CHAPTER 472Kinabukasan ay nagising naman si Amara na maliwanag na sa labas ng kanyang silid. Dahan dahan pa nga syang bumangon at agad nga nyang napansin ang mga paper bag sa tabi ng kanyang kama at naipikit na nga lamang nya ng nariin ang kanyang mga mata dahil wala nga syang nagawa man lang sa mga balak nya kagabi dahil napasarap nga ang kanyang tulog.Bumuntong hininga naman na muna si Amara bago sya nagpasya na tumayo na at saka sya dumiretso sa CR na nasa kanyang silid lamang at agad na nga nyang ginawa ang kanyang morning routine. Medyo binilisan na nga lamang din nya ang kanyang ginagawa dahil ramdam na nya ang pagkalam ng kanyang tyan dahil hindi nga pala sya nakakain ng dinner kagabi.Agad naman ng lumabas ng kanyang silid si Amara at agad na nga syang pumunta sa kusina para kumuha ng makakain nya ngayong umaga.Pagkapasok naman ni Amara sa kusina ay nadatnan naman nya ang kanya ina roon na kumakain pa nga lamang ng agahan."Good morning mom," bati ni Amara sa kanyang anak.
CHAPTER 473Kinabukasan ay maaga naman ngang hinatid si Amara ng kanyang pamilya sa airport."Mag iingat ka roon anak ha. Nandoon naman ang ate Charmaine mo kaya hindi ka naman malulungkot doon. Saka bibisitahin naman kita roon paminsan minsan kaya wag kang mag alala ha," sabi ni Bianca kay Amara at naiyak pa nga ito habang sinasabi iyon sa kanyang anak dahil nalulungkot pa rin sya sa pag alis nito."Opo mom mag iingat po ako roon. Mamimiss ko po kayo," nakangiti pa na sagot ni Amara sa kanyang ina at pigil nya talaga ang kanyang sarili na wag maiyak sa pag alis nya.Agad naman na yinakap ni Bianca si Amara at ganon din naman ang ginawa ni Gino at hinalikan pa nga nya sa noo si Amara."Mag iingat ka palagi doon anak ha. Pupuntahan ka namin doon kapag hindi ako busy sa opisina," sabi pa ni Gino kay Amara."Opo dad," nakangiti naman na sagot ni Amara sa kanyang ama."Ate mamimiss kita," umiiyak naman na sabi ng bunsong kapatid ni Amara na si Amanda at agad na nga rin itong yumakap sa ka
CHAPTER 474"Tita Bianca si Amara po nasaan?" hindi na nakatiis na tanong ni Dylan sa ina ni Amara.Napakunot naman ang noo ni Bianca dahil sa tanong ni Dylan at napatingin pa nga sya sa kanyang asawa na tahimik lamang na nakikinig sa kanila. "Wag mong sabihin sa akin na hindi mo rin alam Dylan na umalis na si Amara," sagot ni Bianca sa binata."Po? Umalis po si Amara?" kunot noo naman na tanong ni Dylan."Yes hijo. Umalis na si Amara halos mag iisang buwan na nga ng siya ay umalis papuntang London. Ang akala ko ay nagpaalam sya sa'yo noon bago sya umalis ng bansa," sagot naman ni Bianca kay Dylan.Gulat na gulat naman si Dylan sa sinabi ng tita Bianca nya dahil hindi nya talaga alam na umalis si Amara ng bansa at wala rin naman syang natatandaan na nagpaalam ito sa kanya noong huli nilang pagkikita. Ngayon nya napagtanto na kaya pala walang Amara na nangungulit sa kanya dahil umalis na pala ito ng bansa at wala nga syang kaalam alam doon. Ang buong akala nya kasi ay abala lamang it
