CHAPTER 453Araw na nga ngayon ng kasal nila Rayver at Shiela at syempre pati na rin nila Jenny at Greg.Maagang maaga naman na nagising sila Shiela at Jenny na magkasama lamang sa iisang silid doon. Marami naman na silid doon pero mas pinili nilang dalawa na magsama sa iisang silid dahil parang bonding na rin daw nilang dalawa iyon bago sila mag asawa.Parehas pa na may ngiti sa labi ang dalawa na bumangon sa kanilang kama."This is it Shiela. Ikakasal na tayo," tila kinikilig pa na sabi ni Jenny kay Shiela. Natawa naman si Shiela sa kanyang ate Jenny dah kita mo talaga na kilig na kilig nga ito."Oo nga ate. Eto na talaga. Totoo na to. Ilang oras na lamang at ikakasal na tayo. Magiging Mrs. Lim na ako at ikaw naman ay magiging Mrs. Santos na," ngiting ngiti rin naman na sagot ni Shiela sa kanyang kapatid."Ngayon pa lang ay binabati na kita Shiela. Alam ko na magiging mabuting asawa ka kay Rayver at magiging mabuting ina ka sa mga magiging anak nyo," nakangiti pa na sabi ni Jenny ka
CHAPTER 454"Dad.""Tay."Nagkatinginan naman sila Shiela at Jenny dahil sabay pa nga nilang natawag ang kanilang ama at natawa pa nga sila dahil magkaiba nga ang tawag nila sa kanilang ama. Nakasanayan na kasi ni Shiela na tatay ang tawag nya sa kanilang ama kaya hindi na nga nya iyon pinaltan pa.Agad naman na pumasok si Joey sa loob at napangiti na nga lamang sya ng makita nya ang dalawa nyang anak na napakaganda at nakasuot na ng traje do boda. "Ang gaganda naman ng mga anak ko. Hindi na ba talaga magbabago ang nga isip nyo? Talaga bang magpapakasal na kayo?" tatawa tawa pa na sabi ni Joey sa kanyang mga anak kaya nan lalo ng natawa sila Shiela at Jenny dahil doon."Dad naman ang tagal na nga po namin itong hinintay tapos uurong pa kami. Syempre hindi na po," sagot ni Jenny sa kanyang ama."Oo nga po tay. Ready na nga po kami kaya hinding hindi na po talaga kami uurong," sagot naman ni Shiela.Agad naman na napangiti si Joey at saka sya lumapit sa dalawa nyang anak."Binibiro k
CHAPTER 455Sa kabilang silid naman kung nasaan si Rayver ay hindi na nga ito mapakali pa at pabalik balik na nga ito na naglalakad doon."Bro baka naman pwede na maupo ka na lamang. Nahihilo na kami sa'yo e," sabi ni Kenneth kay Rayver. Kasama rin kasi si Kenneth at Reign sa mga abay nila Rayver at Shiela. Ilang buwan na rin kasi ang nakalilipas ng manganak si Reign kaya naman hindi talaga ito pumayag na hindi sya magiging abay sa kasal ng kakambal nya at ni Shiela."Bro bakit ba ang bagal ng oras. Gusto ko na ngang hilahin na ang oras para makasal na kami ni Shiela," sagot naman ni Rayver kay Kenneth.Natawa naman si Kenneth dahil sa sinabi ni Rayver. Noong sila kasi ni Reign ang ikinasal ay hindi rin sya mapakali at inaasar nga sya noon ni Rayver. Kaya naman ngayon ay sya naman ang tatawa tawa rito dahil hindi na nga ito mapakali."Bro relax ka lang. Maghintay ka na lamang ng oras dahil nar'yan lang naman si Shielasa kabilang silid at inaayusan," natatawa pa na sabi ni Kenneth kay
CHAPTER 456 Mabilis lamang naman ang naging byahe nila Rayver at ng kanyang pamilya papunta sa simbahan at pagkarating nga nila roon ay naabutan naman na nila roon si Greg kasama ang pamilya nito na matyaga ring naghihintay sa kani kanilang bride.Ilang sandali pa nga na naghintay sila Rayver at Greg sa kani kanilang mga bride at napangiti na nga lamang sila ng magsalita nga ang organizer ng kanilang kasal na dumating na nga raw ang dalawang bride.Agad naman na nagsiayos ng kanilang mga pila ang entourage na maglalakad sa gitna ng simbahan. Hindi naman na nagtagal pa at agad na nga na nagsimulang maglakad ang entourage ng mga ikakasal.Una na nga na naglakad doon ay ang dalawang groom na sinundan nga ng mga ninong at ninang. Sumunid na nga ay ang mga abay na lalaki at abay na babae at sinundan naman sila ng mga cute na cute na mga flower girl at ring bearer. At pinakang huli nga na papasok ay ang dalawang bride.Habang naghihintay naman na matapos ang pagmartsa ng mga entourage ay
