Share

Chapter 100

Author: Rina
last update Last Updated: 2025-01-05 22:38:31

Sa pintuan ng kwarto pa lang ay naririnig na ni Cianne ang malutong na tawa ng kambal. Pumasok s’ya at naabutan ang dalawa na mayroong kinakausap mula sa cellphone ni Yaya Ling.

“Yaya, sino ‘yan?” tanong niya nang nagtataka dahil iyon ang unang beses na mayroong katawagan ang katulong habang nag-aalaga ng mga bata, at kausap pa ang mga ito.

Bago pa man makasagot ang yaya ay nasilip niya na ang cellphone na hawak ni Kean at nakitang si Shaun iyon.

Higit isang linggo na din na hindi bumibisita ang lalaki sa mga bata. Hindi rin ito tumatawag sa kan’ya at ang huling pag-uusap nila ay ‘yong gabi pa na inaya niya itong magpakalayo-layo. Nasasaktan pa din siya sa tuwing naaalala ang pagtanggi nito.

“Daddy has to go to back to work na,” bigla ay paalam nito kahit mayroon pa naman oras.

Iniiwasan ba siya nito? Mukhang oo, dahil imbes na siya ang tawagan upang makausap ang kambal ay dinaan pa nito sa katulong.

“Bye daddy!” nagpaunahan pa ang dalawa sa pagbibigay ng flying kiss.

Akala niya ay hi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Rosaly Ruan Vergar
update Po please
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My Real Husband   Prologue

    “Patawarin mo ako.”Humihikbing ipinatong ni Cianne ang bulaklak na Chrysanthemum sa ibabaw ng lapida at nanginginig na sinindihan ang kandila. Mula sa pagluhod ay umupo siya at hinaplos ang pangalan na nakaukit doon.Higit apat na taon na ang nakaraan, ngunit ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na bisitahin ang puntod. ‘Ni hindi niya nagawang pumunta sa libing upang kahit sa huling sandali ay masilayan man lang ang mukha nito. Gayunpaman, malinaw pa din sa isipan niya ang itsura nito.Inalis niya ang ilang tuyong dahon na kumalat sa ibabaw ng lapida. Sa kabila nito, ang puntod pa din na iyon ang pinakamalinis, halatang tila madalas na mayroong dumadalaw. Dahil sa isiping iyon ay tumayo na siya kahit hindi pa umiinit ang damong inuupuan n’ya. Pinagpagan n’ya ang suot na jeans at inayos ang balabal na tumatakip sa kan’yang ulo. Nagkubli sa likod ng itim n’yang salamin ang namamagang mga mata, na ang luha ay hinayaan n’yang matuyo ng hangin.Sumakay siya sa kotse at dali-daling

    Last Updated : 2024-10-06
  • My Real Husband   Chapter 1

    Mariin na pinikit ni Shaun ang mga mata at sinandal ang ulo sa sofa. Kakababa niya lang ng tawag mula sa Pilipinas. Kagaya nang nakaraang linggo ay pinapauwi na siya ng kan’yang lolo.Dalawang taon na ang nakalipas nang makapagtapos siya ng business course. Dapat ay uuwi na siya ngunit nagsinungaling siya sa ama at lolo, at sinabing kailangan n’ya pa’ng hasain ang kaalaman sa paghawak ng negosyo sa pamamagitan nang pamamasukan sa mga kilalang kompanya sa bansa kung nasaan s’ya.Iyon ay isang kasinungalingan, dahil ang totoo ay nabigyan siya ng pagkakataon na aralin ang kursong culinary na siyang tunay niyang ninanais.Dumilat siya nang marinig ang pagtunog ng oven, hudyat na luto na ang lasagna na ginawa n’ya. Lumapit siya dito at kinuha ang putaheng pinag-eksperimentuhan n’yang lagyan ng ibang sangkap.Bata pa lang nais n’ya nang maging sikat na chef. Paano ba naman kasi ay lumaki siyang tumutulong sa ina sa pagluluto ng ulam na ibinibenta nila sa kanilang lugar. Iyon ang tumustos sa

