CHAPTER 251"Congratulations mommy and daddy," sabay pa na bati ng kambal kila Aira at Dave kaya naputol ang paghahalikan ng mga ito at hindi pa nga nila napansin ang paglapit ng kambal sa kanila."Thank you babies," sagot ni Aira sa kambal saka nya ito hinalikan sa pisngi at yinakap.Nagsilapitan na rin naman ang mga magulang nila sa kanila at ang ilan sa mga bisita na naroon din na hindi inaasahan ni Aira na nandoon din pala.Una ng lumapit ang kanilang mga magulang upang batiin silang dalawa at pawang masaya ang mga ito para sa kanila. Hindi rin inaasahan ni Aira na naroon ang magulang nya dahil alam nya na nagluluksa pa rin ang mga ito sa pagkawala ng kanyang kapatid na si Trina."Congrats best. Yieh. Finally totoo na yan. Mahal mo na talaga si Dave at hindi na pinagkasundo lang," sabi ni Bianca kay Aira. Nagulat rin si Aira dahil nandoon ito dahil sa pagkakaalam nya ay masyado itong busy ngayon."Oo nga finally," natatawang sabi ni Aira rito. "Akala ko ba marami kang ginagawa nga
CHAPTER 252 Nakangiti naman si Aira na nakatingin kay Dave na nanlaki na lamang ang mata matapos makita ang laman ng maliit na kahon. "B-buntis ka? S-seryoso to? Magiging daddy na ulet ako?" kandautal pa na tanong ni Dave kay Aira. "Yes. Buntis na ulet ako Dave. Magiging daddy ka na ulet," nakangiti namang sagot ni Aira kay Dave. Nung nakaraang araw lang din nya nalaman na buntis pala sya. Sa dami kasi ng mga nangyare nitong mga nakaraang linggo ay nawala na sa isip nya na hindi na pala sya dinadatnan ng buwanang dalaw nya at neto lang ding nakaraang araw ay naisipan nga nya na gumamit na ng pregnancy test dahil napapadalas na kasi ang pagkahilo nya at tuwing umaga naman ay nasusuka sya pero wala naman syang maisuka. "Magiging ate na ako?" tumitili pa na tanong ni Reign sa kanyang ina. "Yes baby magiging ate ka na," tumatango pa na sagot ni Aira kay Reign. "Yehey kuya na ulet ako," excited naman na sabi ni Rayver. Napapangiti naman sila Aira at Dave dahil kita nila sa kambal n
CHAPTER 253Matulin naman na lumipas ang mga araw at naging abala nga sila sa magaganap na kasal sa pagitan nila Aira at Dave. Hindi naman din sila masyado nahirapan dahil may mga tao nga na binayaran din si Dave para mag asikaso sa mga kakailanganin sa magaganap na kasalan.Gusto pa sana ni Aira na simpleng kasalan na lamang ang mangyare pero hindi pumayag si Dave dahil gusto raw nyang iparanas kay Aira ang the best wedding at gusto talaga nyang maging enggrande iyon dahil isa iyon sa pinakamahalagang araw para sa kanilang dalawa ni Aira.Sa buong panahon naman ng pag aasikaso ng kasal nila Dave at Aira ay halos sa mga seminar lang naman sila umaattend at dahil na rin nagkaroon ng morning sickness si Aira dala ng pagbubuntis nito kaya madalas ay nasa unit lamang nila ito.And yes sa unit pa rin sa condo sila nakatira dahil ang gusto nila ay pagkatapos ng kasal saka sila lilipat sa bagong bahay na pinagawa ni Dave para sa kanilang pamilya at hindi lang yun basta bahay lang dahil mansy
