Amber PovWala akong nagawa kundi ang isama si Phil at ipakilala sa mga kaklase ko. Ngunit binigyan ko siya ng isang kundisyon. Ipapakilala ko siya sa mga kaklase ko hindi bilang asawa ko kundi bilang pinsan ko. Ang idinahilan ko sa kanya ay ang contract namin. Mag-asawa lang kami sa harapan ng kanyang pamilya at sa ilang sitwasyon. Ngunit sa harapan ng mga kaklase namin ay hindi kailangang magpanggap kaming mag-asawa ni Phil. Hindi maaaring malaman ng mga kaklase ko na may asawa ako dahil wala nang magkakalakas ng loob na magkagusto o ligawan ako in the future dahil sa pagkakaalam nila ay may asawa na ako. Kaya wala ring nagawa si Phil kundi ang pumayag sa kundisyon ko."Migz, puwede bang maki-join sa atin ang pinsan ko?" tanong ko sa kaklase ko pagbalik ko sa mesa namin at kasama ko na si Phil. "Sa bahay kasi nila ako nakatira at gusto na niya akong umuwi kaya nagpapahintay na lamang ako sa kanya hanggang matapos tayo," paliwanag ko sa kanila."Yes, of course," mabilis naa sagot n
Amber PovPagkatapos naming mag-usap ni Migz ay sabay na kaming nagbalik sa table namin. Nagulat ako nang makita kong lasing na lasing na si Phil."Ano ang nangyari sa kanya? Bakit lasing na lasing siya?" tanong ko kay Mildy nang maupo akong muli sa aking upuan. Halos kalahating oras lamang akong nawala tapos pagbalik ko ay makikita kong lasing na lasing na si Phil? Ang bilis naman niyang malasing."Wala kaming kasalanan kung bakit nalasing ang pinsan mo, Amber. Pag-alis mo ay halos ubusin na niya ang laman ng alak na binili niya," si Henry ang sumagot sa tanong ko kay Mildy."Amber, nandito ka na pala. Anong ginawa niyo ni Migz sa banyo at ang tagal niyong bumalik dito?" tanong ni Phil sa akin, namumungay na ang mga mata niya sa sobrang kalasingan. Ngunit nakakabilib na kahit lasing na lasing siya ay straight pa rin siyang magsalita."Guys, mauuna na akong umuwi sa inyo. Nakita niyo naman ang pinsan ko, kailangan ko nang iuwi sa bahay," paalam ko sa mga kaklase ko. "Happy birthday ul
Amber PovKung nahirapan akong dalhin si Phil papunta sa kanyang kotse ay mas nahirapan akong madala siya papunta sa aming silid. Masyado kasi siyang malikot at nag-aalala ako na baka mahulog kami sa hagdanan. Kaya nang tuluyang maipasok ko siya sa aming silid ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.Pasalamat din ako na lahat ng mga katulong ay nasa loob na ng kani-kanilang silid at nagpapahinga na nang dumating kami. Hindi nila nakita si Phil na kumikilos na parang bata dahil sa sobrang kalasingan. Tiyak na walang mukhang maihaharap si Phil sa mga katulong niya sakaling nakita nila siya na malayo sa araw-araw nilang nakikita na pag-uugali nito."Amber," mahinang ungol ni Phil habang nakadapa sa ibabaw ng kama."Huwag ka nang maingay at matulog ka na lang ng mahimbing," kausap ko sa kanya kahit alam ko na hindi naman magre-rehistro sa kanyang utak ang sasabihin ko.Napangiti ako nang makita kong nasa ulo pa rin niya ang headband na bunny. Tiyak na magugulat siya kapag nagising siy
