Ang ganda ng dagat 'pag gabi. Sobrang tahimik na rin ng paligid dahil bahagyang nakakalayo kami sa bahay nila. Sinulit namin ang sandaling mag-usap dahil minsan lang 'to nangyayari. At kung makapag-usap man kami, panandalian lang dahil sa trabaho. "I have to tell you this right now, Viv." Sinipa-sipa niya ang batong nadadaanan namin habang ang mga kamay naming ay nakasalikop sa hangin. "My Lolo Jones wanted me to marry you. At ito 'yong problema ko ngayon." Sabay kamot siya sa ulo. Gumulo na tuloy ang buhok niyang nakahapay. "Kasi parang ayaw mo naman sa akin dahil magkaibigan lang tayo." Natulala ako sa sinabi niya. Para akong minasa sa semento dahil sa desisyon niyang pabigla-bigla. "You were the first girl I brought home. Kaya gusto ni Lolo na ikaw na ang huli. I wanted to pursue you but... I was too afraid," aniya. "Vivianne... may I have your trust? Maari ko bang malaman sa 'yo kung may gusto ka sa 'kin? I don't care if it takes thousands of hours for you to decide. Ang i
Tahimik lang akong nakasunod kay Logan nang pumasok siya. Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang sinabi ng attorney. May dapat ba akong malaman tungkol kay Logan? Should I still trust him? Or answer his love? Baka kasi sa huli, masasaktan lang ulit ako."Why are you silent, Vivianne?" tanong niya nang umakyat siya sa hagdan, ngunit nanatili lang akong nakatayo sa paanan. I shook my head. "Wala naman. Pagod lang ako."He heaved a sigh at bumalik sa puwesto ko. Hinuli niya ang kamay ko kaya agad kong binawi iyon. "Tell me what's bothering you, huh?" Ramdam ko ang mga titig niya sa akin habang nakatitig pa rin ako sa sahig. "Wala nga... Logan," I lied. Kahit gustong-gusto ko nang itanong ang mga bagay na iyon. "It's nothing. Pagod lang talaga ako."Hinawakan niya ang baba ko at iniangat iyon. Nag-abot ang mga mata namin ngunit nahihiya ako dahil may luha nang namuo sa mata ko. "They thought that I was Larson. He was a cheater, right? Kaya sinasabi nilang may girlies ako. But in fact, in
Ang bilis lang ng panahon. Kahapon... parang ang wasak ko. Ngayong si Logan ang kasama ko sa pagpunta sa kumpanya, parang nawawala ang pagod na nararamdaman ko. Huminga ako ng malalim habang tiningnan ang mga papel sa desk ko. Kailangan ko na namang magpagabi kapag ganito karami ang e-c-check kong bagay. "Kailangan matapos mo na 'yan... ngayong araw din," utos ni Valerie sa akin habang panay upo lang naman siya. Ngumiti na lang ako sa kaniya at sinimulan ang trabaho. Panay tunog ang cell phone ko pero hinayaan ko na lang 'yon. Bukas din naman ang messenger ko kaya tumutunog 'yon. Si Kristine naman ay absent dahil pumunta sa auntie niya. Kaya medyo bored na ako sa loob. Nagpatugtog na lang ako ng mga paborito kong music at hindi na alintana ang ingay sa labas. Naririnig ko ang tunog ng stapler at ang pag-flip ng mga papel. Nakakaantok din pala ang ganitong gawain. Nangangalay na rin ang kamay ko sa daming ginagawa. Sa sobrang tahimik ng room ko, parang kinapitan ako ng antok. Ini