CHAPTER 254 Maaga naman na nagising sila Aira at Dave ngayon dahil ngayon na ang araw ng kanilang kasal. Nauna na rin na bumyahe si Aira papunta sa Tagaytay kung saan idaraos ang kanilang kasal ayaw pa sana nitong pumayag na mauna sya dahil ang gusto nya ay kasama nya palagi si Dave pero sinundo na sya ng mga magulang nya dahil hindi daw sila pwedeng magsabay na dalawa ni Dave. Kasama na rin ni Aira ang kambal nilang anak na excited na rin sa kasal ng kanilang mga magulang. Halos kasunuran lang din naman nila sila Dave na kasama naman ang kanyang mga magulang.Sa isang hotel pa muna didiretso sila Aira at Dave dahil hapon pa naman ang kanilang kasal at doon na lamang din sila aayusan at magbibihis sa hotel. Sa hotel din na yun kasi idaraos ang kanilang reception.Sa room ni Dave ay nakabihis naman na sya at panay pa ang tingin nya sa kanyang relo. Hindi na kasi sya makapag hintay pa dahil gusto na nyang makasal na sila ni Aira. Sobrang saya nga ng puso nya dahil sa wakas ay mabubuo
CHAPTER 255Sa simbahan naman ay hindi na mapakali si Dave dahil kahit na halos kararating pa lamang nya doon ay naiinip na kaagad sya dahil wala pa nga ang kanyang bride."Dave pwede ba tumigil ka ng kakaikot mo dyan. Nahihilo na ako sa'yo eh," naiinis ng sabi ni Gino kay Dave. Kasabay nya kasi itong dumating doon at simula ng dumating sila roon ay lakad tayo na ang ginawa ninDave. Si Gino rin kasi ang Groomsmen ni Dave at si Bianca naman ang maid of honor ni Aira."Bakit kasi ang tagal nila. Dapat kasi sabay na lang kami na nagpunta rito e," naiinip na sabi ni Dave. Napapailing na lamang si Gino dahil sa sinabi ni Dave."Tsk. Ewan ko sa'yo," natatawa pa na sabi ni Gino dahil ang itsura ngayon ni Dave ay hindi na maipinta."Bro mararamdaman mo rin ang nararamdaman ko kapag kinasal na kayo ni Bianca at ako naman ang uupo dyan at tatawanan ka," sabi ni Dave kay Gino kaya naman natigilan bigla si Gino at natahimik na lamang.Maya maya ay nakita naman ni Dave na dumating ang kambal nyang
CHAPTER 256Pagkaharap nila Aira at Dave sa altar ay agad ng sinimulan ng pari na magkakasal sa kanila ang seremonya ng kasal. Hanggang sa dumako na nga sila sa palitan ng kanilang mga vows sa isa't isa. At una na nga na nagsalita si Aira."Dave mahal ko. Hindi mo alam kung gaano kasaya ang puso ko ngayon dahil finally ay kinakasal na tayo. Sobrang saya ko dahil sa pagkakataon na ito ay hindi na tayo ipinagkasundo pa ng ating mga magulang dahil ngayon totoong mahal na natin ang isa't isa," pigil ang luha na sambit ni Aira. "I didn't expect that my sister's lover become my husband. Alam ko na marami na tayong pinagdaanang pagsubok na dalawa bago tayo humantong rito. Dave sorry sa mga panahon na sumuko ako at nagpakalayo layo. Ang buong akala ko kasi ay hindi mo na ako mahal at ayaw ko naman na ipagsiksikan ko ang sarili ko sa'yo dahil gusto ko rin naman na lumigaya ka dahil nga mahal kita," seryosong sabi ni Aira saka nya pinakatitigan sa mga mata nito si Dave na mataman din naman na
CHAPTER 257Sa hotel naman na pagdarausan ng reception nila Aira at Dave ay nauna na ang mga bisita nila. Kailangan kasi munang magpalit ni Aira ng kanyang gown na para sa reception dahil masyadong mabigat ang gown na suot nya kanina sa simbahan. Kagaya ng suot nya kanina ay elegante pa rin naman syang tingnan sa suot nya ngayon na damit pero hindi na ito kagaya kanina na mabigat dahil baka hindi lamang sya makagalaw ng ayos kung mabigat ang suot nyang damit. Rinetouch lang sya ng kaunti ng make up artist nya at inilugay na rin ang buhok nya na hanggang bewang saka ito kinulot ng kaunti.Pagkatapos magbihis at ayusan si Aira ay agad na rin naman silang bumaba ni Dave para sa reception ng kanilang kasal. Meron pa silang grand entrance na dalawa pagkapasok nila roon at sumalubong pa sa kanila ang palakpakan ng kanilang mga bisita.Agad naman ng nagsimula ang program nila roon pagkatapos ay pinakain na muna nila ang mga bisita dahil may mga pagames pa na inihanda para sa mga naroon pagka
