Tulala ako na hinihintay ang kaibigan ko sa parking lot. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Ilang beses ko nang tinampal ang mukha ko baka nag i-imagine lang ako pero hindi talaga. Ramdam ko parin ang matigas niyang braso na naka pulupot sa baywang ko. At ang kanyang baritong boses na parang sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa isip ko.
"Sigurado ka nakita mo siya?" Naniniguro na tanong ni Cathalea.Tumango ako. Walang salita na sumakay sa loob ng sasakyan."Namatanda yata ang kaibigan natin," ani Ashnaie na naka kunot ang noo na lumingon sa akin. Binato niya ako ng tissue. "Hoy! Anong nangyari sayo?""Kung panaginip lang ang lahat ng ito huwag niyo na akong gisingin," mahinang usal ko sa kawalan."Ano kaya ang nangyari bakit naging ganyan siya?" Rinig kong usal ni Cathalea.Hanggang makarating kami sa apartment ko ay tulala parin ako. Nang makapasok ako sa kwarto ko doon hindi ko na napigilan ang maglupasay sa ibabaw ng aking kama sa subrang tuwa."Hindi parin ako makapaniwala!" Gigil na sambit ko na parang bulate na inasinan."Why? What happened?" Tanong ni Ashnaie at umupo sa dulo ng kama . Umupo rin si Cathalea sa kabila at magkaharap sila sa akin.Sumandal ako sa head board ng kama hindi mapalis ang ngiti sa labi. "Nagkabungguan kami kanina doon sa food court sa escalator banda at oh my god," tili ko. " Sinalo niya ako para hindi ako matumba. 'Yong kamay niya nakapulupot sa baywang ko. "" Wahhh! As in? "" Wehh! Di nga! "Hindi makapaniwala na sambit nilang dalawa." Oo nga. Ang bilis kasi ng pangyayari. Basta, namalayan ko nalang na nakahawak na ako sa braso niya at sa damit niya sa bandang dibdib. "" Ang landi mo! " Gigil na singhal ni Cathalea at hinampas ako ng unan." Hindi ko alam. Okay?, " Depensa koHumalukipkip si Ashnaie, kunot noo na tumitig sa'kin. "Ayoko sana maniwala sa sinabi mo pero dahil kilala kita . .yeah, ituloy mo ang kwento. Matikas ba ang braso at dibdib niya?" Tumango ako. Napahiyaw ako ng dinambahan niya ako . " Hitad ka! Ano pa nangyari? Gaga! Bakit kasi naisipan ko pang maghiwalay tayo sa paghanap sa kanya."Isinalaysay ko sa kanila ang nangyari mula simula hanggang sa nagkabungguan kami ni Emmanuel. Panay ang hampas nilang dalawa sa akin, kinikilig sa nangyari. Ano pa kaya ako. Subrang kilig at saya ang naramdaman ko. Pangarap ko lang ang makita siya pero hindi ko inaasahan na mahawakan at marinig ko pa ang boses niya."Worth it ang 5k na bill ko sa grocery," ani Ashnaie."Dahil diyan. Umalis na kayo at mag sleeping beauty na ako," tumatawa na saad ko.Sinimangutan ako nang dalawa at walang pasabi na tumabi ng higa sa akin at niyakap ako ng mahigpit."Dito ako matutulog," si Ashnaie."Ako rin," si Cathalea.I chuckle. " Oo na. Oo na, bitaw na hindi ako makahinga.""Arte nito," asik ni Ash at niluwagan ang pagyakap sa akin. " So, ano ang next plan?"Plan? Wala akong next plan sapat na sa akin ang ganap kanina. Ayoko magplano dahil baka hindi naman matuloy. Hayaan ko na si tadhana kung pagtagpuin niya kami ulit. Ang hirap kaya niyang hagilapin. Ang hirap niyang abotin sa subrang taas niya para sa isang tulad ko na mababa lang. He is a millionaire. Samantala ako umaasa lang