Prologue (Ang nagkakaisang chapter na may dalawang POV)
BREE’S POV
Ito na yata ang pinakamasayang lugar sa buong mundo. Malamig ang kwarto at mas lalo pa kong sumiksik kay Aidan hanggang sa maramdaman ko ang kaniyang init sa aking likod.
Akala ko makakatulog pa ko ulit kaya lang biglang bumalibag pabukas ang puntuan ng kwarto.
Agad akong napabalikwas at tinakpan ang aking dibdib.
“Sino kang bruha ka?!” sabi ng babaeng namumula ang mukha sa galit. Ang mga daliri nito ay nakabilog na kamao.
Ibabalik ko palang sana ang tanong sa kaniya nang magsalita si Aidan at bumangon ito.
“AVA?!” gulat na tanong nito habang sinusot ang boxers niya. Hinahanap pa nito ang iba niyang damit nang nagsimula siyang pagbabatuhin ni Ava ng kung anong mahawakan nito.
“HAYOP KA! Sabi ko na nga ba pinaglololoko mo lang ako! Pare-pareho lang kayo ng mga kaibigan mo! Nagpunta lang ako ng ibang bansa ganito na pinag-gagawa mo?! At ikaw!” pagharap sa’kin ni Ava at dinuro pa ko. “Anong ginagawa mo kasama ang boyfriend ko, haliparot ka?!”
Bago ko pa siya mapigilan, nasabunutan na niya ko. Kasunod na nito ang hapdi sa’king pisngi nang bigla niya kong sampalin. Nanlaban na ko at tinulak ang babae palayo. “Anong boyfriend mo? Boyfriend KO ‘yan!”
“Oh talaga?” panghamon nito. “Ilang taon na kayong mag-boyfriend ha? I’ve been his girlfriend for the past six years!”
Six years? Agad akong napantingin kay Aidan. Nakatungo ito at nagpupulot ng mga gamit na pinagtatapon ni Ava kanina. Nanlumo ako at para akong sinapak sa puso.
Isang taon palang kami ni Aidan.
“Aidan, totoo ba ‘to?”
Hindi sumagot si Aidan at hindi rin makatingin sa’kin. Naramdaman kong unti-unting nalukot ang aking mukha. Tinangay ko ang aking mga damit. “I’m sorry, I didn’t know,” sabi ko lang kay Ava na ang sama pa din ng tingin sa’kin.
Sinara ko ang pinto nang makarating ako sa sala ng condo ni Aidan. Doon na ko nagbihis habang pinipigilan ang pag-iyak. Naririnig kong nagsisigawan si Ava at Aidan sa loob.
Gusto ko pa sanang maghintay kaya lang may ibang plano ang aking mga mata na nagbabadiya nang maglabas ng luha. Hindi ko na kayang manatili dito. Parang nag-iinit ang buong katawan ko sa kahihiyan at pangtatraydor na ginawa sa’kin ng boyfriend ko na hindi ko naman pala dapat boyfriend.
Bumaba na ko sa lobby at hanggang sa huling sandali, inasahan ko na magpapakita si Aidan—na sasabihin niya sa’kin na ako talaga ang girlfriend niya at nagkamali lang ang babaeng ‘yun. Na prank lang ang lahat.
Pero hanggang sa nakasakay na ko sa kotse, walang Aidan na humabol sa’kin.
======
HEATH’S POV
Kapag nalaman ko lang talaga kung sinong nangtraydor sa’kin, hihilingin no’n na matagal na siyang namatay.
Napaangat ang ulo ko nang may pumasok sa interrogation room. Isang malaking lalaki na nakauniporme at ang cap nito ay nakaipit sa kaniyang braso.
Ngumiti ako. “Wow,” ang nasabi ko. “Ganoon ba ako ka-high profile at ang Chief of Police talaga ang bumisita sa’kin? Roger Chrysanthe himself?”
Hindi nabalik ang aking ngiti at nagbigay ito ng impresyon na palaging masungit ang mukha. Naupo ito sa’king harapan at pinagsama ang kaniyang mga daliri. “Heath Carnell.”
“Yes?” sagot ko.
“Naiintindihan mo ba kung bakit ka nandito?”
“Oo naman. Kasi mayroong nagbigay ng tip sa inyo kung nasaan ako. Kaya niyo nga ako nahuli. But I don’t think you should give that much credit to yourselves. I probably had a mole in my team.”
