mabuti naman.Pasado alas-dose na kaya lumabas na ako upang ayain sana si Lesie na kumain ng lunch, subalit mukha ni Mateo ang nabungaran ko pagbukas ng pintuan. Tila ito kakatok pa lamang.Sandali kaming nagkatitigan, pero ako na ang unang bumitaw. Hinanap ng aking mata si Lesie na abalang ayusin ang kwelyo ng longsleeve polo ni Attorney Sheldon."Nag-lunch na kayo?" tanong ko sa dalawa."Hindi pa, sama ka na sa amin. Kakain kami sa labas," alok ni Lesie na mabilis ko naman pinaunlakan."Sumama ka na din Mateo, para sabay na kayo ni Sandra patungong hacienda." Pero mabilis kong pinagsisihan ang pagpaya
Nang sumunod na mga araw ay madalang ko nang makita si Mateo sa opisina. Narinig ko sa mga empleyado ay palagi raw ito sa hacienda naglalagi.Hindi na kami nag-usap matapos ang ginawa naming pag-uusap nang nakaraan. Kung may kailangan akong ikonsulta at ipapirma sa kan'ya ay si Lesie ang nagdadala nito sa opisina, at ganoon din ang ginagawa niya."Mayroon kang meeting sa hacienda mamaya kasama ang mga magsasaka," pagpapaalala sa akin ni Lesie.Unti-unti nang bumabangon ang kompanya. Bumabalik na ang aming mga kliyente at mayroon pa'ng mga dumadagdag, subalit nililimitahan muna namin ito dahil hindi pa ganoon karami ang naaani naming cacao.Nang matapos ang mga gawain ay nagtungo na ako sa hacienda.Naroon na ang mga inimbitahan naming mga agriculturist na magbibigay ng workshop sa mga magsasaka tungkol sa panibagong paraan ng pagtatanim. Mayroon din itong mga dalang panibagong mga organic na pampataba sa lupa.Naging abala kami b
Who says I don't have a choice? "Kanina pa kita tinatawagan Mateo!" Bakas ko ang inis sa tono ng pananalita ng aking misis. Bumusina ako sa mabagal na pagpapatakbo ng sasakyan sa aking unahan. Mabilis akong nag-overtake dito. Naghuhuramentado na ang asawa ko sa galit. "Mahal, I'm sorry dumaan pa ako sa opisina. You know I can't just leave my job and come over to see you when you call." Napaka-demanding niya nitong mga nagdaang araw. Gusto niya na sa isang tawag lang ay naroon na ako sa tabi niya, kahit pa naroon siya sa probinsya, na dalawang oras ang layo sa Hacienda Miraflor. "Isa pa ay pinahanap mo ako ng mangga." Pinasadahan ko ng tingin ng manggang hilaw na nakalagay sa isang supot ng plastic. Napapailing na lamang ako kapag naaalala kung paano ako humingi nito sa may-ari ng punong mangga na nadaanan ko kanina. Detalyado ang gusto ni Cassandra. Gusto niya ng mangga na mayroong pa'ng tangkay at dahon. Ang tangkay na i
"Cassandra, are you sure about it? Maayos naman na ang lahat. Nakakulong na si Veronica at wala nang banta sa buhay n'yo." Napirmahan ko na ang mahalagang dokumentong hiningi ko kay Lesie subalit iyon pa din ang katanungan niya."Mateo will not accept it for sure," ani Attorney Sheldon na nandito sa opisina dahil kinailangan ko ang kan'yang pirma."Sigurado ako. I think about it a couple of times. Isa pa'y hindi niya na ito matatanggihan dahil pirmado ko na."Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso kami ni Mateo sa sementeryo. Sa dami ng mga nangyari ay nararapat lamang na bisitahin namin si nanay at si Arman pati na rin ang ama nila ni Mateo."Daddy. Tatawagin na kitang daddy dahil sabi ni Manang Dory ay iyon din naman ang itinuturo mo sa akin na tawagin ko sa'yo. Dad at kuya Arman, tapos na. We finally beat Ate Veronica and the devil inside her. Malaya at ligtas na ulit ang Hacienda Miraflor na pinaghirapan niyong buuin."Napangiti ako sa sinabi
