CHAPTER 57Kinaumagahan ay unang nagising si Aira. Napatitig pa sya sa maamong mukha ni Dave na tulog na tulog pa rin habang nakayakap sa kanya. Bigla nya tuloy naalala ang mainit na sandali nilang dalawa kagabe."Tapos ka na ba na titigan ang mukha ko?" sabi ni Dave dahil kanina pa talag sga gising at pinapakiramdaman nya lamang si Aira na kanina pa nakatitig sa kanya.Nagulat naman si Aira ng biglang magsalita si Dave dahil akala nya talaga ay mahimbing pa rin ang tulog neto."Dave naman e," sabi ni Aira. Nagmulat naman na ng mata si Dave at matamis nyang nginitian si Aira na nakakunot na ang noo sa kanya."Good morning wife," sambit ni Dave kay Aira at kinintalan pa nya eto ng magaan na halik s labi. Napangiti naman si Aira rito."Good morning," nakangiti ring bati ni Aira kay Dave. Babangon na sana sya pero muli syang kinabig ni Dave pahiga at yinakap pa sya neto."Dave anong oras na oh. Bitaw na," sabi ni Aira."Mamaya ng konte wife. Please. Gusto ko muna na mag stay tayo ng gani
CHAPTER 58"Hindi na Dave. Kaya ko na. Ibaba mo ako," sabi ni Aira pero wala na rin syang nagawa pa ng ipasok na sya ni Dave sa kanilang CR. Tatakbo pa sana sya palabas ng ibaba sya ni Dave pero mas mabilis si Dave dahil nahapit sya kaagad ni Dave sa baywang nya."Saan ka pupunta ha?" nakangising sambit ni Dave habang hindi eto binibitawan."Dave naman e. Mauna ka na lang maligo," sabi pa ni Aira."Bakit? Ayaw mo ba akong makasabay maligo wife," malanding bulong ni Dave kay Aira. Para namang nagtaasan ang balahibo ni Aira fahil ramdam na ramdam nya ang hininga ni Dave sa may tainga nya."Dave stop it," saway ni Aira kay Dave."Sabay na tayo. Maliligo lang tayo promise," sabi ni Dave. "Okay fine. Liligo lang tayo ha," sumusukong sagot ni Aira kay Dave dahil wala na rin syang magawa pa dahil ayaw syang bitiwan ni Dave at isa pa ay malalate na sila sa kanilang trabaho. Tumango tango naman si Dave habang napakalawak ng ngiti neto.Agad na naghubad si Dave at sya na rin ang naghubad kay A
CHAPTER 59"Hey kumusta na miss beautiful?" tanong ni Paulo kay Trina ng makita nya eto sa loob ng bar na kanilang napag usapan."Ang tagal mo naman," masungit na sagot ni Trina."I'm sorry kung late ako. Traffic kasi eh," pagsisinungaling ni Paulo dahil ang totoo ay kanina pa sya nandoon dahil pag aari nya ang bar na iyon. Kanina pa rin nya talaga tinitingnan si Trina mula sa malayo."Tsk. Sige na nga okay lang kahit late ka ang mahalaga ay nakarating ka naman at may makakasama ako ngayon," sagot ni Trina. Napangiti naman si Paulo kay Trina."Nasaan pala yung amasona mong kasama noon gabi na makita kita? Hindi mo ba sya kasama?" tanong ni Paulo at napapatingin pa sya sa paligid dahil baka bigla na naman sumulpot ang kaibigan ni Trina."Ha? Amasona? Hahaha. Baka si Karen ang tinutukoy mo yung kaibigan ko. Hahaha. Mabait naman yun sadyang ganon lang sya minsan kumilos," tatawa tawang sagot ni Trina."Nasaan sya?" tanong pa ulet ni Paulo."Wala. Hindi ko sya kasama ngayon. Hindi kasi su
CHAPTER 60"Okay fine. Wag ka ng magalit dyan," sumusukong sabi ni Paulo kay Trina."Pasensya na. Ang hirap kasing tanggapin na sa isang iglap ay ganon na lamang ang mangyayare sa relasyon namin," malungkot na sagot ni Trina kay Paulo."Ganon talaga. Minsan talaga akala natin yun na ang tinadhana sa atin pero hindi pa pala. Kaya bakit hindi mo na lang subukan na maghanap ng iba," sagot ni Paulo."Ayoko. Si Dave lang ang mahal ko at sya lang ang mamahalin ko," sagot ni Trina. Napabuntong hininga na lamang si Paulo."O ano ng plano mo ngayon?" tanong ni Paulo. Bigla naman naalala ni Trina na wala sila sa kanilang bahay kaya agad nyang kinuha ang cellphone nya at nakita nya na napakaraming missed calls ng magulang nya sa kanya."Kailangan ko na palang umuwi. Lagot ako neto kila mommy," sabi ni Trina sabay tayo at naglakad papunta sa pintuan pero napatigil din sya at muling humarap kay Paulo. "Thank you nga pala Paulo ha. Salamat sa pagdamay sa akin kagabe. Sa uulitin alis na ako ha. Bye,
