Amber PovMalapit na ang alas otso ngunit hindi pa rin ako nakabihis. Nakahiga lamang ako sa aking kama at nakatingin sa kisame. Kung ako ang papipiliin ay ayoko talagang um-attend sa dinner party na in-organisa ni Phil para sa department namin. Ayoko na siyang makita pa dahil nananariwa lamang sa aking puso at isipan ang ginawa niyang pananakit sa aking damdamin. Ngunit sino ba naman ang mag-aakala na siya pa ang magiging bagong boss namin? Totoo talaga ang kasabihang "Maliit lamang ang mundo" dahil muling nagkrus ang mga landas namin ni Phil.Nananatili pa rin akong nakatingin sa kisame nang bumukas ang pintuan ng aking silid at pumasok si Mildy. Katulad ko ay hindi pa rin siya nakabihis ng damit pang-alis."Ano ang ginagawa mo, Amber? Bakit hindi ka pa nakabihis? Naghihintay ka ba ng magdaraang butiki sa kisame?" agad niyang tanong nang maupo sa aking tabi. "Pupunta ba tayo o hindi?"Ilang saglit na tumitig lamang ako sa kisame bago ako humugot ng isang malalim na buntong-hininga.
Amber Pov"Ang ganda mo naman, Amber," puri sa akin ni Melvin nang pumasok ako sa loob ng room kung saan kumpleto na ang lahat at ako na lamang ang kulang. Si Melvin ay sa Eau D' Perfume naka-assign at katapat kung saan naman ako naka-assign kaya madalas kaming makapag-usap kapag walang customers."Sang-ayon ako sa sinabi mo, Melvin. Napaka-simple lang ng makeup niya ngunit ang ganda-ganda pa rin niya," wika naman ni Mildy. Lihim na lamang akong natawa dahil gusto lang inisin ng kaibigan ko si Harlen na hindi maitago ang pagsimangot ng mukha. Wala kasing pumuri at pumansin sa kanyang hitsura samantalang sa akin ay meron."Maupo ka n sa bakanteng upuan, Amber," kausap sa akin ng aming manager. Agad naman akong naupo sa bakanteng upuan. Ang malas ko pa dahil ang tanging upuan na bakante ay ang katabi ni Harlen. Siya naman ay katabi si Phil. Pero at least, hindi ako ang katabi ni Phil. Dahil tiyak na hindi ko malulunok ang kakainin ko kung siya ng katabi ko sa upuan."Tiyak lalong tumind
Amber PovHindi pa man ako nakakasagot kay Melvin ay naunahan na ako ng boses ni Phil mula sa aking likuran. Nang lingunin ko siya ay nakita kong seryoso ang kanyang mukha at naniningkit ang kanyang mga mata sa pagkakatingin sa akin."May kailangan po ba kayo kay Amber, Sir Salvatore? Bakit hindi niyo na lang sabihin sa kanya ngayon?" tanong ni Melvin kay Phil sa seryosong mukha. Tila hindi nito nagustuhan na ihahatid ako ni Phil at wala itong balak na hayaan akong sumama sa boss namin kahit na wala naman siyang karapatan sa akin.Kung tila hindi nagustuhan ni Melvin ang ideya na ihahatid ako ni Phil ay mas lalo namang hindi nagustuhan ni nang huli ang sinabi nang una. At magpapatalo ba ang isang Phil Salvatore sa kanyang empleyado? Of course not."Yes, you're right...uuhmm..."Huminto si Phil sa pagsasalita at nag-isip kung ano ang pangalan ng empleyadong kaharap niya ngayon."Melvin Sanchez, Sir," agad na banggit ni Melvin sa buong pangalan nito nang makitang hindi siya kilala ni Ph
Mildy PovNagmamadali ako sa paglalakad papuntang banyo dahil pakiramdam ko ay lalabas na ang aking ihi. Kanina ko pa pinipigilan ang ihi ko ngunit nahihiya akong tumayo at magpaalam sa kanila. Napailing na lamang ako sa aking naisip. Para akong tanga. Ano ba nag nakakahiya kung pupunta ako sa banyo para umihi? Ngunit wala mang dapat na ikahiya ay nahiya pa rin ako kanina kaya heto tuloy ako, parang hinahabol ng sampung demonyo sa pagmamadali na makarating agad sa banyo.Pagliko ko sa may kanto papuntang banyo ay hindi sinasadyang nagkabanggaan kami ng taong kasalubong ko. Muntik na akong matumba sa sahig kung hindi lamang ako maagap na nayakap sa baywang ng taong nabangga ko sa sobrang pagmamadali ko."I'm sorry. I'm sorry," agad kong paumanhin sa kanya. Nang tingnan ko ang mukha ng taong nabangga ko ay biglang nalukot ang mukha ko. "Oh, it's you. Bakit ka nagmamadali? Lalabas na ba?" nakangising tanong niya sa akin.Namula ang mukha ko sa pagkapahiya. Sa dinami-rami ba naman ng tao
