CHAPTER 123Samantala naman pakauwi nila Aira ay kinausap nya ang kambal nyang anak."Mga anak makinig kayo kay mommy ha," sabi ni Aira sa mga bata ng paupuin nya eto sa kama saka nya ito hinarap. Nagkatinginan naman ang kambal saka nila hinintay ang kasunod na sasabihin ng kanilang ina."Kapag lalabas kayo wag kayong makikipag usap sa mga hindi nyo kilala ha at lalong wag na wag kayong sasama kung kani kanino lalo na kung ngayon nyo pa lamang nakita ang tao na yun. Kapag kasama nyo naman sila tita Janella at Lola Wanda ay wag kayong hihiwalay sa kanila ha. Naiintindihan nyo ba si mommy?" pagpapaalala ni Aira sa kanyang kambal na anak. Tumango tango naman ang kambal sa kanya."Opo mommy," magakapanabay pa na sagot ng kambal."Sorry po ulet sa nangyare kanina mommy," dugtong pa ni Rayver."It's okay anak. Basta sa susunod ay wag ng uulitin ha," sagot ni Aira kay Rayver."Yes mommy," sagot ni Rayver sa ina. Nginitian naman ni Aira ang kambal. "O sige. Maglaro na kayo ng mga binili nyon
CHAPTER 124"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" tanong ni Gino kay Dave dahil nakabihis na ito. Kagabi kasi ay hinayaan nya na lamang muna na mapag isa ang kaibigan upang makapag isip isip sa mga dapat nitong gawin ngayong abot kamay na lamang nito ang kanyang mag iina."Oo sigurado na ako rito. Kailangan kong harapin si Aira at tatanggapin ko ang galit nya sa akin kahit na sumbatan at saktan pa nya ako ay tatanggapin ko," seryosong sagot ni Dave sa kaibigan."Kung ganon ay good luck. Sana ay maging maayos pa rin kayo ni Aira sa kabila ng mga nangyare sa inyo noon," sagot ni Gino sa kaibigan. Tumango tango naman si Dave sa kaibigan."Salamat. Tara na," sagot nya kay Gino saka nya ito inaya upang makaalis na sila. Agad na rin naman silang umalis at pumunta sa address ni Aira na ibinigay ni Aldrin sa kanila.Pagkarating nila roon ay hindi na muna sila bumaba ng sasakyan nila at tinitingnan muna nila ang paligid kung saan nakatira si Aira at mukhang maayos naman ang lugar kung saan nakati
CHAPTER 125Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Dave bago sya nagsalita."K-Kumusta ka na?" kandautal pa na tanong ni Dave kay Aira. Dahil totoong kinakabahan sya lalo ngayon kaharap na nya ang dati nyang asawa."Ano ang kailangan mo sa akin? Paano mo nalaman na narito ako?" sunod sunod na tanong ni Aira."A-Aira s-sorry. Patawarin mo ako kung hindi kita pinakinggan ng mga panahon na yun. Sobra lamang akong nasaktan kaya ko nagawa ang bagay na yun. I'm sorry," sagot ni Dave kasabay ng pag alpas ng kanyang luha.Hindi naman nakasagot si Aira dahil hindi nya alam kung ano ba ang dapat nyang sabihin kay Dave sa paghingi nito ng tawad sa kanya. Hanggang ngayon naman kasi ay nasasaktan pa rin sya sa ginawa nito noon na hindi pakikinig sa kanya dahil pinalalabas lamang nito na wala itong tiwala sa kanya."Sorry Aira sana ay mapatawad mo pa ako," muli hinging tawad ni Dave kay Aira."Bakit mo pa ba ako hinanap? May kailangan ka ba sa akin? Pinirmahan ko naman na ang ann
