Share

Chapter 60

CHAPTER 60

"Okay fine. Wag ka ng magalit dyan," sumusukong sabi ni Paulo kay Trina.

"Pasensya na. Ang hirap kasing tanggapin na sa isang iglap ay ganon na lamang ang mangyayare sa relasyon namin," malungkot na sagot ni Trina kay Paulo.

"Ganon talaga. Minsan talaga akala natin yun na ang tinadhana sa atin pero hindi pa pala. Kaya bakit hindi mo na lang subukan na maghanap ng iba," sagot ni Paulo.

"Ayoko. Si Dave lang ang mahal ko at sya lang ang mamahalin ko," sagot ni Trina. Napabuntong hininga na lamang si Paulo.

"O ano ng plano mo ngayon?" tanong ni Paulo. Bigla naman naalala ni Trina na wala sila sa kanilang bahay kaya agad nyang kinuha ang cellphone nya at nakita nya na napakaraming missed calls ng magulang nya sa kanya.

"Kailangan ko na palang umuwi. Lagot ako neto kila mommy," sabi ni Trina sabay tayo at naglakad papunta sa pintuan pero napatigil din sya at muling humarap kay Paulo. "Thank you nga pala Paulo ha. Salamat sa pagdamay sa akin kagabe. Sa uulitin alis na ako ha. Bye,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status