Share

C5

Sakit non ah, sinamaan ko ito ng tingin perp umiwas lang ito saka tumawa ng mahina.

"Ang takaw, hindi naman tumataba.." natatawa nitong sabe. Hindi ko pinansin ang nag focus muna sa pag lunok. Nilagok ko kase ang isang sandwich tapos sunod sunod na ang subo ko so sobrang sabik makapunta na sa paaralan.

Ang dami pang bilin si mommy at daddy pero parang wala akong narinig. Ang tanging nasa isip ko lang ay nasa school. iniisip ko kong anong magiging buhay ko doon. Sabik na sabik na ako hindi na ako makapag hintay. Tinapos ko kaagad ang pagkain ko saka ako dumiretso sa sala para hintayin si sky, ang bagal pa naman kumilos non.

"kay sky ka muna ngaun sasabay para mahatid ka ni sky.." si dad yan kanina sa dining area pa. Pero ok naring sasabay ako kay sky para turuan niya ako kong anong pasikot sikot doon. Nadatnan ko ang kapatid kong si Klyde na nag lalaro parin ng xbox. Hindi man lang kumain muna.

"Goodmorning Klyde pangit.." nakangiti kong sabe saka ko tinabihan ito at hinalikan sa pisngi.

"what did u say?" singhal nito sa akin. Tiningnan ko itng nanlalaki ang mata. hindi na ako nag salita dahil ayoko ng ulitin na sabihin un. Lumipad na naman ang isipan ko sa paaralan dahilan para mapangiti ako ng wala sa sarili.

"LET'S GO KYLEE.."

Kaagad akong tumayo ng marinig ko ang boses ng kapatid kong kakababa lang. Ngumiti agad ako ng malaki dahilan para mapailing nalang si Sky. Sumunod kaagad dito paglabas ng bahay at tumambad kaagad sa amin ang sports car nitong kotse.

"Get in.." tamad na sabe ni sky. Kaagad akong tumakbo sa front seat. Ako pa e excited ako. Hindi ako mapakali. Sa wakas maramdaman ko na kong paano maging normal na istudyante. Panay ang ngiti ng tuluyan na kaming umalis sa bahay. Para akong baliw dito. Hindi matanggal ang ngiti ko.

"Paliparin mo Sky.." sabe ko dito dahilan para makatanggap na naman ako ng batok. Abuso na ito, pangalawang beses na. Kong hindi lang to nag mamaneho kanina ko pa kinutusan. Hindi parin ako nag patinag. Nakangiti parin ako. Ang lau naman ng paaralan na un. Nakatingin lang ako sa bintana. Tinted ang kotse ni Sky, lahat ng kotse namin tinted kaya hindi kami makikita sa loob.

Ilang sandali pa narating namin ang paaralan. Laglag ang panga ko habang nakatingin sa isang malawak ang malaking paaralan. Ramdam kong nanlaki ang mata ko. Tumingin ako sa gate at tumambad sa akin ang mga istudyanteng papasok sa loob.

OMYGOD!

Lalabas na sana ako pero hindi ko mabuksan ang pintuan. D*mn Sky. Gusto ko ng pumasok. Tiningnan ko ang kapatid ko ng masama ngunit kalmado lamang ito sa akin. Nagkabit balikat ito saka siya ulit ng nagmaneho papasok sa school. Mas lalo akong namangha habang dahan dahan kaming papasok sa malaking gate na may nakalagay na T.K UNIVERSITY.

Tumingin ako sa mga istudyanteng nag tatawanan, nag kwekwentuhan. Hindi na ako makapag hintay na makihalubilo sa kanila, kase naman wala akong kaibigan maliban nalang kay mika ang anak anakan ni mommy sa orphanage. Tumigil kami ni Sky sa parking lot? May sariling parking lot ang paaralan na ito?

Grabe, hindi ako makapaniwala. Nag park kaagad si Sky dahilan para dali dali akong lumabas. At isa lang ang masasabe ko.

WOW,JUST WOW

Grabe, ang ganda. Ang sarap sa pakiramdam na nakatapak kana sa totoong paaralan. Bumaling ako sa kapatid kong nakatingin sa akin na para bang sa lahat ng wierdo ako ang malala, hindi ko na ito pinansin at inirapan nalang.

"ackk ang pogi.."

"hot.."

Napabaling ako sa mga gropu ng babaeng kakalabas lang Van at sa likod ko kaagad ang mata nilang parang naging heart. Tiningnan ko ang likod ko at ang kapatid ko lang naman anh andito.

