Third Person PoV"Ugh! Atticus!" Malakas na ungol ni Pia. Para itong nasa langit, dahil hindi niya akalain na mangyayari ito. Na makapiling niya si Atticus.Patuloy ito sa paghalik sa leeg ni Pia, habang ang mga kamay nito ay abala sa pagmasahe ng dibdib ng babae."Hmm, Celeste..." Mahinang ungol ni Atticus. Mabilis na nainis si Pia kaya hinawakan niya ito sa magkabilang balikat para patigilin."Hey! Pwede tigilan mo ang kakaungol sa pangalan ni Celeste, hindi ako ang babaeng iyon! I'm Pia, please moaned my name Atticus." Malanding saad ni Pia, may pa pikit pa ito. Ngunit napakunot noo si Pia ng makitang nanatiling nakatitig sa kaniya si Atticus. Nakakunot ang makapal nitong kilay, habang mapungay parin ang mga mata."F-Fuck! Who are you!" Nabigla si Pia ng magbago ang itsura nito. Mabilis niya kinuha ang mga kamay ni Atticus para ilagay sa dibdib niya, baka sakaling bumalik ang ito."A-Ackk!" Mas lalong ikinabigla ni Pia ng sakalin siya ni Atticus."Damn You! Who the fuck are you!" G
CelestePagpasok sa principal's office ay tumambad sa akin ang magulong buhok ng anak ko, habang masama ang tingin sa akin ng isang nanay, kasama nito ang anak na magulo rin ang buhok."Good afternoon Ms. Alvarez mabuti at nakarating kayo." Maliit akong ngumiti sa Principal."Pinapunta ko kayo rito dahil sa inyong mga anak." Sabay turo sa anak ko at sa isa ring batang babae. Napakamot ako sa noo. "Teacher Ruiz, bakit hinayaan niyo na makalmot ang aking anak, tignan niyo kung gaano karaming kalmot ang kaniyang mukha." Reklamo ng Nanay kay Mrs. Ruiz ang teacher ng aking anak. Samantalang dalawang kalmot lang iyon, pero hindi ko kukunsintihin ang anak ko kung siya ang may gawa no'n. "I'm sorry Mrs. Mendoza, sadyang na aktuhan lang na umalis ako sandali sa room at pagbalik ko ay nagkakagulo na ang dalawang estudyante ko, hindi ko gustong mangyari sainyong anak ito." Paliwanag ni Teacher Ruiz."Itong batang ito, hindi ba 'yan tinuruan ng magandang asal, bakit ganyan iyan kasalbahe." Mata
CelesteGabi na nang makarating kami sa bahay ni Mommy. Agad kong inilagay sa kwarto si Hailey dahil alam kong pagod ito."Hija, maligayang pagdating." Bungad sa akin ni Manang Aida, agad ko itong niyakap, grabe parang hindi naman gano'n tumanda si Manang. "Mas lalo kang gumanda, na saan pala ang iyong anak? Nananabik akong makita ang batang iyon." Tuwang saad nito."Nasa kwarto ho manang, napagod sa byahe.""Sige, kumain kana muna hija bago ka magpahinga." Tumango naman ako kay manang, namiss ko rin ang kaniyang luto.Maaga akong gumising dahil gusto ko ng puntahan si Mommy sa hospital. Kagabi pa lang ay gusto ko ng umalis ngunit hindi ko naman pwedeng iwan si Hailey."Hello, papunta na kami dyan, kamusta na si Mommy?" Tanong ko habang nasa byahe kami. Nilingon ko si Hailey habang yakap yakap ang favorite niyang doll, bakas ang ngiti sa kaniyang labi, halatang sabik na nitong makita si Mommy."Leyla?" Untag ko rito dahil hindi siya sumasagot."Nandyan ka pa ba?""Ah.. M-Maayos naman
