It was a quick but familiar kiss.
Mabilis akong bumangon nang mapansin ang paggalaw ng mga labi niya sa ilalim ng akin.
Mapungay ang mga matang tinitigan niya ako. Umiwas ako ng tingin. Aalis na sana ako nang hulihin niya ang kamay ko at hilahin pahiga sa kan'yang dibdib.
I can hear his heart pounding loudly. Malakas iyon at damang-dama ko ang tibok.
Epekto ba iyon ng alak? Is he palpitating? Ayos lang ba siya?
Tumingala ako upang sana ay tanungin siya pero napigilan ako nang masuyo niyang halik sa aking ulo.
"Nagseselos ka ba kanina?" tanong niya gamit ang paos na boses.
Gusto kong pagtawanan ang tanong niya upang itago ang totoong sagot kaya lang ay lasing naman siya. Makakalimutan niya din naman kinabukasan ang sagot ko.
Marahan akong tumango.
Aaminin ko, nagseselos ako. Iba pala kapag nakikita mismo ng sarili kong mga mata na ibang babae ang kasama at kinakausap niya.
Kanina pa bumabalik sa a
Gabi na at wala pa din si Mateo. Hindi ko siya nakitang pumasok sa kwarto niya kaya nag-aalala akong baka nasa laot pa ito. Ayoko pa sanang bumaba kaya lang ay sigurado akong hahanapin ako ng mag-asawa. Nang makapagbihis at makapagpahinga ay bumaba na ako. Sa hapag na ako ng dining area ng resthouse dumiretso dahil natanaw ko nang nakaupo doon ang mag-asawa. Wala yata akong ibang gagawin dito kun'di ang kumain. Sandali kaming nagkwentuhan habang hinihintay na ihain ang mga pagkain. Sa totoo lang ay hindi pa ako nagugutom. Pakiramdam ko nga'y hindi pa din natutunaw ang kinain ko nang mag-isa kaninang lunch. Makalipas lamang ang ilang sandali ay isa-isa nang inihain ng mga katulong ang pagkain. Katulad ng inaasahan ko ay mga lamang dagat iyon. Mayroon pa'ng grilled fish na saktong-sakto sa laki ng bandehado. Subalit ang putaheng hindi ko inaasahan ay ang dala-dala ni Mateo. Mabango ito nakakatakam na nakalagay sa malaking mangkok
Ipinahiram muli sa amin ni Ginoong Alfredo ang kotse. Ito'y kahit pa pareho lamang ang pupuntahan namin. Mamaya daw kasing hapon ay mayroon silang sasalubungin na bisita. Hindi ako magkanda-ugaga sa paglingon sa aming dinaraanan. Nakakamangha ang road trip naming ito dahil tila kaunti na lamang ay malilibot na namin ang isla. Katamtaman lamang ang bilis ng pagmamaneho ni Mateo at mas lalo itong bumabagal kapag mayroon akong nakikitang magandang tanawin. "Wow! Ang ganda ng burol. Napaka-berde ng kulay nito!" Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ito ng litrato. Kung alam ko lang na ganito kaganda ang Isla Benito ay dinala ko ang aking camera. Sinundan ko pa nang tingin ang tanawin hanggang sa makalampas na kami. Sumandal ako sa shotgun seat at pinagmasdan ang larawang kuha ng aking cellphone. Every scenery in this island is breathaking. Marami pa kaming napuntahan na magagandang spot dito sa isla. Mayroong tumitigil kami at nagl
Nagkaroon kami sa umaga ng final meeting sa mag-asawa. Inayos namin ang bawat detalye ng negosasyon upang sa pagbalik namin ay magdadala na lamang kami ng mga punla at ilang kagamitan sa pagtatanim ng cacao."Mag-iimbita din po kami ng mga trainers at guest speakers para ma-seminar at nang maturuan ang mga magsasaka dito sa tamang pagtatanim at pag-aani ng cacao," sabi ko sa mag-asawang Benito habang nakaupo kami sa isang lamesa malapit sa dagat.Mainit na ang ihip ng hangin mula sa dagat pero hindi kami nagpaawat at nanatili pa doon. Sanay na sanay na din naman ang mag-asawa sa ganito."Okay. Pakipadala na lang sa sekretarya namin ang kontrata." Sasama sa amin bukas pagbalik sa Hacienda Miraflor ang sekretarya nila. Ito ang magsisilbing representative nila sa mga meeting at kukuha ng mga papeles."So, wala na rin naman kaming mga katanungan. Kailangan pa namin puntahan sa site si engineer at architect. Maiwan na namin kayo." Tumayo na ang mag-asawa.
