CHAPTER 480Sa London naman ay masayang nagkukwentuhan sila Amara at ang ate Charmaine nya. Nasa isang restaurant kasi sila ngayon at trineat nga nila ang kanilang nga sarili dahil sa naging maayos ang pagmomodel ni Amara at mukhang kukuhanin na nga talaga ito bilang model doon."Mukhang unti unti mo ng matutupad ang pangarap mo na maging model ah. Pero syempre wag mo rin kakalimutan ang iyong pag aaral,," nakangiti pa na sabi ni Charmaine sa kanyang pinsan."Oo nga ate eh syempre naman hindi ko rin pababayaan ang pag aaral ko.. Ang saya saya pala ng ganito noh? Kahit medyo pagod ay ayos lang. Ang sarap din pala i-treat ang iyong sarili gamit ang pera na pinaghirapan mo," nakangiti pa na sabi ni Amara."Oo naman. Ang sarap sa feeling noh? Kaya nga natuwa na ako rito e. Kahit na mag isa lang ako na narito ay nag eenjoy naman ako sa mga ginagawa ko. Tingnan mo naman almost three years na ako na narito mag isa sa London," sagot ni Charmaine sa kanyang pinsan na ngiting ngiti pa rinDahil
CHAPTER 1"Good morning dad. Ang aga nyo naman po yatang pumasok ngayon. Hindi ko na po kayo naabutan na magbreakfast sa bahay," bati ni Aira sa kanyang ama at linapitan pa nya eto at humalik sa pisngi neto."Oo anak masyadong marami ang ginagawa ko ngayon. Dumagdag pa ang problema ng ating kumpanya," sagot ni Ramon sa kanyang anak.Napatingin naman si Ramon kay Aira dahil naalala nya ang napag usapan nila ng kanyang matalik na kaibigan na si Clint."Aira anak pwede ba kitang makausap ng masinsinan?" sabi pa ni Ramon."Oo naman po dad. Tungkol po ba saan?" sagot naman ni Aira at umupo na sya sa sofa ng opisina ng kanyang ama.Linapitan naman ni Ramon si Aira at umupo na din sa katapat na upuan ng anak nya."Anak siguro naman hindi na lingid sa kaalaman mo ang nangyayare sa ating kumpanya diba," panimula ni Ramon."Yes dad," "Anak handa tayong tulungan ng tito Clint mo pero mayroon syang hinihingi na kundisyon," sabi pa ni Ramon."Kundisyon? At ano naman pong kundisyon nila?" tanong
CHAPTER 2"Dave, I told you na ayaw ko r'yan sa Trina na yan," bulyaw ni Divina sa anak nyang si Dave."But mom, I love Trina. Please mom sana naman po ay matanggap nyo na sya para sa akin," sagot naman ni Dave.Lalo namang nainis si Divina sa sinagot sa kanya ni Dave. "Pag-isipan mong mabuti yan Dave. Kitang kita naman kasi kung anong ugali meron yang Trina na yan," galit pa rin nyang sagot sa anak.Dave Lim came from a rich family. Solong anak lamang siya ng mag asawang Clint at Divina Lim. Nag iisang tagapagmana nila eto kaya gusto nila ay makapangasawa eto ng matinong babae.Ayaw na ayaw ni Divina sa kasintahan ni Dave na si Trina. Hindi nya gusto ang karakas ng babae. Kaya tutol na tutol sya sa relasyon nito sa anak nya."Alam mo Dave baka yang babae na yan pa ang maging dahilan ng pagkasira ng pamilya natin. Kaya mag isip isip kang mabuti. Wag mo ng hintayin pa na gumawa ako ng paraan para lang paghiwalayin ko kayo," sabi pa ni Divina.Napag isip isip naman si Dave nang mabuti.
