Aia's POV Marami pa akong kailangan tapusing gawain sa office kaya naman pagkakain ko ng lunch ay umakyat na agad ako sa opisina ng aking Boss. May 30 Mins pa naman sana ako para magpa hinga pero dahil kailangan ko ng maipasa ng 1pm ang report saaking amo ay pinili ko ng bumalik na lang agad saaking trabaho. Sa table ko ako dumiretso at chineck ang files na kailangan ko ng ipasa kay sir Dark. Pinasadahan ko muli iyon ng tingin para Siguraduhing walang pagkakamali doon para pipirmahan na lang ni Boss pagbalik nya galing sa labas. Ako pa lang ang nasa itaas dahil lahat ng empleyado ay nasa canteen pa at nag lulunch. Dadalahin ko lang ito sa office ng aking boss then sisimulan ko na gawin yung mga paper works ko. Dahil alam kong wala pa si Boss sa kanyang opisina kaya naman dire-diretso lang akong pumasok doon at ganon na lang ang pagka sindak ko! Nabitawan ko ang hawak kong mga folder dahil sa hindi ko inaasahang masaksihan. Si Jenny na office staff ay naroon sa loob ng opisina
AIA'S POV Lahat ng babaeng madaanan namin dito sa loob ng restaurant ay napapasunod ng tingin sa kasama kong lalaki. Kanda haba na ang leeg ng mga babaihang ito kakahabol ng tingin sa Boss ko na todo alalay naman saakin papunta sa table na u-okupahan namin. Sa mga ganitong pagkakataon ay hindi naman talaga si Dark ang klase ng tao na mahilig makiulayaw sa ibang tao. Sya ay yung tipo ng lalaking aakalain mong suplado. Oo marami na syang babaeng naka s*x pero lahat ng yon ay hindi naman sya ang nag first move. Hindi ka nya papansinin kapag hindi mo rin sya pinansin yan ang attitude ng lalaking kaharap ko ngayon na abala na sa pag pili ng kakainin nya sa menu. "May naorder ka na ba?" baling nya saakin sa malambing na tinig. “Kumain na ako kanina. Umorder ka na ng pagkain mo wag mo na akong intindihin.” Ngumiti na lang ako dito para ipakitang ayos lang ako. “Umorder ka na kahit dessert lang. Ayoko naman kumain ng nakatanga ka lang sa harap ko.” Sa 9 years na pagiging secret
Aia's POV “Bye! Ingat.” paalam ko saaking boss matapos ako nitong ihatid sa bahay. Mula pa noon ay isinasabay na nya ako sa pag uwi. Pabor naman sakin yon dahil makakatipid ako sa pamasahe at iwas hassle na rin sa pag commute. Pag harap ko naman sa aming bahay ay nakita ko naman ang aking lola na naka silip sa aming bintana. “Ang Boss mo ba iyon Aia?” Bungad nya saakin ng pag buksan nya ako ng pintuan. “Opo la.” nag mano muna ako kay lola bago pumasok sa loob. Sumunod naman saakin si lola. “Kumain ka na ba?” kinuha nito ang mga dala ko at iniligpit. Naupo naman ako sa aming sofa. “Opo lola kumain na kami ni Sir Dark bago umuwi.” ngumiti naman ang aking lola na tila nasisiyahan saaking sinabi. “Alam mo ija natitiyak kong may gusto saiyo yang boss mo.” Agad ko namang kinontra si lola. “Lola ilang beses ko po bang sasabihin na walang malisya yon kay sir Dark. Mabait lang po. Saakin yung tao.” “Apo ano bang masama sa sinasabi ko? May katarata ba yang mata mo bakit hi
