CHAPTER 280Naalimpungatan naman si Reign dahil parang linalamig siya. Akmang babangon na sana sya ng mapansin nya na may katabi sya sa higaan at nagulat pa sya ng paglingon nya ay si Kenneth ang katabi nya. Napasilip tuloy sya sa loob ng comforter at ganon na lamang ang pagkagulat nya ng makita nya na nakahubad sya pati na rin si Kenneth sa ilalim noon kaya pala pakiramdam nya ay nilalamig sya yun pala ay nakahubad sya.Naipikit na lamang ng mariin ni Reign ang mga mata nya ng maalala nya ang mga nangyare sa kanila ni Kenneth. Naalala nya kung paano sya nagpaubaya sa binata kagabe. Hindi rin kasi nya maintindihan ang sarili nya kagabe dahil talagang parang init na init sya. At hindi na rin nya napigilan ang sarili nya na magpaubaya kay Kenneth.Dahan dahan naman na bumangon si Reign ngunit napangiwi na lamang sya ng maramdaman nya ang pagkirot ng kanyang pagkababae kaya sandali pa muna syang natigilan. Pinakiramdaman nya na muna ang sarili nya at saka sya bumangon. Dahan dahan pa ang
CHAPTER 281 Nagising naman si Kenneth ng umaga na yun na hindi na nya katabi pa si Reign at napabalikwas pa nga sya ng bangon at agad na dinampot ang mga damit nya upang magbihis at dali dali na nyang hinanap si Reign. Sumilip pa nga sya sa CR at nakita pa nya si Xander doon na masama ang tingin sa kanya at nananatiling nakatali at may nakabusal sa bibig kaya muli na lamang nya iyong sinarhan. Inayos na muna ni Kenneth ang sarili nya saka sya tuluyang lumabas ng silid na iyon upang hanapin si Reign. Pagkalabas nya ay naabutan naman nya na inaayos na ang mga ginamit sa party kagabe kaya naman lumabas na sya kaagad ng naturang resort. Naabutan naman nya si Carlo at Theo na pasakay na ng kanilang gamit na sasakyan. "Bro," tawag ni Kenneth sa mga ito kaya sabay naman na napalingon sila Carlo at Theo. "Kenneth saan ka nanggaling at bigla ka na lamang nawala kagabe?" tanong kaagad ni Carlo dahil naalala nya na nag CR lamang itong si Kenneth kagabe pero hindi na bumalik. "Ha? Ah..
CHAPTER 282 Katahimikan naman ang namayani sa pagitan nilang dalawa roon. Parang bigla kasing umurong ang dila ni Kenneth at hindi alam kung paano ba sisimulang kausapin si Reign habang si Reign naman ay hindi rin naman alam kung ano ba ang sasabihin nya kay Kenneth dahil hanggang ngayon ay parang nahihiya pa rin sya rito dahil nga sa nangyare sa kanilang dalawa. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Kenneth saka sya nagsalita. "Reign—" "Ano bang gusto mong pag usapan natin Kenneth? Pwede bang bilisan mo dahil baka hanapin na ako sa amin," pagpuputol ni Reign sa sasabihin sana ni Kenneth at pilit nyang pinapatatag ang boses nya para hindi mahalata ni Kenneth na kinakabahan sya. "Reign handa akong panagutan ka sa nangyare sa ating dalawa," diretsahang sabi na ni Kenneth kay Reign kaya naman awang ang bibig na napatitig si Reign kay Kenneth. "Nahihibang ka na ba? Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Kenneth hindi sinasadya yung mga nangyare sa atin ng gabi na yun ka
