CHAPTER 1"Good morning dad. Ang aga nyo naman po yatang pumasok ngayon. Hindi ko na po kayo naabutan na magbreakfast sa bahay," bati ni Aira sa kanyang ama at linapitan pa nya eto at humalik sa pisngi neto."Oo anak masyadong marami ang ginagawa ko ngayon. Dumagdag pa ang problema ng ating kumpanya," sagot ni Ramon sa kanyang anak.Napatingin naman si Ramon kay Aira dahil naalala nya ang napag usapan nila ng kanyang matalik na kaibigan na si Clint."Aira anak pwede ba kitang makausap ng masinsinan?" sabi pa ni Ramon."Oo naman po dad. Tungkol po ba saan?" sagot naman ni Aira at umupo na sya sa sofa ng opisina ng kanyang ama.Linapitan naman ni Ramon si Aira at umupo na din sa katapat na upuan ng anak nya."Anak siguro naman hindi na lingid sa kaalaman mo ang nangyayare sa ating kumpanya diba," panimula ni Ramon."Yes dad," "Anak handa tayong tulungan ng tito Clint mo pero mayroon syang hinihingi na kundisyon," sabi pa ni Ramon."Kundisyon? At ano naman pong kundisyon nila?" tanong
CHAPTER 2"Dave, I told you na ayaw ko r'yan sa Trina na yan," bulyaw ni Divina sa anak nyang si Dave."But mom, I love Trina. Please mom sana naman po ay matanggap nyo na sya para sa akin," sagot naman ni Dave.Lalo namang nainis si Divina sa sinagot sa kanya ni Dave. "Pag-isipan mong mabuti yan Dave. Kitang kita naman kasi kung anong ugali meron yang Trina na yan," galit pa rin nyang sagot sa anak.Dave Lim came from a rich family. Solong anak lamang siya ng mag asawang Clint at Divina Lim. Nag iisang tagapagmana nila eto kaya gusto nila ay makapangasawa eto ng matinong babae.Ayaw na ayaw ni Divina sa kasintahan ni Dave na si Trina. Hindi nya gusto ang karakas ng babae. Kaya tutol na tutol sya sa relasyon nito sa anak nya."Alam mo Dave baka yang babae na yan pa ang maging dahilan ng pagkasira ng pamilya natin. Kaya mag isip isip kang mabuti. Wag mo ng hintayin pa na gumawa ako ng paraan para lang paghiwalayin ko kayo," sabi pa ni Divina.Napag isip isip naman si Dave nang mabuti.
CHAPTER 3"Mom, ano 'yon? Nakakahiya!" pangaral ni Dave sa mommy nya nang makauwi sila ng mansyon.Pinandilatan sya ng mata ni Divina. "Nahihiya ka? Eh, sa pagpatol sa babaeng tulad ni Trina? Hindi ka nahihiya?" Galit na sagot ni Divina sa anak.Naihilamos na lang ni Dave ang dalawang kamay nya sa sa mukha nya sa sobrang inis. Ayaw kasi talagang tanggapin ng mommy nya ang desisyon nyang ituloy ang relasyon nila ni Trina."I told you, Dave. Hindi ko gusto ang babaeng 'yon, mas okay pa sa akin kung yung ate Aira nya ang makakatuluyan mo. Disente ang kapatid nya at pwede nating ipagyabang sa mga kamag-anak at kakilala natin. Ibang iba ang ugali ni Aira dyan sa kapatid nyang si Trina," pagbibida ni Divina."Mom please... I love Trina. Alam nyo naman po na matagal na din kaming may relasyon diba. Sana magustuhan nyo na din po sya para sa akin. Please mom tanggapin nyo na po si Trina," sagot ni Dave na mukhang nagpapaawa pa sa ina.Umiling iling naman sa kanya si Divina. "Binalaan na kita t
