CHAPTER 250Pagkababa ni Aira sa hotel room nila ay may sumalubong pa sa kanya na staff ng hotel at inabutan sya ng isang red rose at iginiya sya nito palabas ng hotel. Nagtataka man ay napasunod na lamang din sya rito. Bawat staff pa na madadaanan nila ay inaabutan sya ng bulaklak na labis na nyang ipinagtataka."S-sandali lang para saan ba to? Anong meron?" pigil ni Aira sa isang staff at hindi na nya maiwasang magtanong dahil naguguluhan sya dahil baka nagkakamali lamang ang mga ito ng binibigyan ng bulaklak.Hindi naman nagsalita ang staff na sinusundan nya bagkos ay nginitian sya nito at inalalayan hanggang sa makalabas sila sa garden ng nasabing hotel.Napaawang pa ang bibig ni Aira dahil paglabas nya roon ay nabungaran nya ang napakaraming nakakalat na petals ng red roses at sa gitna noon ay may hugis puso. Medyo madilim din sa paligid ng garden kaya ang tanging nakikita lamang ni Aira ay ang nsa gitna dahil natatapatan ito ng ilaw Linapitan naman si Aira ng isang staff ng hot
CHAPTER 251"Congratulations mommy and daddy," sabay pa na bati ng kambal kila Aira at Dave kaya naputol ang paghahalikan ng mga ito at hindi pa nga nila napansin ang paglapit ng kambal sa kanila."Thank you babies," sagot ni Aira sa kambal saka nya ito hinalikan sa pisngi at yinakap.Nagsilapitan na rin naman ang mga magulang nila sa kanila at ang ilan sa mga bisita na naroon din na hindi inaasahan ni Aira na nandoon din pala.Una ng lumapit ang kanilang mga magulang upang batiin silang dalawa at pawang masaya ang mga ito para sa kanila. Hindi rin inaasahan ni Aira na naroon ang magulang nya dahil alam nya na nagluluksa pa rin ang mga ito sa pagkawala ng kanyang kapatid na si Trina."Congrats best. Yieh. Finally totoo na yan. Mahal mo na talaga si Dave at hindi na pinagkasundo lang," sabi ni Bianca kay Aira. Nagulat rin si Aira dahil nandoon ito dahil sa pagkakaalam nya ay masyado itong busy ngayon."Oo nga finally," natatawang sabi ni Aira rito. "Akala ko ba marami kang ginagawa nga
CHAPTER 252 Nakangiti naman si Aira na nakatingin kay Dave na nanlaki na lamang ang mata matapos makita ang laman ng maliit na kahon. "B-buntis ka? S-seryoso to? Magiging daddy na ulet ako?" kandautal pa na tanong ni Dave kay Aira. "Yes. Buntis na ulet ako Dave. Magiging daddy ka na ulet," nakangiti namang sagot ni Aira kay Dave. Nung nakaraang araw lang din nya nalaman na buntis pala sya. Sa dami kasi ng mga nangyare nitong mga nakaraang linggo ay nawala na sa isip nya na hindi na pala sya dinadatnan ng buwanang dalaw nya at neto lang ding nakaraang araw ay naisipan nga nya na gumamit na ng pregnancy test dahil napapadalas na kasi ang pagkahilo nya at tuwing umaga naman ay nasusuka sya pero wala naman syang maisuka. "Magiging ate na ako?" tumitili pa na tanong ni Reign sa kanyang ina. "Yes baby magiging ate ka na," tumatango pa na sagot ni Aira kay Reign. "Yehey kuya na ulet ako," excited naman na sabi ni Rayver. Napapangiti naman sila Aira at Dave dahil kita nila sa kambal n
CHAPTER 253Matulin naman na lumipas ang mga araw at naging abala nga sila sa magaganap na kasal sa pagitan nila Aira at Dave. Hindi naman din sila masyado nahirapan dahil may mga tao nga na binayaran din si Dave para mag asikaso sa mga kakailanganin sa magaganap na kasalan.Gusto pa sana ni Aira na simpleng kasalan na lamang ang mangyare pero hindi pumayag si Dave dahil gusto raw nyang iparanas kay Aira ang the best wedding at gusto talaga nyang maging enggrande iyon dahil isa iyon sa pinakamahalagang araw para sa kanilang dalawa ni Aira.Sa buong panahon naman ng pag aasikaso ng kasal nila Dave at Aira ay halos sa mga seminar lang naman sila umaattend at dahil na rin nagkaroon ng morning sickness si Aira dala ng pagbubuntis nito kaya madalas ay nasa unit lamang nila ito.And yes sa unit pa rin sa condo sila nakatira dahil ang gusto nila ay pagkatapos ng kasal saka sila lilipat sa bagong bahay na pinagawa ni Dave para sa kanilang pamilya at hindi lang yun basta bahay lang dahil mansy