sa tulong ng mga kaibigan ko. May trabaho ako ngunit hindi sapat ang kita ko, sakto lang ito sa pang araw-araw na gastosin ko. Kaya ayoko nang mangarap ng mataas. Ayoko pangarapin ang isang Emmanuel Montefalco dahil hindi ko siya kayang abotin."Wala akong plano. Hintayin ko na lang ang tadhana kung pagtagpuin kami ulit. "Hindi na nagsalita ang dalawa kaya pinikit ko ang aking mata upang umidlip. Napagod ako sa kaka-ikot kanina at ngayon ko lang naramdaman ang pangangalay ng aking paa.Sa haba ng tulog ko 10 pm na ako na gising. Wala na ang dalawa, siguro umuwi na may trabaho pa sila bukas. Tumayo ako at mabilis na naligo. Pagpasok ko ng kusina may pagkain nang nakahanda doon. Bigla akong nagutom nang maamoy ko ang adobong manok na niluto ni Cathalea. Hindi naman kasi nagluluto si Ashnaie palibhasa anak mayaman.Nagsimula na akong kumain. Mapait akong ngumiti habang nginunguya ang kinakain ko. Isang taon na ang nakalipas pero parang kahapon lang ang brutal na pagkamatay ni mama. My dad is a politician. Isa siyang mayor sa aming bayan sa Sagada or I must say a corrupt mayor. Ang daming galit sa kanya hanggang sa humantong na si mama ang target nila. Sa dami ng galit at kalaban niya hindi namin alam kung sino ang brutal na pumatay sa aking ina.Malinis ang pagkagawa ng pagpatay at walang ebidensya. Ang natandaan ko lang nagtatalo sila ni papa ng gabing iyon at umalis si papa pagkatapos, kinabukasan wala ng buhay si mama. May takip ng panyo ang bunganga niya. Nakagapos ang kamay at paa at maraming saksak sa katawan. Sa mismong bahay namin ginawa ang kremin, kaya pagkatapos ilibing si mama ay lumipat na ako sa isang maliit na apartment at binubuhay ang sarili na mag-isa.After six months ng pagkamatay ni mama si papa naman ang umalis. Hindi ko alam kung saan siya nagpunta, ang bali-balita siya ang suspect sa pagkamatay ni mama. Ayoko manghinala na totoo ang sinabi ng mga tao dahil saksi ako kung gaano ka mahal ni papa si mama. Ngunit bakit kailangan niyang lumayo at takasan ang paratang sa kanya kung wala naman siyang kinalaman sa pagkamatay ni mama?Pinunasan ko ang luhang pumatak sa mata ko. Tumikhim muna ako bago sagotin ang tawag ni Cathalea."Kanina ka pa gising? Kumain ka na ba? May niluto akong pagkain nasa mesa mo."Sunod-sunod na saad niya. Napangiti ako."Kanina pa ako gising at kumain na ako. Salamat sa masarap na luto.""Sus. Ikaw pa, baby girl kita eh."I chuckle. " Miss mo lang ako eh.""Yeah. Yeah. May trabaho kasi ako bukas kaya kailangan ko umuwi. Don't worry sa birthday mo mag leave ako ng 2 days. 2 days nating i celebrate yon dahil 22 kana. "" Oo na. Alam ko naman na hindi ako makatanggi sa inyong dalawa ni Ashnaie. "" Ihanda mo na ang sarili mo next week panigurado may balak si Ashnaie sa birthday mo. "" Ha. Ha . Okay. Good night, Cath. I love you. "" Love you too. "Hinugasan ko na ang pinagkainan ko pagkatapos naming mag-usap ni Cathalea at pumasok sa kwarto. Kinuha ko ang notebook at ballpen na binili ko kanina, ito ang kagawian ko tuwing mag isa ako ang isulat ang nangyari sa buong araw ko.Nakangiti ako na sinulat ang nangyari sa pagtagpo namin ni Emmanuel. Tanda ko pa ang kanyang seryosong mukha na nakatingin