CHAPTER 112 MAKALIPAS ANG LIMANG TAON........ Mabilis na lumipas ang limang taon at naitaguyod na mag isa ni Aira ang kanyang kambal na anak. Sa nakalipas na limang taon ay naging maayos naman at maayos ang pamumuhay ng mag iina at naging madali lamang ang lahat ng dahil sa tulong nila nay Wanda at Janella. Hindi kasi talaga pinabayaan ng mag ina sila Aira at itinuring na rin talaga nila na kapamilya ang mga eto. Bumalik din kasi si Aira sa pagtatrabaho at ang nagbabantay sa kanyang kambal na anak kapag wala sya ay si nay Wanda. Mababait na mga bata naman sila Rayver at Reign kaya hindi naman nahirapan sa kanila si nay Wanda. "Mommy pwede na po ba kaming pumasok sa school? Nakita ko po kasi yung mga bata ang dami po nila magkakasama lahat po sila papasok sa school," daldal ni Rayver sa kanyang ina. "Oo nga po mommy. Gusto o na rin po pumasok sa school," daldal din naman ni Reign. "Sa susunod na pasukan mga anak pwede na kayong pumasok sa school," nakangiting sagot ni Aira sa mga
CHAPTER 113"Sa kanilang ama hindi mo ba sila ipapakilala man lang? O may balak ka ba man lang na ipakilala sila? Alam mo hija darating at darating ang araw na hahanapin ng mga bata ang kanilang ama," sabi ni nay Wanda. Napabuntong hininga naman si Aira."Hindi ko pa po alam nay Wanda. Hindi ko na po muna iniisip ang tungkol sa bagay na yan. Ang mahalaga po sa akin ngayon ay maayos naman po kaming mag iina kahit wala sya. Minahal ko naman po ang ama ng mga anak ko nay pero hindi ko po kasi maiwasan na hindi magdamdam sa kanya nay Wanda dahil ni hindi man lang nya pinakinggan ang paliwanag ko," malungkot na saad ni Aira."Naiintindihan kita hija. Pero mas maganda na ngayon pa lamang ay isipin mo na ang isasagot mo sa mga anak mo kung sakaling magtanong sila ng tungkol sa kanilang ama. Matatalino ang mga anak mo Aira at hindi malabong magtanong na sila sa mga darating na araw tungkol sa kanilang ama," sagot ni nay Wanda."Opo nay. Wag po kayong mag alala tungkol sa bagay na yan. Ako na
CHAPTER 114Sa nakalipas na limang taon nakailang palit na rin si Dave ng taong binayaran nya para hanapin si Aira. Kaya naman palagi na lamang mainit ang ulo nito dahil naiinis sya sa mga taong inuutusan nyang maghanap kay Aira. Napahilot na lamang si Dave sa kanyang sintido dahil sa mga iniisip nya. Maya maya ay bigla namang nag ring ang cellphone nya."Hello!" inis na sabi ni Dave pakasagot ng tawag."Good afternoon sir. Good news po. May napagtangungan po kasi ako dito sa isang lugar sa Baguio at mukhang nandito na nga po ang pinapahanap nyo," sagot ng bagong binayaran ni Dave para maghanap kay Aira. Nanlaki naman ang mata ni Dave dahil sa sinabi ng kanyang kausap."Talaga? Saan sa Baguio? Nakita mo na ba sya mismo?" sunod sunod na tanong ni Dave sa kanyang kausap."Hindi ko pa po sya nakikita mismo pero pinapabantayan ko na po ang lugar kung saan ito maaaring nakatira. Babalitaan ko na lamang po kayo ulet kung sakaling makita ko na po sya at kapag nakasigurado na po ako na sya t
