Share

Chapter 8

last update Huling Na-update: 2020-08-20 18:34:05

Malapit na ako sa aming boarding house nang mapansing walang nakabukas na ilaw sa loob ng bahay. Nangunot ang aking noo at dali-daling naglakad. Pinihit ko ang doorknob at binuksan ang pinto. Pumasok ako at napakadilim ng buong bahay. Anong nangyari? 

Ilang saglit lang ay biglang bumukas ang ilaw sa sala at bumungad sa akin si Lucy na nakabihis ng pangnanay na damit. Nakasuot siya ng mahabang bestida, at may nakapulupot na tuwalya sa kaniyang ulo. May hawak din siyang walis tambo. Anong drama ng babaeng ito?

“Hoy, bata ka! Anong oras na, ha? Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako naghihintay sa iyo! Ikaw bata ka. Hindi ba't sinabi ko sa iyong huwag kang magpapagabi? Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo. Lasing ka na naman. Halika nga dito at nang mapalo kita ng hawak kong walis tambo. Nanggigigil ako sa iyong bata,” panenermon niya sa akin. Napasampal na lamang ako sa aking mukha dahil sa pinaggagawa ng babaeng 'to.

Na-bored siguro siya sa kahihintay sa akin kaya kung anu-ano na namang kabaliwan ang pinaggagawa sa TikTok. 

“Beshie, acting ka naman diyan. Sabayan mo ako,” sambit niya sa akin matapos i-pause ang pagre-record sa kaniyang cellphone. Napaikot na lamang ako ng aking mga mata.

“Sige na, beshie. Isang shot lang,” pangungusap niya sa akin. Napabuntong hininga na lamang ako. Nang sandaling tumango ako, napalundag naman siya sa tuwa.

“Anong sasabihin at gagawin ko?” tanong ko sa kaniya dahil wala akong kaalam-alam sa aktingan.

“Kahit ano na lang. Basta connected sa sinabi ko kanina,” tugon niya naman sa akin. Napasapo na lamang ako sa aking noo dahil binibigyan niya ako ng sakit sa ulo. Bahala na nga lang.

“Sige, ipe-play ko na 'yong recorder. Lights, camera, action!” magiliw niyang sambit sa akin saka itinutok ang camera sa aking direksiyon.

“Ma, kalma ka lang. Huwag po kayong mag-aalala. May inuwi po akong karne ng manok mula sa birthday na dinaluhan ko. ‘Di ba 'yon naman po ang inutos niyo sa akin? Pupunta sa birthday ni Aling Bebang para mag-uwi ng karne? Heto na po 'yon, 'Ma!” pag-arte ko saka ipinakita sa camera ang hawak kong supot ng karne ng manok. Muli niyang ni-pause ang recorder at saka masayang nagtata-talon. Tae, mukha akong ewan sa script ko. 

On-the-spot acting ba naman kasi. Tinungo ko na ang kusina at hinayaan ko na lamang ang aking kaibigan na panoorin ang aming video. I’m sure, uploaded na 'yon mamaya sa TikTok pagkatapos niyang i-edit. Iyan ang kasiyahan niya kaya susuportahan ko na lang.

Kinuha ko ang chopping board at kutsilyo saka inilabas ang karne ng manok mula sa supot. Inumpisahan ko na itong hati-hatiin sa katamtamang laki at nang matapos ay inihanda ko na ang ibang mga sangkap sa pagluluto ng Tinolang Manok.

Sinamahan naman ako ni Lucy sa kusina habang hawak-hawak pa rin ang kanyang cellphone at mukhang ine-edit pa lang ang dramahang nakunan kanina. At gaya nang inaasahan ko, nagtanong siya kung bakit natagalan ako sa pagbili. Sasabihin ko ba? Huwag na muna sa ngayon. Kukulitin na naman kasi ako niyan mamaya at hindi titigilan sa katatanong kaya pinili ko na lamang na huwag sabihin sa kaniya ang nangyari. Ayaw ko rin siyang mag-alala at saka isa pa, wala ako sa mood na magkuwento ngayon.

“Wala naman. Natagalan lang talaga ako sa paglalakad,” pagdadahilan ko. Mukhang nakumbinsi ko naman siya at hindi na muling nagtanong pa. Bumalik siya sa kaniyang cellphone at napapatawa na lamang nang mag-isa. 