sa'kin habang yakap ang baywang ko. Ang kanyang pabango na nanonoot parin sa ilong ko. At kung paano umigting ang kanyang panga nang punain niya ang damit na suot ko.Ma ulit pa kaya iyon? Makita ko pa kaya siyang muli? Kasi pakiramdam ko biglang tumibok ang puso ko sa kanya nang makita ko siya. Lumagpas na ba ako bilang crush siya?Sa aliw ko sa pagsulat hindi ko namalayan madaling araw na pala. Niligpit ko ang mga gamit ko at tinago iyon sa ilalim ng mesa. Pasalampak akong humiga sa kama. Mabuti nalang at wala akong pasok ngayon. Buong hapon ako natulog nagising nalang ako sa tunog ng cellphone ko nang tingnan ko si Cathalea ang tumatawag pinapa-alala na kumakain ako sa tamang oras."Opo inay," biro ko sa kanya."Kapag ikaw nagkasakit lagot ka sa'kin."Cathalea, hindi lang siya basta kaibigan. For me, sometimes she is my mother, a sister, a friend, a best friend. Nang mawala ang mga magulang ko kahit malayo kami sa isa't isa hindi siya nakalimot na kamustahin ako. Tawagan kahit madaling araw pa upang tanongin kung kumain na ba ako. She cares me so much and it's scared to me. Natatakot ako na baka isang araw mawala ang lahat ng iyon kung saan nasanay na ako. Kaya hindi ko sinasanay ang sarili na lagi silang nandiyan dahil hindi sa lahat ng oras nariyan sila ."Kita kits nalang tayo sa friday."Sandali pa kaming nag-usap bago niya binaba ang tawag. Malakas akong napabuntong -hininga at pinikit ang mata. Alas sais na ng gabi pero hindi parin ako nakaramdam ng gutom. Malapit na ang birthday ko pero hindi ako excited parang normal na araw lang.Wala akong plano sa birthday ko, gusto ko sa araw na 'yon mag mokmok dito sa kwarto ko at magsulat ng kwento. Pero dahil spoiled ako sa mga kaibigan ko hindi pwede na walang selebrasyon. Bago pa ako makatulog ulit ay bumangon na ako para kumain. Tamad na akong magluto kaya cup noodles nalang at toasted bread ang kinain ko. Pagkatapos kong kumain nag text ako kay Cathalea at sinabing matulog na at huwag nang tumawag sa akin.Kinabukasan. Na gising ako sa tunog ng alarm clock. Dinampot ko ang magazine sa ibabaw ng mesa ko at gigil na tiningnan ang gwapong mukha ni Emmanuel. Bago ko pa makalimutan na may trabaho ako nilapag ko iyon at nagmadaling pumunta sa banyo at maligo. Dahil walking distance lang naman ang pinagtrabahuan ko naglakad nalang ako at sayang sa pamasahe. Nagtatrabaho ako bilang janitress sa isang coffee shop, college graduate ako pero dahil sa apelyedong Layson na dala ko hindi ako matanggap sa kompanya na pinag-aplayan ko. Unfair, dahil wala naman akong kinalaman sa kagagawan ng ama ko pero dahil dala ko ang apelyedo niya dawit parin ako. Mabuti nalang at na tanggap ako dito kahit janitress basta may trabaho ako at pambili ng makain ko.Nag umpisa na akong magtrabaho. Ito ang routine ko hanggang sa matapos ang working hour ko. Nakakapagod pero kayanin dahil wala naman akong ibang maaasahan. Ang tatay ko hindi man lang ako magawang tawagan simula noong magtago siya. Kaya kahit mahirap tinit