Unti-unti nang nakikita ang mga bituin sa kalangitan nang makalabas ako sa resthouse. Inilibot ko ang mga mata at natagpuan sa buhanginan malapit sa alon ng dagat si Mateo. Nakatayo siya doon talikod sa akin. He is actually throwing stones into the sea. Hindi ko tuloy alam kung tama ba na lumapit ako ngayon. I am sure he's mad at me. Mayroon kaming usapan at huli na ako ng isang oras. Tatalikod na sana ako at babalik sa resthouse nang makita ko si Jasmine mula sa hilera ng mga kainan. Naglalakad ito palapit kay Mateo. Bumalik ako at mabilis na humakbang patungo sa tabi ni Mateo upang maunahan ko ito. Mula sa aking gilid ay nakita ko ang pagtigil nito sa paglalakad at ilang sandali pa bago tumalikod at maglakad pabalik. Nang makalayo ito ay saka lamang ako tumingin kay Mateo. Hindi niya ako tinapunan ng tingin pero alam kong naramdaman niya ang presensya ko. Pinagmasdan ko siyang magtapon ng bato sa dagat n
Wala akong tulog sa kakaisip ng sinabi ni Mateo kagabi. Bakit ba kasi hindi niya na lang ako diretsuhin ng rason? Hindi iyong, pinapatagal niya pa at pinapaisip ako. Ang malaki niyang ngiti ang sumalubong sa akin pagbukas ko ng pintuan ng kwarto. Mula sa kan'yang likod ay inilabas niya ang isang pulang rosas. "Good morning." He smiled, revealing his dimples. I can't help but smile as well. "Good morning din," pagbati ko pabalik. Matagal niyang pinagmasdan ang mukha ko bago bumuntong hininga. "I promise to make things right this time," bigla ay sabi niya bago halikan ang aking noo. Tumango na lamang ako. Ayoko siyang kulitin na sabihin ang tunay na nangyari noon. Sasabihin niya rin naman ito pagbalik namin sa hacienda at saka na rin ako magdedesisyon kung nararapat ba'ng bigyan ko ng pangalawang pag-asa ang relasyon namin noon. Matapos mag-agahan ay nagpaalam na kami sa mga tao sa resort. Huli kong nilapitan si Chef Isagani. Nap
Maganda ang sikat ng araw kinabukasan nang bumyahe kami ng sekretarya ng mag-asawang Benito patungo sa Hacienda Miraflor. Kahit papaano'y napapagaan ng maayos na panahon ang kabang nararamdaman ko para sa pag-uusap namin mamaya ni Mateo. Pagdating sa hacienda ay dumaan muna ako kay Manang Dory upang iabot ang mga pasalubong ko galing sa Isla Benito. Kasama ang isang empleyado ko ay ibinilin ko muna sa kanila ni manang ang sekretarya ng mag-asawa. Marami pa akong kailangang emails na i-review at papeles na pipirmahan sa opisina. Sibalubong ako ng guard nang makitang bumaba ako sa kotse. Iniwan ko kay Manong Joel ang mga pasalubong na dala-dala upang ito na ang magbahagi sa mga empleyado at kay Lesie. "Good morning po ma'am," nauutal na sabi ng guard. Ngumiti ako sa kan'ya sa kabila nang pagtataka sa ekspresyon ng kan'yang mukha. Hindi ako madalas bumati pabalik sa mga empleyado ngunit sa nakikita kong pagkabahala sa kanilang mga mata, katulad nang naki
