CHAPTER 115"Mommy!" Magkapanabay pa na sigaw nila Rayver at Reign sa kanilang ina na kadarating lamang galing sa trabaho. Nag unahan pa ang kambal na makalapit sa kanilang ina upang humalik sa pisngi ni Aira at yumakap dito."Mommy! mommy may itatanong po kami ni kuya Rayver sa iyo," sabi ng makulit na si Reign sa kanyang ina."What is it?" tanong ni Aira saka sya naupo sa sofa. Tumabi naman kaagad ang kambal sa kanya."Mommy kanina po kasi pumunta kami nila tita Janella sa Burnham may mga nakita po kami na mga happy family sa park. Kumpleto po sila may kasama po silang daddy. Mommy kami po nasaan po ang daddy namin?" walang preno na tanong ni Rayver sa kanilang ina."Oo nga po mommy. Bakit po wala po kaming daddy?" tanong na rin ni Reign kay Aira.Nagulat naman si Aira sa mga tanong ng kanyang mga anak. Hindi nya inaasahan na magtatanong at maghahanap na kaagad ng ama ang mga anak nya kahit na mga bata pa ang mga eto. Parang kelan lamang ng mapag usapan nila ni nay Wand ang tungkol
CHAPTER 116 Abalang abala naman ngayon si Dave sa kanyang trabaho ng dumating si Gino sa kanyang opisina. "Hey bro. Sobrang busy mo naman na yata ngayon," agad na bungad ni Gino pagkapasok nya sa opisina ng kaibigan. "Anong kailangan mo?" balewalang tanong ni Dave sa kaibigan habang abala pa rin sya sa kanyang ginagawa at ni hindi man lang nya linilingon ang kaibigan. "Wala naman. Hindi ka na kasi bumibisita sa bahay kaya ikaw na lang ang binisita ko rito. Kumusta ka naman?" sagot ni Gino kay Dave. "Masyado kasing marami ang trabaho ngayon kaya hindi ako makapasyal sa bahay mo. Hayaan mo kapag hindi ako busy ay itreat kita," sagot ni Dave. Bigla namang tumunog ang phone ni Dave kaya tumahimik na muna si Gino. "Hello," agad na sabi ni Dave pakasagot ng tawag. "Hello sir. Good afternoon po. Si Aldrin po eto sir yung naghahanap po sa dati nyong asawa," pagpapakilala ng nasa kabilang linya. Itinigil naman na muna ni Dave ang kanyang ginagawa at saka sya sumandal sa upuan nya. "Ku
CHAPTER 117 "Aira naalala ko nga pala. Noong mga nakaraang araw ay mayroon daw naghahanap sa iyo na lalaki," sabi ni nay Wanda kay Aira habang binabantayan nila ang kambal na abala sa paglalaro sa park. "Sino raw po sya? At bakit nya raw po ako hinahanap?" kunot noo na tanong ni Aira kay nay Wanda. "Hindi nya sinabi kung sino sya e. Nung una kasi ay may pinakita lamang na picture mo yung lalaki sa mga kapitbahay natin doon tapos nitong nakaraang araw ay pangalan mo na ang hinahanap nya. Hindi ko pa naman natyetyempuhan ang lalaki na yun," sagot ni nay Wanda. "Nabanggit nga rin po yan sa akin ni Rayver noong nakaraan. Nakalimutan ko lamang po na itanong sa inyo," sagot ni Aira. "Sino naman kaya ang maghahanap sa akin?" tanong pa ni Aira. "Hayaan mo hija kapag natsambahan ko iyon ay itatanong ko kung sino sya at kung bakit ka hinahanap," sagot ni nay Wanda. "Sige po nay. Salamat po," sagot ni Aira. ******** "Sir may isesend po ako na larawan sa inyo ni ms. Aira," pag impo
