Aia's POV
Sinama ako ngayon ni Dark sa kanyang business proposal meeting. Nandito kami sa isang fine dining restaurant kaharap Si Mr. Milendres. Bakit ba kasi isinama pa ako ni Dark dito samantalang nagagawa naman nyang umatend ng business meeting ng hindi ako isinasama? Kanina pa ako naaalibadbaran sa secretary ni Mr. Milendres na panay ang Kawit ng buhok nito sa kanyang tenga. Nakakairita! Bat di nya na lang ipusod ang buhok nya para hindi panay ang hawi nya? Pasulyap sulyap din ito kay Dark at pangingiti na parang aso. Habang ito namang si Mr. Milendres parang aso ring naglalaway sa pag titig saakin. Yung totoo may lahi bang aso ang dalawang ito? “Ehem Mr. Milendres!” tumikim si Dark. Marahil napansin na din nito na hindi naman nakikinig sa mga sinasabi nya si Mr. Milendres dahil para itong asong naglalaway saakin. Balot na balot na nga ang katawan ko sa suot kong Turtle neck na long sleeve blouse Eh Kung tingnan ako ng matandang to para bang wala akong suot na saplot! Kung hindi nga lang investor ang isang ito ay gusto ko ng hampasin ng ipad na hawak ko! “W-what is it?” tila wala sa sariling bumaling ito kay Dark na noon ay salubong na ang mga kilay. Walang pag dadalawang isip na tumayo na si Dark at padabog na iniligpit ang laptop. Napatayo din si Mr. Milendres gulat na gulat ito sa inaasal ni Dark. “What are you doing Mr. Oxford what's wrong with you?” naguguluhan ito sa inaasal ni Dark. Maski ako ay nakaramdam ng hindi magandang aura lalo at madilim na ang anyo nito. “This meeting is none sense! Just forget my business proposal with you Mr. Milendres. Thank you for wasting my time!” galit nitong Saad saka hinila ang kamay ko tatalikod na sana kami ng subukang magsalita ni Mr. Milendres pero agad din iyong pinutol ni Dark. “I don't want to be rude to you Mr. Milendres even though you've been disrespectful to my secretary all the while. So as much as I am still with my senses, We're going before I lose control!” kita ko ang pagkuyom ng isang kamay ni Dark kaya naman hinawakan ko sya sa kanyang braso. Tiningala ko sya at binigyan ng nagmamakaawang tingin na huwag nya ng patulan pa ang matandang manyakis. After seeing my expression he sighed and chosed to turn back instead. Hinawakan nya muli ako sa aking kamay at lumabas na kami ng restaurant. Pag labas namin ay kita ko pa rin ang pagpipigil sa matindi nitong galit. Namumula na ang mukha nito. “Kumalma ka nga.” awat ko dito. Huminto naman ito sa tapat ng kanyang sasakyan. Namewang ito at pinasadahan ako ng tingin. Napa buga ito ng marahas. “I really want to punch his face!” gigil nitong bulalas. “Tama na Dark. Okay lang naman ako. Manyakis lang talaga ang matandang yon! Wag mo ng patulan para hindi na lumaki pa ang gulo. Remember you are a CEO pwede kang masira sa maling aksyon mo.” paalala ko sakanya. “With all my wealth and power, I can make him now just a story.” Nagimbal naman ako sa sinabi nya. “Dark yan ang wag na wag mong gagawin! Please lang tama na.” pagsusumamo ko sakanya. Tinitignan nya naman ako. Tuluyan itong lumambot ng makita ang pag aalala sa mukha ko. Tila tumigil naman ang pag hinga ko ng bigla nya na lang akong kabigin at yakapin. Hawak ng isang kamay nya ang aking ulo habang ako naman ay nakasandig sa kanyang dibdib. Dark anong ginagawa mo? Gusto ko sanang isatinig pero hindi ko maibuka ang bibig ko. “This is the reason why I don't want to bring you with me.” hindi ko inaasahan ang pag amin nya. Naka hinga naman ako ng maluwag ng binitawan