“Kaunting dagdag pa ng effects, push ko na ito sa TikTok. Edit ko lang ito, beshie. Sabihan mo lang ako kung may iuutos ka sa akin, ha!” 

“Sige lang. Ayos lang naman ako dito,” tugon ko sa kaniya. Kaya ko naman ito. Saka nakapagsaing naman na siya ng kanin sa rice cooker kaya ako na lang gagawa nito nang mag-isa. Madali lang naman lutuin ito. 

Hinugasan ko ang dahon ng petchay sa lababo at inilagay ito sa mangkok na medyo may katamtamang laki. Binuksan ko ang gas stove at isinalang ang kawali rito. Iginisa ko ang karne ng manok at hinintay na maging brown ito. Napakabango ng amoy. Kaya gustong-gusto kong magluto dahil sa amoy pa lamang ng mga niluluto ko, nabubusog na ako. Naging bonding na kasi namin ni Mama sa bahay ang pagluluto ng kung anu-anong matipuhan namin. 

Actually, Cookery ang strand sana na kukunin ko no'ng Grade-11 pa lamang ako ngunit ayaw ng mga magulang ko. Galing si mama sa angkan ng mga guro kaya gusto niyang maging guro din ako balang araw. Well, may part din naman sa akin na gusto kong magturo ng mga bata kaya pumayag ako na kunin ang HUMSS bilang strand ko. At dahil nga hindi kami mapaghiwalay ni Lucy, nag-HUMSS na lang din siya. Ni hindi nga siya makapagdesisiyon nang mag-isa at hindi niya noon alam kung anong kukunin niyang strand noon.

Matapos ilagay ang iba pang mga sangkap sa kawali, hinayaan ko muna ito hanggang sa kumulo. Nagsalin ako ng sabaw sa maliit na mangkok at tinikman ko ang aking niluluto para alamin kung sakto lang ba ang lasa nito. Hindi naman ako nabigo. Napangiti ako dahil saktong-sakto lamang ang mga inilagay kong seasoning. Itinabi ko ang sandok. Hininaan ko nang kaunti ang apoy ng gas stove at saka hinayaan lamang ang aking nilulutong kumulo. 

Maaga pa naman at hindi pa siguro late mamaya kapag luto na iyon. Tumabi ako kay Lucy na nakaupo sa dining table. Katatapos niya lang palang ini-upload ang aktingan namin kanina at nakakuha agad ito ng dalawampung views at labing-apat na heart reacts. Real quick. 

Tawang-tawa naman kami habang pinapanood ang final output ng video naming dalawa. Maging ang aming mga boses ay kaniyang pinalitan at ginawang parang tunog chipmunks.

“Parang ewan lang tayo diyan, haha! ” komento ko saka tumawa nang matipid.

“Katuwaan lang naman. Nga pala, tapos ko na 'yong ibang assignments natin. Pero titingnan ko pa rin 'yong iyo mamaya, baka kasi mali-mali na naman ang ginawa ko hahaha!”pag-iiba niya ng usapan. 

“Haha gaga! Baka nga ako mamaya iyong mali-mali ang sagot. Hindi ko gaanong naintindihan 'yong tinuro ng guro natin sa General Math. Mabuti na lamang at kinopya ko 'yong mga example sa blackboard. Pag-aaralan ko na lang mamaya,” hayag ko sa kaniya. Matapos no’n ay tumayo ako at tiningnan ang aking niluluto. 

“Pansin ko nga,” wika niya naman na naging dahilan upang mangunot na naman ang aking noo sa kaniya. Tumingin ako sa kaniyang gawi matapos tikman ang aking niluluto. 

“Anong ibig mong sabihin?” usisa ko sa aking kaibigan. Bumalik ako sa aking niluluto at inilagay ang dahon ng petchay. Malambot na 'yong karne ng manok at nanunuot sa sabaw nito ang linamnam ng karne. Kaunting minuto na lamang at luto na ang Tinola.

“Ilang beses kasi kitang nahuling nakatulala kanina mula nang klase natin sa Reading and Writing. May bumabagabag ba sa iyo, beshie?” alalang tanong niya sa akin. Napaisip ako sandali. Mula no'ng klase namin ng Reading and Writing? Naalala ko na. Marahil ay dahil nadala lang ako sa diskusiyon namin tungkol sa pananaw namin sa salitang ‘pag-ibig’.