CHAPTER 61Nasa opisina ngayon si Aira busy sya sa mga binabasa nyang mga papeles ng makarinig sya ng katok at bumukas ang pinyo ng kanyang opisina."Hey! Kumusta naman ang masipag kong kaibigan?" sabi kaagad ni Bia ca pagkapasok nya sa opisina ni Aira. Agad naman na napatingin si Aira sa kaibigan nya."Bianca napadalaw ka?" sabi ni Aira saka sya itinabi muna ang kanyang mga binabasa saka nya linapitan ang kanyang kaibigan at nakipagbeso rito."Tsk. Pano kasi nakalimutan mo na yata ako dahil hindi mo na ako tinatawagan man lang," iirap irap na sagot ni Bianca kay Aira."Hahaha. Sorry nabusy lang ako kaya hindi kita matawagan. Namiss mo ba ako? Haha. Kumusta ka na?" Tatawa tawang sagot ni Aira saka sya naupo sa sofa na naroon sa opisina nya. Tumabi naman sa kanya si Bianca."Nag asawa ka lang nakalimutan mo na kaagad ako. Nakakapagtampo yun ha," nakangusong sagot ni Bianca."Hahaha. Sorry na sadyang marami lang akong ginagawa. Babawi na lamang ako sayo," sagot ni Aira rito."Talaga? So
CHAPTER 62"Bianca sa tingin mo ba tama na ayusin namin ang pamilya namin ni Dave?" panimula ni Aira."Why not? Kung pareho nyo naman na gusto yun eh," sagot ni Bianca pero natigilan din sya ng marealize nya ang sinabi ni Aira. "Wait. What do you mean?" gulat na tanong ni Bianca kay Aira. Napabuntong hininga naman si Aira."Bianca gusto ni Dave na ayusin namin ang pamilya namin. Sabi nya gusto na raw nya bumuo ng pamilya kasama ako. Sabi nya rin mahal na nya ako," sagot ni Aira."Really? O my god. Sabi ko na nga ba eh. Mafall sayo si Dave. Pero sandali lang e ikaw ba? Anong nararamdaman mo para kay Dave?" tanong ni Bianca. Hindi naman makasagot si Aira at linaro laro na nya ang daliri nya dahil hindi nya alam kung paano ba nya aaminin sa kaibigan nya ang lahat. Pagtingin nya kay Bianca ay naghihintay eto sa sasabihin nya."Okay fine. Ikukwento ko na nga sayo," sumusukong sabi ni Aira. "Waiting," nakataas ang kilay na sabi ni Bianca."Tsk. Ganito kasi yun. Pero wait lang yung sasabihi
CHAPTER 63"S-sa tingin ko ma-mahal ko na rin si Dave," pag amin ni Aira sa kanyang kaibigan."O my gosh. Totoo? Yieh," kinikilig pa na sabi ni Bianca. "Seryoso yan Aira ha?" tanong pa nya kay Aira. "Mukha ba akong nagbibiro ngaun Bianca?" Iirap irap na sagot ni Aira."Yieh. Masaya ako para sayo Aira dahil sa wakas ay nainlove ka na rin," tuwang tuwa na sabi ni Bianca pero natigilan na naman sya ng may maalala na naman sya. "Pero wait lang. Paano yung kapatid mong si Trina? Diba may relasyon pa rin sila ni Dave hanggang ngayon? Paano yun?" sunod sunod na tanong ni Bianca kay Aira."Sabi ni Dave ay aayusin naman daw nya ang tungkol sa kanila ni Trina makikipaghiwalay naman daw sya ng maayos sa kapatid ko. At kapag naayos na nya yun ay saka naman namin aayusin ang tungkol sa amin," sagot ni Aira."Ang tanong papayag kaya ang maldita mong kapatid na makipaghiwalay kay Dave? E alam naman natin na si Trina ang gumawa ng paraan noon para maging boyfriend nya si Dave. Alam din natin na maha
CHAPTER 64Sa opisina naman ni Dave ay kasama nya roon ang kaibigan nyang si Gino. Tinawagan nya eto dahil gusto nyang may makausap at mahingian ng payo."Ano ang maipaglilingkod ko sayo? Bakit mo ako pinatawag kamahalan?" tanong ni Gino kay Dave na may halong pang aasar. Iiling iling naman si Dave sa kaibigan nya dahil minsan talaga ay puro kalokohan eto."Hindi ka naman siguro busy noh?" tanong ni Dave."Hindi naman. Bakit mo ba ako pinapunta rito?" tanong pa muli ni Gino. Napabuntong hininga naman si Dave saka nya hinarap ang kaibigan nya."Gino sa tingin mo ano ang dapat kong gawin? Naguguluhan na kasi ako," sagot ni Dave. Sumeryoso naman bigla ang mukha ni Gino at mataman na nakikinig sa kaibigan."Tungkol pa rin ba eto kay Aira?" tanong ni Gino. Muling nagbuga ng hangin si Dave saka dahan dahan na tumango. "Oo. Nakausap ko na noong nakaraan si Trina pero ayaw nyang pumayag na makipaghiwalay sa akin. Ano ba ang gagawin ko ngayon?" sagot ni Dave."Umamin ka nga sa akin Dave. Maha