CHAPTER 118Lumipas pa ang nga araw at palagi pa ring nag aabang ng balita si Dave ng tungkol kay Aira. Palagi naman tumatawag si Aldrin kay Dave at ibinabalita nya rito kapag umaalis ng bahay si Aira. Ang tungkol naman sa bata ay madalang na lamang makita ni Aldrin ang mga bata dahil hindi naman naglalalabas ng bahay ang mga ito."Kumusta?" bati ni Gino sa kaibigan pagkapadok nito sa opisina ni Dave.Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Dave pagkapasok ng kaibigan nya sadyang pinapunta nya ito sa kanyang opisina dahil gusto nyang may makausap man lang at mapagsabihan ng tungkol kay Aira."Nakita na nga si Aira," malungkot na sabi ni Dave."O yun naman pala e. Bakit ka malungkot dyan? Bakit hindi mo pa sya puntahan at kausapin?" sagot ni Gino kay Dave."Gino hindj ganon kadali yon. Mukhang may pamilya na sya. May mga anak na pati si Aira," pagbabalita ni Dave sa kaibigan."Tsk. Hindi naman kasi talaga malabong mangyari yun dahil mabait at maganda si Aira kaya marami talagan
CHAPTER 119 Pagkarating sa Baguio ay agad na nakipagkita si Dave kay Aldrin doon. "Ano pa ang nalaman mo sa kanila?" tanong ni Dave kay Aldrin. Nasa isang restaurant sila ngayon para makapg usap sila ng maayos. "Sir nalaman ko po na limang taon na po silang nangungupahan sa tinitirhan nila ngayon at nagtatrabaho po si ms. Aira sa isang call center," sagot ni Aldrin. "Nagtatrabaho?" kunot noo na tanong ni Dave "Yes sir. Ang mga bata po ay naiiwan sa pangangalaga ng itinuring na po nila na kapamilya na syang may ari rin po ng tinutuluyan ng mag iina," sagot ni Aldrin. "Wala ba syang asawa?" kuryosong tanong ni Dave at napapailing na lamang si Gino habang nakikinig sa tanong ng kaibigan. "Wala po sir. Tanging sila lamang po na mag iina ang magkakasama roon at wala rin naman po ako nakikitang lalake na pumupunta sa kanila," sagot ni Aldrin. Tila naman nabunutan ng tinik si Dave ng marinig iyon. "Nasaan sila ngayon?" tanong pa ni Dave. "Nakaalis na po si ms. Aira kanina p
CHAPTER 120Araw ngayon ng linggo at mamamasyal ngayon sa mall sila Aira at ang mga bata dahil napangakuan nya ang mga ito na mamamasyal sila sa day off nya. Kaya naman tuwang tuwa sila Reign at Rayver dahil makakalabas sila ng kanilang bahay. Simula kasi ng malaman ni Aira na parang may nagmamatyag sa kanilang bahay araw araw ay hindi na nya masyado pinapalabas ng bahay nila ang kambal. Madalas ay sa loob ng bahay nila o di kaya ay sa bahay nila nay Wanda naglalagi ang mga bata."Mommy pwede po ba kami bumili ng toy? Please" pangungulit ni Rayver sa ina."Oo naman basta tig isa lang kayo ni Reign ha," sagot ni Aira saka nya hinaplos ang pisngi ng kambal na nakatingin na parehas sa kanya."Yehey. Thank you po mommy," magkapanabay pa na sabi ng kambal saka sila humalik sa pisngi ng kanilang ina.Napapangiti naman si Aira dahil naglalambing na naman ang kambal sa kanya. Pinalaki kasi ni Aira ang mga bata na hindi materialistic. Ayaw nya rin kasi iispoiled ang kambal dahil ayaw nya ng
CHAPTER 121"S-Sino po kayo?" kandautal pa na tanong ni Rayver sa lalakeng kausap nya kanina pa.Nagulat kasi sya dahil kamukhang kamukha ng kakambal nyang si Reign ang lalaking kausap nya ngayon.Napangiti naman si Dave ng malapitan at makausap na nya ang isa sa mga kambal."Hindi na mahalaga kung sino ako. Akin na yan para mabayaran ko na," sabi ni Dave saka nya kinuha ang hawak na laruan ni Rayver. Dahil sa pagkagulat ay hindi na napigilan ni Rayver ang lalakeng kumausap sa kanya. Agad naman na binayaran ni Dave ang dalawang laruan na hawak ni Rayver kanina. At nang maibalot na yun ay agad na nyang ibinigay sa bata."What is your name nga pala poging bata?" tanong ni Dave at hinawakan pa nya sa pisngi ito."R-Rayver po ang name ko," sagot ni Rayver. "T-Thank you po pala rito," sabi pa ng bata."Rayver walang anuman," sagot ni Dave. "Sige na aalis na ako Rayver. Nice to meet you son," pagpapatuloy pa ni Dave saka sya dali daling umalis dahil baka makita sya ni Aira.Tila naman natu
