Share

Chapter 7

last update Huling Na-update: 2020-08-20 18:33:24

Only five minutes left before dismissal. Our teacher is still discussing the topic without looking for the time. Some are yawning and some are getting bored. It’s clearly etched on their faces that they want to go home. 

“Ma’am, isang minuto na lang. Pauwiin mo na po kami,” one of my classmates snorted. Then, the room became noisy and was filled with rants. I can’t manage not to frown. This section is really full of spoiled brats.

“Let’s just wait for the bell to ring,” our teacher in DIASS subject uttered calmly. She has a sweet voice. Halata sa aming guro na mapagpasensiya siya at hindi madaling magalit. Ilang segundo lang, tumunog na nga ang buzzer at dumating na ang pinakahihintay ng aking mga kaklase. Napapangiwi na lamang ako dahil sa kanilang inaasta. 

Hindi pa man nakaaalis ang aming guro sa aming room ay nag-unahan nang lumabas ang ilan lalong-lalo na ang mga kalalakihan. Mga bastos at walang modo. Hindi tinuruan ng magandang asal noong mga bata pa sila siguro.

Inayos namin saglit ni Lucy ang aming mga gamit bago lumabas ng classroom. Iniligpit ko ang aking kuwaderno at ballpen sa loob ng aking bag.

“Ihahatid ko na kayo. Just tell me your addresses.” Nagitla ako sa pagsasara ng aking bag nang biglang magsalita si Rave sa aking likuran. Napalingon ako sa kaniya. Nasa kabilang pangkat siya ng mga upuan na hinati ng center aisle ang pagitan namin. Now, he’s keeping my three-meter rule in his mind. Pero kung titingnan, wala pa sa tatlong metro ang layo namin sa isa’t-isa. 

Call me ‘overacting’ but I don’t care. A rule is rule. 

“No, it’s okay. Malapit lang naman dito ang boarding house namin ni Lucy. We can walk,” pagtanggi ko sa kaniyang alok.

“Okay lang, Rave. Kaya naman ng powers namin na maglakad. Next time na lang. Thank you sa offer,” dagdag naman ni Lucy. 

“Okay. Bye then, for now. Bye master. I’m off now,” kalmadong wika niya at nagpaalam saka bahagyang yumuko sa akin at nauna nang lumabas ng silid. There’s something off in him. Hindi ko lang alam kung ano pero tila malungkot ang tono ng kaniyang boses.

“Anong nangyari do'n, beshie? Mukhang ang malungkot yata ngayon ang Papa Rave mo,” tanong ni Lucy sa akin na may halong pambubuyo. Inirapan ko siya na naging dahilan para humagikhik lamang ang bruha sa akin. Nagsisimula na naman siyang mang-asar.

“Malay ko ba kung anong nangyari do'n. Mukha ba akong manghuhula?” mapang-uyam kong tugon sa kaniya.

“Haha, baka kasi may misunderstanding or lover’s quarrel kayo kaya malungkot siya ngayon,” pilyo niyang sambit sa akin. Pinagsasabi ng babaeng 'to. Hindi man lang siya kilabutan sa mga sinasabi niya. 

“Isa na lang talaga, Lucy, mababatukan na kita,” pagbabanta ko sa kaniya na may kasamang matatalim na titig. Nag-peace sign naman siya sa akin saka tumawa lamang.

“Ito namang best friend ko, hindi lang mabiro. Umuwi na nga lang tayo,” pag-iiba niya ng usapan saka kinuha ang aking kamay at iginaya palabas ng silid. 

Mangilan-ngilan na lamang ang mga kapwa naming estudyante na naiwan sa loob ng eskuwelahan. Nang makarating kami sa gate, nagpaalam naman si Lucy sa guard na nakatambay sa guardhouse. Ganito talaga ang babaeng 'to. Hindi naman sa papansin siya. Sadyang palakaibigan lang talaga siya sa kahit sinuman. 

Nasa kanto na kami at liliko na sana sa pasilyo patungo sa aming boarding house nang biglang may mga tambay na lalaki ang sumipol sa aming dalawa ni Lucy. Nakuha nila ang atensiyon namin kaya napalingon kaming dalawa ng aking kaibigan sa kanilang direksiyon. 

Muntik na akong masuka sa kanilang mga pagmumukha. Mukha silang mga adik na nakahithit ng mabahong medyas.

“Hello, Miss Beautiful Ladies. Puwede bang hingiin ang mga contact number niyo. Makikipagkaibigan lang sana,” mapaglarong wika ng isa sa kanila. Dalawa lamang sila at mukhang nasa lagpas bente na ang kanilang mga edad. Inirapan ko sila ngunit malakas na tawa lang ang kanilang iginanti sa akin.

“Hindi kami nakikipagkaibigan sa mga unggoy. Hanap na lang kayo ng iba,” pagtataray ko sa kanila. Muli silang tumawa na naging dahilan upang sumikdo ang inis sa aking loob. 

