Share

My Stepbrother's Forbidden Desire
My Stepbrother's Forbidden Desire
Author: EristheIV

1

Inis na muling lumaghok ng alak si Freya nang muling maalala ang insultong sinabi ng babae ng kanyang fiancé matapos n'ya itong mahuling nagtatalik kanina. Tinawag s'ya nitong big fat ugly duckling, bagay na ikinasama ng loob ni Freya dahil hindi lamang ang kanyang puso kundi maging ang kanyang pride bilang babae ay natapakan dahil sa sinabi ng babaeng iyon.

"Alam ko naman na mataba ako, hindi naman kailangan ulit-ulitin 'no!" Napairap ang dalaga sa hangin at muling uminom ng alak.

Niloko si Freya ng kanyang fiancé, dalawang linggo na lang at ikakasal na sila ngunit wala nang kasal na mangyayari dahil niloko na s'ya ng bwiset. Hindi n'ya naman ginusto na maging malaman s'ya at kung bibigyan man s'ya ng chance ay syempre sexy'ng katawan ang kanyang pipiliin pero wala naman s'yang choice, ni hindi na nga s'ya kumakain ng ayos para lang pumayat pero nagawa pa din s'yang lokohin ng bwiset n'yang fiancé.

Bakit ba ganun ang mga lalaki? Talaga bang size ang sukatan para mahalin nila ang mga babae?! Why do men prefer sexy girls than voluptuous like her?! Galit nitong tanong sa kanyang isipan.

Hindi naman talaga mataba ni Freya, malaman lang s'ya, big bones kumbaga pero kahit ganun ay maganda pa din ang hubog ng kanyang katawan ngunit mas ginusto pa din ng ex n'ya ang mga sexy'ng babae katulad ng secretary nitong sexy nga pero pangit naman. Che!

At ang pinaka kinagagalit ni Freya ay s'ya pa ang sinisisi nito kung bakit daw s'ya nito niloko at ang rason ng bwiset n'yang ex ay dahil ayaw pa ni Freya na ibigay ang perlas ng silanganan dahil ang gusto ni Freya ay ibigay ito sa araw ng kanilang honeymoon na hindi na mangyayari dahil si Freya na mismo ang nag-off ng kanilang kasal.

Mataba lang s'ya pero hindi s'ya bobo.

"Kailangan ba talaga na mag sex kapag magka-relasyon pa lang?! Hindi pa pwedeng kapag kinasal na? Gago!"

Muli nanamang lumaghok ng alak ang dalaga, apat na sunod-sunod ang kanyang ginawa kung kaya't hindi na nakakapag taka kung bakit umiikot na ang paningin nito. Kanina pa s'ya nasa bar at walang humpay ang pag inom dahil gusto n'yang mawala ang sakit na kanyang nararamdaman dahil panloloko ng kanyang ex.

"Ganun ba talaga kasarap ang bagay na yun at nagagawa nilang manloko ng iba para lang dito?..."

Nahihilong tanong ni Freya sa kanyang sarili at isang ideya ang pumasok sa kanyang isipan.

S'ya mismo ang susubok na gawin ang bagay na iyon at s'ya mismo ang maghahatol kung bakit ganun na lamang ang kagustuhan ng marami na gawin ang bagay na dapat pang mag asawa lang. Nahihilo s'yang nag-agree sa sariling ideya at napagpasyahan na ang unang lalaking papasok sa pintuan ng bar ay ang tanong pagbibigyan n'ya ng kanyang pagkababae.

"Kapag ito hindi masarap... sasampalin ko kayong lahat...!" Inis na bulong ng dalaga sa kanyang sarili at muling tinuon ang umiikot na paningin sa pintuan ng bar.

Humarap si Freya sa gawi ng entrance ng bar at nahihilong tumitig dito at naghintay.

"Nope. Again, again." Tumatangging saad ng dalaga nang may isa nang lalaking pumasok bar ngunit agad na napangiwi ang dalaga ng makitang maliit ito, hindi n'ya type. Mataba man s'ya ay mayroon naman itong taste sa lalaki.

"Ayoko n'yan... ulit ulit..!" Inis na napabuga si Freya ng hangin nang may muli nanamang dumaan sa entrance ng bar na kanyang binabantayan pero ayaw pa din ng dalaga dito dahil pangit ito manamit, baduy at walang sense of fashion.