CelesteLumipas ang apat na araw ay naka confined parin ang Mommy, ngunit sinabihan na kami ng Doktor na pwede ng makauwi sa sabado si Mom.Wala ngayon si Leyla dahil siya muna ang bahala sa kumpanya ni Mommy. Ako naman ang abalang nagbabantay sa kaniya.Habang nagbabalat ng prutas ay mabilis na nanumbalik ang kinuwento sa akin ni Leyla tungkol kay tito Alex. Tinitigan ko muna si Mommy, nakakaupo na ito at naghilom narin ang ilang sugat at pasa nito."Mom, totoo po bang pumunta rito sa Hospital si tito Alex?" Walang paligoy ligoy kong tanong. Mabilis na nagbago ang itsura nito. Bakas ang gulat."P-Pumunta rito si A-Alex?" Mahina niyang sambit. Hindirin makapaniwala sa nalaman. "Opo, ikinuwento sa akin ni Leyla dalawang beses pumunta rito si tito Alex ng ma-admit ka po sa hospital. Ayoko pong isipin na matagal na kayong nagkikita ni tito, Mom." Subalit mabilis na yumuko ang Mommy."I'm s-sorry, anak." Napasinghap ako."Patawad kung inilihim ko saiyo ito. Sa katunayan ay dalawang buwan
Celeste"Baba." Utos nito, binalingan ko lang ito ng masamang tingin."Saan mo ba ako dinala, kailangan ko ng umuwi." Mataray kong saad."Hindi ka uuwi hangga't hindi pa tayo nakakapag usap.""Ahh!" Tili ko ng buhatin na naman ako nito."Hoy! Bwiset ka! Kaya ko namang maglakad." Inangat ko ang aking ulo para makita ang aming dinaanan. Nakita ko ang mga katulong na nasa magkabilang gilid mga nakatayo. Mababakas ang gulat at pagtataka sa kanilang mga mukha. Hanggang sa tumungo kami sa elevator. "Ibaba mo na ako ano ba!" Dahan dahan ako nitong ibinaba. Nakakamangha lang na may sarili talaga itong elevator sa kaniyang bahay.Napabaling ako sa kaniya ng matapos kong ilibot ang tingin, titig na titig ito sa aking labi. Kaya mabilis ko itong inirapan. Nang makarating kami sa kaniyang kwarto, mahina ako nitong itinulak sa kama at hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari ng bigla itong pumatong sa akin at sinung gaban ako ng halik."Uhmp!" Pilit kong kumawala subalit sadyang mabigat at malak
CelesteAraw ng sabado kaya abala ako sa pag-aayos ng mga gamit. Maayos ayos narin ang pakiramdam ni Mommy, pero kailangan niya parin talaga ng mahabang pahinga lalo at may mga pilay siyang natamo."Namimiss ko na ang apo ko." Napangiti ako."Hay nako Mom, maaga nga gumising si Hailey, excited na makita ka. Kinukulit din ako kanina na isama siya." Ani ko."Anak, no'ng nakaraan ay bumisita rito si Atticus, ilang beses siyang nakiusap sa akin kung saan kita matatagpuan. Ayaw kitang pangunahan anak, kaya katulad no'n ilang ulit ko sa kaniya sinabi na wala akong alam kung saan ka naroro'n." Napahinga ako ng malalim, naalala ko na namang muli ang pag-uusap namin."Nagkita na po kami Mom." Ganoon na lang ang gulat na bumatay sa mukha ni Mommy."Gano'n naman po talaga mom, alam kong magtatagpo muli ang aming landas. At.. Sinabi ko po sa kaniya na wala na ang aming anak." Nakayuko kong wika."A-Anak.. Sa tingin ko hindi iyon maganda. Kahit pa may malaki itong kasalanan sa'yo, pag balik balikt
Third Person PoV"Ikaw po ang Daddy ko?" Nagtatakang tanong ni Hailey, dahil tinawag siya nitong daughter."Yes, I'm your Dad." At niyapos niya ito ng mahigpit na yakap. Kakaibang saya ang naramdaman ni Atticus nang makita at mayakap ang kaniyang anak, na ganito pala ang pakiramdam na maging isang ama. No'ng sinabi ni Celeste na wala na ang kanilang anak, ay halos araw-araw itong nag papakababad sa alak. Kung sino-sino na lamang ang sinasaktam nito. Ang sakit lang na hindi na nito nasilayan ang anak. Iyon pa ang nasa isip ni Atticus nang mga panahon na iyon."D-Daddy? Pero po, mommy told me that my daddy is dead." Mas lalong kumuyom ang kaniyang kamay dahil sa nalaman. Dahil kahit ang kanilang anak ay pinag sinungalingan ni Celeste."No baby, I'm alive, daddy is alive. " Ngiting saad ni Atticus kahit nagagalit siya kay Celeste ay hindi naman iyon matutumbasan ng kasiyahan niya ngayon dahil kapiling na nito ang kaniyang anak.Napatitig si Hailey sa mata nang lalaking sinasabi na ito an