CHAPTER 4Kinabukasan ay magkasama na naman sila Dave at Trina. Umuwi lang saglit si Trina sa kanilang bahay upang magpalit ng damit at umalis na din kaagad upang makipag kita ulet kay Dave. Obsess na obsess sya kay Dave at gusto nya ay palagi nya etong nakikita."Okay ka lang ba babe? Pasensya ka na sa nangyari kahapon ha," agad na sabi ni Dave kay Trina."Okay lang ako babe. Naiintindihan ko naman si tita Divina," sagot ni Trina. "Babe naisip ko lang kung magpakasal na kaya tayo. Nasa tamang edad naman na tayo babe saka matagal na din naman tayo diba," sabi pa ni Trina kay Dave. Nasa isang park sila ngayon at naglalakad lakad dahil yun ang gustong puntahan ni Trina.Nagulat naman si Dave sa sinabi ni Trina at napatigil sa paglalakad. "W - what?" "Let's get married babe. Bat hindi pa tayo magpakasal. Mahal naman natin ang isat isa. I want to spend the rest of my life with you Dave," malambing pa na Sabi ni Trina habang nakangiti kay Dave.Hindi naman kaagad maka imik si Dave sa sina
CHAPTER 5Nang gabi na iyon ay inabangan na ng mag asawang Ramon at Cheska ang anak nila na si Trina na maka uwi. Kailangan na kasi din nila etong maka usap para ipaliwanag ang sitwasyon ng kumpanya nila.Pagkapasok ni Trina ng kanilang bahay ay agad nyang nakita ang kanyang ina na nasa sala habang nanonood ng TV."Hi mom," bati ni Trina sa ina ng makalapit sya dito at humalik sa pisngi ng ina."O andyan ka na pala Trina. San ka ba nanggagaling ha? Kagabi hindi ka rin umuwi," malumanay na sabi ni Cheska sa anak."Sorry mom kung hindi po ako nakapagpa alam sa inyo kagabe. Pumunta lang po ako kay Karen kagabe at dun na rin po ako natulog. Kanina naman po ay namasyal naman po kami ni Dave," sagot ni Trina."Ah ganon ba. Trina anak gusto ka sana namin maka usap ng daddy mo," sabi ni Cheska."Tungkol po saan mom?" tanong ni Trina."Halika dun tayo sa library ng daddy mo. Kanina ka pa rin nya hinihintay," sagot ni Cheska at iginiya pa nya si Trina papunta sa library ng kanilang bahay kung s
CHAPTER 6Sa bahay naman nila Dave ay naghihintay sa kanya ang mga magulang nya na maka uwi siya. "Finally umuwi ka rin," sabi ni Divina kay Dave nang makapasok eto sa bahay nila dahil kanina pa sila naghihintay ng asawa nya na umuwi eto."Dave let's talk. Follow me," sabi ni Clint at naglakad na eto papunta sa kanyang opisina sa loob din ng kanilang bahay. Nakasunod naman sa kanya ang kanyang asawa kaya sumunod na lang dinn si Dave sa magulang nya."Bakit po dad, mom? May problem po ba?" Tanong kaagad ni Dave sa kanyang mga magulang ng makapasok sila ng opisina ng kanyang ama."Umupo ka muna anak. May gusto sana kaming sabihin sa iyo," sabi ni Clint kay Dave.Umupo naman na muna si Dave at nagsalita. "Ako din po may gusto din po sana akong sabihin sa inyo."Nagkatinginan naman na muna ang mag asawa bago nagsalita. " Sige go ahead. What is it?" sabi ni Clint."Ahmmm. Mom, dad balak na po sana namin na magpakasal ni Trina," sagot ni Dave.Nanlaki naman ang mata ni Divina sa sinabi ni
CHAPTER 7Kinabukasan naman naman ay kinausap na ni Ramon si Clint para maset na nila kung kelan sila mag uusap usap para pagplanuhan na ang gaganaping kasal sa pagitan nila Dave at Aira.At napag usapan nila na sa susunod na araw na lamang nila gawin iyon dahil may mga meeting pa na kailangang puntahan si Clint."Sana ay tama ang maging desisyon natin na eto Ramon," sabi ni Cheska sa kanyang asawa matapos netong makipag usap kay Clint sa telepono.Napabuntong hininga naman si Ramon bago nagsalita. "Sana nga at sana rin ay maintindihan tayo ng anak natin na si Trina sa naging desisyon natin."Naalala naman bigla ni Ramon nung araw na nag usap sila ni Clint para tulungan siya sa kanyang kumpanya.FLASHBACKMatapos malaman ni Clint na nagkakaproblema ang kumpanya ng kaibigan nyang si Ramon ay agad nya etong tinawagan. "Hello Ramon. Kumusta?" sabi ni Clint."Heto at namomroblema sa aming kumpanya. Ikaw kumusta ka naman?" Sagot ni Ramon."Narinig ko nga ang tungkol sa nangyare sa kumpany