Pinatay ko ang gas stove at saka kumuha ng malaking mangkok bago sumagot sa kaniya.

“Wala naman, beshie. May iniisip lang pero ayos lang ako that time. Wala kang dapat ipag-alala,” I said, rest assuring. She smiled to me. 

“Glad to know that. Luto na ba iyan?” she asked while getting spoons, forks and plates from the dish cabinet. She put them on the dining table. Then, she took a bowl to get rice from the rice cooker. 

Matapos kong isalin ang Tinolang Manok sa mangkok, ipinatong ko na ito sa mesa. Hinintay ko lamang si Lucy na sumandok ng kanin sa rice cooker. Naghugas naman kami sa lababo nang magkasunod at saka pinagsaluhan ang niluto ko. I miss eating Tinola. But, because of it, I almost lost my virginity. Darn it! Why am I thinking about it in the midst of eating? Good thing, someone helped me out from that situation and beaten up that guy for me. 

Ipinagsawalang bahala ko na lamang ang aking iniisip at nagpatuloy na lamang sa pagkain. As usual, ang dami pa ring kuwento ng aking kinakapatid na bruha. Hindi yata nauubusan ng salita ang babaeng ito. Kahit sa kalagitnaan ng pagkain ay dumadaldal pa rin siya. Well, nasanay na ako sa kaniya. Halos tatlong taon na rin kaming magkasama sa iisang bubong. Bihira lang din siya umuuwi sa bahay nila at kung uuwi man siya doon, isinasama niya pa rin ako.

Mag-isa lang siyang anak kaya lahat ng gusto niya ibinibigay ng kaniyang. Pambawi na lang din dahil palaging wala ang mga ito sa kanilang bahay para alagaan si Lucy. Masiyado silang abala sa kanilang negosyo sa ibang bansa at halos mawalan na ng oras sa kanilang anak. Ngunit, kahit kailan, hindi umangal si Lucy sa kaniyang mga magulang at patuloy na iniintidi ang mga ito. Alam kong miss na miss na rin niya ang mga ito.

Maybe, some time, they can have a bonding and quality time together. I wish they can have that moment because I want to see my friend being happy her family, too. Life is happier when we are with our family. 

Matapos naming kumain, nagprisintang maghugas ng pinggan si Lucy. Gawin ko na lang daw muna 'yong mga takdang-aralin ko. Aangal pa ba ako? Kahit naman madaldal 'tong babaeng 'to, maaasahan din naman sa mga gawaing bahay. Hindi nga halatang anak mayaman dahil hindi maarte sa mga gawain. 

Kinuha ko ang aking notebook sa subject naming General Math at sinubukang aralin ang mga ipinagsusulat ko kanina habang nagtuturo ang aming guro sa sala. Hindi ko maiwasang hindi mangunot ang aking noo at magkamot ng ulo habang inaanalisa ang mga numero at ilang simbolo na nakasulat sa aking kuwaderno. Minsan, napapangiwi pa ako kapag hindi ko naiintindihan 'yong proseso para makuha ang tamang sagot kaya bumabalik ako mula sa umpisa.

Gustong-gusto ko ang Math ngunit mukhang ayaw naman nito sa akin, haha! Ako na ang mag-aadjust. Tutal sanay naman akong palagi na lang na nag-aadjust sa isang sitwasyon. Ano bang mga pinagsasabi ko? Wala namang koneksiyon sa inaaral ko. Nabuburyo na ako dito. Nakakabaliw naman talagang pag-aralan ang subject na ito. 

I tried solving again the first problem and good thing, I manage to arrive with the correct answer. That almost hit my nerve. Unang problem pa lamang ay hirap na hirap na ako. Pinagpawisan pa ako at parang natatae na ewan. 

Nagawa ko namang sagutan ang pangalawang problem dahil may basis na ako sa una kong ginawa. Madali na lamang pala ito kapag natutunan mo na 'yong formula at tamang proseso ng pagso-solve. 

“Tapos mo na?” tanong ni Lucy na kararating pa lamang dito sa sala habang nagpupunas ng basang kamay. 