    Last Updated : 2024-10-06
  • My Real Husband   Chapter 2

    Napairap na lang sa hangin si Cianne nang sa muli ay maabutang bukas ang apartment ng matalik na kaibigan na si Shaun. Ilang ulit niya na ito’ng pinagsabihan ngunit palagi naman nakakaligtaan.Apat na taon na simula nang magkakilala sila sa isang cookware store. Naalala niya pa kung paano sila nag-agawan sa natitirang set ng cookingware na disenyo ng paborito nilang sikat na chef. Nilutas nila ang problema sa pamamagitan ng paghahati ng bayad at pag-jack n’ poy kung sino ang unang gagamit. Sa loob ng isang linggo ay tatlong beses sila magkita para lang iabot ang cookingware sa kung sino ang sunod na gagamit. Huli na nang malaman nila na marami pa’ng stocks sa katabing store ng binilhan nila.Natatawa pa rin si Cianne kapag naaalala iyon.Bitbit ang paper bag na naglalaman ng kahon ng brownies, na ginawa n’ya, ay pinapasok n’ya ang sarili sa apartment ng kaibigan.Pinilit niya ito’ng magluto ng dinner para sa kan’ya bilang padespidida. Tapos na kasi siya sa culinary course na kinuha ap

    Last Updated : 2024-10-06
  • My Real Husband   Chapter 3

    Kinabukasan, nasa mga kamay na ni Cianne ang katibayan na kasal na nga sila ng apo ni Don Felipe. Hindi n’ya alam kung ano’ng ginawa ni Matt, ngunit mukhang marami ito’ng koneksyon upang maiparehistro nang ganoon kabilis ang marriage certificate at maiatras ang petsa nito sa dalawang taon.“Kasal na tayo! Este kami ni Matt, na nagpapanggap na ikaw.” Hindi niya alam kung ngingiti ba siya habang ikinukwento kay Shaun ang mga nangyari kahit isang araw pa lang sila sa Pilipinas.Sa pag-aari ni Shaun na two-storey residential house sa isang kilalang subdivision nila napagpasyahan ni Matt na manirahan. May kalayuan iyon sa mansyon, kaya kahit papaano ay makakapagpahinga sila sa pagpapanggap.Ilang segundo din na hindi nagsalita si Shaun. Kumaway pa si Cianne sa screen ng cellphone upang masiguro na hindi humina ang signal nito.“Is that okay with you?” Nahimigan n’ya ang pag-aalala sa boses nito.Sandali siyang natahimik. Sa tuwing makukuha niya ang gusto ay sumasaya s’ya. Gusto n’ya si Mat

    Last Updated : 2024-10-06
  • My Real Husband   Chapter 4

    Malakas ang tambol ng dibdib ni Cianne nang kunin niya mula sa bulsa ng kan’yang maong shorts ang cellphone. Kailangan n’yang ipaalam kay Shaun ang nadiskubreng limpak-limpak na pera sa kwarto ni Matt. Sa kapal at dami ng bugkos na isang libong pera alam n’yang aabot iyon ng ilang milyon. Wala s’yang ideya kung saan nanggaling iyon, pero sigurado s’yang imposibleng makaipon nang ganoon kalaking halaga ang lalaki sa maikling panahon.“Bakit ka ba nakikialam sa kwarto ko?” sigaw sa kan’ya ni Matt. Nakapagbihis na ito.Lumabas ito ng banyo kanina nang marinig ang pagbagsak ng bag na naglalaman ng pera mula sa cabinet. Doon pa lang ay tinaasan na s’ya ng boses kaya dali-dali siyang nagtungo sa salas.“Bakit may ganoon ka kalaking pera? Saan ‘yon nanggaling?” Kailangan n’ya nang sagot. Magkasabwat sila sa pagsisinungaling, nararapat lamang na malaman n’ya ang bawat ginagawa nito.“Hindi na para malaman mo ‘yon,” malamig nitong sagot.Hinigit n’ya ito sa braso nang akmang tatalikod na ito.