"Meeting adjourn!" Narinig kong sabi ni Veronica subalit nanatiling tutok ang mata ko kay Mateo. Malalim pa din ang paghinga niya, tila malayo ang tinakbo. As if he was chasing someone. "Mauuna na ako sa aking opisina Sandra. If you want to talk about something, feel free to come into my office." Ang sinabing iyon ni Veronica nang tumabi siya sa akin, sa tapat ni Mateo, ang pumukaw ulit ng atensyon ko. Ibinibaling nito ang tingin sa kapatid at matamis na ngumiti. "Thank you Mateo," makahulugan niyang sabi. Lumabas na ito nang pintuan kasunod ang ilang board members. Naiwan kaming tatlo doon ni Lesie. Mateo looked at me as if he was sorry about something. Mateo was Veronica's representative. Hindi kaya may kinalaman siya sa planong ito ng kapatid. Hindi niya naman siguro magagawa iyon sa akin. Marahas akong bumuntong hininga. Naguguluhan pa din ako sa nangyayari. Mariin akong pumikit. Hi
Hi! 3 days po tayo walang update starting tomorrow. I am currently preparing for my CE Licensure Examination, which will happen after tomorrow. It will be two days. Back to normal po tayo on November 16. I promise to update 2-3 chapters each day at sisikapin kong maging maganda ang bawat eksena ❤️ Malapit na din po tayong matapos. Baka this month or first week of the next month. Kaunting kapit at hintay na lang 😅 For the meantime, you can check out my first novel, entitled Capturing the Bachelor. Completed na po iyon with free chapter in the end. ---- This is your author Rina.
Who says I don't have a choice? "Kanina pa kita tinatawagan Mateo!" Bakas ko ang inis sa tono ng pananalita ng aking misis. Bumusina ako sa mabagal na pagpapatakbo ng sasakyan sa aking unahan. Mabilis akong nag-overtake dito. Naghuhuramentado na ang asawa ko sa galit. "Mahal, I'm sorry dumaan pa ako sa opisina. You know I can't just leave my job and come over to see you when you call." Napaka-demanding niya nitong mga nagdaang araw. Gusto niya na sa isang tawag lang ay naroon na ako sa tabi niya, kahit pa naroon siya sa probinsya, na dalawang oras ang layo sa Hacienda Miraflor. "Isa pa ay pinahanap mo ako ng mangga." Pinasadahan ko ng tingin ng manggang hilaw na nakalagay sa isang supot ng plastic. Napapailing na lamang ako kapag naaalala kung paano ako humingi nito sa may-ari ng punong mangga na nadaanan ko kanina. Detalyado ang gusto ni Cassandra. Gusto niya ng mangga na mayroong pa'ng tangkay at dahon. Ang tangkay na i
"Cassandra, are you sure about it? Maayos naman na ang lahat. Nakakulong na si Veronica at wala nang banta sa buhay n'yo." Napirmahan ko na ang mahalagang dokumentong hiningi ko kay Lesie subalit iyon pa din ang katanungan niya."Mateo will not accept it for sure," ani Attorney Sheldon na nandito sa opisina dahil kinailangan ko ang kan'yang pirma."Sigurado ako. I think about it a couple of times. Isa pa'y hindi niya na ito matatanggihan dahil pirmado ko na."Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso kami ni Mateo sa sementeryo. Sa dami ng mga nangyari ay nararapat lamang na bisitahin namin si nanay at si Arman pati na rin ang ama nila ni Mateo."Daddy. Tatawagin na kitang daddy dahil sabi ni Manang Dory ay iyon din naman ang itinuturo mo sa akin na tawagin ko sa'yo. Dad at kuya Arman, tapos na. We finally beat Ate Veronica and the devil inside her. Malaya at ligtas na ulit ang Hacienda Miraflor na pinaghirapan niyong buuin."Napangiti ako sa sinabi