CHAPTER 115"Mommy!" Magkapanabay pa na sigaw nila Rayver at Reign sa kanilang ina na kadarating lamang galing sa trabaho. Nag unahan pa ang kambal na makalapit sa kanilang ina upang humalik sa pisngi ni Aira at yumakap dito."Mommy! mommy may itatanong po kami ni kuya Rayver sa iyo," sabi ng makulit na si Reign sa kanyang ina."What is it?" tanong ni Aira saka sya naupo sa sofa. Tumabi naman kaagad ang kambal sa kanya."Mommy kanina po kasi pumunta kami nila tita Janella sa Burnham may mga nakita po kami na mga happy family sa park. Kumpleto po sila may kasama po silang daddy. Mommy kami po nasaan po ang daddy namin?" walang preno na tanong ni Rayver sa kanilang ina."Oo nga po mommy. Bakit po wala po kaming daddy?" tanong na rin ni Reign kay Aira.Nagulat naman si Aira sa mga tanong ng kanyang mga anak. Hindi nya inaasahan na magtatanong at maghahanap na kaagad ng ama ang mga anak nya kahit na mga bata pa ang mga eto. Parang kelan lamang ng mapag usapan nila ni nay Wand ang tungkol
CHAPTER 116 Abalang abala naman ngayon si Dave sa kanyang trabaho ng dumating si Gino sa kanyang opisina. "Hey bro. Sobrang busy mo naman na yata ngayon," agad na bungad ni Gino pagkapasok nya sa opisina ng kaibigan. "Anong kailangan mo?" balewalang tanong ni Dave sa kaibigan habang abala pa rin sya sa kanyang ginagawa at ni hindi man lang nya linilingon ang kaibigan. "Wala naman. Hindi ka na kasi bumibisita sa bahay kaya ikaw na lang ang binisita ko rito. Kumusta ka naman?" sagot ni Gino kay Dave. "Masyado kasing marami ang trabaho ngayon kaya hindi ako makapasyal sa bahay mo. Hayaan mo kapag hindi ako busy ay itreat kita," sagot ni Dave. Bigla namang tumunog ang phone ni Dave kaya tumahimik na muna si Gino. "Hello," agad na sabi ni Dave pakasagot ng tawag. "Hello sir. Good afternoon po. Si Aldrin po eto sir yung naghahanap po sa dati nyong asawa," pagpapakilala ng nasa kabilang linya. Itinigil naman na muna ni Dave ang kanyang ginagawa at saka sya sumandal sa upuan nya. "Ku
CHAPTER 117 "Aira naalala ko nga pala. Noong mga nakaraang araw ay mayroon daw naghahanap sa iyo na lalaki," sabi ni nay Wanda kay Aira habang binabantayan nila ang kambal na abala sa paglalaro sa park. "Sino raw po sya? At bakit nya raw po ako hinahanap?" kunot noo na tanong ni Aira kay nay Wanda. "Hindi nya sinabi kung sino sya e. Nung una kasi ay may pinakita lamang na picture mo yung lalaki sa mga kapitbahay natin doon tapos nitong nakaraang araw ay pangalan mo na ang hinahanap nya. Hindi ko pa naman natyetyempuhan ang lalaki na yun," sagot ni nay Wanda. "Nabanggit nga rin po yan sa akin ni Rayver noong nakaraan. Nakalimutan ko lamang po na itanong sa inyo," sagot ni Aira. "Sino naman kaya ang maghahanap sa akin?" tanong pa ni Aira. "Hayaan mo hija kapag natsambahan ko iyon ay itatanong ko kung sino sya at kung bakit ka hinahanap," sagot ni nay Wanda. "Sige po nay. Salamat po," sagot ni Aira. ******** "Sir may isesend po ako na larawan sa inyo ni ms. Aira," pag impo
CHAPTER 118Lumipas pa ang nga araw at palagi pa ring nag aabang ng balita si Dave ng tungkol kay Aira. Palagi naman tumatawag si Aldrin kay Dave at ibinabalita nya rito kapag umaalis ng bahay si Aira. Ang tungkol naman sa bata ay madalang na lamang makita ni Aldrin ang mga bata dahil hindi naman naglalalabas ng bahay ang mga ito."Kumusta?" bati ni Gino sa kaibigan pagkapadok nito sa opisina ni Dave.Isang buntong hininga naman ang pinakawalan ni Dave pagkapasok ng kaibigan nya sadyang pinapunta nya ito sa kanyang opisina dahil gusto nyang may makausap man lang at mapagsabihan ng tungkol kay Aira."Nakita na nga si Aira," malungkot na sabi ni Dave."O yun naman pala e. Bakit ka malungkot dyan? Bakit hindi mo pa sya puntahan at kausapin?" sagot ni Gino kay Dave."Gino hindj ganon kadali yon. Mukhang may pamilya na sya. May mga anak na pati si Aira," pagbabalita ni Dave sa kaibigan."Tsk. Hindi naman kasi talaga malabong mangyari yun dahil mabait at maganda si Aira kaya marami talagan