Pakiramdam ko may sumusunod sa akin habang naglalakad ako papunta sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko. Sa tuwing lilingon ako wala namang tao. Pa linga-linga rin ako sa paligid baka nagtatago siya ngunit wala naman. Binaliwala ko ang pakiramdam na iyon at nagmadali sa paglakad. Paliko na ako sa kanto nang may tumawag sa akin na nagpadaga sa puso ko."Miss Debbie."Binilisan ko ang aking paglakad ganoon din ang taong sumusunod sa akin."Miss Debbie, gusto ho kayong makita ng daddy ninyo."Hindi ko siya pinansin. Patuloy parin ako sa paglakad. Gusto ko rin siya makita ngunit ayaw ko sa paraan na gusto niya. Ayoko magkita kami sa tagong lugar na parang isang kreminal. Dawit na ako sa paratang sa kanya at ayaw ko nang dagdagan pa iyon. Kung gusto niya akong makita. Kung gusto niya akong makasama, linisin niya ang pangalan niya sa publiko at sasama ako sa kanya ng walang pag-alinlangan.Nang malapit na ako sa coffee shop ay tumakbo ako at mabilis na pumasok sa loob."Ouch.""Aray."Mabili
Ang sakit ng ulo ko. Parang pinukpok ng martilyo. Punyemas na Ashnaie 'yon alam niyang hindi ako umiinom ayan tuloy napasubo ako. Nasaan ba ako? Hindi naman ganito ka lambot ang kama ko. Baka sa condo ni Ash. Sumiksik pa ako sa unan na yakap ko. Ngunit ang pinagtataka ko bakit ganito ang unan na kayakap ko? Mainit. Matigas at parang may buhay. Pero ang sarap yakapin. Ang huling naalala ko nasa bar kaming tatlo at sinabi ni Ash na gawin ko na ang dare nila sa akin at lumapit ako sa table kung saan naka upo doon si Emmanuel, at. Napamulat ako nang may maramdaman na matigas na bagay na sumundot sa bandang tiyan ko. Napakurap-kurap ako ng makita ang isang matipunong dibdib kung saan naroon ang palad ko,wala itong suot na damit kaya't ramdam ko ang init ng katawan niya. At ngayon ko lang namalayan na nakayakap ito sa akin at nakatanday ang isang paa. Hindi ako gumalaw, natatakot na magising siya. Napalunok ako at pamilyar sa akin ang amoy niya. Muntik ko na siyang maitulak pag-angat ko nan
Ano kaya ang buhay na danasin ko kasama si Emmanuel? Masaya ba? Malungkot? Hirap? Hindi namin kilala ang isa't isa, lalo na siya. Siguro, ngayon niya lang din nalaman ang pangalan ko. At ako, kilala ko lang siya sa mga sulat sa magazine na nabasa ko. Totoo kaya ang lahat ng mga iyon? O, gawa-gawa lang dahil sa sandaling kasama ko siya batid ko ang kagaspangan ng ugali niya bagay na hindi naisulat sa magazine niya.Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako. Paggising ko madilim na. Dala sa sinag ng ilaw mula sa poste sa labas ng bahay, tumayo ako sa binuksan ang ilaw. Hindi pa ba nakauwi si Emmanuel? Lumabas ako nang kuwarto, walang ilaw sa sala kaya panigurado hindi pa nakauwi si Emmanuel. Nangangapa na tinungo ko ang switch ng ilaw at binuksan iyon. Sinilip ko ang labas ng bahay wala pa doon ang sasakyan niya.Dahil busog pa ako, umupo ako sa sofa at nagpasyang hintayin nalang ang pag-uwi niya. Walang orasan kaya hindi ko alam kung anong oras na. Nanatili lang akong nakaupo nakasilip s