Hawak-hawak si Veronica at ang gatilyo ng baril ay paatras kaming naglakad ni tatay palabas ng silid. Umaatras ang mga tauhan sa takot na totohanin ko ang pagbaril sa kanilang amo.Hindi ko gustong pumatay dahil masama iyon, subalit sa puntong ito ay desidido na ako.Pagbaba ng hagdanan ay sinalubong kami ng mga tauhan ni Veronica, na nagbabantay sa labas. Subalit kaagad din silang umatras nang makitang bihag ko ang amo nila."'Tay buksan n'yo na po ang pintuan." Utos ko kay Tatay na mabilis niya naman tinugunan."Mga walang kwenta kayo! Kunin n'yo ako sa babaeng ito!" bulyaw ni Veronica sa mga tauhan niya subalit puro porma lamang ng baril nila sa akin ang nagagawa ng mga ito.Tagumpay na nabuksan ni tatay ang pintuan, nang maramdaman ko ang samyo ng hangin sa aking likod mula sa labas."Mateo! Salamat," sigaw ni tatay dahilan upang mabilis akong mapalingon.Marami na ang pulis sa labas at kasama na roon si Mateo. Nakahinga ako nang
Sanay ako na pumirma ng sandamakmak na papeles sa buong araw, subalit ang ipinapagawa ni Veronica ang napakahirap sa lahat.Pinagmasdan ko si tatay, habang kinakalagan ng isa sa mga tauhang ang aking tali sa kamay. Panay ang pagpalag niya sa tauhan na pilit siyang hinahawakan sa braso. Siya at si Mateo na lamang ang mayroon ako. Ayoko na mawala ang isa man sa kanila.Hindi ko maikakaila na nagtanim ako ng sama ng loob kay tatay, dahil minsan sa buhay ko ay hindi siya naging mabuting ama. Iniwan niya kami ni nanay dahilan upang mapilitan akong magtrabaho sa club. Subalit, kagaya nga ng sinasabi nila, everything happens for a reason. Nakilala ko si Arman dahil sa pagtatrabaho sa club, na siyang nagbigay sa akin ng magandang buhay ngayon. Dahil dito ay nakilala ko din si Mateo.Nagawa man kaming iwanan noon ni tatay ay muli niya naman ipinaramdam sa akin ang pagmamahal nang mawala si nanay. Sapat na iyon makabawi siya sa akin."Pirmahan mo na!" sigaw ni Vero
Kanina pa ako pabalik-balik nang lakad sa aking opisina ngunit hindi pa rin ako makapag-isip ng idadahilan kay Cassandra. Ayoko na sana magsinungaling sa kan'ya pero kinakailangan.Tumunog ang aking telepono. Isang mensahe mula may Sheldon. Tinatanong kung nasaan na ako.I suppose I have no choice but to tell a lie. It will be the last, I promise.Mayroong police operation na gagawin sa isang abandonandong bodega. Isang hindi nagpakilalang tao, na nakakita daw kay Veronica, ang nagbigay sa amin ng impormasyon.Ayokong ipaalam iyon kay Cassandra dahil panigurado akong sasama siya. Delikado ang operasyon at nagpumilit lamang kami ni Sheldon sa mga pulis na sumama.Nang pumasok ako sa opisina ni Sandra parang ayoko na lang umalis. Suddenly, I want to go home with her. Subalit hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataon na mahuli ang taong nag-iisang hadlang para maikasal ako sa babaeng pinakamamahal ko."I'll meet my siblings." Alam ko'ng maha
Mr. Morales wife was under the witness protection program. Bilang bihag ni Veronica ay nasaksihan niya ang kasamaan na ginawa nito. Humiling sa amin ang abogado ni Mr. Morales na pati ito ay gawing witness subalit si Attorney Sheldon na mismo ang tumanggi.Habang patuloy ang paglilitis sa kaso at paghahanap kay Veronica ay bumalik kami ni Mateo sa trabaho. Ipinasara niya na ang kan'yang negosyo at sa totoo lang ay labis akong nalulungkot para sa kan'ya. Mas madalas na siyang nasa opisina at nagtatrabaho kasama ko."Mahal," tawag niya sa akin nang marahan nitong binuksan ang pintuan ng aking opisina. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita siya.It was a stressful but a blessful day. Nagsisimula na kaming tumanggap ng mga bagong kliyente at umaasa kami na magtutuloy-tuloy na ito."Yes?" Tumayo na ako upang ihanda ang aking gamit. Mag-aalas sais na nang gabi."Hindi pa ako uuwi. Pinatawag ko na si Kuya Joel. Siya muna ang maghahatid