CHAPTER 3"Mom, ano 'yon? Nakakahiya!" pangaral ni Dave sa mommy nya nang makauwi sila ng mansyon.Pinandilatan sya ng mata ni Divina. "Nahihiya ka? Eh, sa pagpatol sa babaeng tulad ni Trina? Hindi ka nahihiya?" Galit na sagot ni Divina sa anak.Naihilamos na lang ni Dave ang dalawang kamay nya sa sa mukha nya sa sobrang inis. Ayaw kasi talagang tanggapin ng mommy nya ang desisyon nyang ituloy ang relasyon nila ni Trina."I told you, Dave. Hindi ko gusto ang babaeng 'yon, mas okay pa sa akin kung yung ate Aira nya ang makakatuluyan mo. Disente ang kapatid nya at pwede nating ipagyabang sa mga kamag-anak at kakilala natin. Ibang iba ang ugali ni Aira dyan sa kapatid nyang si Trina," pagbibida ni Divina."Mom please... I love Trina. Alam nyo naman po na matagal na din kaming may relasyon diba. Sana magustuhan nyo na din po sya para sa akin. Please mom tanggapin nyo na po si Trina," sagot ni Dave na mukhang nagpapaawa pa sa ina.Umiling iling naman sa kanya si Divina. "Binalaan na kita t
CHAPTER 4Kinabukasan ay magkasama na naman sila Dave at Trina. Umuwi lang saglit si Trina sa kanilang bahay upang magpalit ng damit at umalis na din kaagad upang makipag kita ulet kay Dave. Obsess na obsess sya kay Dave at gusto nya ay palagi nya etong nakikita."Okay ka lang ba babe? Pasensya ka na sa nangyari kahapon ha," agad na sabi ni Dave kay Trina."Okay lang ako babe. Naiintindihan ko naman si tita Divina," sagot ni Trina. "Babe naisip ko lang kung magpakasal na kaya tayo. Nasa tamang edad naman na tayo babe saka matagal na din naman tayo diba," sabi pa ni Trina kay Dave. Nasa isang park sila ngayon at naglalakad lakad dahil yun ang gustong puntahan ni Trina.Nagulat naman si Dave sa sinabi ni Trina at napatigil sa paglalakad. "W - what?" "Let's get married babe. Bat hindi pa tayo magpakasal. Mahal naman natin ang isat isa. I want to spend the rest of my life with you Dave," malambing pa na Sabi ni Trina habang nakangiti kay Dave.Hindi naman kaagad maka imik si Dave sa sina
CHAPTER 5Nang gabi na iyon ay inabangan na ng mag asawang Ramon at Cheska ang anak nila na si Trina na maka uwi. Kailangan na kasi din nila etong maka usap para ipaliwanag ang sitwasyon ng kumpanya nila.Pagkapasok ni Trina ng kanilang bahay ay agad nyang nakita ang kanyang ina na nasa sala habang nanonood ng TV."Hi mom," bati ni Trina sa ina ng makalapit sya dito at humalik sa pisngi ng ina."O andyan ka na pala Trina. San ka ba nanggagaling ha? Kagabi hindi ka rin umuwi," malumanay na sabi ni Cheska sa anak."Sorry mom kung hindi po ako nakapagpa alam sa inyo kagabe. Pumunta lang po ako kay Karen kagabe at dun na rin po ako natulog. Kanina naman po ay namasyal naman po kami ni Dave," sagot ni Trina."Ah ganon ba. Trina anak gusto ka sana namin maka usap ng daddy mo," sabi ni Cheska."Tungkol po saan mom?" tanong ni Trina."Halika dun tayo sa library ng daddy mo. Kanina ka pa rin nya hinihintay," sagot ni Cheska at iginiya pa nya si Trina papunta sa library ng kanilang bahay kung s
CHAPTER 6Sa bahay naman nila Dave ay naghihintay sa kanya ang mga magulang nya na maka uwi siya. "Finally umuwi ka rin," sabi ni Divina kay Dave nang makapasok eto sa bahay nila dahil kanina pa sila naghihintay ng asawa nya na umuwi eto."Dave let's talk. Follow me," sabi ni Clint at naglakad na eto papunta sa kanyang opisina sa loob din ng kanilang bahay. Nakasunod naman sa kanya ang kanyang asawa kaya sumunod na lang dinn si Dave sa magulang nya."Bakit po dad, mom? May problem po ba?" Tanong kaagad ni Dave sa kanyang mga magulang ng makapasok sila ng opisina ng kanyang ama."Umupo ka muna anak. May gusto sana kaming sabihin sa iyo," sabi ni Clint kay Dave.Umupo naman na muna si Dave at nagsalita. "Ako din po may gusto din po sana akong sabihin sa inyo."Nagkatinginan naman na muna ang mag asawa bago nagsalita. " Sige go ahead. What is it?" sabi ni Clint."Ahmmm. Mom, dad balak na po sana namin na magpakasal ni Trina," sagot ni Dave.Nanlaki naman ang mata ni Divina sa sinabi ni
