ISABELLA "Single ba iyong ninong mo? Puwede bang ilakad mo ako sa kanya?" nakangising wika ni Carla habang naglalakad sila patungo sa kanilang classroom. "Ikalma mo nga iyang bilat mo. Ayaw ni ninong sa bata. At saka wala pang balak na mag-asawa ang ninong kong iyon. Ubod ng sungit no'n. Kaya nga rin wala pa akong boyfriend dahil bawal pa. Kailangan ko munang makapagtapos sabi niya. Mapapalayas talaga ako sa bahay no'n," palusot niya sa kaibigan. Lumabi si Carla. "Sayang naman. May kilala ako na magkatuluyan din silang dalawa ng ninong niya. Ang bait kasi ng ninong niya tapos ang guwapo pa. Naging buhay reyna siya. Iyong mga nagdaang boyfriend niya, hindi naman ganoon ang trato sa kanya. Hindi siya inaasikaso. Iba raw magmahal ang ninong niya. Kaya ang sabi niya sa akin, nasa ninong daw ang true love." Tumawa si Isabella dahil sa loob-loob niya, kinikilig siya. Ngayong mag-asawa pa sila ni Maximus, may karapatan pa siya kahit papaano na landiin ang kanyang ninong. Natatawa nga
ARTHURO"Putangina talaga!" galit na galit niyang sigaw dahil may masamang balita na namang nakarating sa kanya.Ang staycation na pagmamay ari niya ay inulan na naman ng negative feedback. May nag-post na namang nagpa-book doon at lahat ng mga sira sa lugar na iyon ay naka-post online. Malas niya lang at hindi niya nakilala ang nagpa-book. Ibang pangalan din ang ginamit ni Maximus. Binayaran niya ang namamahala doon para hindi na alamin ang tunay nilang pangalan."Oh pare, kalma lang! Nag-iinuman lang tayo dito pero ikaw diyan, kulang na lang umusok sa galit!" natatawang sabi sa kanya ni Raul.Asar niyang inubos ang alak sa kanyang baso. "Tangina kasi! Iyong staycation ko naman ang inuulan ng batikos! Hindi ko alam kung anong nangyayari eh! Ngayon na lang ulit ako naka-encounter ng sobrang arte na tao! Lahat ng mga kulang doon pati na kaunting mali lang, naka-post online! Tangina kasi eh! Hindi ko napaayos ang CCTV doon kaya hindi ko man lang nakita ang pagmumukha ng putanginang nagp
ISABELLA Nakatulala si Isabella habang naghihintay na dumating ang kanilang professor. Iniisip niya pa rin ang sinabi sa kanya ni Maximus kagabi. Hindi niya alam kung may nagawa ba siyang mali o ano para biglang mag-iba ang ihip ng hangin. "Hoy, ayos ka lang ba? Kanina ka pa diyan tulala. Malalim pa yata sa balon ang iniisip mo. May problema ba? Tungkol na iyan sa school o pamilya mo?" tanong sa kanya ni Carla nang kalabitin siya nito. Mabagal niyang pinihit ang kanyang ulo. "Ayos lang ako. May iniisip lang talaga ako. Huwag mo na lang akong pansinin. Hayaan mo na lang muna ako," mahina niyang sabi. "Sigurado ka ba diyan? Hindi ako sanay na ganiyan ka. Pero sige, hahayaan na muna kita," wika ni Carla at saka humanap na ng pagkakaabalahan. Bumuga ng hangin si Isabella. Iniisip niya talaga kung may nagawa siyang hindi nagustuhan ng kanyang ninong Maximus. Ngunit wala siyang maalala na mayroon siyang ginawa. 'Ayos naman kaming dalawa no'ng isang araw. May harutang naganap pa
