DYLAN’S POVNakahawak ako sa manibela, pero hindi ko pa rin kayang umalis..Dapat umuwi na ako.Dapat kalimutan ko na lang ‘to.Pero bakit parang hindi ko kayang iwan siya?Kanina, nang makita kong hinawakan siya ng lalaking ‘yon, may kung anong sumabog sa loob ko.Hindi ko maintindihan.Napapikit ako, pilit tinatanggal ang bigat na hindi ko kayang ipaliwanag.Pero kahit anong pilit kong itanggi…Alam kong hindi ko dapat ginagawa ‘to.Pero hindi ko rin kayang pigilan ang sarili ko.Kaya nandito pa rin ako.Nakabantay.Nakikiramdam.Damn it, Xena.What are you doing to me?____Alas-siyete ng umaga. Nasa opisina ako, pero kahit anong pilit kong mag-focus sa trabaho, hindi ko magawang alisin sa isip ko ang nangyari kagabi.Napahawak ako sa sentido ko. I hated feeling this way. Hindi ko gusto ang kawalan ng kontrol sa sarili kong emosyon.Pagkatapos kong siguraduhing ligtas si Xena kagabi, wala na akong dahilan para manatili roon. Pero hindi ako makaalis.Hindi ko rin maintindihan kung b
"You're not just acting anymore, are you?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni Aiden habang nakasandal ako sa swivel chair ng opisina ko. Kakatapos ko lang magbasa ng ilang patient files, pero ramdam ko pa rin ang bigat ng tensyon sa katawan ko. Hindi ako sumagot. Sa halip, tumingin lang ako sa kanya, malamig at walang emosyon. Natawa siya nang bahagya at umiling. "Dylan, I know you. And I know when you're lying—even to yourself." Mabilis kong itinabi ang hawak kong folder at dumiretso ng upo. "You're overanalyzing things, Aiden." "Am I?" Tumagilid siya ng upo, nakatitig pa rin sa akin na parang binabasa ang utak ko. "You used to be so composed. You knew this was just an experiment. But now? You’re getting possessive. Controlling. And the worst part? Hindi mo namamalayan." Tumaas ang kilay ko. "I am in control." "No, you're not." Bumuntong-hininga siya. "Dylan, kung ito pa rin ang dating ikaw, hindi mo papatulan si Trevor. You wouldn’t have dragged Xena away from that party
Nakapamewang akong nakatingin kay Aiden, hindi makapaniwala sa narinig ko. “Ano raw?” “You heard me,” kalmado pero may bahid ng amusement ang tono niya. “The next phase of the experiment is a weekend couple’s retreat. You and Dylan will stay together for forty-eight hours—just the two of you.” Napatikhim ako, saka napatingin kay Dylan na nakasandal lang sa upuan, walang reaksyon sa mukha. Hindi ko alam kung hindi ba siya nagulat o hindi lang talaga siya interesado. “Hindi ako pwede,” mariin kong sagot. “May trabaho ako, may pamilya akong inaalagaan. Wala akong time para sa—” “Gaya ng napag-usapan natin, this experiment requires commitment,” putol ni Aiden, na parang expected na niya ang sagot ko. “You agreed to this, Xena.” Nagtaas ako ng kilay. “Pumayag akong makipag-date, pero hindi ko sinabing magla-lock-in kami ng forty-eight hours na parang—parang…” Napahinto ako, hindi alam kung anong tamang termino. “Parang honeymoon?” “I’m not expecting you to treat it that way,” sagot n