“Isa na lang ang sasagutan ko sa General Math. Isunod ko na mamaya 'yong research natin sa Media and Information Technology,” tugon ko sa kaniya habang nakatuon pa rin ang aking atensiyon sa aking ginagawa. Mahaba-haba kasi ang ibinigay na problem sa ikatlong item kaya natagalan ako. Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Lucy at nakita ko siya sa aking peripheral view na pumasok rito. Baka may kukunin lang o gagawin.

Namilog naman ang aking mata nang matapos kong sagutan ang ikatlong item. What the fudge? Halos matae-tae na ako sa pagso-solve pero 1 lang pala ang sagot sa equation. Nakakabanas naman nito, haha! Tapos mamaya, mali-mali pa pala ang sagot ko. 

Inunat ko ang aking kamay bago simulan ang aking research sa subject naming MIL. 

“Patingin ng sagot mo, beshie.”

“Huwag nakakahiya ang mga sagot. Baka mamaya, mali pala.”

“Gaga! Hindi 'yan. Akin na. Hindi ko naman kokopyahin. Pagkukumparahin ko lang ang mga sagot natin tapos palitan ko ang sagot ko kapag hindi tayo magkapareho. Mas may tiwala ako sa sagot mo kaysa sa akin, hehe!” pilit niya sa akin saka humirit pa. Napasapo na lamang ako sa aking noo nang wala akong magawa dahil hawak-hawak na niya ngayon ang aking notebook. Mapilit siya, ehh. Bahala siya diyan. Hindi ko kasalanan kapag mali ang mga sagot niya bukas.

Kinuha ko ang aking smartphone sa aking bulsa at saka binuksan ang internet connection. Research lang naman sa Google ang gagawin sa isang subject namin tapos isusulat lang sa notebook namin kung ano ang nahanap namin sa internet na mga impormasiyon. 

“Yes! Pareho lahat ang sagot natin. I’m so proud of myself,” bigla namang naibulalas ni Lucy saka nagtatalon-talon pa sa tuwa. Ang babaw talaga ng kaligayahan ng babaeng 'to. Akala ko kung ano na. Nagulat tuloy ako nang bahagya. 

“Ano, beshie? Magpa-party na ba tayo?” biro ko sa kaniya. Ang saya-saya niya kasi. Akala mo naman ay tumama sa lotto. Pero paano yan tatama, kung hindi naman tumaya. Napaalog na lamang ako ng ulo dahil kung anu-anong kagagahan ang naiisip ko.

“Baliw! Siyempre masaya lang ako kasi sa wakas gumana din ang makikitid kong brain cells sa subject na Math kahit minsan lang,” pagmamaktol niya naman sa akin. Matatawa na lamang ako sa reaksiyon niya ngayon.

“Haha! Oo na. Huwag mo kong ngusuan. Mukha ka ng pato,” pang-aasar ko sa kaniya ngunit sinakyan niya lamang ang trip ko.

“Paano muna 'yong mukhang pato? Ganito ba kaganda? Kung oo, at least magandang pat pato,” panlaban niya sa pang-iinis ko. 

“Maganda? Saang banda? Bakit wala akong makita?”

“Haha! May mata ka naman, beshie. Pero bakit ‘di mo makita ang tunay niyang halaga?”

Tae! Napaikot na lamang ako ng mata sa kaniya at hindi na tumugon pa. Mas magaling siyang mang-asar sa aming dalawa kaya wala akong panama sa kaniya. 

Mahirap ding makipagbarahan sa kaniya ng mga salita dahil well-trained siya sa pambabara kaya minsan pinipili kong manahimik na lang kaysa simulan siyang asarin. 

Nag-focus na lamang ako sa paghahanap ng impormasiyon sa Google at isinulat ang summary ito sa aking notebook. Malapit nang mag-alas diyes nang matapos ko ang lahat ng aking takdang-aralin. Kanina pa nagpaalam si Lucy para matulog. 

Isinara ko na ang lahat ng bintana at itinabing ang kurtina. Ini-lock ko na rin ang pinto bago patayin ang ilaw sa sala at kusina. Let’s call it a day. Ano na naman kayang mangyayari bukas?

