Eli's POVPABALIKWAS akong bumangon. Napasinghap ako nang mapansin na nasa isang kuwarto ako. And the room seems familiar. Teka... kuwarto namin ito ni Juancho, ah? Sa dati naming bahay! What am I doing here? Paano ako napunta dito?Nagmamadali akong tumayo at lumapit sa pinto. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang malamang naka-lock iyon. Pinaghahampas ko ito."Juancho? Juancho!" I have a feeling na siya ang may kagagawan nito. "Juancho, open this door!"Malakas kong tinawag ang pangalan niya nang paulit-ulit. Pinaghahampas at pinagsusuntok ko ang pinto nang mahigit limang minuto bago iyon bumukas."What's the meaning of this? Anong ginagawa ko dito?"Mataman niya akong tinitigan. "Dinukot kita.""What?!""And I'm about to blackmail you."Nagsalubong ang mga kilay ko. "B-blackmail? Ano bang ibig mong sabihin!"Napansin kong tila kabado siya. "I-I... I was preparing our lunch. Gusto ko sana maging romantic ito, pero... maaga kang nagising."I raised an eyebrow. "So, is it m
BLURBNahuli ni Andi si Sven na may ibang babae, pero sa halip na isalba ang kanilang pagsasama, ipinagtabuyan siya nito. Makalipas ang ilang taon, muli silang nagkita. Ikakasal na si Sven... pero sa best friend niya.Nakahanda ba siyang ipaubaya ito sa kaniyang kaibigan o magpapadala siya sa pang-aakit ng dating asawa?Chapter 1Andi's POV"Ipalaglag mo."Natulala ako matapos marinig ang sinabi ni Sven. Matagal ko siyang tinitigan, hinihintay na sana ay sabihin niyang nagbibiro lamang siya."M-mahal, a-anong ibig mong sabihin?"Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa lumang sofa at lumapit sa akin. Walang ni isang emosyon ang makikita sa mukha niya."Ipalaglag mo iyan." Dinuro niya ang tiyan ko.Umawang ang mga labi ko sa narinig. Doon tuluyang umagos ang mga luha sa pisngi ko. Hinawakan ko ang tiyan ko at natutulalang hinimas ito. Tinalikuran niya ako at parang aligagang tumingin sa labas ng nakabukas na pinto."Akala ko, matutuwa ka. Sven, magkakaanak na tayo."Sinubukan kong ngumiti. Bi
Andi's POVDUMATING ako sa bahay na parang basang sisiw. Namumutla, umiiyak at tulala. Nadatnan ko sina Mommy at Daddy sa loob ng living room. Nag-uusap. Nang makita nila ako ay bigla silang natigilan."Andrea, what happened to you? Bakit ka umiiyak?"Agad na tumayo si Mommy at lumapit sa akin. Samantalang si Daddy, nanatiling nakaupo sa mahabang sofa. Nagbuga ito ng hangin mula sa ilong at saka bumaling sa malayo.Sa kanilang dalawa ni Mommy, si Daddy ang pinakatutol na magpakasal ako kay Sven. Ang iniisip niya, wala akong mararating sa buhay kapag sa mahirap ako napunta. Noong kasal namin, si Mommy lang ang dumalo. papaano, si Mommy lang ang nakakaintindi sa akin."Who did this to you? It's that man, right? He hurt you?"Umiling ako kay mommy bago yumakap nang mahigpit dito. Muling akong naluha nang maalala ang mga nangyari kanina."My poor baby. Sinabi ko na, e. Hindi ka magiging masaya sa lalaking iyon! I told you many times, many times! But you didn't listen!""I'm sorry, mommy.