ISABELLA Tiningnan niya ang kanyang mukha sa salamin nang magising siya kinabukasan. Umiyak kasi siya kagabi pero hindi naman ganoon katagal. Masama lang ang loob niya kay Maximus dahil sa biglang panlalamig nito sa kanya. Hindi niya alam ang dahilan ni Maximus kung bakit bigla itong nanlamig. "Masarap ba? Ano? Mukhang hindi yata eh," boses ng isang babae nang buksan niya ang silid ng kaniyang kuwarto. Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan at nakita niya ang isang magandang babaeng nakatingin kay Maximus habang nakangiti ng malawak. Kumunot ang noo niya. 'At sino naman ang babaeng ito? Maganda siya pero mukhang tinatagong ugali. Ang itsura niya, parang kontrabida sa kwento,' wika niya sa isipan. "Masarap naman. Okay na ang lasa," tugon ni Maximus sa tanong ng babae kanina. Umirap si Isabella. Sa isip niya, baka ang babaeng ito ang dahilan kung bakit biglang nanlamig sa kanya si Maximus. Kung bakit bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin. Dumiretso siya sa lababo at saka naghugas
CONRAD Hindi niya akalaing kasama niya ngayon si Isabella sa isang kilalang coffee shop habang masayang nagkukuwentuhan. Hindi siya mahilig sa kape. Pero dahil hilig pala iyon ni Isabella, sa tingin niya magugustuhan na rin niya. "Tawa ka nang tawa. Parang gusto mo na yatang mag-asawa. Asawahin mo na kaya ako," biro niya kay Isabella. "Hoy! Anong pinagsasabi mo diyan? Porke tawa nang tawa, iyon agad! Hindi ko nga iniisip iyan. Masyado pa akong bata. At isa pa, hindi basta-basta ang pag-aasawa 'no! Hindi iyan mainit kanin na basta na lang iluluwa kapag hindi kinaya ang init. Kaya ikaw, mag-enjoy ka muna sa pagiging binata mo. Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan?" tanong ni Isabella sa kanya. "Well, may maliit akong negosyo. Vape shop." Namilog ang mata ni Isabella. "So mahilig ka mag-vape?" "Hindi naman palagi. Kapag trip ko lang. Masama din iyon sa kalusugan. Kumbaga, bihira lang talaga. Bakit? Ayaw mo ba sa lalaking smoker?" Tumango si Isabella. "Oo ayoko. Nahihilo ng
ISABELLANapasinghap siya ng hangin dahil kulang na lang, sipsipin ni Maximus ang buo niyang pagkatao. Halimaw pala kung makipaghalikan ang kanyang ninong. Sipsip kung sipsip ang ginawa nito sa kanyang labi. Nilalamon ng husto ang kanyang labi. Hindi simple kung humalik. Parang mayroong halong panggigigil."Ako ba ang first kiss mo?" tanong sa kanya ni Maximus.Mabagal siyang tumango. "O-Opo... kayo nga. B-Bakit niyo po ako hinalikan?"Tumikhim si Maximus sabay iwas ng tingin. "Dahil nakakainis ka."Umarko ang kilay niya. "At bakit naman po ako nakakainis? Ano po ba ang ginawa kong kinainisan ninyo?""Sa tingin mo, ano? Madalas ka ng gabi kung umuwi. Nitong nakaraan naman, pagtapos ng klase mo nandito ka na agad sa bahay. Mukhang nasisiyahan ka na yata kasama ang sinasabi mong kaibigan," ramdam niya ang bigat sa tinig ni Maximus. Tumikhim siya sabay kamot sa ulo. "Wala naman po sigurong masama, 'di ba? Gusto ko lang din naman pong maglibang. At isa pa, kakaunti lang naman ang kaibiga
CLARA"Leah... parang hindi ko na kaya pang makasama si Arthuro. Hindi na ako masaya sa kanya. Gusto ko ng makipaghiwalay sa kanya," umiiyak niyang sabi sa kaibigan nang dalawin siya nito."Hala ka! Eh paano iyan? Kaya ka naghiwalay kayong dalawa ni Maximus ay dahil masaya ka kay Arthuro. Siya ang pinili mo. Tapos sasabihin mo iyan? Ano ka ba?" wika ni Leah habang nakabusangot ang mukha.Mariing pumikit si Clara. Hindi na talaga niya alam kung mahal pa ba niya si Arthuro. Matapos ang pananakit nito sa kanya, bigla na lang nawala ang nararamdaman niyang pagmamahal at pananabik sa tuwing magkikita silang dalawa ni Arthuro. Hindi siya sinasaktan ni Maximus. At hindi niya maiwasang isipin ang dating kinakasama."Ang tanga-tanga ko. Hindi na lang dapat ako nagpadala sa tukso. Hindi ko na lang dapat nilandi si Arthuro. Ngayon, ako ang nagdudusa. Hindi ko man lang naisip kung bakit walang babaeng tumatagal sa kanya. Iyon pala, hindi maganda ang ugali niya. At masyado niyang mahal ang pera ni