CHAPTER 126Ilang minuto ring nanatili sila Dave at Aira sa ganong posisyon bago sapilitan ng kumalas si Aira sa pagkakayakap ni Dave sa kanya dahil baka madala na rin sya sa nararamdaman nya."Gusto ko na ng tahimik na buhay Dave at masaya na ako rito. Wala ka naman ng kailangan pa sa akin dahil hiwalay na tayo kaya pakiusap lang pabayaan mo na ako. Wag mo na akong guluhin pa," sabi ni Aira at saka nya tinalikuran si Dave. Nakakailang hakbang pa lamang si Aira ng magsalita muli si Dave na nakapagpatigil kay Aira sa paghakbang nya."Ang tungkol sa mga bata. Wala ka bang balak sabihin sa akin? Hindi mo man lang ba sila ipapakilala sa akin o hindi mo man lang ba sasabihin sa kanila na ako ang kanilang ama?" seryosong sabi ni Dave kay Aira.Naipikit naman ng mariin ni Aira ang kanyang mga mata dahil sa narinig. Dahil kung gayon ay nakita at nalaman na ni Dave ang tungkol sa mga anak nya. Dahan dahan naman na humarap si Aira kay Dave. Mabuti na lamang talaga at wala masyadong tao sa pwin
CHAPTER 127"Ano na ang balak mo ngayon na nagkita na kayo ng dati mong asawa? Malamang ay hindi ka noon titigilan lalo na kung alam na pala nya ang tungkol sa mga anak nyo," tanong ni nay Wanda kay Aira. Pinunasan naman na muna ni Aira ang kanyang luha bago muling humarap kay nay Wanda."Hindi ko pa po alam nay. Sa totoo lang po ay naguguluhan pa rin po ako ngayon dahil natatakot ako na baka kunin nya sa akin ang mga anak ko. Nay hindi ko po kayang mawalay sa mga anak ko. Namuhay kami ng tahimik at masaya ng mga bata kahit kami lamang na mag iina. Nay hindi ko po sya maintindihan pumayag naman na ako sa annulment na gusto nya pero bakit ginugulo pa nya ako. Hindi ko alam kung ano pa ba ang kailangan nya sa akin," sagot ni Aira sa matanda."Hija tapatin mo nga ako. Mahal mo pa ba ang dati mong asawa?" seryosong tanong ni nay Wanda kay Aira. Nag iwas naman ng tingin nya si Aira saka nya iniyuko ang kanyang ulo at hindi nya magawang sagutin ang tanong ng matanda."Sa tingin ko ay mahal
CHAPTER 128"Mommy nandito po pala kayo? Akala ko po ay pumasok na kayo sa trabaho kanina," daldal ni Reign kay Aira ng makita nya na nagmulat ng mata ang kanilang ina. "Oo nga po mommy. Kanina po ay nakita ko na po kayo na nakabihis na at paalis na. Wala po ba kayong pasok ngayon?" daldal din naman ni Rayver sa kanyang ina saka ito tumabi sa pagkakahiga rito sumunod din naman sa kanya si Reign at pinagitnaan nila si Aira.Napapangiti na lamang si Aira dahil sa paglalambing ng kanyang kambal na anak."Medyo masama kasi ang pakiramdam ko mga anak kaya umuwi na lamang muna si mommy at hindi na muna pumasok sa trabaho," sagot ni Aira sa kambal."Bakit po? Gusto nyo po ba ikiss namin kayo para gumaling na po kayo?" sagot ni Rayver."Oo nga po mommy. Ikiss po namin kayo para gumaling na po kayo kaagad," sabat naman ni Reign saka nito hinalik halikan sa pisngi ang ina. Ganon din naman ang ginawa ni Rayver kay Aira. Kaya natatawa na lamang si Aira dahil sa kakulitan ng kambal."Hahaha. Tama
CHAPTER 129Lumipas naman ang maghapon na yun at wala naman ibang ginawa si Aira kundi ang magkulong lamang sa kanilang bahay at pagdating ng gabi ay umuwi naman na ang kambal sa kanilang bahay.Nang makatulog na ang kambal ay pinakatitigan naman ni Aira ang nga anak nya. Hinaplos haplos pa nya ang mukha ng mga bata.Iniisip nya na ayaw naman nyang maging makasarili na itatago nya sa mga ito ang kanilang ama. Alam naman nya na magiging masaya ang kambal kung makikilala ng mga ito ang kanilang ama. Pero pinag iisipan pa nyang mabuti kung dapat ba syang sumugal muli. Iniisip nya na kaya ba nya muling pakisamahan si Dave alang alang sa mga bata.Nasa malalim na pag iisip si Aira ng biglang tumunog ang kanyang phone. Numero lamang ang lumabas sa screen kaya nag aalangan sya kung sasagutin ba nya ito pero naisip nya na baka importante ang tumatawag kaya sinagot na rin naman nya ito."Hello. Sino to?" agad na tanong ni Aira ng sagutin nya ang tawag."Aira si Dave ito. Pwede ba tayong mag us