    Last Updated : 2024-10-06
  • My Real Husband   Chapter 5

    Maaga pa pero hard drinks na ang in-order ni Cianne sa bartender. Nakaupo siya sa bar counter at pinagmamasdan na gawin ang inumin n’ya.Siya ang bunso sa tatlong babaeng anak ni Carlito at Antonia Cuervas. Spoiled Brat kung tawagin ng kan’yang mga kapatid. Paano ba naman kasi ay wala siyang gusto na hindi nakukuha. Pinagbibigyan siya ng ama sa lahat ng luho magmula sa mga gamit hanggang sa pag-aaral sa ibang bansa, kaya ‘ni minsan ay hindi sumagi sa isip n’ya na unti-unti na palang humihina ang kanilang negosyo.Inisang lagok n’ya ang inumin at humingi pa ng isang shot.Wala s’yang alam sa pagpapatakbo ng family business nila. Wala siyang alam bukod sa pagluluto at pag-imbento ng mga bagong putahe. Ang bagay na iyon ang isa sa nagpapasama ng loob n’ya. Wala man lang s’yang magawa upang tulungan ang pamilya. Wala man lang s’yang magawa para makabawi sa ama.Pinahid n’ya ang luha na walang tigil sa pagdaloy sa kan’yang mga mata.Puro lang siya saya noong kabataan kaya siguro siya pinap

    Last Updated : 2024-10-06
  • My Real Husband   Chapter 6

    Unang halik. Marami na siyang nahalikan noong kabataan n’ya ngunit maaari n’ya ba iyong ibaon sa limot at ideklara ang halik na ito bilang kan’yang una?Nagitla ang lalaki sa kan’yang ginawa, subalit imbes na itulak ay ipinangsuporta pa ang kamay nito sa kan’yang batok upang mas palaliman pa ang halik.Nahahati ang utak ni Cianne, alam n’yang kinabukasan ay pagsisisihan n’ya ang ginagawa ngunit anong laban n’ya sa nakakalasing na halik ng lalaki. Ipinikit niya ang mga mata at dinama ang labi nilang kapwa ninanamnam ang tamis ng bawat isa.Matapos ang ilang segundo ay naghiwalay sila at kapwa naghahabol ng hininga.Minulat n’ya ang mga mata at sinalubong ang intensidad sa tingin ng binata. Hindi pa siya natitigan nang ganoon ni Matt, ngunit hindi niya mawari kung paanong pamilyar na pamilyar ang tingin nito sa kan’ya.Bumitaw siya sa mga titig nito at nilipat ang mata sa buhok ng kaharap.“You change your hair style?”Namumungay man ang kan’yang mga mata ay nagawa n’ya pa’ng mapansin a

    Last Updated : 2024-10-16
  • My Real Husband   Chapter 7

    Nakailang dial na si Shaun ng numero ni Cianne ngunit hindi pa din ito sumasagot. Alas-kwatro ng hapon ang flight n’ya pabalik ng America ngunit alas-dos na ay nasa bahay pa din s’ya. Hinihintay n’yang umuwi doon ang babae para makausap ito.Alam n’yang masama ang loob nito base sa naabutan niyang pakikipagsagutan nito sa kakambal n’ya. Hindi niya alam ang buong istorya ng pag-aaway ng dalawa ngunit patungkol sa pera ang naabutan n’yang usapan nito. Ang isinumbong din na iyon ni Cianne ang dahilan ng biglaan n’yang pag-uwi.Nang tanungin niya si Matt tungkol doon ay sinabi nito’ng dalawang milyon lamang iyon at pera iyon ng kan’yang nobya na si Nadia. Hindi na siya nagtanong pa dahil may tiwala siya sa kakambal at ayaw niyang isipin nito na nagdududa s’ya.Lumipas ang ilan pa’ng sandali ay bumukas na ang pinto at iniluwa nito ang babaeng kanina n’ya pa hinihintay. Tumayo siya at sinalubong ito.Tinitigan s’ya nito gamit ang blankong ekspresyon. Balisa ito at wala sa ayos ang itsura.“