MAXIMUS "Puwede mo ba akong samahang lumabas now? Medyo bored na kasi ako sa condo. At gusto ko sanang mag-shopping now," malanding wika ni Diana. Nakatingin lang siya sa babae. Walang reaksyon ang kanyang mukha. "Bakit? Wala ka bang ibang makakasama? Si Johnny. Bakit hindi ka magpasama doon?" "Sira ka! May asawa iyong tao. Syempre, marunong akong makiramdam 'no! Hindi porke magkaibigan kami ni Johnny, magpapasama na ako palagi sa kanya. At syempre, sa mall iyon dahil magsha-shopping nga ako. Ano sa tingin mo ang iisipin ng asawa niya, 'di ba?" nakangusong wika ni Diana. Bumuntong hininga si Maximus. Pinipilit naman niyang ituon ang atensyon niya kay Diana. Para hindi na lalong lumala pa ang paghanga niya kay Isabella pero nahihirapan siya. Sumasagi talaga palagi sa kanyang isipan ang mapang akit niyang inaanak. Kung tutuusin, ayos lang naman kung siya ang kumuha ng virginity ni Isabella. Pero pinipigilan niya ang kanyang sarili dahil ayaw niyang maging mapagsamantala. Ayaw
CONRAD "Sige. Pumapayag ako sa gusto mo. Pumapayag akong pakasalan ka kapalit ng sampung milyon." Umalingangaw ang sinabing iyon ni Carla sa kanyang isipan. Kasabay nito ang malawak na ngiti sa kanyang labi. Sa wakas, nagkaroon na siya ng dahilan para mapasa kanya ang babaeng matagal na niyang gustong makasama. "Tutulungan kitang bumangon ulit. At sisiguraduhin kong magagawa mo akonh mahalin, Carla. Pangako ko sa iyo na Hhindi ka magsisi kapag minahal mo ako. Tandaan mo iyan. Tunay ang nararamdaman ko para sa iyo," seryoso niyang sabi sa dalaga. Napangiwi naman si Carla sabay hingang malalim. "Ang dami mo namang sinabi! Basta! Bahala na! Ayoko munang magsalita ng tapos dahil hindi natin alam kung ano ang mga mangyayari sa susunod na mga araw." "Ayos lang. Naiintindihan naman kita. Alam kong hindi mo pa ako mahal pero mamahalin mo rin ako pagdating ng araw. At sisiguraduhin kong mababaliw ka sa akin, baby," nakangising wika ni Conrad. Nalukot ang mukha ni Carla sabay ilin
CARLAMatapos ang ilang oras na usapan nina Carla at Isabella, nagpasundo na si Carla sa binatang si Conrad. Ngunit bago pa man siya tuluyang umuwi sa bahay ng binata, binisita niya muna ang kanyang nasunog na bahay. Wala siyang naisalbang kahit anong gamit doon. Durog na durog ang kanyang puso habang nakatingin sa kanyang nasunog na bahay."Hindi ko akalaing sa isang iglap, mawawalang parang bula ang bahay na pinaghirapan kong buuin. Pero ganoon talaga, siguro isa ito sa pagsubok ko sa buhay. Isa ito sa pagsubok na lalong magpapatibay sa akin. Hindi ako basta-basta mapapasuko. Aangat akong muli," bulong ni Carla sa kanyang sarili. "Magpahinga ka na. Doon ka na sa bahay ko tumira. Kahit doon ka na nga habambuhay tumira," biglang sabi sa kanya ni Conrad.Nilingon niya ang binata at saka tinawanan. "Saglit lang ako titira sa bahay mo. Nahiya ako sa ganda ng bahay mo. Parang mansyon sa ganda. Sana, magkaroon din ako ng ganiyang kagandang bahay."Seryoso siyang tiningnan ni Conrad. "Hind