Celeste"Fuck you! Hinding hindi ako magpapakasal sa lalaking manloloko na tulad mo." Sagot ko kay Atticus."All right, magkita na lamang tayo sa korte." Iyon lang at tinalikuran ako nang lalaki. Sinundan ko ito hanggang sa makarating kami sa kwarto nito, do'n ko nadatnan si Hailey na masayang naglalaro sa halos hindi mabilang na laruan."Hailey, anak!" Tumakbo ako at niyakap ito ng mahigpit."Mommy," May lungkot sa kaniyang tinig."My Daddy is alive, mommy, why did you lie to me po?" Malungkot na tanong ni Hailey. Nasasaktan ako kapag nakikitang nalulungkot ang aking anak. Mabilis kong pinunasan ang naglandas na luha."Baby, I'm sorry, pwede bang umuwi muna tayo, at sasabihin ni mommy kung bakit kailangan kong magsinungaling sa'yo.""But.. Gusto ko pong makasama si Daddy. Dito na lang po tayo mommy." May pakikiusap sa tinig nito. Napasinghap ako sa kaniyang hiling. Binalingan ko si Atticus na ngayon ay nakasandal sa pinto, naka cross arm, habang nakatingin sa amin."Hindi pwede anak,
Celeste"Excited na 'kong malaman ang gender nila." nakangiti kong sambit. Yakap yakap ako ni Atticus sa aking likuran at sabay naming hinimihas ang malaki kong tiyan. Napagdesisyunan naming gumawa ng gender reveal. Kaya ngayon ay kitang kita ko sa mukha ni Atticus kung gaano ito ka excited, kanina niya pa nga gustong tusukin ang malaking lobo sa labas."Mom! Dad! Kanina pa po kayo tinatawag ni Mama Carina." bakas rin ang kapanabikan kay Hailey. Mahina kong pinalo ang kamay ni Atticus. Ang landi kasi eh, hindi ko tuloy namalayan na natagalan kami. Paniguradong marami nang bisita sa baba. "Tara na love.." untag ko rito, paano ba naman kasi titig na titig sa akin. "Tsk! 'bat ba ang sexy ng asawa ko. Parang ayaw kong pababain ka." tinignan ko ang sarili. Naka white ruffle dress ako. Fitted iyon tignan pero komportable naman ako. Ang laki rin ng tiyan ko para sa anim na buwan. Tumaba rin ako kaya paano niya nasabing sexy ako, lakas mang uto nito. "Tigilan mo ako Atticus, gusto mo lang
Celeste Nakangiti kong hinahaplos ang buhok ni Hailey, na pagod rin kakalaro. Agad akong nag angat ng tingin ng makitang si Atticus, may bitbit itong gitara. Mabilis akong namula nang maisip na kakantahan ako nito. 'kumalma ka Celeste.' mas lalo akong yumuko para hindi nito mahalata ang aking pamumula. Naalala ko no'n na may banda si Atticus at sariwa pa sa aking isip ng marinig ang napakaganda nitong boses. "Ehem... Ang ganda mo." napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya iyon. Inikutan ko ito ng mata. "Tigilan mo nga ako." sabay kaming natawa, maya maya ay sumeryoso na ito. "Ang kantang ito ay inaalay ko sa pinaka mamahal ko at pinaka magandang babae sa buhay ko." kagat labi akong napangiti. 🎶 You know you're everything to meAnd I could never seeThe two of us apartAnd you know I give myself to youAnd no matter what you doI promise you my heart...🎶 Gano'n na lang ang pagtigil ko sa pag haplos ng buhok ni Hailey ng magsimulang kumanta si Atticus. 🎶 I've built my worl