    Last Updated : 2024-10-16

Latest chapter

  • My Real Husband   Chapter 100

    Sa pintuan ng kwarto pa lang ay naririnig na ni Cianne ang malutong na tawa ng kambal. Pumasok s’ya at naabutan ang dalawa na mayroong kinakausap mula sa cellphone ni Yaya Ling.“Yaya, sino ‘yan?” tanong niya nang nagtataka dahil iyon ang unang beses na mayroong katawagan ang katulong habang nag-aalaga ng mga bata, at kausap pa ang mga ito.Bago pa man makasagot ang yaya ay nasilip niya na ang cellphone na hawak ni Kean at nakitang si Shaun iyon.Higit isang linggo na din na hindi bumibisita ang lalaki sa mga bata. Hindi rin ito tumatawag sa kan’ya at ang huling pag-uusap nila ay ‘yong gabi pa na inaya niya itong magpakalayo-layo. Nasasaktan pa din siya sa tuwing naaalala ang pagtanggi nito.“Daddy has to go to back to work na,” bigla ay paalam nito kahit mayroon pa naman oras.Iniiwasan ba siya nito? Mukhang oo, dahil imbes na siya ang tawagan upang makausap ang kambal ay dinaan pa nito sa katulong.“Bye daddy!” nagpaunahan pa ang dalawa sa pagbibigay ng flying kiss.Akala niya ay hi

  • My Real Husband   Chapter 99

    Alas-otso na nang gabi. Sa oras na iyon dapat ay nasa bahay niya na si Shaun at nakikipagkulitan sa mga bata. Wala siyang natanggap na mensahe mula nang umalis ito kanina. Wala din ito sa sariling bahay nang tawagan niya.Tiningnan n’ya ang dalawang maleta na naglalaman ng mga gamit nila ng kambal. Hinanda niya iyon kanina nang isang desisyon ang nabuo sa isipan niya. Hinihintay niya na lang si Shaun para maisakaturapan iyon.Lumabas siya ng kwarto upang magpahangin sa labas. Narinig niya ang dalawang sunod na busina kaya agad siyang lumingon sa gate. Bumagsak ang kan’yang balikat nang mapagtantong hindi iyon kotse ni Shaun, bagkus ay sa kan’yang ate Cindy.Hindi n’ya na sinalubong ito nang tumunog ang kan’yang cellphone. Tawag mula kay Shaun, na kanina n’ya pa hinihintay.“Cianne.” Walang lambing ang pagtawag nito sa kan’ya, at kahit isang salita lang iyon ay damang-dama niya ang lungkot doon.Marahil ay hindi ito naging tagumpay sa pakikipag-usap kay Heria tungkol sa pagkalat ng lar

  • My Real Husband   Chapter 98

    Tuluyang lumabas ng kwarto si Shaun at Cianne pagkatapos ay sinara ang pintuan. Ayaw nilang magising ang mga anak sa ganoong senaryo.Handa si Shaun na tanggapin ang susunod pa’ng sampal ni Cindy ngunit pumagitna si Cianne.“Ate, let me explain,” anito.Naramdaman niya ang pag-abot nito sa kan’yang kamay mula sa likod. Hinawakan niya iyon nang mahigpit.“You knew that he’s married?” hindi makapaniwalang tanong ni Christine.Marahan na tumango si Cianne.Hinila niya ito patungo sa kan’yang likod. Kung mayroon man dapat humarap sa mga ate nito, siya dapat iyon.“That’s true, I’m married. But it was an arranged marriage years ago. Ang kapatid n’yo ang mahal ko, kaya inaayos ko na ang lahat. The one I’m married to knows that I don’t have feelings for her eversince. I’m sorry kung nasa ganitong sitwasyon si Cianne dahil sa akin. Pinapangako ko, I’ll make this right para sa mag-iina ko.”Bakas sa mukha ng mga kapatid ni Cianne na wala itong tiwala sa mga sinabi niya.“Then tell us how can y

