Malakas na music ang maririnig hanggang sa labas ng Bar na pinuntahan namin. May mga bouncer na nagbabantay bago ka makapasok. Mahigpig ang seguridad nila sa Bar na yun!. Hindi ito basta-basta bar para sa mga pangkaraniwang tao lang.Mga ekslusibong tao lamang ang pwedeng makapasok dito. May mga passes and ID din ang pwedeng pumasok. Dahil sa antas ng buhay na meron ako ay nakapasok kami sa loob , meron kasi akong access sa lugar na to dahil madalas akong magpunta dito nung wala pa akong asawa. Maingay sa loob ng bar, madaming nagsasayawan at nag-iinuman. May mga nag poll-dancing din, mga famous entertainer sa America ang mga sumasayaw dito. Hindi din maaring ilabas ang mga dancers nila. Hanggang sa bar lang sila unless personal choice ng dancer na sumama sa kanilang customer. May mga sumasayaw sa ibabaw ng lamesa , mga latina at american young girls, ang iba madadaanan mong nakikipag halikan sa gilid na akala mo walang tao sa paligid, Normal na buhay lang iyan sa mga Amerikano, ang
POV NATALIE Nagtatawanan na kami ni Mr. Sanchez , iba ang saya na naramdaman ko ng marinig ko ang pag-approved niya sa pagkuha samin bilang official COntractor na kakapit ng mga Hotel and Casino na ipapatayo nila pati na din ang mga ipapa-renovate nila. Naging mini celebration na din iyon dahil pagkakasundo namin sa magiging cost and timeline na nilatag ko sa kanya. "thank you Mr. Sanchez for trusting Sta. Barbara construction firm para gumawa ng mga Hotel and Casino ninyo. Malaking karangalan ito para samin. " pagpapasalamat ko ulit sa kanya "so, sa tingin ko ay parang mini celebration na din ito Ms. Eduardo!" sabi pa niya sakin. "Cheers?!" itinaas ko ang aking glass wine ganun din si Oliver. Tumikim lang kami ng konti sa wine at binaba na ito saka kami ng hiwa ulit ng steak na inorder namin "honestly one of the factor na nagustuhan ko sa STa. Barbara is that hands on kayo ng business partner mo. At lahat talaga ng materyales and costing for each ay may idea ka, tutok ka ta
Pagdating ko sa opisina ay nakahanda na ang conference room. Na-traffic kasi ako kaya nalate ako ng konti. Nauna na akong pumasok sa conference room at pinatawagan ko na sa sekretarya ko lahat ng department head. Ng makarating ang mga ito ay pinapunta ko naman si Kim para officially na ipakilala siya. Isa-isa kong inintroduce kay Kim ang role ng bawat taong nasa loob ng conference room ganun din sa mga ito kung anong gagampanang role ni Kim para sa kompanya namin. Pinahiwalay ko naman ang meeting para sa introduction kay Kim sa mga contractors, architech’s and engineer’s namin sa company. Nang matapos na ang mga meetings para ma-introduce si Kim ay pinapunta ko naman siya sa office ko. Silang dalawa ni Bella para sila naman ang i-meeting ko. Si Bella ay business partner ko pero mas malaki ang share ko sa company sakin lagi nanggagaling ang final say ng bawat project na dumadaan samin. Pero approval sa baudget kahit sino saming dalawa ay pwedeng magbigay ng go signal. Alam na din kas
Sinadya kong hindi tawagan si Sebastian buong maghapon para hindi siya magka idea na aalis ako. Nag check in na ako kagad pagdating ng NAIA , nagagahol na kasi ako sa oras dahil boarding na ng flight ko at medyo na-traffic ako sa byahe papuntang airport. Wala na akong time para maka-kapit ng cellphone ko dahil nag roll na ng last call ng announcement para sa flight ko. Nagmadali na akong pumunta sa Gate ng flight ko at mabilisang ng board. Hingal na hingal ako sa pagtakbo para makahabol mag board and finally nakahinga na ng maluwag ng makapasok na ako sa loob ng eroplano. Nakatulog lang ako sa whole duration ng flight , para talaga akong hinehele kapag nasa eroplano ako ang bilis kong makatulog basta nasa ibabaw na kami ng himapapawid kaya natatawa sakin si Sebastian kakaiba daw ako sa lahat. Nagising na lang ako ng nag-announce na ang pilot na mag touch down na kami sa Los Angeles. Nag ayos na ako ng aking sarili para naman fresh ako pag bumaba ako ng eroplano. Mag taxi lang kasi ak
Umorder muna ako ng maiinom habang naghihintay kay Kuya! panay ang patak ng luha sa mga mata mo. Parang sumisikip na ang dibdib ko , kada bukas na lang ng pintuan sa restaurant ay napapalingon ako. Inaabangan ko ang pagpasok ni Kuya Timothy. Sa sobrang pag-iyak ko pakiramdam ko kinakapos na ako ng hininga, nanlamig na ang buong katawan ko at hindi ko na maintindihan ang nararamdam ko. Tumatagaktak na rin ang malamig na pawis sa ulo ko, pakiramdam ko umiikot ang buong paligid ko mabuti na lang dumating na si Kuya kasama niya si Ate Emily bago pa ako tuluyang himatayin. "Natalie!!!" tinatawag ni Kuya Timothy at Ate Emily ang pangalan ko ng paulit ulit. Nakita ko na lang na kinapitan na ako ni Ate Emily bago pumikit ang mata ko! Nararamdaman kong pinipisil niya ang mga daliri ko at may pinapaamoy sa akin ang waitress sa restaurant na yun. Nahimasmasn naman ako kaagad bago pa dumating ang ambulansya na tinawag nila. "Natalie ano bang ngyayari sayo?!" tanong sakin ni KUya"kuya! huhuhu!