“Umuwi na lang tayo, beshie. Huwag mo na lang silang pansinin,” nababahalang bulong sa akin ni Lucy. Napatango naman ako sa kaniya at saka hinila ang kaniyang braso para magpatuloy kami sa paglalakad.

“Ang tataray naman ng mga 'to. Parang cellphone number lang, ipinagdadamot pa,” parinig ng isa sa kanila. 

“Hayaan mo na lang pare. Magaganda nga, pangit naman ang ugali,” gatong naman ng isa pa. Napatigil ako sa paglalakad at ipinihit ang aking mga paa para humarap sa kanila.

“At least, may maganda pa rin sa amin, kuya. Kayo nga, pangit na nga ang pagmumukha, pangit pa ang ugali, nagreklamo ba kami? Hindi naman, 'di ba?” asik ko sa kanila. Nakakaloka! 

“Beshie, huwag mo nang patulan pa. Halika na. Umuwi na tayo. Baka kung ano pang gawin nila sa atin,” saad ng aking kaibigan at may bahid ng pagkataranta sa tono ng kaniyang boses.

Napabuntong hininga na lamang ako at saka muling tumalikod sa kanila. Hindi na sila sumagot pa sa sinabi ko o nagparinig pang muli. Ngunit, naririnig ko pa rin ang kanilang mga tawanan. Ang sarap lang nilang pag-untuging dalawa. Baka naupakan ko ang mga iyon kung hindi lamang ako pinigilan ni Lucy.

Ilang minuyo pang paglalakad at nakauwi na kami sa aming boarding house. Dalawa lang kaming umuupa dito ni Lucy. Kahit mahal ang bayad, maayos naman lahat ang mga gamit na nadatnan namin at malawak pa ang aming mga silid. Sakto lamang para makagalaw kami nang maayos. 

“Beshie, ayos ka lang?” usisa sa akin ng aking kaibigan nang makitang nakabusangot pa rin ako at nakasalubong pa rin ang aking mga kilay. 

“Yeahh! Nakakainis lang kasi. Kung hindi mo lang talaga ako pinigilan kanina, masasapak ko ang dalawang 'yon,” tugon ko habang nagpipigil ng inis. 

“Kumalma ka na at baka atakehin ka ng puso riyan. Hayaan mo na lang. Gano'n talaga ang mga lalaking kulang sa aruga,” pagpapakalma sa akin ni Lucy. Bumuga ako ng hangin mula sa aking ilong at saka dumiretso ako sa aking kuwarto upang magpalit ng damit pambahay.

Matapos kong magpalit, nadatnan ko si Lucy sa kusina na naghahanap ng makakain sa refrigerator. Nagliwanag naman ang kaniyang mukha nang makuha ang ice cream mula sa loob ng ref. 

Ako naman ang pumalit sa kaniyang puwesto kanina at kinuha ang isang pitsel ng malamig na tubig. Nagsalin ako ng tubig sa baso at ininom ang laman nito. Ano na naman kayang ulam namin mamaya?

“What do you want to eat for dinner? Wala kasi akong maisip na lutuin ngayon,” hayag ko sa aking kasama habang nakaupo sa dining table at kumakain ng chocolate ice cream. Napatigil siya sa pagkain habang nakalagay ang kutsara sa loob ng kaniyang bibig. Nag-isip siya saglit. 

“Oder na lang tayo ng pagkain sa Food Panda. Maraming pagpipilian do'n,” tugon niya sa akin. Napangiwi ako sa kaniyang suhestiyon.

“Wala ako sa mood kumain ng mga delivered na pagkain ngayon. I miss my mom’s cooking. Just tell me what you want that mom had cooked for us and I’ll cook it,” sambit ko sa kaniya. 

“Hmmm… give me a second,” she told then stopped for a moment to think. 

“What about tinolang manok? It’s been a while since the last time we’ve eat tinola. May manok ba tayo sa refrigerator?” Napaisip ako sa kaniyang sinabi. I miss tinola, too.

“Let me see,” I uttered. Tinungo kong muli ang kinaroroonan ng ref at tiningnan kung may nabili ba kaming karne ng manok no'ng nagpunta kami sa grocery para mamili.

Napangiwi ako nang makitang walang karne ng manok sa loob ng ref. 

“Wala pala tayong nabiling karne ng manok no'ng nag-grocery tayo,” medyo dismayadong sambit ko. “Gano’n ba? Wala bang kahit ano diyan na puwedeng lutuin?” muli niyang pagtatanong sa akin. 

Napatigil naman ako sa pag-iisip nang maalalang may meat shop sa malapit. Baka may tinda sila roon ng karne ng manok. 

“May meat shop pala sa malapit. Bibili lang ako. Saktong may petchay naman sa loob ng ref. Iyon na lamang ang isasahog natin. Hintayin mo na lang ako dito,” pagpapaalam ko kay Lucy.

Naglakad na ako patungo sa aking silid at hindi na hinintay pa kung may sasabihin sa akin ang aking kaibigan. Kinuha ko ang aking wallet at jacket dahil siguradong malamig na ngayon sa labas.

