Amber PovMabigat ang pakiramdam ko nang magising ako kinabukasan. Ngunit kailangan kong pumasok sa trabaho kaya kahit masama ang pakiramdam ko ay pinilit ko pa ring bumangon mula sa kama. Ngunit nang tumayo ako ay bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Tila walang lakas na natumba ang katawan ko pabalik sa kama. Eksakto namang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko kaya nakita ni Mildy ang nangyari sa akin."My God, Amber! Ano ang nangyari sa'yo?" Nag-aalalang napatakbo siya palapit sa akin. "Ang taas ng lagnat mo," sabi niya matapos niyang hawakan ang braso ko.Tinulungan niya ako na makahiga ng maayos sa kama at kinumutan ng mabuti."Ako na ang bahala sa sarili ko, Mildy. Pumasok ka na lamang sa trabaho mo at baka ma-late ka pa," mahina ang boses na sabi ko sa kanya."Ikaw na ang bahala sa sarili mo? Paano mo magagawa iyon ni hindi mo nga kayang tumayo?" may inis sa boses na sagot niya sa akin ngunit may halong pag-aalala."Ayoko lang ma-late ka sa trabaho. Tiyak na babawasan ng sahod mo.
Amber Pov"Sigurado ka ba talaga na kaya mo nang bumalik sa trabaho, Amber?"Mula sa apartment niya ay pang-anim na beses ng nagtanong sa akin si Mildy kung kaya ko na bang bumalik sa trabaho. At kahit naglalakad na kami papasok sa mall na pinagtatrabahuan namin ay tila nag-aalala pa rin siya sa akin."Huwag ka ngang OA, my friend. Nilagnat lang ako ng isang araw at hindi ako nagkaroon ng malalang sakit para hindi kayanin ng katawan ko ang bumalik agad sa trabaho," natatawang sabi ko sa kanya. "Ng-aalala lang naman ako sa'yo. Pero wala nga pala akong dapat na ipag-alala sa'yo dahil malakas ka pa pala kaysa sa kalabaw kaya mabilis kang gumaling kapag nagkakasakit," natatawang biro niya sa akin. Natawa na lang din ako sa sinabi niya.Nahinto kami sa pag-uusap nang mag-time in kami at nag-umpisa nang magtrabaho. Pareho kaming naging abala sa kanya-kanya naming trabaho kaya hindi na kami nakapag-usap pang muli hanggang sumapit ang lunch time.Lihim akong nagpasalamat dahil hindi na ako m
Amber PovNang makalayo na kami sa canteen ay agad kong binawi ang braso ko mula sa pagkakahawak ni Phil. Ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko kaya nabigo akong makakawala sa hawak niya."Wala na tayo sa harapan ni Melvin kaya puwede mo na akong bitiwan, Mr. Salvatore," seryoso ang mukha na sabi ko kay Phil.Kumunot ang noo ni Phil na tila ba may hindi nagustuhan sa sinabi ko sa kanya. "I really hate it when you call me like that. Parang nais mong ipamukha sa akin na malayo ka sa akin. Na isang boss lamang ang turing mo sa akin," inis na sabi naman niya sa akin matapos bitawan ang kamay ko."Iyon naman talaga ang dapat. Boss kita at employee mo ako. Kaya nararapat lamang na ganoon ang itawag ko sa'yo bilang paggalang," blangko ang ekspresyong na sagot ko sa kanya. "Siyanga pala, salamat at inilayo mo ako kay Melvin. Kung hindi mo ako inilayo ay—""Ay ano? Mapipilitan kang tanggapin ang marriage proposal ng gagong iyon?" ani ni Phil. Inunahan niya ako sa pagsasalita kahi