nya na ako at dumistansya na saakin. Pakiramdam ko ay iluluwa ko ang puso ko kanina sa sobrang bilis ng kabog nito. “Eh b-bakit nga ba kasi sinama mo pa ako?” Sawakas ay nasabi ko. Para tuluyang makaiwas sakanya ay umikot na ako sa kabila ng kotse at ako na ang nag bukas ng pinto ng sasakyan nya at nag kusang pumasok sa loob. Sumakay na rin ito sa driver's seat. “Dadaan pa kasi ako sa isang branch natin sa Tagaytay baka hindi ako agad makabalik hindi kita masusundo.” Sagot nya saakin habang isinusuot namin ang aming mga seat belt. Sa tono ng salita nito ay para bang obligasyon nyang ihatid sundo ako. “Eh di mag co-commute na lang ako isa pa hindi mo naman obligasyon ang ihatid sundo ako sir Dark.” paalala ko dito. “I know pero yon ang gusto ko.” natigilan ako sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin? “I wanna make sure na ligtas kang makakauwi. Tyak na mag aalala sayo ang lola mo kapag may nangyari sayo.” tila nabasa nito ang iniisip ko kaya kusa na itong nag paliwanag. Kung gayon ay si lola ang inaalala nya. “Hindi na ako bata Dark. Kaya ko naman na. Kagaya nyan sayang yung business proposal mo Kay Mr. Milendres hindi na matutuloy yung investment nya.” “Hindi kawalan ang kagaya nya sa kumpanya ko.” galit na turan ni Dark saka pinasibad ang sasakyan. Gaya nga ng sinabi ni Dark dumaan kami sa Tagaytay para bisitahin ang isa sa mga branches ng kumpanya nila. Habang busy si Dark sa paglilibot sa kanyang kumpanya ay nagpaiwan naman ako dito sa resort nila. Hindi pa rin kasi ako nakaka getover sa tensyon na nangyari kanina sa restaurant. Hind naman nag reklamo si Dark ng sabihin ko sakanya na dito na lang ako sa resort maglalagi habang binibisita nya ang kumpanya nila dito. Naupo ako sa isang bench at pinagmamasdan ang taal lake. Maganda ang humidity dito sa Tagaytay. Para kang naka aircon. Lumapit saakin ang isa sa staff ng resort may dala itong tray na naglalaman ng grapes. “Ma'am ipinabibigay po ni sir Dark.” Ngumiti naman ako dito at tinanggap iyon. Hindi ko mapigilang Matakam sa mga ubas na ibinigay saakin ni Dark. Ang taong yon wala ng ginawa kundi pakainin ako! Buti na lang talaga mabilis ang metabolism ko at hindi ako tabain kaya kahit pakainin nya ako ng pakainin ay hindi ako tumataba tanging pwet at balakang ko lang ang lumalaki saakin. Mag didilim na ng makabalik si Dark. Past 6pm na ng tingnan ko saaking wrist watch. “Nag enjoy ka ba sa sight seeing mo dito?” bungad nya saakin ng makalapit sya sa kinau-upuan ko. Pambihira talaga itong Boss ko! Ako itong secretary nya pero ako pa itong laging iniintindi nya. Nakalimutan nya na yatang empleyado nya ako at akalay bisita nya lang ako dito sa resort. Sya na itong napagod habang ako heto paupo-upo lang dito. Hindi ko tuloy mapigilang matawa na ikinakunot ng noo nya. “Bakit natatawa ka?” takang tanong nito. “Alam mo sa lahat ng boss ikaw na yata ang pinaka cool na boss! Biruin mo ako na nga itong maghapon walang ginawa tapos iniisip mo pa kung nakapag enjoy ako? Hindi ko na nga nagagampanan ang pagiging secretary ko Ngayon araw na ito.” Ngumiti naman ito sa sinabi ko. “Wala ka rin namang gagawin kung sumama ka saakin. Mapapagod ka lang.” Naupo ito sa tabi ko. “Kahit pa bayad mo ang bawat araw ko. Nakakahiya naman na sinasahuran mo ako ng wala namang ginagawa.” Ngumiti lang ito muli saka pinisil ang ilong ko. Habang tumatagal hindi ko na nagugustohan ang kakaibang nararamdaman ko. Natatakot ako sa ganitong pakiramdam. Pakiramdam na nasasanay na ako