"Ahhh...!" Sigaw ko sabay hawak ko sa ulo ko. Medyo masakit at kakagising ko lang. May hangover pa ako hanggang ngayon. Nang makaalis kasi sila Caye ay pumunta ako sa bar para uminom. Hindi na ako bumalik doon sa party.Ayoko'ng makasama ang lalaki na 'yun dahil baka bigla pang magkaroon ng gulo. Kapag nakisama ako sa kanila sa inuman.(Flashback) Tinawagan ko na lang si Rico para may makasama ako."Bro pwede mo ba ako samahang uminom?" Tanong ko sa kanya."Sige bro punta ako diyan," sagot niya sa akin.Habang wala pa si Rico ay uminom na muna ako. Nakainom na rin ako bago pumunta dito. May ilang mga babae ang nag-papapansin sa akin."Hey handsome," tawag sa akin ng babaeng sexy.Sexy ito at maganda rin pero kahit gaano pa sila ka sexy ay wala ng epekto sa akin."F*ck off!" Galit na sabi ko dito."Gwapo ka pa naman pero ang sungit mo. Palay na ang lumalapit pero ikaw pa ang may ayaw," saad nito sa akin."Sorry Miss pero taken na ang kaibigan ko," sabi ni Rico na kakarating lang."Eh
Sa loob ng isang linggo hindi talaga nagparamdam si Jeff. Ilang text narin ang ginawa ko pero wala parin."Hi jeff!""Jeff kamusta na?""Jeff ano na balita?""Jeff okay ka lang ba?"'Hoy Jeff magreply ka naman nag aalala na ako sayo. Ano ba nanyari sayo?""Jefffff.......!""Sinasabi ko sayo break na tayo kahit hindi pa kita sinasagot. Siraulo ka...!""Bahala ka nga diyan!""Jeff mag iingat ka kung nasaan ka man. Lagi mong tatandaan na kapag may problema ka nandito lang ako para sayo. Handa akong makinig at damayan ka. Nandito lang lagi ang sunny mo."Huling text ko sa kanya. Ang dami ko na kasing mensahe na ipinadala sa kanya.Hinayaan ko na lang siya baka busy lang kaya hindi nagrereply. Pwede rin na nagsawa narin siya dahil sa loob ng dalawang taon lagi na lang niya kami inaalala niya.Sa totoo lang magiging masaya ako kung makahanap na siya ng babae na karapat dapat sa kanya.Deserve ni Jeff ang babaeng mamahalin siya ng tapat at alam ko na hindi ako deserving sa kagaya niya.Kahit
Buong maghapon naging maganda ang mood ko. Naalala ko rin na hindi ko pa nabayaran ang mga cake kanina kaya ako na ang personal na pupunta para magbayad."Goodbye Sir," paalam sa akin ng staff ko pagkalabas ko sa trabaho.Pagkarating ko mismo doon ay binati ako ng mga staff niya. "Good afternoon Sir." "Good afternoon," bati ko sa kanila pabalik. Napangiti ako dahil 'yong iba niyang staff ay nabubulungan at halatang kinikilig. Alam ko na gwapo ako at sanay na ako sa ganito."Hi Miss nandito ba si Caye?" Tanong ko dito."Hi po Sir nasa office po niya. Sino po sila para masabihan ko po si ate?" Tanong niya sa akin."Please tell her that her husband is here," nakangiting saad ko sa kanya."Po? husband? Okay po sabihan ko po siya," halatang gulat na gulat ito at sa tingin ko ay hindi ito naniniwala sa sinabi ko.Ilang sandali lang ay bumalik na ito."Sir wala daw po siyang asawa baka nagkamali lang kay—"Hindi ko na siya pinatapos magsalita at naglakad na ako papunta sa opisina na nilanasa