CHAPTER 258 "Are you happy?" tanong ni Dave kay Aira ng sila na lamang dalawa at ang mga bisita nila naman ay busy pa sa pakikipag usap sa ibang mga bisita na kakilala rin ng mga ito na naroon sa kanilang kasal. Tumango tango naman si Aira at saka nya matamis na nginitian si Dave. "Sobrang saya Dave. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon," sagot ni Aira. "Hindi ko akalain na mangyayari pa pala ito sa ating dalawa," dagdag pa ni Aira. "Syempre hindi ako papayag na hindi ito mangyare kahit na marami tayong pinagdaanan na problema," sagot ni Dave. "Mahal na mahal kita Aira at lahat handa kong gawin para sa'yo," dagdag pa ni Dàve saka nya dinampian ng halik sa noo si Aira. "Mahal na mahal din kita Dave," nakangiti pa na sagot ni Aira rito. Ilang oras pa ang lumipas at iniwanan naman na nila Aira at Dave ang kanilang nga bisita at umakyat na muna sila sa kanilang kwarto sa hotel na iyon dahil napapagod na si Aira at gusto na munang magpahinga. Pagkapasok nila sa kanilang
CHAPTER 497"Hindi ako nagbibiro Dylan. Totoo ang sinasabi ko sa'yo. Ikakasal na talaga ako. At kaya ako nagbalik ng bansa ay para mag asikaso ng nga kailangan namin sa kasal ng nobyo ko," seryoso na sagot ni Amara kay Dylan at bakas nga sa mata nito ang lungkot.Napaawang naman ang bibig ni Dylan dahil sa sinabi ni Amara at napakurap kurap pa nga sya kasabay ng paglandas ng luha sa pisngi nya dahil parang hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang narinig."H-hindi. H-hindi totoo yan," sabi ni Dylan kasabay ng pag iling nya. "Nagbibiro ka lang Amara. Hindi yan totoo diba?" dagdag pa ni Dylan at hindu talaga sya naniniwala sa sinabi ni Amara.Napabuntong hininga naman si Amara at saka nya hinawakan sa kamay si Dylan at saka nya muling tinitigan sa mga mata ang binata."Nagsasabi ako ng totoo Dylan. Ikakasal na talaga ako," sabi ni Amara kay Dylan. "Oo mianahal kita kaya nga nagawa kong umalis para naman walang maging sagabal sa pag abot ng nga pangarap mo. Gusto kong maging masaya ka ka
CHAPTER 496Napaawang naman ang bibig ni Amara dahil sa kanyang mga narinig at tila ba parang bigla syang naestatwa sa kanyang kinatatayuan at hindi alam ang gagawin. Totoong hindi talaga sya makapaniwala sa kanyang mga narinig na sinabi ni Dylan."D-Dylan b-bakit mo to sinasabi ngayon?" kandautal pa na sabi ni Amara. "Nagbibiro—" hindi naman na naituloy pa ni Amara ang kanyang sasabihin ng bigla nga syang kabigin ni Dylan sa kanyang bewang at agad na naglapat ang kanilang mga labi.Naging banayad naman ang paghalik ni Dylan kay Amara at napapapikit pa nga ito na wari mo ay ninanamnam ang mga labi ni Amara.Nanlaki na lamang talaga ang mga mata ni Amara dahil sa ginawa ni Dylan na paghalik sa kanya. Hindi nya talaga ito inaasahan at hindi nga nya malaman kung tutugon ba sya o hindi sa ginagawa nitong paghalik sa kanya.At dahil nga nabitin sa pagsasalita si Amara kanina ay nakaawang nga ang kanyang bibig kaya naman malayang naipasok ni Dylan ang kanyang dila sa loob ng bibig ni Amara