na kasama ko palagi si Dark.Aia's POV. Hating gabi na ng makabalik kami ni Dark sa Manila galing Tagaytay. Kumain pa kasi kami doon at nagpalipas pa ng ilang sandali para mag star gazing. Tanghali na ng magising ako. Mabuti na lang talaga at linggo ngayon wala kaming pasok. Habang nasa harap ako ng aking vanity mirror ay hindi ko maiwasang magbalik tanaw sa nangyari kagabi. Nasa ibabaw kami ng sasakyan ni Dark habang pinapanood ang mga bituin sa ilalim ng kalawakan. Wala sa sarili kong dinama ang tibok ng puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko pag kasama ko si Dark? Hindi naman ako ganito dati. Dahil siguro ito sa mga pinagsasabi ni lola nung mga nakaraang araw kaya naco-concious ako bigla pag kasama ko sya. Ayokong magkaroon ng kahit konting pagtingin sa Boss ko. Alam kong mabait lang si Dark saakin dahil secretary nya ako at parang kaibigan lang ang turing nya saakin. Si Dark ang taong hindi nag seseryoso sa pag-ibig. Puro pakikipag s*x lang ang alam nito. Kapag ang mga babaeng naka s*x nya ay na
Aia's POV AIA'S POV “Good afternoon Kuya guard.” bati ko sa guard ng Company. Ngumiti naman ito saakin “Good afternoon Ma'am Aia.” bati rin nito pabalik. “Ah tinawagan kasi ako ni Sir Dark may kukunin lang ako sa office na mga documents.” “Yes ma'am tumawag na po kanina si Sir Dark. Pasok na po kayo sa loob.” naka ngiti nitong tugon saakin. Pagka kuha ko ng mga docs na kailangan ko ay lumabas na rin ako ng company. Nag book na lang ako ng Grab papunta sa condo ng magaling kong boss. Mag 1pm na ng tumingin ako sa wrist watch ko pero hindi pa rin ako nag lulunch. Hindi ko napigilang sumimangot. Nakakainis ka naman sir Dark! Kuhang kuha mo ang gigil ko! Pag dating ko sa condo unit ng boss Ko ay sinunod sunod ko ang pag pindot sa door bell. Ito ang napag buntunan ko ng inis. Gutom na gutom na ako pero heto ako kahit day off ay nag tatrabaho pa rin. Naka ilang pindot pa ako ng buzzer bago bumukas ang pinto. Napanganga naman ako ng iluwa noon ang boss kong naka topless l
Aia's POV Hindi ko mapigilan ang mapanganga sa ganda at laki ng farm ng aking boss. Napakalawak at napaka linis! Ang mga puno ng mangga ay naka linya ng maayos. May mga ibang pananim din doon gaya ng mga gulay na upo, sitaw, talong at kamatis. Nakasakay kami sa isang electronic car habang nililibot ang paligid. May mga hayop din doon gaya ng baka, kambing at kabayo. Nangingislap ang mga mata ko sa labis na pagka mangha! Grabe! Napaka yaman talaga ni Sir Dark! Kaya lang bigla akong nalungkot ng maisip na sayang naman ang lahat ng yaman nya, walang mag magmana pag dating ng panahon. Sino ang mag mamana ng lahat ng ito? 33 na si Sir Dark pero gaya ko mukhang wala rin yatang balak mag asawa. Kamusta na kaya yung mga babaeng nakatal*k nya nag buntis na ba sila? Naku kung bibilangin lahat ng yon tyak napakarami ng panganay ni Sir Dark! Pero ang pinag tataka ko sa haba ng panahon na lumipas wala man lang nagpupunta sa office para maghabol at sabihing nabuntis sila. “Mukhang malalim na