Tumango naman ito. “You can address me as General Chrysanthe.”
“I think I prefer Roger.”
Sinamaan lang ako nito ng tingin at binuksan ang folder na nasa lamesa. “‘Wag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Sa dami ng kasong pwedeng ipatong sa’yo, mabubulok ka sa kulungan.”
“Alam ko namang makakatakas ako,” pagngisi ko sa kaniya. “At alam mo din ‘yan.”
Hindi ako pinansin. “Ito lang ang pwede kong maialok. Ikaw ang magiging inside man naming mga pulis sa mga mafia organizations dito sa Pilipinas.”
“Palit ulo,” pagpaigsi ko sa gusto niyang sabihin. “Ilan ba?”
“Lima.”
Napatingin ako sa pader at bumuga ng hinga. “LIMA?!” pag-ulit ko.
“Kapag naibigay mo na ang lima, pwede ka nang magtago. Malinis ang record mo.”
Dumaloy ang mga daliri ko sa aking buhok. How the hell will I give them five other crime bosses?
Nang makita niya ang aking pagkabalisa, siya naman ang natawa. “Alam kong lagpas lima ang kakilala mong mafia lord. Bakit ka kinakabahan?”
Sarkastiko kong binalik ang tawa niya. “Malamang, kapag nakahuli ka ng isa, magtatago na ang lahat. At syempre, aalamin nila kung sinong naglaglag.” Ginalaw ko ang aking kamay sa leeg. “Tegok na ko no’n.”
“Hindi ka naman namin pababayaan,” sabi ng heneral at sumandal sa maliit na upuan. “Ikaw ang pinakamabilis na paraan para sa wakas mahuli na namin ang mga katropa mo. Syempre, hindi ka namin hahayaang mamatay. Poprotektahan ka ng pulis hanggang sa matapos ito.”
Gusto ko nalang matawa. The irony of everything he just said…
Bago pa ko makasagot, bumukas na naman ang pinto.
Nagsalita si General Chrysanthe, “Hindi ba sabi ko walang gugulo sa’min?”
“Sorry, sir,” sabi ng lalaking nakasalamin sa pinto. “Tumawag po ‘yung asawa niyo. Family emergency daw po.”
“Anong mayroon?”
“May issue daw po si Brianna at kailangan po niya kayong makausap kaagad.”
Napasinghap ang matandang lalaki pero bumabalik na ang ngisi sa aking mga labi. “Sige,” sabi nito. “Tatapusin ko lang ito at tatawagan ko siya.” Nang maiwan na ulit kami, humarap ito nang seryoso na ulit ang mukha. “Mamili ka na: habang buhay sa kulungan o tutulungan mo kami ngayon at lalaya ka?”
“Paano naman ako makakasigurado na hindi talaga ako mamatay at any given point of this operation?” ako naman ang lumiyad sa upuan ko. “Ang mga taong gustong-gusto akong mapunta sa likod ng rehas ay ang mga taong nangangakong protektahan ako ngayon? Parang hindi naman yata kapani-paniwala ‘to.”
Umikot ang mga mata ng heneral. “Ano bang gusto mo ha?”
“Leverage,” sagot ko sa kaniya. “I need leverage to ensure that you’re going to protect me from the other mafias and your men.”
“Pangalanan mo na!” naiinip na sabi nito. “Ano?”
“I want one of your daughters. I believe you have two?” Nang manglaki ang mga mata niya, lumawak lang lalo ang pagngiti ko. “I’ll marry one of them, pwede naman kaming magpa-annul. We never know, baka naman mamatay ako bago pa ‘to matapos. We mafia lords don’t live that long, alam mo naman ‘yan.”
Hindi siya sumagot at napatingin ako sa lamesa saglit bago inangat ang tingin ko sa kaniya.
“Mamili ka,” pagbalik ko ng una niyang tanong. “Ikukulong mo ‘ko at wala kang makukuhang impormasyon, o ibibigay mo sa’kin isa sa mga anak mo at makikipagtulungan ako sa inyo?”
Umiwas ito ng tingin. Napapaisip na ‘to at kailangan ko lang udyukin. Last nail in the coffin.
“Imagine,” sabi ko. “Nakahuli ka ng limang mafia lord. Magiging mas sikat ka pa sa presidente. Siguro naman tama na ‘yun para manalo kang senador sa susunod na eleksyon—o kung ambisyoso ka… bise o mismong presidente na.”