CHAPTER 8Naghahanda na ngayon sila Ramon at Cheska pati na rin si Aira para pumunta sa isang restaurant para doon pag usapan ang magiging plano para sa kasal nila Dave at Aira.Nakabihis na si Aira at napadaan sya sa may harapan ng kwarto ni Trina. Napalingon sya rito. Gusto nya sana etong imbitahan na sumama sa kanila pero alam nya na lalo lamang sasama ang loob neto. Bumuntong hininga na lamang siya at saka nagpatuloy sa pagbaba sa hagdanan."Ready ka na ba hija?" tanong ni Ramon kay Aira ng makasakay na sila ng sasakyan. Nsa backseat si Aira at ang ama nya ang magdadrive ng sasakyan at nasa unahan din ang kanyang ina."Yes dad," maikling sagot ni Aira."Pasensya ka na ulet anak," sabi ni Ramon kay Aira at tanging pagtango lamang ang naisagot ni Aira sa ama. Umalis na rin naman sila at tahimik lamang sila buong byahe nila papaunta sa restaurant.Pagkarating nila sa restaurant ay naabutan na nila doon ang pamilya ni Clint na nakaupo na sa isang table kaya lumapit na rin sila sa mga
CHAPTER 507"S-sorry Zeus. Sorry," sabi ni Amara at hindi na nga nya naiwasan pa ang hindi mapaiyak. "Sana mapatawad mo ako Zeus. Minahal naman kita at totoo iyon. Sa tatlong taon natin na magkasintahan ay totoo ang pagmamahal ko sa'yo. Pero nitong bumalik ako ng bansa ay hindi ko maintindihan ang sarili ko dahil bumalik nga ang nararamdaman ko para kay Dylan na pinilit ko ng iwasan noon pa," dagdag pa ni Amara habang patuloy nga ito sa pag iyak."Ssshhh... Wag ka ng umiyak Amara. Naiintindihan naman kita kaya ko nga ito ginagawa. Naniniwala naman ako na minahal mo ako noon kaya naman nagpapasalamat ako sa pagmamahal mo na iyon. Pero siguro nga ay hanggang doon na lang ang pagmamahal mo sa akin," sabi ni Zeus kay Amara."Patawarin mo ako Zeus. Hindi ko talaga sinasadya. Sorry," umiiyak pa na sabi ni Amara sa binata."Wag ka ng umiyak pa Amara please. Baka mamaya sabibin ng mommy mo pinapaiyak kita. Tumahan ka na," sabi ni Zeus kay Amara.Gad naman na pinunasan ni Amara ang kanyang nga
CHAPTER 506Dalawang araw naman na nga ang nakalilipas matapos na mangyare na nagpang abot nga sila Dylan at Zeus sa mansyon nila Amara.Dalawang araw na rin ang nakalilipas at nanatili lamang nga si Amara sa kanilang mansyon at hindi lumalabas. Hindi nya kasi alam kung ano ba ang dapat nyang gawin ngayon. Gusto nyang tawagan si Dylan para magpaliwanag pero nahihiya naman sya rito pati na rin sa tita Aira nya dahil siguradong alam na nga nito ang mga nangyare.Wala rin namang paramdam si Zeus kay Amara sa nakalipas na dalawang araw na iyon. Sinubukan nga itong tawagan ni Amara para pormal na makipaghiwalay dito pero hindi nga nito sinasagot ang kanyang tawag.Nasa silid nga ngayon si Amara ng makarinig nga sya ng mahinang pagkatok sa pinto ng kanyang silid kaya naman tumayo na nga sya at pinagbuksan ang kumakatok na iyon."Manang bakit po?" tanong ni Amara sa kanilang kasambahay ng mapagbuksan nga nya ito ng pinto."Ma'm Amara pinapatawag po kayo ng mommy nyo. May bisita po kasi kayo