Amber PovPaggising ko kinabukasan ay mahimbing pa rin na natutulog si Phil sa kanyang puwesto. Agad akong nagtungo sa banyo para deretso nang maligo habang tulog pa siya. Tapos na akong maligo pero tulog pa rin siya kaya nagdesisyon akong lumabas ng silid namin para magtimpla ng kape.Balak ko sanang ipagluto si Phil ng sopas ngunit biglang nagbago ang aking isip nang maalala kong tinulugan niya ako kagabi habang nasa kalagitnaan kami ng masarap naming ginagawa. Kaya sa halip na ipagluto ko siya ng sopas ay sarili ko na lamang ang aasikasuhin ko. Lalabas na sana ako sa silid namin nang maalala ko ang bracelet na ibinigay sa akin ni kagabi ni Migz. Nasa bulsa pa pala iyon ng suot kong uniform at nakalimutan kong kunin. Agad kong kinuha sa laundry basket ang bracelet at isinuot ko sa aking kaliwang kamay. Wala naman dito si Migz kaya hindi niya makikita at malalaman na isinuot ko ang bracelet na ibinigay niya. Gusto ko lang namang i-try kung bagay ba sa kamay ko ang bracelet. Sa buon
Amber PovPasado alas diyes na ng gabi ngunit hindi pa rin umuuwi ng bahay si Phil. Madalas ay dumarating siya sa bahay bago mag-alas siyete at sabay-sabay kaming kumakain bago mag-alas otso ng gabi. Pero ngayon ten na ay wala pa rin siya. Hindi naman siya nagsabi na mali-late siya ng uwi dahil kapag may dinner meeting siya ay sinasabi niya sa akin o di kaya kay Lolo para hindi namin siya hintayin pa bago kami kumain. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-alala sa kanya lalo pa at umuuso ngayon ang pangingidnap ng tao. Kahit puro mga babae lamang at halos kaedad ko ang kinikidnap nila ay baka nagbago na sila ng isip at mga katulad naman ni Phil ang gusto nilang kidnapin dahil tiyak na malusog ang kanilang organs. Sinubukan kong tawagan sa kanyang cellphone si Phil pero hindi siya sumasagot. Lalo tuloy akong nakaramdam ng pag-aalala sa kanya. Nagpasya akong lumabas ng silid namin para silipin kung dumating na ba siya. Hindi na ako nagbukas ng ilaw dahil nakabisado ko na ang bawat sulok ng
Amber PovHindi ko ipinaalam kay Phil na nakita ko siya sa mall kasama sina Bovic at Pao. Hindi rin ako nagtanong kung may relasyon ba silang dalawa. Ko rin ipinakitang galit ako sa kanya dahil sa nakita ko. Baka sabihin lamang niya sa akin na masyado akong assumming. Siguro ay may lihim na relasyon silang dalawa at nagkaroon lamang ng hindi pagkakaunawaan kaya niya pinaalis noon si Bovic sa bahay na ito. At siguro para na rin makumbinsi niya akong bumalik sa bahay niya at ipagpatuloy ang nasimulan naming drama na batay sa contract na pareho naming pinirmahan."Coding ngayon ang kotse mo, Amber. Magpahatid ka na lamang kay Phil papunta sa school mo para hindi ka ma-late pagpasok," kausap sa akin ni Lolo nang makita niya akong bumaba mula sa hagdan. Akmang ibubuka ko ang bibig ko para tanggihan ang suggestion niya ngunit naunahan ako ng pagsasalita ni Phil."Nagmadali ako kaya hindi ko siya maihahatid, 'Lo," mabilis na tanggi ni Phil. At bago pa makapagsalita so Lolo ay mabilis ng lum
Amber PovKanina pa ako nakatayo at naghihintay ng masasakyang taxi ngunit wala akong masakyan. Nakakaramdam na ako ng kaba dahil mag-isa lamang akong nakatayo sa gilid ng kalsada na naghihintay ng masasakyan. Minsan lamang ang mga taxi na humihinto sa area na ito dahil kapag dumaraan sila rito ay may mga sakay na silang pasahero. Wala namang nagdaraang jeep sa lugar na ito dahil tanging mga private cars, taxi at SUV lamang ang ang nagdaraan sa lugar na ito. Ang malas ko talaga dahil unti-unti nang bumubuhos ang malakas na ulan.Gusto ko nang magpapadyak dahil wala man lang masisilungan sa bahaging ito. Kapag tumawid naman ako ng kalsada pabalik sa park ay mas nakakatakot naman doon dahil madilim. Ewan kung bakit hindi nilalagyan ng street light ng local na pamahalaan ang park na iyon. Ito lang yata ang park na walang ilaw kapag gabi. Sabagay. konti lang naman ang namamasyal sa park na iyon dahil tatlong slide lamang ang mapaglilibangan ng mga bata roon. Kaya siguro hindi na pinag-a