AIA'S POV Isinama ako ni Sir Dark sa ikalawang palapag at itinuro nito ang aking magiging kwarto. 7pm na kaya naman sinabi kong dito na muna ako sa loob ng kwarto mag papalipas ng oras para makapag pahinga habang hinihintay ang pag dating ng inutusan ni Dark na bumili ng isusuot ko. Iginala ko ang paningin ko sa kabuoan ng aking silid. Plain white lang ang kulay ng wall. Walang ibang kasangkapan kundi ang side table at closet Na gawa sa dekalidad na kahoy ayon na rin sa hitsura nito. Lumapit ako sa bintana na gawa na sa sliding window. Namintana ako pero dahil gabi na ay madilim na ang kapaligiran at wala rin akong matanaw na view kaya napag pasyahan ko na lang na maupo sa aking kama at kunin ang aking cellphone. Tatawagan ko nga pala ang aking lola upang ipaalam na hindi ako makakauwi ngayon. Dinial ko ang numero ng telepono sa aming bahay. Matanda na kasi si lola at hirap mag operate ng cellphone Kaya naman telepono pa rin ang gamit namin sa bahay. Ilang ring lang ay sinag
Madaling araw ng maramdaman kong may humahaplos sa aking buhok. Nakaupo ako sa gilid ng higaan ni lola habang nakahilig ang aking ulo sa kanyang kama. Hindi ko na kasi napigilan umidlip dala ng pagod sa byahe at antok. Pinauwi ko na rin kanina si sir Dark para makapag pahinga. Nag angat ako ng aking ulo at nakita ko si lola na naka ngiti saakin. Umayos ako ng pag kakaupo ko. “Lola kamusta po ang pakiramdam mo?” “mabuti na apo ko. Pasensya ka na kung pinag alala kita.” Sunod sunod naman ang aking naging pag iling. Nangingilid na rin ang aking luha dala ng sari-saring emosyon. Sobrang pasasalamat ko sa Panginoon at walang masamang nangyari sa lola ko. Hinimas ko ang kamay ng aking lola. Saka matamis na ngumiti. “Ako nga po ang dapat humingi ng pasensya sayo lola. Sorry po kung wala ako sa tabi mo.” Pumikit si lola. Meron na ring luha sa gilid ng kanyang mga mata. “Wag mong sisihin ang sarili mo Aia. Sadyang hindi maiiwasan ang ganitong pangyayari dahil ako'y matanda na.
Aia's POV Isang linggo din akong pinag leave ni sir Dark para daw mabantayan ko muna si lola. Si Sir Dark na rin ang nag bayad ng bills ni lola sa hospital bagay na sobrang nakakahiya na talaga. Pero mapilit talaga sya at nagulat na lang ako ng sabihin saakin ng cashier na nasettle na daw ang bill ng lola ko sa hospital. Sinabi kong babayaran ko na lang sya pero hindi sya kumibo. Maayos na si lola kaya naman pwede na akong bumalik sa trabaho. Kumuha na lang din ako ng makakasama ni lola para naman may titingin tingin sakanya kahit papano. Ayaw nga sana nito sa ideyang yon kaya lang ay nag matigas ako dahil ayoko ng maulit pa ang nangyari sakanya. Sinalubong agad ako ni Brenda ng pumasok ako sa pantry. 7:30am pa lang at maaga pa ako ng 30mins. Wala pa rin si boss kaya naman naisip kong mag kape na lang muna habang naghihintay saaking amo. “Tagal mong naka leave ah.” puna nya saakin. “Oo nga.. Na ospital kasi si lola.” paliwanag ko. “Balita ko nga. Ay alam mo ba Aia may ichic
Dito ako ngayon sa canteen kakain ng lunch. Sinadya kong mas maaga umalis ng table ko at pumunta sa canteen para hindi ako abutan ng boss ko pag labas nya ng opisina nya. Madalas kasi na sabay kaming kumain ng lunch at dinner Pero his time gusto ko muna syang iwasan. Ayoko mang aminin sa sarili ko pero theses past few days kakaiba na ang nararamdaman ko sa amo ko bagay na kinakatakutan kong mangyari ang mahulog sakanya. Noon ay kaya ko pang balewalain ang karisma nya pero hindi ko maintindihan kung bakit nitong mga nakaraang araw iba na ang epekto saakin ng mga ginagawa nyang mabuti saakin. Hindi naman ako dati ganito. “Himala dito ka yata nag lunch? Ano LQ kayo ni Boss Dark?” puna saakin ni Brenda. Nasa isang mahabang lamesa ako at iilan pa lang ang tao dito sa canteen. Kasama nya si Jenny at Klea may dala silang tray ng inorder nilang pagkain. Naupo sila sa table ko. Tumabi saakin si Klea habang si Jenny at Brenda ay sa harapan ko naupo. Tinaasan ko sya ng isa kong kilay.