CARLA "Good morning. Kumusta ang tulog mo? Nakapagpahinga ka ba ng maayos?" bungad ni Conrad sa kanya nang bumaba siya at magtungo sa kusina. Mabagal siyang tumango at saka ngumiti. "Tuloy-tuloy ang naging tulog ko. Salamat, Conrad." Hinawakan siya sa kamay ni Conrad at saka inalalayang makaupo. Doon na siya nakaramdam ng gutom nang makita ang mga pagkain sa mesa. "Kumain ka na muna. Huwag mo munang isipin ang mga nangyari kagabi. Ang mahalaga, ligtas ka. Walang nangyaring masama sa iyo. Puwede ka pang bumangon ulit." Tahimik na kumain na lamang si Carla. Ayaw niyang maisip pa ang nangyari sa kanya na kamalasan. Kahit na sa totoo lang, nasasaktan siya ngayong nawala na halos sa kanya ang pinaghirapan niya. May pera pa naman siya sa kanyang bank account pero hindi niya alam kung kakasya ba iyon para makapagsimula ulit. Baka tipirin na lang muna niya iyon para sa kanyang sarili habang nagsisimula ng paunti-unti. "Puwede bang ihatid mo ako sa bahay nina Isabella? Gusto kong mak
CARLA Hindi akalain ni Carla na makakatulog siya matapos ang mainit nilang bakbakan sa kama ni Conrad. Pagkagising niya, nagulat siya nang makitang makasuot na siya ng short at damit. Pero wala siyang suot na bra. Dahan-dahan siyang bumangon sa kama at saka sumilip sa labas. Madilim na. Kinuha niya ang kanyang cellphone at saka tiningnan ang oras. Alas onse na ng hatinggabi. "Mabuti gising ka na, baby," maharot na sabi ni Conrad nang pumasok siya sa kuwartong iyon. Napalunok ng laway si Carla nang magtitigan sila ni Conrad. Hindi pa rin siya makapaniwala na nagpabira siya sa binata. 'Anong klaseng utak ang mayroon ka, Carla?! Bakit nagpatusok ka sa lalaking iyan! Hindi mo siya boyfriend pero hinayaan mo siyang tusukin ang perlas mo! Napakabobo mo!' sigaw niya sa isipan. "Kumain na tayo. Hinihintay kitang magising. Gusto kong sabay tayong kumaing dalawa. Halika na dito sa mesa," malambing na wika ni Conrad. Ngayon niya lang napansin na may lamesa na pala doon na kasya lang
CARLA "Buwisit talaga! Nakakainis! Bakit na-trap pa ako sa lugar na ito kasama ang kurimaw na iyon!" inis na sambit ni Carla sa sarili. Sumapit na lang ang hapon, malakas pa rin ang ulan. Nakakakilabot na kulog at kidlat ang nagpapatindig ng balahibo ni Carla. Sinabayan pa ng malakas na hangin. Naiinis siya ngunit wala siyang magawa kundi ang manatili sa lugar na iyon kaysa naman madisgrasya silang dalawa ni Conrad. Kasalukuyang nakikipaglaro si Conrad sa mga bata doon. Habang si Carla naman, nasa kuwarto lang nila. Nakatulala lamang siya dahil na-low bat ang kanyang cellphone. Mabuti na lang nakapag-message pa sa siya pinagkakatiwalaan niyang empleyado kanina. "Hindi ka ba lalabas sa kuwartong ito? Baka nabo-boring ka," biglang sabi ni Conrad nang sumulpot na ito sa kanilang kuwarto doon. Tiningnan niya saglit ang binata bago muling tinuon ang tingin sa kisame. Sa isip ni Carla, pinarurusahan yata siya ngayon dahil sa ginawa niyang paglaho ng parang bula. Pero sa isip niya
CARLA "Mr. Vasquez, naabutan po kayo ng bagyo. Hindi ako sigurado kung makakauwi na kayo ngayong araw. May nagsabi sa akin mula sa baba ng bundok na may gumuhong lupa raw sa daan. At hindi pa madadaanan ang kalsadang iyon kaya wala pang umaakyat na sasakyan dito sa bundok. Welcome na welcome naman po kayo dito at sapat ang pagkain natin dito," wika ng madre doon. Napahawak sa kanyang sintido si Carla habang si Conrad naman ay patagong ngumiti. Sa katunayan, alam ni Conrad na may parating na bagyo. At talagang naisipan niyang magpunta na agad sa bahay ampunan para doon maabutan ng bagyo. "Sige po, Ms. Santos. Ayoko naman pong may mangyaring masama sa aming dalawa sa byahe kaya dito na lang po muna kami hanggang sa makaalis ang bagyo," wika ni Conrad bago ngumiti. Hinawakan ni Carla ang kanyang batok bago naglakad na patungo sa kanilang kuwarto ni Conrad. Naiinis siya sa nangyayari. Parang nagsisisi tuloy siyang sumama pa siya kay Conrad. 'Kainis naman talaga oo! Bakit ganito
