Share

K-54

Author: LonelyPen
last update Last Updated: 2025-04-03 21:33:49

ISABELLA

Panibagong pakikibaka na naman para kay Isabella ang araw na iyon. Graduating student na siya. Isang taon na lang, tapos na siya ng college. Matutupad na niya ang ipinangako niya sa kanyang ina na makakapagtapos siya. At malaki ang pasasalamat niya kay Maximus dahil siya ang dahilan kung bakit nakapag-aral ulit siya.

"Honey, mamaya after class mo, susunduin kita okay? Huwag ka ng mag-drive ngayon. Ihahatid kita," nakangiting wika ni Maximus.

Tumaas ang kilay ni Isabella. "Bakit? May pupuntahan ba tayo mamaya?"

Ngumisi si Maximus. "Secret. Hindi ko muna sasabihin. Basta mag-message ka agad sa akin after ng klase mo. Siguro mga thirty minutes before matapos ang klase mo para nandoon na agad ako sa parking."

Mabilis na tumango si Isabella. "Okay sige, honey. Bigla tuloy akong na-excite. Huwag na kaya akong pumasok?"

Natawa ang kanyang asawa. "Manahimik ka. Kailangan mong pumasok sa klase, okay? Ang sabi mo sa akin, sisipagan mo at hindi ka mag-a-absent."

Lumabi siy
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jenelyn Sechico Rivera
ayyiiiehhhh,,,sana mgka baby n kayo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My Ninong's Contract Wife   K-55

    CONRAD "Puwede ka na bang magkwento?" tanong niya kay Carla matapos nitong maubos ang pagkain na in-order niya.Halatang gutom na gutom si Carla dahil naubos nito ang lahat ng pagkain. Napansin din niya ang pagkakaroon nito ng eye bag at halatang walang maayos na tulog. Pati na rin ang pamumugto ng mga mata ng dalaga."Lumayas na ako sa bahay ng tita ko. Hindi ko na kasi kaya ang pang-aalipin niya sa akin. Pagod na pagod na ang katawan ko. Gusto ko lang naman makapagtapos. Oo malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil kinupkop niya pero sa tingin ko, nabayaran ko na iyon. Sa araw-araw na pagiging alipin ko sa kanya pati na sa dalawang anak niya, sapat na siguro iyon..." naluluhang wika ni Carla.Napakurap naman si Conrad. "Teka, saan ka nakatira ngayon kung umalis ka?""Doon sa isang kaibigan ko. Isang linggo lang ako puwedeng mag-stay doon. Kailangan ko ring umalis. Kasi babalik na iyong kasama niya sa bahay. Room for rent kasi doon. Mapapagalitan siya ng may ari."Hindi maiwasang m

    Last Updated : 2025-04-04
  • My Ninong's Contract Wife   K-56

    ISABELLA "Seryoso? Doon ka na talaga nakatira now sa condo unit ni Conrad?" gulat na tanong niya sa kaibigan. "Oo! Noong una nga, super nagulat talaga ako. Akala ko, nagbibiro lang siya pero totoo pala talaga. Alam mo iyong habang tinitingnan ko siya, parang hindi si Conrad ang kausap ko kagabi. Parang ibang tao eh. Parang super bait niya. Nahawaan mo siya ng kaibigan. Simula nang maging kaibigan natin siya, naging mabait siya eh," mabilis na sabi ni Carla. Tumawa ng mahina si Isabella. "Sa tingin ko, mabait naman talaga si Conrad. Siguro kaya lang siya naging pasaway dahil nga sa daddy niya, may hinanakit siya sa daddy. 'Di ba nga mas pabor iyong daddy niya sa kuya niya? At hindi pinapansin ng daddy niya iyong mga achievements niya? Kaya siya naging pasaway kasi nakukuha niya ang atensyon na gusto niya kapag nagpapasaway siya." Tumango-tango si Carla. "Kawawa naman pala siya. Kung gusto niya, suklian ko na lang ng pagmamahal ang kabaitan niya sa akin." Nanlaki ang mga mata