  • My Real Husband   Chapter 97

    Paulit-ulit ang pagtingin ni Shaun sa relo. Higit kinse minutos na siyang naghihintay sa western restaurant na sinabi ni Heria. Wala pa ito. Naiinip na s’ya.“I’m sorry, I’m late,” saad nito pagkarating. Lumapit ito sa kan’ya para humalik nang umiwas siya.Nakasimangot tuloy itong umupo sa harapan n’ya.“I said, don’t do that to me in public,” nayayamot nitong sabi sa ikinikilos n’ya.“Then, don’t do that to me also. We’re not into any romantic relationship, Heria,” paglilinaw niya kahit paulit-ulit niya nang sinabi dito noon.Hindi niya maunawaan si Heria. Noon pa man ay marami na ito’ng manliligaw na kagaya niya ay nanggaling din sa kilalang angkan sa pagnenegosyo at pulitika. Kahit ngayon ay mayroon pa rin pumuporma dito, subalit mas pinili nito’ng ipagpilitan ang sarili sa kan’ya.“We’re married.”Pinanghahawakan talaga nito ang kapirasong papel na iyon.“Anyway, finally you ask me on a date. Wala na ba iyong kabit mo? Natakot na ba?” buong kompyansa nitong tanong.“This is not a

  • My Real Husband   Chapter 96

    “What’s your owner’s favorite dish here? For take out, ibibigay ko lang sana sa kabit ng asawa ko.”Mabilis na lumingon si Cianne nang marinig ang pamilyar na boses ng babae. Hindi nga siya nagkamali nang makitang si Heria iyon. Nakatuon na ang tingin nito sa kan’ya.Iniwan niya ang ginagawa at nilapitan ito sa lamesa.“Ako na ang kukuha ng order n’ya,” saad n’ya sa staff na lumipat na din agad sa ibang customer.“Wow, such a brave mistress. I mean owner, such a hardworking and hands-on business owner.”Tinikom n’ya ang bibig, at malalim na huminga. Ayaw niya ng eskandalo sa loob ng kan’yang restaurant.“Ano po’ng order n’yo?” kaswal niyang tanong.“Ano ba’ng paboritong kainin ng mga kabit?”Kinuha niya ang menu sa lamesa at inabot dito.“We only have filipino dish. Baka hindi ka sanay sa ganoong putahe. I suggest you look for another restaurant with western cuisine,” pasimple niyang pagtataboy dito.“Baka ikaw, gusto mo din maghanap ng iba. ‘Yong walang sabit.”Malakas ang kabog ng

  • My Real Husband   Chapter 95

    Magaan at masaya. Ganito pala ilalarawan ni Shaun ang bawat araw n’ya kung puso ang kan’yang susundin at hindi papansinin ang mga pagbabanta ni Heria.Araw-araw, walang palya at pag-aalinlangan, ang pagdalaw niya sa kambal pati kay Cianne sa trabaho nito. Dahil sa kan’yang mga nalaman ay tila naging balewala na ang banta ni Heria na ipapaalam sa kan’yang lolo ang pagkakaroon ng kambal na anak sa kinamumuhian nitong si Cianne. Legalidad at kalayaan na lang mula sa mapait na nakaraan ang kailangan, at wala na siyang hihilingin pa.“Dito ka ba ulit matutulog?” tanong ni Cianne nang makitang nakapangbihis na siya ng pambahay nang lumabas sa banyo.Hindi niya alam kung nagtataka lang ba ito na halos mag-iisang linggo na siyang nakikitulog doon o ayaw nitong doon siya nagpapalipas ng gabi. Ayaw pa din sa kan’ya ng mga kapatid nito, ngunit malaking bagay na sa kan’ya na hindi na siya sinusungitan ng mga ito. Civil na lang, ika nga.“Bakit? Gusto mo ba tabi tayo sa guestroom?” May mapaglarong

