My head is as light as heavy as my heart.
Ilang oras pa lang ang naitutulog ko pero kailangan ko nang bumangon para pumunta sa opisina.
Totoo nga'ng magpapakasaya ka sa gabi pero sa umaga ay magsisisi ka.
"Bakit ka ba kasi naglasing kagabi?" tanong ni tatay habang pinagmamasdan akong dumaing sa kaunting pagkahilo. Ininom ko ang gamot na ibinigay niya pagkatapos kong kainin ang lugaw na iniluto ni manang para sa akin.
"Nagkasiyahan lang po 'tay." Wala akong ideya kung alam niya na ang tungkol sa nangyayari sa kompanya dahil kakabalik pa lamang niya galing sa probinsya.
Kahit hindi ako nakatingin sa kan'ya ay nararamdaman ko ang mataman na pagtitig niya sa akin.
"Kung mayroong problema at kailangan mo ng kausap, nandito lang ako," seryosong saad ni tatay kaya napatingin ako sa kan'ya.
Mukha lang talaga siyang walang pakialam pero nararamdaman kong kahit 'di siya magtanong ay alam niya ang pinagdaraanan ko.
Ngumiti ako sa ka
Sa pagdaan ng mga araw ay mas lalong nagiging mahirap ang sitwasyon ng kompanya."The Gutierrez declined to invest in our company. Hindi lamang sila kun'di maging ang tatlo pa'ng negosyanteng nilapitan natin." Bawat pagpasok ko sa opisina ay ganitong mga balita ang sinasalubong sa akin ni Lesie. Wala nang nagtitiwala pa sa aming kompanya."Kumusta ang hacienda?" Matagal na din akong hindi nakakabisita sa Hacienda Miraflor dahil sa pagiging abala ko sa paghahanap ng bagong mga investors."Maayos naman ang hacienda. Sa susunod na linggo ay anihan na. Patuloy pa din naman ang pagtatanim ng mga magsasaka sa bago nating lupain kaya baka sa susunod na mga taon ay marami na tayong aanihin." Tipid akong napangiti sa kan'yang sagot. Kahit papaano'y buhay pa din ang plantasyon ng cacao kaya may dahilan pa din upang magpatuloy."Mayroon akong meeting mamaya kasama ang potential investor 'di ba?" paninigurado ko sa kan'ya. Ayoko kasing maulit ang kahapon na pumunta p
Ilang ulit nang nakarating si Mateo sa bahay ko, subalit sa inaasta niya ngayon ay tila ngayon pa lang siya naparito. Panay ang tingin niya sa kisame at sa pintuan ng aming dining area patungo sa salas. Halos hindi nga nito magalaw ang pagkain na inihain ni manang para sa amin. Sinundan ko ang tingin niya nang makarinig ng mga yabag sa may pintuan. Napansin ko ang pag-ayos nito ng upo at malalim na paghinga. Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si tatay na tila kararating lang mula sa kung saan. Nagmano ako sa kan'ya. Tumayo din si Mateo at halatang 'di malaman kung ano ang gagawin. "Ano'ng ginagawa n'yan dito?" Itinuro pa ni tatay si Mateo. Gusto kong mapangiti dahil ito talaga ang dahilan kung bakit dito ko dinala si Mateo para makapag-usap kami. Nais ko siyang masindak kay tatay. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakikita itong hindi magkandaugaga sa kinakatayuan, pero sa kabila nito ay naaawa ako. "May pag-uusapan
"Sandra, conference room tayo. Nagpatawag ng emergency meeting si Sheldon," biglaang sabi sa akin ni Lesie kaya sumunod ako sa kan'ya patungong conference room.Sa loob ay naabutan ko si Attorney Sheldon na masinsinang kausap si Mateo.Ano pa'ng ginagawa niya dito?"Ano'ng meron?" tanong ko.Isa-isa nang pumasok sa loob ang natitirang board members. Wala doon si Mr. Morales na ilang araw nang hindi nagpaparamdam, simula nang makulong si Veronica."We have a new investor." Bakas sa mukha ni Attorney ang galak nang ibulong niya ito sa akin.Hindi na ako nagtanong pa at piniling maupo na lamang. Hinintay namin na makompleto ang mga tao sa loob kabilang ang department heads upang masimulan na ang meeting."Magandang umaga para sa isang magandang balita. Alam ko na malaking problema ang kinakaharap ng ating kompanya, subalit hindi tayo tumigil sa paghahanap ng solusyon para malutas ito. Nagpapasalamat ako sainyo, lalong-lalo na kay Cassand