3rd person's POV “mukhang malalim ang iniisip mo ah.” puna sakanya ni Dark. Nasa loob sya ngayon ng opisina nito at hinihintay itong matapos pirmahan lahat ng dokumentong binabasa pa nito. Pwede naman sana na tawagin na lang sya nito ulit kapag tapos na nitong aralin ang mga yon at pirmahan pero kakaiba din ang trip ng amo nyang ito. Ang gusto nito ay maghintay sya kung kelan nito matatapos pirmahan ang mga iyon saka pa lang sya pwedeng lumabas ng opisina. Nasasayang tuloy ang oras nya sa pag tanga sahalip na makapag trabaho pa sya. “Wala, may ini-isip lang ako.” wala sa mood nyang sagot dito. “Ano namang iniisip mo?” mukhang mas naging interesado pa ito sa iniisip nya kesa basahin ang mga dokumentong hawak nito. “Basahin mo na yang mga yan ng mapirmahan mo na marami pa akong kailangan tapusin sa table ko.” pag iiba nya ng usapan pero makulit talaga ang amo nya. “Ano nga munang iniisip mo? Diko to babasahin hanggat di mo sinasabi sakin.” napabuntong hininga naman sya s
Aia's POV. Wala na nga akong nagawa kundi daluhan sa pagkain ang boss kong sala sa lamig sala sa init ang mood swing. Palalagpasin ko muna ang sama ng loob ko sakanya. Gutom na rin kasi talaga ako kanina pa. “Sorry na.” napa angat naman ako ng tingin sakanya. Sinsero ang mukha nito sa pag sabi ng sorry. May kung anong kakaibang emosyon ay humaplos sa aking puso dahilan para bumilis ang tibok niyon. Maagap akong uminom ng tubig para mabawasan ang tensyon na nararamdaman ko. “I said I'm sorry.” malambing nitong saad. Bigla akong nakaramdam ng panlalambot. Para akong tinutunaw sa mga titig nyang punong puno ng pagsusumamo. Aia ano bang nangyayari sayo? Saway ko sa sarili ko. Tumikhim ako para tanggalin ang bara saaking lalamunan. “O-okay na! Sige na pinapatawad na kita!” kunwari ay naiinis kong saad para lang alisin ang kakaibang damdamin na hindi ko maipaliwanag. Ngumiti naman sya saakin ng napaka tamis kaya naman muli na naman nag hurimentado ang aking dibdib! Bakit ba ako n
Aia's POV Sinama ako ngayon ni Dark sa kanyang business proposal meeting. Nandito kami sa isang fine dining restaurant kaharap Si Mr. Milendres. Bakit ba kasi isinama pa ako ni Dark dito samantalang nagagawa naman nyang umatend ng business meeting ng hindi ako isinasama? Kanina pa ako naaalibadbaran sa secretary ni Mr. Milendres na panay ang Kawit ng buhok nito sa kanyang tenga. Nakakairita! Bat di nya na lang ipusod ang buhok nya para hindi panay ang hawi nya? Pasulyap sulyap din ito kay Dark at pangingiti na parang aso. Habang ito namang si Mr. Milendres parang aso ring naglalaway sa pag titig saakin. Yung totoo may lahi bang aso ang dalawang ito? “Ehem Mr. Milendres!” tumikim si Dark. Marahil napansin na din nito na hindi naman nakikinig sa mga sinasabi nya si Mr. Milendres dahil para itong asong naglalaway saakin. Balot na balot na nga ang katawan ko sa suot kong Turtle neck na long sleeve blouse Eh Kung tingnan ako ng matandang to para bang wala akong suot na saplot! Kun
Aia's POV. Hating gabi na ng makabalik kami ni Dark sa Manila galing Tagaytay. Kumain pa kasi kami doon at nagpalipas pa ng ilang sandali para mag star gazing. Tanghali na ng magising ako. Mabuti na lang talaga at linggo ngayon wala kaming pasok. Habang nasa harap ako ng aking vanity mirror ay hindi ko maiwasang magbalik tanaw sa nangyari kagabi. Nasa ibabaw kami ng sasakyan ni Dark habang pinapanood ang mga bituin sa ilalim ng kalawakan. Wala sa sarili kong dinama ang tibok ng puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko pag kasama ko si Dark? Hindi naman ako ganito dati. Dahil siguro ito sa mga pinagsasabi ni lola nung mga nakaraang araw kaya naco-concious ako bigla pag kasama ko sya. Ayokong magkaroon ng kahit konting pagtingin sa Boss ko. Alam kong mabait lang si Dark saakin dahil secretary nya ako at parang kaibigan lang ang turing nya saakin. Si Dark ang taong hindi nag seseryoso sa pag-ibig. Puro pakikipag s*x lang ang alam nito. Kapag ang mga babaeng naka s*x nya ay na
