Paulit-ulit ang pagtingin ni Shaun sa relo. Higit kinse minutos na siyang naghihintay sa western restaurant na sinabi ni Heria. Wala pa ito. Naiinip na s’ya.“I’m sorry, I’m late,” saad nito pagkarating. Lumapit ito sa kan’ya para humalik nang umiwas siya.Nakasimangot tuloy itong umupo sa harapan n’ya.“I said, don’t do that to me in public,” nayayamot nitong sabi sa ikinikilos n’ya.“Then, don’t do that to me also. We’re not into any romantic relationship, Heria,” paglilinaw niya kahit paulit-ulit niya nang sinabi dito noon.Hindi niya maunawaan si Heria. Noon pa man ay marami na ito’ng manliligaw na kagaya niya ay nanggaling din sa kilalang angkan sa pagnenegosyo at pulitika. Kahit ngayon ay mayroon pa rin pumuporma dito, subalit mas pinili nito’ng ipagpilitan ang sarili sa kan’ya.“We’re married.”Pinanghahawakan talaga nito ang kapirasong papel na iyon.“Anyway, finally you ask me on a date. Wala na ba iyong kabit mo? Natakot na ba?” buong kompyansa nitong tanong.“This is not a
Tuluyang lumabas ng kwarto si Shaun at Cianne pagkatapos ay sinara ang pintuan. Ayaw nilang magising ang mga anak sa ganoong senaryo.Handa si Shaun na tanggapin ang susunod pa’ng sampal ni Cindy ngunit pumagitna si Cianne.“Ate, let me explain,” anito.Naramdaman niya ang pag-abot nito sa kan’yang kamay mula sa likod. Hinawakan niya iyon nang mahigpit.“You knew that he’s married?” hindi makapaniwalang tanong ni Christine.Marahan na tumango si Cianne.Hinila niya ito patungo sa kan’yang likod. Kung mayroon man dapat humarap sa mga ate nito, siya dapat iyon.“That’s true, I’m married. But it was an arranged marriage years ago. Ang kapatid n’yo ang mahal ko, kaya inaayos ko na ang lahat. The one I’m married to knows that I don’t have feelings for her eversince. I’m sorry kung nasa ganitong sitwasyon si Cianne dahil sa akin. Pinapangako ko, I’ll make this right para sa mag-iina ko.”Bakas sa mukha ng mga kapatid ni Cianne na wala itong tiwala sa mga sinabi niya.“Then tell us how can y
Alas-otso na nang gabi. Sa oras na iyon dapat ay nasa bahay niya na si Shaun at nakikipagkulitan sa mga bata. Wala siyang natanggap na mensahe mula nang umalis ito kanina. Wala din ito sa sariling bahay nang tawagan niya.Tiningnan n’ya ang dalawang maleta na naglalaman ng mga gamit nila ng kambal. Hinanda niya iyon kanina nang isang desisyon ang nabuo sa isipan niya. Hinihintay niya na lang si Shaun para maisakaturapan iyon.Lumabas siya ng kwarto upang magpahangin sa labas. Narinig niya ang dalawang sunod na busina kaya agad siyang lumingon sa gate. Bumagsak ang kan’yang balikat nang mapagtantong hindi iyon kotse ni Shaun, bagkus ay sa kan’yang ate Cindy.Hindi n’ya na sinalubong ito nang tumunog ang kan’yang cellphone. Tawag mula kay Shaun, na kanina n’ya pa hinihintay.“Cianne.” Walang lambing ang pagtawag nito sa kan’ya, at kahit isang salita lang iyon ay damang-dama niya ang lungkot doon.Marahil ay hindi ito naging tagumpay sa pakikipag-usap kay Heria tungkol sa pagkalat ng lar
