CHAPTER 262Mabilis naman na lumipas ang taon at ngayon nga ay tatlong taon na ang bunsong anak nila Aira at Dave na si Dylan habang sila Rayver at Reign naman ay walong taon na at pawang mga nag aaral na sa elementarya. Honor students din ang mga ito kaya naman tuwang tuwa sila Aira dahil kahit na hindi masyado natututukan ni Aira sa pag aaral ang kambal ay maayos naman ang mga grades ng mga ito.Masayang masaya na sila Dave at Aira sa kanilang buhay ngayon at halos wala na nga silang mahihiling pa dahil sa loob ng tatlong taon na yun ay naging maayos naman ang kanilang pamilya.Naging maayos din naman ang kumpanya ni Dave at mas lalo pa nga itong namayagpag sa mundo ng pagnenegosyo.Ang mga magulang naman nila Aira at Dave ay naging maayos na muli ang relasyon kay Aira dahil totoong nagkapatawaran naman na sila at wala rin naman na may gusto sa nangyare noon kaya ngauon ay magkakasundo na muli ang mga ito. Madalas din itong pumunta sa bahay nila Dave dahil gusto ng mga itong makasam
CHAPTER 263Nasa ganoong pag uusap naman sila Aira at Bianca habang sila ay kumakain dahil ang mga bata ay nagsuswimming na kasama ang kanilang mga yaya ng may lumapit sa kanila."Hi ate Aira," bati ni Karen kaya naman napalingon sila Aira sa bagong dating. Nagulat pa si Aira dahil matagal tagal na rin nyang hindi nakikita si Karen at wala nga syang balita rito."Karen? O my god. Kumusta ka na? Ang tagal mong hindi nagparamdam sa akin ah. Saan ka ba nanggaling at ngayon ka lang ulit nagpakita sa akin?" sunod sunod na tanong ni Aira rito."Sorry ate naging busy lang kasi ako," sagot ni Karen kay Aira saka sya nakipagbeso rito pati na rin kay Bianca. Nagulat pa si Aira dahil medyo malaki ang tyan ni Karen."Buntis ka?" hindi na napigilan na itanong ni Aira rito. Tumango tango naman si Karen dito."Oo ate. Five months na po akong buntis," tila nahihiya pa na sagot ni Karen."Woah. Congrats. Sinong napangasawa mo? Andaya mo ha hindi mo man lang ako inimbitahan ng ikasal ka," sagot ni Aira
CHAPTER 1"Good morning dad. Ang aga nyo naman po yatang pumasok ngayon. Hindi ko na po kayo naabutan na magbreakfast sa bahay," bati ni Aira sa kanyang ama at linapitan pa nya eto at humalik sa pisngi neto."Oo anak masyadong marami ang ginagawa ko ngayon. Dumagdag pa ang problema ng ating kumpanya," sagot ni Ramon sa kanyang anak.Napatingin naman si Ramon kay Aira dahil naalala nya ang napag usapan nila ng kanyang matalik na kaibigan na si Clint."Aira anak pwede ba kitang makausap ng masinsinan?" sabi pa ni Ramon."Oo naman po dad. Tungkol po ba saan?" sagot naman ni Aira at umupo na sya sa sofa ng opisina ng kanyang ama.Linapitan naman ni Ramon si Aira at umupo na din sa katapat na upuan ng anak nya."Anak siguro naman hindi na lingid sa kaalaman mo ang nangyayare sa ating kumpanya diba," panimula ni Ramon."Yes dad," "Anak handa tayong tulungan ng tito Clint mo pero mayroon syang hinihingi na kundisyon," sabi pa ni Ramon."Kundisyon? At ano naman pong kundisyon nila?" tanong
CHAPTER 2"Dave, I told you na ayaw ko r'yan sa Trina na yan," bulyaw ni Divina sa anak nyang si Dave."But mom, I love Trina. Please mom sana naman po ay matanggap nyo na sya para sa akin," sagot naman ni Dave.Lalo namang nainis si Divina sa sinagot sa kanya ni Dave. "Pag-isipan mong mabuti yan Dave. Kitang kita naman kasi kung anong ugali meron yang Trina na yan," galit pa rin nyang sagot sa anak.Dave Lim came from a rich family. Solong anak lamang siya ng mag asawang Clint at Divina Lim. Nag iisang tagapagmana nila eto kaya gusto nila ay makapangasawa eto ng matinong babae.Ayaw na ayaw ni Divina sa kasintahan ni Dave na si Trina. Hindi nya gusto ang karakas ng babae. Kaya tutol na tutol sya sa relasyon nito sa anak nya."Alam mo Dave baka yang babae na yan pa ang maging dahilan ng pagkasira ng pamilya natin. Kaya mag isip isip kang mabuti. Wag mo ng hintayin pa na gumawa ako ng paraan para lang paghiwalayin ko kayo," sabi pa ni Divina.Napag isip isip naman si Dave nang mabuti.