Kaugnay na kabanata

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 9

    Maaga kaming pumasok ng paaralan ngayon. Napuyat ako kagabi dahil tinapos ko pa ang lahat ng isinusulat ko. Hindi ko lang alam kay Lucy kung natapos niya ba o hindi dahil mas nauna naman siyang pumasok sa kaniyang kuwarto kaysa sa akin.Mabuti na lamang at maaga kaming nagising pareho. Malapit na kami sa kanto at habang naglalakad, naalala ko naman ang nangyari kagabi. I don’t know but there’s something that bothering my mind about that guy last night. His scent, physique, and and the tone of his voice were a little bit familiar to me. I just wanna think that it was just a coincidence to meet him last night but my intuition says that there’s something off with that guy. What am thinking again? I should be thankful for what he had done. That’s the right thing to think and not being suspicious. I shook my head to erase the current thoughts circul

    Huling Na-update : 2020-08-20
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 10

    Binilisan ko ang pasusuklay ay pagtatali ng aking buhok habang nakaharap sa malaking salamin na nasa taas ng lababo. Samantalang si Lucy naman ay abala sa pagre-retouch ng ka ha! Na-stress tuloy ang beauty ko. Next time talaga na mang-aaway pa 'yon, hindi na ako magpipigil na kalbuhin ang pugitang 'yon,” dada ni Lucy habang naglalagay ng pulbo sa kaniyang mukha. Napabuntong hininga na lamang ako.“Sorry, beshie. Alam ko namang hindi ko na dapat siya pinatulan kanina pero nakakainis kasi. Salamat din pala dahil nasalo mo 'yong sampal no'ng babaeng 'yon na tatama sana sa beautiful face ko. Na-touch din ang aking puso sa sinabi mo. Ang suwerte ko talaga sa iyo,” pagpapatuloy niya. Tumingin ako sa kaniya.“What are friends for? Siyempre, kahit mukha kang bruha, hindi ko pa rin maaatim na sa

    Huling Na-update : 2020-08-20
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 11

    NAKAKAHIYA! Gusto ko na lamang maglaho ngayon sa aking kinaroroonan. Natapos na ang aming presentation at ngayon ay nagpapaliwanag na si Rave sa harapan. That jerk! I want to skin him alive, right now!“As you can see in our tableau, we are portraying the common roles of each member in the family. Well, we presented the nuclear type of family we have here in our country, wherein, there are parents, their children, and grandparents,” Rave explained, standing straight and looking directly to his audience. Then, he averted his gaze to me. I shot him with a death glare. But he just chuckled softly as if we are the only people here in our classroom.“Well, I see. But, how can you explain the hugging session earlier, Rave? Is it for a show or for real?” Ma’am Jamaica teased Rave. But it’s me who got burns on my cheeks.Muli namang napuno ng hiyawan at tili ang buong k

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 12

    A SUDDEN whirling sensation attacked my head. My breasts are aching. And I can’t move properly because of stomach cramps. I’ve been experiencing dysmenorrhea, severe headache and dizziness during my red days ever since I was in Grade 9. Darn it! Mapapamura na lang talaga ako sa sakit. Please, Lord, huwag naman sana ngayon.“Beshie, ayos ka lang ba? Sabihan mo lang ako at hihingi ako kay Ma’am Olive ng permission para pauwiin ka na,” nag-aalalang bulong sa akin ni Lucy at kitang-kita sa kaniyang mata ang labis na pagkabahala.“Ayos lang ako, Beshie. Kaunting tiis na lang. Malapit na rin namang mag-uwian,” bulong ko sa kaniya pabalik at pinilit na ngumiti para pawiin ang kaniyang pag-aalala.Nakatingin lamang siya sa akin at mukhang hindi kumbinsidong maayos lang ako. Kapagkuwan ay mahina siyang napabuga ng hangin mula sa kaniyang ilong at saka tumango sa akin.