“Sigurado kang hindi mo kailangan ng kasama? Mahirap na,” saad ni Lucy nang makalabas ako sa aking kuwarto. Puno ng concern ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin sa kaniyang tinuran.

“Ayos lang, beshie. I have my pepper spray with me and besides, I am a black belter in Tae Kwando. Haha!,” I gushed, rest assuring that it’s just fine. But, there’s a hint in my voice that I am joking when I told her that I am a black belter in Tae Kwando.

“Gaga! Unang araw mo pa nga lang noon sa Tae Kwando class mo, bumigay ka na. Ni hindi ka nga nakatagal ng kahit man lang isang linggo sa klase,” tudyo sa akin ng aking kaibigan. 

“Haha! Huwag mo nang ipaalala pa. Ang sakit-sakit kaya ng buong katawan ko no’n matapos ang maghapong training. Kung alam mong masakit na, sumuko ka na. Mas lalo ka lang masasaktan,” depensa ko naman sa aking sarili saka humugot pa ng aking words of wisdom kahit walang koneksiyon sa pinag-uusapan namin.

“Anong konek, beshie? Layas na! Humayo ka't magpakarami, haha! Mag-iingat ka. Gawin ko lang muna 'yong ibang assignments natin habang naghihintay sa 'yo,” saad niya na aking tinawanan muna bago tumango sa kaniya. Binuksan ko ang pinto ng aming boarding at saka isinuot ang aking jacket. May mga ilaw naman sa daan kaya paniguradong hindi madilim ang pasilyong dadaanan ko.

Binagtas ko ang pasilyo at inalerto ang lahat pandama sa aking katawan. Hindi naman sa napapraning ako. Mas mabuti nang mag-ingat lalong-lalo na sa panahon ngayon. Napatigil ako sa paglalakad nang mapansing tila may mga pares ng matang nakasunod sa akin. Pakiramdam ko ay may nagmamanman sa akin ngayon. 

Naalala ko tuloy 'yong mga lalaking sinagot-sagot ko kanina sa kanto. Paano na lamang kapag binalikan nila ako? Hindi naman siguro. Kahit mga mukha silang adik, hindi naman nila siguro magagawang pumatol sa mga babae. Tae, ano ba itong pinag-iisip ko? Inalog ko ang aking ulo para walain ang mga ideyang naglalaro ngayon sa aking isipan.

Nagpalinga-linga ako sa paligid at inalala kung saang banda ko ba nakita noon ang meat shop. Nagpatuloy ako sa paglalakad at ilang minuto pa ay nakita ko ang isang maliit na tindahan. May mga nakabiting karne ng baboy at baka sa loob habang naka-display naman mga dressed chicken sa ibaba ng mga ito. Pumasok ako sa loob ng meat shop at agad naman akong inasikaso ng Aling nagtitinda. 

“Isang kilo nga po ng karne ng manok, Ate,” saad ko bago pa siya makapagtanong sa akin. 

“Sige, iha. Pakihintay na lamang ako dito at magkikilo lamang ako ng karne ng manok,” paalam niya sa akin. Tumango naman ako at saka naupo muna para maghintay sa Ale. Ilang minuto lang ay may hawak na siyang supot na may laman ng hinihingi ko. Inabot ko sa kaniya ang bayad saka lumabas na sa kaniyang shop.

Isinuot ko ang hood ng aking jacket dahil medyo malamig na ang simoy ng hangin. Kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking bulsa at tiningnan kung anong oras na ba. Malapit na palang mag-alas siyete ng gabi. 

Muli ko namang inalerto ang aking pandama nang maramdaman na namang tila may mga nakasunod sa akin. Napaiktad ako at nahinto sa paglalakad nang biglang may magsalita mula sa madilim na parte ng pasilyo at hindi abot ng liwanag mula sa street light.

“Hello, Miss Beautiful! Magandang gabi sa iyo,” wika ng isang panlalaking tinig. Sa tono pa lang ng boses ay alam ko na kung kanina galing ito. 

“Ano na namang kailangan mo?” mataray kong saad sa lalaking nasagot ko kanina sa may kanto. Lumabas siya sa kaniyang pinagtataguan at pasuray-suray na naglalakad. Sinisinok pa siya at halatang nakatungga ng alak. Wala naman akong nakitang kasama niya. 

“Ano kaya kung maglaro muna tayo, Miss Beautiful. Do'n tayo sa madilim at huwag dito,” mapaglarong sambit niya habang nalalango ng ininom na alak. Napailing ako at napairap sa ere. Akmang lalapit na siya sa akin pero pinigilan ko siya. Nagsimulang gumapang ang kaba sa aking katawan ngunit hindi ako nagpatinag. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin sa kaniyang mga tinuran. 

“Huwag kang lumapit sa akin. Nakakadiri ka,” inis kong wika at inilabas ang pepper spray sa aking bulsa. Napahalakhak siya sa aking ginawa.

“Huwag ka nang magpakipot, Miss Beautiful. Pagbigyan mo na ako. Libog na libog na ako dito, ohh!” halos pasigaw niyang saad sa akin ngunit hindi malinaw ang ibang mga salita dahil sa kaniyang kalasingan. 