Sa pintuan ng kwarto pa lang ay naririnig na ni Cianne ang malutong na tawa ng kambal. Pumasok s’ya at naabutan ang dalawa na mayroong kinakausap mula sa cellphone ni Yaya Ling.“Yaya, sino ‘yan?” tanong niya nang nagtataka dahil iyon ang unang beses na mayroong katawagan ang katulong habang nag-aalaga ng mga bata, at kausap pa ang mga ito.Bago pa man makasagot ang yaya ay nasilip niya na ang cellphone na hawak ni Kean at nakitang si Shaun iyon.Higit isang linggo na din na hindi bumibisita ang lalaki sa mga bata. Hindi rin ito tumatawag sa kan’ya at ang huling pag-uusap nila ay ‘yong gabi pa na inaya niya itong magpakalayo-layo. Nasasaktan pa din siya sa tuwing naaalala ang pagtanggi nito.“Daddy has to go to back to work na,” bigla ay paalam nito kahit mayroon pa naman oras.Iniiwasan ba siya nito? Mukhang oo, dahil imbes na siya ang tawagan upang makausap ang kambal ay dinaan pa nito sa katulong.“Bye daddy!” nagpaunahan pa ang dalawa sa pagbibigay ng flying kiss.Akala niya ay hi
“Ingat kayo. Bukas ulit!”Kumaway si Cianne sa huling mga empleyado na lumabas sa kan’yang restaurant. Alas-nuebe na nang gabi at siya na lang ang naroon.Nagtungo siya sa kitchen area upang ipagpatuloy ang paghahalo ng harina para sa gagawin niyang cookies para sa kan’yang kambal. Ang totoo ay maaari niya naman iyong gawin sa kan’yang bahay ngunit ayaw niya pa’ng umuwi.Paano’y nabalitaan niya kay Yaya Ling na kanina pa naroon si Shaun upang bisitahin ang mga bata. Nang mga nagdaang linggo ay tumatawag at dumadaan-daan lang ito para magpakita sa mga anak, ngunit ngayon ay halos mag-ta-tatlong oras na itong nasa bahay n’ya.Nang tumawag siya sa mga kasambahay ay tila wala pa daw balak na umuwi ang lalaki, kaya napagpasyahan n’yang huwag munang umalis sa restaurant.Matapos ang nangyari nang isang araw, ay mas lalo na siyang nawalan nang gana na makita ito. Tuluyan nang naglaho ang tiwalang hinihingi nito sa kan’ya.Sa ngayon ay hindi na siya sigurado sa plano nito. Baka nga hindi na s
Kahit pa ipagtabuyan ni Cianne si Shaun ay hindi pa rin s’ya nito iniwan. Hinintay siya nitong matapos sa ginagawa sa restaurant at umalalay sa kan’yang pagmamaneho pauwi.Umalis lang ito nang masigurong nasa loob na s’ya ng kan’yang bahay.Pagkauwi ay agad niyang tinungo ang kambal. Marami na naman itong mga pasalubong mula sa ama. Halatang bumabawi sa mga oras na sana’y nilaan nito sa kambal imbes na kay Heria.Mariin siyang pumikit nang maisip ang huli. Paano nga kung si Heria na talaga ang makakasama ni Shaun habangbuhay? Wala na siyang magagawa kun’di tanggapin iyon, lalo pa’t kung parte ng buhay ni Shaun ang babae ay magiging parte na din ito ng buhay ng kambal.Pumasok na siya sa sariling kwarto. Nilapag niya ang bag sa kama nang mapansin ang pulonpon ng bulaklak na hyacinth na naroon.Kinuha niya ito at binuksan ang card na nakaipit.Cianne,I know that sorry isn’t enough to justify the days I haven’t connected with you, but please know that I’m not giving up on us. Kung ano
Sinara nang maayos ni Cianne ang cookie jar pagkatapos ay nilagay sa paper bag. Marami ang laman ng isang jar ngunit alam niyang kayang-kaya iyong ubusin ni Shaun sa isang upuan lang kaya dinagdagan niya pa ng isa.Hindi pa man nagtatagal nang umuwi ang kan’yang mga staff ay dumating na si Shaun sa restaurant. Mayroon ito’ng maliit na ngiti sa labi nang makita s’yang nakaupo sa lamesang pandalawahan sa loob.Siya ang nagpapunta dito sa kan’yang restaurant. Matapos ang nangyari kagabi ay lalong sumidhi ang damdamin niyang magkaroon ng kaliwanagan ang lahat.“Kumain ka na ba?” tanong niya nang umupo ito sa harapan n’ya.Umiling ito.“Me too. Gusto mo ba magluto for our dinner?” Bakas niyang tinatantya nito kung paano siya papakitunguhan kaya nais niyang maging magaan lang ang lahat kahit papaano.“Sige ba.”Sabay silang nagtungo sa kitchen. Naupo lamang siya at hinayaan ito’ng magluto ng sariling recipe ng lasagna at garlic bread.Hindi niya napigilan ang pagsilip ng ngiti sa kan’yang l
