CHAPTER 339Mabilis naman na lumipas ang mga araw at isang linggo na rin ang nakalilipas matapos sagutin ni Shiela si Rayver.Naging maayos naman ang kanilang relasyon na dalawa at palaging ngang binibisita ni Rayver si Shiela sa bahay ng kanyang kakambal na si Reign dahil tuluyan na ngang lumipat ng bahay sila Reign at Kenneth dahil hindi naman maaari na doon pa rin sila titira sa mansyon ng magulang ni Reign dahil kasal na silang dalawa at gusto rin naman talaga nilang dalawa na magsarili na ng kanilang bahay. Meron naman na kasi talagang binili si Kenneth na bahay noon pa bago sila ikasal ni Reign pero hindi nga sila makalipat lipat doon dahil sadyang pinagbigyan lamang nila ang ina ni Reign dahil gusto pa raw umano nitong makasama ang apo nito.Ngayon nga ay kararating pa lamang ni Rayver sa kanyang kumpanya at ngingiti ngiti pa siyang dumating doon dahil dumaan muna sya sa bahay nila Reign para makita muna si Shiela bago magtrabaho. Ganito na kasi ang routine ni Rayver dadalaw s
CHAPTER 340Pagkaalis ni Jenny sa opisina ni Rayver ay agad naman na syang dumiretso sa opisina ng kanyang ama at magdadabog na sana sya ng narinig nya na may kausap ito sa phone nito habang nakatalukod sa gawi ng pinto kaya naman nakinig na muna si Jenny rito."Anong sabi mo? Wala ka na ba talagang magandang ibabalita sa akin? Ang tagal tagal ko na silang pinapahanap sa'yo pero hindi mo pa rin sila makita kita. Nandyan lamang yung mga yan sa Bicol at imposibleng hindi mo sila mahanap dyan. Ang laki na ng naibayad ko sa'yo pero ganyan na lamang lagi ang sinasagot mo sa akin. Ayusin mo ang trabaho mo kung gusto mong bayaran pa kita.," galit na bulyaw ni Joey sa kausap nya sa kabilang linya at halos ihagis na nya ang kanyang phone sa kanyang table at napahilot na lamang talaga sya sa kanyang sintido dahil parang biglang sumakit iyon."Sino po ang pinapahanp nyo dad?" tanong ni Jenny sa kanyang ama. Agad naman na nagtaas ng tingin si Joey at nagulat pa sya dahil naroon pala si jenny na h
CHAPTER 341Mabilis naman na lumipas ang maghapon at gaya nga ng nakagawian na ni Rayver ay pagkatapos nyang pumasok sa opisina ay agad na syang dumidiretso sa bahay nila Reign upang makasama nya si Shiela. Hinahayaan naman sila ni Reign na dalawa pero hindi sya pinapayagan ni Reign na matulog sa kanilang bahay."Bro dito ka na kaya tumira sa bahay. Marami pa namang bakanteng kwarto r'yan," natatawang biro ni Kenneth kay Rayver dahil halos sabay pa sila lagi nadating na dalawa roon."Tsk. Kung pwede nga lang eh. Kaso ang asawa mo parang dragon na ngayon at ayaw akong patulugin dito sa bahay nyo," sagot naman ni Rayver sa kaibigan. Agad naman na natawa si Kenneth dahil sa sinabi ni Rayver."Kaya nga bro. Pansin ko rin yan ngayon. Palagi na lamang nya akong sinusungitan," kakamot kamot sa ulo nya na sagot ni Kenneth."O sabay na naman kayong dalawa? Hindi naman kayo magkasama sa opisina a. Baka kung saan saan kayo nagpupunta na dalawa bago pumunta rito sa bahay," pagsusungit na kaagad n
CHAPTER 342Kinabukasan ay maaga namang gumising muli si Rayver para kausapin ang kanyang mga magulang para ipaalam sa mga ito ang balak nyang pagpapakilala kay Shiela bilang nobya nya."Good morning mom, dad," nakangiti pa na bati ni Rayver sa kanyang mga magulang na kabababa pa lamang ng kanilang hagdan."Good morning naman anak. Himala yata at narito ka pa. Hindi ka ba pupunta kay Shiela ngayong umaga?" agad na sagot naman ni Aira dahil nagtataka pa sila dahil naroon pa nga si Rayver. Nasanay na kasi silang maagang umaalis ang kanilang anak para puntahan muna si Shiela bago ito pumasok sa opisina nito."May gusto po sana kasi akong sabibin sa inyo mom, dad," sagot naman ni Rayver. Nagkatinginan naman sila Aira at Dave."Ano yun anak? May problema ba?" tanong naman kaagad ni Dave kay Rayver."Ahm. Mom, dad gusto ko na po kasing ipakilala si Shiela bilang nobya ko. Gusto ko po sanang magdaos din ng dinner party saka ko sya ipapakilala sa lahat bilang nobya ko," seryosong sagot ni Ray
CHAPTER 343Mabilis naman na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay gaganapin na ang dinner party nila Rayver kung saan ipapakilala na nya si Shiela bilang nobya nya."Ang ganda mo talaga ngayon Shiela. Iba ang blooming mo kapag inlove ka," kinikilig pa na sabi ni Reign habang titig na titig sya kay Shiela na katatapos lamang ayusan.Si Reign na kasi ang nagprisinta at naging abala sa pag aasikaso kay Shiela simula sa mag memake up rito at sya na rin nga ang pumili ng damit na susuotin nito ngayong gabi."Naka ilang beses ka na ba na sabi nyan sa akin Reign," natatawa naman na sagot ni Shiela kay Reign."Totoo naman kasi. Iba talaga ang blooming mo ngayon," ngiting ngiti pa na sagot naman ni Reign muli kay Shiela habang titig na titig sya kay Shiela.Naiiling na lamang si Shiela dahil naka ilang beses na talaga na pinuri sya ni Reign habang inaayusan sya ng make up artist. Naiilang na tuloy sya sa paulit ulit na papuri sa kanya ni Reign dahil hindi sya sanay na pinupuri sya ng ganito.