CHAPTER 495"Nakabubuti? Paano mo nasabing nakabubuti para sa atin iyon?" kunot noo pa na tanong ni Dylan kay Amara.Bumuntong hininga naman si Amara at saka sya pumunta sa harapan ni Dylan at saka sya humarap dito at seryosong tiningnan ang binata."Oo mas nakabubuti yun para sa atin kaya ko iyon ginawa. Diba sabi mo noon sa akin ay magiging abala ka na sa kumpanya nyo. Ayoko naman na maging sagabal sa pagtupad ng mga pangarap mo kaya mas minabuti ko na lamang na lumayo sa'yo dahil alam mo naman kung gaano kita kagusto noon diba? Kaya nga palagi akong pumupunta sa'yo kaya naisip ko na kung lalayo ako ay makakapag focus ka sa mga ginagawa mo," paliwanag ni Amara kay Dylan."Tingin mo tama ang ginawa mo? Parang bigla mo na lang akong kinalimutan Amara. Limang taon Amara. Limang taon na wala kang paramdam. Hinihintay ko na ikaw ang unang tatawag man lang sa akin dahil ikaw ang umalis ng basta na lang pero ni ho ni ha ay wala akong narinig sa'yo," tila naiinis ng sabi ni Dylan kay Amara
CHAPTER 494Habang abala naman ang lahat sa panonood sa palabas ng clown at sa mga palaro roon ay tahimik lamang naman na nakatanaw si Dylan sa gawi ni Amara. Katabi nga nito ang kanyang ina na halos ayaw ng bitawan pa ang dalaga Hindi nya nga talaga ito nalapitan man lang kanina dahil nga tinawag na sila kanina dahil magsisimula na nga ang party ng kanyang pamangkin. Kaya ngayon ay hanggang tanaw tanaw na lamang talaga muna sya kay Amara at maghihintay na lamang sya ng tamang tyempo na malapitan at makausap nya nga ito.Nang mapansin nga ni Dylan na tumayo si Amara at nagmamadaling umalis sa tabi ng kanyang ina ay halos humaba naman ang leeg nya at tinanaw nya nga kung saan pupunta si Amara at ng makita nga nya kung saan ito pumunta ay agad naman na syang tumayo at pasimpleng umalis sa kanyang pwesto at dahan dahan na sinundan si Amara kung saang gawi ito nagpunta.Pagkatapos naman na umihi ni Amara ay saglit pa nga syang tumingin sa salamin na naroon din sa loob ng Cr at saglit pa
CHAPTER 493Agad naman na napatingin sila Aira sa gawi ng pinto kung saan naroon ang nagsalita na iyon. At maging si Dylan ay biglang natigilan ng marinig nga nya ang boses na iyon dahil kilalang kilala nya kung kaninong boses nga iyon."Oh my god Amara," sigaw ni Aira at agad pa nga itong tumayo at agad na linapitan si Amara at yinakap ng mahigpit.Agad naman na ginantihan ng yakap ni Amara ang tita Aira nya dahil namiss nya nga rin talaga ito.Nakangiti naman si Bianca habang pinapanood ang anak nya at ang kaibigan nya. Alam nyang sobrang saya ni Aira ngayon na makita muli si Amara dahil parang anak na nga rin ang turing nito kay Amara."Bakit naman kasi ngayon ka lang bumalik hija? Ayaw mo na ba sa amin kaya ka umalis ng ganon ganon na lamang?" himig nagtatampo na sabi ni Aira ng bumitaw sya sa pagkakayakap nya kay Amara."Sorry po talaga tita Aira kung umalis po ako noon ng biglaan at hindi nagpapaalam. Gusto ko po kasing subukang mamuhay ng hindi umaasa kila mommy at daddy kaya k
CHAPTER 492Pagkatapat sa silid kung saan naroon si Aira ay tumigil naman na muna si Bianca at saka nya liningon si Amara at saka nya ito matamis na nginitian. Nang ngumiti naman pabalik si Amara ay saka naman kumatok si Bianca sa pintuan ng naturang silid at saka nya nga ito binuksan."Isurprise natin ang tita Aira mo anak. Dyan ka na muna ha. Tatawagin na lamang kita o kaya naman ay humanap ka ng tyempo na papasok ka roon ng hindi napapansin ng tita Aira mo," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara dahil naisian nga nya na isurprise ang kanyang kaibigan nya dahil alam nga nya na miss na miss na nito si Amara at tiyak na matutuwa nga ito kapag nakita nito na kasama nga nya si Amara ngayon.Pagkabukas nga ni Bianca ay agad nga nyang nakita si Aira at ang buong pamilya nito sa silid na iyon. Agad naman na napangiti si Aira ng makita nga nya na si Bianca ang nagbukas ng pintuan kasama ang asawa at anak nitong si Amanda."Mabuti naman at narito ka na. Akala ko talaga ay hindi na kayo
