ARIAKumakalam ang sikmura ko nang maglabas ng malalim na paghinga sa kawalan. Ano ba itong nararamdaman kong katamaran sa araw na ‘to? Para akong baliw, e. Sabi ko pa naman kanina ay magiging good vibes lang ako kahit puro bad vibes natanggap ko sa buhay kahapon. Kaso gutom naman ako ngayon, ang ending tuloy ay masama pa rin ang mukha ko.Kapag gutom talaga ako, wala ako sa sariling katinuan. Kanina pa ako nakatulala sa bintana ng classroom habang nagle-lecture si Ma’am Santos, teacher ko ito sa isa sa mga major subject ko this semester. Alam kong alanganin ako sa subject na ito, pero hindi ko mapigilan matulala. Isa’t kalahating oras pa ako magtitiis bago mag-lunch break, nakaiiyak.Ang daya rin kasi ng dalawa kong kaibigan, palaging excuse dahil sa mga sinasalihan na extracurricular activities ng Easton University. Bakit kasi hindi ako naging matalino academically, diba? Sa lahat ng skills na pwedeng makuha, sa pakikipag-away pa. Ayan, ang dami ko tuloy problema sa buhay ngayon. Si
ARIA Isang mapayapang paghinga ang nagawa ko nang marinig ang pangalawa sa huling bell ng school para sa araw na ito. Isang oras na lang at mag-uuwian na kami. Pigang-piga na kasi ako at ang utak ko, gusto ko na lang matulog sa bahay namin ng mapayapa. Kasalukuyan kasing narito ako sa classroom at tinatapos ang activity na iniwan sa amin ni Mr. Melvis kanina bago siya umalis para umattend ng faculty meeting nila. Art Appreciation ang subject namin ngayon, puro arts, kaya siguro napipiga ako kasi hindi naman ako artistic na tao. Though madali lang naman ang iniwang activity ni Mr. Melvis sa amin, kailangan lang namin gumawa ng essay about interpretation namin sa art ni Leonardo Da Vinci noong 1490 na pinamagatang Vitruvian Man. Wala man akong hilig sa arts— lalo na sa history ng arts— ay wala akong magawa kundi unawain ang mga artworks na ibinibigay niya sa amin. Mabusisi naman ang interpretation ko rito dahil bumabawi ako ng grade, tres lang kasi prelims ko sa kaniya kaya kahit wala
ARIA“Siya na ba ang girlfriend mo, Professor Grayson!?”“Sino siya?? Hindi ko makita!”“OOH EM! Taken ka na ba Sir Grayson!?” Lecheng pagkakataon nga naman, talaga bang napagkamalan akong jowa ni Sir Gray ng mga tao sa paligid namin ngayon? Ang g*go naman niyan! Gustuhin ko mang lumayo at humiwalay sa yakap ni Sir Gray dala ng taranta sa aking sistema ay mas lalo lamang niya akong iniiwas sa mga tao gamit ang yakap niya sa akin. Ramdam ko ang paghigpit nito kaya hindi na ako pumalag, mukhang alam naman niya ang ginagawa para iiwas ako sa bagay na bigla na lamang nangyari sa amin. “Follow my steps.” rinig kong bulong niya sa akin na sinunod ko kaagad ng wala nang tanong-tanong pa. Alam kong inilalapit niya ako sa pinto ng kaniyang sasakyan, kaya nang marinig ko ang pagbubukas ng pinto ay inihanda ko ang aking gagawing pagkilos papasok doon. “Here, iharang mo ‘tong bag sa mukha mo hanggang sa makapasok ka sa loob.” agad kong kinuha ang bag niyang inabot sa akin at sinunod ang sinab