  • My Real Husband   Chapter 94

    Matapos matulog ng mga bata ay inaya ni Shaun si Cianne na lumabas kahit malalim na ang gabi.“Shaun, we talked about it, right? If it’s not about the kids, hindi tayo mag-uusap. What’s more pa ‘yong mag-aaya ka’ng lumabas nang tayo lang? Of course it’s a no.”Gusto niyang pagtawanan ang mahabang litanya nito, ngunit mas lalo lang s’yang nalungkot sa mga oras at pagkakataon na nasasayang sa kanila dahil sa mga maling desisyon at taong nakapaligid sa kan’ya.“It’s about Matt’s case.”Naunang bumaba si Cianne nang maiparada niya ang sasakyan sa parking area ng coffee shop. Sumunod siya at umupo sa pandalawahang upuan sa sulok. Nag-order muna sila ng kape at cake.“Anong tungkol sa kaso ni Matt?” Dama niya ang pagpapahalaga ni Cianne sa kaso ng kan’yang kakambal. Natutuwa siyang isipin na hindi na s’ya nag-iisa sa pagkamit ng tunay na hustisya. Higit sa lahat, hindi na lang s’ya ang naghahangad na makawala sa sitwasyon na kinakalugmukan nila.Hiling niya na kasabay nang pagtuklas nila sa

  • My Real Husband   Chapter 93

    Abala si Shaun na basahin at pirmahan bawat papeles na pinapasok ng kan’yang sekretarya sa opisina. Gayunpaman, pakiramdam n’ya ay mabagal pa din ang oras. Sabik na s’yang bisitahin ang mga anak at si Cianne.Napangiti siya nang mapagtantong pumabor pa sa kan’ya ang desisyon ni Cianne, na ihinto n’ya muna ang paghiram sa kambal. Paano’y malaya na s’yang nakakadalaw sa bahay nito, araw-araw at kahit anong oras. Wala na din ito’ng nagawa, kun’di pagbuksan s’ya ng pintuan.Perpekto na sana ang lahat kung hindi lang s’ya nagdesisyon na pakasalan si Heria noon.Palagi pa din silang nagkikita sa opisina dahil palagi din nitong kasama ang kan’yang madrasta. Walang epekto ang pag-iwas n’ya dito.“Hi babe!” Kagaya nang mga nagdaang araw, sa opisina niya pumupunta si Heria kapag tapos na itong samahan ang kan’yang madrasta.Lumapit ito sa desk n’ya at akmang hahalik nang umatras s’ya.Pagak itong natawa sa kilos n’ya.“My gosh! Don’t you dare do that to me in public,” naiiling nitong sabi na um

  • My Real Husband   Chapter 92

    “I swear kapag hindi ka talaga nag-update tungkol sa mga bata, I won’t let them spend their days with you,” pagalit na saad ni Cianne kay Shaun nang sunduin nito ang mga bata.Hindi niya na naman napigilan ang sarili nang nakaraan. Nagpadala na naman s’ya sa bugso ng damdamin.Mahinang tumawa si Shaun, na ikinairap n’ya. Paanong nagagawa nitong magaan lang ang sitwasyon nila? Samantalang s’ya ay wala nang katahimikan ang isipan sa pag-aalala sa mangyayari kung matutuklasan ni Heria ang ginawa nilang dalawa.Natakot yata si Shaun sa banta n’ya kaya sa mga lumipas pa’ng araw ay palagian na ito’ng nagpapadala ng mensahe sa kan’ya patungkol sa mga bata. Sumobra pa nga yata dahil kahit nasa kan’yang poder naman ang kambal ay tumatawag pa din ito.“Can I drop by? I have something for you.”Kakauwi n’ya pa lang ng bahay nang tumawag ito. Sinalubong s’ya ng kambal kaya narinig nito ang boses ng ama.“Say hi to daddy.” Sabay naman bumati ang makukulit na bata.Kinuha niya din kaagad ang cellph

DMCA.com Protection Status