CHAPTER 475Halos isang buwan na nga na namamalagi si Amara sa London at nag eenjoy naman sya ngayon sa kanyang mga ginagawa kaya naman nakakalimutan na nya ang nararamdaman nyang lungkot simula ng umalis sya ng Pinas.Pagkarating nya kasi noon sa London ay agad nga syang naaliw sa kakagala nila ng ate Charmaine nya. Matagal na kasi na naninirahan sa London ang pinsan nyang si Charmaine doon na kasi ito nagtatrabaho at paminsan minsan nga ay sumaside line nga ito ng pagmomodel. Kagaya kasi ni Amara ay maganda nga rin ang pinsan nyang ito at marami rin talaga ang nagkakagusto rito kaso ay pihikan nga ito sa lalaki kaya hanggang ngayon ay wala pa rin itong nobyo. Matanda lamang naman ito ng limang taon kay Amara kaya ate ang tawag nya rito."Amara gusto mo ba mag side line sa pag momodel? Alam ko kasi na gusto mo yun e. Baka gusto mo lang naman kulang kasi kami ng isa at naisip nga kita," sabi ni Charmaine kay Amara habang kumakain nga sila ng kanilang agahan.Agad naman na kumislap ang
CHAPTER 476Bago nga matulog si Amara ay napagpasyahan nga nya na tawagan na muna ang kanyang ina para kamustahin ang mga ito at para na rin ibalita ang pagside line nya ngayon bilang modelo. Tamang tama naman at umaga na roon sa Pilipinas ngayon habang sila sa London ay patulog naman na.Naka ilang ring pa naman nga ang tawag ni Amara bago nga ito sinagot ng kanyang ina."Hi mom," bati kaagad ni Amara sa kanyang ina."Amara pasensya ka na at kakagising ko pa lamang. Kumusta ka r'yan?" namamaos pa ang boses na sagot ni Bianca sa kanyang anak at halata mo nga talaga na bagong gising ito."Ayy. Sorry po mom. Naistorbo ko po yata ang tulog nyo," sagot naman ni Amara."It's okay baby. Kumusta ka r'yan?" sagot ni Bianca sa kanyang anak."Ayos lang naman po ako rito mom," sagot ni Amara sa kanyang ina. "Oo nga po pala mom gusto ko lang pong sabihin sa inyo na sumama po ako aky ate Charmaine sa pagmomodel nya at sumide line po ako roon kanina," pagbabalita pa ni Amara sa kanyang ina."Talag
CHAPTER 477Habang nasa opisina naman ngayon si Dylan at abala sa kanyang ginagawa ay hindi naman sya mapakali dahil talagang gumugulo sa isipan nya si Amara.Simula pa kasi kagabi ng nalaman nga nya mula sa tita Bianca nya na umalis na pala ng bansa si Amara ay hindi na talaga sya mapakali pa at hindi nga nya maintindihan ang kanyang sarili dahil doon.Nakailang bunting hininga na nga rin sya at ilang beses na nga rin nyang tiningnan ang phone nya dahil hindi nya alam kung tatawagan ba nya o hindi si Amara.Habang nasa malalim na pag iisip naman si Dylan ay bigla ngang bumukas ang pinto ng kanyang opisina kaya naman agad nga syang napatingin doon."Kumusta ang kapatid ko? Mukhang ayos naman yata ang nga naituro ko sa'yo a," nakangiti pa na sabi ni Rayver sa kanyang bunsong kapatid pagkapasok nya sa opisina nito.Hindi naman naka imik kaagad si Dylan at nanatili lamang syang nakatitig sa kanyang kuya Rayver.Napakunot naman ang noo ni Rayver dahil sa itsura ni Dylan at ni hindi nga ma
CHAPTER 478"O sige na. Aalis na rin ako at sadyang kinamusta lamang kita rito. Hindi ko naman akalain na iba pala ang problema mo," natatawa pa na sabi ni Rayver at saka sya naglakad papunta sa pintuan ng opisina ni Dylan pero bago nga sya lumabas ay saglit pa nga muna syang tumigil at humarap sa gawi ng kanyang kapatid."Kung ako sa'yo ay tatawagan ko na sya. Maganda si Amara at hindi malabo na maraming magkagusto sa kanya at baka sa huli ay ikaw naman ang masaktan kapag may mahal na si Amara na iba," makahulugan pa na sabi ni Rayver kay Dylan at saka sya tuluyang lumabas ng opisina ng kanyang kapatid.Pagkaalis nga ng kuya Rayver ni Dylan ay muli nga nyang tinitigan ang kanyang phone at nag iisip pa rin sya kung tatawagan ba nya o hindi si Amara.Pero naisip nga rin nya na dapat ang dalaga ang tumawag sa kanya dahil ito ang kusang umalis ng bansa at kung may balak talaga ito na kausapin sya para magpaliwanag ay tatawag naman ito sa kanya.Napabuntong hininga naman si Dylan at sa hu