CHAPTER 119 Pagkarating sa Baguio ay agad na nakipagkita si Dave kay Aldrin doon. "Ano pa ang nalaman mo sa kanila?" tanong ni Dave kay Aldrin. Nasa isang restaurant sila ngayon para makapg usap sila ng maayos. "Sir nalaman ko po na limang taon na po silang nangungupahan sa tinitirhan nila ngayon at nagtatrabaho po si ms. Aira sa isang call center," sagot ni Aldrin. "Nagtatrabaho?" kunot noo na tanong ni Dave "Yes sir. Ang mga bata po ay naiiwan sa pangangalaga ng itinuring na po nila na kapamilya na syang may ari rin po ng tinutuluyan ng mag iina," sagot ni Aldrin. "Wala ba syang asawa?" kuryosong tanong ni Dave at napapailing na lamang si Gino habang nakikinig sa tanong ng kaibigan. "Wala po sir. Tanging sila lamang po na mag iina ang magkakasama roon at wala rin naman po ako nakikitang lalake na pumupunta sa kanila," sagot ni Aldrin. Tila naman nabunutan ng tinik si Dave ng marinig iyon. "Nasaan sila ngayon?" tanong pa ni Dave. "Nakaalis na po si ms. Aira kanina p
CHAPTER 493Agad naman na napatingin sila Aira sa gawi ng pinto kung saan naroon ang nagsalita na iyon. At maging si Dylan ay biglang natigilan ng marinig nga nya ang boses na iyon dahil kilalang kilala nya kung kaninong boses nga iyon."Oh my god Amara," sigaw ni Aira at agad pa nga itong tumayo at agad na linapitan si Amara at yinakap ng mahigpit.Agad naman na ginantihan ng yakap ni Amara ang tita Aira nya dahil namiss nya nga rin talaga ito.Nakangiti naman si Bianca habang pinapanood ang anak nya at ang kaibigan nya. Alam nyang sobrang saya ni Aira ngayon na makita muli si Amara dahil parang anak na nga rin ang turing nito kay Amara."Bakit naman kasi ngayon ka lang bumalik hija? Ayaw mo na ba sa amin kaya ka umalis ng ganon ganon na lamang?" himig nagtatampo na sabi ni Aira ng bumitaw sya sa pagkakayakap nya kay Amara."Sorry po talaga tita Aira kung umalis po ako noon ng biglaan at hindi nagpapaalam. Gusto ko po kasing subukang mamuhay ng hindi umaasa kila mommy at daddy kaya k
CHAPTER 492Pagkatapat sa silid kung saan naroon si Aira ay tumigil naman na muna si Bianca at saka nya liningon si Amara at saka nya ito matamis na nginitian. Nang ngumiti naman pabalik si Amara ay saka naman kumatok si Bianca sa pintuan ng naturang silid at saka nya nga ito binuksan."Isurprise natin ang tita Aira mo anak. Dyan ka na muna ha. Tatawagin na lamang kita o kaya naman ay humanap ka ng tyempo na papasok ka roon ng hindi napapansin ng tita Aira mo," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara dahil naisian nga nya na isurprise ang kanyang kaibigan nya dahil alam nga nya na miss na miss na nito si Amara at tiyak na matutuwa nga ito kapag nakita nito na kasama nga nya si Amara ngayon.Pagkabukas nga ni Bianca ay agad nga nyang nakita si Aira at ang buong pamilya nito sa silid na iyon. Agad naman na napangiti si Aira ng makita nga nya na si Bianca ang nagbukas ng pintuan kasama ang asawa at anak nitong si Amanda."Mabuti naman at narito ka na. Akala ko talaga ay hindi na kayo