Dark's POV. Pakiramdam ko iniiwasan ako ni Aia. Hindi ko maintindihan kung bakit? Ano bang problema nya? Dati naman nag sasabi sya saakin kapag nagugutom na sya. Kanina pag labas ko wala na sya sa table nya. Tinawagan ko sya para alamin kung nasan sya, sabi nya nasa canteen na sya at kumakain! Ni hindi man lang sya nagpaalam saakin. Ayokong isipin na dahil ba yon sa narinig nya kanina. Pero ng tingnan ko naman sya ay dire-diretso lang syang lumabas ng opisina ko. Pero imposibleng hindi nya narinig ang sinabi ng babaeng yon. Inis na inis ako sa pinagsasabi ng babaeng yon! Kahapon napaka kulit ng lolo nya at pinag tutulakang ikasal ako sa apo nya. Anong klaseng lolo sya? Kulang na lang ibugaw nya ang apo nya! Alam ko naman kung anong habol nya. Gusto nyang maikasal ang apo nya saakin para nga naman lumaki ang magiging share nila sa company. Pati si lolo ay kinausap nya para lang sa hangarin nya! No one can manipulate me! Hindi nya magagamit laban saakin si lolo. Umaga p
AIA'S POV “Excuse.” malamig na turan ni Dark saakin. Gumilid naman ako para bigyan sya ng daan. Nang mabaling naman ako kay kuyang guard ay kakaibang tingin ang iginawad nya saakin. Ngumisi ito at saka umiling iling. Hindi ko na pinansin kung ano bang ingini-ngisi nya. Lumabas na rin ako ng exit dahil muli kong naalala si Vince. Naka hinga ako ng maluwag ng makita ko syang matiyagang nakaupo sa motor nya at naghihintay saakin. Agad akong lumapit sakanya. “Vince sorry.” agad kong turan. Ngumiti naman sya saakin. Mukhang madami kang ginawa nahuli ka na ng labas.” Nakagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ko masabi sakanya na nakatulog ako sa loob ng opisina ng Boss ko. Ayaw kong mag isip sya ng masama. Nagliwanag sa kinatatayuan namin ng bumukas ang headlight ng isang sasakyan. Kapwa kami napalingon ni Vince sa sasakyan. Nakita ko sa loob ng wind shield si Dark ng dumaan sya saamin. “Yun ba ang Boss mo?” tanong saakin ni Vince. Tumango naman ako. “Oo.” “Grabe naman
AIA'S POV “Clean my office.” Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. “pero sir hindi po-” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ang galit nyang mga mata na masama ang pagkaka tingin saakin. “Ayaw mo?” sarkastiko nyang tanong. Huminga ako ng malalim at marahan iyong pinakawalan. Tumalikod ako at akmang lalabas sa office nya ng magsalita sya. “Where are you going Aia?” tanong nito. “Kukuha po ako ng gamit panlinis.” sagot ko. Naglapat ang kanyang mga labi, tila napahiya naman sya sa sinabi ko. Pumunta ako sa stock room kung saan nilalagay ang mga panlinis. Nakasalubong ko sina Mildred at Rainier na pabalik na sa dining area. “Tih anong gagawin mo dyan sa mga panlinis?” tanong ni Rainier saakin. “Pinag lilinis ako ng boss natin sa opisina nya.” Malamig kong tugon. “Mukhang pinag iinitan ka ni Sir Elijah.” Ani Mildred. Hindi na lang ako kumibo at iniwan na sila. “Mukhang mainit ang ulo ng atih ko.” narinig ko pang turan ni Rainier. Pag balik ko sa opisina