It's been three months since Logan courted me. Hindi siya nagkulang ng araw na ihatid ako sa kumpanya at sunduin. He always gives me flowers when he remembers the date he started courting me. Hindi ako nagsisi na nakilala ko siya. In fact, ang saya ko dahil siya 'yong taong palaging nandito para sa akin. And he proves to me that he is better than Logan. He showers me with love and care. At 'yon ang nagtulak sa akin upang ibigay ang nararapat sa kanya. "Uy, gaga ka!" Hinampas ni Kristine ang balikat ko. "Talaga bang nagsama kayo ni Logan sa Villa niya? Grabe ka naman..." She groaned when I just raised my brows. Hindi siya updated, pero kung makaimbistiga, daig pa ng reporters. "Do you really love him na?" Kinalabit niya ang tagiliran ko. "Kasi kung hindi... puwedeng ako na lang?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Babaeng 'to, daming alam. Hindi naman puwedeng hatiin namin si Logan. Siyempre sa akin 'yon. Mahal ko na, eh!Mabuti na lang dahil wala si Valerie this week at may pinunta
"I am hiring you as my personal model," Mr. Art said. "Dahil ikaw lang ang nakikita kong may potential sa pag-aawit at pagmomodelo. And I want you to collaborate with me on this project," nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa. Mabait naman si Mr. Art. Kaya sa palagay ko, maayos ang kinalalagyan niya kung papasukin niya ang trabahong iyon."Thank you," Logan said while brushing his index finger on the back of my palm. Ngumiti lang ako sa kaniya at tumango. "I'll set a schedule for our next meeting at sa taping," dagdag pa ni Mr. Art bago kami nakaalis. As we were heading home, ngiting-ngiti si Logan dahil sa meeting nila ni Mr. Art. Ang saya ko rin dahil sa kaniya. Mayaman naman si Logan, but he loves his passion. Dahil doon siya masaya, dapat maging masaya rin ako, 'di ba?Hindi ako makatulog kahit na inaantok ako. Gusto kong pumikit ngunit didilat ulit. Tahimik na rin ang kuwarto ni Logan, kaya inisip kong tulog na siya. Bigla ko na lang naalala si Papa. Ilang linggo na akong
Niyaya ako ni Kristine sa birthday ng boyfriend niya. Nagpaalam na rin ako kay Logan tungkol rito. Pumayag naman siya at binilhan pa ako ng dress na kulay pula na susuotin ko raw. Palapit na rin ang birthday ko, at dahil doon, gusto kong sa mismong araw na iyon, si Logan ang kasama ko sa pagdiriwang. Gusto kong sa birthday kong ito, hindi na ulit ako kakain kasama ang mga bata sa kalye. Gusto kong mas maging memorable iyon. He is a billionaire. He has his SUV, owns a villa and lot, and most of all, isa siyang superstar. Kaya kahit sinong babae, magkakagusto sa kanya at hahangaan siya. He is living under the roof of the Blackwood family, known as the richest people in La Trevor. "Tawagan mo ako kung uuwi ka na," bilin ni Logan bago humalik sa pisngi ko. "Susunduin kita. Gusto ko ring marinig ang boses mo. Aking prinsesa, huwag kang masyadong lalaklak ng alak. Iponin mo na lang 'yan dahil ako ang magpa-party para sa iyo." Kumindat siya bago ako tuluyang pinakawalan. Tumango lang
The way he stares at me brings back the fear and tears I buried yesterday. Unti-unting bumalik ang mga alaalang pilit kong kinalimutan. Ang mga salitang sinabi niyang naglibing sa akin. How can I move on kung ganito ang ipinapakita niya? “Vivianne... give me a chance, let's do it again.” Nagsalubong ang mga kilay niya, ngunit lumamlam ang kanyang mga mata. I saw it. It turned out to be red. At hindi ko gustong makita siyang umiiyak sa harapan ko. “I never meant to hurt you. I meant to save you from...” “From the happiness I'm supposed to deserve?” Tuluyan ko nang pinakawalan ang nag-uunahang mga luha ko. My chest tightened. “Hindi mo alam kung gaano ako naghirap makalimutan ka lang! Hindi mo alam kung paano ako umiiyak gabi-gabi at pinilit intindihin kung anong wala sa akin na meron sa iba? Anong meron sa kanila na wala sa akin?” Mas lalong humigpit ang pagkapit ko sa aking handbag dahil sa galit na umahon sa puso ko. “I think... you deserve someone whom you truly deserve. Kaya h