    Last Updated : 2025-04-04
  • My Ninong's Contract Wife   K-57

    ISABELLA Humugot ng malalim na paghinga si Isabella bago nagmaneho pauwi. Naninikip ang dibdib niya sa dami ng nabasa niyang hate comments. Iyon pa naman ang isa sa ayaw ni Isabella at kinatatakutan niya, ang mapahiya sa maraming tao. Minsan na kasing nangyari iyon sa kanya noong napahiya siya sa klase. Pinahiya siya ng kaklase niya sa bagay na hindi niya ginawa. Tinawanan siya ng mga kaklase niya at sobra siyang nahiya. Tumakbo siya pauwi sa kanilang bahay at hindi na pumasok pa pagtapos no'n. Isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa kanya nang siya'y makauwi. Ramdam niya ang labis na pag-aalala sa kanya ni Maximus. Sa bisig na siya ng kanyang asawa umiyak ng malakas. Sobrang lala ng pamba-bash na natatanggap niya ngayon. Habang lumilipas ang oras, maraming nakababasa ng post ni Clara. Maraming mga nagko-comment ng negative sa kanya. At kahit ayaw maapektuhan ni Isabella, hindi niya mapigilan. Hiyang-hiya siya. "Ayoko na munang pumasok sa school. Hindi ko kayang humarap sa mga

    Last Updated : 2025-04-05
  • My Ninong's Contract Wife   K-58

    ISABELLA Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Basta ang gusto niya, magpakalayo-layo. Gusto niyang maglaho. Ang gusto niya, malayo kay Maximus upang hindi na ito madamay pa. "I'm sorry, Maximus..." umiiyak niyang sabi. Kasalukuyan siyang nakasakay sa bus. Panay ang agos ng kanyang luha at wala na siyang pakialam kung tingnan siya ng katabi niyang pasahero. Nang huminto ang bus, bumaba na rin siya. Kumunot ang noo niya nang matanaw ang malawak na karagatan sa 'di kalayuan. May nilapitan siya kaagad na ale at nagtanong kung may alam ba itong mauupahan. "Sakto! Mayroon! Kaalis lang ng dating umuupa kahapon. Sa tabing dapat iyong bahay. Ayos lang ba sa iyo? Mayroon naman na medyo malayo sa dagat pero ang alam ko medyo mataas ang singil," wika ng ale na pinagtanungan niya. "Ayos lang po na sa tabing dagat. Mas gusto ko nga po iyon para lagi akong maliligo sa dagat," tugon niya sa matanda. "Okay sige. Halika puntahan na natin iyong bahay na uupahan mo. Ikaw lang ba mag-is

    Last Updated : 2025-04-05
  • My Ninong's Contract Wife   K-59

    ISABELLA Mariing pumikit si Isabella dahil kahapon pa siya nahihilo at saka dahan-dahang naglakad patungo sa kanyang kuwarto doon. Isang linggo ang lumipad simula nang lumipat siya doon, makompleto kaagad niya ang gamit niya. May kama, ref, sala set, dining table at kung anu-ano pang gamit sa bahay. Kakaunti lang ang nabawas sa perang ibinigay sa kanya ni Maximus. Hindi niya alam kung may message ba sa kanya si Maximus sa personal account niya. Binura na kasi niya iyon at wala na siyang balak buksan pa para ma-recover. Dummy account lang ang gamit niya ngayon pero hindi niya masyadong binubuksan dahil ayaw niyang makabasa ng kahit anong magpapasakit ng damdamin niya. "Ineng! Isabella!" tawag ni Lora mula sa labas. Mabagal na lumakad si Isabella patungo sa pinto at saka iyon binuksan. Bumungad sa kanya ang matanda. Pumasok ito sa loob. "Ineng... ang sabi sa akin ng apo kong si Sam, ikaw daw ito?" wika ni manang Lora sabay abot ng cellphone niya. Kinuha iyon ni Isabella at nak