CHAPTER 457Humarap naman na muna sila Rayver at Shiela sa isa't isa. At ang una nga na magsasalita ay si Shiela kaya naman napabuntong hininga na lamang ito at saka nya matamis na nginitian si Rayver.Hinawakan naman ni Rayver ang kamay ni Ayesha at ramdam nga nya ang panlalamig noon at alam nyang dahil ito sa kaba kaya naman pinisip pisil a lamang nya ang kamay ni Shiela upang palakasin nga ang loob nito at saka nya ito matamis na nginitian."Una sa lahat Rayver ay gusto kong sabihin sa iyo na mahal na mahal na mahal na mahal kita. Totoo yan at galing yan sa puso ko. Sa totoo lang ni sa hinagap hindi ko aakalain na magiging parte ako ng pamilya nyo. Sino ba naman ang mag aakala na ang tiyuhin ng dating inaalagaan ko ay magiging ganap ko ng asawa ngayon. Mahal salamat sa pagmamahal mo sa akin. Alam ko na paulit ulit na lang ako na sinasabi yan sa'yo pero hinding hindi ako magsasawa na magpasalamat at sabihin sa'yo kung gaano kita kamahal. Sa totoo lang matapos ang napagdaanan namin
CHAPTER 458Matapos nila Shiela at Rayver magpalitan ng kanilang nga vows ay sila Jenny at Greg naman ang magsasalita ngayon at ramdam mo rin sa mukha ng mga ito na kinakabahan na nga rin ang nga ito.Una naman na magsasalita si Jenny kaya naman nakailang buga pa sya ng hangin sa kanyang bibig para pakalmahin ang kanyang sarili dahil kanina pa talaga sya kinakabahan."Greg my love hindi ko talaga alam kung paano ko ba talaga ito sisimulan pero sige simulan ko na lang sa kung paano tayo nagsimula. Alam ko naman na noon ka pa may pagtingin sa akin dahil nga nasabi mo na rin yun sa akin noong mga nag aaral pa lamang tayo. Hindi ko yun pinansin kasi nga may iba akong gusto at alam mo yun. Pero laking pasalamat ko pa rin sa'yo dahil kahit na alam mo na may iba akong gusto ay hindi ka sumuko sa akin. Pinaglaban mo ang pagmamahal mo sa akin. Alam ko na masyado akong makasarili at masama ang ugali noon at inaamin ko naman iyon pero ngayon narealize ko na ang mga bagay bagay na pinag gagagawa
CHAPTER 459Matapos nga na ang palitan ng vows ng dalawang pares ng ikinasal ay ipinagpatuloy naman na ang iba pang seremonyas ng kasal hanggang sa matapos na nga ito at ini anounce na nga ng pari na nagkasal sa kanila na opisyal na nga silang mag asawa at ang pinakahihintay sa dulo na 'you may now kiss tha bride'. Pagkasabi nga noon ay humarap naman na si Shiela kay Rayver at ganon din naman si Jenny kay Greg. Halos sabay pa nga na itinaas nila Rayver at Greg ang nakatabing sa mulha ng kanilang asawa at saka nila matamis na hinalikan ang kani kanilang mga asawa.Matapos ang seremonyas sa simbahan ay agad naman na nga silang dumiretso sa reaort kung saan gaganapin ang kanilang reception.Pagakarating nga ng mga bagong kasal sa venue ng kanilang reception ay hiyawan naman ang sumalubong sa kanila roon.Agad naman na rin na nagsimula ang program sa reception at ang lahat nga ng mga naroon ay tuwang tuwa rin sa ilang mga palaro sa reception ng kasal.Habang abala naman ang mga bisita sa
