EURY POV Pagkatapos kong makapagbanyo ay kaagad na akong lumabas ng comfort room. Abala ako sa pagswiswipe ng phone ko nang may bigla na lang bumangga sa akin dahilan nang pagkakahulog ng phone ko sa buhangin. But the worse part of all is that may dala pa lang juice iyong taong nakabunggo sa akin at lahat nang iyon ay natapon sa aking suot na two piece. "WHAT THE HELL!" mura ko nang maramdaman ko ang lamig at lagkit non sa katawan ko. Shit! "I'm so sorry, Miss," paumanhin ng lalaking nakabangga sa akin. "Next time mag-ingat ka naman! Arghh! Ang lagkit-lagkit ko na," naiirita kong pakli sa kanya habang pinupunasan ang dibdib kong natapunan niya ng juice. "Sorry ulit." Hindi ko siya pinansin at sahalip ay dinampot ko ang aking cellphone na nasa buhangin. "E-eury?" Natigilan ako sa aking ginagawa at naiiritang tiningnan ang lalaking nasa aking harapan. Medyo pamilyar sa akin ang mukha niya pero hindi ko siya kilala. "Eurydice Solarte, right? Ikaw nga!" He exclaimed. Papaano n
EURY POVNagmamadali akong bumalik sa cottage namin at nang makita ko na wala ni kahit na sino man ang naroroon ay agad na akong pumasok sa kwarto ko.Nang maisarado ko na ang pintuan ay agad akong napasandal doon. Wala sa sariling pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko. Sobrang bilis non na para bang kakapusin na ako sa aking paghinga.Naalala ko ang mga sinabi ni Zandro kanina. 'You need to get change. The smell of other guy is lingering on you. It's disgusting!''I don't want you dirtying yourself with that stench.'What the hell was that?Napasapo ako sa aking mukha at agad na pumasok sa banyo. Bakit ba bigla-bigla na lang sumusulpot si Zandro sa kung saan? Pero mas mabuti na rin iyon at natulungan niya ako kanina. Kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari sa akin.Nagbabad ako ng ilang minuto sa banyo at nang matapos na ako ay kaagad na akong nagbihis ng damit. Hindi na ako nagsuot pa muli ng swim wear at baka mabastos pa ako ulit sa dalampasigan.Nang lumabas ako sa aking sil
EURY POVMaaga akong nagising ngayon kaya maaga rin akong pumasok sa eskwelahan. Naglalakad ako ngayon sa hallway habang panay ang paghikab ko.Pagod na pagod ako sa naging lakad namin at pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ng katawan ko na gusto ko na lang matulog buong araw. Pero hindi pwede dahil may pasok nga ako.Paliko na sana ako sa hallway nang makarinig ako ng isang ingay sa likod ng eskwelahan. At dahil sa kaisipan na baka si Zandro na naman ang gumagawa ng gulo ay nagmamadali akong tumakbo patungo doon.Tangina! Huwag niyang sasabihin na nakikipag suntukan na naman siya ngayon?Marahas kong binuksan ang pintuan dito sa likod at humahangos na lumabas."TUMIGIL KA!!!" malakas na sigaw ko habang nakapikit.Narinig ko ang biglaang katahimikan sa paligid kaya dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nagulat ako nang makita ko ang walong lalaki na naririto. Nakatingin sila sa akin na para bang nagtatanong sila kung sino ba ako at kung ano man ang ginagawa ko dito.Nilibot ko ang
Disclaimer: This is only work of fictions. All characters, locations, names of buildings are all fictitious and imaginary product of the author. If there is any resemblance to any location, person, building etc. It is purely co-incidental and not intentional. ZANDRO POV "Mommy, please tell daddy that I don't really want to leave. That he should just let me stay here at home," I cried while hugging my mother tightly. She was also crying in front of me. She gently wiped my tears away and give me a gentle kiss in my forehead, just like she always does. "Hey! hey...my son. Listen carefully. Don't ever think that we are abandoning you because were not. Your daddy and I loves you very much, but we have to do this for your own safety, son. The situation right now is very critical and we don't want you to get involve with this because you're our one and only child. We can't afford if something might bad happens to you," she cried while saying those words. "God! I hope you can ea