Nagising ako ng hindi nadatnan si Emmanuel. Wala na rin ang sasakyan niya siguro nasa trabaho na ito. Pakiramdam ko pagod na pagod ako kahit iyon lang ang nangyari sa amin kagabi. Hindi na gaanong masakit ngunit mahapdi nang basain ko ito ng tubig. Ganito ba talaga ito? Nang matapos akong maligo damit parin ni Emmanuel ang suot ko. Pumunta ako ng kusina upang iluto ng pagkain ang sarili ko. Hindi man lang yata nag kape si Emmanuel.Uminit ang mukha ko nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi ko talaga iyon inaasahan. Ang pag-uwi niya sa bahay na mahigit isang linggo siyang wala. Ngunit ang pinagtataka ko bakit ganoon siya ka marahas sa akin? Hindi naman siya amoy alak kaya malamang hindi siya lasing. Pwede naman niya akong kausapin ng maayos. Tanungin sa mahinahon na paraan. Hindi iyong basta niya lang ako hablutin at idiin sa pader. Hindi ko akalain na ganoon pala siya ka haras kapag galit.Malaki ang kasalanan ko sa kanya. Tama naman siya. Ano ang rason ko kung bakit inakit ko siya. K
Muntik ko nang maitulak si Emmanuel sa gulat nang pagmulat ko nakayakap na ako sa kanya. Banayad ang kanyang bawat paghinga. Ang kanyang kanang kamay ay nakapatong sa kanyang noo at ang isa ay ginawa niyang unan. Umingos ako at dahan-dahan na bumitaw nang yakap at tumalikod nang higa sa kanya. Kaya pala masarap ang tulog ko dahil kumportable ako sa kayakap ko na akala ko unan. Ang matigas na hubad na katawan pala iyon ni Emmanuel.Nanatili muna akong nakahiga ng sampong minuto bago naisipang bumangon. Anong oras na ba? Nagtungo ako sa kusina at nagluto. Bacon at omelette ang niluto ko since may shrimp pa naman akong natira kagabi. Pinainit ko iyon at ginawa kong fried rice ang tira kong kanin kagabi. Sayang kung itapon, maraming tao ang nagugutom tapos ako magsayang lang ng pagkain.Nilapag ko iyon lahat sa lamesa pagkatapos maluto ang lahat at bumalik sa kwarto para maligo. Ngunit nasa banyo si Emmanuel kaya sa banyo dito sa kusina nalang ako naligo. Since may lakad ako ngayon, 'yong
Nahihiya na ngumiti ako kay Bethany na hanggang ngayon ay tulala parin. Nasa harap ng counter lang ako nakatingin, umiiwas sa mapanusok na tingin ng mga empleyado. Sa ilalim ng nakayuko kong ulo sinamaan ko ng tingin si Emmanuel. Natutuwa ako na sinabi niya sa publiko na asawa niya ako pero hindi niya ba naisip na baka pag piyestahan ako ng mga tao lalo na ang media kapag nalaman nila ito?Oh my god! Hindi ko maisip kung sakaling mangyari man ito. Ginulo ko ang buhay ni Emmanuel ayoko nang dagdagan pa iyon lalo na at hindi maganda ang background status ko. Ayoko ma ungkat ang tungkol sa pamilya namin lalo na ang pagkamatay ni mama. Masakit parin sa akin ang nangyari at hanggang ngayon hindi parin iyon nabigyan ng hustisya. Hindi bale na ako ang mapahiya huwag lang madamay si Emmanuel."Escort her to my office."Ani nito kay Bethany at sinagot ang tawag. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin bago ako tinalikuran. Biglang sumama ang loob ko sa kanya. Binalik ko ang tingin kay Bethany na
Subra akong nagulat sa sinabi niya lalo na ang paghubad niya sa harapan ko. Sa loob ng isang buwan na pag-iwas niya sa akin, haharapin niya ako at ito ang sasabihin niya ang maghubad ako? Alam ko kung ano ang gagawin niya pero bakit pakiramdam ko isa akong parausan na basta niya lang diktahan na maghubad sa harapan niya at gawin ang lahat ng iutos niya. "Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay 'yong inuulit ko ang sasabihin ko," malamig na sambit niya. " Hubad at humiga ka sa kama."Hindi ako natinag. Nakatitig lang ako sa hubad at maskulado niyang katawan. Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa pagitan ng dalawang hita niya. Napaatras ako nang mapagtanto kung gaano na iyon ka tigas at tayong-tayo handa nang sumabak sa laban. "Hubad."Napapitlag ako nang tumaas ang boses niya. Simpleng salita ngunit nagpanginig sa buong kalamnan ko. Hindi ako takot sa mangyari sa amin kundi takot ako sa klase ng pananalita niya. Ma awtoridad. Na kapag hindi mo sinunod mangingig ka sa takot sa maaring gawi
Galing kami sa burol ni Mrs. Layson, ang ina ni Debbie. Lalapitan ko na sana siya kanina pero umatras ako dahil kasama niya si Alfred. Matapos ang deal namin makaraan ang isang taon hindi ako nagpakita sa kanya intentionally. Nag-fucos ako sa pag-aaral sa negosyo na ipamana ni dad sa akin. Pero kapag nagkikita kami sa mga gatherings, kinikibo ko naman siya nagbabakasakali kung may maikuwento siya about kay Debbie.Kumunot ang noo ko nang mapansin ang dalawang kotse na nakasunod sa amin, pinagitnaan ang sasakyan namin. Nasa likod kami naka upo dalawa ni mommy at si daddy ang nagmamaneho. Hindi ko nalang pinansin dahil marami ang dumalo sa huling lamay ni Mrs. Layson baka isa sila sa mga dumalo.“May progress na ba doon sa kinukuwento mong babae na gusto mo?” “Naku! MAlamang wala pa. Ewan ko kung nasaan nagmana iyang anak mo gayong hindi naman ako torpe noong kabataan ko.”Binatukan ni mommy si daddy nang siya ang sumagot sa tanong na dapat ay sa akin. “HIndi ikaw ang tinatanong ko huwa
Nakasandal ako sa pader sa gilid ng gate dito sa labas ng University habang hinihintay ang pagdating ni dad. Second year college na ako pero hatid-sundo parin ako ng aking pinakamamahal na ama dahil iyon ang utos ng aking pinakamamahal na ina na ubod ng ganda sa balat lupa.Sa pagmamasid ko sa kabilang kalsada, may mahagip ang mata ko na isang magandang dilag. Napatuwid ako ng tayo. Nagsalubong ang kilay ko at biglang tumibok ng malakas ang puso ko ng pamilyar sa akin ang babae. Minsan ko na siyang nakita sa mga pagtitipon ng mga negosyante kaya batid ko anak-mayaman siya. At nakita ko rin siya noong kaarawan ni dad last year pero hindi ko alam kung saang pamilya siya nagmula at kung sino ang mga magulang niya.Hindi ko akalain na dito pala siya nag-aaral sa tapat ng University na pinapasukan ko.Bahagyang tumabingi ang ulo ko at pinakatitigan siya. Nakabusangot ang kanyang maamong mukha. ANg magkabilang kamay nakahawak sa strap ng kanyang bag hindi pinansin ang ilang hibla ng buhok na
EMMANUEL pov.“Sandiego.”Problemadong sambit ko sa pangalan niya ng sagutin niya ang tawag ko. Nag alala ako sa asawa ko at si Alfred lang ang alam ko na makasagot sa iniisip ko. Siya ang nakasama ni Debbie ng mahigit tatlong buwan kaya alam niya kung ano gagawin kapag ganito ang naramdaman ng asawa ko.“Ano na naman problema, Montefalco?” pagalit na tanong niya at halata ang inis sa boses.“Si Debbie kasi naghina pagkatapos magsuka ayaw naman niyang tumawag ako ng doktor.”“GA ago. Malamang magsuka 'yan kasi buntis ang asawa mo! HIndi mo ba alam kung ano ang nangyayari sa isang buntis? I-g****e mo, tanga. Disturbo. Malapit na ako sa ruruk ng tagumpay tapos-hah! I-block ko kayong mag-asawa.”“Ituloy mo nalang mamaya-,”“My loves, saan ka pupunta?”Rinig kong sambit niya sa kabilang linya. Bahagya kong inilayo ang telepono sa tainga ko ng makarinig na kaluskos doon at pagbagsak ng telopono ngunit hindi namatay ang tawag niya. Nagalit yata si Cecelia. Makaraan ang ilang minuto muli siya