CHAPTER 460Pagkatapos nila Aira at Dave na lumapit kila Shiela at Rayver ay sumunod naman na lumapit sa mga ito ang ama ni Shiela na si Joey."Binabati ko kayo mga anak. Masayang masaya ako para sa inyo," todo ngiti pa na sabi ni Joey kila Rayver at Shiela."Salamat po tay," nakangiti rin naman na sagot nila Rayver at Shiela rito.May kinuha naman na sobre si Joey sa kanyang bulsa kaya naman nagkatinginan nga sila Rayver at Shiela dahil mukhang may ibibigay rin ang ama ni Shiela sa kanila. "Regalo ko nga pala para sa inyo," nakangiti pa na sabi ni Joey at saka nya iniabot ang sobre sa mga ito at ngayon naman ay si Shiela naman ang nagsalita sa kanyang ama."Tay hindi na po sana kayo nag abala pa na magbigay ng regalo sa amin. Masaya na po kami na kumpleto tayo ngayon," sabi ni Shiela sa kanyang ama.Kinuha naman ni Joey ang kamay ni Shiela at saka nya pilit na inilagay sa kamay nito ang sobre na naglalaman ng kanyang regalo para sa mga ito."Oo alam ko anak. Pero ayoko naman na bast
CHAPTER 533Hindi naman maalis alis ang ngiti sa labi ni Amara habang titig na titig nga sya sa gwapong mukha ni Dylan habang nagsasayaw nga silang dalawa."Dylan hindi ko akalain na darating tayo sa punto na ganito. Ang buong akala ko kasi ay wala na talagang pag asa dahil ayaw mo nga sa akin. Pero tingnan mo naman ngayon at ikaw na ang nag aaya sa akin na makipag date na dati rati ay ako pa ang namimilit sa'yo na samahan ako sa pamamasyal," sabi ni Amara kay Dylan. Bigla nga kasi nyang naalala ang kanilang mga nakaraan na palagi nga nyang pinipilit ang binata na samahan siya da pamamasyal at pagdoshopping. At alam naman nya na napipilitan nga lamang ang binata ng mga panahon na yun na samahan nga siya.Napangiti naman si Dylan kay Amara dahil sa sinabi nito at naalala nga nya bigla ang pangungulit ng dalaga noon sa kanya "Sorry kung late ko na narealize ang halaga mo sa akin Amara. Hindi ko rin naman kasi akalain na mamahalin kita ng ganito dahil nga parang kapatid na ang turing k
CHAPTER 532Nagpalipas pa naman ng ilang oras doon sila Dylan at Amara bago nga sila nagpasya na pumunta sa restaurant na pinareserve ni Dylan para sa kanilang dinner date ni Amara ngayon.Nagpalit na lamang nga din muna ng damit si Amara bago nga sila pumunta sa restaurant dahil kanina pa nga nya talaga suot ang damit na iyon. At ganon din naman ang ginawa ni Dylan dahil may baon din nga itong damit na pamalit.Matapos nga nilang makapagpalit ng damit na dalawa ay agad na rin naman silang pumunta sa restaurant na hindi naman kalayuan doon sa amusement park na pinuntahan nila kaya saglit lamang din naman ang naging byahe nilang dalawa at agad na nga silang nakarating doon.Pagkarating nga nila roon sa restaurant ay nagtataka naman si Amara dahil halos wala ngang katao tao sa restaurant na iyon."Dylan sigurado ka ba na nagpareserve ka rito? Bakit parang wala yatang katao tao?" hindi na napigilang tanong ni Amara kay Dylan."Oo naman. Baka wala lang talaga masyadong tao ngayon kaya gan
CHAPTER 531Pagkababa ni Amara ng kanilang hagdan ay agad nga niyang nakita si Dylan na napakagwapo habang nakangiti sa kanya. Tumayo naman na si Dylan at agad na nga niyang sinalubong si Amara."Namiss mo ba ako kaagad?" biro pa ni Amara kay Dylan."Of course. Lagi kitang namimiss," nakangiti naman na sagot ni Dylan sa dalaga."Hello po tita Bianca," bati naman ni Dylan sa ina ni Amara at saka nga sya humalik sa pisngi nito."Mag iingat kayo sa lakad nyo ha. Dahan dahan sa pagdadrive Dylan," sabi naman ni Bianca."Opo tita. Mag iingat po kami," nakangiti naman na sagot ni Dylan."Sige po mom. Aalis na rin po kami ni Dylan," pagpapaalam.naman na ni Amara sa kanyang ina."O sige na. Lumakad na kayo para naman mas maenjoy nyo ang date nyo na iyan," sagot naman ni Bianca.Agad na rin naman na umalis sila Amara at Dylan doon at agad na nga dilang dumiretso sa isang amusement park sa Tagaytay.Mahigit isang oras lang naman ang naging byahe nilang dalawa bago silan nakarating ng Tagaytay.