Napangisi ako sikat pala ang isang to, dapat kumakaway ito sa mga admirer niya pero wala man lang pakialam, para hindi nag eexcist ang mga taong nasa harapan namin.

"Let's go, we need to get ur schedule.."

Hinigit ako ni sky palau doon sa mga babaeng tumitili. Tumatalon ako habang naglalakad kasama si sky. Lagi akong nahuhuli kong maglakad kase hindi ko mapigilang hindi mamangha sa bawat nakikita ko. Napamaang ang bibig ko sa tuwing meron akong nakikitang kahanga hanga. Ilang sandali kaming naglakad hangang sa huminto kami sa malaking room na merong nakalagay nito sa itaas ng pintuan na "DEAN OFFICE"

Hinigit ako ni sky papasok. Tumango ako. Ito na siguro ang sinasabe ni sky. Kumatok kami ng tatlong beses bago namin narinig ang boses babae sa loob. Pumasok kaagad kami at tumambad sa akin ang matandang ginang na naka upo sa mesa nito na may nakalagay na GLORIA FERRER.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong officer na ito at tumambad sa akin ang mga award ng paaralang ito. Ang daming award ang natanggap ng school na ito. Hindi ko tuloy mapigilang hindi makaramdam ng sabik. Binalik ko ang paningin ko kay sky na ngayoy nakikipag usap sa Dean, merong ito binigay na papel kay sky bago ko narinig ang...

"thank you." rinig kong sabe ni sky. Nag paalam muna kami sa dean bago kami lumabas. Nilahad kaagad sa akin ni sky ang papel kanina at tiningnan ko ito.

"yan na ang schedule mo. Diyan mo malalaman kong anong unang klase mo at susunod. Be careful kylee.." tiningnan ko ito ng mabuti bago ako tumango ng wala sa sarili kay sky. Pinitik kaagad ako ni sky sa ilong.

"Are u listening?." tumango ulit ako. Nanatili ang mata ko sa schedule ko. Kailangan kong isaulo to lahat para hindi ko na kailangan tingnan to. Tumango tango ako bago ako tumalikod.

"where are u going?." pinigilan ako ni sky sa pamamagitan ng pag hawak sa braso ko. Tiningnan ko ito ng naka kunot noo.

"pupunta na ako sa first class ko." nguso kong sabe. Umiling ang kapatid ko at pumikit ang mariin na para bang ang laki ng problema. Ano bang problema ng lalaking to?

"alam mo ba kong saan." inis na tanong nito. Pinagdiki ko ang mga labi ko dahil talagang hindi ko alam pero..

"E d hahanapin ko. Come on sky, ako na lang mag isang mag hanap." tumakbo kaagad ako pagkatapos kong sabihin un. Narinig ko kaagad ang tawag nito sa akin at malulutong nitong mura. Kumaway ulit ako ng isang beses

Tumakbo ako hanggang sa makalau ako kay sky. Hindi ko na alam kong saan na ako ng parte ng paaralang ito ng huminto ako. Hinabul ko ang hininga ko at tumingin sa paligid. Unti unting dumadami ang mga tao habang tumatagal. Tiningnan ko ang schedule ko. Di bale na mag tatanong nalang ako. Nagsimula akong maglakad. Tumingin tingin ako sa paligid dahil hindi ko talaga mapigilang hindi mamangha. Napangiti ako ngunit kaagad un napalitan ng gulat ng merong isang taong marahas na humila sa akin.

SH*T!

Napapikit ako sa gulat dahil sa biglaang pag hila sa akin. Hinigit ako ng kong sino. Dahil sa gulat ko bumilis ang tibok ng puso ko. Sino ba ang marahas na humila sa akin. Dumilat ako upang tingnan ito at nanlaki ang mata ko kong sino ito.

Huminto kami sa harapan ng mga kaibigan nito. Nanlaki ang mata ko. Naka upo silang lahat sa isang round table na gawa sa semento.

"anyway I haven't introduced my girlfriend properly all of you. She slapped me big time that time because she jeoloues." napasinghap kaagad ako ng hinila ako nito habang sinasabe ang mga katagang un. Tiningan ko siya na nanlaki ang mata pero ang manyak na ito kinindatan lang ako.

"hindi to-"

bago pa ako makapag salita. Kaagad nitong tinapakpan ang bibig ko gamit ang mga palad nito dahilan para hindi na ako makapag salita. Nag pumiglas ako. Sinubukan kong mag salita pero hindi naman nila maintindihan.