CHAPTER 283Pagkapasok naman ni Reign sa kanyang silid ay agad nya iyong inilock saka sya napasandal dito at saka nya ibinuhos ang kanyang luha na kanina pa gustong kumawala sa kanyang mga mata.Tahimik na lamang syang umiyak sa kanyang silid dahil sa totoo lang ay natatakot sya sa maaaring kahinatnan ng nangyare sa kanila ni Kenneth. Nagdodoktor sya kaya alam nya ang tungkol sa mga bagay na yun at alam nya rin ang maaaring kalabasan ng nangyare sa kanila ni Kenneth Pero ipinagdarasal din nya na sana ay wala namang mabuong bata dahil sa nangyare sa kanila ni Kenneth.Nang hapon din na yun ay hindi na lumabas pa ng kanyang silid si Reign. Hindi na rin sya kumain ng hapunan narinig pa nya ang pagkatok ng mommy nya pero sadyang hindi nya kayang bumangon dahil talagang pinapaypayan na sya ng antok gawa marahil ng pagod dahil sa maraming gawain sa school at idagdag pa ang mga iniisip nya kaya naman nastress talaga sya ngayon at mabilis na nakatulog.Mabilis naman na lumipas ang mga araw a
CHAPTER 284"Please Reign magsalita ka naman. Paano kita matutulungan kung hindi ko alam kung sino ba ang ama ng dinadala mo," pakiusap na ni Aira kay Reign ng hindi na ito sumagot sa kanya."Mommy," umiiyak naman na sagot ni Reign."Please anak. Hindi ako magagalit pangako yan. Kaya mas mabuti pa na magsabi ka na ngayon pa lamang," pakiusap pa ni Aira dahil ramdam.nya na natatakot magsalita si Reign."Mommy ipangako mo po muna na hindi mo ito sasabihin kay kuya Rayver. Please," umiiyak na pakiusap ni Reign sa kanyang ina. Dahan dahan naman na tumango si Aira."M-mommy si K-Kenneth po ang ama ng dinadala ko," sagot ni Reign at hindi na nya napihilan pa na mapahagulhol muli ng iyak. Naipikit naman ni Aira ng mariin ang mata nya at pilit pinapakalma ang sarili nya dahil gusto na nyang magalit kay Kenneth dahil nag usap na sila nito na kailangan munang makatapos ni Reign ng pag aaral at ang buong akala nya ay malinaw na sa binata iyon. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawa
CHAPTER 285Hinintay naman ni Aira na matapos kumain si Reign. Sila na lamang din dalawa ang naroon dahil nasa sari sarili ng silid nila sila Rayver at Dylan. Si Dave naman ay nasa loob ng library dahil may mga tinatapos pa itong mga paper works doon at isa pa ay hinihintay din nito si Reign doon.Pagkatapos kumain ay inaya naman na rin ni Aira si Reign na pumunta kay Dave. Kinakabahan naman na sumunod si Reign sa kanyang ina. Para pa itong bata dahil talagang humawak pa sya sa braso ni Aira at ramdam naman ni Aira ang panlalamig ng kamay ni Reign kaya nginitian nya ito."Magiging ayos din ang lahat anak," sabi ni Aira kay Reign bago nito binuksan ang pinto ng librart kung nasaan si Dave.Nakatungo lamang naman si Reign hanggang sa makalapit sila sa kanyang ama at ni hindi nya magawang tumingin sa kanyang ama dahil alam nya na galit ito sa nangyari sa kanya."So anong plano mo ngayon Reign?" tanong ni Dave kay Reign at hindi na nya naiwasan pa na pagtaasan ng boses si Reign."Dave tin
CHAPTER 286Wala pang isang linggo ay naipasaayos na kaagad ni Dave ang mga kakailanganing papeles ni Reign paalis ng bansa. Sa London muna titira si Reign dahil ito ang napili ni Reign na bansa. Doon na rin sya mag aaral at manganganak.Sa nakalipas din na mga araw ay hindi rin talaga nila sinabi kay Rayver ang kalagayan ng kakambal nito at wala pa rin itong kaalam alam na aalis na ng bansa ang kanyang kakambal.Sa mga nakalipas din na mga araw ay hindi rin talaga nagpapakita na si Reign kay Kenneth dahil ayaw nya na munang makita pa ito dahil baka hindj nya matuloy ang plano nya at baka lumambot pa ang puso nya gayong umamin na rin sa kanya si Kenneth sa tunay nitong nararamdaman para sa dalaga.Kung tutuusin naman ay pwedeng pwede namang hilingin ni Reign na ipakasal sila ni Kenneth sa kanyang mga magulang kung gugustuhin nya pero mas pinili na lamang muna nya na lumayo at hindi muna sabihin kay Kenneth ang pagbubuntis nya. Gusto nya kasing makatapos ng pag aaral at ganon din naman