Maghapon kong inabala ang sarili ko sa pagtatrabaho. Nais kong makalimutan ang nanyari kanina. Hindi ako makapaniwala na bumigay na naman ako kay Luke. Kasalanan talaga ito ng bibig ko."Bakit kasi tumugon ka?" tampal ko sa labi ko.Tinawagan ko rin si tita para sabihin na hindi kami kakain sa bahay mamaya. Inimbitahan kasi kami ni Jeff na kakain sa labas kasama ang mga bata.Habang nagtatrabaho ako ay may kumatok na staff ko."Ate may naghahanap sayo nang tinanong ko ang sabi sa akin asawa mo daw siya. Grabe ate! Ang gwapo niya! Kalevel niya si kuya Jeff," sabi niya na may kasamang pagtili."Buti na lang ate at masikip ang garter ng panty ko kasi kung hindi baka nahulog na," dagdag pa niya."Naku Jane sabihin mo sa kanya na wala pa akong asawa. Malay ko ba kung sino siya? Patay na 'yong dati kong asawa" sabi ko kay Jane."Ok po ate, kung ayaw niyo po samin na lang po hehe," saad niya sa akin."Sige sa inyo na lang," sagot ko sa kanya.Lumabas na ito at ako naman ay itinuloy na ulit an
Paglabas ko sa restaurant ay ihinatid ko kaagd si Elle. Malapit lang kaya nakabalik ako kaagad. Nang makabalik ako kaagad ay hinintay ko sa labas sila Caye. Nais ko kasi malaman kung saan sila nakatira.Nang lumabas sila sa restaurant ay sinundan ko kaagad sila. Napansin ko na papunta sa shop ang tinatahak naming daan.Nalaman ko na malapit lang pala sa bakeshop ang bahay nila. Si Jeff ang nagbuhat sa isang kambal samantala kay Caye naman ang isa.Pero wrong decision na sinundan ko sila. Ito na ata ang parusa ko sa pagbalewala ko sa kanila noon. Dahil hindi ko sila nagawang ipaglaban. Naging isang malaking duwag ako at ngayon ay nakikita ko siyang masaya sa piling ng iba ay para akong pinapat*y ng paunti unti.Masasabi ko na napakabuti ni Jeff dahil nagagawa niya ang lahat para kay Caye lalo na sa mga bata.Kitang kita ng mga mata ko. Kung paano niya alagaan ang mga ito. Gusto ko na lang pumikit pero may pumipigil sa akin. Lumabas si Jeff nakasunod sa kanya si Caye.Sa tingin ko ay na
Masyadong masarap ang tulog ko kagabi. Ganado akong nagising para sa pangalawang araw na panunuyo ko sa baby ko. Gusto kong ipakita sa kanya na nagbago na ko.Hindi ako makamove-on sa mga nanyari kahapon. Kahit kasi nagtataray ang baby ko ay napaka-ganda parin talaga niya."Binabaliw mo na naman ako baby," saad ko sa sarili ko.Nagmaneho ako papunta sa bakeshop. Sa sobrang ganda ng mood ko ay napapakanta pa ako habang nagda-drive.Nagdala ako ng LC para sa mga staff niya. Para naman may kakampi ako. Hindi ko ugaling manuhol pero ngayon ay gagawin ko para naman kahit papaano ay may mga susuporta sa akin habang nanunuyo ako.Nang dumating ako ay nakangiti sa akin ang mga staff niya at binati ako. " Good morning Sir Pogi.""Good morning guys. Para sa inyo pili na lang kayo ng mga gusto niyo," saad ko sa kanila."Wow Sir! LC ito diba? Ang mahal nito tapos ang bango pa 'yong presyo nito hindi pa kakasya 'yong pang isang buwan kong sahod huhu," sabi ng isa niyang staff."Thank you po talaga
Caye PovAraw-araw na lang ay kinukulit ako ni Luke. Minsan kahit na anong pagtataray ko ay hindi siya apektado. Hindi man lang tumatalab sa kanya ang pagtataboy at pagsusungit ko.Si Jeff naman lagi siyang tumatawag dahil wala siya dito sa Iloilo. Ngayon kasi pumunta siya ng Manila dahil may pinapaasikaso sa kanya ang mga magulang niya. "Hello sunny, sorry kung hindi ako nakakabisita sa inyo. Nasa Manila kasi ako," saad niya sa kabilang linya."Hello Jeff, okay lang ingat ka diyan.""Kayo rin, Take care bye.""Bye," sagot ko bago ko ibinaba ang tawag.Sa bawat araw na dumadaan ay palagi na lang nasisira ang araw ko. Masyado itong makulit at kahit na magsalita ako ng masasakit na mga salita ay walang epekto sa kanya. Minsan napapa-isip ako. Kung ano kaya ginawa niya noong nasa Amerika pa siya. Alam ko na confident siyang tao pero ang majokes marunong pala siya no'n.Nahuhuli ko pa ito na namimigay ng LC perfume sa mga staff ko. Medyo nainis ako ng very very light kasi naman ako hindi