EURY POV "Walang mama, kawawa ka naman." "Wala ding papa ehh ahahaha. Kawawang kano." Umiiyak lang siya doon habang nakayuko. "Huyy!" Napatigil sila sa ginagawa at napatingin sa akin. Nilapitan ko si Zandro. Sobrang kawawa niya. "Bakit niyo siya inaaway ha?! Isusumbong ko kayo kay Ma'am." "Totoo naman ahh! Narinig ko mula sa principal office na uncle niya lang ang bumubuhay sa kanya." "Kawawang kano," tapos nagtawanan pa silang tatlo. "Ehh ano naman ngayon kung wala siyang Mommy at Daddy. Pwede niya namang maging Mommy ang Mommy ko saka Daddy," sigaw ko sa kanilang tatlo. "Ahh oo nga pala! Kasi kano ka rin ahahaha half kano ahahaha." Dahil sa galit ko ay kinuha ko ang pepper spray mula sa aking bag at pinagspray sa kanila. "Aray! Ang mata koo!" iyak nila at tumakbo paalis. "Buti nga sa inyo!!" sigaw ko at nilingon si Zandro. Umiiyak pa rin siya hanggang ngayon. "Uyy tahan na. Wala na sila ouh." Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy siya sa pag-iyak. "Uyy, tahan na sab
CONTINUATION OF THIRD PERSON POV "My parents are already dead, Eury. So you won't be able to meet them anymore. They died in a car accident. The car they were riding has exploded and so even their bodies were never been seen," Zandro lied to Eury. Nang lingunin niya si Eury ay nakita niyang umiiyak na ito. Nagulat pa siya nang yakapin siya nito nang mahigpit at doon sa kanya nagpatuloy sa pag-iyak. "W-what the heck are you doing?" he asked. Umiiyak naman itong sumagot sa kanya. "K-kasi naaawa at nasasaktan ako para sa iyo. Ang bata bata mo pa para mawalan ng mga magulang, Zandro," iyak na sabi nito sa kanya na ikinagulat niya. "Kaya pala napakatahimik at napakasuplado mo kasi mahirap ang mga pinagdadaanan mo. Sabay na nawala ang parents mo, kung ako ang nasa posisyon mo ay iiyak talaga ako araw-araw. Sobrang sakit kaya mawalan ng mahal sa buhay." Sa mga sinabi nito sa kanya ay para siyang natauhan. Kailan nga ba siya huling umiyak para sa mga magulang niyang nagpaalis sa kanya
EURY POV Habang naglalakad kami pabalik ng room namin ay pansin ko ang mga bulong bulongan sa hallway. "Diba siya iyon?" "Tingnan mo, siya iyong gwapong first year na mahilig sa gulo. Grabe ang tangkad niya." "Diba si Zandro 'yan?" "Ang gwapo niya." Sinulyapan ko si Zandro na nasa aking likuran. Seryoso ang mukha niyang may band-aid at parang wala siyang pakialam sa mga taong nasa paligid niya. Kung tutuusin gwapo naman talaga siya. Makinis ang mukha, matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. At mas kaagaw agaw pansin rin ang mga mata niyang kulay asul na nababagay sa makakapal niyang kilay.May buhok rin siyang mala jungkook yung dating. Ewan ko ba kung ginagaya niya iyon pero sa pagkakaalam ko ay ganyan na talaga ang buhok niya. At habang tumatagal ay napapansin kong mas lalong tumitingkad ang pagkakulay itim sa buhok niya. Dati rati ay may pagkapusyaw iyon pero ngayon nagiging itim na siya habang tumatagal sa paningin ko. Nasa ganoon akong pag iisip nang may biglang isang
Lanie Pov Walang naglakas loob sa aming magsalita matapos lumabas ni Eury sa classroom. Gulat pa rin kami sa ginawa niya. Si Zandro na mahilig sa gulo at kinatatakutan naming lahat sa loob ng room na ito ay nagawa niyang sampalin sa harapan naming lahat. Pero ngayon ko lang nakitang ganoon kagalit si Eury. Sa pagkakaalam ko ay mahaba ang pasensya niya pero ngayon ay talagang naputol na ang pagtitimpi niya. Lahat kami napalingon kay Zandro nang bitbitin niya ang bag niya at blangko ang mukhang lumabas ng room. "At saan ka pupunta Zandro?! Hindi pa tayo tapos!" harang ng fourth year student sa kanya. "Tumabi ka kung ayaw mong makatikim sa akin," nakakatakot niyang bigkas. Napalunok ako nang mapansin na sobrang galit na galit na ang mga mata niya. Na para bang ilang sandali pa'y maaari siyang sumabog na lang bigla dahil sa sobrang galit. "A-ano?" natatakot na tanong ng lalaki kay Zandro. "I said move," malamig niyang utal dahilan para mag give way ang mga ito. Nang makaalis si Z