CHAPTER 122Sa di naman kalayuan ay nakatanaw si Dave sa kanyang mag iina. Tahimik lang syang nakamasid dito sa loob ng mall hanggang sa kumain ang mga ito. Pero hindi na nya ito sinundan sa bahay ng mga ito dahil naroon naman si Aldrin na nagbabantay roon."Grabe ang lakas ng dugo mo ha. Kambal kaagad at tig isa pa talaga kayo ng kamukha ni Aira," iiling iling na sabi ni Gino sa kaibigan na kanina pa nya sinusundan kung saan man ito magpunta kaya kahit sya ay nakita nya ang kambal at talagang nagulat din sya."Tsk. Syempre ako pa ba," sagot naman ni Dave."O ano ng balak mo ngayon na nakita mo na ng malapitan ang anak mo?" tanong ni Gino sa kaibigan. Napabuntong hininga naman si Dave."Alam mo ba kanina gustong gusto ko ng yakapin ang anak ko pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka matakot sya sa akin. Pero ang sarap sa pakiramdam na nakausap at nahawakan ko na ang isa sa kambal," sagot ni Dave. "Pero nahihiya akong harapin si Aira dahil ang tanga tanga ko na pinabayaan ko sya noo
CHAPTER 521Titig na titiig naman si Amara kay Dylan at nagtataka nga siya sa sinasabi nito. Ang alam nya kasi ngayon ay ikakasal na ito sa iba kaya bakit nga ito mag aalala pa sa kanya ng ganito."Bakit? Para saan pa?" tanong ni Amara kay Dylan. "Ang mabuti pa ay pabayaan mo na lamang ako Dylan. Wag mo na akong alalahanin dahil lilipas din naman ito at makakalimutan din naman kita. Sadyang nagpapalipas lamang ako ng nararamdaman kong ito at darating ang araw na makakalimutan ko na rin ang nararamdaman ko para sa'yo dahil siguro nga ay hindi talaga tayo para sa isa't isa," dagdag pa ni Amara kasabay ng pagpatak ng kanyang luha dahil sa sobra talaga syang nasasaktan sa mga nangyayare sa kanila ni Dylan. Agad din naman ng pinunansan ni Mara ang kanyang luha dahil ayaw nyang makita ni Dylan na umiiyak sya ng dahil dito."Hindi ko maaatim na pabayaan ka na lamang ng ganyan Amara," sagot ni Dylan at saka sya naupo sa kama ni Amara para magpantay sila ng dalaga at saka nga nya hinawakan ang
CHAPTER 520Pagkabukas nga ni Bianca ng pintuan ng silid ni Amara ay medyo madilim nga roon dahil dim light lamang ang nakabuhay na ilaw nito at sarado pa nga ang nga bintana nito kahit na mataas na ang araw pero agad din naman nilang nakita na nakahiga nga si Amara sa kama nito at nakakumot pa."Mom mamaya na lamang po ako kakain," mahinang sabi ni Amara ng marinig nga nya na nagbukas ang pinto ng kanyang silid. Wala naman kasing ibang pumapasok roon ng basta basta na lamang kundi ang kanyang ina at si Amanda lamang pero sa mga oras nga na ito ay alam nyang wala ang kanyang kapatid kaya alam nyang ang kanyang ina ang nagbukas noon. Alam nya rin na hindi naman puounta ng ganoong oras ang kanyang ama dahil alam nya na nasa opisina nga ito.Magsasalita na nga sana si Bianca ng bigla nga syang pigilan ni Dylan at sinenyasan sya nito na wag sasagot kaya hindi nga sya nagsalita at tumango na nga lamang sya kay Dylan. Nagpasya na rin si Bianca na lumabas na muna at hayaan na lamang muna nya