Humakbang siya palapit sa akin kaya naman napaatras ako. Nakangisi na my maitim na balak sa kaniyang mukha. Malala na ang isang 'to. Muli siyang humakbang kahit halos hindi na siya makatayo ng tuwid. Mas lalo akong kinabahan nang maglabas siya ng maliit na kutsilyo sa kaniyang bulsa.

“Subukan mong manlaban at siguradong isasaksak ko sa iyo ang hawak ko,” pagbabanta niya sa akin. Kahit pa gaano ako katapang, hindi ko maiwasang hindi panindigan ng balahibo sa sitwasyon kinalalagyan ko ngayon. Nagsimulang mangatog ang aking tuhod nang patuloy siya sa paglapit sa akin. 

Sinubukang niyang hablutin ang aking braso ngunit mabuti na lamang at nakailag ako. Dahil sa labis na panginginig, hindi ko nagawang pindutin ang hawak kong pepper spray at nabitawan ito. 

“Halika na, Miss Beautiful. Huwag kang matakot sa akin. Madali lang naman ang gagawin natin at siguradong dadalhin ka sa langit sa ating gagawin. Kaya pumayag ka na. Isang nakakalokong ngisi ang muling kumawala sa kaniyang bibig. 

Umatras ako at ipinihit ang aking katawan para tumalikod sa kaniya saka nagsimulang tumakbo. Ngunit, may kung sinuman akong nabunggo at napasubsob sa dibdib nito. Masasabi kong lalaki ito dahil sa katigasan ng kaniyang kalamnan at malaking pangangatawan kahit medyo nasa madilim kaming parte ng pasilyo. Teka lang. Nagitla ako sa pag-iisip nang maamoy ang kaniyang pabango. Pamilyar sa akin ang amoy na ito. Hindi kaya— hindi naman siguro. Nagkataon lang sigurong magkapreho sila ng pabango. 

Hindi naman siguro siya kasamahan no'ng lalaking may balak nang hindi maganda sa akin kani-kanina lang.

Napaatras ako ng isang hakbang at tumingala sa taong nabangga ko. May katangkaran siya kaya kailangan ko pang itaas ang aking ulo para makita ang kaniyang bulto. Nakatakip ang kaniyang mukha ng face mask at may suot din siyang hood sa ulo. 

Pinagmamasdan ko ang kaniyang kabuuan na naging dahilan para makalimutan ko ang lalaking nasa aking likuran na nagtangkang gawan ako nang masama. Namilog ang aking mga mata nang sandaling hinablot ng lalaking nasa likuran ko ang aking braso at ikinulong sa kaniyang mga bisig. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa sobrang gulat. Napakalagkit ng mga kamay niyang dumadampi sa aking balat. Nakakadiri!

“Let go off her,” seryosong wika ng lalaking nabunggo ko kanina. Hindi lamang ang kaniyang amoy, kundi pati ang kaniyang boses ay pamilyar din sa akin. Hinidi maiwasang hindi mangunot ang aking noo. Kilala ko ba siya? Kilala niya ba ako?

“Huwag mo nga akong ini-English diyan. Huwag kang makialam dito kung ayaw mong masaktan. Hayaan mo na lang kami,” saad naman ng lalaking nakahawak sa akin. Sinubukan kong magpumiglas ngunit hinigpitan niya lang lalo ang pagkakakulong sa akin. This guy has guts. Tsk! 

Napalitan ng pagkainis ang lahat ng takot ko kanina. I will kick the hell out of him the moment I have escaped from his grip. “Let go off her, man. Don’t let me repeat myself,” muling saad ni Kuyang Inglesero. 

“Bakit ka ba- ahhh! Ahhh!” Hindi na natuloy pa ang sasabihin ng lalaking nakahawak sa akin. Napasigaw siya sa sakit nang bigla na lamang hinablot ni Kuyang Inglesero ang kamay niyang may hawak na patalim saka marahas itong binaluktot. Naramdaman ko ang pagkalas ng bisig niyang kumukulong sa akin. Kinagat ko ito at naging dahilan para makawala ako sa kaniya. 

Hinarap ko ang lalaki at sinikmura siya gamit ang aking tuhod. Napahawak siya sa kaniyang tiyan at namimilipit sa sakit ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Samantalang, si Kuyang Inglesero ay hindi pa yata nakuntento at inapakan ang tiyan ng lalaki.

“Ahhh! Tama na! Suko na ako,” hiyaw ng lalaki ngunit hindi siya tumigil at sinipa pa ang lalaki nang tatlong beses. Napapaawang na lamang ang aking bibig dahil sa aking nakikita. 

Umupo si Kuyang Inglesero sa tiyan ng lalaki at kwinelyuhan ito. Pinagsusuntok niya sa mukha ang lalaki at mukhang hindi pa siya titigil kung hindi ko inawat. 