XENA’S POV Nakaharap ako sa bukas na maleta sa kama ko, pero ni isang damit, wala pa akong naisusuksok sa loob. Kahit anong pilit kong huwag isipin, isang bagay lang ang tumatakbo sa utak ko—dalawang araw, mag-isa, kasama si Dylan?! Napailing ako. Hindi ito totoong relasyon, Xena. Experiment lang. Pero kahit anong pilit kong i-remind ang sarili ko, parang may nakadagan sa dibdib ko. 48 hours. Kahit anong gawin ko, hindi ko matatakasan ‘yon. “Anong ginagawa mo?” Napalingon ako at nakita ko si Nika sa pinto, nakapamewang at nakataas ang kilay. “Ano ‘yan, aalis ka na naman?” may diin sa huling salita niya, halatang inis. “Company trip,” sagot ko nang hindi siya tinitingnan. Napaikot siya ng mata. “Company trip o gala na naman kasama ng boss mong mayaman?” Napahinto ako. ‘Mayaman.’ Simula nang pumasok si Dylan sa buhay ko, ito na lagi ang tono ni Nika. Hindi ko alam kung iniisip niyang sinuswerte ako o nagmamaganda lang ako sa isang lalaking may pera. “Trabaho ‘to,” sagot ko, pi
XENA Kung alam ko lang na ganito ang magiging setup namin, baka nagdala na lang ako ng tolda at natulog sa labas. Nakatayo ako sa gitna ng kwarto, nakatitig sa nag-iisang king-sized bed. Kahit gaano pa ito kalaki, hindi ko pa rin maisip na mahihiga ako rito kasama si Dylan. Ilang beses na kaming nagkaroon ng awkward na sitwasyon sa experiment na ‘to, pero iba ‘to. Isang kwarto. Isang kama. Isang gabing magkasama. “Bakit parang gulat na gulat ka?” tanong niya, nakaakbay sa pinto habang nakatingin sa akin nang nakangisi. Lumingon ako sa kanya nang masama. “Akala ko ba may futon?” “Meron.” Itinaas niya ang isang balikat. “Pero hindi pa nila nadadala.” Napasandal ako sa dingding at pumikit ng mariin. Peste naman ‘tong si Aiden, napaka-strategic. Kinalma ko ang sarili ko at tumingin kay Dylan. “Well, ‘pag dumating ‘yung futon, ikaw ang gagamit.” Tumaas ang isang kilay niya. “And why is that?” “Dahil ako ang babae.” Napangisi siya. “Gusto mong pag-usapan ang equality?” Muntik ko
XENA Nakaharap ako sa malawak na terrace ng villa habang hawak ang tasa ng kape. Maaga pa, pero gising na ako—o baka hindi lang ako talaga nakatulog nang maayos. Pagkatapos ng nangyari kagabi, hindi ko alam kung paano mag-aaktong normal. Hindi ko rin alam kung anong dapat kong maramdaman. Dylan… He looked so vulnerable. At hindi ko maialis sa isip ko kung paano ko siya pinanood makatulog—kung paano ko naramdaman ang bigat na tinatago niya. Napailing ako at napahigop ng kape. Ano bang iniisip ko? "Tumakas ka agad?" Napatigil ako nang marinig ang mababang boses ni Dylan mula sa likod. Lumingon ako at nakita siyang nakatayo sa may pintuan ng terrace. His hair was still slightly messy from sleep, at may bahagyang bakas ng pagod sa mukha niya. Pero sa kabila nun… he looked unfairly good. Napansin ko rin ang suot niya—isang loose white shirt at gray sweatpants. Ang layo sa usual niyang formal na itsura, pero masyado yatang… comfortable? At bakit ako biglang nag-iisip ng ganito?!