CHAPTER 519"Nasa kanilang mansyon lamang si Amara sabi ng tita Bianca mo at ilang araw na daw itong nagmumukmok doon simula ng malaman nga nito na ipagkakasundo ka namin sa ibang babae. Mukhang nasaktan natin ang damdamin ni Amara anak," malungkot pa na sagot ni Aira kay Dylan."Mom gusto ko po syang puntahan. Kailangan ko po syang makausap para malaman nya ang totoo. Kailangan nyang malaman na hindi nyo po ako ipinagkasundo at hindi ako ikakasal sa ibang babae," sabi ni Dylan sa kanyang ina at hindi na nga nya napansin pa ang pagpatak ng kanyang luha at luha ito sa sobrang saya dahil sa mga nalaman nya."Gusto ko pong sabibin kay Amara ngayon kung gaano ko po sya kamahal mom," dagdag pa ni Dylan.Agad naman na napangiti si Aira dahil sa sinabi ni Dylan at pinunasan pa nga nya ang luha ni Dylan na lumandas sa pisngi nito gamit ang kanyang kamay."Alam ko naman kung gaano mo kamahal si Amara anak kaya hinding hindi kita pipigilan na kausapin sya ngayon," nakangiti pa na sbai ni Aira a
CHAPTER 518Pagkarating ni Aira sa kanilang mansyon ay agad na nga nyang hinanap muna ang kanyang asawa na si Dave upang sabihn dito ang mga napag usapan nila ni Bianca at kahit ito nga ay nagulat din sa mga sinabi ni Aira.Matapos nilang mag usap na mag asawa ay agad naman ng pinuntahan ni Aira ang kanyang anak na si Dylan sa silid nito dahil hindi pa nga ito pumapasok sa opisina pero nagulat na lamang sya ng pagpasok nya sa silid nito ay nakasuot na nga ito ng pang opisina nitong damit at mukhang paalis na nga ito."Anak saan ka pupunta? Papasok ka ba sa opisina ngayon kahit tanghali na?" kunot noo pa na tanong ni Aira kay Dylan.Lumapit naman si Dylan sa kanyang ina at saka sya humalik sa pisngi nito at bago nga sya magsalita ay bumuntong hininga pa nga muna ito."Yes mom. Kailangan ko po kasing pumunta sa opisina ngayon dahil may mga kailangan po akong pirmahan na mga dokumento," sagot ni Dylan at halata mo nga sa kilos nito na para bang ayaw pa nitong pumasok sa opisina.Bumunyo
CHAPTER 517"Kung ganon ay talagang ipinagkasundo nyo na nga talaga si Dylan sa ibang babae?" tanong pa ni Bianca at labis nga syang nalulungkot sa isipin na iyon at nalulungkot nga sya para sa kanyang anak na si Amara.Dahan dahan naman na tumango si Aira kay Bianca habang may mapait na ngiti sa kanyang labi."Oo Bianca. Hindi ko kasi kaya na makita na nagkakaganoon si Dylan. Kaya kahit na ayaw ko sana sa mga arrange marriage na yan ay napilitan na lang din ako kung yun ang makabubuti para sa anak ko," sagot ni Aira.Napabuntong hininga naman si Bianca dahil sa sinabi ni Aira at saka sya dahan dahan na tumango dahil naiintindihan naman nya kung bakita nga ito nagawa ng kanyang kaibigan."Kung gayon ay ikakasal na pala talaga si Dylan," malungkot na sabi ni Bianca."Hindi pa Bianca. Hindi pa naman talaga sigurado iyon. Dahil nung nanggaling si Amara sa amin ay parang bigla akong nagdalawang isip kaya ang sabi ko sa mga Asuncion ay mas maganda na magkakilanlan na nga muna ang dalawa. k
CHAPTER 516"Nagpaubaya na lamang kasi si Zeus. Sya na rin ang kusang lumapit sa amin noon at kinausap nga nya si Amara tungkol sa kanilang relasyon. At doon nga ay maayos na nilang tinapos na dalawa ang kanilang relasyon. Ramdam ko na mahal na mahal ni Zeus ang anak ko pero sabi nga nya ay gusto nyang maging masaya si Amara kaya magpapaubaya na lamang sya dahil alam nya na hindi na nga siya ang mahal ng anak ko. Nakakahanga ang ginawa na iyon ni Zeus at bihira sa lalaki ang ganoon katapang na papakawalan ang taong mahal nya para lamang lumigaya ito," pagkukwento pa ni Bianca."A-anong ibig mong sabihin Bianca?" nauutal pa na tanong ni Aira sa kanyang kaibigan at tila ba hindi sya makapaniwala sa mga sinabi ng kanyang kaibigan."Hiwalay na sila Zeus at Amara. Gusto ni Zeus na maging masaya si Amara kaya pinalaya na nya ang anak ko," sagot ni Bianca. "Matapos ng araw na iyon ay masayang masaya nga ang anak ko at excited na excited na nga syang makaharap muli si Dylan dahil alam nga nya