Tinitigan ni Shaun ang dalawang cookie jar sa pantry na wala pa’ng bawas ‘ni isa. Simula nang ibigay iyon ni Cianne ay hindi niya pa nabubuksan. Samantalang noon ay hindi tumatagal ng isang araw sa kan’ya ang cookies na gawa ng babae.Malungkot siyang napangiti. Paanong ang pagkain na iyon na dati’y nagbibigay ng katahimikan sa puso niya ay simbolo na ngayon ng malungkot na alaala.Sinara n’ya ang pantry at pumanhik na sa taas. Nasa dating bahay siya kung saan noon nanirahan si Cianne at Matt. Madalang na siyang pumasok sa opisina at paminsan-minsan na lang nakikipagkita kay Heria.Bigla ay para siyang nawalan nang gana sa kahit anuman na bagay.Nauunawaan niya ang kagustuhan ni Cianne na lumayo para maging malaya na ang pagmamahalan nila bilang isang pamilya, gayunpaman, hindi iyon ang tipo ng pamumuhay na nais niyang ibigay sa kan’yang mag-iina. Hindi niya gusto ang ideya na habangbuhay silang magtatago kay Don Felipe at Heria.Gusto niyang mabigyan nang malayang buhay ang kambal, k
Wala sa isipan ni Cianne ang engrandeng kasal. Nang sinabi nga ni Shaun na nais nitong ibigay ang pangarap niyang kasal, ay wala siyang ibang maisip kundi isang simpleng seremonya sa simbahan. Ganoon siguro kapag kontento ka na sa buhay. Sapat na sa kan’ya na umuwi sa bahay kasama ang mga anak at asawa pagkatapos nang nakakapagod na araw.Kagaya nang kan’yang nais, simpleng pag-iisang dibdib sa simbahan ay pinaplano niya kasama ang wedding organizer na kinuha ni Shaun.Kahit anong busy ng lalaki ay nagagawa pa din siyang samahan nito sa mga paghahanda.“Hindi kaya maumay nito kaagad ang mga bisita? What do you think, mahal?” tanong sa kan’ya ni Shaun nang mag-food tasting sila.Tumango siya bilang pag-sang-ayon. Nakakailang desert na sila ngunit wala pa din pumapasa sa panlasa ng lalaki.“Okay na ‘to,” saad ni Shaun sa panghuling desert na tinikman nila.Hindi iyon gaanong swak sa panlasa niya kaya bahagya siyang umiling sa asawa.Lumapit ito sa kan’yang tainga ay bumulong.“The visit
Paulit-ulit na nilalagay ni Shaun sa kan’yang isipan ang sinapit ng kan’yang kakambal an si Matt habang pinagmamasdan ang hinang-hina nang si Don Felipe. Tila ba pilit niyang pinapaalala sa sarili na dahil sa nakaratay na matanda ay nawala ang mga mahal niya sa buhay. Subalit tila wala iyong epekto nang tuluyan nang pumatak ang luha mula sa kan’yang mga mata. Unti-unti ay napalitan ang galit ng awa.“Salamat dahil pumunta ka.”Mabilis niyang pinunasan ang luha. Pinapatigas niya ang eskpresyon kahit pa nanlalambot ang kan’yang puso.“Patawarin mo ako sa mga nagawa ko, lalo na kay Matt. Alam kong hindi maiibsan ng paghingi kong ito ng tawad ang sakit na naidulot saiyo nang nangyari pero gusto kong malaman mo na labis akong nagsisisi.” Hindi malinaw ang pananalita nito ngunit dama niya ang sinseridad sa boses nito.Ano pa nga ba ang magiging rason nito para maging masama gayong pisikal na ito’ng nasasaktan dahil sa karamdaman?“Saiyo din Cianne. Patawad kung muntik ko nang mapahamak ang