CHAPTER 130Kinabukasan naman ay hapon na lamang nakipagkita si Aira kay Dave dahil may mga kailangan syang gawin sa trabaho kaya kailangan nyang pumasok. Pagkaawas na lamang nya sya makikipagkita kay Dave. Pumayag naman si Dave rito kahit na ang totoo ay gusto na nya itong makita pero pinili na lamang nya na sundin ang gusto ni Aira dahil baka magalit pa ito sa kanya at baka magbago pa ang isip nito at hindi na makipagkita pa sa kanya. Kaya matyaga na lamang sya na naghintay.Sa maghapon na yun ay hindi na mapakali pa si Dave. Gusto nya rin sana makita ang mga anak nya pero ayon kay Aldrin ay hindi lumalabas ang mga bata ng bahay at nasa pangangalaga ito ng matanda na pinagkakatiwalaan ni Aira. Kaya nanahimik na lamang si Dave sa hotel kung saan sila nagstay ni Gino."Bro pwede ba. Umupo ka na lamang. Ako ang nahihilo sa'yo e. Ikot ka ng ikot dyan. Baka mamaya hilo ka na bago ka pa makipagkita kay Aira," saway ni Gino kay Dave dahil kanina pa ito paikot ikot na hindi mo maintindihan
CHAPTER 539Kinabukasan naman ay maagang maaga nga na dumating sa naturang beach resort sila Dylan. Ang mga magulang na nga lamang ni Dylan talaga ang nakasabay nya ngayon sa pagpunta roo dahil ang mga kapatid nga niya kasama ang pamilya ng mga ito ay naroon na nga rin kahapon pa dahil wala naman inasikaso ang mga ito at excited na rin kasi talaga ang mga ito sa kasal nila Amara at Dylan.Tinapos kasi talaga muna ni Dylan ang mga kailangan niyang tapusin na opisina dahil pagkatapos nga ng kanilang kasal ni Amara ay hindi pa nga kasi talaga sya makakabalik kaagad sa trabaho dahil nga mag honeymoon pa nga sila ni Amara sa ibang bansa.Pagkarating nga ni Dylan sa naturang beach resort ay dali dali nga ito na bumaba ng kanyang sasakyan."Dylan saan ka pupunta?" tanong ni Aira sa kanyang anak dahil nagmamadali na nga ito na pumasok doon."Mom pupuntahan ko lamang po si Amara," agad naman na sagot ni Dylan sa kanyang ina dahil nga namimiss na nga talaga nya si Amara dahil halos tatlong ara
CHAPTER 538Bisperas na nga ngayon ng araw ng kasal nila Dylan at Amara. Nauna naman na nga rin na nagpunta sa Hotel Beach and Resort sa Batángas ang pamilya nila Amara. Sadyang nauna lamang talaga si Amara roon dahil gusto nga niya na makasigurado na maayos na ang lugar na pagdarausan ng kanilang kasal ni Dylan.Susunod na rin naman din kaagad ang pamilya ni Dylan doon dahil sadyang may tinatapos lamang nga ito kaya hindi nakasabay ng pagpunta sa pamilya ni Amara roon.Isang beach wedding kasi ang napili nila Dylan at Amara. Dapat talaga ay sa simbahan nga iyon gaganapin pero dahil nga gusto naman nila Amara at Dylan na maiba naman ay isang beach wedding nga ang naisip nilang dalawa.Pagkarating ni Amara sa naturang lugar ay agad nga syang nag ikot ikot doon sa lugar at nakita nga nya na naglalagay na nga ng ibang mga gagamitin para sa kasal nila kagaya na lamang ng nga upuan.At dahil nga sa tabing dagat gaganapin ang kanilang kasal ni Dylan ay talaga namang umaasa sila na magkakar