CHAPTER 287Kinabukasan ay maaga naman na gumising si Reign at pati na rin ang buong pamilya nya uang ihatid sya sa airport. Kasama naman nyang aalis ang mommy Aira nya pero hindi rin naman ito magtatagal doon at hihintayin lamang nito na masanay sya sa magiging bagong tahanan nya sa ibang bansa.Kumpleto rin ang pamilya nila na naghatid kila Reign. Halos ayaw na ngang bumitaw ni Reign sa kuya Rayver habang si Dylan naman ay nakayakap na rin kay Reign dahil malambing din naman talaga si Dylan sa kanyang ate Reign."Ate mamimiss kita," umiiyak ng sabi ni Dylan kay Reign habang nakayakap sya rito. Narito na kasi sila ngayon sa airport at maya maya ng konte ay kailangan ng pumasok nila Reign sa loob ng airport dahil may mga kailangan pa silang asikasuhin sa loob."Mamimiss din kita Dylan. Magbabait ka rito ha. Ayusin mo pag aaral mo. Kay kuya Rayver ka na lamang muna magpatulong kapag may mga assignment ka na hindi mo kaya ha," sagot naman ni Reign at saka nya yinakap si Dylan at hindi
CHAPTER 499Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Amara. At saka sya muling tumingin sa kanyang ina na naging blangko bigla ang mukha at alam naman nya ang dahilan noon at ito ay dahil sa isasagot nya sa tanong ng tita Aira nya."Ahm. T-tita Aira ang totoo po nyan. Ahm.." hindi naman maituloy ni Amara ang kanyang sasabihin dahil alam nya na hindi matutuwa ang tita Aira nya rito. Pagtingin naman nya sa gawi ni Dylan ay prentr nga itong nakaupo sa sofa na naroon at halatang hinihintay nga rin nito ang kanyang magiging sagot."Bakit hija? Ano ba yang sasabihin mo?" tila hindi na makapaghintay na tanong ni Aira kay Amara.Napatingin naman muli si Amara sa tita Aira nya at saka sya muling bumuntong hininga dahil no choice naman talaga sya kundi sabihin ang totoo sa tita Aira nya dahil ayaw naman nya na magalit o magtampo pa ito sa kanya."Ahm. Tita Aira i-ikakasal na po kasi ako," mahinang sagot ni Amara. "K-kaya po ako umuwi ng bansa ay dahil sa mag aasikaso po ako ng
CHAPTER 498"Narito lang pala kayong dalawa. Kanina ko pa kayo hinahanap narito lang pala kayo. Mukhang nagkamustahan na kayong dalawa a," nakangiti pa na sabi ni Aira habang naglalakad nga sya palapit kila Amara at Dylan.Kanina pa kasi nya hinahanap si Amara dahil matagal na nga itong hindi bumabalik gayong nagpaalam lamang naman ito na mag CR kaya naman agad na nga nya itong hinanap at dito lang pala nya ito makikita sa tabing dagat kasama ang kanyang anak na si Dylan."Ahm. O-opo tita. Nagkita po kasi kami kanina r'yan kaya nagkayayaan po na pumunta rito para magpahangin at nagkamustahan na rin po," nakangiti pa na sagot ni Amara kay Aira. "Diba Dylan?" baling naman ni Amara kay Dylan at siniko pa nga nya ito dahil hindi nga ito nagsasalita man lang at nanatiling nakatitig pa nga ito sa kanya.Bumuntong hininga naman si Dylan at ang itsura nito ay para ngang nalugi dahil nga hindi pa nya tapos kausapin si Amara ay dumating na nga ang kanyang ina."Yes mom. Nagkamustahan lamang po