“Kuya, tama na po. Hayaan niyo na po siya. Baka naman magtitino na siya ngayon kaya huwag niyo po siyang saktan pa lalo,” wika ko. Tumingin siya sa akin na may pagpupuyos ng galit sa kaniyang mga mata. Tanging ang mga mata niya lamang ang aking nakikita dahil mula sa kaniyang ilong pababa ay natatakpan ng face mask. Ngunit bigla na lamang napalitan ng lungkot at pag-alala ang mga ekspresyon na sumilay sa kaniyang mga mata. Napakunot tuloy ang aking noo.

Bakit ganoon na lamang siya magalit sa lalaki? Bakit pakiramdam ko ay sobra siyang nag-aalala sa akin? Mas lalo akong nagulat nang makitang may nangingilid na luha sa mga mata niyang kanina ko pa tinititigan. Nag-iwas siya ng tingin at ibinaling ang atensiyon sa lalaking inuupuan niya sa tiyan at ngayon ay bugbog sarado na sa mukha.

“Huwag mo nang gagawin ulit ang bagay na ito sa kahit ninuman. Kapag nahuli pa kitang may binabastos na babae, hindi lang suntok at sipa ang makukuha mo sa akin. Papatayin kitang hinayupak ka kapag nagkataon. Kaya habang nakakapagpigil pa ako, umalis ka na sa paningin namin at huwag ka nang magpapakita pa,” mahabang litaniya ng lalaking nagligtas sa akin na may bakas ng pagbabanta sa lalaking muntik na akong pagsamantalahan. 

“Opo. Hindi na po mauulit. Parang awa niyo na po, pakawalan niyo na ako,” pagmamakaawa naman ng lalaki at mangiyak-ngiyak na ang boses nito. Marahas na binitawan ni Kuyang Inglesero ang kwelyo nito at umalis sa pagkakapatong sa kaniya. 

Tumayo ang lalaki at saka mabilis na tumakbo palayo. Takot na takot at kulang na lamang ay maihi sa kaniyang pantalon. Mukhang nahimasmasan yata dahil sa ginawa ni Kuya. 

“And you, Miss, don’t go outside your house in the evening. Marami nang mga masasamang loob sa panahon ngayon. Masuwerte ka at dumating ako,” paalala niya sa akin. Napapatulala na lamang ako habang nagsasalita siya. 

“Maraming salamat po,” tanging saad ko at yumuko sa kaniya bilang paggalang.

“Sige, mauuna na ako. Mag-ingat ka na lang palagi,” paalam niya sa akin saka nauna nang maglakad sa kabilang direksiyon. Gusto ko siyang pigilan ngunit hindi ko naman alam kung bakit.

“Mag-iingat din po kayo,” hirit ko sa kaniya nang pasigaw at tanging pagtaas lamang ng kaniyang kanang kamay ang kaniyang itinugon. Bumuntong hininga ako. That was close. Mabuti na lamang talaga at dumating si Kuyang Inglesero. 

Nagsimula na rin akong maglakad pauwi dahil kung ano na namang mangyari sa akin dito sa daan. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
A hopelessRomantic
OA ng beshie mo lucy
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 8

    Malapit na ako sa aming boarding house nang mapansing walang nakabukas na ilaw sa loob ng bahay. Nangunot ang aking noo at dali-daling naglakad. Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Pumasok ako at napakadilim ng buong bahay. Anong nangyari?Ilang saglit lang ay biglang bumukas ang ilaw sa sala at bumungad sa akin si Lucy na nakabihis ng pangnanay na damit. Nakasuot siya ng mahabang bestida, at may nakapulupot na tuwalya sa kaniyang ulo. May hawak din siyang walis tambo. Anong drama ng babaeng ito?“Hoy, bata ka! Anong oras na, ha? Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako naghihintay sa iyo! Ikaw bata ka. Hindi ba't sinabi ko sa iyong huwag kang magpapagabi? Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo. Lasing ka na naman. Halika nga dito at nang mapalo kita ng hawak kong walis tambo. Nanggigigil ako sa iyong ba

    Huling Na-update : 2020-08-20
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 9

    Maaga kaming pumasok ng paaralan ngayon. Napuyat ako kagabi dahil tinapos ko pa ang lahat ng isinusulat ko. Hindi ko lang alam kay Lucy kung natapos niya ba o hindi dahil mas nauna naman siyang pumasok sa kaniyang kuwarto kaysa sa akin.Mabuti na lamang at maaga kaming nagising pareho. Malapit na kami sa kanto at habang naglalakad, naalala ko naman ang nangyari kagabi. I don’t know but there’s something that bothering my mind about that guy last night. His scent, physique, and and the tone of his voice were a little bit familiar to me. I just wanna think that it was just a coincidence to meet him last night but my intuition says that there’s something off with that guy. What am thinking again? I should be thankful for what he had done. That’s the right thing to think and not being suspicious. I shook my head to erase the current thoughts circul

    Huling Na-update : 2020-08-20
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 10