Aia's POV AIA'S POV “Good afternoon Kuya guard.” bati ko sa guard ng Company. Ngumiti naman ito saakin “Good afternoon Ma'am Aia.” bati rin nito pabalik. “Ah tinawagan kasi ako ni Sir Dark may kukunin lang ako sa office na mga documents.” “Yes ma'am tumawag na po kanina si Sir Dark. Pasok na po kayo sa loob.” naka ngiti nitong tugon saakin. Pagka kuha ko ng mga docs na kailangan ko ay lumabas na rin ako ng company. Nag book na lang ako ng Grab papunta sa condo ng magaling kong boss. Mag 1pm na ng tumingin ako sa wrist watch ko pero hindi pa rin ako nag lulunch. Hindi ko napigilang sumimangot. Nakakainis ka naman sir Dark! Kuhang kuha mo ang gigil ko! Pag dating ko sa condo unit ng boss Ko ay sinunod sunod ko ang pag pindot sa door bell. Ito ang napag buntunan ko ng inis. Gutom na gutom na ako pero heto ako kahit day off ay nag tatrabaho pa rin. Naka ilang pindot pa ako ng buzzer bago bumukas ang pinto. Napanganga naman ako ng iluwa noon ang boss kong naka topless l
3rd PERSON'S POV “Kung Ako sayo Aia, kumain ka na lang at wag ng gumawa ng ingay, kung ayaw mong mapagaya ka sa yaya ni Aira.” Ani Mildred na tumayo na. Tiningala sya ni Aia. “Mildred, nakikiusap ako sayo tulungan mo kaming makatakas dito ng anak ko. Alam kong hindi ka totoong masamang tao. Mildred, maawa ka sa anak ko. Wala syang kinalaman dito. Napaka bata nya pa Mildred, please..” pag mamakaawa ni Aia. Walang imik na tumalikod si Mildred. Sandaling napapikit bago nagpatuloy sa pag lakad palabas ng silid. Narinig nya pa na ilang beses tinawag ni Aia ang kanyang pangalan. Mabilis na pinahid ni Mildred ang kanyang luha para hindi mapansin ng kanyang mga kasama. Inaamin nya na sa maikling panahon na nakilala nya si Aia ay naging malapit na sya dito, ngunit kailangan nyang sundin kung ano ang gusto ni Light. Isa sya sa assassin na tauhan ni Light. Sa una pa lang na pumasok sya sa restaurant ay misyon na nya talagang mag matyag kay Sarah at Dark. Lahat ito ay ginagawa nya hindi
3rd PERSON'S POV “Where is Mika? I wanna talk to her.” sinamahan ni Sarah si Dark sa room ni Mika. Naka ilang katok sila bago sila pinag buksan ng pinto ni Mika, ngunit agad syang sinugod ni Dark at hinawakan sa leeg. “Tell me what did you do to Aia?” nag aapoy sa galit si Dark. Napaigik naman si Mika ng mahirapan syang huminga. “Elijah stop!” pigil ni Sarah kay Dark. Dahil inawat sya ni Sarah, pabalang nyang binitawan si Mika kaya napasalampak ito sa sahig. Napaubo rin si Mika dahil sa pananakal sakanya ni Dark. “Anong ginawa mo kay Aia? Sabihin mo kung saan mo sya dinala!” galit na sigaw ni Dark dahilan para mapapitlag si Mika. “Wala po akong ginawa sakanya. Sa katunayan sya pa nga po ang nanakit sakin kanina.” umiiyak sa takot na turan ni Mika habang nakayuko. “I know Aia, she won't hurt you if you don't provoke her first.” Ani Dark na nanlilisik ang mga mata. “Mika, please tell us, ano bang nangyari sainyo kanina?” Ani Sarah sa kalmadong tinig. “Ma'am Jane ina