CHAPTER 537"Wag kang mag alala Amara dahil hinding hindi ko sasaktan o papaiyakin man lang si Charmaine," sabi ni Zeus kay Amara at saka nga nya inakbayan ang kanyang nobya na si Charmaine."Mahal na mahal ko ang babae na ito. Kaya naman wala akong balak na paiyakin sya. At kapag nangyare nga na umiyak si Charmaine ng dahil sa akin ay malugod kong tatanggapin ang parusa mo sa akin," dagdag pa ni Zeus habang nanatiling nakatingin sa mga mata ni Charmaine.Agad naman na napangiti si Amara dahil sa sinabi na iyon ni Zeus. Kilalang kilala na kasi talaga nya si Zeus at siguro nga rin ay nadala na ito sa nangyare sa kanilang relasyon noon kaya alam nya na hindi nito sasaktan si Charmaine."Aasahan ko yan Zeus. At sana nga ay maging masata kayo ni ate Charmaine," nakangiti pa na sabi ni Maara kay Zeus.Habang nag uusap usap naman silang tatlo roon at sakto naman na bumaba ang ina ni Amara na si Bianca."Charmaine narito ka na pala hija," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Charmaine at hindi
CHAPTER 536Mabilis naman na lumipas ang mga araw at buwan at naasikaso naman ni Amara ang lahat ng kakailanganin nila sa kasal nila ni Dylan.Talagang sya ang naging punong abala sa kanilang kasal ni Dylan dahil gusto nya na maging perfect talaga ang kasal nila ni Dylan dahil minsan nga lamang naman daw ikasal kaya gusto nya na maging maayos nga talaga ito.Tatlong araw na nga lamang din at araw na nga ng kasal nila Dylan at Amara at halos hindi pa nga rin makapaniwala si Amara na ikakasal na nga talaga sila ni Dylan dahil parang kelan lang ay pinapangarap nga lang nya ang lalaking ito at ngayon nga ay magiging asawa na nya ito sa wakas.Ngayong araw nga ay nakatakdang dumating ng bansa ang pinsan ni Amara na si Charmaine na nakasama nya noon sa London kaya naman ipinasundo nya na lamang nga nya ito sa airport at nagpahanda na rin talaga sya ng makakain nga nila pagdating ni Charmaine.Habang abala nga si Amara na tumuling da paghahanda ng lamesa ay lumapit nga ang isang kadambahay n
CHAPTER 535Mabilis naman na lumipas ang mga araw at namanhikan na rin nga kaagad sila Dylan sa pamilya ni Amara at napagkasunduan nga nila sa limang buwan mula ngayon magaganap ang kasal nila Dylan at Amara.Madalas naman na abala nga nagyon si Amara sa pag aasikaso pra sa kanilang kasal ni Dylan. Inuna na rin nga muna nya ito kesa sa maghanap na muna ng trabaho dahil gusto rin naman nya kasi na maging maayos nga ang kanilang kasal at oinili rin talaga nya na sya ang mag aasikaso rito kaya naman abalang abala talaga sya palagi.Ngayon nga ay pupunta sila Amara at Dylan sa isang reataurant para sa kanilang food tasting at pagkatapos nga nila rito ay puounta naman nga sila sq boutique kung saan nga sila nagpagawa ng kanilang susuotin para sa kanilang kasal.Nasa byahe naman na nga sila ngayon na dalawa at papunta na nga sila sa reataurant pero dahil nga sa traffic ay narito pa nga rin sila sa daan hanggang ngayon at late na nga silang dalawa."Tsk. Ano ba naman yan? Bakit palagi na lam
CHAPTER 534"Salamat Amara. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon. Mahal na mahal na mahal kita Amara at ikaw lang at wala ng iba pa ang mamahalin ko habang buhay," sabi ni Dylan habang yakap yakap nga nya si Amara."Mahal na mahal din kita Dylan," sagot naman ni Amara habang yakap yakap nga rin niya si Dylan.Ilang minuto rin silang nanatili na magkayakap na dalawa bago nga tuluyang humiwalay sa pagkakayakap nya si Amara."S-saglit lang Dylan. Baka magalit sa atin sila mommy neto dahil kelan lang naman naging tayo diba? Hindi ba masyado naman yata tayong mabilis?" sabi ni Amara at nag aalala nga sya sa magiging reaksyon ng kanyang ina.Ngumiti naman si Dylan kay Amara at saka nga nya ito kinabig sa bewang at saka nya ito hinalikan sa noo."Wag mo ng alalahanin pa sila tito Gino at tita Bianca dahil alam ko naman na magiging masaya rin sila para sa ating dalawa," sagot ni Dylan kay Amara dahil kampanteng kampante talaga sya ngayon.Nito kasing mga nakaraang araw ay lingid sa kaal