CHAPTER 497"Hindi ako nagbibiro Dylan. Totoo ang sinasabi ko sa'yo. Ikakasal na talaga ako. At kaya ako nagbalik ng bansa ay para mag asikaso ng nga kailangan namin sa kasal ng nobyo ko," seryoso na sagot ni Amara kay Dylan at bakas nga sa mata nito ang lungkot.Napaawang naman ang bibig ni Dylan dahil sa sinabi ni Amara at napakurap kurap pa nga sya kasabay ng paglandas ng luha sa pisngi nya dahil parang hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang narinig."H-hindi. H-hindi totoo yan," sabi ni Dylan kasabay ng pag iling nya. "Nagbibiro ka lang Amara. Hindi yan totoo diba?" dagdag pa ni Dylan at hindu talaga sya naniniwala sa sinabi ni Amara.Napabuntong hininga naman si Amara at saka nya hinawakan sa kamay si Dylan at saka nya muling tinitigan sa mga mata ang binata."Nagsasabi ako ng totoo Dylan. Ikakasal na talaga ako," sabi ni Amara kay Dylan. "Oo mianahal kita kaya nga nagawa kong umalis para naman walang maging sagabal sa pag abot ng nga pangarap mo. Gusto kong maging masaya ka ka
CHAPTER 496Napaawang naman ang bibig ni Amara dahil sa kanyang mga narinig at tila ba parang bigla syang naestatwa sa kanyang kinatatayuan at hindi alam ang gagawin. Totoong hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang mga narinig na sinabi ni Dylan."D-Dylan b-bakit mo to sinasabi ngayon?" kandautal pa na sabi ni Amara. "Nagbibiro—" hindi naman na naituloy pa ni Amara ang kanyang sasabihin ng bigla nga syang kabigin ni Dylan sa kanyang bewang at agad na naglapat ang kanilang mga labi.Naging banayad naman ang paghalik ni Dylan kay Amara at napapapikit pa nga ito na wari mo ay ninanamnam ang mga labi ni Amara.Nanlaki na lamang talaga ang mga mata ni Amara dahil sa ginawa ni Dylan na paghalik sa kanya. Hindi nya talaga ito inaasahan at hindi nga nya malaman kung tutugon ba sya o hindi sa ginagawa nitong paghalik sa kanya.At dahil nga nabitin sa pagsasalita si Amara kanina ay nakaawang nga ang kanyang bibig kaya naman malayang naipasok ni Dylan ang kanyang dila sa loob ng bibig ni Amara
CHAPTER 495"Nakabubuti? Paano mo nasabing nakabubuti para sa atin iyon?" kunot noo pa na tanong ni Dylan kay Amara.Bumuntong hininga naman si Amara at saka sya pumunta sa harapan ni Dylan at saka sya humarap dito at seryosong tiningnan ang binata."Oo mas nakabubuti yun para sa atin kaya ko iyon ginawa. Diba sabi mo noon sa akin ay magiging abala ka na sa kumpanya nyo. Ayoko naman na maging sagabal sa pagtupad ng mga pangarap mo kaya mas minabuti ko na lamang na lumayo sa'yo dahil alam mo naman kung gaano kita kagusto noon diba? Kaya nga palagi akong pumupunta sa'yo kaya naisip ko na kung lalayo ako ay makakapag focus ka sa mga ginagawa mo," paliwanag ni Amara kay Dylan."Tingin mo tama ang ginawa mo? Parang bigla mo na lang akong kinalimutan Amara. Limang taon Amara. Limang taon na wala kang paramdam. Hinihintay ko na ikaw ang unang tatawag man lang sa akin dahil ikaw ang umalis ng basta na lang pero ni ho ni ha ay wala akong narinig sa'yo," tila naiinis ng sabi ni Dylan kay Amara
CHAPTER 494Habang abala naman ang lahat sa panonood sa palabas ng clown at sa mga palaro roon ay tahimik lamang naman na nakatanaw si Dylan sa gawi ni Amara. Katabi nga nito ang kanyang ina na halos ayaw ng bitawan pa ang dalaga Hindi nya nga talaga ito nalapitan man lang kanina dahil nga tinawag na sila kanina dahil magsisimula na nga ang party ng kanyang pamangkin. Kaya ngayon ay hanggang tanaw tanaw na lamang talaga muna sya kay Amara at maghihintay na lamang sya ng tamang tyempo na malapitan at makausap nya nga ito.Nang mapansin nga ni Dylan na tumayo si Amara at nagmamadaling umalis sa tabi ng kanyang ina ay halos humaba naman ang leeg nya at tinanaw nya nga kung saan pupunta si Amara at ng makita nga nya kung saan ito pumunta ay agad naman na syang tumayo at pasimpleng umalis sa kanyang pwesto at dahan dahan na sinundan si Amara kung saang gawi ito nagpunta.Pagkatapos naman na umihi ni Amara ay saglit pa nga syang tumingin sa salamin na naroon din sa loob ng Cr at saglit pa