Amber PovPagkarating ni Mildy sa apartment niya ay agad siyang dumiretso sa aking silid para alamin kung ano ang nangyari sa pag-uusap namin ni Phil."Sabihin mo sa akin kung ano ang pinag-usapan ninyo ni Phil, Amber. Huwag kang maglilihim sa akin," ani Mildy matapos ko siyang pagbuksan ng pintuan pagkatapos ay nagbalik ako sa ibabaw ng aking kama. Sumunod siya sa akin at naupo sa gilid ng kama. Excited siyang nakatingin sa akin at naghihintay sa sasabihin ko s kanya."Hindi ka pa nga nakakapagpalit ng damit pambahay ay gusto mo na agad makarinig ng tsismis," naiiling na sabi ko sa kanya."Makakapaghintay ang bagay na iyan ngunit hindi ang aking curiousity tungkol sa pinag-usapan ninyo ni Sir Phil. Nagpaliwanag ba siya tungkol sa nakita mo sa bahay niya? Humingi rin ba siya ng paliwanag sa'yo kung bakit sa condo ni Nikky ka nakatira dati?" magkakasunod-sunod na tanong ni Mildy. Mukhang hindi niya ako titigilan hangga't hindi ko sinasabi sa kanya kung ano ang mga napag-usapan namin ni
Amber PovKinakabahang nagtungo ako sa opisina ni Phil na nasa fourth floor ng building. Bago ako kumatok ng tatlong beses sa pintuan ng opisina niya ay huminga muna ako ng malalim at inihanda ang aking sarili sa anumang sasabihin niya."Come in," narinig ko na wika ni Phil mula sa loob ng opisina.Binuksan ko ang pintuan at pumasok sa loob. Sobrang lakas ng aircon sa loob ng opisina niya kaya hindi ko maiwasan ang makaramdam ng lamig. Lihim kong nahiling na sana ay hindi ako magtagal sa opisina niya dahil tiyak n mangangatog ako sa lamig."Ipinapatawag mo raw ako,r. Salvatore? May kailangan ka po ba sa akin?" seryoso ang mulha na tanong ko sa kanya habang nakatayo ako sa harapan niya.Tumayo si Phil sa kanyang kinauupuang swivel chair at naglakad palapit sa pintuan pagkatapos ay ini-lock ang pintuan. Napakunot ako ng noo sa ginawa niya. Bakit naman kailangan pa niyang i-lock ang pintuan?"Tell me honestly, Amber. Manliligaw mo ba si Melvin? May pag-asa ba siya sa puso mo? At alam ba n
Amber Pov"I'm sorry, Amber. Mag-isa kang uuwi ngayon sa apartment natin. Hindi ko matanggihan ang Mom ko. Nagpapasama kasi siya sa birthday party ng kanyang amiga," paumanhin sa akin ni Mildy habang nag-aayos ito ng kanyang sarili sa harapan ng malaking salamin sa loob ng banyo ng mall. Ako naman ay nag-aalis ng aking makeup. Kilay at lipstick lamang ang aking itinitira sa aking mukha.Kaka-out lang naming pareho sa trabaho namin. Parehong 10 ng umaga hanggang 6 ng gabi ang duty namin kaya palagi kaming sabay na umaalis at umuuwi sa apartment niya. Kapag may oras pa ako ay sa cr ng mall na ako nag-aalis ng makeup ko para pagdating sa apartment ay konting hilamos na lamang ang gagawin ko."It's okay, Mildy. May edad na rin ang parents mo kaya dapat mag-spend ka ng time mo sa kanila. Para naman makasama mo sila habang nabubuhay pa sila, habang may oras ka pa. Para kapag kinuha na sila ng Maykapal ay hindi ka magsisisi na hindi mo sila nakasama ng matagal," mahabang sagot ko kay Mildy.
