Thank you so much po.
Friday na ngayon at bukas na ang kasal. Busy na kaming lahat sa paggawa ng cakes at iba pang mga desserts.Gano'n rin si Jeff busy narin siya. Ang sabi niya susunduin na lang daw niya ako bukas.Si tita at si Cherry muna ang mag aalaga sa kambal bukas at 'yong dalawa naman magiging flower girl."Maayos ba ang lahat dito?" Tanong ko sa tauhan ko."Opo ate maayos po," sagot nila sa akin.Abala ako sa paggawa ng mga flowers na ilalagay sa cake. Ako kasi ang mismong gumawa dahil abala rin ang lahat sa mga staff ko.Gabi na kami natapos at bukas ay maaga pa kami. "Thank you guys. Magkita na lng tayo bukas sa hotel para maiset up natin ng maayos. Sa ngayon magpahinga muna tayo," sabi ko sa kanila."Salamat din po ate. Ingat ka sa pag-uwi," sabi sa akin ng staff ko.Napangiti naman ako dahil nakahanap ako ng mga mababait na staff at higit sa lahat ang sisipag nila. "Kayo rin ingat kayo," sagot ko sa kanila.Naglakad ako pauwi sa bahay. Pagdating ko ay sinilip ko muna ang dalawang anak ko.
CAYE POVNagsimula na ang seremonya. Naunang maglakad ang mga bata pagkatapos ay ang mga ninong at ninang. Kami ang pinakahuli."Jeff parang nahihiya ako," bulong ko sa kanya."Sunny hindi naman ikaw ang ikakasal. Gusto mo ba magpakasal na din tayo?" Pang-aasar niya sa akin."Ayan kana naman. Minsan napapaisip ako kung napasukan ka ba ng hangin? Baka kabag 'yan nakapa corny mo kasi. Kahit hindi mahangin dito at baka liparin ako," sabi ko sa kanya."Hahaha! Baka nga sunny. H'wag kang mag alala dahil hindi ko hahayaan na liparin ka," banat niya sa akin."Naku! kuya ang corny mo. Tsaka kana magplano kapag sinagot kana ni ate hahaha!" Biro sa kanya ng pinsan niya.Bigla naman itong sumimangot. Kami na susunod n maglalakad. Madami ang nakatingin sa amin kaya medyo naiilang ako. Pero hindi naman pwede na yumuko ako kaya ni-relax ko ang sarili ko.Tuloy tuloy lang ang lakad namin ni Jeff kung ako kabado itong isang ito tudo talaga ang ngiti niya.Kabado ako dahil alam nila na nililigawan ako
Kung kanina ay masaya ako dahil nakita ko na sila. Pero ngayon para namang sinasaksak na ilang libong patalim ang puso ko. Nakikita ko na wala na akong epekto sa kanya na parang hindi na niya ako kilala.Kitang kita sa mata niya na masaya siya at dahil siguro 'yon sa Jeff na 'yon.Nakikita ko na tanggap siya ng pamilya nito dahil lagi nila itong binibiro. Hindi katulad ng pamilya ko.Nakakaramdam ako ng inggit dahil nakikita ko na masaya sila at nakikita ko na mahal na mahal siya ni Jeff.Habang kinukunan sila ng pictures. Hindi ko maiwasan na isipin na. "I wish that was me," na ako dapat ang kasama nila.Mali pala ako dahil inisip ko na hindi niya ako ipagpapalit sa iba dahil sumumpa kami sa isa't isa na ako lang. Pero bakit ang dali lang sa kanya na ipagpalit ako? "Masisi mo ba siya?" tanong ko sa sarili ko."Gano'n na ba katagal ang dalawang taon? Para nakahanap na siya kaagad. Siguro sobra ko siyang nasaktan," ang mga nasa isipan ko ngayon habang pinagmamasdan ko sila.Ang pamilya
"Ahhh...!" Sigaw ko sabay hawak ko sa ulo ko. Medyo masakit at kakagising ko lang. May hangover pa ako hanggang ngayon. Nang makaalis kasi sila Caye ay pumunta ako sa bar para uminom. Hindi na ako bumalik doon sa party.Ayoko'ng makasama ang lalaki na 'yun dahil baka bigla pang magkaroon ng gulo. Kapag nakisama ako sa kanila sa inuman.(Flashback) Tinawagan ko na lang si Rico para may makasama ako."Bro pwede mo ba ako samahang uminom?" Tanong ko sa kanya."Sige bro punta ako diyan," sagot niya sa akin.Habang wala pa si Rico ay uminom na muna ako. Nakainom na rin ako bago pumunta dito. May ilang mga babae ang nag-papapansin sa akin."Hey handsome," tawag sa akin ng babaeng sexy.Sexy ito at maganda rin pero kahit gaano pa sila ka sexy ay wala ng epekto sa akin."F*ck off!" Galit na sabi ko dito."Gwapo ka pa naman pero ang sungit mo. Palay na ang lumalapit pero ikaw pa ang may ayaw," saad nito sa akin."Sorry Miss pero taken na ang kaibigan ko," sabi ni Rico na kakarating lang."Eh