CHAPTER 530Mabilis naman na lumipas ang isang linggo at sa loob nga ng isang linggo na iyon ay wala ngang palya si Dylan sa pagbisita kay Amara sa mansyon ng mga ito.Habang si Amara naman ay tuluyan ng nakarecover ang kanyang katawan kaya naman nagsisimula na nga rin syang maghanap ng trabaho dito sa bansa dahil wala na rin naman syang balak pa na bumalik ng London.Ang totoo nyan ay gusto nga sana ng kanyang ama na si Gino na sa kumpanya na lamang nila magtrabaho si Amara dahil marunong naman din talaga si Amara sa mga office work kaso nga lang ay ayaw nga ni Amara doon dahil mas gusto na nga lamang nya na maging nurse at ayaw rin kasi nya na maging boss dahil nga hindi talaga sya sanay sa ganoong pagtrato kaya naman hinayaan na lamang din sya ng kanyang mga magulang sa gusto nya.Ngayong araw nga ay mayroong date sila Amara at Dylan kaya naman maaga pa lamang ay naghahanda na si Amara ng kanyang sarili dahil excited na nga siyang lumabas kasama si Dylan.Habang nag aayos nga ng ka
CHAPTER 529"Hay naku. Sige na nga," sumusukong sagot ni Aira sa mga ito. "Basta Bianca si Amara ay para na kay Dylan ha," sabi pa ni Aira."Oo naman. Kayo pa ba? E mas kampante na ako sa inyong pamilya," sagot ni Bianca sa kanyang matalik na kaibigan.Maya maya nga habang nag uusap usap nga sila roon ay bumaba naman na si Amara mula sa kanyang kwarto at nagulat pa nga sya ng makita nga nya na naroon na nga rin si Dylan."Tita Aira narito po pala kayo," sabi ni Amara at saka nga sya lumapit sa tita Aira nya at saka sya humalik sa pisngi nito."Yes hija narito ako dahil namimiss na kita. Kumusta ka naman na? At bakit ilang araw ka ng hindi nagpapakita sa akin?" sagot ni Aira kay Amara."P-pasensya na po t-tita Aira. M-masama po kasi ang pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw," pagdadahilan ni Amara sa tita Aira nya."Sumama ang pakiramdam? O masama ang loob?" nakataas pa ang kilay na tanong ni Aira sa dalaga.Nagulat naman si Amara sa sinabi ng tita Aira nya at para ngang bigla syang
CHAPTER 528Pagkarating ni Dylan sa mansyon ng nga Dela Cueva ay agad na nga siyang pumasok sa loob dahil kilalang kilala naman na talaga sya ng mga kasambahay at gwardya doon kaya malaya nga syang maglabas masok sa mansyon ng tita Binca nya. Pero ganoon na lamang nga ang gulat ni Dylan ng pagkapasok nga nya sa loob ng mansyon ng tita Bianca nya ay nakita nga nya ang kanyang ina roon."Mom?" sabi ni Dylan at gulat na gulat pa nga talaga siya. "A-ano pong ginagawa nyo rito?" nauutal pa na tanong ni Dylan sa kanyang ina dahil hindi nya nga inaasahan na naroon nga ito.Tatawa tawa naman si Aira ng makita nga nya ang reaksyon ng kanyang anak ng makita nga sya nito roon.Kanina kasi pagkaalis ni Dylan sa kanilang mansyon ay agad na nga syang nag ayos ng kanyang sarili at agad na nga syang nagpunta sa mansyon ng kanyang kaibigan na si Bianca. Plano naman talaga nyang pumunta roon ngayon kaso ang balak nya sana ay hapon pa sya pupunta pero bigla ngang nagbago ang isip niya at umaga pa nga