Amber PovMadilim at galit ang mukha ni Phil nang makita ko siya. Lumapit siya sa amin at pahablot na inalis ang kamay ni Melvin na nakahawak sa isa kong braso at pagkatapos ay hinila niya ako palayo kay Melvin."Ano ang ginagawa niyo rito sa madilim na bahagi ng parkingan, Amber?" matalim ang mga matang tanong niya sa akin. Mukha iba ang nasa isip niya habang nakatingin sa akin. Tila iniisip niya na may ginagawa kaming "milagro" ni Melvin kaya kami nandito sa madilim na bahagi ng parkingan ng mall."With due respect, Sir Salvatore. Tapos na po ang working hours namin ni Amber kaya wala na po kayong pakialam pa kung ano ang gawin namin ni Amber pagkatapos ng trabaho," matapang na kausap ni Melvin kay Phil. "'Di ba, Amber?" Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Melvin. Bagama't totoo ang kanyang sinabi ngunit tila may nais itong iparating kay Phil na mensahe. At sa kanyang sinabi ay tila kinumpirma lamang niya ang masamang iniisip ni Phil sa aming dalawa. Hindi ko alam kung saan humuhu
Amber PovNamutawi sa aking mga labi ang mahinang ungol habang pinagbabalikan ako ng aking malay. Napangiwi ako nang maramdaman ko na masakit ang aking bahagi ng aking ulo kung saan ay walang pag-aalinlangan na pinukpok ako ng baril nang isa sa tatlong lalaking kumidnap sa akin. Akmang hihimasin ko ang aking batok ngunit hindi iyon natuloy nang matuklasan ko na nakatali pala ang aking mga kamay at ganoon din ang aking mga paa. Talagang sinigurado nila na hindi ako makakatakas kahit na magtangka man akong tumakas.Mula sa pagkakahiga sa malamig at maruming semento ay pinilit kong bumangon kahit makaupo man lang. Nang magtagumpay akong makaupo ay agad kong iginala sa aking paligid ang aking mga paningin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa aking likuran ang walang malay na si Lolo Fidel."Lolo Fidel! Wake up!" medyo malakas ang boses ang ginawa kong panggigising sa kanya para mabilis siyang magising. Agad naman itong nagmulat ng mga mata at napakunot ang noo nang makitang naroon d
Phil PovNasa loob ulit ako ng bar ni Alex at umiinom ng alak. But this time, hindi na ako nagbabasag ng bote sa halip ay tahimik lamang akong umiinom. Today is Amber and Jared's wedding kaya ako umiinom ng alak kahit na umagang-umaga. Sarado naman ang bar ng kaibigan ko dahil mamaya pang hapon ang opening ng bar niya kaya mag-isa lamang akong customer sa loob.Mabigat na mabigat ang dibdib ko sa ideyang ikakasal ngayon ang babaeng pinakamamahal ko. Ngunit kasalanan ko ang lahat kaya nararapat lamang sa akin ang sakit na nararamdaman ko ngayon."Sa halip na maglasing ka ay bakit hindi ka tumakbo papunta sa simbahan at pigilan ang kasal nina Amber at Jared? Kapag hinayaan mo silang ikasal ngayon ay habam-buhay mo itong pagsisisihan, Phil," payo sa akin ni Alex nang lapitan niya ako. Alam ko na pinoproblema niya ngayon si Mildy ngunit heto at inaalala pa niya ako kaysa ang sarili niyang problema. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa makikipagbalikan si Mildy sa kanya magmula nang makipag-b