CHAPTER 505Pagkaalis naman ni Dylan sa mansyon nila Amara ay agad na nga syang dumiretso sa kanilang mansyon at pagkapasok nga nya sa loob ay naabutan nga nya ang kanyang ina sa sala."Anong nangyare sa iyo anak?" puno ng pag aalala na tanong ni Aira kay Dylan ng makita nga nya na putok ang labi nito at may pasa pa nga ito sa pisngi. Agad pa nga syang lumapit dito at agad nyang tiningnan ang mga pasa nito."Wala po ito mom," sagot ni Dylan sa kanyang ina at saka sya nag iwas ng tingin dito.Seryoso naman na tiningnan ni Aira ang kanyang anak dahil alam naman nya na hindi nga ito basagulero at ni minsan ay hindi pa ito napaaway man lang."Magsabi ka nga sa akin ng totoo Dylan. Kilala kita at hindi ka napapaaway kahit noon pa. Bakit ka may mga pasa at putok pa yang labi mo? Saan ka napa away?" seryosong sabi ni Aira kay Dylan.Napabuntong hininga naman si Dylan at saka sya tumingin sa kanyang ina dahil hindi nga nya kayang magsinungaling sa kanyang ina."I'm sorry po mom. Nagpang abot
CHAPTER 504"Zeus, Dylan tama na yan," sigaw ni Amara at hindi nga nya alam kung paano ba nya aawatin ang dalawa.Agad naman na linapitan ni Bianca ang kanyang anak at kahit nga sya ay hindi alam kung paano ba aawatin ang dalawang lalaki na ito dahil baka nga matamaan nga silang mag ina.Para namang walang naririnig sila Dylan at Zeus at patuloy nga ang mga ito sa kanilang pag aaway. Agad nga na sinutok ni Dylan sa panga si Zeus at natamaan nga nya ito kaagad kaya sa sobrang galit ay gumanti rin ng suntok si Zeus at natamaan naman nya nga ito sa may labi kaya naman pumutok nga iyon."Ano ba. Sabing tama na yan," sigaw ni Amara at hindi na nga nya talaga kinaya at pumagitana na nga sya ng makita nyang nagkahiwalay nga ang dalawa sa pagbubunuan ng mga ito."Dylan please tama na," umiiyak ng sabi ni Amara. "Hayaan mong ayusin ko na muna ito. Please," pakiusap pa ni Amara kay Dylan.Tiningnan naman ng masama ni Dylan si Zeus na nasa likuran ni Amara dahil nga nakangisi ito sa kanya."Sige
CHAPTER 503Mabilis naman ng lumipas ang mga araw at halos hindi nga naglalabas ng kanilang mansyon si Amara. Gusto kasi ng katahimikan ni Amara para makapag isip nga sya ng maayos kaya ayaw nya na rin nga munang lumabas ng kanilang mansyon.Minsan ay pumupunta naman si Zeus kay Amara pero saglit nga lamang silang nag uusap nito dahil laging nagdadahilan nga si Amara na masama ang pakiramdam.Ngayon nga ay tahimik na nagpapahangin si Amara sa kanilang garden at nagulat na nga lamang sya ng may bigla ngang nagsalita sa kanyang likuran."Relax na relax tayo a. Kumusta ka naman?" sabi ng boses lalaki sa likuran ni Amara kaya naman agad nga syang napatingin sa kanyang likuran at ganon na lamang ang gulat nya ng makita nga nya si Dylan na ngiting ngiti pa habang nakatingin sa kanya."D-Dylan? A-anong ginagawa mo rito?" kandautal pa na tanong ni Amara kay Dylan."Well binibisita lang naman kita. Pagkatapos ng party ng pamangkin ko ay hindi ka na man lang nagparamdam sa akin. Kumusta ka nama
CHAPTER 502"Mahal na mahal ko po ang anak ninyo at kaya po kami magpapakasal ni Amara ay dahil nagmamahalan po kaming dalawa," sagot ni Zeus sa ina ni Amara.Nanatili naman na nakayuko si Amara at hindi pa rin nagsasalita. Ang totoo kasi nyan ay balak sana nya munang mag isip isip kung tama ba ang gagawin nyang ito at dahil nga bigla na lamang dumating si Zeus ay mukhang wala na nga syang panahon pa para makapag isip at mukhang kailangan na nga nyang panindigan ito."Kung yan na talaga ang desisyon nyong dalawa ay wala na rin naman kaming magagawa po. Kung saan masaya ang anak namin ay doon kami," sagot ni Bianca kay Zeus. "Pero ito lang ang tatandaan mo Zeus wag na wag mong sasaktan o papaiyakin ang anak ko dahil oras na ginawa mo yun sa kanya ay ako mismo ang babawi sa anak ko mula sa'yo. Tandaan mo yan," seryosong sabi pa ni Bianca kay Zeus."Wag po kayong mag alala dahil hinding hindi ko po iyan gagawin kay Amara dahil mahal na mahal ko po siya," sagot naman ni Zeua sa ina ni Ama