3rd PERSON'S POV “Uhmmm..” patuloy sa pag ungol si Aia. Pinipilit nya ring kalagin ang pagkaka gapos ng kanyang kamay. Ramdam nya parin ang kirot ng pagkakapalo sa kanyang likuran kaya nahihirapan syang lagyan ng pwersa ang kanyang mga braso para sana makalag ang tali nya. Kahit naka tali ang kamay at paa ay pinilit nyang gumalaw sa malamig na sahig para makalapit sa anak na umiiyak. Gusto nya mang magsalita at tanungin si Mildred kung anong pakay nya? Bakit nya ito ginagawa? Ngunit hindi sya makapag salita dahil sa busal sa kanyang bibig. Awang awa sya sa kanyang anak na umiiyak. Malaking trauma ito para sakanya! Ano bang dahilan ni Mildred, bakit pati anak nya ay walang awang idinamay nya? Five years old lang si Aia! Anong kasalanan ng anak nya para igapos at busalan? *** Samantala walang kaalam alam si Dark sa nangyayari sa kanyang mag ina. Matapos ng pag uusap nila ni Sarah ay pinili nyang mag tungo sa Bar para uminom ng alak, kahit wala pang alas sais. Nang magbalik
3rd PERSON'S POV Nang makaalis si Dark ay bumangon na si Aia para mag palit ng damit. Matagal bago sya lumabas ng silid dahil hinintay nya munang makundisyon ang sarili. Nakakainis ang inaasal ni Dark! Akala nya magiging okay na sila pero bigla bigla na lang umatake ang pagka moody nito. Ilang sandali pa ay napag pasyahan nya ng lumabas ng silid. Sa hallway ay nasalubong nya si Vince na papunta na rin sana sakanya dahil nag aalala na rin ito kung anong ginawa sakanya ni Dark. Nakaramdam sya ng matinding galit ng makita ang mugtong mga mata ni Aia. Naikuyom nya ang kanyang kamay. Gusto nyang sapakin si Dark dahil alam nyang ito ang dahilan ng pag iyak ni Aia. “Anong ginawa nya sayo?” aniya sa mababang tono at pilit kinokontrol ang sarili. Umiling si Aia. “Hindi nya naman ako sinaktan physically Vince. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sya nagkakaganito.” tumahimik si Vince. Bilang isa ring lalaki, alam nya ang sagot sa mga ikinikilos ni Dark. Alam nyang nagiging pos
3rd PERSON'S POV “Aia here wear this.” turan ni Sarah kay Aia ng magpasama si Sarah sakanya sa Room nito. Napatingin si Aia sa bikini na inilabas ni Sarah galing sa luggage bag nito. “Huh?” tila nabibinging turan ni Aia. Hindi sya nagsusuot ng ganong klase ng swim wear. Kaya naman nya naisipang pagsuotin ng ganon si Aia dahil kanina pa nya napapansin na naka oversized tshirt lang si Aia at naka black na leggings. Sa palagay nya ay wala itong dalang swim wear. “Sabi ko isuot mo to. Don't worry may tag price pa yan kaya sure kang di ko pa nagagamit yan.” Ani Sarah. Muling napatitig si Aia sa black Bikini saka mariing nakagat ang ibabang labi. Wala syang balak mag suot ng ganon. Ni sa panaginip ay hindi nya pinangarap magsuot ng bikini. “Ayoko Sarah. Di ako sanay!” Pumalatak si Sarah. “Napaka KJ mo naman. Look at your outfit, hindi bagay sa beach. Alam mo, you are beautiful and sexy, minsan lang sa buhay mo ang makapag suot ng daring. Sige na please, pag bigyan mo na ako. I
3rd PERSON'S POV Niinis na nilagpasan ni Aia si Dark at nagtungo sa lababo para ilagay ang basong ginamit. “Don't turn back at me Aia, I'm not done talking.” Anito na muling sumunod sakanya sa lababo. Inis na hinarap ni Aia si Dark. “Dark, ano bang problema mo huh? Bakit ba galit na galit ka kay Vince? Hindi mo ba alam na naging mabuti saamin ng anak mo si Vince? Sya ang naging katuwang ko sa pagpapalaki kay Aira. Hindi nya tinuring na iba si Aira kaya naman hindi tama na maging magaspang ka sakanya.” “kasi pinili mong ilayo saakin ang anak ko. Hindi sana ang lalaking yon ang katuwang mo sa pagpapalaki ng anak ko kung sinabi mo saakin ang pagdadalang tao mo. Ngayon, gusto mong pasalamatan ko sya sa pag agaw nya ng dapat ay responsibilidad ko?” hindi makapaniwalang saad ni Dark. Natutop naman si Aia ang bibig. "The day I heard my daughter called him papa, I felt jealous! Wala akong pakialam Aia kung manliligaw mo sya o kung gusto mo sya, pero ayokong magkaroon ng kahati pag