No'ng binastos ako ni Valerie, niligtas ako ni Logan. At marami... maraming beses, paulit-ulit niya akong sinagip na hindi ko na alam kung paano ko siya masusuklian. Kahit na magpasalamat, parang hindi pa rin sapat. Siya ang naging tagapagligtas ko mula nang kami'y mag-college. Siya ang anghel sa buhay ko na ipinadala sa akin ng Diyos. Gusto kong ipakita kay Larson na importante ako. At nais kong patunayan 'yon. Gusto kong ipakita sa kanya kung gaano pala kahalaga ang sinayang niya. "Alam kong may iniisip ka." Umupo si Logan sa tabi ko at hinarap ang payapang dagat. "You can tell me. Huwag kang mahiya sa 'kin. Dahil parang mag-asawa na tayo." Napatawa ako sa sinabi niya. Parang mag-asawa? Talaga?"Huwag tayong mag-usap tungkol sa problema, Logan. Nandito tayo sa Antique para mag-celebrate ng isang bagay." Birthday ko ngayon. Kaya ang ipinangako kong sasagutin ko siya mismo sa birthday ko ay dapat matuloy. "Tama ka." Tumango siya at kinagat ang ibabang labi habang nakatitig sa akin
Hinatid ko siya sa condo niya pagkatapos ng ginagawa namin. Nakipag-chat ako kay Logan upang sunduin ako, ngunit abala ang kanyang telepono. Hindi niya sinasagot kaya mag-isa akong tumayo sa gilid ng daan upang mag-abang ng sasakyan. Nakatayo akong nag-iisa habang pinapanood ang mga sasakyang dumadaan sa akin. Kung mamalasin nga naman, ni isa walang humintong sasakyan para sa akin. Lahat puno. Paano kasi, malapit na ang April Fool's, baka kalokohan nilang daan-daanin lang ako. Ang hangin na humuhuni sa aking mga tainga ay nagdudulot sa akin ng pangangatog. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pinagkrus ang mga kamay sa ilalim ng dibdib. Tanging ang liwanag ng mga sasakyan ang tanging tiningnan ko kapag sila'y nagpreno o nagbigay tanda. Ang mga pulang ilaw na kumikislap ay nagbabalik sa akin sa panahon ng kaguluhan. Kung saan kayraming nangyayari sa buhay ko na ayaw kong balikan. "Vivianne..." Agad akong lumingon nang may tumawag sa akin. Pero gulat kong ibinaling ang tingin ko sa
"Nasa'n si Andrew? Sabi ko na ba. Hindi ka naman sana magda-drama kung walang nangyayari sa inyo." "Nagpaalam siya sa akin na aalis muna siya. He asked for space. But... I gave it to him. Hinayaan ko siya, Viv. I let my man go." Ramdam ko 'yong sakit na dinaramdam niya. But I could only caress his back, na baka tatahan na siya."Mabait naman si Andrew. Hindi niya magagawang iwan ka nang walang dahilan. Besides, klaro naman na space lang ang hinihingi niya. You gave it to him, and I know it is not easy for him." Kapag space lang, hindi ibig sabihin noon ay tapos na ang kayo. Sometimes, we need to understand the words or phrases to avoid misunderstanding. Namamaos na ang boses niya. "Kaya kailangan kita. Ikaw lang kasi 'yong meron ako. 'Yong pinapakinggan ako kapag nagpapaliwanag ako." Kumawala siya sa akin at dahan-dahang pinunasan ang mga luha niya. "Tatlong araw akong umiyak sa Sunset Park, nagbabakasakaling makita kita roon. Pero wala ka. But I understand you. May asawa ka na, e