    Last Updated : 2025-04-06
  • My Ninong's Contract Wife   K-60

    CLARA Matapos ang interview ni Maximus, sari-saring komento ang kanyang natanggap. Hindi iyon inasahan ni Clara. Kaya naman dali-dali niyang binura ang kanyang post at saka nag-deactivate ng kanyang social media account. Ngunit maraming netizens ang nakapag-screen shot ng kanyang post pati na ang pangalan niya sa social media. Naka-save rin ang picture niya at kinakalat na ngayon. Siya na ngayon ang bina-bash ng mga tao. At kung anu-anong mga below the belt na salita ang natanggap niya sa mga ito. "Tsk! Tanga-tanga ka rin kasi eh! Sinabihan na kitang huwag kang magpo-post ng ganiyan, nag-post ka pa!" sigaw sa kanya ni Leah. Nagkaayos na silang dalawa matapos i-explain ni Leah na pera lang ang habol niya kay Arthuro. At siya na ang gaganti para kay Clara. Kapag naubos na ang pera ni Arthuro at kapag naging mahirap na ito, basta na lang niya iiwan ang lalaki. "Nadala lang ako ng emosyon ko kaya nagawa ko iyon! Syempre, mahal ko pa rin naman si Maximus! Hindi ko akalain na magpapa-in

    Last Updated : 2025-04-07
  • My Ninong's Contract Wife   K-61

    ISABELAL "Hindi mo naman sinabi sa akin na napakaguwapo pala ng asawa mo at napakayamang tao! Napanuod mo ba ng buo ang interview niya? Grabe! Mahal na mahal ka ng asawa mo! May bayad kaya ang ganiyan, iyong talagang ginusto niyang ipalabas sa T. V! At ginawa niya yan marahil para maraming makaalam at malinis ang pangalan mo!" bulalas ni manang Lora. Hindi makapaniwala si Isabella sa naging aksyon ng kanyang asawa. Pakiramdam tuloy niya, napakaganda niya. Pero kahit na gumawa na ng paraan si Maximus para ilabas ang katotohanan, gusto muna ni Isabella na manatili sa lugar na iyon. Naging komportable na siya doon dahil payapa. Malayo sa mga mapanghusgang tao. Kapag nalulungkot siya, lalabas lang siya at tatanawin ang malinaw na tubig sa dagat. "Mabuti naman at maraming tao ang nakaalam kung ano ang totoo. Hindi na ako mahihiya pang magpakita sa kanila pero ayoko munang umalis sa lugar na ito. Payapa po kasi. Komportable na ako dito tapos nakakausap ko pa kayo. Ang bait niyo po sa ak

    Last Updated : 2025-04-08
  • My Ninong's Contract Wife   K-62

    ISABELLA "To-Totoo ba ito? Talagang magiging da-daddy na ako?" hindi makapaniwalang tanong ni Maximus sa kanya. Mabagal siyang tumango at saka hinaplos ang mukha ng kanyang asawa. "Yes, honey... magiging daddy ka na. Magiging mommy na ako. Hindi ko alam na buntis na pala ako noong umalis ako. Laking pasasalamat ko na napunta ako sa lugar na ito dahil hindi ako masyadong na-stress. Kung nangyari kasi iyon, baka pati si baby naapektuhan. Mabait ang nag-aalaga sa akin dito at nakakausap ko sila palaging maglola." "Nasaan sila? Kailangan ko silang makita at mabigyan ng pabuya dahil hindi ka nila biniyayaan!" bulalas ni Maximus bago tumingin sa kanyang kaibigan. Ngumisi si Johnny. "Hindi mo na pala kailangang punlaan ang asawa mo. Buntis na pala. I'm so happy for you, Maximus. Daddy ka na rin sa wakas!" Naluluhang nginitian ni Maximus ang kanyang kaibigan bago siya bumaling sa asawa at muli itong niyakap. Naluha ring muli si Isabella habang yakap ang asawa. Sa wakas, buo na muli