CHAPTER 3"Mom, ano 'yon? Nakakahiya!" pangaral ni Dave sa mommy nya nang makauwi sila ng mansyon.Pinandilatan sya ng mata ni Divina. "Nahihiya ka? Eh, sa pagpatol sa babaeng tulad ni Trina? Hindi ka nahihiya?" Galit na sagot ni Divina sa anak.Naihilamos na lang ni Dave ang dalawang kamay nya sa sa mukha nya sa sobrang inis. Ayaw kasi talagang tanggapin ng mommy nya ang desisyon nyang ituloy ang relasyon nila ni Trina."I told you, Dave. Hindi ko gusto ang babaeng 'yon, mas okay pa sa akin kung yung ate Aira nya ang makakatuluyan mo. Disente ang kapatid nya at pwede nating ipagyabang sa mga kamag-anak at kakilala natin. Ibang iba ang ugali ni Aira dyan sa kapatid nyang si Trina," pagbibida ni Divina."Mom please... I love Trina. Alam nyo naman po na matagal na din kaming may relasyon diba. Sana magustuhan nyo na din po sya para sa akin. Please mom tanggapin nyo na po si Trina," sagot ni Dave na mukhang nagpapaawa pa sa ina.Umiling iling naman sa kanya si Divina. "Binalaan na kita t
CHAPTER 4Kinabukasan ay magkasama na naman sila Dave at Trina. Umuwi lang saglit si Trina sa kanilang bahay upang magpalit ng damit at umalis na din kaagad upang makipag kita ulet kay Dave. Obsess na obsess sya kay Dave at gusto nya ay palagi nya etong nakikita."Okay ka lang ba babe? Pasensya ka na sa nangyari kahapon ha," agad na sabi ni Dave kay Trina."Okay lang ako babe. Naiintindihan ko naman si tita Divina," sagot ni Trina. "Babe naisip ko lang kung magpakasal na kaya tayo. Nasa tamang edad naman na tayo babe saka matagal na din naman tayo diba," sabi pa ni Trina kay Dave. Nasa isang park sila ngayon at naglalakad lakad dahil yun ang gustong puntahan ni Trina.Nagulat naman si Dave sa sinabi ni Trina at napatigil sa paglalakad. "W - what?" "Let's get married babe. Bat hindi pa tayo magpakasal. Mahal naman natin ang isat isa. I want to spend the rest of my life with you Dave," malambing pa na Sabi ni Trina habang nakangiti kay Dave.Hindi naman kaagad maka imik si Dave sa sina
CHAPTER 5Nang gabi na iyon ay inabangan na ng mag asawang Ramon at Cheska ang anak nila na si Trina na maka uwi. Kailangan na kasi din nila etong maka usap para ipaliwanag ang sitwasyon ng kumpanya nila.Pagkapasok ni Trina ng kanilang bahay ay agad nyang nakita ang kanyang ina na nasa sala habang nanonood ng TV."Hi mom," bati ni Trina sa ina ng makalapit sya dito at humalik sa pisngi ng ina."O andyan ka na pala Trina. San ka ba nanggagaling ha? Kagabi hindi ka rin umuwi," malumanay na sabi ni Cheska sa anak."Sorry mom kung hindi po ako nakapagpa alam sa inyo kagabe. Pumunta lang po ako kay Karen kagabe at dun na rin po ako natulog. Kanina naman po ay namasyal naman po kami ni Dave," sagot ni Trina."Ah ganon ba. Trina anak gusto ka sana namin maka usap ng daddy mo," sabi ni Cheska."Tungkol po saan mom?" tanong ni Trina."Halika dun tayo sa library ng daddy mo. Kanina ka pa rin nya hinihintay," sagot ni Cheska at iginiya pa nya si Trina papunta sa library ng kanilang bahay kung s
CHAPTER 6Sa bahay naman nila Dave ay naghihintay sa kanya ang mga magulang nya na maka uwi siya. "Finally umuwi ka rin," sabi ni Divina kay Dave nang makapasok eto sa bahay nila dahil kanina pa sila naghihintay ng asawa nya na umuwi eto."Dave let's talk. Follow me," sabi ni Clint at naglakad na eto papunta sa kanyang opisina sa loob din ng kanilang bahay. Nakasunod naman sa kanya ang kanyang asawa kaya sumunod na lang dinn si Dave sa magulang nya."Bakit po dad, mom? May problem po ba?" Tanong kaagad ni Dave sa kanyang mga magulang ng makapasok sila ng opisina ng kanyang ama."Umupo ka muna anak. May gusto sana kaming sabihin sa iyo," sabi ni Clint kay Dave.Umupo naman na muna si Dave at nagsalita. "Ako din po may gusto din po sana akong sabihin sa inyo."Nagkatinginan naman na muna ang mag asawa bago nagsalita. " Sige go ahead. What is it?" sabi ni Clint."Ahmmm. Mom, dad balak na po sana namin na magpakasal ni Trina," sagot ni Dave.Nanlaki naman ang mata ni Divina sa sinabi ni