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 13

    I WOKE up with a heavy feeling today. I don’t feel like going to school but I need to. Sana naging lalaki na lamang ako para hindi ko nararanasan ang ganitong klase ng dalaw kada buwan. Ang unfair naman kasi.Walang-wala ang mga paghihirap naming mga babae kumpara sa mga lalaki. Kapag tapos na silang matuli, wala na silang problema pa. Samantalang ang mga babae, kailangan nilang indahin ang sakit sa tuwing hindi nagiging normal ang dalaw nila. Tapos, hindi lang do’n nagtatapos ang paghihirap namin dahil kami ang magluluwal ng mga sanggol. Sabi nga ng iba, kapag daw buntis ka at manganganak na, parang nakabaon daw sa lupa ang isa mong paa. Delikado at minsan ay puwedeng may maisakripisiyong buhay.Habang ang problema lang naman ng mga lalaki ay kung paano gumaling sa kama. Alam niyo naman na siguro ang ibig kong sabihin. At may mga iba pa nga na hindi kayang panindigan ang nagawang pagkakamali kapag nandiyan na

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 14

    NASA SCHOOL canteen kami ngayon ni Lucy at kasalukuyang nananghalian. Halos buong umaga ay wala kaming ginawa dahil hindi pumasok ang ilan sa mga guro namin. May meeting daw sila at kasama roon ang Royal Ten. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit walang Rave Castillo ang nakabuntot sa akin ngayon.Nilaro-laro ko lang ang aking pagkain gamit ang kutsara. Wala akong gana ngayon. Kanina pa nga ako nababagot. Hindi ko alam pero parang may kulang sa araw ko. Ano kaya iyon?“Beshie, ayos ka lang ba talaga? Masakit pa ba ang puson at ulo mo?” mahina ngunit dinig na dinig kong tanong sa akin ng aking kaibigan.Saglit akong napatigil sa aking ginagawa at napabuntonghininga na lamang.“Hmmm... Medyo ayos naman na ang puson at ulo ko, Beshie. I don’t know. I just feel empty inside,” tugon at saka muling napabuga ng hangin. Ano bang nangyayari sa akin? Ang weird lang

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 15

    NAALIMPUNGATAN ako nang may maramdaman akong mga kamay na nag-angat sa aking ulo para ayusin ang aking pagkakahiga ngunit hindi agad ako nagmulat ng mga mata. Pinakiramdaman ko muna ang paligid nang nakapikit. Sa higaan ko pa lang, masasabi ko ng wala ako sa aking kuwarto. Kakaiba ang amoy ng buong paligid. Napakabango. Tila ba may nagsaboy ng air freshener sa hangin.My thoughts were averted when a lukewarm air touches my face. I creased my forehead. What’s this fragrant scent seizing my nose? I sniff and it smells so good to the point that I can’t stop myself from sniffing. Ang bango talaga. Napakasarap singhut-singhutin. Hindi nakasasawa.Napabangon ako bigla mula sa aking pagkakahiga nang hindi nagmumulat pa rin ng mga mata. My body stopped moving when something soft touches my lips. What is this thing on my lips? It’s feels like a marshmallow. M

    Huling Na-update : 2021-06-09
  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 16

    “BESHIE, I miss you! Kumusta ka na? Pinag-alala mo talaga ako kanina. Ayos ka lang ba? Anong masakit sa’yo? Tell me!” aligagang litaniya ni Lucy sa akin saka sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Ang OA masiyado ng babaeng ’to. Minsan, ang sarap pasakan ng tissue ’yong ngala-ngala niya sa tadyang. Napaikot na lamang ako ng aking mga mata sa kaniya matapos siyang humiwalay sa akin. I know she’s worried about me pero nasosobrahan niya minsan.“I’m fine, Beshie. No need to worry about,” paninigurado ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at muling napayakap sa akin.“Let’s get inside. Dr. Silva is waiting. Let’s hear him out about Yumi’s diagnosis so you two can head home. It’s nearly five p.m.,” Rave interrupted.I heaved a dee

    Huling Na-update : 2021-06-09

Pinakabagong kabanata

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 25

    ’PAGKAPASOK pa lang ng sasakyan ni Rave sa malaking gate, halos lumuwa na ang aking mga mata dahil sa tanawing bumungad sa amin. Bahay pa ba itong matatawag o papunta na sa palasyo?Ang liwanag ng buong paligid. May malaking fountain sa gitnang harapan ng kanilang bahay at sa magkabilang side nito ay nakahilera ang mga naglalakihan at naggagandahang halaman na sa tanang ng buhay ko ay ngayon ko lamang nakita. May maliit na playground din sila at ang nakapalibot na mababang bakod nito ay napapalamutian ng mga kumukuti-kutitap na Christmas lights.Napaigtad ako sa aking kinauupuan nang pagbuksan ako ni Rave ng pinto. “Hindi ka pa ba bababa?” tanong niya sa akin.“Ah, sorry! Nakakamangha kasi ang mga nakikita ko ngayon kaya nawala ako sa tamang huwisyo,” hayag ko sa kaniya.“Hindi ka pa ba nasasanay sa mga nakakamanghang baga