    Last Updated : 2025-04-09

Latest chapter

  • My Ninong's Contract Wife   K-80

    CONRAD "Sige. Pumapayag ako sa gusto mo. Pumapayag akong pakasalan ka kapalit ng sampung milyon." Umalingangaw ang sinabing iyon ni Carla sa kanyang isipan. Kasabay nito ang malawak na ngiti sa kanyang labi. Sa wakas, nagkaroon na siya ng dahilan para mapasa kanya ang babaeng matagal na niyang gustong makasama. "Tutulungan kitang bumangon ulit. At sisiguraduhin kong magagawa mo akonh mahalin, Carla. Pangako ko sa iyo na Hhindi ka magsisi kapag minahal mo ako. Tandaan mo iyan. Tunay ang nararamdaman ko para sa iyo," seryoso niyang sabi sa dalaga. Napangiwi naman si Carla sabay hingang malalim. "Ang dami mo namang sinabi! Basta! Bahala na! Ayoko munang magsalita ng tapos dahil hindi natin alam kung ano ang mga mangyayari sa susunod na mga araw." "Ayos lang. Naiintindihan naman kita. Alam kong hindi mo pa ako mahal pero mamahalin mo rin ako pagdating ng araw. At sisiguraduhin kong mababaliw ka sa akin, baby," nakangising wika ni Conrad. Nalukot ang mukha ni Carla sabay ilin

  • My Ninong's Contract Wife   K-79

    CARLAMatapos ang ilang oras na usapan nina Carla at Isabella, nagpasundo na si Carla sa binatang si Conrad. Ngunit bago pa man siya tuluyang umuwi sa bahay ng binata, binisita niya muna ang kanyang nasunog na bahay. Wala siyang naisalbang kahit anong gamit doon. Durog na durog ang kanyang puso habang nakatingin sa kanyang nasunog na bahay."Hindi ko akalaing sa isang iglap, mawawalang parang bula ang bahay na pinaghirapan kong buuin. Pero ganoon talaga, siguro isa ito sa pagsubok ko sa buhay. Isa ito sa pagsubok na lalong magpapatibay sa akin. Hindi ako basta-basta mapapasuko. Aangat akong muli," bulong ni Carla sa kanyang sarili. "Magpahinga ka na. Doon ka na sa bahay ko tumira. Kahit doon ka na nga habambuhay tumira," biglang sabi sa kanya ni Conrad.Nilingon niya ang binata at saka tinawanan. "Saglit lang ako titira sa bahay mo. Nahiya ako sa ganda ng bahay mo. Parang mansyon sa ganda. Sana, magkaroon din ako ng ganiyang kagandang bahay."Seryoso siyang tiningnan ni Conrad. "Hind

  • My Ninong's Contract Wife   K-78

    CARLA "Good morning. Kumusta ang tulog mo? Nakapagpahinga ka ba ng maayos?" bungad ni Conrad sa kanya nang bumaba siya at magtungo sa kusina. Mabagal siyang tumango at saka ngumiti. "Tuloy-tuloy ang naging tulog ko. Salamat, Conrad." Hinawakan siya sa kamay ni Conrad at saka inalalayang makaupo. Doon na siya nakaramdam ng gutom nang makita ang mga pagkain sa mesa. "Kumain ka na muna. Huwag mo munang isipin ang mga nangyari kagabi. Ang mahalaga, ligtas ka. Walang nangyaring masama sa iyo. Puwede ka pang bumangon ulit." Tahimik na kumain na lamang si Carla. Ayaw niyang maisip pa ang nangyari sa kanya na kamalasan. Kahit na sa totoo lang, nasasaktan siya ngayong nawala na halos sa kanya ang pinaghirapan niya. May pera pa naman siya sa kanyang bank account pero hindi niya alam kung kakasya ba iyon para makapagsimula ulit. Baka tipirin na lang muna niya iyon para sa kanyang sarili habang nagsisimula ng paunti-unti. "Puwede bang ihatid mo ako sa bahay nina Isabella? Gusto kong mak