"See? Galit na naman." nakangising nitong sabe. Tiningnan ko ito ng masama pero alam kong walang saysay on.

"seryoso naba Enzo?." biglang tanong ng isa sa mga kaibigan nila. Ngumisi lamang ang tinawag nilang enzo at hindi na nagsalita.

Hindi nga ako ang girlfriend e. Hindi ko nga kilala ang lalaking to.

"go to go. Kailangan ko pang lambingin." paalam ni Enzo sa mga kaibigan bago ulit ako hinila palau. Humarap pa ako sa mga kaibigan nito at.

"HINDI AK--"

Tinakpan ulit niya ang bibig ko. Naiinis na ako sa lalaking to ah. Hinigit na ako nito palau doon bago kami huminto sa isang room na luma na. Hinarap ko ito at tiningnan ng masama.

"Bayad kana sa utang mo." bungad nito sa akin. Nanlaki ang mata ko. Anong utang? Ngumisi sa akin ang Enzo na tinawa nila kanina.

"You slapped me big time, little girl infront of them. Pinahiya mo ako kaya kailangan mong pag bayaran un." natahimik ako. Alam kong meron akong kasalanan pero hindi naman pwedeng ganito. Naguilty naman ako sa pagsampal ko e. Ngumuso ako.

Ibubuka ko sana ang bibig ko para sana mag salita pero pinigilan niya ako. Tiningnan ako nong Enzo. Mula ulo hanggang paa. Kinagat nito ang pang ibabang labi nito bago umiwas ng tingin.

ENZO POV.

Iniwan ko na ang babaeng un habang naka kunot noong nakatingin sa akin. She's cute. Napangisi ko bago ko hinawakan ang panga ko. Pakiramdam ko hanggang ngaun ramdam ko parin ang sampal nito. Umalis kaagad ako sa lumang room kong saan ko siya dinala kanina.

Nakita ko siya kaninang tumatabko. Kala ko nag mamalikmata lang ako pero totoo. Andito nga siya. Iisang paaralan lang ang pinasukan namin. Hinila ko ito habang abala ito sa pagtiningin sa paligid. Ang weird ng babaeng to. Parang ngaun lang naka kita ng paaralan.

Pinakilala ko itong girlfriend ko dahil napahiya talaga ako nong sinampal ako nito. Sa harap ng kaklase ko sinampal ako. Kahit kailan hindi ko pa naranasang masampal ng babae. Nagtataka din ako sa babaeng un. Wala man lang ba ka apekto ang kagwapohan ko. Umiling ako dahil alam ko sa sarili ko kakaibang babaeng un.

Dumiretso kaagad ako sa tiger's room. Pumasok kaagad ako at tumambad sa akin ang tatlo kong kaibigan na abala sa kong anong bagay. Nakangiti akong pumasok at umupo sa tabi ni Ethan na abala sa phone. Nilingon ako nito.

"Ue creepy dude." nandidiring sabe nito ng makita ang ngiti sa labi ko. Umiling ako at kumuha lamang ng alak sa mesa na nasa harapan namin.

Pumasok ulit sa imahe ko ang babaeng nanampal sa akin. Napangiti ako ng wala sa sarili. She's beautiful. Lahat napapatingin dito. She's head turner d*mn. Ngaun ko palang ito nakita ditong pumasok. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko ng maalala ko kong gaano ito kabango. She's smell so good. Hindi ko makakalimutan ang pabango nito.

Bumalik akosa ulirat ng bumukas ang isang pintuan ng gym namin dito sa malaking room at lumabas doon si Yuan na pawis na pawis habang naka topless lang. Galing na naman to sa pag work out.

"nag simula naba?." tanong nito sa akin. ang ibig niyang sabihin ay ung nag simula naba ang klase. Umiling ako bilang sagot. Tumango ito at umakyat sa ikalawang palapag. Tahimik lang akong umiinom ng alak habang nasa isip ko parin ang babae kanina.

Hindi ako makapaniwala na makikita ko ulit ito. Nilagok ko ang isang alak dahilan para mapatingin sa akin si Ethan. Ngumisi ito

"easy." nakangisi nitong sabe. Umiling lang ako kasabay non ang pag tunog ng phone ko. Tiningnan ko ulit at tumambad sa akin ang sunod sunod na text sa akin ng mga babae.

D*MN IT!

Tumawa si Ethan bago niya tinapik ang balikat ko at natatawang umakyat sa taas. Inis kong ini off ang phone ko bago din ako sumunod sa taas para maka handa sa unang pasok.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status