Andi's POV MALALIM na buntonghininga ang pinakawalan ko habang binubuklat isa-isa ang folder na puno ng iba't ibang design ng mga alahas. Sa ibabaw ng table ko ay makikita ang maraming sketches at portfolio."Judith, alam mo ba kung bakit dalawang oras na tayong nandito?" Ibinaba ko ang folder kasama ang ilang papel ng mga bagong design ng jewelries."Why?""Dahil wala akong magustuhan ni isa sa mga ito!""But Andi, these are beautiful!""Beautiful, yes. Pero wala silang spark! I told you so many times already, I want the best! Is this the best for you?""Of all the designs from our jewelry designer and freelancer, by far these designs are the best. Ganitong klase ng mga jewelry designs ang patok sa mga tao ngayon lalo na sa kababaihan. Latest trends ang mga ito.""Exactly! Puro gaya sa mga pumatok na. I said, I want something new. Something fresh. Fresh and the best. But what did you present to me? Ganito ba ang bago at the best para sa inyo?"Nakita kong bumuntonghininga si Judith.
Andi's POVI swallowed hard as I stare at Sven's face while a hint of smile appeard on his lips. Ilan sandali akong nawalan ng lakas ng loob na magsalita bago nagawang ibuka ang aking bibig."Anong ginagawa mo dito?""I'm here for a meeting."Nagsalubong ang mga kilay ko. For a moment, akala ko, nasa maling table ako. But his smile says the otherwise."Puwede ba? Wala akong oras makipaglokohan. Bakit ka nandito?""Ako ang ka-meeting mo, Andi. That's why I am here. Didn't your mother told you?"May ilan sandali akong natigilan. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya, ang hitsura niya, ang pananamit, at ang mga accessories na suot niya. Malayong-malayo na sa dating siya. He look like he cost a fortune now."Are you done checking?"Inirapan ko ito. "There must be a mistake. Isang Santiban ang katatagpuin ko.""I am Santiban. I'm Sven Santiban." Nilahad niya ang kaniyang palad at binigyan pa ako ng ngiti.Tinitigan ko lang ang palad niya. Hindi ako nag-abalang ipakita ang pagkadisgusto ko sa pre
Andi's POV"Magmamakaawa ako sa kaniya."Inis na tiningnan ko si Mommy habang nakaupo sa single sofa sa loob ng kuwarto niya. Maaga pa ay bumiyahe na ako para puntahan itong lugar namin sa probinsya. Kinailangan ko pang ikansela ang lahat ng meeting ko para dito."Mommy, ano ba!""Kung kailangan kong gawin iyon, gagawin ko. Malaki ang utang natin sa hospital para sa pagpapagamot noon ng iyong ama. Maging ang utang natin sa mga tao dahil sa ginawang pagtangay sa pera ng kapartner niya. Ayaw kong ibenta ang Mocelli para mabayaran ang lahat ng iyon," umubo ito matapos magsalita.Naiiling akong nag-iwas ng mukha. Paano ko sasabihin sa kaniya na ang isinusuka niya noon ay ang mismong lalaking nakahandang sumalba sa amin ngayon? Kung malalaman niya, siguradong magwawala siya sa galit."You can't even get out of your bed. Pagkatapos, gusto mo pang lumuwas ng Maynila?"Huminga siya nang malalim. Nakatuon ang mga mata sa nakabukas na telebisyon."Kung hindi ako ng inatake ng sakit ko, hindi ka