CHAPTER 7Kinabukasan naman naman ay kinausap na ni Ramon si Clint para maset na nila kung kelan sila mag uusap usap para pagplanuhan na ang gaganaping kasal sa pagitan nila Dave at Aira.At napag usapan nila na sa susunod na araw na lamang nila gawin iyon dahil may mga meeting pa na kailangang puntahan si Clint."Sana ay tama ang maging desisyon natin na eto Ramon," sabi ni Cheska sa kanyang asawa matapos netong makipag usap kay Clint sa telepono.Napabuntong hininga naman si Ramon bago nagsalita. "Sana nga at sana rin ay maintindihan tayo ng anak natin na si Trina sa naging desisyon natin."Naalala naman bigla ni Ramon nung araw na nag usap sila ni Clint para tulungan siya sa kanyang kumpanya.FLASHBACKMatapos malaman ni Clint na nagkakaproblema ang kumpanya ng kaibigan nyang si Ramon ay agad nya etong tinawagan. "Hello Ramon. Kumusta?" sabi ni Clint."Heto at namomroblema sa aming kumpanya. Ikaw kumusta ka naman?" Sagot ni Ramon."Narinig ko nga ang tungkol sa nangyare sa kumpany
CHAPTER 480Sa London naman ay masayang nagkukwentuhan sila Amara at ang ate Charmaine nya. Nasa isang restaurant kasi sila ngayon at trineat nga nila ang kanilang nga sarili dahil sa naging maayos ang pagmomodel ni Amara at mukhang kukuhanin na nga talaga ito bilang model doon."Mukhang unti unti mo ng matutupad ang pangarap mo na maging model ah. Pero syempre wag mo rin kakalimutan ang iyong pag aaral,," nakangiti pa na sabi ni Charmaine sa kanyang pinsan."Oo nga ate eh syempre naman hindi ko rin pababayaan ang pag aaral ko.. Ang saya saya pala ng ganito noh? Kahit medyo pagod ay ayos lang. Ang sarap din pala i-treat ang iyong sarili gamit ang pera na pinaghirapan mo," nakangiti pa na sabi ni Amara."Oo naman. Ang sarap sa feeling noh? Kaya nga natuwa na ako rito e. Kahit na mag isa lang ako na narito ay nag eenjoy naman ako sa mga ginagawa ko. Tingnan mo naman almost three years na ako na narito mag isa sa London," sagot ni Charmaine sa kanyang pinsan na ngiting ngiti pa rinDahil
CHAPTER 479"Bro sabihin mo nga sha akin? Kasalanan ko ba kung bakit umalish si Amara ng bansa ng hindi man lang nagpapa alam sa akin?" tanong ni Dylan sa kaibigan nya at halata mo na nga sa boses nito na lasing na lasing na nga ito."Tsk. Gusto mo ba talagang sagutin ko ang tanong mo na iyan Dylan?" nakangisi at naiiling pa na tanong ni Richard kay Dylan."Oo. Shagutin mo ako. Bakit? Bakit kailangan nyang gawin iyon?" sagot ni Dylan sa kaibigan."Sa tingin ko bro ay kasalanan mo naman talaga kung bakit bigla na lang umalis si Amara ng hindi nagpapa alam sa'yo. Alam naman natin na noon pa man ay may gusto na sya sa'yo pero ikaw— para kang bato na hindi makaramdam sa nararamdaman ni Amara para sa'yo at binabaliwala mo ang feelings nya. Syempre babae si Amara at kahit hindi nya sabihin ay nasasaktan din yun sa pambabalewala mo sa kanya. Kaya hindi mo rin talaga sya masisisi kung bakit sya umalis ng bansa ng walang paalam sa'yo," seryosong sagot ni Richard sa kanyang kaibigan.Hindi nam