Ilang segundo ang tinagal bago ito tumukod sa lamesa. “Top 5 mafia lords or nothing.”
Tinuro ko ang aking sarili. “You already have the Top 1. I’ll give you 2-6.”
Nilahad nito ang kamay at mabilis ko itong kinuha. Baka magbago pa ang isip eh.
Malaki ang ngiti ko sa aking future-father-in-law. “Now, when can I meet my new bride?”
BREE’S POVThree days laterWhen I was younger, isa din naman ako sa mga babaeng nangarap ng magarbong kasal. Having been in a relationship with Aidan for a year—at siya lang din naman kasi ang nag-iisa kong naging nobyo—I started fantasizing about our wedding. Ayun nga lang, ako pa nga ang naging kabit sa relasyon nila ni Ava.Napailing na lang ako habang nilalagyan ng blush ang aking pisngi. Hindi ko na siya dapat iniisip. Ikakasal na ko ngayong araw at wala nang makakapigil pa dito.Gusto ko sana ng all white wedding. Para maliwanag. Para magaan. Para malinis. Gusto ko pa nga ay ‘yung sa gubat gaganapin at makakapagpanggap ang lahat na parang mga diwata. Magkakaroon ng mga lamps at mahahabang lamesa. Gusto ko ‘yung rustic feeling ang theme. At
BREE’S POV A week later Mabilis akong bumaba ng hagdan nang marinig ko ang doorbell. “SANDALI!” Halos matapilok at mabali ang leeg ko sa bilis ng aking mga hakbang. “Hi!” sabi ko pagbukas ko ng pinto at mabilis na naglaho ang aking ngiti. “Who are you?” Matangkad at brusko ang lalaking tumambad sa’kin. Nakasuot ito ng sunglasses at bitbit ang kaniyang duffel bag sa kaniyang balikat. “Rainer Arley,” pakilala nito. “Pinadala ako dito ni General Chrysanthe.” “Ah!” sabi ko lang at binuksan pa lalo ang pinto para makapasok siya. “You’re the bodyguard he was telling me about.” Confused pa rin ako kung bakit kailangan ko ng bodyguard. But my father insisted on it. Baka naman kahit paaano,
BREE’S POV Unang beses kong makapunta sa Palace Midas noong kinasal ako dito. Aside from the fact na nasa Krystal City ito, wala naman kasi akong gagawin sa hotel. It’s not like I had a lot of time when I was in college to on a lot of parties as I was focused with my studies. Isa sa mga bilang na pag-uusap namin ni Heath ay kung saan ko siya pwedeng tawagan at puntuhan tuwing may emergency kaya alam ko kung nasaan ang opisina niya. Nasa thirtieth floor ito ng hotel. Nasa likod at kasunod kong maglakad si Rainer na hindi manlang umiimik. Hinarang ako ng babae sa reception area. “Good afternoon, do you have an appointment with someone?” magalang ang pagngiti nito at perpekto ang pagkakapusod ng buhok. “I need to see Heath Carnell.”
BREE'S POVUmingay ang cart nang ilapag ko ang tatlong patong ng canned meatloaf sa loob nito. “Nakakainis talaga!” sabi ko kasabay ng pagpadyak ko sa sahig.Tinutulak ni Rainer ang cart kasunod ko habang ang mga kamay ko ay hindi matigil sa pagkuha ng mga delata.“Siya ‘yung may gusto ng kasal for a business deal but he doesn’t want to make it work?” reklamo ko kay Rainer na palagay ko ay hindi naman nakikinig. Tumuloy pa rin naman ako. “Ano, itatali niya kaming dalawa sa buhay na pareho naming hindi gusto? Tabingi yata talaga utak no’n.”Lumipat kami sa kabilang aisle kung nasaan ang mga condiments. Ang mga pinakamalalaking size ang pinagkukuha ko.
HEATH’S POVAkalain mo nga namang sa ganitong babae pala ako maikakasal?Nakatingala ako sa stage at sumabay sa masagabong palakpakan ng mga taong nakikinig sa pinagsasabi ng asaka kong si Brianna. Hindi ko naman maiwasan ang hindi mapangiti.To be honest, I thought that she would be someone who is a good-for-nothing spoiled brat. Mataas ang posisyon ng tatay at kasangkot sa madaming negosyo. Mayaman ang pamilya nila. Hindi naman siguro masama na in-assume ko ‘yung worst.Nag-ikot-ikot na ko bago pamandin makababa ng stage si Brianna. Naka-disguise ako ngayon pero wala pa kong intensyon na magpakita sa kaniya. Busy ang araw ko dapat sa opisina, pero ewan ko ba, paggising ko kaninang umaga naintriga ako dito sa event na nabanggit niya kagabi.