CHAPTER 491"Grabe anak sobrang tagal mo naman. Kanina pa kaya kami naghihintay sa'yo rito ng daddy mo," sabi ni Bianca ng makita nga nya na pababa na ng hagdan si Amara habang bitibitnga nito ang maliit na bag na naglalaman ng damit nito dahil baka mag over night na nga rin sila roon sa resort na iyon."Sorry mom. Hindi po kasi ako makapag decide kung ano poang susuotin ko," sagot ni Amara at tila ba bigla syang nahiya sa magulang nya dahil napatagal talaga sya sa pagpili ng isusuot nya.Tumayo naman na si Bianca at saka sya lumapit kay Amara at saka sya bumuntong hininga at hinaplos ang buhok ni Amara at saka nay ito nginitian."Alam ko na kinakabahan ka na makaharap sila muli. Wag kang mag alala at hindi naman galit sa'yo ang tita Aira mo dahil naipaliwanag ko naman na sa kanya ang lahat at naiintindihan ka naman nya noon pa," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara."Alam ko naman po na mabait si tita Aira pero nahihiya pa rin po ako mom," sagot ni Amara sa kanyang ina."Wag mo
CHAPTER 490Mabilis naman na lumipas ang mga araw at talaga namang sinulit ni Amara ang pagbabalik bansa nya. Palagi nga nyang inaaya ang kanyang kapatid na si Amanda na gumala at mamasyal at maging magshopping na rin ng damit dahil kaunti lang din talaga ang dala nyang damit ng bumalik sya ng pinas.Sa nakalipas din na mga araw ay hindi na nga muna kinokontak man lang ni Amara ang kanyang fiance na si Zeus dahil talagang nainis sya rito noong huling beses nga sila na mag usap dahil pakiramdam nya ay nasasakal na nga rin sya sa ginagawa nito sa kanya. Hinayaan na lamang talaga nya muna si Zeus na magpalamig ng kanyang ulo at kahit nga tinatawagan sya nito minsan ay hindi nya nga muna ito sinasagot at tinetext na lamang nya ito na mayroon syang ginagawa kaya hindi masagot ang tawag nito. Kahit papaano rin naman kasi ay ayaw nya nga sanang baliwalain si Zeus dahil nga fiance pa rin naman nya ito at may pinagsamahan na rin naman silang dalawa. Gusto lamang din nyang magpalamig na muna a
CHAPTER 489"Bakit ka ba nagkakaganyan na bata ka ha? Napapansin kong nagiving mainitin na ang iyong ulo nitong mga nakaraang araw," sabi ni Walter sa kanyang anak at saka sya naglakad papalapit sa table nito at saka naupo sa upuan na nasa harapan ng kanyang anak."Sorry dad," mahinang sagot ni Zeus sa kanyang ama."May problema ka ba anak? Pwede mo naman iyong sabihin sa amin ng mommy mo. Kung may problema dito sa kumpanya ay maaari ka naman naming tulungan," sabi pa ng ama ni Zeus sa kanya.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Zeus at saka nya seryosong tumingin sa ka yang ama."Si Amara po kasi dad. Napag usapan naman na po namin na sya ang mag aasikaso ng mga kakailanganin namin sa kasal tutal ay gusto nyang magpakasal kami ay sa Pilipinas. Pero tumawag po ako sa kanya ang sagot nya sa akin ngayon ay magpapahinga raw po muna sya bago nya iyon asikasuhin," sagot ni Zeus sa kanyang ama at ang tono pa ng pananalita nya ay parang nagpapaawa sa kanyang ama."Si Ama