CHAPTER 254 Maaga naman na nagising sila Aira at Dave ngayon dahil ngayon na ang araw ng kanilang kasal. Nauna na rin na bumyahe si Aira papunta sa Tagaytay kung saan idaraos ang kanilang kasal ayaw pa sana nitong pumayag na mauna sya dahil ang gusto nya ay kasama nya palagi si Dave pero sinundo na sya ng mga magulang nya dahil hindi daw sila pwedeng magsabay na dalawa ni Dave. Kasama na rin ni Aira ang kambal nilang anak na excited na rin sa kasal ng kanilang mga magulang. Halos kasunuran lang din naman nila sila Dave na kasama naman ang kanyang mga magulang.Sa isang hotel pa muna didiretso sila Aira at Dave dahil hapon pa naman ang kanilang kasal at doon na lamang din sila aayusan at magbibihis sa hotel. Sa hotel din na yun kasi idaraos ang kanilang reception.Sa room ni Dave ay nakabihis naman na sya at panay pa ang tingin nya sa kanyang relo. Hindi na kasi sya makapag hintay pa dahil gusto na nyang makasal na sila ni Aira. Sobrang saya nga ng puso nya dahil sa wakas ay mabubuo
CHAPTER 255Sa simbahan naman ay hindi na mapakali si Dave dahil kahit na halos kararating pa lamang nya doon ay naiinip na kaagad sya dahil wala pa nga ang kanyang bride."Dave pwede ba tumigil ka ng kakaikot mo dyan. Nahihilo na ako sa'yo eh," naiinis ng sabi ni Gino kay Dave. Kasabay nya kasi itong dumating doon at simula ng dumating sila roon ay lakad tayo na ang ginawa ninDave. Si Gino rin kasi ang Groomsmen ni Dave at si Bianca naman ang maid of honor ni Aira."Bakit kasi ang tagal nila. Dapat kasi sabay na lang kami na nagpunta rito e," naiinip na sabi ni Dave. Napapailing na lamang si Gino dahil sa sinabi ni Dave."Tsk. Ewan ko sa'yo," natatawa pa na sabi ni Gino dahil ang itsura ngayon ni Dave ay hindi na maipinta."Bro mararamdaman mo rin ang nararamdaman ko kapag kinasal na kayo ni Bianca at ako naman ang uupo dyan at tatawanan ka," sabi ni Dave kay Gino kaya naman natigilan bigla si Gino at natahimik na lamang.Maya maya ay nakita naman ni Dave na dumating ang kambal nyang
CHAPTER 256Pagkaharap nila Aira at Dave sa altar ay agad ng sinimulan ng pari na magkakasal sa kanila ang seremonya ng kasal. Hanggang sa dumako na nga sila sa palitan ng kanilang mga vows sa isa't isa. At una na nga na nagsalita si Aira."Dave mahal ko. Hindi mo alam kung gaano kasaya ang puso ko ngayon dahil finally ay kinakasal na tayo. Sobrang saya ko dahil sa pagkakataon na ito ay hindi na tayo ipinagkasundo pa ng ating mga magulang dahil ngayon totoong mahal na natin ang isa't isa," pigil ang luha na sambit ni Aira. "I didn't expect that my sister's lover become my husband. Alam ko na marami na tayong pinagdaanang pagsubok na dalawa bago tayo humantong rito. Dave sorry sa mga panahon na sumuko ako at nagpakalayo layo. Ang buong akala ko kasi ay hindi mo na ako mahal at ayaw ko naman na ipagsiksikan ko ang sarili ko sa'yo dahil gusto ko rin naman na lumigaya ka dahil nga mahal kita," seryosong sabi ni Aira saka nya pinakatitigan sa mga mata nito si Dave na mataman din naman na
CHAPTER 257Sa hotel naman na pagdarausan ng reception nila Aira at Dave ay nauna na ang mga bisita nila. Kailangan kasi munang magpalit ni Aira ng kanyang gown na para sa reception dahil masyadong mabigat ang gown na suot nya kanina sa simbahan. Kagaya ng suot nya kanina ay elegante pa rin naman syang tingnan sa suot nya ngayon na damit pero hindi na ito kagaya kanina na mabigat dahil baka hindi lamang sya makagalaw ng ayos kung mabigat ang suot nyang damit. Rinetouch lang sya ng kaunti ng make up artist nya at inilugay na rin ang buhok nya na hanggang bewang saka ito kinulot ng kaunti.Pagkatapos magbihis at ayusan si Aira ay agad na rin naman silang bumaba ni Dave para sa reception ng kanilang kasal. Meron pa silang grand entrance na dalawa pagkapasok nila roon at sumalubong pa sa kanila ang palakpakan ng kanilang mga bisita.Agad naman ng nagsimula ang program nila roon pagkatapos ay pinakain na muna nila ang mga bisita dahil may mga pagames pa na inihanda para sa mga naroon pagka