Nang makarating kami sa bahay ay si tita at ang kambal lang naroon. Nasa school pa ang dalawa.Pagpasok ko ay agad akong tinanong ni tita. "Aye ang aga mo naman atang umuwi ngayon?" Tanong niya sa akin."May kasama po ako tita," sagot ko sa kanya."Kasama? Sino?" "Si Luke po tita," sagot ko.Tumingin si tita sa akin. Alam ko kung ano ang ibig sabihin ng tingin na 'yon. Kaya umiling ako para iparating sa kanya na hindi ko pa sinabi kay Luke ang tungkol sa mga bata."Nasaan siya?""Luke pumasok ka na nga," mataray ko na tawag sa kanya.Nakita ko naman na sumilay ang ngiti sa labi ni tita. Alam ko na natutuwa ito."Magandang araw ko tita.""Magandang araw din sa 'yo. Matagal rin tayong hindi nagkita," sabi sa kanya ni tita.Tumingin ako kay Luke at nakita ko na may dumaan na lungkot sa mga mata niya."Naku past is past na pumasok kana dito. Bawal ka'ng magtagal sa pintuan dahil may buntis dito. Diba Caye?""O-Oo," nag-aalangan na sagot ko."Sino po tita?" Tanong ni Luke."Si Aye," sagot
LUKE POVNgayon ang araw ng proposal ko sa asawa ko. Nais ko siyang pormal na ayain magpakasal. Alam ko na pangarap rin nito na ikasal ulit kaya pinaghandaan ko talaga ito.Humingi ako ng tulong sa pamilya ko at sa mga empleyado sa Blake Company. Masasabi ko na deserve ng asawa ko ang mabigyan ng magandang proposal. Sinubukan kong kumanta para sa kanya. Ewan ko ba kahit alam ko na mahal niya ako ay hindi ko parin maiwasan na kabahan.I'm so happy cuz she said Yes. Pero ang perpektong gabi namin ay napalitan ng kaba at pagkataranta dahil bigla na siyang sumigaw dahil manganganak na siya.Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba ko. Naawa ako sa asawa ko tuwing dumadaing ito kaya kinakausap ko ang baby namin. Sobrang pasasalamat ko kay God dahil hindi niya kami pinabayaan.Hindi niya pinabayaan ang mag-ina ko at naipanganak ng mabilis at maayos si Clyden Blake. Isang malusog na sanggol na lalaki. Masaya ako sa pag-aalaga sa mga anak ko,. Ito ang pamilya na nais ko hangga
CAYE'S POVSimula nang malaman ko na buntis ako ay paiba iba na ang mood ko. Madalas kakaiba ang mga trip ko pero malaki ang pasalamat ko sa asawa ko dahil nandiyan siya lagi sa tabi ko para alagaan at intindihin ako.Sobrang laki ng pinagbago niya. Kung noon na bago pa lang kami magkakilala ay napaka suplado nito at palagi na lang galit. Ngayon naman ay ikinulit niya. Sa mga buwan na kasama ko siya ay masasabi ko na lalo ko siyang minahal ngayon ko narealized na hindi ko mapagkakaila na noong una ko siyang makita ay nakuha na niya agad ang atensyon ko, lalo na ang puso ko.Nakikita ko ang pagmamahal niya sa dalawang babae kong anak at sa kambal. Lagi siyang naglalaan ng oras para sa mga ito. Nakasanayan na rin namin na tuwing araw ng linggo ay family day namin. Namamasyal at nagsasaya kami kapag sunday.Panay takbo na rin ang kambal at matatas na talaga silang magsalita.Mabigat na ang tiyan ko dahil kabuwanan ko. Tungkol naman sa negosyo ko maayos naman ito at si tita Nene ang nama