CelesteMabilis na sumugod si Pia, mas lalo akong natakot ng makita ang hawak nitong kutsilyo."Ah!" umilag ako, ngunit mabilis nitong nahila ang aking braso."Tu-Tumigil kana!" aniko, ngunit para itong isang mabangis na hayop at handang handa na kong kainin."Kahit ikaw manlang ay mapatay ko!" inangat nito ang kamay at mabilis akong inundahan ng kutsilyo. Iniharang ko ang aking mga braso, halos mamilipit ako sa sakit nang mahiwa nito ang aking braso. Tumulo ang masagana kong dugo."HAHAHA!" tumawa ito nang malakas ng makita ang pagdaloy ng aking dugo. Tumakbo ito at sinunggaban ako, napahiga ako sa kama habang ito ay nakaibabaw sa akin, pilit na inilalapit sa aking mukha ang kutsilyo. Gusto ko mang sumigaw ngunit alam kong walang makakarinig sa akin lalo na't soundproof ang lahat ng kwarto dito. "Urgh! Papatayin kita! Papatayin kita! Papa—" mabilis akong natigilan ng bigla na lang bumagsak si Pia, dumudugo ang braso nito.Mas lalo akong naluha ng makita si Atticus na may hawak na ba
CelesteMabilis na nagbago ang ekspresyon ng kaniyang mukha ng makita ako."Anong.. Ginagawa mo rito Celeste?" nagugulat nitong tanong. Nagpalipat lipat ang kaniyang tingin sa akin at kay Pia."Manang!" malakas na tawag nito sa matanda."S-Sir.." nanginginig sa takot na sambit ng matandang katulong."Bakit nakawala ang babaeng 'to." galit niyang anas."Eh... Sir, kanina ho kasi sumigaw si Rita na wala na itong buhay, kaya dali-dali po naming siyang kinuha sa bodega nang mapansin kong may pulso pa ito." salaysay ng matanda."Wala akong sinabi na alisin niya siya ro'n, kahit pa mamatay ang babaeng 'yan." doon na ako napatayo."Ano bang sinasabi mo Atticus! Bakit siya nandito? Bakit ganito ang itsura niya? Anong ginawa mo sa kaniya?!" sunod-sunod kong tanong. Kahit malaki ang kasalanan sa akin ng babaeng 'to, hindi ko naman kayang sikmurain na ganito ang itsura niya, wala na ngang mapaglagyan ang kaniyang mga sugat."Tawagin niyo si Diego!" sigaw pa nito. At hinala na ako paalis."Ano ba
Celeste"Hindi ka na nakasagot pa." anas ni Lenard."Ahm.. Pumasok na tayo.""Please, answer my question Celeste." mahinahon nitong sambit."Bakit ba kailangan natin itong pag-usapan.""Dahil gusto kita Celeste, alam mo naman na matagal na akong nanliligaw sa'yo." gulat ang mababakas sa aking mukha."S-Sandali.. Hindi ako pumayag na ligawan mo ako Lenard. At kahit na sino pang lalaki 'yan ay hindi ako makikipag ligawan. K-Kaibigan kita Lenard." napayuko naman ito. Dama ko naman na may pagtingin ito sa akin. Ngunit hanggang kabigan lang ang kaya kong ibigay sa kaniya. At alam niya 'yon umpisa pa lang. "I'm sorry." sambit nito. "Ayos lang, let's go?" tumango naman ito. Ngunit sinalubong sa amin ang talim ng tingin ni Atticus. "A-Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. "Tsk." parehas kaming natigilan ng talikuran kami nito. Napailing na lamang ako at pumasok na sa loob. Naabutan ko kung paano masayang nagkekwentuhan ang anak ko at si Mommy, ngunit napansin kong wala si Atticus. Hindi ko
CelesteSinag ng araw ang napagising sa akin. Mabilis akong bumangon, nang mapagtanto ang namagitan sa amin ni Atticus. Tinignan ko ang aking katawan, nakasuot na ako ng pantulog at dahil sa laki no'n ay halos umabot na sa aking hita. Napansin ko rin na naka-underwear narin ako."Mommy! Good morning." Bungad ni Hailey, maingat nitong bitbit ang tray na naglalaman ng pagkain. Nasa likod niya si Atticus na halatang inaalalayan ito. Mabuti na lang pala ay nakabihis siya, dahil kung hindi ay nakakahiya sa anak niya na nakahubad siyang maabutan."T-Thanks baby." Dahan-dahan nitong inilapag ang tray."Kami po ni Daddy, ang nagluto ng breakfast mo po Mommy." Malaking ngiting saad ni Hailey. Natutuwa ako dahil mukhang hindi na nagtatampo ang anak ko sa akin.Naiilang akong napatingin kay Atticus, na ngayon ay titig na titig sa akin. Parang gusto ko ng matunaw sa sobrang hiya. Naalala ko no'ng mga nagdaang araw, kung paano ko siya pagsalitaan ng masasama at masasakit, galit na galit ako sa kan
