“Patawarin mo ako.”Humihikbing ipinatong ni Cianne ang bulaklak na Chrysanthemum sa ibabaw ng lapida at nanginginig na sinindihan ang kandila. Mula sa pagluhod ay umupo siya at hinaplos ang pangalan na nakaukit doon.Higit apat na taon na ang nakaraan, ngunit ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na bisitahin ang puntod. ‘Ni hindi niya nagawang pumunta sa libing upang kahit sa huling sandali ay masilayan man lang ang mukha nito. Gayunpaman, malinaw pa din sa isipan niya ang itsura nito.Inalis niya ang ilang tuyong dahon na kumalat sa ibabaw ng lapida. Sa kabila nito, ang puntod pa din na iyon ang pinakamalinis, halatang tila madalas na mayroong dumadalaw. Dahil sa isiping iyon ay tumayo na siya kahit hindi pa umiinit ang damong inuupuan n’ya. Pinagpagan n’ya ang suot na jeans at inayos ang balabal na tumatakip sa kan’yang ulo. Nagkubli sa likod ng itim n’yang salamin ang namamagang mga mata, na ang luha ay hinayaan n’yang matuyo ng hangin.Sumakay siya sa kotse at dali-daling
Mariin na pinikit ni Shaun ang mga mata at sinandal ang ulo sa sofa. Kakababa niya lang ng tawag mula sa Pilipinas. Kagaya nang nakaraang linggo ay pinapauwi na siya ng kan’yang lolo.Dalawang taon na ang nakalipas nang makapagtapos siya ng business course. Dapat ay uuwi na siya ngunit nagsinungaling siya sa ama at lolo, at sinabing kailangan n’ya pa’ng hasain ang kaalaman sa paghawak ng negosyo sa pamamagitan nang pamamasukan sa mga kilalang kompanya sa bansa kung nasaan s’ya.Iyon ay isang kasinungalingan, dahil ang totoo ay nabigyan siya ng pagkakataon na aralin ang kursong culinary na siyang tunay niyang ninanais.Dumilat siya nang marinig ang pagtunog ng oven, hudyat na luto na ang lasagna na ginawa n’ya. Lumapit siya dito at kinuha ang putaheng pinag-eksperimentuhan n’yang lagyan ng ibang sangkap.Bata pa lang nais n’ya nang maging sikat na chef. Paano ba naman kasi ay lumaki siyang tumutulong sa ina sa pagluluto ng ulam na ibinibenta nila sa kanilang lugar. Iyon ang tumustos sa
Napairap na lang sa hangin si Cianne nang sa muli ay maabutang bukas ang apartment ng matalik na kaibigan na si Shaun. Ilang ulit niya na ito’ng pinagsabihan ngunit palagi naman nakakaligtaan.Apat na taon na simula nang magkakilala sila sa isang cookware store. Naalala niya pa kung paano sila nag-agawan sa natitirang set ng cookingware na disenyo ng paborito nilang sikat na chef. Nilutas nila ang problema sa pamamagitan ng paghahati ng bayad at pag-jack n’ poy kung sino ang unang gagamit. Sa loob ng isang linggo ay tatlong beses sila magkita para lang iabot ang cookingware sa kung sino ang sunod na gagamit. Huli na nang malaman nila na marami pa’ng stocks sa katabing store ng binilhan nila.Natatawa pa rin si Cianne kapag naaalala iyon.Bitbit ang paper bag na naglalaman ng kahon ng brownies, na ginawa n’ya, ay pinapasok n’ya ang sarili sa apartment ng kaibigan.Pinilit niya ito’ng magluto ng dinner para sa kan’ya bilang padespidida. Tapos na kasi siya sa culinary course na kinuha ap