“Ang kukulit ng mga apo ko, Shaun,” nakangiting reklamo ng ama ni Shaun nang ihatid nito ang mga bata mula sa eskwela.Pinagmasdan niya ang ama na maupo sa sofa habang marahan na hinihilot ang tagiliran. Hindi niya mapigilan ang mas lalong paglawak ng ngiti. Natutuwa siyang makita na kahit papaano ay umaaliwalas na ang mukha ng ama. Paano’y abswelto na ito sa kasong korapsyon. Tanging ang madrasta at lolo niya na lamang ang iniimbestigahan.“Napapayag mo ba si Mr. Chen na mag-invest sa negosyong pinaplano mo?” tanong nito pagkalaon.Tumango siya. “Yes dad, and please say negosyo natin. You’re part of it.”Kagaya ng relasyon nila ni Cianne ay nagsisimula na din siyang buuin ang kan’yang career. Head chef pa din naman siya ng kan’yang nobya, ngunit tuwing sabado o kung may espesyal na okasyon na lamang iyon. Paano’y gumagawa na siya ng pangalan sa larangan ng culinary, dahilan upang maging mas abala siya.Marami na siyang produktong pagkain na naimbento, karaniwang mga ready to eat na p
Kapwa may malaking ngiti sa labi nang magising si Cianne at Shaun. Humarap si Cianne kay lalaki habang nakadantay ang kamay nito sa hubad niyang beywang. Nakaunan siya sa braso ng binata kaya mabilis nitong nailapit ang mukha niya upang bigyan nang matagal na halik sa labi.Nang matapos ay pareho silang naghahabol ng hininga.“I miss this kind of morning,” paos na boses ni Shaun habang binibigyan siya nang maliliit na halik sa buong mukha.Napapikit siya nang dumako ang labi nito sa kan’yang leeg.“Ako din.” Nakakatuwang sa isang iglap lang ay nawala ang takot niya. Ngayon ay wala nang humahadlang na ihayag niya ang nararamdaman para sa lalaki.Nagpatuloy ito sa paghalik sa bawat parte ng katawan niya. Hanggang sa bumalik sa kan’yang mga labi.Tumigil ito kaya dumilat siya. Sumalubong sa kan’ya ang mga mata nitong tila nakikisabayan sa init na kan’yang nararamdaman.“One more?” nakakaakit nitong tanong.“Yes, please.” Tila nag-uumpisa na silang bumawi sa mga panahon na inagaw sa kani
Hindi umimik si Cianne at sa halip ay tahasan na binawi kay Shaun ang annulment papers.Kitang-kita niya ang nagdaang sakit sa mga mata nito, at ang mahigpit na kapit nito sa manibela, ngunit pinili niyang huwag magsalita. Kung tutuusin ay tamang oras na iyon para humingi ng pirma nito, subalit hindi niya magawa.Alam niya kung ano ang pumipigil sa kan’ya, pero nauunahan siya ng takot na aminin iyon.Naging tahimik ang byahe nila hanggang sa pag-uwi.Umingay lamang nang makarating sila sa kwarto ng kambal na kahit gabi na ay hindi pa rin paawat sa paglalaro.“Ipapahatid na lang kita sa driver,” sabi niya kay Shaun matapos nilang mapatulog ang kambal.Magkasunod silang lumabas ng kwarto ng mga bata. Naramdaman niya ang tensyon sa pagitan nila dahil tahimik lamang ito habang nasa likod niya.Maya pa’y bago pa man sila makababa ng hagdan ay hinawakan nito ang kan’yang siko, dahilan upang mapalingon siya.“Can we talk?” Inaasahan niya nang kakausapin siya nito. Gusto niyang tumanggi dahil
“Kailangan mo ba ulit ng kopya ng annulment papers?” pambungad na tanong kay Cianne ni Attorney Arim.Nagtungo siya sa kompanya ng kan’yang mga kapatid nang makasalubong niya ang abogado. Nagkamot-batok siya. Alam niya ang tinutukoy nito. Higit isang linggo na din na nasa kan’ya ang annulment papers, ngunit ‘ni mabanggit kay Shaun ay ‘di n’ya magawa.“Sandali lang naman attorney. Ayoko naman kasi na dagdagan pa ang isipin ni Shaun. Baka pagkatapos ng kaso ng daddy niya ay mapoproseso na namin ‘to.”Ngumiti ito, hindi niya lang mawari kung naniniwala o nang-aasar iyon.“Ikaw lang ang kilala ko’ng makikipaghiwalay na concern pa din sa hihiwalayan. Basta sa’kin lang, ayoko maging instrumento ng hiwalayan ng dalawang taong nagmamahalan pa.”Alangan siyang ngumiti at piniling huwag na lang umimik, dahil kung siya ang tatanungin, nagdadalawang-isip na siyang pumirma sa annulment.Hapon na nang makarating siya sa restaurant. Sa bungad pa lang ay may ilang customer na siyang nakitang nakatayo