Andi's POVPAGDATING sa opisina, mainit na agad ang ulo ko kaya lahat ng empleyado akong binabati ako, sinisimangutan ko. Pabagsak ko pang isinarado ang pinto ng opisina ko kaya napapitlag si Judith."Nakakainis!" I angrily slammed my bag on my desk and slumped into the chair.Sumilip si Judith sa pinto ng opisina. "Ma'am Andi, bakit?"Hindi ko ito pinansin. Sumandal ako nang matagal sa backrest ng upuan at saka pumikit. Maya-maya ay pumasok na si Judith sa loob. Bago pa ito nakalapit ay nakapagmura na naman ako nang maalala si Sven. "Bigyan mo ako ng alak. Kailangan kong uminom.""Pero ma'am, maaga pa po.""Iyon na nga, e. Maaga pa pero sira na ang araw ko! Kailangan ko ng pampakalma!""Pero—"Tinaliman ko siya ng tingin. "I said give me a gaddam alcohol!"Napapitlag ito sa gulat. Bumuntonghininga siya bago sumunod sa inuutos ko. Makalipas ang ilang sandali, dala na niya ang isang glass at bote ng imported na alcohol. Agad akong uminom.Hindi maipinta ang mukha ko habang umiinom ng
Andi's POVSINCE out of the country si Ares, I decided to party to release some stress. Alam kong kapag dumating ang araw na kakailangin na naming makipag-partnership kay Sven, ma-i-stress na naman ako. Kaya habang wala pa iyon, magpapakasaya muna ako.Nasa gitna ako ng dance floor, nakikipagsayaw sa lalaking hindi ko kilala. He's been touching me all over my body. Ni hindi ko alam ang pangalan nito, but I find him hot, so I decided to dance with him.Sumilay ang makahulugang ngiti sa mga labi niya nang magawa niya akong hilahin palapit sa kaniya. Ngayon ay magkadikit na ang mga katawan namin. Nanggigigil nitong pinisil ang dalawang pisngi ng puwet ko."You're so fucking hot," he whispered in my ears.Natawa ako. "I get that a lot."Nakasuot ako ng black bodycon dress na talagang hapit sa katawan ko. Nakalantad pa ang cleavage ko habang hanggang hita ko lang ang laylayan nito. Sa puti kong parang labanos, hindi ko masisi ang mga lalaki kung bakit panay lingon sila sa akin."Wanna go s
Andi's POVNAKATUTOK ang paningin ko sa mga puting bulaklak na hawak ko sa aking mga kamay. Nasa loob ako ng bridal car at naghihintay ng tamang oras para lumabas.I turned my head to the church in front of me. Malaki at luma na ang simbahan, pero saksi ito sa napakaraming kasal na nagdaan. Sa loob no'n ay nakatayo at naghihintay sa harap ng altar si Ares. Ang aking groom, ang lalaking hindi ko mahal.Siguro maraming tao ang tatawa kapag sinabi ko na hindi ko mahal ang lalaking nasa loob ng simbahan na iyan, pero pinili ko siya kaysa sa taong mahal ko na limampung ulit na tumawag sa akin kagabi para pigilan ako sa kasal. Tatanggapin ko ang lahat ng pangungutya nila, dahil kung ako man ang nasa kanilang kalagayan... iyon din ang gagawin ko.Huminga ako nang malalim bago umibis ng bridal car at marahan na naglakad papunta sa lumang pinto ng simbahan. Nababalot iyon ng mga puting bulaklak. Maging ang buong loob ng simbahan ay punong-puno ng bulaklak, white lamp, butterflies, at marami pa
Andi's POVIBINABA ko ang tawag matapos kaming senyasan ng private nurse ni Mommy na handa na ito. Si Ares ang kausap ko at nagbigay lang ako ng update sa kaniya na nandito na kami ni Sven sa hacienda. He wanted to come, but after I told him about everything, he respected my decision to go here with Sven.Nilingon ko si Sven sa tabi ko at tinanguan ito. Sabay kaming pumasok sa silid ni Mommy. Nakasandal siya sa headboard ng kama, malamlam ang mga mata na nakatingin sa amin. Magkatabi kaming naupo sa sofa na malapit sa kama nito."I hope you're doing well," Sven started. "I'm sorry to come here without notice, but I want to know what happened. Why did you do it? Why did you... killed my child?"Napatingin ako kay Sven nang mag-crack ang boses niya. I can see how his face turned red. Hinfi ko alam kung dahil sa galit o sa matinding emosyon."Is it because you hate me so much? You killed your own grandchild because you don't like me? Because I wasn't rich back then?"Napalunok ako. Ramda