CHAPTER 479"Bro sabihin mo nga sha akin? Kasalanan ko ba kung bakit umalish si Amara ng bansa ng hindi man lang nagpapa alam sa akin?" tanong ni Dylan sa kaibigan nya at halata mo na nga sa boses nito na lasing na lasing na nga ito."Tsk. Gusto mo ba talagang sagutin ko ang tanong mo na iyan Dylan?" nakangisi at naiiling pa na tanong ni Richard kay Dylan."Oo. Shagutin mo ako. Bakit? Bakit kailangan nyang gawin iyon?" sagot ni Dylan sa kaibigan."Sa tingin ko bro ay kasalanan mo naman talaga kung bakit bigla na lang umalis si Amara ng hindi nagpapa alam sa'yo. Alam naman natin na noon pa man ay may gusto na sya sa'yo pero ikaw— para kang bato na hindi makaramdam sa nararamdaman ni Amara para sa'yo at binabaliwala mo ang feelings nya. Syempre babae si Amara at kahit hindi nya sabihin ay nasasaktan din yun sa pambabalewala mo sa kanya. Kaya hindi mo rin talaga sya masisisi kung bakit sya umalis ng bansa ng walang paalam sa'yo," seryosong sagot ni Richard sa kanyang kaibigan.Hindi nam
CHAPTER 501Kinabukasan ay maaga naman ng umalis ng naturang resort sila Amara kasama ang kanyang pamilya. Nasabi na rin nga nya sa mga magulang nya na narito na sa bansa si Zeus at kahit ang nga ito ay nagulat nga rin sa kanyang sinabi.Kagabi naman pagkatapos nilang mag usap ni Dylan ay nagpaalam na kaagad sya sa tita Aira nya na matutulog na nga sya dahil inaantok na sya pero ang totoo ay hindi pa naman talaga sya inaantok non hindi na nya lang kasi talaga kayang makipag usap sa tita Aira nya dahil naiiyak pa nga rin sya matapos nga nilang mag usap ni Dylan. Kaya naman ng mapag isa na nga sya sa silid kung saan siya matutulog ay doon na nga nya ibinuhos ang masagana nyang luha hanggang sa nakatulugan na nga lang talaga nya ang pag iyak nya."Bakit hindi man lang nagpasabi si Zeus na darating na pala sya?" tila naiinis pa na tanong ni Bianca kay Amara habang nasa byahe na nga sila pauwi sa kanilang mansyonAyaw pa kasi sanang umuwi ni Bianca dahil balak pa nga nyang mag stay muna si
CHAPTER 500Nasa ganoong pag uusap naman nga sila ng bigla ngang tumunog ang phone ni Amara kaya naman agad na nga nya iyong tiningnan at nakita nga nya na si Zeus ang tumatawag sa kanya.Napabuntong hininga naman si Aira at saka sya tumingin muna sa tita Aira nya at sa kanyang ina at saka sya nagpaalam nga muna sa mga ito na lalabas na muna sya saglit dahil nga may tumatawag sa kanya. Balak nya nga sanang balewalain na lamang ang tawag ng kanyang fiance pero ayaw naman nyang isipin ng mga kasama nya roon na may tampuhan nga sila dahil hindi nga nya sinasagot ang tawag nito sa kanya.Lumabas na nga muna si Amara sa naturang silid at pi akatitigan na nga muna nya ang kanyang phone at saka sya napabuga ng hangin sa kanyang bibig bago nga nya sinagot ang tawag ni Zeus."Hello," sabi ni Amara pagkasagot nya sa tawag ni Zeus."Where are you?" tanong ni Zeus kay Amara."Nasa birthday party kami ngayon nila mommy ng apo ng bestfriend nya. Why?" sagot ni Amara."Ganon ba. Narito na ako sa Pil