    Binilisan ko ang pasusuklay ay pagtatali ng aking buhok habang nakaharap sa malaking salamin na nasa taas ng lababo. Samantalang si Lucy naman ay abala sa pagre-retouch ng ka ha! Na-stress tuloy ang beauty ko. Next time talaga na mang-aaway pa 'yon, hindi na ako magpipigil na kalbuhin ang pugitang 'yon,” dada ni Lucy habang naglalagay ng pulbo sa kaniyang mukha. Napabuntong hininga na lamang ako.“Sorry, beshie. Alam ko namang hindi ko na dapat siya pinatulan kanina pero nakakainis kasi. Salamat din pala dahil nasalo mo 'yong sampal no'ng babaeng 'yon na tatama sana sa beautiful face ko. Na-touch din ang aking puso sa sinabi mo. Ang suwerte ko talaga sa iyo,” pagpapatuloy niya. Tumingin ako sa kaniya.“What are friends for? Siyempre, kahit mukha kang bruha, hindi ko pa rin maaatim na sa

    Huling Na-update : 2020-08-20
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 11

    NAKAKAHIYA! Gusto ko na lamang maglaho ngayon sa aking kinaroroonan. Natapos na ang aming presentation at ngayon ay nagpapaliwanag na si Rave sa harapan. That jerk! I want to skin him alive, right now!“As you can see in our tableau, we are portraying the common roles of each member in the family. Well, we presented the nuclear type of family we have here in our country, wherein, there are parents, their children, and grandparents,” Rave explained, standing straight and looking directly to his audience. Then, he averted his gaze to me. I shot him with a death glare. But he just chuckled softly as if we are the only people here in our classroom.“Well, I see. But, how can you explain the hugging session earlier, Rave? Is it for a show or for real?” Ma’am Jamaica teased Rave. But it’s me who got burns on my cheeks.Muli namang napuno ng hiyawan at tili ang buong k

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 12

    A SUDDEN whirling sensation attacked my head. My breasts are aching. And I can’t move properly because of stomach cramps. I’ve been experiencing dysmenorrhea, severe headache and dizziness during my red days ever since I was in Grade 9. Darn it! Mapapamura na lang talaga ako sa sakit. Please, Lord, huwag naman sana ngayon.“Beshie, ayos ka lang ba? Sabihan mo lang ako at hihingi ako kay Ma’am Olive ng permission para pauwiin ka na,” nag-aalalang bulong sa akin ni Lucy at kitang-kita sa kaniyang mata ang labis na pagkabahala.“Ayos lang ako, Beshie. Kaunting tiis na lang. Malapit na rin namang mag-uwian,” bulong ko sa kaniya pabalik at pinilit na ngumiti para pawiin ang kaniyang pag-aalala.Nakatingin lamang siya sa akin at mukhang hindi kumbinsidong maayos lang ako. Kapagkuwan ay mahina siyang napabuga ng hangin mula sa kaniyang ilong at saka tumango sa akin.

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 13

    I WOKE up with a heavy feeling today. I don’t feel like going to school but I need to. Sana naging lalaki na lamang ako para hindi ko nararanasan ang ganitong klase ng dalaw kada buwan. Ang unfair naman kasi.Walang-wala ang mga paghihirap naming mga babae kumpara sa mga lalaki. Kapag tapos na silang matuli, wala na silang problema pa. Samantalang ang mga babae, kailangan nilang indahin ang sakit sa tuwing hindi nagiging normal ang dalaw nila. Tapos, hindi lang do’n nagtatapos ang paghihirap namin dahil kami ang magluluwal ng mga sanggol. Sabi nga ng iba, kapag daw buntis ka at manganganak na, parang nakabaon daw sa lupa ang isa mong paa. Delikado at minsan ay puwedeng may maisakripisiyong buhay.Habang ang problema lang naman ng mga lalaki ay kung paano gumaling sa kama. Alam niyo naman na siguro ang ibig kong sabihin. At may mga iba pa nga na hindi kayang panindigan ang nagawang pagkakamali kapag nandiyan na

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 14

    NASA SCHOOL canteen kami ngayon ni Lucy at kasalukuyang nananghalian. Halos buong umaga ay wala kaming ginawa dahil hindi pumasok ang ilan sa mga guro namin. May meeting daw sila at kasama roon ang Royal Ten. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit walang Rave Castillo ang nakabuntot sa akin ngayon.Nilaro-laro ko lang ang aking pagkain gamit ang kutsara. Wala akong gana ngayon. Kanina pa nga ako nababagot. Hindi ko alam pero parang may kulang sa araw ko. Ano kaya iyon?“Beshie, ayos ka lang ba talaga? Masakit pa ba ang puson at ulo mo?” mahina ngunit dinig na dinig kong tanong sa akin ng aking kaibigan.Saglit akong napatigil sa aking ginagawa at napabuntonghininga na lamang.“Hmmm... Medyo ayos naman na ang puson at ulo ko, Beshie. I don’t know. I just feel empty inside,” tugon at saka muling napabuga ng hangin. Ano bang nangyayari sa akin? Ang weird lang