CelesteAt dahil hindi ko kinakaya ang mga tingin na ibinibigay nito, ay tumalikod ako at tumungo sa balkonahe. Huminga ng malalim, ngunit mabilis rin akong natigilan nang maramdaman ang yakap nito sa akin."Love.." Mahina nitong sambit."Alam mo ba kung gaano ako nangulila nang iwan mo 'ko, sa lumipas na limang taon walang ibang babaeng nasa isip ko kung hindi ikaw." Hanggang sa maramdaman ko ang basa sa aking balikat. Mabilis ko itong hinarap, at gano'n na lang ang gulat ko ng makita itong lumuluha. Hindi ko napigilang haplusin ang kaniyang pisngi. Ngunit mabilis akong nakabawi, akma kong babawiin ang kamay ng maunahan ako nito. Hinawakan niya ang kamay ko na nasa pisngi niya parin."Makinig ka Celeste, wala akong babae, at lalong wala akong ibang babaeng mamahalin kung hindi ikaw. At walang katotohanan na may naganap sa amin ni Pia, hindi ko alam na sinet-up niya ako no'ng gabing 'yon." Hindi ko alam ang irereact ko, baka gumagawa lang siya ng kwento para mapaniwala ako."Nag sisi
Celeste"Fuck you! Hinding hindi ako magpapakasal sa lalaking manloloko na tulad mo." Sagot ko kay Atticus."All right, magkita na lamang tayo sa korte." Iyon lang at tinalikuran ako nang lalaki. Sinundan ko ito hanggang sa makarating kami sa kwarto nito, do'n ko nadatnan si Hailey na masayang naglalaro sa halos hindi mabilang na laruan."Hailey, anak!" Tumakbo ako at niyakap ito ng mahigpit."Mommy," May lungkot sa kaniyang tinig."My Daddy is alive, mommy, why did you lie to me po?" Malungkot na tanong ni Hailey. Nasasaktan ako kapag nakikitang nalulungkot ang aking anak. Mabilis kong pinunasan ang naglandas na luha."Baby, I'm sorry, pwede bang umuwi muna tayo, at sasabihin ni mommy kung bakit kailangan kong magsinungaling sa'yo.""But.. Gusto ko pong makasama si Daddy. Dito na lang po tayo mommy." May pakikiusap sa tinig nito. Napasinghap ako sa kaniyang hiling. Binalingan ko si Atticus na ngayon ay nakasandal sa pinto, naka cross arm, habang nakatingin sa amin."Hindi pwede anak,
Third Person PoV"Ikaw po ang Daddy ko?" Nagtatakang tanong ni Hailey, dahil tinawag siya nitong daughter."Yes, I'm your Dad." At niyapos niya ito ng mahigpit na yakap. Kakaibang saya ang naramdaman ni Atticus nang makita at mayakap ang kaniyang anak, na ganito pala ang pakiramdam na maging isang ama. No'ng sinabi ni Celeste na wala na ang kanilang anak, ay halos araw-araw itong nag papakababad sa alak. Kung sino-sino na lamang ang sinasaktam nito. Ang sakit lang na hindi na nito nasilayan ang anak. Iyon pa ang nasa isip ni Atticus nang mga panahon na iyon."D-Daddy? Pero po, mommy told me that my daddy is dead." Mas lalong kumuyom ang kaniyang kamay dahil sa nalaman. Dahil kahit ang kanilang anak ay pinag sinungalingan ni Celeste."No baby, I'm alive, daddy is alive. " Ngiting saad ni Atticus kahit nagagalit siya kay Celeste ay hindi naman iyon matutumbasan ng kasiyahan niya ngayon dahil kapiling na nito ang kaniyang anak.Napatitig si Hailey sa mata nang lalaking sinasabi na ito an