Kinabukasan, nasa mga kamay na ni Cianne ang katibayan na kasal na nga sila ng apo ni Don Felipe. Hindi n’ya alam kung ano’ng ginawa ni Matt, ngunit mukhang marami ito’ng koneksyon upang maiparehistro nang ganoon kabilis ang marriage certificate at maiatras ang petsa nito sa dalawang taon.“Kasal na tayo! Este kami ni Matt, na nagpapanggap na ikaw.” Hindi niya alam kung ngingiti ba siya habang ikinukwento kay Shaun ang mga nangyari kahit isang araw pa lang sila sa Pilipinas.Sa pag-aari ni Shaun na two-storey residential house sa isang kilalang subdivision nila napagpasyahan ni Matt na manirahan. May kalayuan iyon sa mansyon, kaya kahit papaano ay makakapagpahinga sila sa pagpapanggap.Ilang segundo din na hindi nagsalita si Shaun. Kumaway pa si Cianne sa screen ng cellphone upang masiguro na hindi humina ang signal nito.“Is that okay with you?” Nahimigan n’ya ang pag-aalala sa boses nito.Sandali siyang natahimik. Sa tuwing makukuha niya ang gusto ay sumasaya s’ya. Gusto n’ya si Mat
Malakas ang tambol ng dibdib ni Cianne nang kunin niya mula sa bulsa ng kan’yang maong shorts ang cellphone. Kailangan n’yang ipaalam kay Shaun ang nadiskubreng limpak-limpak na pera sa kwarto ni Matt. Sa kapal at dami ng bugkos na isang libong pera alam n’yang aabot iyon ng ilang milyon. Wala s’yang ideya kung saan nanggaling iyon, pero sigurado s’yang imposibleng makaipon nang ganoon kalaking halaga ang lalaki sa maikling panahon.“Bakit ka ba nakikialam sa kwarto ko?” sigaw sa kan’ya ni Matt. Nakapagbihis na ito.Lumabas ito ng banyo kanina nang marinig ang pagbagsak ng bag na naglalaman ng pera mula sa cabinet. Doon pa lang ay tinaasan na s’ya ng boses kaya dali-dali siyang nagtungo sa salas.“Bakit may ganoon ka kalaking pera? Saan ‘yon nanggaling?” Kailangan n’ya nang sagot. Magkasabwat sila sa pagsisinungaling, nararapat lamang na malaman n’ya ang bawat ginagawa nito.“Hindi na para malaman mo ‘yon,” malamig nitong sagot.Hinigit n’ya ito sa braso nang akmang tatalikod na ito.
Maaga pa pero hard drinks na ang in-order ni Cianne sa bartender. Nakaupo siya sa bar counter at pinagmamasdan na gawin ang inumin n’ya.Siya ang bunso sa tatlong babaeng anak ni Carlito at Antonia Cuervas. Spoiled Brat kung tawagin ng kan’yang mga kapatid. Paano ba naman kasi ay wala siyang gusto na hindi nakukuha. Pinagbibigyan siya ng ama sa lahat ng luho magmula sa mga gamit hanggang sa pag-aaral sa ibang bansa, kaya ‘ni minsan ay hindi sumagi sa isip n’ya na unti-unti na palang humihina ang kanilang negosyo.Inisang lagok n’ya ang inumin at humingi pa ng isang shot.Wala s’yang alam sa pagpapatakbo ng family business nila. Wala siyang alam bukod sa pagluluto at pag-imbento ng mga bagong putahe. Ang bagay na iyon ang isa sa nagpapasama ng loob n’ya. Wala man lang s’yang magawa upang tulungan ang pamilya. Wala man lang s’yang magawa para makabawi sa ama.Pinahid n’ya ang luha na walang tigil sa pagdaloy sa kan’yang mga mata.Puro lang siya saya noong kabataan kaya siguro siya pinap
Unang halik. Marami na siyang nahalikan noong kabataan n’ya ngunit maaari n’ya ba iyong ibaon sa limot at ideklara ang halik na ito bilang kan’yang una?Nagitla ang lalaki sa kan’yang ginawa, subalit imbes na itulak ay ipinangsuporta pa ang kamay nito sa kan’yang batok upang mas palaliman pa ang halik.Nahahati ang utak ni Cianne, alam n’yang kinabukasan ay pagsisisihan n’ya ang ginagawa ngunit anong laban n’ya sa nakakalasing na halik ng lalaki. Ipinikit niya ang mga mata at dinama ang labi nilang kapwa ninanamnam ang tamis ng bawat isa.Matapos ang ilang segundo ay naghiwalay sila at kapwa naghahabol ng hininga.Minulat n’ya ang mga mata at sinalubong ang intensidad sa tingin ng binata. Hindi pa siya natitigan nang ganoon ni Matt, ngunit hindi niya mawari kung paanong pamilyar na pamilyar ang tingin nito sa kan’ya.Bumitaw siya sa mga titig nito at nilipat ang mata sa buhok ng kaharap.“You change your hair style?”Namumungay man ang kan’yang mga mata ay nagawa n’ya pa’ng mapansin a