CHAPTER 533Hindi naman maalis alis ang ngiti sa labi ni Amara habang titig na titig nga sya sa gwapong mukha ni Dylan habang nagsasayaw nga silang dalawa."Dylan hindi ko akalain na darating tayo sa punto na ganito. Ang buong akala ko kasi ay wala na talagang pag asa dahil ayaw mo nga sa akin. Pero tingnan mo naman ngayon at ikaw na ang nag aaya sa akin na makipag date na dati rati ay ako pa ang namimilit sa'yo na samahan ako sa pamamasyal," sabi ni Amara kay Dylan. Bigla nga kasi nyang naalala ang kanilang mga nakaraan na palagi nga nyang pinipilit ang binata na samahan siya da pamamasyal at pagdoshopping. At alam naman nya na napipilitan nga lamang ang binata ng mga panahon na yun na samahan nga siya.Napangiti naman si Dylan kay Amara dahil sa sinabi nito at naalala nga nya bigla ang pangungulit ng dalaga noon sa kanya "Sorry kung late ko na narealize ang halaga mo sa akin Amara. Hindi ko rin naman kasi akalain na mamahalin kita ng ganito dahil nga parang kapatid na ang turing k
CHAPTER 532Nagpalipas pa naman ng ilang oras doon sila Dylan at Amara bago nga sila nagpasya na pumunta sa restaurant na pinareserve ni Dylan para sa kanilang dinner date ni Amara ngayon.Nagpalit na lamang nga din muna ng damit si Amara bago nga sila pumunta sa restaurant dahil kanina pa nga nya talaga suot ang damit na iyon. At ganon din naman ang ginawa ni Dylan dahil may baon din nga itong damit na pamalit.Matapos nga nilang makapagpalit ng damit na dalawa ay agad na rin naman silang pumunta sa restaurant na hindi naman kalayuan doon sa amusement park na pinuntahan nila kaya saglit lamang din naman ang naging byahe nilang dalawa at agad na nga silang nakarating doon.Pagkarating nga nila roon sa restaurant ay nagtataka naman si Amara dahil halos wala ngang katao tao sa restaurant na iyon."Dylan sigurado ka ba na nagpareserve ka rito? Bakit parang wala yatang katao tao?" hindi na napigilang tanong ni Amara kay Dylan."Oo naman. Baka wala lang talaga masyadong tao ngayon kaya gan
CHAPTER 531Pagkababa ni Amara ng kanilang hagdan ay agad nga niyang nakita si Dylan na napakagwapo habang nakangiti sa kanya. Tumayo naman na si Dylan at agad na nga niyang sinalubong si Amara."Namiss mo ba ako kaagad?" biro pa ni Amara kay Dylan."Of course. Lagi kitang namimiss," nakangiti naman na sagot ni Dylan sa dalaga."Hello po tita Bianca," bati naman ni Dylan sa ina ni Amara at saka nga sya humalik sa pisngi nito."Mag iingat kayo sa lakad nyo ha. Dahan dahan sa pagdadrive Dylan," sabi naman ni Bianca."Opo tita. Mag iingat po kami," nakangiti naman na sagot ni Dylan."Sige po mom. Aalis na rin po kami ni Dylan," pagpapaalam.naman na ni Amara sa kanyang ina."O sige na. Lumakad na kayo para naman mas maenjoy nyo ang date nyo na iyan," sagot naman ni Bianca.Agad na rin naman na umalis sila Amara at Dylan doon at agad na nga dilang dumiretso sa isang amusement park sa Tagaytay.Mahigit isang oras lang naman ang naging byahe nilang dalawa bago silan nakarating ng Tagaytay.