"Last one." Muling saad ng dalaga at muling s******p sa hawak n'yang baso ng juice.

Muling dumaan ang minuto ngunit wala nang pumasok na tao sa entrance na iyon kaya naman muling napabuga ng hangin si Freya sa inis at inis na napagpasyahan na ihinto na ang kanyang kahibangan dahil maging ang langit ay hindi payag na mawala ang kanyang pagkababae.

"Nakakainis naman! Sabihin n'yo na lang ng direkta kung tatanda akong dalaga!" Galit na napasubsob ng mukha si Freya sa bar counter kung saan ito nakaupo.

Ilang minuto pang ganun ang ayos ng dalaga hanggang sa magpagdesisyunan na nitong umuwi na lang dahil wala naman na s'yang gagawin sa bar na iyon dahil nag bago na ang kanyang isip at hindi na nito gagawin ang naisip n'yang kahibangan.

Eksaktong pag angat ng ulo ni Freya ay isang pares ng berdeng mga mata ang sumalubong dito, malamig ang tingin ng estraherong binata ngunit hindi maitatanggi ang init na dala nito sa katawan ni Freya. Napapalunok na iginala ni Freya ang kanyang mga mata sa kabuuan ng estrangherong binata, He is in Six feet or more in height range, ang malamig nitong berdeng mga mata ay nakatingin sa dalaga na nadadagan pa ng karisma dahil sa mahahaba nitong mga pilik-mata, salubong na salubong din ang parehong makakapal na kilay ng binata ngunit hindi ito kabawasahan sa gwapo nitong mukha. Ang matangos at manipis nitong ilong ay pumapares din sa maninipis at mapupula nitong labi at mas lalo pang nadagdagan ang kagwapuhan ng binata dahil sa matulis nitong panga na bahagyang umiigting. Freya's eyes and jaw dropped after seeing how gorgeous this man is. His black curtain undercut hair is fixed and styled properly, together with his plain all black outfit. This man is dropped gorgeous in Freya's eyes at ngayon n'ya lang masasabi na tunay ngang talaga ang mga Diyos, lalo pa't nasa harapan na n'ya ang buhay na patunay. Lihim na napadiin ang dalaga sa kanyang parehong hita nang mahuling pasadahan din s'ya ng tingin ng binata, ang tingin ng binata ay nag hatid ng kakaibang kiliti sa kaibuturan ni Freya bagay na ngayon n'ya lamang naramdaman.

"Creed, you okay man?"

Naputol sandali ang pagtitig ni Creed sa babaeng nasa bar counter nang tapikin s'ya ng kanyang kaibigan, Si Range, ang may ari ng bar na ito.

"Who's she?" Tanong ng binata sa kaibigan ng hindi pa din pinuputol ang pagtitig sa dalagang naka yukyok sa bar counter.

Ang dalaga agad ang pumukaw sa kanyang atensyon nang makapasok s'ya sa loob ng bar, hindi n'ya pa man nakikita ang mukha nito ay sigurado na ang binata na maganda ang dalaga, lalo pa at maganda ang hubog ng katawan ng dalagang nakayukyok dun at siguradong mas maganda ang dalagang ito lalo na kung wala itong saplot habang nakatayo sa kanyang harapan. Ang ideyang iyon ay ang bumuhay sa pagkalalaki ni Creed at ito ang unang beses na tinigasan s'ya habang nakatitig lamang sa isang tao at nag-i-imagine.

Ang dalaga iyon ay ang kanyang tipong babae dahil one of a kind ang mga babaeng malalaman, lalo na ngayong panahon na hindi n'ya maintindihan ang mga babae kung bakit gustong-gusto nilang maging payat na umaabot na sa puntong mukha na silang kalansay na naglalakad. Ayaw ni Creed sa mga mapapayat na babae dahil karamihan sa mga payat ay maaarte pero hindi naman magaganda, ang gusto n'ya ay ang babaeng nag iisa lang sa mundo katulad ng dalagang nasa kanyang paningin ngayon.

"Who??— oh? Di pa din s'ya umaalis? Kanina pa yan andyan ah."

Duon naputol ang pagtitig ni Creed sa dalaga, napatingin ang binata sa kanyang kaibigan matapos iyon sabihin, nagtatanong.