XENA Pagkatapos ng hapunan, dumiretso ako sa veranda ng villa para lang magpahinga. Sobrang dami nang nangyari ngayong araw—mula sa pagdating namin, sa awkward na paghahati ng kwarto, at ngayon, sa katahimikan na hindi ko alam kung panatag ba ako o lalo lang akong naaalangan. At ang pinakamalaking problema? Si Dylan. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero masyado na siyang natural sa paligid ko. Kahit wala siyang ginagawa, ramdam ko ‘yung presence niya—parang lagi na lang akong conscious. Naputol ang pagmumuni-muni ko nang may lumapag na tasa ng kape sa harapan ko. “Drink,” utos ni Dylan habang umupo sa tabi ko, hawak ang sarili niyang tasa. Tiningnan ko lang ‘yon nang may hinala. “Sigurado kang wala ‘tong halong pampatulog?” He smirked, taking a sip from his own cup. “If I wanted you unconscious, I’d have better ways.” Napairap ako pero kinuha ko rin ‘yung tasa. Mainit. Mabango. At kung lason man ‘to, edi at least matindi ‘yung last coffee ko. Tahimik kaming uminom, naka
Pagkauwi namin mula sa weekend getaway, pilit kong ibinalik ang sarili ko sa normal na routine. Back to reality, back to work—at back to ignoring whatever weird tension na namuo sa pagitan namin ni Dylan. Pagdating ko sa ospital, bumalik ang dating dynamics. Ako si Xena Celeste—ang secretary, hindi ang babae na halos dalawang araw na nagbantay kay Dylan sa villa habang wala siyang suot kundi manipis na pajama. Hindi ang babaeng nagising sa mababang boses niya habang tinatawag ang pangalan ko sa gitna ng panaginip. Hindi ang babaeng…sobrang naging komportable sa mga kanya.. Baliw ka na ba, Xena? Kalma lang. Kaya naman, nang makita ko siyang papalapit, agad akong nagkunwaring abala sa pag-aayos ng mga papeles. Pero kahit hindi tumitingin, ramdam ko ang presensya niya. Ramdam ko kung paano siya tumayo sa harap ng desk ko, nakatingin habang naghihintay na lingunin ko siya. Hindi ko ginawa. “Tapos na ang bakasyon,” malamig kong sabi habang patuloy sa pagbubuklat ng papel. “Hmm.” Hindi
Dylan's POVAyoko ng ganito.Hindi ko gusto ang pakiramdam na ito—na para bang may kung anong bagay na bumabara sa lalamunan ko habang pinagmamasdan ko siya mula sa kabilang bahagi ng hall.Xena was laughing. Too freely. Too openly. At ang mga lalaking nasa paligid niya? Tangina, parang mga lobo na handang lapain ang atensyon niya.My grip tightened around the wine glass I was holding. Wala naman akong karapatang magalit, hindi ba? Wala akong dapat ipagselos. Pero putangina, bakit parang gusto kong sugurin ang bawat lalaking kumakausap sa kanya?My gaze locked onto her—she was wearing that damn dress. The one that hugged her body too perfectly, making it impossible for anyone not to stare. And believe me, these men were staring. Mas matagal pa kaysa sa dapat. Mas matagal kaysa sa kaya kong palampasin.I clenched my jaw. I needed to calm down."Doc, kanina ka pa nakatitig."Aiden’s voice snapped me out of my trance. He was standing beside me, arms crossed, a knowing smirk on his face.
Sa Office:Dumating ang araw na hindi ko na kayang balewalain si Dylan. And I had to admit it—his presence, the way he was always there, was starting to affect me in ways I didn't want to admit.As usual, nandoon siya sa office, nauupo sa malaking leather chair niya, habang ako naman sa maliit kong desk, abala sa paperwork. Pero kahit ako’y abala, hindi ko maiwasang mapansin siya. Alam mo yung pakiramdam na alam mong may nakatingin sayo, pero kahit wala siyang ginagawa, he’s doing something?Minsan, nakakainis.“Dylan,” I started, masyado nang mahirap hindi makapag-comment. “Hindi ba’t sobra-sobra na yung kape mo? Tapos asukal pa!”Si Dylan ay mukhang hindi na apektado sa mga comments ko. I was used to it by now. Pero today, for some reason, parang gusto kong gawin siyang mas aware sa unhealthy habits niya.“Kape pa more, Xena,” sagot niya, with that laid-back, almost teasing grin that made my heart skip a beat. “Paborito ko eh.”Hindi ko napigilang mag-roll ng eyes. "Hindi pwedeng ga