Amber Pov"Amber, are you okay?" nag-aalalang tanong sa akin ni Mildy nang lapitan niya ako kung saan ako nakatayo. Matumal ang pasok ng mga customers ngayon kaya nagawa akong lapitan ni Mildy para kausapin."Ayos lang ako," walang sigla na sagot ko sa kanya."Ganyan ba ang hitsura ng okay? Magmula nang bumalik tayo mula sa canteen ay parang lumilipad ang isip mo. Ano ba ang iniisip mo? Ang tinanggihan mong marriage proposal ni Melvin o si Phil at ang babaeng iyon?"Huminga ako ng malalim bago ko hinarap si Mildy. "Hindi ko sila iniisip, okay? Medyo tinatamd lamang akong magtrabaho ngayon," walang sigla na sagot ko sa kanya."Aba! Himala yata na ng masipag kong kaibigan na walang ibang iniisip kundi ang magtrabaho at kumita ay tinatamad ngayong magtrabaho. Ano ba ang kinain mo kaninang lunch?" buska sa kain ni Mildy."Ano ang kinain ko kaninang lunch? Hangin," mabilis na sagot ko sa kanya. "Hindi nga ako nakakain ng maayos dahil biglang nagpropose sa akin si Melvin.""Speaking of Melv
Amber PovNa-late ako ng gising kaya nagmamadali na ako sa paglalakad dahil baka ma-late ako sa trabaho ko. Sayang naman ng sahod na mababawas sa aking suweldo. Bus ng sinakyan ko papunta rito dahil iyon ng unang dumaan sa harapan ko. Hindi na ako naghintay ng dadaan na SUV dahil bak mas lalo lamang akong ma-late kapag hinintay ko pa iyon. Pagbaba ko ng bus ay halos lakad-takbo na ang ginagawa ko. Nasa dulo na ako ng parking lot sa gilid ng mall nang bigla akong napahinto sa paglalakad at napatitig sa matandang bumaba mula sa kotse. Nakaharap sa daraanan ko ang kotse kaya kung nakatingin sa kanan ng sakay nito ay nakikita ako at alm na daraan ako sa tapat nila."Hindi mo ba ako yayakapin, Amber? Hindi mo ba na-missed ang matandang ito sa harapan mo?" nagtatampo ang boses na tanong sa akin ng matanda na walang iba kundi si Lolo Fidel."Lolo Fidel!" tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Itinuturing ko siya na parang tunay kong lolo kaya naman kahit hiwalay na kam
Amber PovHindi ko napigilan ang aking sarili kaya nasampal ko si Harlen. Tinitiis ko ang hindi magagandang salita na sinasabi niya sa akin ngunit ibang usapan na kapag idinamay niya si Lolo Fidel."How dare you slap me!" galit na singhal ni Harlen habang nakahawak sa pisngi na sinampal ko ang isa niyang kamay."Hindi lang iyan ang matitikman mo kapag mandamay ka pa ng ibang tao," galit na banta ko sa kanya. "Bakit, Amber? Nahihiya ka bang malaman ng lahat na may karelasyon kang may apat na m? Matandang mayaman na malapit nang mamatay? Na hindi lamang si Sir Phil ang nilalandi mo kundi pati matanda na mukhang mamamatay na bukas ay nilalandi mo rin?" nang-iinsulto ang tingin na tanong ni Harlen.Mas lalo lamang nagpantig ang tainga ko dahil sa sinabi niya. Muling lumipad ang ang aking kamay at dumapo sa pisngi ni Harlen. At sa pagkakataong ito ay mas malakas ang sampal na ibinigay ko sa kanya. Akmang sasampalin din niya ko ngunit mabilis kong nahawakan ang braso niya at isa pang sampa
Amber Pov"Okay lang po ba kayo, Lolo?" nag-aalalang tanong ko kay Lolo Fidel habang bumababa kami sa kotse niya. Pagkatapos ng nangyaring kaguluhan kanina sa mall ay inalis ni Phil ang mag-ama sa trabaho. Ako naman ay sinamahan si Lolo pauwi sa bahay nila dahil bigla itong nanghina matapos malaman kung ano ang dahilan at nag-away kami ni Harlen.Gusto sanang sumama ni Phil na maghatid sa lolo niya pauwi sa bahay nito dahil nag-aalala ito sa kalagayan ng matanda ngunit may meeting ito para sa official dismissal sa ama ni Harlen at pagkatapos ay pupunta p ito sa isa nitong kompanya, ang Salvtore Conglomerate. May meeting daw ito sa mga shareholder dahil gumagawa na naman ng hakbang ang tito nitong si Jigo para maaagaw ang puwesto ni Phil. Sinasamantala yata ni Tito Jigo na madalas wala si Phil sa kompanya dahil nasa Sunshine Shopping Mall ito para ma-brainwash ng ibang mga kapanalig ni Phil sa kompanya."Okay na ako, Amber. Salamat sa paghahatid mo sa akin. And I'm sorry because I'v