"Ala singko pa lang ata andyan na yan, umiinom. Hindi ko s'ya kilala, new customer ata eh." Sagot muli ng kaibigan ni Creed. "Bakit type mo?" Nanunukso nitong tanong ngunit hindi ito pinansin ng binata at binaling na lang ulit ang paningin nito sa dalaga.

Hindi inaasahan ni Creed ang biglang pagbilis ng tibok ng kanyang puso ng mag angat ang tingin ang dalaga at magtama ang pareho nilang paningin. Tama nga ang hinuha ng binata na maganda ang dalagang nasa harapan n'ya, maganda ang pareho nitong brown na mata pero hindi nakatakas sa paningin ni Creed ang pamamaga nito, tila ay galing sa matagal na pag iyak. Maging ang mahahaba nitong mga pilik mata ay kumikinang dahil sa luha, ang matangos at manipis na ilong ng dalaga ay medyo namumula habang ang labi nito mapupula ay kumikibot-kibot. Napamura sa kanyang isipan si Creed nang maramdamang lalong nagwala ang kanyang kaibigan sa ibaba ng makitang pasadahan ng tingin ng dalaga ang kanyang kabuuan.

Kakaiba ang dalang init ng dalaga sa pagkatao ni Creed, parang sinisilaban ang katawan ng binata lalo na ng muling magtama ang kanilang paningin. Ito ang unang beses na naramdaman ni Creed ang ganitong klase ng init at talagang magwawala ang binata kung hindi n'ya maaangkin ang dalaga sa gabi ding ito.

Ngunit ang pinaka hindi maintindihan ng binata ay kung bakit sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso, para s'yang hinahabol, iyon ang pakiramdam ni Creed ngayon. Hindi n'ya maipaliwanag kung bakit parang ang dalaga lang ang nakikita ng kanyang mga mata, para s'yang hinihipnotismo ng mga mata ng dalaga. Kakaiba.

Hindi lamang ang pagkalalaki ni Creed ang tumayo kundi maging ang kanyang mga balahibo nang may maisip s'yang dahilan kung bakit n'ya nararamdaman ang ganitong klase ng pagbilis ng pagtibok ng kanyang puso. Natatakot s'yang aminin sa sarili n'ya na gusto n'ya na kaagad ang dalaga sa una pa lamang nilang pagkikita. Hindi ganun ang isang Creed Hunter Lazaro, hindi na-i-inlove ang isang Creed Hunter Lazaro at wala ito sa kanyang bokabularyo ngunit mukhang mababali ang paninindigan ni Creed nang dahil sa dalagang ito.

Napakadaming pumasok sa isipan ni Freya habang nakatingin sa lalaki at gusto n'yang sampalin ang sarili dahil ang imahinasyon n'ya ay napunta nasa kung saan-saan at bastos na ang iba n'yang naiisip. Naiisip pa lang n'yang luluhudan s'ya ng binatang ito ay nababaliw na s'yang ngunit ang kanyang mga wild imagination ay parang bulang nawala ng maisip n'ya kung gaano ka-gwapo ang taong ito at sigurado s'yang katulad ng ibang lalaki ay sexy din ang mga babaeng gusto ng binata. Sigurado s'yang walang pinagkaiba ang gwapong binata na ito sa ex n'yang bwiset, pareho nilang mas pipiliin ang mga sexy na babae.

"Napatingin lang sayo, nag-imagine ka naman! Ambisosya!"

Gustong sabutan ni Freya ang sarili dahil kahit ilang milyong beses n'ya itanggi ay alam n'yang nangarap din at umasa ang puso n'ya na sana ay magustuhan din s'ya ng binatang iyon, bagay na alam n'yang mas malabo pa sa tubig kanal.

Marahas na pinunasan ni Freya ang mga takas na luhang lumabas sa kanyang mga mata, hindi na n'ya alam kung bakit s'ya umiiyak ngayon basta ang alam n'ya lang ay naiiyak s'ya.

Dinampot ni Freya ang bote ng alak na nasa kanyang harapan at direkta nang uminom sa bote ng alak, mabilis na humagod ang pait sa kanyang lalamunan kasabay ng pait na kanyang nararamdaman sa kanyang puso.

"Are you trying to drown your liver in alcohol?"

Napatingin si Freya sa taong nagsalita at ganun na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng makitang ang pinanggalingan ng malalim, magaspang, at malamig na boses na iyon ay ang binatang kanina n'yang pinagpapantasyahan.