Amber PovNagising ako nang maramdaman ko ang mainit at malambot na bagay na dumampi sa aking mga labi. May humahalik sa akin.Agad na pumasok sa aking isip ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Sa pag-aakalang ang humahalik sa akin ay isa sa mga lalaking humahabol sa akin bago ako hinimatay ay bigla kong kinalmot ang mukha nito. Narinig ko ang kanyang pagdaing ngunit wala akong pakialam. Patuloy ko pa rin siyang kinakalmot habang sumisigaw ako ngunit hindi ko na siya muling natamaan pa."Layuan mo ako! Halimaw ka! Lumayo ka sa akin!" nagsisigaw ako habang nakapikit ang aking mga mata."Amber, calm down. It's me, Phil."Narinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Napahinto ako sa pag-atake sa kanya kasabay ng pagmulat ng aking mga mata. "P-Phil," sambit ko sa pangalan niya. Agad na tumulo ang aking mga luha at yumakap ako sa kanya ng mahigpit. Pansamantalang kinalimutan ko ang mga nakita ko tungkol sa kanya at kay Bovic. Basta ang nararamdaman ko ngayon ay masaya akong siya ang aking
Amber PovNamutawi sa aking mga labi ang mahinang ungol habang pinagbabalikan ako ng aking malay. Napangiwi ako nang maramdaman ko na masakit ang aking bahagi ng aking ulo kung saan ay walang pag-aalinlangan na pinukpok ako ng baril nang isa sa tatlong lalaking kumidnap sa akin. Akmang hihimasin ko ang aking batok ngunit hindi iyon natuloy nang matuklasan ko na nakatali pala ang aking mga kamay at ganoon din ang aking mga paa. Talagang sinigurado nila na hindi ako makakatakas kahit na magtangka man akong tumakas.Mula sa pagkakahiga sa malamig at maruming semento ay pinilit kong bumangon kahit makaupo man lang. Nang magtagumpay akong makaupo ay agad kong iginala sa aking paligid ang aking mga paningin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa aking likuran ang walang malay na si Lolo Fidel."Lolo Fidel! Wake up!" medyo malakas ang boses ang ginawa kong panggigising sa kanya para mabilis siyang magising. Agad naman itong nagmulat ng mga mata at napakunot ang noo nang makitang naroon d
Phil PovNasa loob ulit ako ng bar ni Alex at umiinom ng alak. But this time, hindi na ako nagbabasag ng bote sa halip ay tahimik lamang akong umiinom. Today is Amber and Jared's wedding kaya ako umiinom ng alak kahit na umagang-umaga. Sarado naman ang bar ng kaibigan ko dahil mamaya pang hapon ang opening ng bar niya kaya mag-isa lamang akong customer sa loob.Mabigat na mabigat ang dibdib ko sa ideyang ikakasal ngayon ang babaeng pinakamamahal ko. Ngunit kasalanan ko ang lahat kaya nararapat lamang sa akin ang sakit na nararamdaman ko ngayon."Sa halip na maglasing ka ay bakit hindi ka tumakbo papunta sa simbahan at pigilan ang kasal nina Amber at Jared? Kapag hinayaan mo silang ikasal ngayon ay habam-buhay mo itong pagsisisihan, Phil," payo sa akin ni Alex nang lapitan niya ako. Alam ko na pinoproblema niya ngayon si Mildy ngunit heto at inaalala pa niya ako kaysa ang sarili niyang problema. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa makikipagbalikan si Mildy sa kanya magmula nang makipag-b