Nakailang dial na si Shaun ng numero ni Cianne ngunit hindi pa din ito sumasagot. Alas-kwatro ng hapon ang flight n’ya pabalik ng America ngunit alas-dos na ay nasa bahay pa din s’ya. Hinihintay n’yang umuwi doon ang babae para makausap ito.Alam n’yang masama ang loob nito base sa naabutan niyang pakikipagsagutan nito sa kakambal n’ya. Hindi niya alam ang buong istorya ng pag-aaway ng dalawa ngunit patungkol sa pera ang naabutan n’yang usapan nito. Ang isinumbong din na iyon ni Cianne ang dahilan ng biglaan n’yang pag-uwi.Nang tanungin niya si Matt tungkol doon ay sinabi nito’ng dalawang milyon lamang iyon at pera iyon ng kan’yang nobya na si Nadia. Hindi na siya nagtanong pa dahil may tiwala siya sa kakambal at ayaw niyang isipin nito na nagdududa s’ya.Lumipas ang ilan pa’ng sandali ay bumukas na ang pinto at iniluwa nito ang babaeng kanina n’ya pa hinihintay. Tumayo siya at sinalubong ito.Tinitigan s’ya nito gamit ang blankong ekspresyon. Balisa ito at wala sa ayos ang itsura.“
“Let’s find a restaurant here” pag-aya sa kan’ya ni Shaun matapos ang meeting nila kay Mr. Fuerte.Tiningnan niya ang relo, pasado alas-dose na nang tanghali. Kanina pa kumakalam ang sikmura niya ngunit naglaho ito matapos nilang makausap si Mr. Fuerte.“Okay lang naman sa akin na makipag-date kay Mr. Fuerte. Bakit ka pa tumanggi? Eh, ‘di sana magiging proud pa sa’yo si Don Felipe for a close deal,” saad niya kay Shaun nang makasakay na sila sa loob ng kotse.Malakas pa ang ulan sa labas, kaya mabagal lang ang pagmamaneho ni Shaun. Mabagal na nga ito ay mas lalo pa’ng bumagal dahil sa sinabi niya.“You like him?” diretsahan nitong tanong sa kan’ya na kinagulat n’ya.May edad na si Mr. Fuerte at halatang libog lang sa katawan ang dahilan kung bakit gusto siyang maka-date. Malagkit ang tingin nito sa kan’ya kanina.Nagkibit-balikat siya. Gusto niya lang subukin ang lalaki kung babalik ba ito sa shop para bawiin ang pagtangging ginawa sa offer ng negosyante.“I didn’t know you like dirty
Huminto sila sa tapat ng isang convenience store.“’Wag mo na ako’ng hintayin. Uuwi na lang ako para hindi ka na maabala,” paalam ni Cianne sa kan’ya nang pababa na ito ng sasakyan.Tumaas ang pareho niyang kilay. Hindi kaya nagpapalusot lang ito para hindi niya na isama?“I’ll wait for you here.”May oras pa naman.Tuluyan nang bumaba si Cianne sa kotse. Una niyang napansin ang tuldok ng dugo sa pantalon nito. Hindi rin ito komportableng maglakad kaya hindi na siya nagdalawang isip pa’ng lumabas ng kotse at tawagin ito bago pa man makalayo.Nagtataka ito’ng bumaling sa kan’ya.“The usual brand? Ako na ang bibili.” Kusang lumabas sa bibig niya ang mga salitang iyon.Wala sa sariling tumango si Cianne. Kukuha sana ito ng pera sa wallet pero nakaalis na siya at dali-daling pumasok sa convenience store.Hindi na siya nahiyang gawin iyon dahil noon pa man ay siya na ang bumibili ng pad nito sa tuwing hindi ito nakakadala ng extra kapag nasa labas at dinadatnan. Nakakapanibago nga lang dah