CHAPTER 344Samantala naman naghahanda na rin sa pag alis nya sila Jenny at ang kanyang ama upang pumunta sa dinner party nila Rayver. Sinadya rin kasi talaga nila Rayver na imbitahan ang mag ama sa party na iyon para naman masaksihan ng mga ito ang pag anunsyo ni Rayver sa kanyang nobya. Ayaw naman kasi sana nyang mapahiya rin ang mag ama ang kaso ay iniisip na lamang ni Rayver na hindi naman din sya matatahimik dahil sa panggugulo palagi ng mag ama sa kanya. At baka kung hindi pa nga nya ito gawin ay baka hindi rin talaga tumigil si Jenny sa kanyang kahibangan."Para saan po kaya ang dinner party ng mga Lim ngayon?" tanong ni Jenny sa kanyang ama habang palabas sila ng kanilang bahay. Kahapon lamang din kasi nila natanggap ang imbitasyon nila kaya wala dilang kaide ideya kung para saan ang naturang dinner party."Hindi ko rin alam anak. Siguro may iseselebra lamang sila kaya meron silang padinner party ngayon. At mukhang ayos naman na sila sa atin dahil inimbitahan pa nila tayo nga
CHAPTER 345Una naman tinawag ng emcee si Dave upang magsalita sa unahan at kagaya ng mga nakagawian na nila ay nagsalita lamang ng kaunti si Dave saka sya nagpasalamat sa lahat ng mga naroon na dumalo sa kanilang padinner party.Kasunod naman na tinawag ng emcee ay si Aira at kagaya ni Dave ay halos nagpasalamat lamang din ito sa mga naroon.At bilang panghuli ay si Rayver na ang tinawag ng emcee upang magsalita sa unahan. Napabuga pa muna ng hangin sa bibig si Rayver bago nya liningon si Shiela saka nya ito matamis na nginitian at kinindatan pa nya ito bago sya tumayo at pumunta sa unahan upang magsalita.Pagkatayo pa lamang ni Rayver sa unahan ay napatikhim pa muna sya dahil parang may biglang bumarang kung ano sa kanyang lalamunan dahil sa kaba."Good evening everyone. First of all I just wanna say thank you sa lahat ng mga narito at pinaunalakan ang aming imbitasyon. Salamat dahil kahit na biglaan po ito ay pina unlakan nyo pa rin po kami," paunang salita ni Rayver saka nya inili
CHAPTER 346"Hindi totoo iyan. Ako ang nobya ni Rayver at hindi yang babae na yan at magpapakasal na nga kaming dalawa soon," galit na sigaw ni Jenny dahilan para mapukaw nya ang atensyon ng mga naroon kaya naman napalinhon ang halos lahat ng naroon dahil sa pagsigaw ni JennyNapakunot naman ang noo ni Rayver dahil nagawa pa rin talagang gumawa ng eksena ni Jenny sa kanilang party. Ang inaasahan nya kasi ay aalis na lamang ito basta pero nagkamali pala sya dahil talagang malakas ang loob ng babae na ito at hindi marunong mahiya."Hey Jenny. Calm down," awat na ni Joey sa kanyang anak."No dad. Hindi po ako makapapayag na basta na lamang aagawin ng kung sino man si Rayver," sagot ni Jenny sa kanyang ama at akmang haha2akan na sana ni Joey sa kamag ang kanyang anak ng mabilis itong iwinaksi ng dalaga at agad na humakbang papunta sa harapan kung nasaan sila Rayver."Jenny pwede ba tumigil ka na sa kahibangan mo," seryosong sabi ni Rayver kay Jenny."No! Dahil hindi ako makapapayag na maa