GRAY“Oh, kuwarto ko!” halata ang inis sa mukha ni Aria nang magsalita matapos niyang buksan ang pinto ng kuwarto niya. Sa nakikitang ekspresyon ng mukha nito ay hindi ko maiwasang hindi matawa sa kaniya. She’s cute when she’s upset, halatang napilitan lang siyang ipakita sa akin ang kuwarto niya, e.Nang matapos kasi kami sa pagkain ng inihanda ng mama niya na hapunan kanina ay inutusan ni Tita Melanie si Aria na ilibot ako sa buo nilang bahay. Hindi ito ganoon kalaki pero masasabi kong maganda ang kabuuan ng bahay nila. Malinis at maaliwalas ang lahat dito, halatang pinag-isipan ang bawat detalye ng tirahan nila. I also noticed that they have security buttons here, siguro dahil silang dalawa lamang ng mama niya ang naninirahan dito sa kanila. Parehas pa silang babae, so it is very wise to have their home secured. “Umuwi ka na kaya, S— Gray. Tama na ang kadaldalan ni Mama sa baba.” muli niyang salita nang makapasok kami sa kuwarto niyang nagpapakita ng buo niyang pagkatao.Kung anon
ARIAIlang oras na ang lumipas matapos kong nakawan ng halik sa pisngi si Sir Gray, pero hanggang ngayon ay parang nanginginig pa rin ang tuhod ko. Kahit nasabi kong friendly kiss lang ‘yon ay kinakabahan pa rin akong harapin siya. Hindi ko rin naman kasi alam kung bakit ko ginawa ‘yon, wala naman kasi sa plano ko kagabi ang bagay na ‘yon. But all of a sudden, I felt like it was the best time to kiss him on his cheek. Gusto ko lang naman siyang pasalamatan dahil sa saya na naramdaman ko noong nasa bahay siya, kahit aminado akong ayoko noong una na tinanggap niya ang imbitasyon ni Mama sa kaniya. Hindi ko lang din inaasahan na mapapasaya niya ang nanay ko, halatang natuwa si Mama sa kaniya dahil pumayag si Sir Gray na tulungan siya sa hilig niyang baking. Nakahihiya man sa teacher ko dahil gabi na ‘yon ay sobra kong na-appreciate ang ginawa niyang ‘yon.Alam ko naman kasing KJ ako sa mga hilig ni Mama, hindi rin ako pala-kwento sa kaniya dahil siguro natatakot akong may masabi sa kani
ARIA Matamlay na may inis kong inilapag ang aking malaking traveling bag sa likuran ng classroom namin. Doon ipinapalagay ng magaling kong teacher na si Sir Gray ang mga gamit naming dadalhin sa camping mamaya. Ayon kasi sa kaniya, magiging sagabal daw ang mga ito sa amin habang nasa klase kami kaya mas lalong sumama ang pakiramdam ko sa kaniya sa mga oras na ito. Klarong-klaro pa rin sa memorya ko ang detalyadong eksena na aking nasaksihan sa opisina niya kahapon. Muli ay hindi ako nakatulog ng maayos dahil tila ba binabangungot ako ng pangyayaring ‘yon. Bihira ko na nga mapanaginipan si Ariella sa tulog ko ay pumalit naman ang lalakeng sinasamaan ko ng tingin ngayon. Hindi niya ata alam na mas sagabal sa utak ko ngayon ang laplapan—este halikan nila ng kasamang babae kahapon, kaysa sa mga traveling bag na dala naming lahat para sa camping. Kaurat! Masama pa rin nga ang loob ko sa kaniya ay dinagdagan pa talaga niya ngayong umaga, hindi porket may half-day classes pa kami bago an
ARIA“Wow naman ang, brother Yohan! Made in Japan ka talaga!” malalim na paghinga ang nagawa ko habang pinagmamasdan ang maligaliw kong mga kaibigan sa harap ko. Maingay man ang buong field dahil halos lahat ng estudyante ay narito na at nag-aabang na lang ng hudyat para sumakay na sa kaniya-kaniyang bus, boses pa rin nila ang Brooklyn ang nangunguna sa tainga ko.Ang iingay. Kasalukuyan kasing nagbibigay si Yohan sa mga kaibigan namin ng paper bags na naglalaman ng mga pagkain na ipinangako niya sa amin para sa birthday niya kahapon. Hindi ko pa man nakukuha ang akin ay alam kong puro Japanese snacks ‘yon dahil nabalitaan ko kila Tita na nagpadala sila ng balik-bayan box kay Yohan noong nakaraang araw. Malamang puno ‘yon ng mga pasalubong.“Isa-isa lang, lahat makakukuha ng relief goods!” boses ni Felix habang tinatawanan sina Joseph na tila ba nakikipagpatayan na para lang mauna sa malaking paper bag na inilabas ni Yohan kanina. “Tumigil nga kayo riyan! Nakita niyo na ngang may pan