3rd PERSON'S POV Napabuga ng hangin si Dark. Dismayado nyang tinitigan si Aia na nakayuko sa harap nya. “You go to the service area and help Dorothy prepare the orders.” he commands. “Si-sir?” nagtataka nyang tanong dito. Bakit bigla ay doon sya inilagay? Hindi naman sya gumawa ng gulo. Sa pagkakaalam nya ay kahit naiinis na sya sa bastos na lalaking yon ay pilit nya parin iyong kinakausap ng maayos. Sya lang naman itong biglang sumulpot at gumawa ng eksena. Ni hindi nya nga alam na naroon na pala ang Boss nya sa likod nya. “Are you deaf? Palalampasin ko ang gulong nangyari ngayon Aia. Kaya kung pwede lang pumunta ka na roon. Now.” hindi man iyon pasigaw pero rinig pa rin ng mga customers at ng mga katrabaho nya na lahat ay sakanya na nakamasid. Nakaramdam sya ng pagka pahiya. Gusto nya mang ipag tanggol ang sarili ay pinili na lang ni Aia na manahimik at sundin na lang ang gusto ni Dark para hindi na humaba pa ang usapan. Hindi rin naman sya mananalo. Iyo ang Boss at empleya
3rd PERSON'S POV“Napapansin mo ba Mildred, madalas tayong bantayan ni Sir Elijah sa service area?” tanong ni Rainier. Nasa dulong bahagi sila ng dining area, nag aayos ng mga silya si Rainier habang si Mildred ay nagpapalit ng table cloth sa mga lamesa. Si Aia naman ay busy na nagpupunas ng glass wall. Ito ang gawain nila tuwing umaga bago mag bukas ang restaurant.“Oo nga eh, kinakabahan tuloy ako.” sangayon ni Mildred. Pasimple lang silang nag uusap para hindi mahuli ni Elijah. “ito pa ang isa sa napansin ko Mildred, parang binabantayan nya ang kilos ni Ate Aia.. Pansin mo din ba?” Anito“Shocks! Napansin mo din pala? Akala ko guni-guni ko lang. Minsan nakikita ko titig na titig pa sya kay Ate Aia, tas yung kilay nya nagsasalubong kapag kinakausap si ate ng mga customers na lalaki.” saad ni Mildred.“Tingin mo may gusto si Sir kay ate Aia?” paghihinala ni Mildred.“eh girl friend nya si Ma'am Jane.” Ani Rainier.“ Yon na nga may girl friend na sya. Siguro napapansin din yon ni ate
3rd PERSON'S POV “What's this?” tanong ni Elijah ng ibigay ni Aia ng personal sakanya ang isang sulat. “My resignation letter sir.” sagot ni Aia. Kagabi nya pa iyon pinag isipang mabuti at ngayon nga ay nakapag pasya na syang ibigay iyon ng personal kay Elijah dahil baka sabihin na naman nito na hindi sya marunong magpaalam. “Escaping again.” natatawang pahayag ni Elijah. “Hindi po sa gayon Sir. Umiiwas lang ako sa gulo.” sa wakas ay nasabi nya. “Anong gulo yon Aia can you please elaborate to me?” kunot noong tanong ni Elijah. “Dark-” “It's SIR ELIJAH.” He cut her off. “Sir Elijah, alam kong galit ka sakin-” again he cut her off. “How did you know? Have you wrong me?” mataman syang tinitigan sa mga mata ni Elijah. Hindi sya naka imik agad. Kaya naman nag conclude na si Elijah na tama ang hinala nya kaya naman tumawa ito ng pagak. “May dahilan ako kung bat ko iyon ginawa. Sorry kung-” and for the 3rd time he cut her off “Enough for your sorries Aia! If you're
AIA'S POV “Grabe kabado bente ako kanina kay sir Elijah!” para kong maiihi sa takot kanina. Ani Rainier ng pumasok na kami sa locker room para mag lunch break. “Ako din bakla! Akala ko luluwa na yung puso ko sa sobrang kaba!” tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila. Ano na ba ang gagawin ko ngayon? Kailangan ko bang syang iwasan ulit? Sa laki ng Pilipinas bakit naman sya pa ang naging boy friend ni Ma'am Jane? Natigilan ako. Teka! Paanong si Ma'am Jane ang girl friend nya? Hindi ba natuloy ang kasal nila ni Selena? Matapos kasi nang pangyayari noon ay wala na akong naging balita kay Selena. Hindi na rin kasi lumalabas ang babae sa telebisyon. Buong akala ko ay pinili nalang nitong maging plain house wife kaya hindi na ito nag tuloy sa showbusiness. Wala rin naman akong nabalitaan na hindi natuloy ang kasal nila kaya buong akala ko talaga ay sila pa ni Sir Dark. Nang buksan ko ang locker ay namilog ang aking mga mata ng makitang wala doon ang bag ko. Saka ko lang naalala n