“Be good boys, okay?” Paalam niya sa mga bata bago siya lumabas ng mansyon.Hindi niya sigurado kung maaga siyang makakauwi, o kinabukasan na. Depende kung mapapapayag niya ang may-ari ng shop na si Mr. Fuerte na ibenta ang negosyo nito sa kanilang kompanya.Sumakay na siya sa kotse. Siya lang mag-isa ang pupunta sa Pili City. Hindi niya na sinama ang sekretarya, dahil maraming trabaho ang naiwan niya sa opisina para lang sundin ang utos ng kan’yang lolo.Bumaling ang tingin niya sa passenger seat, pagkatapos ay sa pintuan ng mansyon. Himalang walang pabaon na pagkain si Cianne. Hindi rin ito sumabay sa kanila sa agahan at hindi niya pa ito nakitang lumabas ng kwarto simula nang magising siya. Marahil ay napikon nga ito sa nangyari kagabi.Bumuntong hininga siya. Mas mabuti nga iyon, kahit papaano’y tahimik ang umaga niya.In-start niya na ang kotse at handa na sana’ng umalis nang may biglang kumatok sa may passenger seat.Tamad niyang binaba ang bintana habang tutok ang mga mata sa u
“Wait, baon mo.”Isang linggo na s’yang pinapabaunan ni Cianne, ngunit ‘ni isang beses ay wala siyang sinubukang kainin. Kung saan iyon nilagay ng dalaga sa kotse ay doon din iyon nakalagay hanggang sa pag-uwi. Walang bawas kahit katiting man lang. ‘Ni hindi n’ya nga iyon binuksan man lang.Hinilot niya ang sintido habang binabasa ang mga papeles sa kan’yang desk. Hindi pa nangangalahati ang araw pero sumasakit na ang ulo niya. Paano’y nahihirapan siyang kumbinsihin ang may-ari ng furniture shop sa kabilang lungsod na ibenta ang shop nito sa kanila.Kung siya lang ay susuko na s’ya sa pagkumbinsi dito at maghahanap na lamang ng iba o magtatayo ng bago tutal ay kayang-kaya naman nila iyon, subalit sadyang kakaiba magpatakbo ng negosyo ang kan’yang lolo. Ayaw nitong may kakumpetensya kahit maliit ay tinitira.“Tandaan mo, mas nakakapuwing ang maliit na insekto.”Simula nang bata pa ay binuhay na siya ng ina na puno ng pangaral tungkol sa kabutihan. Pakiramdam niya ay sinusuway n’ya ito
“I made you lunch!”Nagpaskil ng malaking ngiti si Cianne nang maabutan niya sa hapag-kainan si Shaun kasama ang mga bata na kumakain ng almusal.Maaga siyang gumising para ipaghanda ang lalaki ng pananghalian nito.Kahit pa hindi nito ginalaw ang hinanda niyang pagkain kahapon ay hindi siya nawalan ng pag-asa. Iyon lang naman ang tanging alam niya para mapaamo ang masamang tupa. Pakainin ito.Ang kislap ng mga mata nito ay nawala nang bumaling sa kan’ya ang mga tingin. Bukod sa lunchbox na nilagay niya sa lamesa ay nagdala din siya ng kape para dito.“Sa’yo na ‘yan. May kape na ako.”Saka niya lang napansin ang isang tasa ng kape na nangangalahati na nito.“Mas masarap ‘to kaysa sa timpla ni Manang,” pagbibida niya kahit hindi niya pa man natikman ang timpla ni Manang Alice.Hindi siya nito pinansin bagkus ay tinuon sa mga bata ang atensyon.Hindi na siya nagpumilit na ipaubos dito ang kape dahil baka nerbyusin naman ito. Mas mabuti nga sana iyon para kabahan naman ito sa ginagawa sa
“What’s this?”Umagang-umaga ay nakasimangot na mukha ang sinalubong ni Shaun kay Cianne nang abutan niya ito ng papaitan.“Maganda ‘yan para sa hang-over.”Maaga siyang gumising para lang ipagluto ang binata.Hindi siya concern dito, bagkus ay nagsisimula na siyang isakatuparan na makuha ang loob nito.Naiiling na tinabig ni Shaun ang mangkok. Halata sa mukha na hindi maganda ang gising nito.“Just tell Manang to bring me coffee.”Nakabihis pang-opisina na ito kahit maaga pa sa oras nang alis. Karaniwan kasing hinihintay muna nito ang mga bata bago ito mag-agahan.“Ako na lang ang magtitimpla,” pagboboluntaryo n’ya. Siya naman talaga ang nagtitimpla ng kape para dito hindi niya lang alam kung bakit parang biglang nag-iba ang mood nito.“Do as I say,” maotoridad nitong sabi na nagpatahimik sa kan’ya.Mas lalo niya pa’ng napagtantong seryoso nga ito at hindi lang nagsusungit nang dali-daling kumilos si Manang Alice para sundin ang sinabi nito.Iniwan niya na lamang ang lalaki doon. Say