BREE’S POVIlang araw na din ang lumipas simula nang mag-usap kami ni Heath doon sa event. Simula noon, halos hindi na kami nagpapansinan. Mabuti nga. At least ngayon alam ko na wala talaga siyang intensyon na magkaroon kami ng maayos na pagsasama.Hihintayin ko na lang na magsawa siya sa ganitong sistema o hindi naman kaya ay ipamadali ko na ang pagpapagawa ng lintek na building na ‘yan para maghiwalay na kami.Dahil hindi kami nag-uusap, hindi din kami nag-aaway. It’s kind of a win-win situation for me. Pero ewan ko din ba sa nararamdaman ko. Parang mas gusto pang magpaka-martyr at subukan pa rin na makipagkaibigan kay Heath.“Patay na ‘yan,” sabi ni Rainer nang hindi inaangat ang mga mata ni
BREE’S POV“Hibang ka ba?” ang tangi kong nasagot kay Heath.Umatras siya at nanlisik ang mga mata sa’kin. “Kakasabi ko lang na kailangan natin mag-effort para gumana ‘to, tapos ‘yan ang sasabihin mo sa’kin?”Kinuha ko na ang pagkakataon at tumayo na ko. Sinandal ko ang aking sarili sa lababo dahil parang hinugot niya lahat ng hangin ng sistema ko.“Ang random mo naman kasi!” sabi ko sa kaniya. “Bigla-biglaan kang nagiging romantiko. Hello? Eh hindi nga tayo nagpapansinan simula nung kinasal tayo.”Sa pagkakasabi ko no’n, ako ay napasinghap. “Oh my goodness,” paghawi ko sa buhok ko. “Ano
HEATH’S POV “I hava a hotel to manage. A mafia organization to run. Now, I have a wife to put on top of it all.” Natawa si Elijan sa’kin. “It’s not always going to be this bad.” “Kaibigan ba talaga kita o ano?” tanong ko sa kaniya at lumiyad sa upuan. Si Elijah ang kanang-kamay ko sa lahat ng aking ginagawa. Siya din ang aking nag-iisang kaibigan na nakakaalam ng mga sikreto ko. “Syempre, kaibigan,” sabi ni Elijah nang may isang ngisi. “The problem is, I don’t think your wife would appreciate getting kidnapped.” Napakamot ako sa aking kilay. “Eli, you’re not really helping. Sinusubukan ko na ngang i-justify kung bakit ko siya kailangan kidnapp-in eh. Kontra ka naman. I’m just trying to keep her safe.”  
HEATH’S POV If you’re going to ask me why I’m still managing Anino—the mafia, it’s not because of the money. I have plenty enough of that to last me lifetimes. Pero bakit nga ba? It’s more about the constant thought of getting caught. Of living my life always right on the edge. It enables me to live my life to the fullest, every single second of it. You know, that feeling that makes your heart pounds? I want that everyday. Alam ko namang hindi ako tatanda. Well, I have hopes. Pero hindi na ko umaasa. As I’ve said before, mafia lords tend to die young.
