[NARRATOR] Wala pang isang buwan simula ng magtapos ang magkapatid sa college pero natanggap na agad si Dennise sa soleste suites bilang accounting clerk. "Cheers!" Masayang hiyaw ni Leiluna sa kanyang kapatid, nagtama ang mga boteng hawak nila na nagdulot ng tunog ng tagumpay. Kasalukuyang nasa kilalang club ang dalawa para icelebrate ang bagong yugto ng buhay ni Dennise. "Bilib na talaga ako sayo.. Ikaw na ang maswerte sating dalawa.." Natutuwang naibahagi ni Leiluna. Natagpi ang mga tingin nito sa kapatid na di din nawala ang saya sa mukha. "For sure parating na rin yung sayo, Lei.. Wag kang mainip.. Ikaw pa ba.. Cum laude ka ata.." May pagmamalaking hayag nito saka muling lumagok sa kanyang inumin. "Hmmm... Baka maraming lumandi sayo dun ah.." Irap ni Leiluna, bigla na lang naiba ang ihip ng hangin. "Pwede... Pero depende naman sakin yun, Lei.."Buong gabing nagpakasaya ang dalawa hanggang sa limitasyon ng kakayahan nilang dalhin ang alak sa katawan. "Who's gonna drive? La
"ANO TOH?!! Jusko po patawarin!!" Parang malakas na tambol ang gumising at pumutol sa mahimbing na pagtulog ng magkapatid. Tarantang hinapit ng dalawa ang kumot upang mas maitaas pa ito, matakpan at wag lumantad ang mga hubad nilang katawan. "Mom... Magpapaliwanag po kami.." Ngarag ang tinig ni Dennise. "May magandang paliwanag ba sa nakikita ko ngayon, Dennise?? Anong bumalot sa inyong magkapatid? Huh?! Ano ito?? Anong kababuyan ang ginawa niyo? Huh??" Galit na galit si Tanya.. Nanlilisik ang mga mata nitong malinaw ang panghuhusga at hindi kaaya ayang reaksyon. Nanginginig din ang magkabilang palad nitong tiklop na tila pinipigilan ang sariling sumabog sa sitwasyong hindi niya lubos maunawaan at matanggap kung paanong nauwi sa ganoon. "Tumayo kayong dalawa!!! Umayos kayo at maghiwalay!! Nauunawaan niyo ba kung ano itong ginawa niyo?? Huh?? Kasalanan ito sa diyos! Oh my God.. Ano bang tumatakbo sa isip niyo?!" Mabilis ang paglibot sa sahig ng mga mata ni Tanya sa pagnanais na
"Hindi ka pwede rito..." "At bakit? Ikaw ba ang may ari nito?!" Hindi ako makapaniwala sa tapang nito. Di naman siya ganun dati."Oo.. Ako ang may ari ng company na to.." Sagot ko sa kanya ng buong confident. Nakangusong pinagkrus ko ang mga kamay ko saking dibdib. Tinaasan ko siya ng kilay, bahagyang umabante ang hinaharap ko. "Hindi naman ikaw ang nag hire sa akin! Hindi ko na problema kung nakuha ko ang trabaho ng dimo alam.. Nakapirma na ko ng kontrata nuh!" Umuwang ang labi kong nabigla ng husto. Marunong na siyang lumaban ngayon. "Sorry Ms, Hart.." Napatingin ako sa lalaking bigla bigla na lang din pumapasok ng office ko. Wala ba talaga silang respeto sakin? Ito na nga ba ang sinasabi ko kapag dahil lang sa katayuan mo sa buhay kaya maganda ang position mo sa isang kumpanya. Kaya ayoko dito mag trabaho kasi ganito. Ahhh!! Nakakainis. "Anong ginagawa ng babaeng ito rito??" "Ganito po kasi.. Utos po ng Dad niyo.. Wala pa po kayong assistant-" "Saglit?? Anong assistant? Hi
[MARIA DENNISE TRINIDAD] Maraming bagay ang pumapasok sa utak ko pero mas klaro ang pag alis. Hindi ko na inasahang kokontra si Mom but I know Lei won't agree at baka sumama pa siya sa akin pero alam naman na hindi papayag ang mga magulang namin after everything. Isa pa sapat lang ang ipon ko sa ngayon at mag sisimula pa lang ako sa trabaho. "Dens... Ano to?? Akala ko ba hindi ka mawawala sa tabi ko??? So ano toh?? Huh??" Sinundan ako ni Lei pabalik ng kwarto. Hindi ko siya iniimik at nagpatuloy lang sa paglakad. Panay ang hawak niya sa kamay ko at ang mga matang nangungusap saking mukha pero buo na ang desisyon ko. Hindi natapos sa utak ko ang mga salita ni Mom kanina sa sala. Tama siya. Anong sasabihin ng lahat? Hanggang kailan kami makakapag tago ni Lei? Magiging masaya nga ba kami? O magbubulag bulagan ba sa katotohanan?? Ang saklap pero ano bang dapat? Si Dad? Isusumpa kami ni Dad. Pandidirian kami ng mga tao.. Ng buong mundo. That's fine with me, as long as kasama ko si Le