  • My Ninong's Contract Wife   K-77

    CARLA Hindi akalain ni Carla na makakatulog siya matapos ang mainit nilang bakbakan sa kama ni Conrad. Pagkagising niya, nagulat siya nang makitang makasuot na siya ng short at damit. Pero wala siyang suot na bra. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama at saka sumilip sa labas. Madilim na. Kinuha niya ang kanyang cellphone at saka tiningnan ang oras. Alas onse na ng hatinggabi. "Mabuti gising ka na, baby," maharot na sabi ni Conrad nang pumasok siya sa kuwartong iyon. Napalunok ng laway si Carla nang magtitigan sila ni Conrad. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagpabira siya sa binata. 'Anong klaseng utak ang mayroon ka, Carla?! Bakit nagpatusok ka sa lalaking iyan! Hindi mo siya boyfriend pero hinayaan mo siyang tusukin ang perlas mo! Napakabobo mo!' sigaw niya sa isipan. "Kumain na tayo. Hinihintay kitang magising. Gusto kong sabay tayong kumaing dalawa. Halika na dito sa mesa," malambing na wika ni Conrad. Ngayon niya lang napansin na may lamesa na pala doon na kasya lang

  • My Ninong's Contract Wife   K-76

    CARLA "Buwisit talaga! Nakakainis! Bakit na-trap pa ako sa lugar na ito kasama ang kurimaw na iyon!" inis na sambit ni Carla sa sarili. Sumapit na lang ang hapon, malakas pa rin ang ulan. Nakakakilabot na kulog at kidlat ang nagpapatindig ng balahibo ni Carla. Sinabayan pa ng malakas na hangin. Naiinis siya ngunit wala siyang magawa kundi ang manatili sa lugar na iyon kaysa naman madisgrasya silang dalawa ni Conrad. Kasalukuyang nakikipaglaro si Conrad sa mga bata doon. Habang si Carla naman, nasa kuwarto lang nila. Nakatulala lamang siya dahil na-low bat ang kanyang cellphone. Mabuti na lang nakapag-message pa sa siya pinagkakatiwalaan niyang empleyado kanina. "Hindi ka ba lalabas sa kuwartong ito? Baka nabo-boring ka," biglang sabi ni Conrad nang sumulpot na ito sa kanilang kuwarto doon. Tiningnan niya saglit ang binata bago muling tinuon ang tingin sa kisame. Sa isip ni Carla, pinarurusahan yata siya ngayon dahil sa ginawa niyang paglaho ng parang bula. Pero sa isip niya

  • My Ninong's Contract Wife   K-75

    CARLA "Mr. Vasquez, naabutan po kayo ng bagyo. Hindi ako sigurado kung makakauwi na kayo ngayong araw. May nagsabi sa akin mula sa baba ng bundok na may gumuhong lupa raw sa daan. At hindi pa madadaanan ang kalsadang iyon kaya wala pang umaakyat na sasakyan dito sa bundok. Welcome na welcome naman po kayo dito at sapat ang pagkain natin dito," wika ng madre doon. Napahawak sa kanyang sintido si Carla habang si Conrad naman ay patagong ngumiti. Sa katunayan, alam ni Conrad na may parating na bagyo. At talagang naisipan niyang magpunta na agad sa bahay ampunan para doon maabutan ng bagyo. "Sige po, Ms. Santos. Ayoko naman pong may mangyaring masama sa aming dalawa sa byahe kaya dito na lang po muna kami hanggang sa makaalis ang bagyo," wika ni Conrad bago ngumiti. Hinawakan ni Carla ang kanyang batok bago naglakad na patungo sa kanilang kuwarto ni Conrad. Naiinis siya sa nangyayari. Parang nagsisisi tuloy siyang sumama pa siya kay Conrad. 'Kainis naman talaga oo! Bakit ganito