Amber PovIsang huling sulyap sa apartment ni Mildy ang ginawa ko bago ako tuluyang naglakad palabas ng gate. Malaki ang naitulong sa akin ng apartment na ito. Ito ang naging tahanan ko ng ilang taon. At magmula mamayang gabi ay hindi na ako matitulog sa apartment na ito dahil sa bahay n ni Jared ako titira pagkatapos ng aming kasal."Sigurado ka ba talag sa desisyon mong magpakasal kay Jared, Amber? Natitiyak ka ba na hindi mo ito pagsisisihan balang araw?" tanong sa akin ni Mildy nang makapasok kami sa knyang kotse. Ang kotse niya kasi ang ginawa kong bridal car na maghahatid sa akin papunta sa simbahan kung saan naghihintay sa akin si Jared."Sa tingin mo ay hindi ako seryoso gayong nakasuot na nga ako ng wedding dress t papunta na sa simbahan para magpakasal?" naiiling na sagot ko sa kanya."Paano kung bigoang dumating si Phil sa simbahan at tumutol sa kasal mo kay Jared? Ano ang gagawin mo, Amber?" seryoso pa rin ang mukha na tanong niya sa akin.Huminga muna ako ng malalim bago
Amber PovPagmulat ko ng aking mga mata ay agad pumasok sa aking isip ang kalagayan ng aking anak. Mabilis kong kinapa ang tiyan ko at dinama kong may laman pa ba itong bata. Nakadama ako ng matinding pag-aalala para sa baby ko nang maalala ko na bigla akong dinugo habang pinipilit akong ipasok ni Phil sa kanyang kotse. Kapag may mangyaring masama sa baby ko ay hinding-hindi ko siya mapapatawad kahit na kailan."Buntis ka pala. Sino ang ama ng dinadala mo?" Napatingin ako sa aking right side nang marinig ko ang malamig na boses ni Phil. Sa sobrang pag-aalala ko sa magiging anak ko ay hindi ko napansin ang kanyang presensiya sa loob ng kuwartong kinaroroonan ko.Nang tingnan ko ang mukha ni Phil ay blangko ang expression ng kanyang mukha. Ngunit kahit hindi ko makita sa mukha niya kung ano ang reaksiyon niya sa kanyang natuklasan ay dama ko naman sa kanyang tinig ang galit. Marahil ay iniisip niyang anak ko kay Jared ng bata sa tiyan ko at hindi galing sa kanya.Mas maganda nga na iyo
Amber PovHindi ako makapaniwala mtapos kong marinig ang katotohanan mula sa bibig ng aking ama. Inamin niya sa akin ang lahat at wala siyang itinago. Natatakot daw siya na baka bigla na lamang siyang maglaho sa mundo't maisama niya sa hukay ang buong katotohanan tungkol sa pagkamatay ng mga magulang ni Phil. Inamin niya sa akin kung paano ang ginawa nila para isipin ng lahat na patay na siya.Ayon sa kuwento ng aking ama ay sa loob palang ng kotse ay parehong malalim na raw ang tulog ng kanyang mga boss dahil may halong gamot pampatulog ang kape na ipinainom niya sa kanila bago sila lumulan sa kotse. Dinala niya papunta sa lugar kung saan niya isasagawa ang planong pagpatay sa mag-asawang boss niya. Sa lugar kung saan madalang lamang ang mga nagdaraang sasakyan. At sa lugar din daw na iyon ay may malaking truck na nakaparada lamang sa gilid ng kalsada na siyang gagamitin niya para sadyaing banggain ang kotse ng kanyang boss habang nasa loob ang mga ito para isipin ng lahat na isang a
Amber Pov"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Phil," sabi ko kay Phil. Para kasi akong biglang nabingi sa kanyang sinabi sa akin."Ang sabi ko, ANG AMA MO ANG PUMATAY SA AKING AMA!" mariing ulit niya sa sinabi niya. Binigyang diin pa niya ang mga salitang hindi ko paniniwalaan.Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Hindi ako papayag na pagsalitaan at pag-isipan niya ng masama ang aking ama."Hindi mamamatay tao nag Dad ko, Phil! Kaya kung wala kang magandang sasabihin ay umalis ka na lamang!" sigaw ko sa kanya. Lalong dumilim ang mukha ni Phil nang hindi ko pinaniwalaan ang kanyang mga sinabi. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mariin ang isa kong braso."Bakit, Amber? Nasasaktan ka ba dahil sinasabi kong mamamatay tao ang ama mo? Paano naman ako? Hindi ba ako nasaktan nang pinatay niya ang mga magulang ko?" nanlilisik sa galit ang mga matang tanong niya sa akin.Akmang ibubuka ko ang aking bibig para kontrahin ang kanyang sinabi ngunit hindi iyon natuloy dahil biglang sumakit a