Amber PovIsang huling sulyap sa apartment ni Mildy ang ginawa ko bago ako tuluyang naglakad palabas ng gate. Malaki ang naitulong sa akin ng apartment na ito. Ito ang naging tahanan ko ng ilang taon. At magmula mamayang gabi ay hindi na ako matitulog sa apartment na ito dahil sa bahay n ni Jared ako titira pagkatapos ng aming kasal."Sigurado ka ba talag sa desisyon mong magpakasal kay Jared, Amber? Natitiyak ka ba na hindi mo ito pagsisisihan balang araw?" tanong sa akin ni Mildy nang makapasok kami sa knyang kotse. Ang kotse niya kasi ang ginawa kong bridal car na maghahatid sa akin papunta sa simbahan kung saan naghihintay sa akin si Jared."Sa tingin mo ay hindi ako seryoso gayong nakasuot na nga ako ng wedding dress t papunta na sa simbahan para magpakasal?" naiiling na sagot ko sa kanya."Paano kung bigoang dumating si Phil sa simbahan at tumutol sa kasal mo kay Jared? Ano ang gagawin mo, Amber?" seryoso pa rin ang mukha na tanong niya sa akin.Huminga muna ako ng malalim bago
Amber PovPagmulat ko ng aking mga mata ay agad pumasok sa aking isip ang kalagayan ng aking anak. Mabilis kong kinapa ang tiyan ko at dinama kong may laman pa ba itong bata. Nakadama ako ng matinding pag-aalala para sa baby ko nang maalala ko na bigla akong dinugo habang pinipilit akong ipasok ni Phil sa kanyang kotse. Kapag may mangyaring masama sa baby ko ay hinding-hindi ko siya mapapatawad kahit na kailan."Buntis ka pala. Sino ang ama ng dinadala mo?" Napatingin ako sa aking right side nang marinig ko ang malamig na boses ni Phil. Sa sobrang pag-aalala ko sa magiging anak ko ay hindi ko napansin ang kanyang presensiya sa loob ng kuwartong kinaroroonan ko.Nang tingnan ko ang mukha ni Phil ay blangko ang expression ng kanyang mukha. Ngunit kahit hindi ko makita sa mukha niya kung ano ang reaksiyon niya sa kanyang natuklasan ay dama ko naman sa kanyang tinig ang galit. Marahil ay iniisip niyang anak ko kay Jared ng bata sa tiyan ko at hindi galing sa kanya.Mas maganda nga na iyo
Amber PovHindi ako makapaniwala mtapos kong marinig ang katotohanan mula sa bibig ng aking ama. Inamin niya sa akin ang lahat at wala siyang itinago. Natatakot daw siya na baka bigla na lamang siyang maglaho sa mundo't maisama niya sa hukay ang buong katotohanan tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ni Phil. Inamin niya sa akin kung paano ang ginawa nila para isipin ng lahat na patay na siya.Ayon sa kuwento ng aking ama ay sa loob palang ng kotse ay parehong malalim na raw ang tulog ng kanyang mga boss dahil may halong gamot pampatulog ang kape na ipinainom niya sa kanila bago sila lumulan sa kotse. Dinala niya papunta sa lugar kung saan niya isasagawa ang planong pagpatay sa mag-asawang boss niya. Sa lugar kung saan madalang lamang ang mga nagdaraang sasakyan. At sa lugar din daw na iyon ay may malaking truck na nakaparada lamang sa gilid ng kalsada na siyang gagamitin niya para sadyaing banggain ang kotse ng kanyang boss habang nasa loob ang mga ito para isipin ng lahat na isang a
Amber Pov"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Phil," sabi ko kay Phil. Para kasi akong biglang nabingi sa kanyang sinabi sa akin."Ang sabi ko, ANG AMA MO ANG PUMATAY SA AKING AMA!" mariing ulit niya sa sinabi niya. Binigyang diin pa niya ang mga salitang hindi ko paniniwalaan.Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Hindi ako papayag na pagsalitaan at pag-isipan niya ng masama ang aking ama."Hindi mamamatay tao nag Dad ko, Phil! Kaya kung wala kang magandang sasabihin ay umalis ka na lamang!" sigaw ko sa kanya. Lalong dumilim ang mukha ni Phil nang hindi ko pinaniwalaan ang kanyang mga sinabi. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mariin ang isa kong braso."Bakit, Amber? Nasasaktan ka ba dahil sinasabi kong mamamatay tao ang ama mo? Paano naman ako? Hindi ba ako nasaktan nang pinatay niya ang mga magulang ko?" nanlilisik sa galit ang mga matang tanong niya sa akin.Akmang ibubuka ko ang aking bibig para kontrahin ang kanyang sinabi ngunit hindi iyon natuloy dahil biglang sumakit a