CHAPTER 499Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Amara. At saka sya muling tumingin sa kanyang ina na naging blangko bigla ang mukha at alam naman nya ang dahilan noon at ito ay dahil sa isasagot nya sa tanong ng tita Aira nya."Ahm. T-tita Aira ang totoo po nyan. Ahm.." hindi naman maituloy ni Amara ang kanyang sasabihin dahil alam nya na hindi matutuwa ang tita Aira nya rito. Pagtingin naman nya sa gawi ni Dylan ay prentr nga itong nakaupo sa sofa na naroon at halatang hinihintay nga rin nito ang kanyang magiging sagot."Bakit hija? Ano ba yang sasabihin mo?" tila hindi na makapaghintay na tanong ni Aira kay Amara.Napatingin naman muli si Amara sa tita Aira nya at saka sya muling bumuntong hininga dahil no choice naman talaga sya kundi sabihin ang totoo sa tita Aira nya dahil ayaw naman nya na magalit o magtampo pa ito sa kanya."Ahm. Tita Aira i-ikakasal na po kasi ako," mahinang sagot ni Amara. "K-kaya po ako umuwi ng bansa ay dahil sa mag aasikaso po ako ng
CHAPTER 498"Narito lang pala kayong dalawa. Kanina ko pa kayo hinahanap narito lang pala kayo. Mukhang nagkamustahan na kayong dalawa a," nakangiti pa na sabi ni Aira habang naglalakad nga sya palapit kila Amara at Dylan.Kanina pa kasi nya hinahanap si Amara dahil matagal na nga itong hindi bumabalik gayong nagpaalam lamang naman ito na mag CR kaya naman agad na nga nya itong hinanap at dito lang pala nya ito makikita sa tabing dagat kasama ang kanyang anak na si Dylan."Ahm. O-opo tita. Nagkita po kasi kami kanina r'yan kaya nagkayayaan po na pumunta rito para magpahangin at nagkamustahan na rin po," nakangiti pa na sagot ni Amara kay Aira. "Diba Dylan?" baling naman ni Amara kay Dylan at siniko pa nga nya ito dahil hindi nga ito nagsasalita man lang at nanatiling nakatitig pa nga ito sa kanya.Bumuntong hininga naman si Dylan at ang itsura nito ay para ngang nalugi dahil nga hindi pa nya tapos kausapin si Amara ay dumating na nga ang kanyang ina."Yes mom. Nagkamustahan lamang po
CHAPTER 497"Hindi ako nagbibiro Dylan. Totoo ang sinasabi ko sa'yo. Ikakasal na talaga ako. At kaya ako nagbalik ng bansa ay para mag asikaso ng nga kailangan namin sa kasal ng nobyo ko," seryoso na sagot ni Amara kay Dylan at bakas nga sa mata nito ang lungkot.Napaawang naman ang bibig ni Dylan dahil sa sinabi ni Amara at napakurap kurap pa nga sya kasabay ng paglandas ng luha sa pisngi nya dahil parang hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang narinig."H-hindi. H-hindi totoo yan," sabi ni Dylan kasabay ng pag iling nya. "Nagbibiro ka lang Amara. Hindi yan totoo diba?" dagdag pa ni Dylan at hindu talaga sya naniniwala sa sinabi ni Amara.Napabuntong hininga naman si Amara at saka nya hinawakan sa kamay si Dylan at saka nya muling tinitigan sa mga mata ang binata."Nagsasabi ako ng totoo Dylan. Ikakasal na talaga ako," sabi ni Amara kay Dylan. "Oo mianahal kita kaya nga nagawa kong umalis para naman walang maging sagabal sa pag abot ng nga pangarap mo. Gusto kong maging masaya ka ka
CHAPTER 496Napaawang naman ang bibig ni Amara dahil sa kanyang mga narinig at tila ba parang bigla syang naestatwa sa kanyang kinatatayuan at hindi alam ang gagawin. Totoong hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang mga narinig na sinabi ni Dylan."D-Dylan b-bakit mo to sinasabi ngayon?" kandautal pa na sabi ni Amara. "Nagbibiro—" hindi naman na naituloy pa ni Amara ang kanyang sasabihin ng bigla nga syang kabigin ni Dylan sa kanyang bewang at agad na naglapat ang kanilang mga labi.Naging banayad naman ang paghalik ni Dylan kay Amara at napapapikit pa nga ito na wari mo ay ninanamnam ang mga labi ni Amara.Nanlaki na lamang talaga ang mga mata ni Amara dahil sa ginawa ni Dylan na paghalik sa kanya. Hindi nya talaga ito inaasahan at hindi nga nya malaman kung tutugon ba sya o hindi sa ginagawa nitong paghalik sa kanya.At dahil nga nabitin sa pagsasalita si Amara kanina ay nakaawang nga ang kanyang bibig kaya naman malayang naipasok ni Dylan ang kanyang dila sa loob ng bibig ni Amara