“Manang, nand’yan na po ba si Mateo?” tanong ko kay manang Dory nang salubungin niya ako sa pungad ng mansyon.“Wala pa hija,” sagot niya.Kagaya nang nagdaang mga araw ay malalim na ang gabi kung umuwi si Mateo. Hanggang ngayon ay pilit niya pa din na nilulutasan ang problemang kinakaharap ng kan’yang negosyo.Ang mga materyales na ipinadala sa kanila ay mababa ang kalidad taliwas sa nakasulat sa kontrata. Mariin na itinanggi ng supplier na sa kanila nagmula ang mga produkto. Kilala ang supplier ni Mateo na mayroong mga de-kalidad na materyales. Inimbestigahan ngayon ang pagkakaroon ng anomalya sa transaksyon.Kinuha ko ang aking cellphone. Mayroong mensahe doon si Mateo, ipinapaalam na pauwi na siya. Napangiti ako.“Ipaghahanda na kita ng hapunan.”Kahit na maraming ginagawa ang aking nobyo ay hindi pa din ito pumapalya na ipaalam sa akin kung nasaan na siya at kung ano ang kan’yang gin
We drove straight home after dinner. Mabagal lamang ang pagmamaneho ni Mateo dahil panay ang pagsagot nito ng mga tawag, kaya hindi ko napigilan ang pumikit. Dumilat lamang ako nang natahimik siya, subalit hindi niya pa man naibababa ang telepono ay isang panibagong tawag muli ang dumating.Kumunot ang kan’yang noo nang makita ang numero doon bago bumaling sa akin.Attorney Sheldon was calling him. Madalang na tumawag ito nang gabi sa kan’ya, maliban na lamang kung mahalagang bagay ang sasabihin nito.“Hello Sheldon, napatawag ka?”Inilagay niya sa loudspeaker ang telepono kaya naririnig ko ang ingay sa kabilang linya.“Where are you?” Humihingal ang boses nito.Tiningnan ako ni Mateo bago siya sumagot. “We’re heading home.”“Alright, keep your guards up. Kumikilos na naman si Veronica.”Humina ang pagmamaneho ni Mateo. Ako na ang sumagot kay Attorney. I know the
Hindi ako pinatahimik ng senaryong nakita namin ni Mateo sa sementeryo ng ilang gabi. Subalit hindi niya ako pinabayaan at palaging ipinaparamdam sa akin na nasa tabi ko lamang siya.Matapos ang pag-iimbestiga ng mga pulis ay wala silang nakuhang matinong ebidensya na magtuturong si Veronica ang may gawa noon. Gayunpaman, ay pinaigting pa din ang paghahanap dito.Hindi na nasundan ang pananakot na iyon ngunit naging mas maingat pa din kami.Ang plano kong bumalik na sana sa sarili kong bahay ay hindi natuloy dahil sa nangyari.Si tatay ay nasa probinsya at binilinan ko itong doon muna manatili. Ayokong pati siya ay madamay sa kasamaang idinudulot sa amin ni Veronica.Lumipas ang sumunod na mga araw na hindi kami nagpaapekto sa ginawang pananakot at pagbabanta ni Veronica. Hatid at sundo pa din ako ni Mateo sa opisina pero nang nakaraan ay si Kuya Joel ang nagmaneho para sa akin dahil naging abala siya sa negosyo, bagay na naiintindihan ko."