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 24

    LUMAPIT si Rave sa lalaking may hawak ng baril ngunit mabilis na tinutukan siya nito ng armas na hawak. Ibinaba niya ang lahat ng hawak niyang shopping bag na naglalaman ng mga pinamili ni Elisa at saka itinaas niya ang kaniyang dalawang kamay bilang pagsuko at senyales na hindi siya manlalaban sa lalaki.“I’ll give all you want. Binayaran ba kayo para gawin ito? Sabihin niyo sa akin kung magkano at dodoblehin ko ang binayad niya sa inyo. Just leave Yumi and Lucy alone,” pagkausap ni Rave sa lalaki. “Rave, you can’t be serious. Don’t gamble your parents’ money for us. Kung tungkol sa aming dalawa ’to ni Lucy, labas ka na—” Agad akong napatigil sa pagsasalita nang sumabat siya sa akin.“You’re wrong. I am living with my own money. I don’t ask even a single coin from them. Anyway, what do you expect

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 23

    NAPATINGIN ako sa orasang nakasabit sa itaas ng whiteboard. Malapit na naman palang mag-uwian. Ilang minuto pa ay tumunog na ang buzzer. Nagsimula namang umingay ang iba kong mga kaklase at mukhang kanina pa sila sabik na umuwi. “Tara na, Beshie,” aya ko kay Lucy matapos iligpit ang mga gamit ko sa loob ng aking bag. Tumango naman siya sa akin at saka tumayo na rin.Pagkalabas namin ng classroom, bumungad naman sa amin si Elisa na hinahanap si Rave. Hindi pala magkadugo ang dalawang ’to. Magkapatid lang ang turingan nila dahil nakatira sila sa iisang bahay. Ang ina ni Elisa ay si Miss Velvet—ang principal ng paaralang ito— at siya ang pangalawang asawa ng ama ni Rave.Ilang sandali pa ay lumabas na rin si Rave habang nakapamulsa ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang pantalon. Acting cool, huh?“Kuya, ma

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 22

    “SAYANG, wala man lang kayong picture nang magkasama kahapon, Beshie. Ang daya-daya niyo naman, eh. Hindi niyo man lang ako naisip na naiwan sa guidance office at iniwan na lang doon. Pero okay na rin iyon. At least, walang umabala sa first date niyong dalawa ni Fafa Rave,” mahabang litaniya ni Lucy sa akin at saka parang kinikilig pa ang bruha. Ano naman kayang nakakakilig do’n?“Anong date date na pinagsasabi mo diyan, Lucy? That was just—”“Nope! According to my beautiful braincells, date is when a teenage guy and girl spend time together happily. And you two seemed happy with each other’s company yesterday,” she gushed, immediately stopping me from speaking.I just rolled my eyes. There’s no help arguing with her furthermore. She’ll just piss me off. Well, that’s Lucy Madrigal for you. Wala na akong nagawa

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 21

    NASA ILALIM kami ngayon ng isang malaking puno ng Acacia. Lumabas kami ng bahay kanina ni Rave matapos mananghalian upang magpahangin at ipasyal daw ako sa iba pang bahagi ng lugar na 'to. Ang tahimik nga talaga dito. Siguro napakalungkot manirahan dito nang mag-isa."Ano nga pala iyong ikukuwento mo sa akin? Go on. I'll listen," pagbasag ko ng katahimikang namamayani sa pagitan namin."Ah, that one. Sorry, I almost forgot. But... do you wanna really hear my story?""Sige lang. Makikinig lang ako," I insisted. He nodded. He stretched his hands then put them backward against the ground."My Mom died two years ago," panimula ni Rave.Mababakas ang kalungkutan sa kaniyang boses habang nagsasalita. Napatigil ako dahil sa pagkabigla. Hindi ko inaasahang sa ganitong linya niya sisimulan ang kaniyang kuwento. Gano'n pa man, mataman lamang akong nakatingin sa kani