CHAPTER 491"Grabe anak sobrang tagal mo naman. Kanina pa kaya kami naghihintay sa'yo rito ng daddy mo," sabi ni Bianca ng makita nga nya na pababa na ng hagdan si Amara habang bitibitnga nito ang maliit na bag na naglalaman ng damit nito dahil baka mag over night na nga rin sila roon sa resort na iyon."Sorry mom. Hindi po kasi ako makapag decide kung ano poang susuotin ko," sagot ni Amara at tila ba bigla syang nahiya sa magulang nya dahil napatagal talaga sya sa pagpili ng isusuot nya.Tumayo naman na si Bianca at saka sya lumapit kay Amara at saka sya bumuntong hininga at hinaplos ang buhok ni Amara at saka nay ito nginitian."Alam ko na kinakabahan ka na makaharap sila muli. Wag kang mag alala at hindi naman galit sa'yo ang tita Aira mo dahil naipaliwanag ko naman na sa kanya ang lahat at naiintindihan ka naman nya noon pa," nakangiti pa na sabi ni Bianca kay Amara."Alam ko naman po na mabait si tita Aira pero nahihiya pa rin po ako mom," sagot ni Amara sa kanyang ina."Wag mo
CHAPTER 490Mabilis naman na lumipas ang mga araw at talaga namang sinulit ni Amara ang pagbabalik bansa nya. Palagi nga nyang inaaya ang kanyang kapatid na si Amanda na gumala at mamasyal at maging magshopping na rin ng damit dahil kaunti lang din talaga ang dala nyang damit ng bumalik sya ng pinas.Sa nakalipas din na mga araw ay hindi na nga muna kinokontak man lang ni Amara ang kanyang fiance na si Zeus dahil talagang nainis sya rito noong huling beses nga sila na mag usap dahil pakiramdam nya ay nasasakal na nga rin sya sa ginagawa nito sa kanya. Hinayaan na lamang talaga nya muna si Zeus na magpalamig ng kanyang ulo at kahit nga tinatawagan sya nito minsan ay hindi nya nga muna ito sinasagot at tinetext na lamang nya ito na mayroon syang ginagawa kaya hindi masagot ang tawag nito. Kahit papaano rin naman kasi ay ayaw nya nga sanang baliwalain si Zeus dahil nga fiance pa rin naman nya ito at may pinagsamahan na rin naman silang dalawa. Gusto lamang din nyang magpalamig na muna a
CHAPTER 489"Bakit ka ba nagkakaganyan na bata ka ha? Napapansin kong nagiving mainitin na ang iyong ulo nitong mga nakaraang araw," sabi ni Walter sa kanyang anak at saka sya naglakad papalapit sa table nito at saka naupo sa upuan na nasa harapan ng kanyang anak."Sorry dad," mahinang sagot ni Zeus sa kanyang ama."May problema ka ba anak? Pwede mo naman iyong sabihin sa amin ng mommy mo. Kung may problema dito sa kumpanya ay maaari ka naman naming tulungan," sabi pa ng ama ni Zeus sa kanya.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Zeus at saka nya seryosong tumingin sa ka yang ama."Si Amara po kasi dad. Napag usapan naman na po namin na sya ang mag aasikaso ng mga kakailanganin namin sa kasal tutal ay gusto nyang magpakasal kami ay sa Pilipinas. Pero tumawag po ako sa kanya ang sagot nya sa akin ngayon ay magpapahinga raw po muna sya bago nya iyon asikasuhin," sagot ni Zeus sa kanyang ama at ang tono pa ng pananalita nya ay parang nagpapaawa sa kanyang ama."Si Ama
CHAPTER 488"Hindi ka na nakasagot ate? Tama ako diba?" nakangisi pa na tanong ni Amanda sa ate Amara nya. "Iwanan mo na lang kasi yang si Zeus mo na yan. Team kuya Dylan ako. Kahit sila mommy ay ayaw rin dyan sa Zeus mo na yan kasi hindi rin nila gusto ang ugali nyan," dagdag pa ni Amanda at napapa irap pa nga ito habang sinasabi iyon.Napabuntong hininga naman si Amara at hindi nagsalita at saka sya sumisid muli sa pool. Nanatili lamang naman si Amanda sa kanyang pwesto at pinanood ang ate Amara nya at hinintay na bumalik ito sa kanyang pwesto."Ano nahimasmasan ka na ba ate?" tanong ni Amanda sa ate nya ng bumalik na nga ito sa kanyang pwesto.Naupo naman na muna si Amara sa gilid ng pool katabi ng kanyang kapatid at saka sya bumuntong hininga."Alam mo Amanda hindi mo pa kasi nararanasan na magmahal kaya mo nasasabi ang nga bagay na yan. Ngayon madali lang sabihin sa'yo ang mga iyan pero kapag nagmahal ka na ay malalaman mo na hindi madali ang magdesisyon tungkol sa ganyang bagay,