CONRAD "Ang lusog ng dibdib mo, Carla. Parang gusto kong pagdausdusin ang dila ko sa pagitan ng magkabila mong susó. Puwede ko bang gawin iyon? Pagkatapos ng gabing ito, sisiguraduhin kong hahanap-hanapin mo ang bawat bayo kong isasagad ko sa loob mo." Pinagmasdan niya ang magandang katawan ng dalaga. Ngayong nasa kanyang harapan na ang putaheng kailanman ay hindi nawala sa kanyang panlasa, ayaw na niya itong pakawalan. Walang kaalam-alam si Carla na palaging nakabantay sa kanya si Conrad sa loob ng mahabang panahon. Hindi lang siya nilalapitan ng binata dahil gusto niyang makapag-focus ito sa kanyang negosyo at maging successful. At dahil naging successful naman na si Carla, gumawa na siya ng paraan para magkalapit silang dalawa. "Conrad, please... nagmamakaawa ako, huwag mong gawin sa akin ito... parang hinalay mo na rin ako kung sakaling pipilitin mong may mangyari sa atin," naluluhang wika ni Carla. Napalunok siya ng laway at tila nanlambot nang tumulo na ang butil na luha s
CARLA Hindi lubos akalain ni Carla na masyado pa lang malayo ang bahay ampunan na pupuntahan nila. Umabot ng apat na oras ang kanilang byahe. Paano ba naman kasi... nasa itaas ng bundok pala ang kinaroroonan ng bahay ampunan na iyon. Malaki ang bahay ampunan na iyon at malawak ang lupain na pagmamay ari ng namamahala ng bahay ampunan. Doon dinadala ang mga batang nakikita nila sa kalsada na walang mga magulang. Inaalagaan ang mga ito ng mga madre doon at tinuturuan ng mabuting asal. At kapag may mag-asawang gustong mag-ampon sa isa mga bata doon, pumapayag naman ang mga madre. Ngunit sinisiguro muna nilang mabubuting mag-asawa ang aampon sa mga batang inalagaan nila. Na alam nilang magkakaroon ng magandang buhay ang batang aampunin. "Ang layo naman pala ng lugar na ito! Sa tuktok na yata ng bundok ito eh!" reklamo ni Carla. "Talagang malayo ito sa mga taong walang magandang maidudulot sa mga batang nandito. Nakita mo naman ang lugar na ito, puro puno kaya sariwang hangin ang
CARLA "Ngayong natagpuan na ulit kita, sa tingin mo ba papayag pa akong mawala ka na naman? Gusto kong malaman kung bakit bigla ka na lang naglaho matapos ang gabing iyon. Gusto kong malaman kung ano ang naramdaman mo matapos ang gabing iyon. Dahil kung ako ang tatanungin mo matapos ang gabing iyon, hindi na ko ito magawang alisin sa aking isipan. At gusto kong maulit pa ito ng maraming beses," mapang akit na wika ni Conrad bago siniil ng halik si Carla. Sinubukang manlaban ni Carla ngunit hindi niya nagawang itulak palayo si Conrad. Masyadong malakas ang binata para itulak niya ito palayo. At isa pa, nanghina siyang bigla. Hindi niya alam kung bakit biglang nawalan ng lakas ang kanyang mga kamay at braso. Hanggang sa natagpuan na lang niya ang sariling tumutugon na pala sa mainit na halik ng binata. Ngayon na lamang siya ulit nahalikan ng isang lalaki. At si Conrad na naman ulit ang nakagawa nito. Napamulat siya nang biglang hawakan ni Conrad ang kanyang págkababae. At doon na n