CHAPTER 527Kinaumagahan ay nagising nga si Dylan ng pasado alas syete na ng umaga. Pupungas pungas pa nga siya na bumangon siya pero ng maalala nga niya na pupuntahan nga pala niya ang pinakamamahal niyang si Amara ay parang biglang nabuhay ang dugo niya.Agad na nga syang naligo at nag ayos ng kanyang sarili at agad na naghanda upang umalis. Nakasuot na nga rin sya ng pang opisina dahil balak nya munang sumaglit sa kanyang opisina bago sya pumunta sa mansyon nila Amara. Pagkababa nga nya ng hagdan ay naabutan naman nya ang kanyang ina sa sala ng kanilang mansyon habang nagbabasa ng mga magazine."Dylan anak gising ka na pala. Hindi ko na namalayan pa ang pag uwi mo kahapon. Kumusta pala si Amara?" agad na sabi ni Aira kay Dylan ng makita nga nya ito na papalapit sa kanya."Good morning po mom," bati ni Dylan sa kanyang ina at saka nga sya humalik sa pisngi nito. "Gabing gabi na rin po kasi ako nakauwi kagabi mom dahil dinala ko po si Amara sa ospital kahapon pero ayos naman na po sy
CHAPTER 526Pagkalabas naman ni Dylan ng silid ni Amara ay agad na nga syang bumaba ng hagdan at pagkababa nga niya ay agad nga niyang nakita ang mga magulang ni Amara sa sala na mukhang seryosong nag uusap."Ahm... Excuse mo po Tito Gino, tita Amara uuwi na po muna ako at babalik na lamang po ako mamaya," pagpapaalam na ni Dylan sa magulang ni Amara pagkababa nya ng hagdan.Agad naman na napatingin sila Gino at Bianca kay Dylan na nakayuko na ang ulo.."Sabi ng tita Bianca mo ay may gusto ka raw sabihin sa akin hijo. Ano ba yun?" tanong ni Gino kay Dylan.Bigla namang napalunok ng sarili nyang laway si Dylan at saka sya huminga ng malalim at saka sya nag angat ng kanyang tingin."Opp tito. G-gusto ko po sanang magpaalam sa inyo dahil gusto ko ong ligawan si Amara. At gusto ko po sanang hingin ang basbas nyo na pumapayag po kayo," magalang na sabi ni Dylan sa ama ni Amara at talagang tumingin siya sa mata nito para maramdaman nito na seryoso sya sa kanyang sinasabi rito.Titig na titi
CHAPTER 525Ilang oras nga rin na namalagi si Amara sa ospital at talagang pinaubos nga rito ang laman ng kanyang dextrose. At talaga rin namang pinanindigan ni Dylan na hindi sya aalis diin at talagang binantayan nga nya si Amara roon.Halos gabi na nga rin talaga bago nga nakalabas ng ospital si Amara at rinesetahan na lang din naman sya ng kanyang doktor ng ilang gamot para nga muling bumalik ang kanyang lakas. Ayaw na rin naman kasi talaga nilang magtagal pa roon si Amara dahil nga mas gusto rin nila na nasa bahay nga nila ito.Pagkarating nga nila sa mansyon ng mga Dela Cueva ay agad na nga na inihatid muna ni Dylan si Amara sa silid nito."Salamat nga pala sa pagbabantay sa akin doon sa ospital," sabi ni Amara kay Dylan."Wala iyon. Sabi ko naman sa'yo ay hindi ako aalis sa tabi mo hindi ba?" nakangiti pa na sagot ni Dylan kay Amara. "Kumusta pala ang pakiramdam mo? Nahihilo ka pa ba?" tanong pa ni Dylan sa dalaga."Hindi naman na. Medyo okay oaky naman na ang pakiramdam ko hind