3rd PERSON'S POV Sila pa lang ni Krissa ang nasa loob ng restaurant dahil ang mga kasama nila ay madalas mag 8am na pumapasok Mag 7:24am pa lang naman ng tingnan nya sa kanyang orasan. “Aia, pwede mo bang tulungan muna ako sa pag lilinis ng office habang wala pa si sir Elijah? Late na rin kasing sinabi saakin ni Ma'am Jane na si Sir ang mag manage saatin ngayon Kaya hindi ko na nagawang maglinis kahapon.” mahabang paliwanag ni Krissa. “Oo naman Ma'am Krissa.” naka ngiting sagot ni Aia. Sumunod sya kay Krissa papunta sa opisina at inilapag ang kanyang bag sa center table. “Ayaw kasi ni Sir Elijah ng hindi organize ang gamit sa opisina. Ayaw din non ng makalat at maalikabok.” dagdag pa nito. Naalala naman ni Aia si Dark. Ganon na ganon ang kanyang boss. Para iyong babae na sobrang sinop at maselan. Tinulungan nya sa pagliligpit ng mga papeles si Krissa. “Aba parang sanay na sanay ka sa pag aayos ng mga papeles ah.” puna nito sakanya. Ngumiti lang si Aia sakanya. “Anong w
3rd PERSON'S POV “Better careful next time Buti hindi ka nasugatan.” Saad ni Jane.“Sorry Ma'am hindi na po mauulit.” Nagyuko si Aia.“It's okay. It was an accident at walang may gusto non.” ani Jane na humarap na sa customers at humingi ng paumanhin. Pinalitan na rin ni Jane ang natapong order ng customer at binigyan na lang iyon ng extra dessert. Mabuti at mabait ang customer kaya hindi naman nag ligalig.Pag balik sa opisina ay nireview ni Jane ang cctv kung kailan naganap ang aksidente kanina. Naalala nya kasi na sinabi ni Aia na na patid ito Kaya naman nagkaroon ng pagdududa sa isip nya kung sino ang oumatid kay Aia.Nakita nya sa video na nakasalubong ni Aia si Mika at doon na nga nadapa si Aia. Zinoom nya ang video ngunit malabo na iyon at hindi kita kung pinatid ba ito ni Mika.Marami na rin syang naririnig na hindi magandang sinasabi ng iba niyang mga tauhan laban kay Mika. Marami ng akusasyon ang ibinabato dito ng iba nyang empleyado at ito rin ang itinuturo nilang dahila
3rd PERSON'S POV Maagang dumating si Aia sa restaurant. Nasa labas pa sya ng entrance naka tambay dahil wala pa si Krissa. Naupo muna sya sa mahabang silya sa gilid ng employees entrance. Ilang minuto na sya doon ng huminto sa unahan nya ang Isang Rolls-Royce Spectre 2024 black na sasakyan. Hindi nya kita ang nakasakay sa loob niyon dahil tinted ang salamin ng kotse. Maya-maya pa'y bumukas ang pinto ng sasakyan at iniluwa ang kanyang boss. “Bye babe ingat.” Ani Jane na muling dumungaw sa loob ng sasakyan bago isa ang pinto. Kumaway pa si Jane sa papaalis na sasakyan na animo'y nakikita sya ng nasa loob. Tumayo na sya ng bumaling na sakanya si Jane. “Oh, Aia nandyan ka na pala.” puna nito sakanya. “Good morning ma'am Jane.” bati nya rito. “Good morning din.” nakangiti ring bati nito. Mukhang mas lalong nag bloom ang boss nya ngayon. Maaliwalas ang mukha nito. Masaya siguro ang naging bakasyon nito. Luminga linga si Jane sa paligid. “Wala paba si Krissa?” Tanong nito sakanya.