Hawak-hawak si Veronica at ang gatilyo ng baril ay paatras kaming naglakad ni tatay palabas ng silid. Umaatras ang mga tauhan sa takot na totohanin ko ang pagbaril sa kanilang amo.Hindi ko gustong pumatay dahil masama iyon, subalit sa puntong ito ay desidido na ako.Pagbaba ng hagdanan ay sinalubong kami ng mga tauhan ni Veronica, na nagbabantay sa labas. Subalit kaagad din silang umatras nang makitang bihag ko ang amo nila."'Tay buksan n'yo na po ang pintuan." Utos ko kay Tatay na mabilis niya naman tinugunan."Mga walang kwenta kayo! Kunin n'yo ako sa babaeng ito!" bulyaw ni Veronica sa mga tauhan niya subalit puro porma lamang ng baril nila sa akin ang nagagawa ng mga ito.Tagumpay na nabuksan ni tatay ang pintuan, nang maramdaman ko ang samyo ng hangin sa aking likod mula sa labas."Mateo! Salamat," sigaw ni tatay dahilan upang mabilis akong mapalingon.Marami na ang pulis sa labas at kasama na roon si Mateo. Nakahinga ako nang
Sanay ako na pumirma ng sandamakmak na papeles sa buong araw, subalit ang ipinapagawa ni Veronica ang napakahirap sa lahat.Pinagmasdan ko si tatay, habang kinakalagan ng isa sa mga tauhang ang aking tali sa kamay. Panay ang pagpalag niya sa tauhan na pilit siyang hinahawakan sa braso. Siya at si Mateo na lamang ang mayroon ako. Ayoko na mawala ang isa man sa kanila.Hindi ko maikakaila na nagtanim ako ng sama ng loob kay tatay, dahil minsan sa buhay ko ay hindi siya naging mabuting ama. Iniwan niya kami ni nanay dahilan upang mapilitan akong magtrabaho sa club. Subalit, kagaya nga ng sinasabi nila, everything happens for a reason. Nakilala ko si Arman dahil sa pagtatrabaho sa club, na siyang nagbigay sa akin ng magandang buhay ngayon. Dahil dito ay nakilala ko din si Mateo.Nagawa man kaming iwanan noon ni tatay ay muli niya naman ipinaramdam sa akin ang pagmamahal nang mawala si nanay. Sapat na iyon makabawi siya sa akin."Pirmahan mo na!" sigaw ni Vero
Kanina pa ako pabalik-balik nang lakad sa aking opisina ngunit hindi pa rin ako makapag-isip ng idadahilan kay Cassandra. Ayoko na sana magsinungaling sa kan'ya pero kinakailangan.Tumunog ang aking telepono. Isang mensahe mula may Sheldon. Tinatanong kung nasaan na ako.I suppose I have no choice but to tell a lie. It will be the last, I promise.Mayroong police operation na gagawin sa isang abandonandong bodega. Isang hindi nagpakilalang tao, na nakakita daw kay Veronica, ang nagbigay sa amin ng impormasyon.Ayokong ipaalam iyon kay Cassandra dahil panigurado akong sasama siya. Delikado ang operasyon at nagpumilit lamang kami ni Sheldon sa mga pulis na sumama.Nang pumasok ako sa opisina ni Sandra parang ayoko na lang umalis. Suddenly, I want to go home with her. Subalit hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataon na mahuli ang taong nag-iisang hadlang para maikasal ako sa babaeng pinakamamahal ko."I'll meet my siblings." Alam ko'ng maha