CHAPTER 501Kinabukasan ay maaga naman ng umalis ng naturang resort sila Amara kasama ang kanyang pamilya. Nasabi na rin nga nya sa mga magulang nya na narito na sa bansa si Zeus at kahit ang nga ito ay nagulat nga rin sa kanyang sinabi.Kagabi naman pagkatapos nilang mag usap ni Dylan ay nagpaalam na kaagad sya sa tita Aira nya na matutulog na nga sya dahil inaantok na sya pero ang totoo ay hindi pa naman talaga sya inaantok non hindi na nya lang kasi talaga kayang makipag usap sa tita Aira nya dahil naiiyak pa nga rin sya matapos nga nilang mag usap ni Dylan. Kaya naman ng mapag isa na nga sya sa silid kung saan siya matutulog ay doon na nga nya ibinuhos ang masagana nyang luha hanggang sa nakatulugan na nga lang talaga nya ang pag iyak nya."Bakit hindi man lang nagpasabi si Zeus na darating na pala sya?" tila naiinis pa na tanong ni Bianca kay Amara habang nasa byahe na nga sila pauwi sa kanilang mansyonAyaw pa kasi sanang umuwi ni Bianca dahil balak pa nga nyang mag stay muna si
CHAPTER 500Nasa ganoong pag uusap naman nga sila ng bigla ngang tumunog ang phone ni Amara kaya naman agad na nga nya iyong tiningnan at nakita nga nya na si Zeus ang tumatawag sa kanya.Napabuntong hininga naman si Aira at saka sya tumingin muna sa tita Aira nya at sa kanyang ina at saka sya nagpaalam nga muna sa mga ito na lalabas na muna sya saglit dahil nga may tumatawag sa kanya. Balak nya nga sanang balewalain na lamang ang tawag ng kanyang fiance pero ayaw naman nyang isipin ng mga kasama nya roon na may tampuhan nga sila dahil hindi nga nya sinasagot ang tawag nito sa kanya.Lumabas na nga muna si Amara sa naturang silid at pi akatitigan na nga muna nya ang kanyang phone at saka sya napabuga ng hangin sa kanyang bibig bago nga nya sinagot ang tawag ni Zeus."Hello," sabi ni Amara pagkasagot nya sa tawag ni Zeus."Where are you?" tanong ni Zeus kay Amara."Nasa birthday party kami ngayon nila mommy ng apo ng bestfriend nya. Why?" sagot ni Amara."Ganon ba. Narito na ako sa Pil
CHAPTER 499Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Amara. At saka sya muling tumingin sa kanyang ina na naging blangko bigla ang mukha at alam naman nya ang dahilan noon at ito ay dahil sa isasagot nya sa tanong ng tita Aira nya."Ahm. T-tita Aira ang totoo po nyan. Ahm.." hindi naman maituloy ni Amara ang kanyang sasabihin dahil alam nya na hindi matutuwa ang tita Aira nya rito. Pagtingin naman nya sa gawi ni Dylan ay prentr nga itong nakaupo sa sofa na naroon at halatang hinihintay nga rin nito ang kanyang magiging sagot."Bakit hija? Ano ba yang sasabihin mo?" tila hindi na makapaghintay na tanong ni Aira kay Amara.Napatingin naman muli si Amara sa tita Aira nya at saka sya muling bumuntong hininga dahil no choice naman talaga sya kundi sabihin ang totoo sa tita Aira nya dahil ayaw naman nya na magalit o magtampo pa ito sa kanya."Ahm. Tita Aira i-ikakasal na po kasi ako," mahinang sagot ni Amara. "K-kaya po ako umuwi ng bansa ay dahil sa mag aasikaso po ako ng