"anak nasan ang asawa mo? hindi mo ba sya kasama ngayon?" tanong sakin ni mommy "hindi mom! may trabaho pa po kasi si Sebastian kaya hindi siya nakasama." hawak ko ang kamay ng mommy ko, hinihimas naman niya ang pisngi ko habang si daddy ay masaya ding nakiki-kwento samin. "bakit hindi mo naman kami sinabihan na padating ka sana pinahandaan ka namin kay Luming ng paborito mong pagkain." sabi pa ni daddy sakin. Mahahalata sa boses nila na matanda na sila at mahina na talaga. "its ok dad! i really just want to surprise you. ang tagal na din ng last tayong nagkita." sagot ko kila mommy. “Nag short leave lang po ako para makabisita sa inyo . Nag join na din kasi sa company namin si Kim kaya may time na po ako ngayon kahit papano na maiwan ang company.” Sagot ko kila mommy. Ayokong makahalata sila mommy. “Oh Timothy bakit hindi mo sinama ang kambal?!” Baling ni mommy kay kuya. Humalik din ito sa dalawang matanda “Naku mommy sinundo ko lang si Natalie sa airport.” Pagsisinungaling
Dito ko na lang binuksan ang cellphone ko. Hindi ko binasa ang mga message ni Sebastian, diretso delete ang ginawa ko sa lahat ng messages mula sa kanya. Isa-isa ko namang nireplayan ang email ng clients sakin habang hindi pa ko sumasakay sa eroplano. Nireplayan ko na din ang message nila Bella sakin dahil madami na palang ngyari sa kumpanya nung umalis ako pero naresolba na nila ito. Mga minor issue lang naman ang naging problema. Nagiging lutang ang utak ko kapag mag-isa na lang ako. Pumapasok sa isip ko ang itsura ng kaganapang naabutan ko sa hotel room ni Sebastian. Tila ako basurang itinapon sa estero na sumusunod lang sa agos ng tubig, sinusundan ko lang ang taong nasa unahan ko. Mabilis na nagdaan ang oras at hindi ko namalayang nakarating na ako sa Pinas. Pagkakuha ko ng mga luggage ko ay tumawag na ako ng taxi pauwi. Naabutan ko naman sila Mommy sa may sala. Andun din sila Celestine. Bumati ako sa kanila at dumiretso na muna sa itaas ng kwarto namin.Wala ako sa mood makipa
"Tignan mo yang Natalie na yan akala mo walang kasalanang ginawa?! aba siya pa nagmamalaki. Hindi na nga sumasabay ng kain sa inyo, hindi pa makisama. Iba na talaga ang mga nagloloko ngayon. Sila na ang matatapang. Tsk! tsk! dapat hindi niyo hinahayaan yan na ganyanin niya si Sebastian. " bulong ni Celestine kay Cecille . "Saka ilang araw na yang hindi umuuwi, imposibleng kasama niyan mga kaibigan niya. Baka naman kay Oliver na yan tumitira." tila bubuyog na sulsol pa ni Celestine kay Cecille. Bago pa man ako makaakyat ng hagdan ay nakasalubong ko si Cecille at Celestine. Papunta sana sila sa garden ng bigla akong hintuan ni Cecille.Hinatak niya ang braso ko. Nanlilisik ang mata sakin ni Cecille. “Bakit hindi ka na sumasabay ng kain samin Natalie? Don’t tell me nag dinner na naman kayo ng mga friends mo sa labas?!” Sarkastikong tanong ni Cecille sakin. Hindi ko maintindihan kung bakit parang galit na galit siya sakin.Mahigpit din ang pagkaka-kapit niya sa braso ko. “Masyado lang