Andi's POV"Andi?!" narinig kong gulat na sambit ni Melody sa pangalan ko.Hindi ko siya binigyan ng pansin at itinuon lang ang paningin ko sa babaeng tinatawag niyang Pauline. Now I remember it, she told me her name back then. Nagmamalaki niyang sinabi kung sino siya at kung ano siya ni Sven noon."Kasinungalingan lang pala ang lahat? All this time, I thought Sven cheated on me."Napaatras si Pauline nang marinig ang sinabi ko. Kabadong nilingon nito si Melody.Mariin kong kinuyom ang mga kamay ko. "Magkasabwat kayo?""Hindi! Mali ka nang narinig, Andi—""Huwag ka nang magsinungaling, Melody! Narinig ko na ang lahat! Buking ka na!""Tanga! Mali ka nga ng pagkaintindi! At saka, bakit nandito ka pa? Sinong may sabi sa iyo na puwede kang pumasok? Pamamahay ko ito!"Tumango ako. Hindi makapaniwala na pagkatapos niya kaming sirain ni Sven, may kapal pa siya ng mukhang magmatapang sa akin."Inggitera!" bulyaw ko na ikinatigil nito. "Noon pa man, inggit ka na sa akin. Hindi ka na nakuntento
Andi's POVKALALABAS ko lang mula sa shower at kasalukuyan akong nagpapatuyo ng buhok ko gamit ang towel. Napatingin ako sa aking cellphone na nasa ibabaw ng sidetable. Kanina pa iyon ring nang ring pero hindi ko pinapansin.Sigurado ako na kung hindi si Sven ang tumatawag, si Melody ito. I don't know why she keeps on calling me. I told her I'm not seeing Sven anymore, but she doesn't seem to believe me.Matapos kong makapagpalit ng damit na pantulog, nakatanggap na naman ako ng tawag. But this time, it wasn't from Sven or Melody. Galing sa guard sa baba. Sinagot ko ang tawag at nagtaka sa narinig."May babaeng naghahanap sa inyo dito sa baba, ma'am.""Bakit hindi mo pinaakyat?""E, lasing na lasing ho. Nagwawala."Nalukot ang noo ko sa narinig. Mukhang kilala ko na kung sino ang tinutukoy nito. "Is that Melody? I mean, iyong babaeng kasama ko dati?""Opo."Bumuntonghininga ako at napailing. "Sandali, lasing siya?""Oo, ma'am. Lasing na lasing."Ibinaba ko agad ang tawag at nagmamadal
Andi's POVNARAMDAMAN ko ang dalawang maskulado at mabalahibong braso na yumakap sa akin mula sa likuran. Ares sniffed my neck before giving me small kisses on my cheeks."Everything is ready."Bumuntonghininga ako bago pilit na ngumiti. "Okay.""Bakit parang hindi ka yata masaya? Are you still thinking about him?""Ares, pagod lang ako.""Oh, really?" Nag-iba ang tono ng boses niya kaya nilingon ko ito."Ikakasal na tayo, di ba?"Mataman niya akong tinitigan gamit ang seryosong mga mata. "Ikakasal ka nga sa akin, ibang lalaki naman ang iniisip mo."Umikot ang mga mata ko. Babalik sana ako sa desk ko pero mahigpit niya akong pinigilan sa braso."Let go of me, Ares. Masakit.""Umamin ka nga sa akin, Andi. Are you still in love with you ex-husband?"Mariin akong lumunok. Naalala ko ang nangyari kahapon, kung paano ko inamin sa sarili ko na mahal ko pa rin si Sven, only to discover that Melody is pregnant with his child."Hindi na."Nginisian niya ako. "And what about me? Do you love me?