ARIA“Inulit pa nga!” mahina kong banggit nang muli na namang napunta kay Henry ang buff na para sana sa hero ko. Pangatlong beses niya na akong naagawan ng blue buff gayong tank ang role niya sa laro namin. Nakakainis! Kapag kami natalo rito ay siya talaga sisisihin ko.“Hindi sadya ‘yon, ah!” rinig kong komento niya sa voice chat namin. Naka-earphones ako ngayon at maging ang mga tropa ko dahil kailangan namin ng communication sa larong ‘to. Hindi naman pwedeng magsigawan kami rito sa bus, edi nagalit mga taong kasama namin dahil sa ingay.“Boss Aria, samahan kita roon sa ibabang line. Kuhanin na lang natin ‘yung pula.” sabat ni Benjie na tinutukoy ang red buff sa may bot line. Nakita kong papunta na siya roon kaya itinago ko muna sa damuhan ‘yung hero ko bago umuwi sa base. Buti pa ‘tong baguhang si Benjie, marunong mag-isip. Kahit marksman ang role ay mapagbigay.Custom game nilalaro namin sa ML, 5v5. Kampi ko sina Henry, Benjie, Joseph, at ang bagong sali na si Cloud. Nang malaman
GRAYIt’s past six when I’ve finished my school work, at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nasabi kay Aria kaninang umaga. Masyado lang talaga akong nadala dahil buong linggo akong walang balita sa kaniya. Idagdag pang hindi na siya nawala sa isipan ko mula noong araw na magawa ko siyang halikan.I still remember that kiss, and from her reaction when I said I missed her, I know she remembers everything as well. It was just a simple kiss to anyone, but I can’t explain why at that moment it seemed so special to me. That’s not even my first kiss, but I can still feel her soft lips against mine every single time I think about it. Malalim akong napabuga ng hangin at isinubsob na lamang ang ulo sa manibela. It was a long day, and I’m tired, but I still want to see her. Maraming bumabagabag sa aking isipan at alam ko na si Aria lamang ang makaaayos nito. But it’s late, kanina pa ang uwian nila.Gusto ko sana siyang kausapin kanina, pero sa dami niyang kaibigan at sa
ARIAMalalim na pagbuga ng hangin ang aking nagawa nang huminto na ang sasakyang lulan ko sa harap ng Easton University. May kakaibang pakiramdam sa aking sistema na hindi ko pa maipaliwanag sa ngayon. Isang linggo na ang nakararaan mula nang mangyari ang masamang bangungot na iyon sa camp, maayos na ang pakiramdam ko ngunit inaamin kong mahirap kalimutan ang mga nangyari noong gabing ‘yon.Sa totoo lang ay hindi ko pa alam kung paano haharapin ang mga schoolmates ko, kahit alam kong wala akong kasalanan sa mga nangyari ay sensitibo ang lahat ng iyon para sa akin. Kalat na kalat sa social media ang mga nangyari, kahit hindi ako ang gumawa ng mali roon ay hindi ko maiwasang makaramdam ng kahihiyan sa atensyon na aking nakukuha mula sa mga tao.Kahit naman marami nang issue ang dumaan sa buhay ko mula nang pumasok ako rito sa school ay ayoko pa rin na ako ang palaging pinag-uusapan. Ayoko na laging nasa akin ang tingin ng lahat dahil hindi ako komportable roon. Kaya ngayong alam ng laha