Amber Pov"Lasing ka kaya umuwi ka na, Melvin. Mag-usap na lamang tayo kapag nasa tamang katinuan ka," pagtataboy ko sa kanya. Pilit kong itinago sa aking boses ang kabang nararamdaman ko nang mga sandaling ito.Bahagyang natawa si Melvin nang marinig ang sinabi ko. "Talaga, Amber? Makikipag-usap ka sa akin? Sino ang niloloko mo? Iniiwasan mo nga ako tapos sasabihin mong bukas na lang tayo mag-usap? Mas maigi na ngayon tayo mag-usap para walang istorbo sa ating dalawa. Wala ang kontrabida mong kaibigan at mas lalong wala ang pakialamero mong boss.""Umalis ka na, Melvin. Kapag hindi ka pa umalis ay mapipilitan akong tumawag ng pulis," pananakot ko sa kanya. Kinuha ko ang aking cell phone sa loob ng aking bag at akmang idadayal ko ang emergency number ng mga pulis ngunit mabilis na nakalapit sa akin si Melvin at inagaw ang cell phone. Malakas nitong itinapon sa sahig ang cell phone ko na biglang nagkahiwa-hiwalay ang mga parte at nabasag ang LCD."Sa tingin mo ay hahayaan kong mangyari
Amber PovNamutawi sa aking mga labi ang mahinang ungol habang pinagbabalikan ako ng aking malay. Napangiwi ako nang maramdaman ko na masakit ang aking bahagi ng aking ulo kung saan ay walang pag-aalinlangan na pinukpok ako ng baril nang isa sa tatlong lalaking kumidnap sa akin. Akmang hihimasin ko ang aking batok ngunit hindi iyon natuloy nang matuklasan ko na nakatali pala ang aking mga kamay at ganoon din ang aking mga paa. Talagang sinigurado nila na hindi ako makakatakas kahit na magtangka man akong tumakas.Mula sa pagkakahiga sa malamig at maruming semento ay pinilit kong bumangon kahit makaupo man lang. Nang magtagumpay akong makaupo ay agad kong iginala sa aking paligid ang aking mga paningin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa aking likuran ang walang malay na si Lolo Fidel."Lolo Fidel! Wake up!" medyo malakas ang boses ang ginawa kong panggigising sa kanya para mabilis siyang magising. Agad naman itong nagmulat ng mga mata at napakunot ang noo nang makitang naroon d
Phil PovNasa loob ulit ako ng bar ni Alex at umiinom ng alak. But this time, hindi na ako nagbabasag ng bote sa halip ay tahimik lamang akong umiinom. Today is Amber and Jared's wedding kaya ako umiinom ng alak kahit na umagang-umaga. Sarado naman ang bar ng kaibigan ko dahil mamaya pang hapon ang opening ng bar niya kaya mag-isa lamang akong customer sa loob.Mabigat na mabigat ang dibdib ko sa ideyang ikakasal ngayon ang babaeng pinakamamahal ko. Ngunit kasalanan ko ang lahat kaya nararapat lamang sa akin ang sakit na nararamdaman ko ngayon."Sa halip na maglasing ka ay bakit hindi ka tumakbo papunta sa simbahan at pigilan ang kasal nina Amber at Jared? Kapag hinayaan mo silang ikasal ngayon ay habam-buhay mo itong pagsisisihan, Phil," payo sa akin ni Alex nang lapitan niya ako. Alam ko na pinoproblema niya ngayon si Mildy ngunit heto at inaalala pa niya ako kaysa ang sarili niyang problema. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa makikipagbalikan si Mildy sa kanya magmula nang makipag-b