XENAI could feel my chest tightening as Dylan's gaze pierced through me. His presence... it was overwhelming. Para bang hindi ko na kayang magtago, hindi ko na kayang pigilan ang lahat ng nararamdaman ko.Ang hirap, Dylan. Ang hirap.Bakit ba siya laging nandiyan? Bakit ba ako laging tinutukso ng pakiramdam ko na parang siya lang ang may alam sa mga galaw ko, sa mga iniisip ko?I tried to pull away from him, but his proximity made everything seem impossible. His words echoed in my mind, like a broken record—I won’t let you go this time.Sana nga hindi na lang siya nandiyan. Sana nga hindi ko na lang siya nararamdaman.Ngunit hindi ko kayang magtakip, hindi ko kayang magsinungaling pa. Ang lakas ng kabog ng puso ko, parang may humihila sa akin, palapit sa kanya—kahit ayokong lumapit. Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag sinabi ko na...Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag harapin ko ang totoo.Dahil baka mawala ako.Bumuntong-hi
XENAHirap na hirap akong mag-isip. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa katawan ko. Isang parte ng utak ko ang nagsasabing "Huwag, Xena, huwag mong gawin 'to," habang ang puso ko naman ay parang sinasabi na gusto ko na lang sumunod kay Dylan—pumayag, magpahulog.Pero…Nang magtama ang mga mata namin, naramdaman ko ang magkaibang emosyon na naglalaban. Gusto ko siyang itulak palayo, pero ayokong mawala siya. Gusto kong magtakbuhan, pero ayokong iwan siya.His breath was still so close, hovering, making me tremble all over. Pero hindi ko pa kayang magpatawad sa sarili ko. Hindi ko kayang bitawan ang lahat ng pag-iwas ko.At bigla…Ding-dong.Napahinto kami pareho. Tumigil ang lahat—ang tunog ng hininga niya, ang init na nararamdaman ko mula sa katawan niya, ang kalituhan na sumasakop sa utak ko… lahat biglang naglaho nang marinig ko ang tunog ng bell.Napamura ako sa loob-loob ko. Kailangan ko ng oras. Kailangan kong mag-isip. Pero ngayon… may dumating na delivery?Dylan immediate
Chapter 108XENAHindi ako gumalaw.Dahil kung gagalaw ako, alam kong may mangyayari.Ramdam ko ang bawat segundo ng tensyon sa pagitan namin—ang paraan ng pagtitig ni Dylan, ang lalim ng titig niya na parang hinuhukay ang pinakatago-tago kong lihim.And worse? I could feel him.Yung init ng katawan niya, yung kamay niyang nakahawak pa rin sa pulso ko—hindi mahigpit, pero sapat para pigilan akong lumayo."Xena," aniya, mahina pero matigas. "Ano'ng tinatago mo sa akin?"Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ako nakakatayo pa. Parang nagiging putik ang mga tuhod ko sa sobrang kaba."Wala—" Nanginginig ang boses ko.Dahan-dahan siyang yumuko, mas lumapit. Shit. SHIT."Sigurado ka?" Bulong niya, halos bumabangga na ang ilong niya sa akin.I could feel his breath—warm, teasing, dangerous.Napapikit ako saglit. Hindi pwede. Hindi pwedeng bumigay ako.Pero paano kung..."Dylan, I—"Hindi ko na naituloy.Dahil bigla niyang binitiwan ang pulso ko... para lang igapos ang kamay niya sa bewang