Sa loob ng isang linggo hindi talaga nagparamdam si Jeff. Ilang text narin ang ginawa ko pero wala parin."Hi jeff!""Jeff kamusta na?""Jeff ano na balita?""Jeff okay ka lang ba?"'Hoy Jeff magreply ka naman nag aalala na ako sayo. Ano ba nanyari sayo?""Jefffff.......!""Sinasabi ko sayo break na tayo kahit hindi pa kita sinasagot. Siraulo ka...!""Bahala ka nga diyan!""Jeff mag iingat ka kung nasaan ka man. Lagi mong tatandaan na kapag may problema ka nandito lang ako para sayo. Handa akong makinig at damayan ka. Nandito lang lagi ang sunny mo."Huling text ko sa kanya. Ang dami ko na kasing mensahe na ipinadala sa kanya.Hinayaan ko na lang siya baka busy lang kaya hindi nagrereply. Pwede rin na nagsawa narin siya dahil sa loob ng dalawang taon lagi na lang niya kami inaalala niya.Sa totoo lang magiging masaya ako kung makahanap na siya ng babae na karapat dapat sa kanya.Deserve ni Jeff ang babaeng mamahalin siya ng tapat at alam ko na hindi ako deserving sa kagaya niya.Kahit
Buong maghapon naging maganda ang mood ko. Naalala ko rin na hindi ko pa nabayaran ang mga cake kanina kaya ako na ang personal na pupunta para magbayad."Goodbye Sir," paalam sa akin ng staff ko pagkalabas ko sa trabaho.Pagkarating ko mismo doon ay binati ako ng mga staff niya. "Good afternoon Sir." "Good afternoon," bati ko sa kanila pabalik. Napangiti ako dahil 'yong iba niyang staff ay nabubulungan at halatang kinikilig. Alam ko na gwapo ako at sanay na ako sa ganito."Hi Miss nandito ba si Caye?" Tanong ko dito."Hi po Sir nasa office po niya. Sino po sila para masabihan ko po si ate?" Tanong niya sa akin."Please tell her that her husband is here," nakangiting saad ko sa kanya."Po? husband? Okay po sabihan ko po siya," halatang gulat na gulat ito at sa tingin ko ay hindi ito naniniwala sa sinabi ko.Ilang sandali lang ay bumalik na ito."Sir wala daw po siyang asawa baka nagkamali lang kay—"Hindi ko na siya pinatapos magsalita at naglakad na ako papunta sa opisina na nilanasa
Maghapon kong inabala ang sarili ko sa pagtatrabaho. Nais kong makalimutan ang nanyari kanina. Hindi ako makapaniwala na bumigay na naman ako kay Luke. Kasalanan talaga ito ng bibig ko."Bakit kasi tumugon ka?" tampal ko sa labi ko.Tinawagan ko rin si tita para sabihin na hindi kami kakain sa bahay mamaya. Inimbitahan kasi kami ni Jeff na kakain sa labas kasama ang mga bata.Habang nagtatrabaho ako ay may kumatok na staff ko."Ate may naghahanap sayo nang tinanong ko ang sabi sa akin asawa mo daw siya. Grabe ate! Ang gwapo niya! Kalevel niya si kuya Jeff," sabi niya na may kasamang pagtili."Buti na lang ate at masikip ang garter ng panty ko kasi kung hindi baka nahulog na," dagdag pa niya."Naku Jane sabihin mo sa kanya na wala pa akong asawa. Malay ko ba kung sino siya? Patay na 'yong dati kong asawa" sabi ko kay Jane."Ok po ate, kung ayaw niyo po samin na lang po hehe," saad niya sa akin."Sige sa inyo na lang," sagot ko sa kanya.Lumabas na ito at ako naman ay itinuloy na ulit an
Paglabas ko sa restaurant ay ihinatid ko kaagd si Elle. Malapit lang kaya nakabalik ako kaagad. Nang makabalik ako kaagad ay hinintay ko sa labas sila Caye. Nais ko kasi malaman kung saan sila nakatira.Nang lumabas sila sa restaurant ay sinundan ko kaagad sila. Napansin ko na papunta sa shop ang tinatahak naming daan.Nalaman ko na malapit lang pala sa bakeshop ang bahay nila. Si Jeff ang nagbuhat sa isang kambal samantala kay Caye naman ang isa.Pero wrong decision na sinundan ko sila. Ito na ata ang parusa ko sa pagbalewala ko sa kanila noon. Dahil hindi ko sila nagawang ipaglaban. Naging isang malaking duwag ako at ngayon ay nakikita ko siyang masaya sa piling ng iba ay para akong pinapat*y ng paunti unti.Masasabi ko na napakabuti ni Jeff dahil nagagawa niya ang lahat para kay Caye lalo na sa mga bata.Kitang kita ng mga mata ko. Kung paano niya alagaan ang mga ito. Gusto ko na lang pumikit pero may pumipigil sa akin. Lumabas si Jeff nakasunod sa kanya si Caye.Sa tingin ko ay na