Ikatlong beses ko na sigurong paulit-ulit na binabasa ang papeles na nasa aking lamesa. Halos tapos na ako sa aking gawain ngayong umaga dahil binakante ni Lesie ang kalahati ng araw ko, ayon na din sa utos ni Attorney. Gayunpaman, hindi ko pa rin pinupuntahan si Mateo sa opisina nito. Sa tingin ko nga ay nauna na itong pumunta sa Hacienda Miraflor, mabuti naman.Pasado alas-dose na kaya lumabas na ako upang ayain sana si Lesie na kumain ng lunch, subalit mukha ni Mateo ang nabungaran ko pagbukas ng pintuan. Tila ito kakatok pa lamang.Sandali kaming nagkatitigan, pero ako na ang unang bumitaw. Hinanap ng aking mata si Lesie na abalang ayusin ang kwelyo ng longsleeve polo ni Attorney Sheldon."Nag-lunch na kayo?" tanong ko sa dalawa."Hindi pa, sama ka na sa amin. Kakain kami sa labas," alok ni Lesie na mabilis ko naman pinaunlakan."Sumama ka na din Mateo, para sabay na kayo ni Sandra patungong hacienda." Pero mabilis kong pinagsisihan ang pagpaya
Nang sumunod na mga araw ay madalang ko nang makita si Mateo sa opisina. Narinig ko sa mga empleyado ay palagi raw ito sa hacienda naglalagi.Hindi na kami nag-usap matapos ang ginawa naming pag-uusap nang nakaraan. Kung may kailangan akong ikonsulta at ipapirma sa kan'ya ay si Lesie ang nagdadala nito sa opisina, at ganoon din ang ginagawa niya."Mayroon kang meeting sa hacienda mamaya kasama ang mga magsasaka," pagpapaalala sa akin ni Lesie.Unti-unti nang bumabangon ang kompanya. Bumabalik na ang aming mga kliyente at mayroon pa'ng mga dumadagdag, subalit nililimitahan muna namin ito dahil hindi pa ganoon karami ang naaani naming cacao.Nang matapos ang mga gawain ay nagtungo na ako sa hacienda.Naroon na ang mga inimbitahan naming mga agriculturist na magbibigay ng workshop sa mga magsasaka tungkol sa panibagong paraan ng pagtatanim. Mayroon din itong mga dalang panibagong mga organic na pampataba sa lupa.Naging abala kami b
Nang matapos ang araw ay inanyayahan ulit ako ni Manang Dory na sa mansyon matulog. Pumayag ako, dahil nais ko rin makapagpahinga na kaagad. Isa pa'y wala pa din si tatay sa bahay. Nais ko din isipin na babantayan ko si Mateo ngunit kanina pa ako binabalot ng konsyensya nang makita ko itong maglipit ng mga damit."Bakit kaya uuwi si Mateo?" tanong ni Manang sa akin habang inihahanda nito ang aming hapunan.Tumigil ako sa pagtipa sa aking laptop at saglit na natulala sa kan'ya."Kasalanan ko yata manang. Nagkasagutan kasi kami kanina." Napatigil ito sa ginagawa at tumabi sa akin sa upuan."Narinig ko nga. Naiintindihan ko naman kung saan ka nanggagaling hija, pero sana magkaroon kayo ng pagkakaunawaan ni Mateo, lalo pa't magkasama kayo sa iisang trabaho." Tama si manang. Sinabi ko na din kay Mateo noon na maging sibil na lamang kami sa bawat isa ngunit hindi ko napigilan na lantaran pa din na mag-akusa sa kan'ya."Nakakapagtaka lang po kasi na narit
"Wala pa din si Mateo," ani Lesie nang isauli niya sa akin ang mga papeles na dapat ay dumaan muna kay Mateo.Tatlong araw na itong hindi nag-re-report sa opisina. Ayon kay Attorney ay nasa ospital ang mommy nito."Nag-email siya sa akin na baka this day ay pumasok na siya, pero urgent ang mga papers na iyan kaya pirmahan mo na."Tumango ako sa kan'ya at bumalik na sa trabaho. Higit kaming abala ngayon sa mga gawain kaya mabuti nang walang oras si Lesie upang makichismis sa buhay ko.Bago mag-lunch break ay pumasok na nga si Mateo. Nalaman ko iyon dahil dumiretso siya sa opisina ko.Bakas sa mga mata nito ang kakulangan ng maayos na tulog. Marahil ay labis siyang napagod sa pagbabantay sa ina at pag-alala na rin."Can I talk to you for a while?" tanong niya habang nakadungaw ang ulo sa pintuan."Yes, come in." Pumasok ito. Umupo siya sa swivel chair na nasa aking harapan. Tungkol naman siguro sa hacienda ang pag-uusapan namin.
Tanghaling tapat nang dumating kami sa Isla Benito. Kagaya ng aking inaasahan ay malugod kaming sinalubong ng mag-asawang Ginang Lorie at Ginoong Alfredo.Mayroon itong inihandang masasarap na putahe para sa amin kasama ang mga taong inimbitahan ko upang magturo ng tamang pagtatanim ng cacao sa mga magsasaka.Natuwa akong makita si Chef Isagani na siyang naghanda ng pagkain para sa amin."Hindi mo yata kasama si Mr. Seloso as a friend?" kant'yaw nito sa akin. Alam ko kaagad kung sino ang tinutukoy niya.Umiling ako at binago ang usapan sa pamamagitan ng pagtatanong kung ano ang inihanda niyang pagkain para sa amin.Sa Benito Resort kami mamamalagi nang ilang araw kaya tiyak ko'ng mag-e-enjoy ang aking mga kasama."Sayang at wala si Mateo. Magaling din magluto ng putaheng lamang-dagat ang binatang iyon," kwento ni Ginang Lorie sa mga kasama ko.Tipid akong napangiti nang maalala ang masasayang araw namin dito ni Mateo. Akala ko nang mg