Amber PovMabilis kong tinakpan ng palad ko ang bibig ni Mildy dahil napalakas ang kanyang boses."Puwede bang hinaan mo ang boses mo? Baka may makarinig sa'yo," nakasimangot na sita ko sa kanya.Agad na inalis ni Mildy ang palad ko sa bibig at pinagtaasan ako ng kilay. "Nandito tayo sa loob ng kuwarto sa ospital kaya sino ang makakarinig sa'yo? At saka kahit marinig ng mga tao diyan sa labas na buntis ka ay wala naman silang pakialam dahil hindi ka naman nila kilala.""Kahit na," mabilis kong sagot sa kaibigan ko."Alam ba ni Jared ang tungkol sa kalagayan mo? At higit sa lahat ay alam ba ni Phil na ipinagbubuntis mo ang anak niya?"Tumango at umiling ako. "Ngayon lang nalaman ni Jared na buntis ako at tungkol sa pangalawa mong tanong ay hindi ang sagot ko. At katulad ng sinabi ko kay Jared ay wala akong balak na ipaalam kay Phil na magkakaanak siya sa akin," seryoso ang mukha na sagot ko sa kanya.Napailing si Mildy. "So itatago mo ang anak mo sa kanyang ama?" Hindi ako umimik kaya
Amber PovNang pagbalikan ako ng aking malay ay nasa loob na ako ng hospital at nakahiga sa hospital bed. Agad na kinapa ko ang aking tiyan na hindi pa naman gaanong maumbok sa pag-aalalang baka napahamak na ang aking baby. "Huwag kang mag-alala dahil ligtas ang baby mo," narinig kong kausap sa akin ni Jared na kapapasok pa lamang sa pintuan at naabutan ang ginawa kong pag-check sa aking tiyan. Nakahinga ako ng maluwang nang marinig ko ang sinabi ngunit bigla akong natigilan nang ma-realized kong alam na niya ang aking pagbubuntis."I'm sorry dahil itinago ko sa'yo ang totoo, Jared. Pero maniwala ka na hindi ko binalak na ipaako sa'yo ang bata. Balak ko rin sabihin sa'yo ang tungkol sa pagbubuntis ko kapag handa na akong makipag-usap sa'yo tungkol sa bagay na ito," paumanhin ko sa kanya. Maintindihan ko kung lalayo na siya sa akin ngayong nalaman niyang buntis ako at si Phil ang ama. Hindi naman kasi lahat ng lalaki ay kayang tanggapin ng buong puso ang anak aa ibang lalaki ng babaen
Amber PovKagaya ng sinabi ni Jared ay stop muna ako sa nighlife. Nanatili lamang ako sa apartment kahit na sobrang bored na ang pakiramdam ko. Sinunod ko rin ang payo sa akin ng doktor. Iningatan ko ang aking sarili hindi lamang para sa kapakanan ko kundi para na rin sa kapakanan ng baby sa aking sinapupunan.Hindi pa alam ni Jared ang tungkol sa magiging anak namin ni Phil. Aminin ko man o hindi ngunit nag-aalala ako na baka hindi niya matanggap ang aking baby sa ibang lalaki. Although malulungkot ako kapag hindi kayang tanggapin ni Jared ang bata ngunit mas lamang ang mararamdaman kong disappointment. Dahil iniisip kong naiiba siya sa lahat ng mga lalaki. Hindi siya judgemental na tao. Pero okay lang din kahit na hindi niya tanggapin ang anak ko dahil hindi na ako mapipilitan pang magpakasal sa kanya. Ginamit ko lang naman talaga siya para pasakitan at ipamukha kay Phil na nakapag-move on na ako sa kanya ngunit kinarma ako kaya nauwi sa totohanan ang pagpapanggap ko na may gusto ak