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 20

    TAHIMIK LAMANG akong nakaupo sa likod na bahagi ng sasakyan ngayon ni Rave. Saan naman kaya kami pupunta? Wala naman akong karapatang magreklamo ngayon dahil pumayag akong dalhin niya ako sa kung saan man yang sinasasabi niyang tahimik na lugar.Mabilis lang ang pakikipag-usap niya kanina sa guard at agad na pinayagang lumabas dahil nga siya ang Prime Master ng paaralan. Ang unfair lang, eh. Samantalang noong kami ang nagpaalam ni Lucy sa guwardiyang ’yon, hindi kami pinayagan at in-attitude-an pa kami. Anyways, nakaraan na ’yon. Focus tayo sa present.Naputol ang pag-ra-rant ko sa aking isipan nang biglang tumikhim si Rave para kunin ang aking atensiyon.“Malapit na tayo,” wika niya.Napaangat naman ako ng aking ulo at dumungaw sa bintana ng sasakyan. Ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa lugar na sinasabi niya. Nauna siyang bumaba ng kotse

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 20

    TAHIMIK LAMANG akong nakaupo sa likod na bahagi ng sasakyan ngayon ni Rave. Saan naman kaya kami pupunta? Wala naman akong karapatang magreklamo ngayon dahil pumayag akong dalhin niya ako sa kung saan man yang sinasasabi niyang tahimik na lugar. Mabilis lang ang pakikipag-usap niya kanina sa guard at agad na pinayagang lumabas dahil nga siya ang Prime Master ng paaralan. Ang unfair lang, eh. Samantalang noong kami ang nagpaalam ni Lucy sa guwardiyang ’yon, hindi kami pinayagan at in-attitude-an pa kami. Anyways, nakaraan na ’yon. Focus tayo sa present. Naputol ang pag-ra-rant ko sa aking isipan nang biglang tumikhim si Rave para kunin ang aking atensiyon. “Malapit na tayo,” wika niya. Napaangat naman ako ng aking ulo at dumungaw sa bintana ng sasakyan. Ilang sandali lamang ay nakarating na kami sa lugar na sinasabi niya. Nauna siyang bumaba ng kotse at saka ako pinagbu

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 19

    “ACTUALLY, I had no intention to pick up a fight with these girls last Friday,” panimula ni Kath. Agad nang napakunot ang aking noo matapos kong narinig ang kaniyang first statement.Nagkatinginan kami ni Lucy dahil sa sinabi niya. Ano naman kayang kasinungalingan ang ipapamalas ng babaeng dinosaur na ’to ngayon?“Gusto ko lang sanang makipag-ayos kina Miss Yumi at Miss Lucy that day dahil sa pang-aaway sa kanila no’ng dalawa kong kaibigan noong Wednesday, last week. I told to them na nagsisisi na ’yong mga kaibigan ko at kung maaari ay kausapin nila ang Prime Master na i-lift na ang suspension punishment na ipinataw niya sa kanila. I thought Miss Yumi will understand my point but, it seemed the other way around. Nagalit siya sa akin dahil kinukunsinti ko raw ang pambu-bully sa kanila ng mga kaibigan ko. Then suddenly, she threw a ketchup all over my face

  • My Slave is the Campus King (Tagalog)   Chapter 18

    MABILIS NA natapos ang weekends. At heto na naman kami ni Lucy, naglalakad sa hallway ng Kingston High University. Ang sosyal talaga ng paaralang ito. Nakalulula sa laki ang mga gusali at ang lawak ng oval.Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang humikab si Lucy. Antok na antok pa siya malamang dahil tinapos yata ang buong season two ng anime na pinapanood niya kagabi. Kasiyahan niya ’yon, eh, kaya hinayaan ko na lang.“Monday na naman. Nakakatamad pumasok. Sana naman magkajowa na ako ngayong taon para naman may inspirasyon akong pumasok araw-araw,” inaantok na sambit ni Lucy at saka muling napahikab.“Wala namang bago sa’yo, Beshie. Araw-araw ka naman yatang tinatamad pumasok. Bihira lang ’yong araw na gigising ka nang kusa. Kung hindi ka pa talaga bumangon kaninang ginigising kita, malamang sa malamang, iniwan kita sa bahay,” reklamo ko

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status