Wala naman masama kung sasabihin na ni Shaun sa kan’yang mga anak na ito ang tunay nilang ama, ngunit abot langit pa din ang kaba ni Cianne nang maiwan silang apat sa playroom ng mga bata.Pagkauwi ni Shaun galing sa trabaho kinabukasan ay inaya na siya nito’ng kausapin ang tatlong gulang na mga anak.Ang totoo ay natatakot siya sa magiging reaksyon ng mga ito. Kung mauunawaan ba ang sasabihin nila? Magtatampo ba o matutuwa?Hindi pa nagtatagal ay tuluyan na ngang sinabi nito na siya ang tunay na ama sa mga bata.Sa lahat ng reaksyon na kagabi niya pa iniisip ay ‘ni isa walang pinakita ang dalawa.Tulala lang ito kay Shaun at pagkaraan ng ilang sandali ay bumalik na sa paglalaro. Tila wala itong naintindihan sa narinig.“Mga anak, si Daddy Shaun ang inyong tunay na ama.” Tinagalog niya pa ang sinabi ni Shaun kahit naturuan niya naman ng basic english ang mga anak.“We know po mom, that’s why we called him dad,” saad ni Sean.“And we looked like him,” dagdag ni Kean.Pareho silang nag
Sabik si Cianne na makakwentuhan ang ama kagaya nang pagdaldal ng kambal dito, ngunit hindi niya magawang maging komportable sa sariling pamamahay. Naiilang s’ya sa presensya ni Shaun sa harap ng kan’yang ama, kahit pa mabait naman ang pinapakita nito.Maraming pinahandang pagkain para sa pananghalian ang kan’yang ama. Kagabi pa lang kasi ay tinawagan niya na ito para sabihin na bibisita sila ng mga anak. Kahit hirap gumalaw ang kan’yang ama at bahagyang nanghihina na din dahil sa mga komplikasyon dulot nang pagkaka-stroke ay hindi pa din ito pinanghihinaan ng loob. Naroong nag-the-theraphy pa din ito, at palaging nakikihalubilo sa mga kasama sa bahay.Gayunpaman, labis-labis ang pagsisikap nilang magkakapatid na huwag itong mabigyan nang kahit anumang sama ng loob. Kaya kahit maliit na problema sa kompanya ay hindi nila sinasabi dito. Sinisikap nilang resolbahin iyon sa alam nilang paraan.Kaya ang presensya ni Shaun sa pamamahay nila ay labis niyang pinag-aalala. Hindi niya nasabiha
Kinabukasan din ay tinupad ni Shaun ang kasunduan na ibabalik na sa kan’ya ang cellphone. Sabik niyang binuksan iyon. Tadtad iyon ng mensahe na hindi naman pinakialamang buksan ng lalaki.Bukod doon ay ginawa din nito ang sinabing sasamahan sila sa pagbisita sa kan’yang ama.Ang totoo ay parang nagdadalawang-isip siya. Hindi naman sa ayaw niya nang bisitahin ang ama ngunit nag-aalala siyang baka naroon ang dalawang nakakatandang kapatid na babae at baka sugurin si Shaun dahil sa galit dito.Hindi niya naman masisisi ang mga ito, ngunit gusto niya lang mag-ingat. Baka mapurnada pa ang kan’yang plano kapag nagkataon.Gayunpaman, natagpuan niya na lang ang sarili na nakaupo na sa harapan ng sasakyan habang kalong-kalong si Kean. Ang isa pa’ng kambal na si Sean ay nasa likod kasama si Tere, na pinasama ni Shaun upang may makatulong daw s’ya sa pag-aalaga sa bata sa byahe, kahit kayang-kaya niya naman na s’ya lang.“Liliko ka d’yan.”Paalis pa lang sila ay sinabi niya na dito ang address n