Amber PovMabilis kong tinakpan ng palad ko ang bibig ni Mildy dahil napalakas ang kanyang boses."Puwede bang hinaan mo ang boses mo? Baka may makarinig sa'yo," nakasimangot na sita ko sa kanya.Agad na inalis ni Mildy ang palad ko sa bibig at pinagtaasan ako ng kilay. "Nandito tayo sa loob ng kuwarto sa ospital kaya sino ang makakarinig sa'yo? At saka kahit marinig ng mga tao diyan sa labas na buntis ka ay wala naman silang pakialam dahil hindi ka naman nila kilala.""Kahit na," mabilis kong sagot sa kaibigan ko."Alam ba ni Jared ang tungkol sa kalagayan mo? At higit sa lahat ay alam ba ni Phil na ipinagbubuntis mo ang anak niya?"Tumango at umiling ako. "Ngayon lang nalaman ni Jared na buntis ako at tungkol sa pangalawa mong tanong ay hindi ang sagot ko. At katulad ng sinabi ko kay Jared ay wala akong balak na ipaalam kay Phil na magkakaanak siya sa akin," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya.Napailing si Mildy. "So itatago mo ang anak mo sa kanyang ama?" Hindi ako umimik kaya
Amber PovNang pagbalikan ako ng aking malay ay nasa loob na ako ng hospital at nakahiga sa hospital bed. Agad na kinapa ko ang aking tiyan na hindi pa naman gaanong maumbok sa pag-aalalang baka napahamak na ang aking baby. "Huwag kang mag-alala dahil ligtas ang baby mo," narinig kong kausap sa akin ni Jared na kapapasok pa lamang sa pintuan at naabutan ang ginawa kong pag-check sa aking tiyan. Nakahinga ako ng maluwang nang marinig ko ang sinabi ngunit bigla akong natigilan nang ma-realized kong alam na niya ang aking pagbubuntis."I'm sorry dahil itinago ko sa'yo ang totoo, Jared. Pero maniwala ka na hindi ko binalak na ipaako sa'yo ang bata. Balak ko rin sabihin sa'yo ang tungkol sa pagbubuntis ko kapag handa na akong makipag-usap sa'yo tungkol sa bagay na ito," paumanhin ko sa kanya. Maintindihan ko kung lalayo na siya sa akin ngayong nalaman niyang buntis ako at si Phil ang ama. Hindi naman kasi lahat ng lalaki ay kayang tanggapin ng buong puso ang anak aa ibang lalaki ng babaen
Amber PovKagaya ng sinabi ni Jared ay stop muna ako sa nighlife. Nanatili lamang ako sa apartment kahit na sobrang bored na ang pakiramdam ko. Sinunod ko rin ang payo sa akin ng doktor. Iningatan ko ang aking sarili hindi lamang para sa kapakanan ko kundi para na rin sa kapakanan ng baby sa aking sinapupunan.Hindi pa alam ni Jared ang tungkol sa magiging anak namin ni Phil. Aminin ko man o hindi ngunit nag-aalala ako na baka hindi niya matanggap ang aking baby sa ibang lalaki. Although malulungkot ako kapag hindi kayang tanggapin ni Jared ang bata ngunit mas lamang ang mararamdaman kong disappointment. Dahil iniisip kong naiiba siya sa lahat ng mga lalaki. Hindi siya judgemental na tao. Pero okay lang din kahit na hindi niya tanggapin ang anak ko dahil hindi na ako mapipilitan pang magpakasal sa kanya. Ginamit ko lang naman talaga siya para pasakitan at ipamukha kay Phil na nakapag-move on na ako sa kanya ngunit kinarma ako kaya nauwi sa totohanan ang pagpapanggap ko na may gusto ak