Parang kaydali lang noong nagtago ang araw. Logan ran and took something from his car. Pagdating niya, may bitbit na siya. It was a... Guitar. "Kakantahan kita, alam kong maganda ito." Bumalik siya sa pagkakaupo at kinalabit ang string ng gitara. It made a sound, making me smile. Logan even closed his eyes while playing the song. His voice was deep, clear, and attractive. I enjoyed watching his face. He was like an angel that God sent for me. He was so... adorable to me, making me fall for him so deeply. I sat beside him. Tuluyan nang nagtago ang araw kasabay noon ang pagtatapos ng kantang inaawit ni Logan. Niyakap niya agad ako pagkatapos noon. Ed Sheeran. Photograph. "You like it?" he asked and pulled me closer to him. Agad niyang pinatakan ng halik ang noo ko at mahigpit akong niyakap. Kahit paulit-ulit, o kaya'y minu-minuto na lang akong niyayakap, parang naa-addict na ako noon. He has these warm arms which stopped me from shivering. I nodded to him, smiling while sn
Gumalaw siya. Umayos siya ng tayo ngunit hindi niya talaga ako nilingon. Narinig ko ang sunod-sunod niyang singhap, ngunit hindi niya ako tinapunan ng kahit na sandaling pansin man lang. Binasa ko ang pang-ibabang labi ko. Bigla, parang naging mabigat ang mga balikat ko. Parang may pinasan akong mabigat dahilan ng biglaang pagkapit ko dito. Malungkot akong tumalikod at tinahak ang daan palabas sa bahay niya. First visit pa lang namin, pero...tampuhan na agad.Pumunta ako sa batong kinaupuan ko kanina. Kinuha ko ang cellphone ko at ang headband. Ang ihip ng hanging dumadampi sa aking balat ay wari tinatangay ang lungkot sa puso ko. Ipinikit ko ang aking mga mata habang dimadamdam iyon, kasabay ng malumanay na tugtog ng musika. Wala akong dalang jacket, kaya no'ng bandang lulubog na ang araw, malamig na ang simoy ng hangin. Ngunit ininda ko iyon sa paraan ng pagyakap sa aking sarili upang mariing matunghayan ang pagtago ng araw.Noong nagsimulang magtago ang sinag ng araw, tila nagpaala
Pumasok kami sa bahay ni Logan. He opened the door and the glossy floor welcomed us. Halatang bagong gawa ang bahay dahil naaamoy ko pa ang pintura nito. But the things inside were very attractive in my eyes. The paintings on the walls: a sunset hiding behind the horizon, his family picture, and... the last one is..."Our college picture?" I muttered to myself. Paano napunta 'yan dito? Nakangiti ako roon, si Logan naman ay nakatingin sa akin. He formed a finger-heart while his eyes were on me.I bit my lower lip, preventing myself from giggling. I thought Logan and I didn’t have this picture anymore. Dahil sinubukan kong kunin 'yong picture na 'yon mula sa photographer, wala na raw siyang hawak na ganoon."If you were confused about that picture," Logan interjected, "I’ve kept that in my pocket since the day we graduated. I hid it on my phone and turned it into a portrait after six years. Isn't it nice?" Lumapit siya sa picture at hinaplos ang mahahabang daliri ko sa mukha ko sa pictu
"Why...did you run away from me, Vivianne? Kung alam ko lang sanang dito ka pala pupunta, e 'di pinasok na kita sa bathroom kanina. Hindi na sana kita hinayaang matikman pa ni Larson ang mga labi mo! I claimed it! It was me who owned it first, right?"Gusto kong umiyak ulit. But Logan's so worried. Kung iiyak ako, how can I tell him why? May kinapa siya sa bulsa niya at nakita kong panyo iyon. It fell on the floor when his eyes met mine. Nanginginig ako sa takot na baka mawala siyang bigla sa akin at mahulog ako sa kamay ni Larson. Akmang dadamputin ko na 'yong panyo nang bigla rin siyang yumuko at pinagsalikop ang mga daliri namin. He stood up. Gano’n din ako. Agad niyang hinawakan ang baba ko at inangat 'yon. Lumakbay ang mga mata ko sa buong sulok ng mukha niya, ang puso ko naman ay nagsitambol sa kaba. Then, his lips landed on mine, kissing me roughly while releasing a soft moan. "Did he kiss you like this? Ganito ka ba niya hinalikan kanina? What else does he do to you, wifey?