LUKE'S POVSobra-sobra ang saya na nararamdaman ko nang malaman ko na buntis ang asawa ko. Mag two months na pala siyang buntis na hindi man lang namin nalaman.Ngayon babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya noong ipinagbubuntis niya ang kambal. Madalas ay nagrereklamo na ito sa akin dahil para ko daw siyang ginagawang baby. Dahil nagiging OA na daw ako.May mga pagkakataon kasi na nahihirapan ako na intindihin siya. Dahil narin sa paiba iba ang mood niya kada araw. Ang weird din ng mga kinakain niya minsan. Pagkatapos iiyak kapag hindi ko siya sinabayan sa trip niya.Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano ang ginagawa niya dati noong panahon ng paglilihi siya.Dito ako sa office ngayon madami akong tambak na trabaho. Tulog pa ang asawa ko nang umalis ako kaya nag iwan na lang ako ng note.Dito na rin kami nakatira sa Maynila. Uuwi na lang kami sa Iloilo kapag nanganak na siya. Maayos naman ang negosyo niya sa pamamahala ni tita Nene.Maghapon akong nasa opisina ko ng tumawag
Matapos kong kumain ng singkamas ay nagpasya kaming sunduin ang mga bata sa bahay nila mommy. Nagulat pa ako parang may fiesta sa kanila dahil sa dami ng pagkain na nakalagay sa mesa. Tumingin ako sa asawa ko pero nginitian lang niya ako. Pagpasok namin ay sinalubong ako ni mommy sabay yakap sa akin."Mabuti naman at maaga kayo anak tara na sa hapag at para makakain na tayo," masayang sabi nito sa akin."Sino po may birthday mommy?" Tanong ko dito."Wala anak gusto ko lang magluto ng marami," sagot nito sa akin."Parang may fiesta po," sabi ko dito."Masaya kasi kami anak kasi kumpleto tayo."Umupo na ako sa tabi ng asawa ko. Ang layo na ni mommy sa dating siya gano'n din si daddy. Simula nang naging lolo sila masasabi ko na hindi naman pala sila masamang tao.Sadyang mahal lang nila ang anak nila. Hinalikan ko muna ang lahat ng mga anak ko. Apat na sila at may paparating na naman. Oo buntis ako at kanina ko nalaman nang umalis kasi ang asawa ko ay nagising ako bumaba ako sa kusina.
Bumukas ang gate at ipinasok ko ang sasakyan ko. Bumaba na ako pero nagulat ako dahil bigla na lang may tumamang palaso sa harapan ko.Halos matumba ako sa gulat."F*cking Sh*t!" Bulalas ko bigla.Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko at may sumunod pa ulit na palaso na tumama malapit sa paa ko.Hinanap ko kung saan galing ang palaso. Nang tumingin ako sa paligid ay nakita ko ang asawa ko sa terrace. At nakatutok sa akin ang pana niya.Ngayon ko lang ulit ito nakita ng ganu'n kaseryoso habang walang akong maaninag na awa sa mga mata niya."Baby let me explain please, 'wag mo naman itutok sa akin 'yan.""Tapos ano magsisinungaling ka. H'wag mo na akong paikotin pa!" Sigaw niya sa akin."Baby anak 'yon ng ninong ko ganu'n lang talaga siya tuwing nag-uusap kami minsan nanghahampas habang nagkukwento. Wala lang cyon sa akin dahil para ko na siyang kapatid. Please baby ibaba mo na 'yan," pakiusap ko sa kanya."Hampas ba 'yon? Hinihimas niya ang braso mo. Bakit hindi mo tinanggal 'yong kama
CAYE'S POVNagising ako nang gabi na. Nang dumating ang asawa ko ay hindi ko parin siya pinapansin kahit na nagbigay na siya ng napakaraming ice cream."How's your day baby?" Tanong niya sa akin.Nanatili akong tahimik. Hindi ko siya sinagot."May problema ba tayo?" Tanong niya ulit sa akin. Akmang lalapit ito sa akin pero mabilis akong tumayo at lumabas sa silid namin.Pinuntahan ko ang kambal at hindi ko pinansin ang asawa ko. Nakikita ko pa lang siya ay naiinis na ako kaagad sa kanya. Araw-araw ay gano'n ang nanyayari. Sa tingin ko ay nagtatampo rin siguro ito dahil hindi man lang ako kinukulit.Sa couch narin ito natutulog. Hindi siya nagtangkang tumabi sa akin.Isang linggo na kaming hindi masyadong nag-uusap ng asawa ko. Lagi akong tulog ewan ko ba pero antok na antok talaga ako. Ngayong araw ay hiniram ni mommy ang mga bata kaya wala akong kasama ngayon dito. Simula nang maging okay kami ay mommy na ang tawag ko sa kanya. Tanggap na rin niya ang dalawa kong anak.Dahil sa mag-