DEBBIE MAE pov.“I read the book you wrote.”Napa angat ang mukha ko sa gulat sa sinabi niya. Nakasandal siya sa headboard ng kama habang yakap ang hubad kong katawan. Kakatapos lang namin mag-make out-I mean mag-make love. Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko ng mapansing natulala ako.“I didn’t know na isang writer pala ang asawa ko.”Umiwas ako ng tingin dahil namumula ang pisngi ko, hindi ko alam kong dahil ba sa pagtawag niya sa akin na asawa o kung dahil sa paghalik niya sa ilong ko.“Paano mo nalaman?” pabulong na tanong ko.Umaayos siya ng upo saka dinampot ang damit niya at pinasuot iyon sa akin. May kinuha siyang notebook sa ibabaw ng mesa at inabot iyon sa akin. Nagtataka na tinanggap ko iyon at pinakatitigan.“Honestly, hindi ko alam na ikaw pala ang owner no’n. Na agaw lang ng atensiyon ko ang title ng libro kaya tiningnan ko. Nagtaka pa nga ako kung bakit Montefalco ang apelyedo ng writer gayong wala naman akong natatandaan na may kamag-anak kaming manunulat,” natatawa n
DEBBIE MAE pov.“Matulog ka na. Bukas na lang tayo mag-usap.”Mahinahon na usal niya at inalalayan akong humiga sa kama. Wala kaming imikan kanina pa mula nang umalis kami sa bahay ni Alfred. Nakahawak lang siya sa kamay ko habang nagmamaneho hanggang sa makarating kami.Sabi ko noon kapag nagkita kami ulit marami akong gustong itanong sa kanya, pero ngayon magkaharap na kami nawala lahat ang tanong sa isip ko na gusto kong sabihin sa kanya. Nang sinabi niya na mahal niya ako parang iyon ang sagot sa lahat ng mga katanungan ko.Inayos niya ang kumot ko. Bigla siyang nailang dahil nakatitig ako sa kanyang mukha. Umiwas siya ng tingin pero nanatili ang kamay niyang nasa kumot ko. Hindi ko maiwasan na mapangiti. Miss na miss ko siya. Walang gabi na hindi ako nagdarasal na sana dumating ang araw na ito. Na babalikan niya ako. Na magkasama kaming muli kasama ang anak namin at marinig sa kanyang labi ang katagang I love you.“Tulog na tayo,” ani ko.Naglakad siya sa kabilang bahagi ng kama k
Emmanuel pov.Wala sa sarili akong naglakad palayo sa kanila. Wala ako sa huwisyo. Iyong eksena na iyon ang taging laman ng isip ko. Parang sirang plaka na pabalik-pabalik na lumilitaw sa isipan ko. Huli na ako. Masaya na siya at hindi na niya ako kailangan sa buhay niya. Ako lang itong habol ng habol at umaasang may babalikan pa.Sa paglalakad ko sa book store ako napadpad. Para mawala sila sa isipan ko naghanap ako ng librong nakakaaliw na pwedeng basahin. Natigil ako sa hilira ng mga librong pang-romance. Na agaw ang atensiyon ko doon sa isang libro, biglang sumikdo ang puso ko ng mabasa ang title niyon. KInuha ko ang libro.“MY RUTHLESS MAFIA HUSBAND.”Basa ko sa title nito.“A Novel Written by DM Montefalco.”Nagsalubong ang kilay ko ng makita kung sino ang author niyon. Wala naman akong natatandaan na may kamag-anak kaming author. O, baka hindi lang ako na-inform. O, baka ginamit niya lang ang apelyedong Montefalco.Pinagsawalang bahala ko nalang kung sino ang author nito dahil s