CHAPTER 478"O sige na. Aalis na rin ako at sadyang kinamusta lamang kita rito. Hindi ko naman akalain na iba pala ang problema mo," natatawa pa na sabi ni Rayver at saka sya naglakad papunta sa pintuan ng opisina ni Dylan pero bago nga sya lumabas ay saglit pa nga muna syang tumigil at humarap sa gawi ng kanyang kapatid."Kung ako sa'yo ay tatawagan ko na sya. Maganda si Amara at hindi malabo na maraming magkagusto sa kanya at baka sa huli ay ikaw naman ang masaktan kapag may mahal na si Amara na iba," makahulugan pa na sabi ni Rayver kay Dylan at saka sya tuluyang lumabas ng opisina ng kanyang kapatid.Pagkaalis nga ng kuya Rayver ni Dylan ay muli nga nyang tinitigan ang kanyang phone at nag iisip pa rin sya kung tatawagan ba nya o hindi si Amara.Pero naisip nga rin nya na dapat ang dalaga ang tumawag sa kanya dahil ito ang kusang umalis ng bansa at kung may balak talaga ito na kausapin sya para magpaliwanag ay tatawag naman ito sa kanya.Napabuntong hininga naman si Dylan at sa hu
CHAPTER 477Habang nasa opisina naman ngayon si Dylan at abala sa kanyang ginagawa ay hindi naman sya mapakali dahil talagang gumugulo sa isipan nya si Amara.Simula pa kasi kagabi ng nalaman nga nya mula sa tita Bianca nya na umalis na pala ng bansa si Amara ay hindi na talaga sya mapakali pa at hindi nga nya maintindihan ang kanyang sarili dahil doon.Nakailang bunting hininga na nga rin sya at ilang beses na nga rin nyang tiningnan ang phone nya dahil hindi nya alam kung tatawagan ba nya o hindi si Amara.Habang nasa malalim na pag iisip naman si Dylan ay bigla ngang bumukas ang pinto ng kanyang opisina kaya naman agad nga syang napatingin doon."Kumusta ang kapatid ko? Mukhang ayos naman yata ang nga naituro ko sa'yo a," nakangiti pa na sabi ni Rayver sa kanyang bunsong kapatid pagkapasok nya sa opisina nito.Hindi naman naka imik kaagad si Dylan at nanatili lamang syang nakatitig sa kanyang kuya Rayver.Napakunot naman ang noo ni Rayver dahil sa itsura ni Dylan at ni hindi nga ma
CHAPTER 476Bago nga matulog si Amara ay napagpasyahan nga nya na tawagan na muna ang kanyang ina para kamustahin ang mga ito at para na rin ibalita ang pagside line nya ngayon bilang modelo. Tamang tama naman at umaga na roon sa Pilipinas ngayon habang sila sa London ay patulog naman na.Naka ilang ring pa naman nga ang tawag ni Amara bago nga ito sinagot ng kanyang ina."Hi mom," bati kaagad ni Amara sa kanyang ina."Amara pasensya ka na at kakagising ko pa lamang. Kumusta ka r'yan?" namamaos pa ang boses na sagot ni Bianca sa kanyang anak at halata mo nga talaga na bagong gising ito."Ayy. Sorry po mom. Naistorbo ko po yata ang tulog nyo," sagot naman ni Amara."It's okay baby. Kumusta ka r'yan?" sagot ni Bianca sa kanyang anak."Ayos lang naman po ako rito mom," sagot ni Amara sa kanyang ina. "Oo nga po pala mom gusto ko lang pong sabihin sa inyo na sumama po ako aky ate Charmaine sa pagmomodel nya at sumide line po ako roon kanina," pagbabalita pa ni Amara sa kanyang ina."Talag
CHAPTER 475Halos isang buwan na nga na namamalagi si Amara sa London at nag eenjoy naman sya ngayon sa kanyang mga ginagawa kaya naman nakakalimutan na nya ang nararamdaman nyang lungkot simula ng umalis sya ng Pinas.Pagkarating nya kasi noon sa London ay agad nga syang naaliw sa kakagala nila ng ate Charmaine nya. Matagal na kasi na naninirahan sa London ang pinsan nyang si Charmaine doon na kasi ito nagtatrabaho at paminsan minsan nga ay sumaside line nga ito ng pagmomodel. Kagaya kasi ni Amara ay maganda nga rin ang pinsan nyang ito at marami rin talaga ang nagkakagusto rito kaso ay pihikan nga ito sa lalaki kaya hanggang ngayon ay wala pa rin itong nobyo. Matanda lamang naman ito ng limang taon kay Amara kaya ate ang tawag nya rito."Amara gusto mo ba mag side line sa pag momodel? Alam ko kasi na gusto mo yun e. Baka gusto mo lang naman kulang kasi kami ng isa at naisip nga kita," sabi ni Charmaine kay Amara habang kumakain nga sila ng kanilang agahan.Agad naman na kumislap ang