Amber PovIsang huling sulyap sa apartment ni Mildy ang ginawa ko bago ako tuluyang naglakad palabas ng gate. Malaki ang naitulong sa akin ng apartment na ito. Ito ang naging tahanan ko ng ilang taon. At magmula mamayang gabi ay hindi na ako matitulog sa apartment na ito dahil sa bahay n ni Jared ako titira pagkatapos ng aming kasal."Sigurado ka ba talag sa desisyon mong magpakasal kay Jared, Amber? Natitiyak ka ba na hindi mo ito pagsisisihan balang araw?" tanong sa akin ni Mildy nang makapasok kami sa knyang kotse. Ang kotse niya kasi ang ginawa kong bridal car na maghahatid sa akin papunta sa simbahan kung saan naghihintay sa akin si Jared."Sa tingin mo ay hindi ako seryoso gayong nakasuot na nga ako ng wedding dress t papunta na sa simbahan para magpakasal?" naiiling na sagot ko sa kanya."Paano kung bigoang dumating si Phil sa simbahan at tumutol sa kasal mo kay Jared? Ano ang gagawin mo, Amber?" seryoso pa rin ang mukha na tanong niya sa akin.Huminga muna ako ng malalim bago
Amber PovPagmulat ko ng aking mga mata ay agad pumasok sa aking isip ang kalagayan ng aking anak. Mabilis kong kinapa ang tiyan ko at dinama kong may laman pa ba itong bata. Nakadama ako ng matinding pag-aalala para sa baby ko nang maalala ko na bigla akong dinugo habang pinipilit akong ipasok ni Phil sa kanyang kotse. Kapag may mangyaring masama sa baby ko ay hinding-hindi ko siya mapapatawad kahit na kailan."Buntis ka pala. Sino ang ama ng dinadala mo?" Napatingin ako sa aking right side nang marinig ko ang malamig na boses ni Phil. Sa sobrang pag-aalala ko sa magiging anak ko ay hindi ko napansin ang kanyang presensiya sa loob ng kuwartong kinaroroonan ko.Nang tingnan ko ang mukha ni Phil ay blangko ang expression ng kanyang mukha. Ngunit kahit hindi ko makita sa mukha niya kung ano ang reaksiyon niya sa kanyang natuklasan ay dama ko naman sa kanyang tinig ang galit. Marahil ay iniisip niyang anak ko kay Jared ng bata sa tiyan ko at hindi galing sa kanya.Mas maganda nga na iyo
Amber PovHindi ako makapaniwala mtapos kong marinig ang katotohanan mula sa bibig ng aking ama. Inamin niya sa akin ang lahat at wala siyang itinago. Natatakot daw siya na baka bigla na lamang siyang maglaho sa mundo't maisama niya sa hukay ang buong katotohanan tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ni Phil. Inamin niya sa akin kung paano ang ginawa nila para isipin ng lahat na patay na siya.Ayon sa kuwento ng aking ama ay sa loob palang ng kotse ay parehong malalim na raw ang tulog ng kanyang mga boss dahil may halong gamot pampatulog ang kape na ipinainom niya sa kanila bago sila lumulan sa kotse. Dinala niya papunta sa lugar kung saan niya isasagawa ang planong pagpatay sa mag-asawang boss niya. Sa lugar kung saan madalang lamang ang mga nagdaraang sasakyan. At sa lugar din daw na iyon ay may malaking truck na nakaparada lamang sa gilid ng kalsada na siyang gagamitin niya para sadyaing banggain ang kotse ng kanyang boss habang nasa loob ang mga ito para isipin ng lahat na isang a
Amber Pov"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Phil," sabi ko kay Phil. Para kasi akong biglang nabingi sa kanyang sinabi sa akin."Ang sabi ko, ANG AMA MO ANG PUMATAY SA AKING AMA!" mariing ulit niya sa sinabi niya. Binigyang diin pa niya ang mga salitang hindi ko paniniwalaan.Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Hindi ako papayag na pagsalitaan at pag-isipan niya ng masama ang aking ama."Hindi mamamatay tao nag Dad ko, Phil! Kaya kung wala kang magandang sasabihin ay umalis ka na lamang!" sigaw ko sa kanya. Lalong dumilim ang mukha ni Phil nang hindi ko pinaniwalaan ang kanyang mga sinabi. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mariin ang isa kong braso."Bakit, Amber? Nasasaktan ka ba dahil sinasabi kong mamamatay tao ang ama mo? Paano naman ako? Hindi ba ako nasaktan nang pinatay niya ang mga magulang ko?" nanlilisik sa galit ang mga matang tanong niya sa akin.Akmang ibubuka ko ang aking bibig para kontrahin ang kanyang sinabi ngunit hindi iyon natuloy dahil biglang sumakit a