Maagang nagsara ng restaurant si Cianne upang malayang makapaglaro ang dalawang bata doon. Hinayaan niyang si Shaun ang magbantay sa mga ito habang sinisiguro niyang maayos na ang lahat sa loob matapos umuwi lahat ng empleyado.“Closed na po kami sir,” paumanhin niya sa may edad ng lalaking pumasok.Imbes na lumabas ay nagpatuloy pa din ang lalaki sa dahan-dahan na paglalakad papasok.Nakatutok ang mata nito kay Shaun, habang siya naman ay abalang kilalanin ang pamilyar na mukha. Dumaan pa ang ilang sandali nang mapagtanto niyang si Julian Gonzalvo iyon.“Dad,” pagtawag ni Shaun na mabilis na nilapitan ang ama habang nakasunod ang dalawang paslit.“I’m sorry, nagpunta ako dito. I just wanted to check on you, son,” anito ngunit ang mga mata ay nasa batang nakahawak sa laylayan ng damit ni Shaun.Nakatitig din ang mga ito sa ama ni Shaun.Kinakabahan na lumapit siya sa mga ito.“Tito.” Alangan siyang bumeso na agad naman nito’ng tinanggap.“It’s been a while, Cianne. How are you?” Kumpa
Laman ng balita kinabukasan ang pagiging sangkot ni Don Felipe at Romina sa korapsyon na unang binibintang sa ama ni Shaun. Kahit saan ay usap-usapan iyon. Maging hanggang sa restaurant ay hindi nakaligtas sa pandinig ni Cianne ang tungkol dito. Hindi niya alam kung dapat n’ya ba’ng ipagpasalamat iyon dahil tila nasapawan nito ang lantarang paghayag ni Shaun sa ugnayan nila bilang mag-asawa sa harap ng kan’yang mga staff nang nakaraan o dapat niyang ikabahala. Lalo pa’t kahit itakwil man ni Shaun ang pamilyang pinanggalingan ay hindi pa din maitatanggi na nananalaytay sa kan’ya ang dugong Gonzalvo.Tahimik ang binata sa buong byahe hanggang pagdating nila sa restaurant. Ngumingiti naman ito sa tuwing magtatanong siya ng kaswal na bagay, ngunit halatang-halata sa mata nito ang lungkot. Hindi niya mawari kung dahil ba iyon sa estado ng pagiging mag-asawa nila, na binabalak n’ya nang putulin, o dahil sa sitwasyon ng pamilya nito. Kung pareho man, hindi niya nagugustuhan na tila may pakia
Pasara na ang restaurant nang dumating si Cianne mula sa pagsundo sa mga bata sa eskwela. Tumigil siya sa pintuan upang ilagay ang close sign. Matapos iyon ay pumasok na siya sa loob. Dalawang lamesa na lang ang may nakaupong customer. Ang isa ay grupo ng magkakaibigan na patapos nang kumain, habang sa kabilang mesa naman ay isang babae lang, na mukhang mayroon pa’ng nais idagdag sa order nito dahil tinawag ang waiter.Nilapag niya ang bag sa may counter. Naroon ang kan’yang manager na tinutulungan na ang kahera sa pag-i-inventory.“Can I talk to your chef?”Napatingin siya sa babaeng customer nang marinig ang demanding nitong tono.Nakatalikod ito sa kan’ya, kaya bahagya siyang naglakad palapit. Nais niyang matanaw kung may problema ba sa pagkain nito kaya gusto nitong makausap si Shaun, na kan’yang head chef.“Bakit po ma’am?” tanong ng staff.“The food is good. I want to compliment him personally. Can I do that?”Pamilyar ang boses nito, ngunit hindi niya maalala kung sino. Hindi n