CHAPTER 493Agad naman na napatingin sila Aira sa gawi ng pinto kung saan naroon ang nagsalita na iyon. At maging si Dylan ay biglang natigilan ng marinig nga nya ang boses na iyon dahil kilalang kilala nya kung kaninong boses nga iyon."Oh my god Amara," sigaw ni Aira at agad pa nga itong tumayo at agad na linapitan si Amara at yinakap ng mahigpit.Agad naman na ginantihan ng yakap ni Amara ang tita Aira nya dahil namiss nya nga rin talaga ito.Nakangiti naman si Bianca habang pinapanood ang anak nya at ang kaibigan nya. Alam nyang sobrang saya ni Aira ngayon na makita muli si Amara dahil parang anak na nga rin ang turing nito kay Amara."Bakit naman kasi ngayon ka lang bumalik hija? Ayaw mo na ba sa amin kaya ka umalis ng ganon ganon na lamang?" himig nagtatampo na sabi ni Aira ng bumitaw sya sa pagkakayakap nya kay Amara."Sorry po talaga tita Aira kung umalis po ako noon ng biglaan at hindi nagpapaalam. Gusto ko po kasing subukang mamuhay ng hindi umaasa kila mommy at daddy kaya k
CHAPTER 492Pagkatapat sa silid kung saan naroon si Aira ay tumigil naman na muna si Bianca at saka nya liningon si Amara at saka nya ito matamis na nginitian. Nang ngumiti naman pabalik si Amara ay saka naman kumatok si Bianca sa pintuan ng naturang silid at saka nya nga ito binuksan."Isurprise natin ang tita Aira mo anak. Dyan ka na muna ha. Tatawagin na lamang kita o kaya naman ay humanap ka ng tyempo na papasok ka roon ng hindi napapansin ng tita Aira mo," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara dahil naisian nga nya na isurprise ang kanyang kaibigan nya dahil alam nga nya na miss na miss na nito si Amara at tiyak na matutuwa nga ito kapag nakita nito na kasama nga nya si Amara ngayon.Pagkabukas nga ni Bianca ay agad nga nyang nakita si Aira at ang buong pamilya nito sa silid na iyon. Agad naman na napangiti si Aira ng makita nga nya na si Bianca ang nagbukas ng pintuan kasama ang asawa at anak nitong si Amanda."Mabuti naman at narito ka na. Akala ko talaga ay hindi na kayo
CHAPTER 491"Grabe anak sobrang tagal mo naman. Kanina pa kaya kami naghihintay sa'yo rito ng daddy mo," sabi ni Bianca ng makita nga nya na pababa na ng hagdan si Amara habang bitibitnga nito ang maliit na bag na naglalaman ng damit nito dahil baka mag over night na nga rin sila roon sa resort na iyon."Sorry mom. Hindi po kasi ako makapag decide kung ano poang susuotin ko," sagot ni Amara at tila ba bigla syang nahiya sa magulang nya dahil napatagal talaga sya sa pagpili ng isusuot nya.Tumayo naman na si Bianca at saka sya lumapit kay Amara at saka sya bumuntong hininga at hinaplos ang buhok ni Amara at saka nay ito nginitian."Alam ko na kinakabahan ka na makaharap sila muli. Wag kang mag alala at hindi naman galit sa'yo ang tita Aira mo dahil naipaliwanag ko naman na sa kanya ang lahat at naiintindihan ka naman nya noon pa," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara."Alam ko naman po na mabait si tita Aira pero nahihiya pa rin po ako mom," sagot ni Amara sa kanyang ina."Wag mo