XENAHindi ko alam kung ilang segundo kaming nanatiling gano’n—nakaharap sa isa’t isa, walang kumikilos. Pero ang puso ko? Grabe kung maka-rambol sa dibdib ko."Ayaw mo ba?" muling tanong ni Dylan, bahagyang yumuko para mas makita ako nang mabuti.I swallowed hard. Ayan na naman siya sa pagiging intense!Dapat ko siyang paalisin. Dapat ay tumanggi ako.Pero bakit hindi ko magawang isara ang pinto?Bakit ang tanging nagawa ko lang ay ang lumingon sa kama ko—at walang kahulugan ang kilos na ‘yon, pero biglang pumasok si Dylan."Hoy! Wala pa akong sinasabi!" bulong ko, pero hindi niya ako pinansin.Oh. My. God.Masyadong malapit si Dylan.Masyadong mainit ang kamay niyang nakahawak sa pulso ko.At masyadong delikado ang paraan ng pagtitig niya sa akin—para bang sinusuri ang bawat hibla ng emosyon ko, hinihila palabas ang lihim na pilit kong itinatago.Ilang beses akong napalunok, pero hindi ko magawang umatras.Lalo na nang dumikit pa siya nang kaunti.I could feel the warmth of his body
CHAPTER 106XENAHindi ako makatulog.Ewan ko ba. Siguro dahil ang daming gumugulo sa isip ko.Or maybe... dahil sa isang lalaking ilang pinto lang ang layo mula rito.Napabuntong-hininga ako at pumikit nang mariin, pilit na pinapakalma ang sarili. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa katawan ko ang pagod—o ang sakit—pero hindi ko naman puwedeng sisihin ang kahit sino kundi ang sarili ko.Walang may kasalanan kundi ako.Ako ang pumayag.Ako ang bumigay.Ako ang nagpahawak.Napakagat-labi ako at niyakap ang sarili habang nakahiga, pilit na tinatanggal sa isip ko ang mga bagay na dapat nang kalimutan.Pero paano kung hindi ako lang ang nakalimot?Paano kung... hindi niya talaga maalala?I clenched my fists. Napapikit ako nang mahigpit. "Tama na, Xena. Matulog ka na."Pero habang tahimik ang paligid, biglang may narinig akong mahina."...Xena..."Nanlaki ang mga mata ko.Napabangon ako mula sa kama at napatitig sa direksyon ng pinto.Doon galing ang boses.Dylan.Muling lumakas ang ti
DYLANMay kulang.Hindi ko alam kung ano, pero simula pa kaninang umaga, may bumabagabag sa utak ko. Parang may isang bagay na hindi ko maalala—isang piraso ng puzzle na hindi ko matukoy kung saan eksaktong nawawala.Naramdaman ko iyon habang nasa biyahe pa lang kami ni Xena papunta sa opisina. Nang tingnan ko siya kanina, para siyang may dinadalang bigat. Hindi ko masabi kung ano, pero hindi iyon normal.She was acting… strange.At hindi lang dahil nag-aalitan kami.She was avoiding me.Hindi halata kung hindi mo siya kilala, pero sa tagal ko na siyang kasama, kabisado ko na ang kilos niya. Alam kong may itinatago siya.And that bothered me more than I was willing to admit.Damn it.Napabuntong-hininga ako at nagpakawala ng iritadong tawa. I leaned back on my office chair, rubbing my temples. Hindi ko gusto ‘to—ang pakiramdam na parang may hindi ako alam. I hated being left in the dark.I tried to shake it off, pero habang lumilipas ang oras, mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. M
CHAPTER 104XENANapakunot-noo ako habang pinagmamasdan si Dylan. Ang weird niya. Kanina pa siya tahimik habang kumakain, pero halatang may bumabagabag sa kanya. Ilang beses ko siyang nahuling nakakunot ang noo, at parang mas madiin pa yata ang paghiwa niya sa bacon kaysa sa dapat."May problema ka?" tanong ko, habang sinisiksik sa bibig ko ang last bite ng omelet.Hindi siya sumagot. Ni hindi man lang ako tinignan."Hoy, Dylan," tawag ko ulit. "Ano bang problema mo?"Ibinaling niya sa akin ang malamig niyang tingin. "Wala."Agad akong napairap. Napakabilis naman ng sagot niya. Sabi ko na nga ba eh. Alam kong may bumabagabag sa kanya, pero dahil ang pride ng lalaking 'to ay mas mataas pa sa presyo ng gasolina, wala akong makukuhang matinong sagot."Hindi mo naman ako kailangang tingnan ng ganyan kung wala kang problema," sarkastikong sabi ko."Eh ikaw?" biglang balik niya. "Ano naman problema mo?"Napaatras ako sa upuan, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa sobrang random ng tanong ni