CHAPTER 487Pagkatapos ngang kumain nila Amara at Bianca ay nagpasya naman si Amara na tumambay na muna sa kanilang garden habang ang kanyang ina ay bumalik na nga sa kanilang kusina at ipinagpatuloy na nga nito ang kanyang ginagawa kanina.Habang nagpapahangin nga si Amara ay bigla namang tumunog ang kanyang phone at nakita nga nya na ang kanyang nobyo na si Zeus ang tumatawag sa kanya thru video call. Napabuntong hininga pa nga muna sya bago nya sinagot ang tawag nito."Hi love," nakangiti pa na bati ni Amara sa kanyang nobyo."Kumusta ka r'yan? Nag asikaso ka na ba ng mga kailangan natin para sa kasal?" agad na tanong ni Zeus mula sa kabilang linya."Love kararating ko pa lang dito kahapon at balak ko na magpahinga na muna at sa mga susunod na linggo ko na lamang aasikasuhin ang mga kakailanganin natin sa kasal," mahinahon pa na sagot ni Amara sa kanyang nobyo."What? Diba kaya nga kita pinayagan na umuwi ng Pinas ay para mag asikaso ng kasal natin. Bakit hindi mo muna unahin yun b
CHAPTER 486"Anak maaari ka naman ng tumigil dito sa bansa at wag ng bumalik pa ng London. Kung tutuusin nga ay kahit hindi ka naman na magtrabaho ay ayos lamang. Kaya ka lang naman namin pinapunta roon ay para mag enjoy ka roon. Pero kung gusto mo talaga na nagtrabaho pa rin ay marami namang ospital dito at pwede naman na dito ka na lamang magtrabaho," pambabasag ni Bianca sa katahimikan nilang mag ina.Muli ay napabuntong hininga na lamang si Amara at saka sya ngumiti sa kanyang ina."Mom masaya naman po ako sa piling ni Zeus. Siguro po ay sadyang hindi lang maganda ang unang beses nyong pagkikita pero promise mom mabait po talaga sya," pagtatanggol pa ni Amara kay Zeus."Mahal mo ba talaga si Zeus?" seryosong tanong muli ni Bianca sa kanyang anak."Mom hindi po ako magpapakasal sa kanya kung hindi ko po sya mahal," nakangiti pa na sagot ni Amara sa kanyang ina. Pero kahit na nakangiti nga ito ay hindi naman nakaligtas sa paningin ni Bianca ang lungkot sa mata ng kanyang anak."Ikaw
CHAPTER 485Kinabukasan ay halos tinanghali na talaga ng gising si Amara dahil totoong napasarap nga ang kanyang tulog at talagang namiss nya rin ang dati nyang silid.Pagkatapos rin kasi nilang kumain kahapon pagka uwi nila ay agad na nga syang pumunta sa dati nyang silid at pagkapasok nga nya roon ay kitang kita naman na talagang alaga sa linis ang mga gamit nya roon dahil talagang maayos ang lahat ng gamit doon. At dahil talagang namiss nya ang silid nyang iyon ay naglinis naman na sya kaagad ng kanyang katawan at agad na nahiga at hindi na nga nya namalayan pa na napasarap na nga talaga ang kanyang tulog.Pagkabangon nga ni Amara ay agad na nga nyang ginawa ang kanyang morning routine bago sya tuluyang lumabas ng kanyang silid upang kumain ng agahan dahil ramdam na nga nya ang pagkalam ng kanyang tyan dahil maaga aga pa nga sila kumain kahapon.Pagkababa ni Amara ay agad na nga syang dumiretso sa kanilang kusina at naabutan nga nya roon ang kanyang ina na nagluluto."Good morning