ARIA “Aria! Matutulog ka na?” nahinto ako sa paglalakad nang maramdaman na may humawak sa pulsuhan ko. Nang makita ko si Beatrice ay malalim akong napabuga ng hangin. Hanggang ngayon ba naman ay kukulitin pa rin niya ako? Dala ng pagod sa mga ginawang camp activities sa araw na ito ay nais ko na lamang humilata sa tent ko at matulog na. Wala na nga rin akong plano na kumain pa dahil ubos na ang enerhiya sa katawan ko para sa araw na ito. I really can’t wait for this camp to end, kaya nga matutulog na para bukas ay tapos na ‘to, e. Palong-palo naman kasi ang mga organizer ng camp na ito, porket huling gabi na namin dito ay sinulit nila ang mga gawain namin. Hindi ko nga alam kung nag-break pa ba kami mula kaninang hapon, e. Sa sobrang abala’t pagod ko nga rin ay hindi ko na naisip si Sir Gray at ang nararamdaman ko para sa kaniya na hanggang ngayon ay nandito pa rin sa akin. Hanep talaga! Pero mabuti na rin sigurong naging abala ako sa nagdaang mga araw mula noong nalaman niyang m
GRAY “What!? P-paanong mawawala si Aria?” ramdam ko ang taranta sa boses ni Yohan nang muli siyang magtanong sa akin. Gustuhin ko mang magsalita ay para akong nawalan ng kakayahang gawin ‘yon. Dama ko ang matinding galit sa sistema ko, para ko nang pinapatay sa utak ko ang grupo nila Grethel. I know they did something, at sa oras na mapatunayan kong totoo ang hinala ko sa kinilos nila sa harap ko kanina ay ako mismo ang tatapos sa magaganda nilang mga buhay. “She can’t be out there.” bumalik ang tingin ko kay Yohan. Ang kaninang taranta sa boses niya ay napalitan ng takot. Alam ko na kung anong pinaghuhugutan ng takot niya, dahil maging ako ay nakararamdam ng ganoon sa oras na ito. Hindi pwedeng mawala si Aria, it’s late. It’s too dangerous for her to be out in the woods, lalo na’t takot siya mawala ng mag-isa. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may mangyaring masama sa kaniya. I made her and her mom a promise that I will take care of her, kaya hindi ko dapat hinayaan na mawala
GRAYI immediately left the open field the moment I heard the last bell signaling the end of camp activity for the day. It's ten o'clock and everyone is having dinner, ito na rin ang huling gabi ng camping kaya abala ang lahat at nagsasaya sa kani-kanilang grupo.Gustuhin ko mang makisama sa faculty members gaya ng isang ordinaryong empleyado ng Easton University ay hindi ko magawa. I received a message from Kobe earlier telling me that my dad wanted to talk to me but couldn’t reach me. Sinadya ko talagang mawalan ng connection sa kanila sa buong durasyon ng camping trip na ‘to for my own peace.Sa buong buhay ko ay ngayon lang ata ako nagkaroon ng oras para sa sarili ko na walang koneksiyon sa trabaho ko sa grupo. I feel normally good, naging malaya ako sa mga masasamang bagay sa buhay ko kahit ilang araw lang. Ayoko pa sanang kausapin sila Kobe tungkol sa trabaho dahil bukas pa ang huling araw ng camping na ‘to ng EU, pero sa mensahe ng kaibigan ko kanina ay alam kong importante ang
ARIA Tahimik ang buong paligid, sobrang payapa rito sapagkat tanging mga huni lamang ng ibon ang naririnig ko. Sakto ang katahimikan na ito para tunay kong marinig kung ano nga ba itong nararamdaman ng dibdib. Kasalukuyan akong nakaupo sa putol na sanga ng puno sa gitna ng gubat, napagod na ang mga paa ko sa kalalakad. Takot ako maligaw sa malawak na gubat na ito, pero sa patong-patong na nararamdaman ko kakaisip sa iba’t ibang bagay ngayon ay malakas ang loob ko. Ngayon ay seryoso na ako sabihin na gulong-gulo na ako. Akala ko normal na humahanga lang ako kay Sir Gray kaya nabubuhayan ako tuwing nakikita’t nakakasama ko siya. Pero para masaktan ako kahit sa maliit na bagay lamang na gawin niyang salungat sa kapakanan ko ay nasasaktan na ako. Sobrang OA ko na nga talaga pagdating sa kaniya. Sa ginawa niyang hindi pagkampi sa akin kanina ay nagkakaganito na agad ako. Idagdag pa na tila ba lumalaki na itong paghanga ko sa kaniya, palagi ko na lamang siyang iniisip. Maging sa pagtul