Mr. Morales wife was under the witness protection program. Bilang bihag ni Veronica ay nasaksihan niya ang kasamaan na ginawa nito. Humiling sa amin ang abogado ni Mr. Morales na pati ito ay gawing witness subalit si Attorney Sheldon na mismo ang tumanggi.Habang patuloy ang paglilitis sa kaso at paghahanap kay Veronica ay bumalik kami ni Mateo sa trabaho. Ipinasara niya na ang kan'yang negosyo at sa totoo lang ay labis akong nalulungkot para sa kan'ya. Mas madalas na siyang nasa opisina at nagtatrabaho kasama ko."Mahal," tawag niya sa akin nang marahan nitong binuksan ang pintuan ng aking opisina. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita siya.It was a stressful but a blessful day. Nagsisimula na kaming tumanggap ng mga bagong kliyente at umaasa kami na magtutuloy-tuloy na ito."Yes?" Tumayo na ako upang ihanda ang aking gamit. Mag-aalas sais na nang gabi."Hindi pa ako uuwi. Pinatawag ko na si Kuya Joel. Siya muna ang maghahatid
“Manang, nand’yan na po ba si Mateo?” tanong ko kay manang Dory nang salubungin niya ako sa pungad ng mansyon.“Wala pa hija,” sagot niya.Kagaya nang nagdaang mga araw ay malalim na ang gabi kung umuwi si Mateo. Hanggang ngayon ay pilit niya pa din na nilulutasan ang problemang kinakaharap ng kan’yang negosyo.Ang mga materyales na ipinadala sa kanila ay mababa ang kalidad taliwas sa nakasulat sa kontrata. Mariin na itinanggi ng supplier na sa kanila nagmula ang mga produkto. Kilala ang supplier ni Mateo na mayroong mga de-kalidad na materyales. Inimbestigahan ngayon ang pagkakaroon ng anomalya sa transaksyon.Kinuha ko ang aking cellphone. Mayroong mensahe doon si Mateo, ipinapaalam na pauwi na siya. Napangiti ako.“Ipaghahanda na kita ng hapunan.”Kahit na maraming ginagawa ang aking nobyo ay hindi pa din ito pumapalya na ipaalam sa akin kung nasaan na siya at kung ano ang kan’yang gin
We drove straight home after dinner. Mabagal lamang ang pagmamaneho ni Mateo dahil panay ang pagsagot nito ng mga tawag, kaya hindi ko napigilan ang pumikit. Dumilat lamang ako nang natahimik siya, subalit hindi niya pa man naibababa ang telepono ay isang panibagong tawag muli ang dumating.Kumunot ang kan’yang noo nang makita ang numero doon bago bumaling sa akin.Attorney Sheldon was calling him. Madalang na tumawag ito nang gabi sa kan’ya, maliban na lamang kung mahalagang bagay ang sasabihin nito.“Hello Sheldon, napatawag ka?”Inilagay niya sa loudspeaker ang telepono kaya naririnig ko ang ingay sa kabilang linya.“Where are you?” Humihingal ang boses nito.Tiningnan ako ni Mateo bago siya sumagot. “We’re heading home.”“Alright, keep your guards up. Kumikilos na naman si Veronica.”Humina ang pagmamaneho ni Mateo. Ako na ang sumagot kay Attorney. I know the
Hindi ako pinatahimik ng senaryong nakita namin ni Mateo sa sementeryo ng ilang gabi. Subalit hindi niya ako pinabayaan at palaging ipinaparamdam sa akin na nasa tabi ko lamang siya.Matapos ang pag-iimbestiga ng mga pulis ay wala silang nakuhang matinong ebidensya na magtuturong si Veronica ang may gawa noon. Gayunpaman, ay pinaigting pa din ang paghahanap dito.Hindi na nasundan ang pananakot na iyon ngunit naging mas maingat pa din kami.Ang plano kong bumalik na sana sa sarili kong bahay ay hindi natuloy dahil sa nangyari.Si tatay ay nasa probinsya at binilinan ko itong doon muna manatili. Ayokong pati siya ay madamay sa kasamaang idinudulot sa amin ni Veronica.Lumipas ang sumunod na mga araw na hindi kami nagpaapekto sa ginawang pananakot at pagbabanta ni Veronica. Hatid at sundo pa din ako ni Mateo sa opisina pero nang nakaraan ay si Kuya Joel ang nagmaneho para sa akin dahil naging abala siya sa negosyo, bagay na naiintindihan ko."