CHAPTER 495"Nakabubuti? Paano mo nasabing nakabubuti para sa atin iyon?" kunot noo pa na tanong ni Dylan kay Amara.Bumuntong hininga naman si Amara at saka sya pumunta sa harapan ni Dylan at saka sya humarap dito at seryosong tiningnan ang binata."Oo mas nakabubuti yun para sa atin kaya ko iyon ginawa. Diba sabi mo noon sa akin ay magiging abala ka na sa kumpanya nyo. Ayoko naman na maging sagabal sa pagtupad ng mga pangarap mo kaya mas minabuti ko na lamang na lumayo sa'yo dahil alam mo naman kung gaano kita kagusto noon diba? Kaya nga palagi akong pumupunta sa'yo kaya naisip ko na kung lalayo ako ay makakapag focus ka sa mga ginagawa mo," paliwanag ni Amara kay Dylan."Tingin mo tama ang ginawa mo? Parang bigla mo na lang akong kinalimutan Amara. Limang taon Amara. Limang taon na wala kang paramdam. Hinihintay ko na ikaw ang unang tatawag man lang sa akin dahil ikaw ang umalis ng basta na lang pero ni ho ni ha ay wala akong narinig sa'yo," tila naiinis ng sabi ni Dylan kay Amara
CHAPTER 494Habang abala naman ang lahat sa panonood sa palabas ng clown at sa mga palaro roon ay tahimik lamang naman na nakatanaw si Dylan sa gawi ni Amara. Katabi nga nito ang kanyang ina na halos ayaw ng bitawan pa ang dalaga Hindi nya nga talaga ito nalapitan man lang kanina dahil nga tinawag na sila kanina dahil magsisimula na nga ang party ng kanyang pamangkin. Kaya ngayon ay hanggang tanaw tanaw na lamang talaga muna sya kay Amara at maghihintay na lamang sya ng tamang tyempo na malapitan at makausap nya nga ito.Nang mapansin nga ni Dylan na tumayo si Amara at nagmamadaling umalis sa tabi ng kanyang ina ay halos humaba naman ang leeg nya at tinanaw nya nga kung saan pupunta si Amara at ng makita nga nya kung saan ito pumunta ay agad naman na syang tumayo at pasimpleng umalis sa kanyang pwesto at dahan dahan na sinundan si Amara kung saang gawi ito nagpunta.Pagkatapos naman na umihi ni Amara ay saglit pa nga syang tumingin sa salamin na naroon din sa loob ng Cr at saglit pa
CHAPTER 493Agad naman na napatingin sila Aira sa gawi ng pinto kung saan naroon ang nagsalita na iyon. At maging si Dylan ay biglang natigilan ng marinig nga nya ang boses na iyon dahil kilalang kilala nya kung kaninong boses nga iyon."Oh my god Amara," sigaw ni Aira at agad pa nga itong tumayo at agad na linapitan si Amara at yinakap ng mahigpit.Agad naman na ginantihan ng yakap ni Amara ang tita Aira nya dahil namiss nya nga rin talaga ito.Nakangiti naman si Bianca habang pinapanood ang anak nya at ang kaibigan nya. Alam nyang sobrang saya ni Aira ngayon na makita muli si Amara dahil parang anak na nga rin ang turing nito kay Amara."Bakit naman kasi ngayon ka lang bumalik hija? Ayaw mo na ba sa amin kaya ka umalis ng ganon ganon na lamang?" himig nagtatampo na sabi ni Aira ng bumitaw sya sa pagkakayakap nya kay Amara."Sorry po talaga tita Aira kung umalis po ako noon ng biglaan at hindi nagpapaalam. Gusto ko po kasing subukang mamuhay ng hindi umaasa kila mommy at daddy kaya k