Sven's POVHINDI ako mapakali habang paulit-ulit na tinatawagan ang numero ni Andi. Nang mawalan ng malay si Melody, wala akong magawa kundi dalhin ito sa loob ng bahay ko. Pero pagbalik ko, wala na si Andi sa kitchen. Wala na rin ang mga damit niya."Hiwalayan mo siya, please."Natigilan ako nang marinig ang mahina at malungkot na boses ni Melody. Tiningnan ko ito at labis na awa ang naramdaman ko.I know I'm such a jerk for using her. And if I could only take her pain away, I would do it. Pero ang masaktan siya ang kapalit ng katuparan ng pangarap kong muling makasama si Andi. Mahirap man sa loob ko, wala akong magagawa para sa kaniya."Sven, nagmamakaawa ako."I put my phone away and walked slowly to the couch where she was sitting. Umaagos ang luha sa mga pisngi niya habang nagsusumamo ang mga matang nakatingin sa akin.I took her hand and gently squeezed it. "I can't, Melody.""Why not? Why?""I love her so much."Mariin siyang pumikit. "Hindi ba puwedeng ako na lang? Ako na lang
Andi's POVNATIGILAN ako nang tuluyan humarap sa akin si Sven at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Kitang-kita ang kalituhan sa mga mata niya. Bakit parang totoo? Bakit parang wala talaga siyang alam?"Hindi ko maalala ang pangalan niya, pero sinabi niya sa akin na girlfriend mo siya.""What? No, that's not true. Mag-isa ko lang noon, Andi. Wala akong kasamang ibang tao nang umalis ka at bumalik sa inyo."Napatayo na ako sa puntong iyon. "I saw her kissing you! I talked to her! Sinagot-sagot niya ako at matapang niyang ipinamukha sa akin na niloloko mo lang ako!"Paulit-ulit na umiling si Sven. Napatayo na rin siya. "Wala akong iba, Andi. Ikaw lang ang babae sa buhay ko no'n.""You're lying!""No. Andi. Maniwala ka, inaamin ko, nagsinungaling ako, pero wala akong ibang babaeng minahal, ikaw lang. Mula noon hanggang ngayon, Andi, ikaw lang."Muling umagos ang masaganang luha sa magkabila kong pisngi."Then who is that woman? Sino ang babaeng nakayakap sa iyo noong gabing iyon? Sino
Andi's POVSven stared at my face for a long time. Shock and disbelief were evident in his eyes. Nagbaba ako ng paningin dahil kahit namumuhi ako kina Mommy, nahihiya rin ako sa ginawa nila."Andi, ang ibig mong sabihin... "Malungkot ko siyang tinanguan.Mariin niyang ipinikit ang mga mata pagkatapos ihampas ang kamao sa ibabaw ng mesa. "Fuck! All this time, akala ko, nagpa-abort ka dahil sa akin.""Kaya umalis ako noon sa amin. Hindi ko sila kayang patawarin, at hindi ko rin kayang patawarin ang sarili ko. Wala akong nagawa para sa anak ko. Wala akong nagawa."Tumingin siya sa akin, maagap akong hinila sa baywang para yakapin. "It's not your fault, wala kang kasalanan, Andi. Ako, kasalanan ko ang lahat. Kung hindi ko ginawa iyon... kung hindi kita—""Bakit ka nagsinungaling?"Napakalas siya ng yakap sa akin nang itanong ko iyon. Pulang-pula ang mga mata niya."Talaga bang... pinakasalan mo lang ako para sa pera? Para sa yaman ng mga magulang ko? I want to know the truth, Sven. Pleas
Andi's POVLUMABAS ako mula sa cafe shop kung saan kami nag-usap ni Hayate. Nangingilid ang luha sa mga mata ko, kung saan-saan ko ibinabaling ang ulo ko dahil hindi ko alam kung saan titingin, saan pupunta o maski ano ang iisipin.Natagpuan ko na lang ang sarili ko, halos kalahating oras ang nakalipas, na naglalakad sa gilid ng kalsada. Nang marating ko ang mataas na gate, sa halip na mag-doorbell, sumandal ako roon at piniling maghintay.Nandito ako sa labas ng bahay ni Sven. Dito ako dinala ng mga paa ko matapos ng mga nalaman. I wanted to talk to him, but I'm afraid. Takot ako na baka kasama niya si Melody, takot ako na malamang inaayos na nila ang relasyon nila. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, basta ang sigurado lang ako, siya ang gusto kong makita sa mga sandaling ito.Makaraan ang dalawang oras, tumigil sa tabi ang isang itim na sasakyan. Kotse iyon ni Sven. Umibis siya ng sasakyan niya, at hindi ko na inisip kung kasama ba niya si Melody o hindi. Patakbo akong lumap