[MAREA LEILUNA TRINIDAD]One month na ang dumaan simula ng umalis si Dens ng bahay. Madalas akong natutulala, walang ganang kumaen o lumabas ng kwarto. Hanggang ngayon wala pa din sa isip ko ang maghanap ulit ng trabaho. Sa pagkawala ni Dens sa buhay ko tila huminto na din ang pag ikot nito. Wala akong gana sa kahit anong bagay. Talagang pinutol niya ang lahat sa amin. Walang kahit konting paramdam man lang. Paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko kung paano niyang nagagawa at nakakayang tila walang namagitan sa amin dalawa."Leiluna...!" Nahinto ang abalang utak ko ng marinig ko ang sigaw ni Mom. Ano bang kailangan niya sakin?!"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?! Habang buhay ka na lang ba magmumukmok?!" Dugtong niyang sermon ng makapasok ng kwarto. Wala akong lakas o kagustuhang sumagot sa mga sinasabi ni Mom. Parang wala na akong pakialam sa lahat. "Hindi matatapos ang paghihirap mo kung hindi mo tutulungan ang sarili mo anak.." Patuloy lang ang pagtagpi ng paningin ko sa cei
[MARIA DENNISE TRINIDAD] Tahimik nga si Azzurra at parang mag isa ko lang talagang nagpunta ng bar. Padaka'y napapasulyap ako sa sunud sunod niyang paglagok. Mukhang parehas kaming may mabigat na pinagdadaanan. Hinayaan ko lang siya at tumuon sa sarili kong dinadala. Naisip ko nanaman si Lei at sobrang miss ko na siya. Panay ang tingin ko saking phone na parang anytime matutukso akong tawagan siya para marinig kahit boses lang niya. [AVA SMITH] Tapos na ang oras ng trabaho ko pero may ganap kami ng new friend ko. Habang tumatagal hindi ko na naiisip si Natalie more than friends. Palagay ko nga nakakalimutan ko ng minsan akong nabaliw sa kanya at parang naka move on na ako or nasanay na lang din talaga. "So ready ka na?!" Bahagyang sigaw sakin ni Amory na malapit lang sa table ko. "At san kayo pupunta?!" Nagulat na lang ako ng bigla umentra si Natalie. Speaking of the devil. "Uuwi na po.." Halos sabay naming sagot ni Amory ng makalapit sya sa gawi ko. "Sinong may sabing tapos
[AVA SMITH] Nahihiwagaan na talaga ako kay Natalie kung ano bang tumatakbo exactly sa utak niya. Parang kaninang umaga lang pakiramdam ko pinag iinitan niya ako. Tumawag siya sa inter con at pinapunta ako ng office niya. Ang masaklap at nakakabaliw wala naman pala siyang pakay. What the hell?! Pinag lalaruan nanaman ba niya ko sa mga palad niya? Hindi niya na ko mauuto baka akala niya. Aliw na aliw pa man din ako sa topic namin ni Amory. Parehas kasi kami na may taong gusto pero may iba ngang gusto. Naging tanga din daw sya sa lalaking yun. Ayun ang kaibahan namin dalawa. She's straight. Panay daw ang habol niya sa lalaking yun hanggang napagod na lang daw sya. Nag sesex nga daw sila kahit wala naman silang label. Hindi naman namin yun nagawa ni Natalie. Nanatili lang akong friend noon. Friend na parang jowa na din, mabilis pa kay splash kung dumating pag kinailangan niya. Sinundan ko lang ng lakad si Natalie ng makapasok kami ng antidote bar. Napapa langhap na lang ako ng mala
[AVA SMITH] Nakakailang bote na kami ni Natalie at tingin ko nga malapit na siyang malasing pero wala pa din ang client na sinasabi niya. Chinat ko na lang si Amory na hindi na ako makakapunta sa kanila. Nahiya pa ako doon sa tao kasi ako ang nag ayang mag inom sa kanila. Nasayang lang tuloy yung oras niya sa paghihintay sa akin. Mabuti na lang at mahaba ang pasensya nya gaya ko. Pero binigyan niya ako ng iisipin sa huling chat niya. "May gusto ata sayo yang boss mo.. Ava.. Ayaw lang umamin or di pa niya narerealize.." Ito ang huling chat niya sakin. Paano naman niya nasabi yun.Hindi ko na kasi nagawang mag reply dahil kay Natalie. Sabihan ba naman akong oras pa raw ng trabaho kaya bakit ako nag cecellphone.. "Tama na Natalie.. Umuwi na kaya tayo? Mukhang hindi na dadating yung kausap mo?!" "Natalie na lang? Boss mo pa rin ako Ava baka nakakalimutan mo.. Tsaka ako ang magsasabi kung uuwi na tayo.." Babatukan ko na talaga siya sa susunod niyang sasabihin. Gusto ko ng umuwi anong