BREE’S POV“Bakit ang tagal mong mag-video? Kanina pa tayo nakatayo dito.”Umikot ang mga mata ko sa sinabi ni Rainier. “Sabi ko naman kasi ako na lang mag-grocery eh! Therapy ko kaya ‘to. If you’re so bored, go ahead and wonder around.”“Ano pang silbi ko kung hindi kita sasamahan kung sa’n ka pupunta?”“Fine, just go to the meat aisle. Kitain na lang kita do’n. I know you need your protein.” Masama pa ang tingin sa’kin ni loko bago nagsimulang lumayo. “And get some for Heath, too.”Rainier snorts as he turns his back on me.Finally, some peace. Ayaw kasing umayos ng camera ko ngayong araw para sa vlog. Malapit na kasi akong
HEATH’S POVAng weird sabihin na maayos ang buhay namin nang ilang araw. Tina-try pa din naming i-trace kung sino ang mokong na ‘yun na nag-hack sa system namin. Pero masyadong malinis. Hindi ko alam kung paano namin siya mahuhuli.“You suck at this, Rainier!” reklamo ni Maeve pagpasok ko ng salas.“What?!” tugon naman nito.Nasa carpet ang dalawa at parehong may hawak na controller.“You’re supposed to be good at this,” dismayadong sabi ni Maeve. “Akala ko ba militar ka? Why can’t you shoot at this kind of games?!”Natatawang sumagot si Rainier. “Well, it’s di
HEATH’S POV“System breach,” bungad sa’kin ni Eli paglabas ko ng elevator. “I think they are trying to get information that they could possibly leak.”“What’s happening now?”Pumasok na kami kaagad sa opisina ko.“No other threats?”“None as of the moment,” sabi ni Eli habang nakatingin pa din sa tablet niya. “Matindi ang IT team nito. Ang nakakapagtaka lang, kung nabuksan nila ang system at kaya nilang pabilisin ang pagkuha ng data natin pero…”“Pero ano?” tanong ko pagkaupo ko.“Pero hindi nila tinutuloy
BREE’S POV“I can come with you if you want,” ang sabi sa’kin ni Heath nang sabihin ko sa kaniyang pupunta ako sa bahay ng daddy ko.“It’s fine. I can handle it,” lang ang naging tugon ko. Sinamahan ako ni Rainier.“You’re quiet,” obserba ko sa kaniya. “You’re giving me the feeling that you don’t really agree with what I’m doing.”“Your dad is my boss. I don’t speak against my higher ups. Besides, it’s a family matter. I can’t comment on it.”Some part of me is wishing that he would say something. Na parang ma-comfort ako na tama ‘tong ginagawa ko. I hardly go against my father’s wishes. A
BREE’S POVIsang oras din ang tinagal ng byahe namin bago kami nakarating sa presinto. Nang makita ako ni Maeve, ni hindi manlang ako binati nito. Malamlam at antok ang ekspresyon ng mukha.“Where the hell were you?” tanong ni Heath kay Seth. “You were supposed to keep an eye on her.”“Nasa bahay na siya kagabi,” depensa ni Seth na mukhang aligaga din dahil napapagalitan siya ni Heath. “Hindi naman siya nagsabi na lalabas siya.”“Ano ba nangyari?” tanong ko.Ngayon ko lang nakita nang malapitan si Seth. Huli ko siyang nakita may mga dugo pa sa balat niya dahil doon sa palaro sa Anino. Ang laki niya pala talagang bata. ‘Yung tipong gustuhin nga tala
HEATH’S POVAlam mo ‘yung pakiramdam na ang sarap lang mang-asar ng mga taong madaling mabwisit? Gano’n lang naman ang plano kong gawin kay Brianna. I like it when she gets annoyed because of me. Usually, hindi naman ako ganitong tao, pero ewan ko ba. There’s some satisfaction that I get whenever I get a reaction out of her.Akala ko nga masaya na ko sa gano’ng reaksyon mula sa kaniya. Na kapag nainis na siya sa’kin, solb na ko.Hindi ko naman inakala na may mas ikaliligaya pa pala akong makuha maliban sa inis niya.I bite on the inside of my lips as I keep the grin on it.I remember every second of last night.I doubt that you could
BREE’S POVKahit naman hindi ako sobra-sobrang nalasing kagabi, gumising pa din ako nang may sakit sa ulo. Pungas-pungas pa kong nag-inat hanggang sa lumabas si Heath mula sa banyo na may towel sa kaniyang bewang.Natigil ang paghikab ko nang magtama ang aming mga mata.“Great, you’re awake,” sabi niya lang sa’kin at kinuha ang kaniyang bag bago bumalik sa banyo.Binaon ko ang mukha ko sa unan.Shit. May nangyari nga pala kagabi.Anong gagawin ko?Talaga bang hindi ko papansinin kung anong naganap?I clea
BREE’S POV“All you have to do,” panimula ko at hinawakan ang kaniyang tie. Dahan-dahan ko itong inalis sa kaniyang leeg. “Is stop.”“Stop?” he asks with a light chuckle.“Yes. A full stop.”“I don’t get it.”“Stop trying to get me.” I twist on his lap, making sure that my butt grazes that thing being hidden by his pants. I straddle his waist and tilt his head up. “Let me come to you.”“I see,” he says. His hands rested on my hips and I’m going to burn in hell for wanting his touch all over my body.“Tell you what.”“Yeah?