LUKE POVPumunta ako sa presinto pagkarating ko roon ay nakita kong nag mamakaawa ang kasambahay namin kay Rico."Sir inutusan lang po ako. Sir maawa po kayo sa akin," umiiyak na bulalas niya kay Rico.Biglang uminit ang ulo ko sa narinig ko. Mabilis akong lumapit sa kanila."Sino ang nag-utos sa 'yo?" Galit na tanong ko sa kanya."Sir Luke maawa po kayo sa akin. H'wag niyo po akong ipakulong inutusan lang po ako ni Miss Elle," aniya sa akin.Naikuyom ko ang kamao ko sa galit na naramdaman ko ngayon."Pasalamat ka at walang nanyaring masama sa asawa ko. Dahil kung mayro'n mabubulok ka dito sa kulungan," galit na sabi ko sa kanya.Iniwan ko ito at nag-usap kami ni Rico. Inutusan ko rin ito na pakawalan na ang kasambahay na 'yon. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan ko papunta sa condo unit ni Elle.Doon ko nasaksihan kung paano siya nawawala sa sarili. Kasama niya ang lalaking sa pagkakaalam ko ay kaibigan niya."I'm really sorry bro. May sakit si Elle and she need to go back. Hindi n
Nataranta ako dahil hindi ko makita si Simon. Kahit si Luke ay bigla na lang napamura sa inis."F*ck! Baby hanapin natin si Simon. This is my fault," sinisisi niya ang sarili niya."Hanapin na lang natin siya love," ani ko sa kanya. Inikot namin ang buong palaruan. Ang lahat ng takot at pangamba ko ay biglang naglaho nang makita ko ang anak ko na masayang nakikipaglaro sa isang bata doon sa pinaka sulok.Mabilis kong ito dinaluhan at kinarga. "Baby bakit ka naman umalis doon? Natakot si mommy," kausap ko sa kanya. Ngumiti ang anak ko at hinalikan ako sa pisnge.Napangiti naman ako. Mabilis akong pumunta sa pwesto ng asawa ko. Sinalubong niya kami ng isang mahigpit na yakap. "Don't do that again Simon. Nag-alala ang mommy at daddy," kausap rin niya sa anak namin."I think we need to go home na baby," aniya sa akin."Mabuti pa love para makapag pahinga ang mga bata," sagot ko sa kanya.Lumabas na kami sa palaruan at bumiyahe na pauwi sa mansiyon nila. Habang nasa daan kami ay tulog na
Bumalik kami ng Maynila. Doon mismo kami umuwi sa mansiyon nila. Hindi ko alam kung ano ang plano ng asawa ko. Hindi namin isinama ang dalawang bata tanging ang kambal lang.Kapag naging okay na ang lahat ay susunduin niya ang dalawa. Malapit na kami at sobra ang kaba na nararamdaman ko ngayon."Love are you sure about this? Kinakabahan ako," sabi ko sa kanya."Of course baby. H'wag kang mag-alala tatlong araw lang tayo dito. Aayusin ko ang lahat," aniya sa akin. Pagdating namin ay sinalubong kami ng mommy niya pero hindi niya ito pinansin. Nakita ko na nasaktan ang mommy niya.Hindi ko rin nagustuhan ang ginawa niya. Ngayon ay naiisip ko ang binabalak niyang gawin. Alam ko na nais niyang ipakita sa mga magulang niya na wala silang magagawa laban sa kanya."Kumusta po kayo?" Tanong ko sa mommy niya."I'm fi—""Baby pumasok kana. Kailangan ng magpahinga ng kambal," saad sa akin ng asawa ko. Hindi na niya pinatapos magsalita ang mommy niya.Medyo nailang ako sa nanyari hindi ko alam ko