CHAPTER 515Hindi naman kaagad nakasagot si Bianca dahil pinag iisipan nga nya kung tama ba na sabihin nya kay Aira ang tungkol sa pinagdaraanan ng kanyang anak na si Amara."Bianca sabihin mo na sa akin iyan dahil alam ko na may problema kayo. Parang anak na rin ang turing ko kay Amara at alam mo yan. Kaya naman sabihin mo na kung ano yan dahil hindi talaga ako mapapakali neto," sabi pa ni Aira ng hindi pa rin nagsasalita ang kanyang kaibigan."H-hindi na kasi matutuloy ap ang kasal nila Amara at Zeus," sabi ni Bianca.Napakunot naman kaagad ang noo ni Aira at nagtataka sya sa sinasabi ng kanyang kaibigan ngayon."Hindi matutuloy? Bakit? Anong nangyare? Akala ko ay abala sya sa pag aasikaso sa kanyang kasal kaya hindi sya napunta ulit sa akin," sunod sunod pa na tanong ni Aira kay Bianca.Bumuntong hininga naman si Bianca at saka nga nya sinimulan ng magkwento sa kangang kaibigan."Oo hindi na matutuloy pa ang kasal nila Amara at Zeus. Nagdadalawang isip kasi talaga si Amara sa pagpa
CHAPTER 514Habang abalang abala naman si Bianca sa kanyang mga halaman ay lumapit nga sa kanya ang kanilang kasambahay kaya naman napatingin nga sya rito."Ma'm Bianca may bisita po kayo," sabi ng kasamabhay kay Bianca."Sinong bisita ko?" kunot noo na tanong ni Amara sa kanilang kasambahay dahil wala naman siyang inaasahang bisita na darating ngayong araw."Si ma'm Aira po," sagot ng kanilang kasambahay.Nagulat naman si Bianca sa sinabi ng kanilang kasambahay dahil hindi nya inaasahan ang pagdating ng kanyang kaibigang si Aira ngayon. Matagal tagal na rin kasing hindi nya nga ito nakakausap man lang."Sige papasukin mo na lamang sya at ihatid mo rito sa garden," nakangiti naman na sagot ni Bianca.Tanging pagtango lamang naman ang naging tugon ng kanilang kasambahay. At ng tuluyan na nga na umalis ito ay isa isa na nga na tinanggal ni Bianca ang kanyang suot na gloves at itinabi na rin muna nya ang gunting na ginagamit nga niya kanina."Kumusta ka naman? Bakit hindi ka na man lang
CHAPTER 513Ilang araw na rin ang nakalilipas simula ng malaman ni Amara ang tungkol kay Dylan na ipapakasal na nga ito sa ibang babae.Sa nakalipas na mga araw na iyon ay wala namang ibang ginawa si Amara kundi ang magmukmok sa kanyang silis.Ilang beses na syang inaya ng kanyang kapatid na mamasyal pero lagi nga itong tinatanggihan ni Amara at ang lagi nga nitong sagot ay wala pa syang gana na lumabas ng kanilang bahay.Kagaya nga ngayon ay pinuntahan nga ni Amanda ang ate Aira nya upang ayain na pumunta sa mall."Ate Amara ilang araw ka ng nagmumukmok dito. Lumabas ka naman kahit ngayon lang. Ni hindi ka na nga ata nasisikatan man lang ng araw," pangungulit ni Amanda sa ate Amara nya. "Hindi ako sanay na ganyan ka ate. Kaya sige na sumama ka na sa akin na mamasyal kahit ngayon lang ate. Please," dagdag pa ni Amara.Ilang araw na rin talaga kasing hinahatiran lamang ng pagkain si Amara sa kanyang silid dahil hindi talaga ito lumalabas doon. Palagi lamang nga itong nakahiga at umiiya