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 15

    NAALIMPUNGATAN ako nang may maramdaman akong mga kamay na nag-angat sa aking ulo para ayusin ang aking pagkakahiga ngunit hindi agad ako nagmulat ng mga mata. Pinakiramdaman ko muna ang paligid nang nakapikit. Sa higaan ko pa lang, masasabi ko ng wala ako sa aking kuwarto. Kakaiba ang amoy ng buong paligid. Napakabango. Tila ba may nagsaboy ng air freshener sa hangin.My thoughts were averted when a lukewarm air touches my face. I creased my forehead. What’s this fragrant scent seizing my nose? I sniff and it smells so good to the point that I can’t stop myself from sniffing. Ang bango talaga. Napakasarap singhut-singhutin. Hindi nakasasawa.Napabangon ako bigla mula sa aking pagkakahiga nang hindi nagmumulat pa rin ng mga mata. My body stopped moving when something soft touches my lips. What is this thing on my lips? It’s feels like a marshmallow. M

    Huling Na-update : 2021-06-09

Pinakabagong kabanata

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 25

    ’PAGKAPASOK pa lang ng sasakyan ni Rave sa malaking gate, halos lumuwa na ang aking mga mata dahil sa tanawing bumungad sa amin. Bahay pa ba itong matatawag o papunta na sa palasyo?Ang liwanag ng buong paligid. May malaking fountain sa gitnang harapan ng kanilang bahay at sa magkabilang side nito ay nakahilera ang mga naglalakihan at naggagandahang halaman na sa tanang ng buhay ko ay ngayon ko lamang nakita. May maliit na playground din sila at ang nakapalibot na mababang bakod nito ay napapalamutian ng mga kumukuti-kutitap na Christmas lights.Napaigtad ako sa aking kinauupuan nang pagbuksan ako ni Rave ng pinto. “Hindi ka pa ba bababa?” tanong niya sa akin.“Ah, sorry! Nakakamangha kasi ang mga nakikita ko ngayon kaya nawala ako sa tamang huwisyo,” hayag ko sa kaniya.“Hindi ka pa ba nasasanay sa mga nakakamanghang baga

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 24

    LUMAPIT si Rave sa lalaking may hawak ng baril ngunit mabilis na tinutukan siya nito ng armas na hawak. Ibinaba niya ang lahat ng hawak niyang shopping bag na naglalaman ng mga pinamili ni Elisa at saka itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay bilang pagsuko at senyales na hindi siya manlalaban sa lalaki.“I’ll give all you want. Binayaran ba kayo para gawin ito? Sabihin niyo sa akin kung magkano at dodoblehin ko ang binayad niya sa inyo. Just leave Yumi and Lucy alone,” pagkausap ni Rave sa lalaki. “Rave, you can’t be serious. Don’t gamble your parents’ money for us. Kung tungkol sa aming dalawa ’to ni Lucy, labas ka na—” Agad akong napatigil sa pagsasalita nang sumabat siya sa akin.“You’re wrong. I am living with my own money. I don’t ask even a single coin from them. Anyway, what do you expect

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 23

    NAPATINGIN ako sa orasang nakasabit sa itaas ng whiteboard. Malapit na naman palang mag-uwian. Ilang minuto pa ay tumunog na ang buzzer. Nagsimula namang umingay ang iba kong mga kaklase at mukhang kanina pa sila sabik na umuwi. “Tara na, Beshie,” aya ko kay Lucy matapos iligpit ang mga gamit ko sa loob ng aking bag. Tumango naman siya sa akin at saka tumayo na rin.Pagkalabas namin ng classroom, bumungad naman sa amin si Elisa na hinahanap si Rave. Hindi pala magkadugo ang dalawang ’to. Magkapatid lang ang turingan nila dahil nakatira sila sa iisang bahay. Ang ina ni Elisa ay si Miss Velvet—ang principal ng paaralang ito— at siya ang pangalawang asawa ng ama ni Rave.Ilang sandali pa ay lumabas na rin si Rave habang nakapamulsa ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang pantalon. Acting cool, huh?“Kuya, ma

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 22

    “SAYANG, wala man lang kayong picture nang magkasama kahapon, Beshie. Ang daya-daya niyo naman, eh. Hindi niyo man lang ako naisip na naiwan sa guidance office at iniwan na lang doon. Pero okay na rin iyon. At least, walang umabala sa first date niyong dalawa ni Fafa Rave,” mahabang litaniya ni Lucy sa akin at saka parang kinikilig pa ang bruha. Ano naman kayang nakakakilig do’n?“Anong date date na pinagsasabi mo diyan, Lucy? That was just—”“Nope! According to my beautiful braincells, date is when a teenage guy and girl spend time together happily. And you two seemed happy with each other’s company yesterday,” she gushed, immediately stopping me from speaking.I just rolled my eyes. There’s no help arguing with her furthermore. She’ll just piss me off. Well, that’s Lucy Madrigal for you. Wala na akong nagawa