Nakapag desisyon na ako na ayusin na ang relasyon namin pagkatapos ng lahat ng problemang kinakaharap ko pero bakit laging may humahadlang sa plano ko?Bakit hindi ako mabigyan ng pagkakataon na ayusin ang gusot sa pagitan namin ng asawa ko?Sa galit ko, sinugod ko silang dalawa sa labas at binugbug si Alfred sa harap ng asawa ko. Hindi ko siya tinigilan sa pagsuntok hangga’t hindi ko nakitang dumugo ang ilong niya. Mabigat ang aking bawat paghinga, kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko baka napatay ko siya dahil sa galit at selos na naramdaman ko.Napaigik si Debbie ng hablutin ko ang magkabilang braso siya at bumalantay ang sakit sa kanyang mukha sa diin ng pagkahawak ko doon. Gaguhin niya man ako. Saktan. Huwag niya lang ipamukha sa akin na hindi ako ang kanyang mahal.“You fucking slut! Sa mismong harap ng bahay ko pa kayo,-”Iniwan ko siyang nakasalampak sa semento ng matumba siya sa pagbitaw ko. Mabigat ang aking bawat paghinga na bumalik sa loob ng bahay. Dinampot ko ang lah
Emmanuel pov.Kaarawan ni dad ngayon. Saglit kong iniwan si Debbie sa hall dahil tumawag si Anton pero pagbalik ko, uminit ang ulo ko nang makita na hinaplos ni Alcenia ang hita niya dahil sa damit na suot niya. Gusto kong dakmain ang kamay ng matanda at pilipitin iyon hanggang sa madurog ang buto niya.“Sino ba ang nagsabi na ganyang damit ang suotin mo?”Hindi ko mapigilan na isambit dahil kanina pa ako naiinis sa damit na suot niya. Gusto ko sa akin lang siya nagpapasexy, sa akin lang siya nagpapaganda, ayoko na makita iyon ng iba. Bago pa siya makapagsalita tinalikuran ko na siya at sinundan si Alcenia sa gitna ng hall.Pa-simple akong lumapit sa kanila at tumabi sa kanya na masayang nakikipag-usap sa kapwa niya business man. Kilala ko sila sa mukha ngunit hindi sa pangalan.“Ihanda mo ang kamay mong makasalanan bago ka lumabas ng mansyong ito, dapat putol na ang mga iyan.”Bulong ko sa matanda na ikinaputla niya. Nagkakamali ka ng target, Alcenia.“Enjoy the party.”Hinanap ko ang
Emmanuel pov.Kung kagabi galit ako sa kanya ngayon hinihiling ko na sana mamaya pa siya gumising nang masulit ko ang pagyakap niya. Kaninang madaling araw pa ako gising at hindi na ako ulit nakatulog nawiwili sa magandang dilag na nakayakap sa akin.Nang magising siya nagkunwari akong tulog hanggang sa naramdaman ko na bumangon siya. Paglabas ko nakahanda na ang pagkain sa lamesa, kung ganito araw-araw ang gagawin niya baka hind ko mapigilan ang sarili ko na pagbigyan siya at pagnagkataon baka masanay ako at hanap-hanapin ko ang pag-aruga niya.Sinabay ko siya papuntang Shopping Mall kung, pwede pati hanggang sa pamimili niya ay samahan ko siya pero hindi pwede dahil may trabaho akong nakatambak sa opisina. Pina-assest ko na lang siya sa empleyado ko ngunit tatlong oras na ay hindi parin sila umaakyat dito kaya pinatawag ko si Bethany at sinabing dito nalang sila sa third floor magpa-cashier.HIndi siya nakinig sa sinabi ko na magpalit ng damit sa opisina ko, nanatili siyang nakatayo