Nabitawan ni Freya ang boteng hawak n'ya na agad naman nasalo ng lalaking nasa kanyang tabi. At muli nanamang natulala ang dalaga ng mahinang tumawa ang binata, inilabas ang mala-perlas at pantay-pantay nitong mga ngipin.

"I think you're drunk, woman." Saad ng binata at ipinatong bote ng alak sa bar counter.

Pakiramdam ni Freya ay nabasa s'ya matapos marinig ang boses nito.

"W-who are you?" Nauutal na tanong ng dalaga, parang natuyo ang kanyang lalamunan dahil sa paraan ng pagtingin ng binatang ito sa kanya.

Tumayo ang binata para mas mapalapit sa kanya at dahil nakatagilid si Freya dito ngayon ay inikot ng binata ng upuan ni Freya upang maiharap s'ya sa binata, bagay na ikinagulat ni Freya. Nakatayo ang binata habang naka upo naman si Freya, kapantay ng mukha ng dalaga ang matigas na dibdib ng binata kung kaya naman ay amoy na amoy ni Freya ang napaka bango nitong amoy, tuloy ay parang gustong isubsob ni Freya ang mukha n'ya sa dibdib ng binata.

"I'm Hunter Lazaro." Pakilala ng binata habang ang paningin nito ay naglalakbay sa mukha ni Freya. "What's your name, Moya lyubov'?"

Napapikit sa gulat si Freya nang haplusin ng binata, na nagpakilalang Hunter, ang kanyang buhok. At kahit buhok lang ang hinawakan nito ay pakiramdam n'ya ay dumaloy ang init ng palad nito sa buong katawan ni Freya.

"F-Freya... F-Freya S-Sandoval..." Nauutal na sagot ni Freya matapos dumapo ng palad ni Creed sa kanyang kanang tainga.

"Nice name." Tumango-tango ang binata at saka binitawan si Freya. Saka ito pormal namulsa na para bang hindi nito hinawakan si Freya at muling nagtanong.

"So, why are you drinking, Moya lyubov'?"

"I am hurting. My boyfriend cheated on me." Iyon lang dapat ang sasabihin ni Freya ngunit tila may sariling isip ang kanyang bibig dahil muli itong nagdaldal. "Ikakasal na sana kami sa susunod na dalawang linggo pero nahuli ko s'ya niloloko ako. He cheated with me with his secretary tapos... ako ang sinisisi nila kung bakit daw ako niloko ni Charlie, kasi daw ayaw kong ibigay ang sarili ko sa kanya tapos... tapos..." kumibot-kibot ang aking mga labi dahil sa malapit nanamang pag iyak. "Tinawag pa ako ng walang hiyang babae na 'yon na big fat ugly duckling..." hindi na napigilan ni Freya ang paghikbi at umiyak nang malakas lalo pa nang isandal s'ya ng binata sa matigas nitong dibdib. Hindi alam ni Freya kung bakit pero komportable s'yang magsabi ng problema sa binata kahit pa kakikilala pa lang nila.

"Shh... don't cry, Moya lyubov'. You're too beautiful to cry for fuck sake!"

Nagtatagis ang bagang ni Creed lalo pa nang makita kung paano umiyak ang dalaga, nagdidilim ang kanyang paningin at kung nasa harapan n'ya lang ang lalaking iniiyakan ng dalaga ay baka napilipit na n'ya ang leeg ng gagong 'yon.

Ilang minuto n'ya pang pinakalma ang dalaga bago umalis si Freya sa pagkakasubsob sa dibdib ng dalaga at lalong nagtangis ang bagang n'ya nang makitang mas lalong namaga ang mga mata ng dalaga. Tangina. Mura ng binata sa kanyang isipan dahil sa galit na kanyang nararamdaman.

Hindi na napigilan ni Creed ang sarili matapos makita ang Hitsura ni Freya habang nakatingala sa kanya, namumugto ang mga mata habang kumikibot-kibot ang mapupulang labi.

Tangina ang ganda!

Iyon na lamang ang nasabi ni Creed bago nya inilamukos ang labi sa labi ng dalaga. Batid n'ya ang gulat ng dalaga pero s'ya naman ang nagulat ng tugunan ni Freya ang paghalik na ginawa n'ya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status