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 21

    NASA ILALIM kami ngayon ng isang malaking puno ng Acacia. Lumabas kami ng bahay kanina ni Rave matapos mananghalian upang magpahangin at ipasyal daw ako sa iba pang bahagi ng lugar na 'to. Ang tahimik nga talaga dito. Siguro napakalungkot manirahan dito nang mag-isa."Ano nga pala iyong ikukuwento mo sa akin? Go on. I'll listen," pagbasag ko ng katahimikang namamayani sa pagitan namin."Ah, that one. Sorry, I almost forgot. But... do you wanna really hear my story?""Sige lang. Makikinig lang ako," I insisted. He nodded. He stretched his hands then put them backward against the ground."My Mom died two years ago," panimula ni Rave.Mababakas ang kalungkutan sa kaniyang boses habang nagsasalita. Napatigil ako dahil sa pagkabigla. Hindi ko inaasahang sa ganitong linya niya sisimulan ang kaniyang kuwento. Gano'n pa man, mataman lamang akong nakatingin sa kani

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 20

    TAHIMIK LAMANG akong nakaupo sa likod na bahagi ng sasakyan ngayon ni Rave. Saan naman kaya kami pupunta? Wala naman akong karapatang magreklamo ngayon dahil pumayag akong dalhin niya ako sa kung saan man yang sinasasabi niyang tahimik na lugar.Mabilis lang ang pakikipag-usap niya kanina sa guard at agad na pinayagang lumabas dahil nga siya ang Prime Master ng paaralan. Ang unfair lang, eh. Samantalang noong kami ang nagpaalam ni Lucy sa guwardiyang ’yon, hindi kami pinayagan at in-attitude-an pa kami. Anyways, nakaraan na ’yon. Focus tayo sa present.Naputol ang pag-ra-rant ko sa aking isipan nang biglang tumikhim si Rave para kunin ang aking atensiyon.“Malapit na tayo,” wika niya.Napaangat naman ako ng aking ulo at dumungaw sa bintana ng sasakyan. Ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa lugar na sinasabi niya. Nauna siyang bumaba ng kotse

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 20

    TAHIMIK LAMANG akong nakaupo sa likod na bahagi ng sasakyan ngayon ni Rave. Saan naman kaya kami pupunta? Wala naman akong karapatang magreklamo ngayon dahil pumayag akong dalhin niya ako sa kung saan man yang sinasasabi niyang tahimik na lugar. Mabilis lang ang pakikipag-usap niya kanina sa guard at agad na pinayagang lumabas dahil nga siya ang Prime Master ng paaralan. Ang unfair lang, eh. Samantalang noong kami ang nagpaalam ni Lucy sa guwardiyang ’yon, hindi kami pinayagan at in-attitude-an pa kami. Anyways, nakaraan na ’yon. Focus tayo sa present. Naputol ang pag-ra-rant ko sa aking isipan nang biglang tumikhim si Rave para kunin ang aking atensiyon. “Malapit na tayo,” wika niya. Napaangat naman ako ng aking ulo at dumungaw sa bintana ng sasakyan. Ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa lugar na sinasabi niya. Nauna siyang bumaba ng kotse at saka ako pinagbu

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 19

    “ACTUALLY, I had no intention to pick up a fight with these girls last Friday,” panimula ni Kath. Agad nang napakunot ang aking noo matapos kong narinig ang kaniyang first statement.Nagkatinginan kami ni Lucy dahil sa sinabi niya. Ano naman kayang kasinungalingan ang ipapamalas ng babaeng dinosaur na ’to ngayon?“Gusto ko lang sanang makipag-ayos kina Miss Yumi at Miss Lucy that day dahil sa pang-aaway sa kanila no’ng dalawa kong kaibigan noong Wednesday, last week. I told to them na nagsisisi na ’yong mga kaibigan ko at kung maaari ay kausapin nila ang Prime Master na i-lift na ang suspension punishment na ipinataw niya sa kanila. I thought Miss Yumi will understand my point but, it seemed the other way around. Nagalit siya sa akin dahil kinukunsinti ko raw ang pambu-bully sa kanila ng mga kaibigan ko. Then suddenly, she threw a ketchup all over my face

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 18

    MABILIS NA natapos ang weekends. At heto na naman kami ni Lucy, naglalakad sa hallway ng Kingston High University. Ang sosyal talaga ng paaralang ito. Nakalulula sa laki ang mga gusali at ang lawak ng oval.Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang humikab si Lucy. Antok na antok pa siya malamang dahil tinapos yata ang buong season two ng anime na pinapanood niya kagabi. Kasiyahan niya ’yon, eh, kaya hinayaan ko na lang.“Monday na naman. Nakakatamad pumasok. Sana naman magkajowa na ako ngayong taon para naman may inspirasyon akong pumasok araw-araw,” inaantok na sambit ni Lucy at saka muling napahikab.“Wala namang bago sa’yo, Beshie. Araw-araw ka naman yatang tinatamad pumasok. Bihira lang ’yong araw na gigising ka nang kusa. Kung hindi ka pa talaga bumangon kaninang ginigising kita, malamang sa malamang, iniwan kita sa bahay,” reklamo ko

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status