ARIAIlang segundo rin akong hindi nakagawa ng kilos dahil sa mga sinabi ni Sir Gray. May nakikita man akong ngisi sa kaniya na senyales na binibiro lamang niya ako ay para bang sineryoso talaga ng sistema ko ang lahat. Pansin na kaya ni Sir Gray na may crush ako sa kaniya kaya palagi niya akong pinapaasa gamit ang mga linya niyang pa-fall? Kasi kung alam niya na at sinasadya niya ang lahat ng ito ay malamang mababanatan ko talaga siya.Kainis talaga!“Aria!?” mabilis nawala kay Sir Gray ang aking atensyon nang bigla kong narinig ang pamilyar na boses ni Mrs. Daniels na halatang kararating lang dito. Mabilis akong nag-ayos ng tayo para maharap ng maayos ang fave kong teacher sa EU.Nakangiti si Ma’am Daniels sa akin kaya ginantihan ko lang din siya ng isang ngiti. Nagpapasalamat akong dumating si Ma’am ngayon, kasi kung hindi siya dumating ay hindi ko na alam kung paano ako makasasagot o maka-rereact man lang sa mga pabirong sinabi ni Sir Gray kanina. “H-hi po, Mrs. Daniels!” bati
ARIA Gumaan ang pakiramdam ko nang sa wakas ay magawa ko nang mailatag ang katawan ko sa malinis na damuhan dito sa open field ng Zineec Forest. Katatapos lang ng orientation namin para sa mga magaganap sa camp naming ‘to. Grabe rin sa kadaldalan ng host ng camp namin at inabot na kaming alas dies ng gabi sa kasasalita niya. Halo na ang gutom ko at pagod para sa araw na ‘to at gusto ko na lamang magpahinga. Ang masaklap niyan ay hindi pa ayos ang tents at mga gamit na dala naming lahat, kaya malamang ay mamaya pa kaming hatinggabi matatapos. Idagdag pa na wala pa kaming hapunan, ngayon pa lang sila nag-didistribute ng dinner sa amin. Hanep ‘yan! May ilan pang nagsasalita sa harap ngayon, sobrang gulo ng paligid dahil nga unang gabi. Gayunpaman, ang mga mata ko ay pinili ko na lang ituon sa magandang kalangitan. Malalim na ang gabi, pero maliwanag ang buwan ngayon. Parang tutok na tutok dito sa kinahihigaan ko ang mga celestial bodies— charot. Nang lumakas ang ingay sa paligid ay k
ARIA Hindi na ako magpapanggap pa, nasarapan ako sa mga pagkain na ibinigay sa akin ni Sir Gray kanina kaya sinulit ko ang oras sa pagkain ng mga ‘yon. Nang matapos ay inilagay ko ang lahat ng basura sa paper bag na hawak. Bawal kasi magkalat sa bus kaya responsibilidad ko ang mga pinagkainan kong ‘to. Ngayon ko lang nabigyan ng tingin si Sir Gray na mukhang malalim na ang tulog. As usual, guwapo pa rin talaga siya kahit natutulog lang ang ginagawa niya. Nakita kong nakasuot siya ng headphones kaya walang chance na madistorbo ko siya para ipalagay sa compartment sa itaas namin ang paper bag na hawak ko ngayon. Wala rin naman akong plano na gisingin siya, no! Masyado na ako sumusobra kapag ginawa ko pa ‘yon kaya napag-desisyunan ko nang tumayo na lamang sa kinauupuan ko.Maliit lang ang guwang na pwede kong daanan para makalabas sa aisle ng bus at maabot ang itaas ng upuan namin, at sa laking tao ni Sir Gray ay parang mahihirapan ako lumusot doon. Dahil nag-iisip pa kung anong kilos