CHAPTER 474"Tita Bianca si Amara po nasaan?" hindi na nakatiis na tanong ni Dylan sa ina ni Amara.Napakunot naman ang noo ni Bianca dahil sa tanong ni Dylan at napatingin pa nga sya sa kanyang asawa na tahimik lamang na nakikinig sa kanila. "Wag mong sabihin sa akin na hindi mo rin alam Dylan na umalis na si Amara," sagot ni Bianca sa binata."Po? Umalis po si Amara?" kunot noo naman na tanong ni Dylan."Yes hijo. Umalis na si Amara halos mag iisang buwan na nga ng siya ay umalis papuntang London. Ang akala ko ay nagpaalam sya sa'yo noon bago sya umalis ng bansa," sagot naman ni Bianca kay Dylan.Gulat na gulat naman si Dylan sa sinabi ng tita Bianca nya dahil hindi nya talaga alam na umalis si Amara ng bansa at wala rin naman syang natatandaan na nagpaalam ito sa kanya noong huli nilang pagkikita. Ngayon nya napagtanto na kaya pala walang Amara na nangungulit sa kanya dahil umalis na pala ito ng bansa at wala nga syang kaalam alam doon. Ang buong akala nya kasi ay abala lamang it
CHAPTER 473Kinabukasan ay maaga naman ngang hinatid si Amara ng kanyang pamilya sa airport."Mag iingat ka roon anak ha. Nandoon naman ang ate Charmaine mo kaya hindi ka naman malulungkot doon. Saka bibisitahin naman kita roon paminsan minsan kaya wag kang mag alala ha," sabi ni Bianca kay Amara at naiyak pa nga ito habang sinasabi iyon sa kanyang anak dahil nalulungkot pa rin sya sa pag alis nito."Opo mom mag iingat po ako roon. Mamimiss ko po kayo," nakangiti pa na sagot ni Amara sa kanyang ina at pigil nya talaga ang kanyang sarili na wag maiyak sa pag alis nya.Agad naman na yinakap ni Bianca si Amara at ganon din naman ang ginawa ni Gino at hinalikan pa nga nya sa noo si Amara."Mag iingat ka palagi doon anak ha. Pupuntahan ka namin doon kapag hindi ako busy sa opisina," sabi pa ni Gino kay Amara."Opo dad," nakangiti naman na sagot ni Amara sa kanyang ama."Ate mamimiss kita," umiiyak naman na sabi ng bunsong kapatid ni Amara na si Amanda at agad na nga rin itong yumakap sa ka
CHAPTER 472Kinabukasan ay nagising naman si Amara na maliwanag na sa labas ng kanyang silid. Dahan dahan pa nga syang bumangon at agad nga nyang napansin ang mga paper bag sa tabi ng kanyang kama at naipikit na nga lamang nya ng nariin ang kanyang mga mata dahil wala nga syang nagawa man lang sa mga balak nya kagabi dahil napasarap nga ang kanyang tulog.Bumuntong hininga naman na muna si Amara bago sya nagpasya na tumayo na at saka sya dumiretso sa CR na nasa kanyang silid lamang at agad na nga nyang ginawa ang kanyang morning routine. Medyo binilisan na nga lamang din nya ang kanyang ginagawa dahil ramdam na nya ang pagkalam ng kanyang tyan dahil hindi nga pala sya nakakain ng dinner kagabi.Agad naman ng lumabas ng kanyang silid si Amara at agad na nga syang pumunta sa kusina para kumuha ng makakain nya ngayong umaga.Pagkapasok naman ni Amara sa kusina ay nadatnan naman nya ang kanya ina roon na kumakain pa nga lamang ng agahan."Good morning mom," bati ni Amara sa kanyang anak.