Amber PovMabilis kong tinakpan ng palad ko ang bibig ni Mildy dahil napalakas ang kanyang boses."Puwede bang hinaan mo ang boses mo? Baka may makarinig sa'yo," nakasimangot na sita ko sa kanya.Agad na inalis ni Mildy ang palad ko sa bibig at pinagtaasan ako ng kilay. "Nandito tayo sa loob ng kuwarto sa ospital kaya sino ang makakarinig sa'yo? At saka kahit marinig ng mga tao diyan sa labas na buntis ka ay wala naman silang pakialam dahil hindi ka naman nila kilala.""Kahit na," mabilis kong sagot sa kaibigan ko."Alam ba ni Jared ang tungkol sa kalagayan mo? At higit sa lahat ay alam ba ni Phil na ipinagbubuntis mo ang anak niya?"Tumango at umiling ako. "Ngayon lang nalaman ni Jared na buntis ako at tungkol sa pangalawa mong tanong ay hindi ang sagot ko. At katulad ng sinabi ko kay Jared ay wala akong balak na ipaalam kay Phil na magkakaanak siya sa akin," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya.Napailing si Mildy. "So itatago mo ang anak mo sa kanyang ama?" Hindi ako umimik kaya
Amber PovNang pagbalikan ako ng aking malay ay nasa loob na ako ng hospital at nakahiga sa hospital bed. Agad na kinapa ko ang aking tiyan na hindi pa naman gaanong maumbok sa pag-aalalang baka napahamak na ang aking baby. "Huwag kang mag-alala dahil ligtas ang baby mo," narinig kong kausap sa akin ni Jared na kapapasok pa lamang sa pintuan at naabutan ang ginawa kong pag-check sa aking tiyan. Nakahinga ako ng maluwang nang marinig ko ang sinabi ngunit bigla akong natigilan nang ma-realized kong alam na niya ang aking pagbubuntis."I'm sorry dahil itinago ko sa'yo ang totoo, Jared. Pero maniwala ka na hindi ko binalak na ipaako sa'yo ang bata. Balak ko rin sabihin sa'yo ang tungkol sa pagbubuntis ko kapag handa na akong makipag-usap sa'yo tungkol sa bagay na ito," paumanhin ko sa kanya. Maintindihan ko kung lalayo na siya sa akin ngayong nalaman niyang buntis ako at si Phil ang ama. Hindi naman kasi lahat ng lalaki ay kayang tanggapin ng buong puso ang anak aa ibang lalaki ng babaen
Amber PovKagaya ng sinabi ni Jared ay stop muna ako sa nighlife. Nanatili lamang ako sa apartment kahit na sobrang bored na ang pakiramdam ko. Sinunod ko rin ang payo sa akin ng doktor. Iningatan ko ang aking sarili hindi lamang para sa kapakanan ko kundi para na rin sa kapakanan ng baby sa aking sinapupunan.Hindi pa alam ni Jared ang tungkol sa magiging anak namin ni Phil. Aminin ko man o hindi ngunit nag-aalala ako na baka hindi niya matanggap ang aking baby sa ibang lalaki. Although malulungkot ako kapag hindi kayang tanggapin ni Jared ang bata ngunit mas lamang ang mararamdaman kong disappointment. Dahil iniisip kong naiiba siya sa lahat ng mga lalaki. Hindi siya judgemental na tao. Pero okay lang din kahit na hindi niya tanggapin ang anak ko dahil hindi na ako mapipilitan pang magpakasal sa kanya. Ginamit ko lang naman talaga siya para pasakitan at ipamukha kay Phil na nakapag-move on na ako sa kanya ngunit kinarma ako kaya nauwi sa totohanan ang pagpapanggap ko na may gusto ak