3rd PERSON'S POV “Gilbert, he's my visitor so let him in.” tukoy ni Sarah kay Vince, sa pinaka head ng security ni Dark. Yumuko si Gilbert bilang pagbibigay galang kay Sarah. “Copy po Madam.” tugon nito at hinayaan na si Vince makapasok ng Mansyon. Nag palinga linga si Vince sa paligid habang tinatahak ang daan papalapit sa Mansyon. Bawat sulok ay may mga aramdaong lalaki na palakad lakad sa paligid ng bakuran. Meron ding mga K9 na dala ang iba. Ganito pala katindi ang security sa bahay nila Dark. Kahit papano ay nakampante na si Vince na ligtas ang mag ina sa loob ng bahay ng lalaki. Naabutan nila si Aira na nasa salas kasama si yaya Mariz. Naroon din si lola Ofelia na nakaupo sa kanyang wheel chair habang si Nurse Jing ay nasa tabi nito at nakaupo naman sa sofa. Doon sila sa ibaba nanunood ng TV habang naghihintay sa pag dating ni Aia. Napalingon sila ng maramdaman ang pagpasok nila Aira. Unang naka kuha ng atensyon ni Aira si Vince. Mabilis itong bumababa sa sofa at tum
3rd PERSON'S POV“Ano ka ba, hindi ganyang klase ng tao si Elijah. Masungit lang yon but he's a good man. Hindi na kayo iba sakanya.” pagtatanggol ni Sarah sa kanyang nobyo.Bigla naman nakaramdam ng pag aalala si Krissa ng may biglang maalala.“Sarah, kailan nyo ba balak mag pa kasal ni Elijah?” hindi maintindihan ni Sarah kung bakit bigla na lamang iyong itinanong ni Krissa sakanya.“Hindi pa sya nag po-propose.” sagot ni Sarah saka ngumiti para itago ang kirot na naramdaman sa dibdib.“Wag mong mamasamain ang sasabihin ko sayo Sarah, pero nitong mga nakaraan parang may kakaiba sa mga ikinikilos ng boy friend mo. I think merong kinalolokohang babae si Elijah.” hindi man direktang tinukoy ni Krissa kung sinong babae ang tinutukoy nito ay nagkaroon na sya ng idea.“Are you referring to Aia?” Hindi pa nga pala nya nasasabi kay Krissa ang tungkol sa nakaraan ni Elijah at Aia.“You already know?” mababakas sa mukha ni Krissa ang pagka bigla.Napabuntong hininga si Sarah. “Hindi ko pa nga
3rd PERSON'S POV Sabay ng pumasok sa restaurant si Aia at Sarah. Si Dark ay nauna ng umalis dahil. Malayo pa ang magiging byahe nito paluwas ng Manila. Two weeks lang naman ang ilalagi ni Sarah sa Pilipinas at babalik na rin ulit sya sa USA para muling mag bantay sa kanyang Mommy. Her Daddy from Australia came, at ito daw muna ang mag babantay sa Mommy nya para naman daw makabalik muna sya sa Pinas at maasikaso ang kanyang business. “Na miss ko na sila grabe.” turan ni Sarah habang sakay sila ng sasakyan. “Miss na Miss ka na din nila Sarah, kung alam mo lang. Masyado kasing strict si Dark sakanila.” Natatawang turan ni Aia. “Sinabi mo pa! para syang laging galit pag ibang tao ang kaharap. Para syang laging may trust issue. Well I can't blame him dahil na rin iyon sa panget na experience nya from his family.” napaisip naman si Aia. “At idagdag pa ang pag alis ko ng walang paalam at pagtatago ko sa anak namin.” malungkot na turan ni Aia. “Aia, if you wouldn't mind, can I ask