  • My Ninong's Contract Wife   K-74

    CONRAD "Ang lusog ng dibdib mo, Carla. Parang gusto kong pagdausdusin ang dila ko sa pagitan ng magkabila mong susó. Puwede ko bang gawin iyon? Pagkatapos ng gabing ito, sisiguraduhin kong hahanap-hanapin mo ang bawat bayo kong isasagad ko sa loob mo." Pinagmasdan niya ang magandang katawan ng dalaga. Ngayong nasa kanyang harapan na ang putaheng kailanman ay hindi nawala sa kanyang panlasa, ayaw na niya itong pakawalan. Walang kaalam-alam si Carla na palaging nakabantay sa kanya si Conrad sa loob ng mahabang panahon. Hindi lang siya nilalapitan ng binata dahil gusto niyang makapag-focus ito sa kanyang negosyo at maging successful. At dahil naging successful naman na si Carla, gumawa na siya ng paraan para magkalapit silang dalawa. "Conrad, please... nagmamakaawa ako, huwag mong gawin sa akin ito... parang hinalay mo na rin ako kung sakaling pipilitin mong may mangyari sa atin," naluluhang wika ni Carla. Napalunok siya ng laway at tila nanlambot nang tumulo na ang butil na luha s

  • My Ninong's Contract Wife   K-73

    CARLA Hindi lubos akalain ni Carla na masyado pa lang malayo ang bahay ampunan na pupuntahan nila. Umabot ng apat na oras ang kanilang byahe. Paano ba naman kasi... nasa itaas ng bundok pala ang kinaroroonan ng bahay ampunan na iyon. Malaki ang bahay ampunan na iyon at malawak ang lupain na pagmamay ari ng namamahala ng bahay ampunan. Doon dinadala ang mga batang nakikita nila sa kalsada na walang mga magulang. Inaalagaan ang mga ito ng mga madre doon at tinuturuan ng mabuting asal. At kapag may mag-asawang gustong mag-ampon sa isa mga bata doon, pumapayag naman ang mga madre. Ngunit sinisiguro muna nilang mabubuting mag-asawa ang aampon sa mga batang inalagaan nila. Na alam nilang magkakaroon ng magandang buhay ang batang aampunin. "Ang layo naman pala ng lugar na ito! Sa tuktok na yata ng bundok ito eh!" reklamo ni Carla. "Talagang malayo ito sa mga taong walang magandang maidudulot sa mga batang nandito. Nakita mo naman ang lugar na ito, puro puno kaya sariwang hangin ang

  • My Ninong's Contract Wife   K-72

    CARLA "Ngayong natagpuan na ulit kita, sa tingin mo ba papayag pa akong mawala ka na naman? Gusto kong malaman kung bakit bigla ka na lang naglaho matapos ang gabing iyon. Gusto kong malaman kung ano ang naramdaman mo matapos ang gabing iyon. Dahil kung ako ang tatanungin mo matapos ang gabing iyon, hindi na ko ito magawang alisin sa aking isipan. At gusto kong maulit pa ito ng maraming beses," mapang akit na wika ni Conrad bago siniil ng halik si Carla. Sinubukang manlaban ni Carla ngunit hindi niya nagawang itulak palayo si Conrad. Masyadong malakas ang binata para itulak niya ito palayo. At isa pa, nanghina siyang bigla. Hindi niya alam kung bakit biglang nawalan ng lakas ang kanyang mga kamay at braso. Hanggang sa natagpuan na lang niya ang sariling tumutugon na pala sa mainit na halik ng binata. Ngayon na lamang siya ulit nahalikan ng isang lalaki. At si Conrad na naman ulit ang nakagawa nito. Napamulat siya nang biglang hawakan ni Conrad ang kanyang págkababae. At doon na n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status