Logan and I planned to visit the place he wants me to see. Excited na excited siya sa pupuntahan namin. Paano na lang siguro kung ako na mismo ang makakita no’n? Curious din naman ako. Pagkakita ko pa lang sa excitement sa mata niya, parang nadadala na rin ako. I also wanted to fly over there to see the beauty of the place. I wanted to gaze at the picturesque Logan, urging me to look.Basta't pagkagising ko, walang Logan sa aking tabi. Kaya dali-dali akong umahon sa kama at naghanda. I was rushing through the bathroom, but my feet were glued to the floor upon realizing that someone was inside. Rinig ko pa ang lagaslas ng tubig sa loob. Since glass ‘yong pintuan, kitang-kita ko ang anino ni Logan sa loob.Sisilipin ko pa sana nang biglang bumukas iyon at iniluwa si Logan na walang suot pang-itaas. My eyes widened in shock, but I managed to put my palm on my face, forestalling my eyes from peeking at even a small part of his body. "What?" He mouthed at me. "Parang gulat na gulat ka, ah?
Matapos niya akong usisahin kung bakit ako pumunta sa restaurant na 'yon at ano ang gusto kong kanin, ay agad kaming pumasok doon. Siya ang umorder ng pagkain para sa amin. Siyempre, gusto kong umatras dahil baka napilitan lang siyang bumili dahil sa akin. Pero sobrang dami ng inorder niya. Akala ko, ako lang ang kakain dahil sabi niya sa akin, nakakain na siya kanina kasama ang mga co-worker niya. At saka, sa susunod na buwan, ire-release na ang music video nila. Kaya pala nagiging abala si Logan nitong mga nakaraang araw dahil doon. Masaya ako dahil matagumpay niya itong natapos. Proud ako sa aking lalaki, sobrang proud. Alam ng langit 'yon. Kahit na sobrang busy niya, madalas pa rin siyang bumisita sa akin sa aking trabaho, nagdadala ng pagkain, o nag-uupdate sa akin. Masaya ako sa mga ginagawa niya para sa akin. Walang ibang gumawa nito para sa akin, kundi siya lang. Ang pagmamahal niya ay...perpekto. "Wifey, kailan nga ulit ang travel mo sa Cotabato? Malayo ba 'yon?" N
"I thought... you would never come back, Logan?" "You said you would be sad. Alam mo naman, I am your husband. And I will fulfill your wishes, right? Asawa kita, eh! At hindi kita matitiis, Vivianne." Logan keeps hugging me. Parang hindi na nga ako lubos makagalaw sa posisyon ko dahil sa higpit ng pagkakayakap niya. I groaned. "Kainis ka naman! Dapat magalit na ako sa 'yo! Tapos dumating k—" "Is that what you want?" He raised his brows. "Hindi ko naman kayang tingnan na galit ka sa akin." Kinuha niya ang mga kamay ko at itinapat sa dibdib niya. "You live here. Kaya kung malulungkot ka dahil hindi ako nakauwi, malulungkot din ako." Para bang may buhay 'yong puso niya? Naku naman! "Then Coleen heard that Larson told you that I am cheating? Huh!" Suminghap siya at tumingin sa kisame. "He told you that because he wants to take you from me, wifey." Bahagyang nagsalubong ang kilay niya bago muling idinikit ang mukha niya sa akin. "'Wag ka nga diyan, Logan! Alam ko naman. Hin